Wikang Sebwano
Ang Wikang Sebwano (Sebwano: Sinugboanon) ay isang wikang Austronesyo na sinasalita sa timugang bahagi ng Pilipinas. Sa impormal na usapan, tinatawag itong Bisaya o Binisaya (bagaman hindi ito dapat ipagkamali sa ibang wikang Bisaya).[a] Sinasalita ito ng mga Bisaya na katutubo sa mga pulo ng Cebu, Bohol, Siquijor, ang silangang bahagi ng Negros, ang kanlurang bahagi ng Leyte, mabaybaying lugar ng Hilagang Mindanao at silangang bahagi ng Zamboanga del Norte dahil sa mga pamayanang Espanyol noong ika-18 siglo. Sa modernong panahon, kumalat na rin ito sa Rehiyon ng Davao, Cotabato, Camiguin, mga bahagi ng Kapuluang Dinagat, at mga kapatagan ng Caraga, kadalasang nagpapalit sa mga katutubong wika sa mga lugar na iyon (karamihan sa mga ito ay may malaking kaugnayan sa wika).[2][3]
Sebwano | |
---|---|
Bisaya, Sinugbuanon | |
Katutubo sa | Pilipinas |
Rehiyon | Gitnang Kabisayaan, silangang Negros, kanlurang bahagi ng Silangang Kabisayaan, at karamihang bahagi ng Mindanao |
Pangkat-etniko | Mga Bisaya (mga Sebwano, Boholano, Eskaya, atbp.) |
Mga natibong tagapagsalita | 20 milyon (2023)[1] |
Mga diyalekto |
|
Latin (Alpabetong Sebwano) Braille ng Pilipinas Sa kasaysayan, Badlit | |
Opisyal na katayuan | |
Wikang rehiyonal sa Pilipinas | |
Pinapamahalaan ng | Akademyang Bisaya Komisyon sa Wikang Filipino |
Mga kodigong pangwika | |
ISO 639-2 | ceb |
ISO 639-3 | ceb |
Mga pook sa Pilipinas kung saan sinasalita ang wikang Sebwano bilang katutubong wika |
Habang wikang Tagalog ang may pinakamalaking bilang ng mga katutubong mananalita sa mga wika ng Pilipinas ngayon, wikang Sebwano ang may pinakamalaking populasyon ng katutubong mananalita sa Pilipinas mula d. 1950 hanggang mga d. 1980.[4] Ito ang pinakamalawak na sinasalita sa mga wikang Bisaya.[5]
Ang Sebwano ay lingguwa prangka ng Gitnang Kabisayaan, mga kanlurang bahagi ng Silangang Bisayas, mga ilang kanlurang bahagi ng Palawan at karamihan ng mga bahagi ng Mindanao. Nanggaling ang pangalan ng wika mula sa pulo ng Pilipinas ng Cebu na hinulapi ng Kastilang -ano (nangangahulugang likas, o isang lugar). Ito ang pinagmulan ng Pamantayang Sebwano.[2] Pangunahing wika rin ang Sebwano sa Kanlurang Leyte—lalo na sa Ormoc. May tatlong letrang kodigo ang Sebwano sa ISO 639-2 na ceb, ngunit walang ISO 639-1 na dalawang letrang kodigo.
