Bagyong Karding
Ang Super Bagyong Karding, (Pagtatalagang pandaigdig: Super Bagyong Noru) ay isang malakas na bagyo na tumama sa Luzon, Pilipinas. Ito ang isa sa pinakamalakas na bagyong tumama sa bansa noong 2022.
Matinding bagyo (JMA) | |
---|---|
Kategorya 5 (Saffir–Simpson) | |
Nabuo | Setyembre 21, 2022 |
Nalusaw | Setyembre 30, 2022 |
Pinakamalakas na hangin | Sa loob ng 10 minuto: 180 km/h (110 mph) Sa loob ng 1 minuto: 265 km/h (165 mph) |
Pinakamababang presyur | 914 hPa (mbar); 26.99 inHg |
Namatay | 40 nasawi, 5 nawawala |
Bahagi ng Panahon ng bagyo sa Pasipiko ng 2022 |
Ang ika-11 na bagyo sa Pilipinas, ito ay unang namataan bilang isang tropikal depresyon sa loob ng PAR ng JMA, at binigyang pananda naman ng JTWC bilang 95W habang isa pa siyang low pressure area (LPA). Ilang oras ang lumipas, ang JTWC ay naglabas ng isyu na itaas ang kategorya sa bagyo, ika-22 ng Setyembre ng binigyang pangalan ng PAGASA bilang Karding at ng JMA bilang Noru sa internasyonal na pangalan nito.[1][2][3][4]
Mahigit 40 na tao ang nasawi dala ng hagupit ng bagyo.
Kasaysayan
baguhinIka-23 ng Setyembre ng bahagyang lumakas at umakyat sa kategoryang bagyo na si Karding sa layong 556 nmi (1,030 km; 640 mi) timog timog-silangan ng Kadena Air Base na may taglay na lakas ng hangin na aabot sa 40 knots (75 km/h; 45 mph) at bugso na 60 knots (110 km/h; 70 mph).[5][6]Ika-25 ng Setyembre nang mag bago ang track sa direksyong west south-west ito ay unang nag-landfall sa Burdeos, Quezon, pangalawang landfall ay sa General Nakar sa lalawigan ng Quezon at lalabas sa vicinity area sa Masinloc, Zambales ika-26-27 ng Setyembre.[7][8][9]Setyembre 26, 8am ng umaga ay namataan ang sentro ng bagyo sa layong 664 nmi (1,230 km; 764 milya) silangan ng Da Nang, Biyetnam na may taglay na lakas ng hangin na aabot sa 70 knots (130 km/h; 80 mph), at bugso na 100 knots (185 km/h; 115 mph). Ang bagyo ay nasa bahaging 75 km ng hilagang silangan ng Infanta, Quezon ay mabilis ang pag-lakas o ang "Explosive intensification".
Paghahanda
baguhinPilipinas
baguhinNakahanda ang lokal na pamahalaan ng mga lalawigan sa Cagayan at Isabela na posibleng daanan ng bagyong Karding na magdadala ng malalakas at mabibigat na ulan dahil sa pinaiigting na hanging Habagat mula sa Indian Ocean. Nagbabala ang NDRRMC sa mga rehiyon ng Cordillera dahil sa mga posibleng magkaroon ng landslide partikular sa lungsod Baguio.[10]Nag babala ang NDRRMC sa posibleng magiging pinsala ng super bagyong Karding sa Timog Katagalugan, Kalakhang Maynila at Gitnang Luzon, Magkakansela ang ilang mga sasakyang pandagat sa daungan sa Maynila maging ang mga paliparang Philippine Airlines at Cebu Pacific sa Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino sa Pasay, Sa mga lalawigan ng Aurora at Quezon ay ipinagbabawal ang mga mangingisda sa laot dahil sa dulot ng "Storm surge" o daluyong na aabot sa 4 hanggang 5 na metro.[