Katawagan
baguhinHinango ang salitang Sebwano mula sa "Cebu"+"ano", isang kalkong Latin na nagpapakita ng Kastilang pamanang kolonyal ng Pilipinas. Kadalasan, Bisaya ang tawag nito ng mga nagsesebwano at kahit mga taong sa labas ng Cebu.[kailangan ng sanggunian]
Gayunpaman, hindi tanggap ang pangalang Sebwano ng lahat ng mga nananalita nito. Tumutol ang mga ibang nananalita nito sa mga ilang bahagi ng Leyte, Hilagang Mindanao, Rehiyon ng Davao, Caraga, at Tangway ng Zamboanga sa pangalan ng wika at sinasabi nila na nagmula ang kanilang mga ninuno sa mga nananalita ng Bisaya na katutubo sa kani-kanilang mga lugar at hindi mula sa mga imigrante o dayuhan mula sa Cebu. Higit pa rito, tinutukoy nila ang kanilang etnisidad bilang Bisaya sa halip na Sebwano at ang kanilang wika bilang Binisaya sa halip na Sebwano.[6]
Inilarawan ng mga lingguwistikong pag-aaral sa mga wikang Bisaya, lalo na ang gawa ni R. David Paul Zorc, na "Sebwano" ang sinasalitang wika sa Cebu, Negros Occidental, Bohol (diyalektong Boholano), Leyte, at karamihan sa bahagi ng Mindanao. Ang mga pag-aaral ni Zorc sa wikang Bisaya ay nagsisilbing bibliya ng linggwistika sa pag-aaral ng mga wikang Bisaya. Naglathala si Rodolfo Cabonce, S.J., isang Hesuwitang dalubwika at tubong Cabadbaran, ng dalawang diksiyonaryo noong nakatira siya sa Cagayan de Oro at Manolo Fortich sa Bukidnon: isang diksiyonaryong Sebwano-Ingles noong 1955, at isang diksiyonaryong Ingles-Sebwano noong 1983.[7]
Noong panahon ng mga Kastila, Visaya ang pagtukoy ng mga Kastila sa mga nananalita ng Hiligaynon, Sebwano, Waray, Kinaray-a, at Aklanon at itinuring na magkapareho itong mga wika.[8]
Pamamahaging heograpikal
baguhinAyon sa estadistika na inilabas ng Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas para sa 2020 (ngunit inilabas noong 2023), halos 1.72 milyon ang kasalukuyang bilang ng mga sambahayan na nagsasalita ng Sebwano,[9] at halos 6.5% ng populasyon ng bansa ang nagsasalita nito sa bahay. Gayunpaman, sa isang dyornal na inilathala noong 2020, tinantiyang 15.9 milyon ang bilang ng mga nagsasalita na ibinatay naman sa isang pag-aaral noong 2019.[10]
Sinasalita ang Sebwano sa mga lalawigan ng Cebu, Bohol, Siquijor, Negros Oriental, hilaga-silangang Negros Occidental (pati na rin ang munisipalidad ng Hinoba-an at mga lungsod ng Kabankalan at Sipalay sa kalakhang bahagi, kasabay ng Ilonggo), timog Masbate, mga kanlurang bahagi ng Leyte at Biliran (sa kalakhang bahagi, kasabay ng Waray), at malaking bahagi ng Mindanao, lalo na ang mga urbanisadong lugar ng Tangway ng Zamboanga, Hilagang Mindanao, Rehiyon ng Davao, Caraga at ilang bahagi ng Soccsksargen (kasabay ng Ilonggo, Maguindanao, mga katutubong wika sa Mindanao at sa maliit na lawak, Ilokano).[2] Sinasalita rin ito sa ilang malalayong baranggay ng San Francisco at San Andres sa Lalawigan ng Quezon sa Luzon, dahil malapit ito sa mga nagse-Sebwanong bahagi ng Pulo ng Burias sa Masbate. Sa ilang mga diyalekto ng Sebwano, may iba silang pangalan para sa wika. Tinatawag itong "Boholano" o "Bol-anon" ng mga taga-Bohol. Samantala, "Kana" ang tinatawag ng mga nagse-Sebwano sa Leyte para sa kanilang diyalekto (Sebwano ng Leyte o Leytenyo). Tinutukoy ang wika sa pangalang Binisaya o Bisaya ng mga nagsasalita nito sa Mindanao at Luzon.[11]
Balarila
baguhinMga panghalip
baguhinPalagyo | Paari1 | Paari2 | Palayon | |
---|---|---|---|---|
Pang-isahang ika-1 tao | ako, ko (Tagalog: ako) | nako, ko (ko) | ako, akoa (aking) | kanako, nako (sa akin) |
Pang-isahang ika-2 tao | ikaw, ka (ikaw) | nimo, mo (mo) | imo, imoha (iyong) | kanimo, nimo (sa iyo) |
Pang-isahang ika-3 tao | siya | niya | iya, iyaha (kaniyang) | kaniya, niya (sa kaniya) |
Pangmaramihang kabilang ang ika-1 tao | kita, ta (tayo) | nato (natin) | ato, atoa (ating) | kanato, nato (sa atin) |
Pangmaramihang di-kabilang ang ika-2 tao | kami, mi (kami) | namo (namin) | amo, amoa (aming) | kanamo, namo (sa amin) |
Pangmaramihang ika-2 tao | kamo, mo (kayo) | ninyo | inyo, inyoha | kaninyo, ninyo (sa inyo) |
Pangmaramihang ika-3 tao | sila | nila | ila, ilaha (kanilang) | kanila, nila (sa kanila) |
Talasalitaan at hiniram na salita
baguhinWikang Austronesiyo ang Sinugbuanon, at marami itong katumbas na salita sa ibang mga wika ng Filipinas at iba pa.
Ang Sebwano ay maraming salitang hango sa wikang Kastila, tulad ng krus [cruz], swerte [suerte] at brilyante [brillante]. Marami rin itong nahiram na salita sa Ingles. Mayroon din na galing sa salitang Arabo.
Mga salita at parirala
baguhinMga bilang
baguhinKardinal | Ordinal | |
---|---|---|
1 | usà | isa |
2 | duhà | dalawa |
3 | tulò | tatlo |
4 | upàt | apat |
5 | limà | lima |
6 | unòm | anim |
7 | pitò | pito |
8 | walò | walò |
9 | siyàm | siyàm |
10 | napú'ô | sampu |
Mga pagbati
baguhinTagalog | Cebuano |
---|---|
Kumusta? | Komosta? |
Magandang umaga. | Maayong buntag. |
Magandang tanghali. | Maayong udto. |
Magandang hapon. | Maayong hapon. |
Magandang gabi. | Maayong gabii. |
Paalam. | Adios. (Bihira)
Babay. (Di-pormal, galing sa Ingles na “Goodbye” o “Bye-Bye”) |
Ingat. | Ayo-ayo. (Pormal)
Amping. |
Hanggang sa muli | Hangtod sa sunod nga higayon. |
Salamat. | Salamat. |
Maraming salamat. | Daghang salamat.
Daghan kaayong salamat. |
Walang anuman. | Walang sapayan. |
Huwag (pautos) | Ayaw |
Ewan. | Ambot. |
Oo. | O. |
Baka | Tingali
Basin |
Hindi. | Dili. |
Wala. | Wala. |
Sino? | Kinsa? |
Ano? | Unsa? |
Saan? | Diin? (Pangnakaraan)
Ása? (Pangkasalukuyan) |
Alin? | Hain? |
Kailan? | Kanus-a? |
Paano? | Giunsa? |
Mga Sebwano na salita sa bawat lugar
baguhinKabisayaan
baguhin- Purong Sebwano (Northern Cebuano)
(Salitang purong Sebwano (Bisaya) na mayroong salita-ng Boholano at Waray).
- Gitnang Visayas (Rehiyon ng 7)
- Kanlurang Visayas (Rehiyon ng 6)
- Silangang Visayas (Rehiyon ng 8)
Mindanaw
baguhin- Chavacano, Bisaya (Western Cebuano)
(Salitang mayroong halong "Chavacano Zamboanga", na mayroong salitang (Bisaya) "Sebwanong Wika" at kasama ang ka-Musliman).
- Tangway ng Zamboanga (Rehiyon ng 9)
- Bisaya, Bisdak (Central Cebuano)
(Salitang Purong Bisaya-"Malalim na Bisaya" (Sebwano), na mayroong halong "Mababaw na Bisaya" (Bisdak)).
- Hilagang Mindanao (Rehiyon ng 10)
- Bisdak, Dabawenyo, Bl'aan (Southeastern Cebuano)
(Salitang mayroong halong "Davaoeño", na mayroong kasamang "Mababaw na Bisaya" (Bisdak) at isinama ang Bl'aan, (Sarangani)).
- Rehiyon ng Davao (Rehiyon ng 11)
- Bisdak, Bl'aan, Manobo, Muslim (Southern Cebuano)
(Salitang "Mababaw na Bisaya" (Bisdak), na mayroong kasamang Manobo (Cotabato) at isinama ang Ka-musliman).
- SOCCSKSARGEN (Rehiyon ng 12)
- Bisdak, Kamayo, Surigaonon (Eastern Cebuano)
(Salitang "Mababaw na Bisaya" (Bisdak), na mayroong Kamayo (Surigao), at isinama ang Surigaonon).
- Caraga (Rehiyon ng 13)
- Lalawigan ng Hilagang Agusan
- Lungsod ng Butuan
- Lalawigan ng Timog Agusan
- Isla ng Dinagat (halong Surigaonon)
- Lalawigan ng Hilagang Surigao (halong Surigaonon).
- Lalawigan ng Timog Surigao (halong Surigaonon)
Talababa
baguhin- ↑ Hindi inirerekomenda ng maraming lingguwista ang pagtutukoy sa wika bilang Binisaya, dahil maaari itong ipagkamali sa mga iba pang wika sa mga wikang Bisaya.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Population Projection Statistics" [Estadistika ng Prodyeksiyon ng Populasyon]. psa.gov.ph (sa wikang Ingles). 28 Marso 2021. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 26, 2023. Nakuha noong 20 Mar 2024.
- ↑ 2.0 2.1 2.2 Wolff 1972
- ↑ "Cebuano" [Sebwano]. Ethnologue (sa wikang Ingles). Nakuha noong 6 September 2018.
- ↑ Ammon, Ulrich; Dittmar, Norbert; Mattheier, Klaus J.; Trudgill, Peter (2006). Sociolinguistics: An International Handbook of the Science of Language and Society [Sosyolingguwistika: Isang Pandaigdigang Hanbuk ng Agham ng Wika at Lipunan] (sa wikang Ingles). Bol. 3. Walter de Gruyter. p. 2018. ISBN 9783110184181.
- ↑ "Language Specific Peculiarities Document for Cebuano as Spoken in the Philippines" [Dokumento ng Mga Partikular na Katangian ng Wika para sa Sebwano na Sinasalita sa Pilipinas] (PDF). Linguistic Data Consortium. Enero 12, 2020.
- ↑ Endriga 2010
- ↑ Cabonce S.J., Rodolfo. 2007. English-Cebuano Visayan dictionary [Bisayang Diksiyonaryong Ingles-Sebwano], An. National Bookstore: Mandaluyong.
- ↑ González Fernández, Ramón (1877). Anuario Filipino para 1877; Segunda Edición del Manual del Viajero en Filipinas. Manila: Establecimiento tipográfico de Plana y Ca. p. 37. Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 10, 2023. Nakuha noong Hunyo 11, 2023.
- ↑ "Tagalog is the Most Widely Spoken Language at Home (2020 Census of Population and Housing) | Philippine Statistics Authority | Republic of the Philippines" [Tagalog ang Pinakamalawak na Sinasalitang Wika sa Tahanan (Sensong 2020 ng Populasyon at Mga Bahay) | Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas | Republika ng Pilipinas]. psa.gov.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-03-21.
- ↑ Dreisbach, Jeconiah Louis; Demetrio III, Feorillo Petronillo A. (October 2020). "Intergenerational Language Preference Shift Among Cebuanos on the Cebuano, Filipino, and English Languages" [Interhenerasyonal na Pagbabago ng Ginugustong Wika sa mga Sebwano sa Mga Wikang Sebwano, Filipino, at Ingles]. LLT Journal: A Journal on Language and Language Teaching (sa wikang Ingles). 23 (2): 220–240. doi:10.24071/llt.v23i2.2581.
- ↑ Pangan, John Kingsley (2016). Church of the Far East [Simbahan ng Malayong Silangan] (sa wikang Ingles). Makati: St. Pauls. p. 19.
Mga panlabas na kawing
baguhinMga kurso sa web
baguhin- Kurso mula sa Language Links Naka-arkibo 2008-04-10 sa Wayback Machine.
- Kurso mula sa The Cebu Website
- Cebuano Study Notes Naka-arkibo 2011-07-17 sa Wayback Machine., ni Tom Markingt4r
Balarila
baguhinMga talahulugan
baguhin- A Dictionary of Cebuano Visayan Naka-arkibo 2010-09-16 sa Wayback Machine., talahulugang Sebwano–Inggles ni John U. Wolff
- Bidirectional English-Cebuano Dictionary Naka-arkibo 2007-02-10 sa Wayback Machine., mula sa Foreignword
- Philippine Online Dictionary, mula sa Bohol.ph
- German-Tagalog-Cebuano-English Dictionary Naka-arkibo 2008-05-09 sa Wayback Machine., ni Richard Tschumpel
- English-Cebuano Glossary Naka-arkibo 2006-09-27 sa Wayback Machine., mula sa Language Links
Mga tekstong pangmag-aaral
baguhin- Visayan Folktales Naka-arkibo 2007-02-08 sa Wayback Machine.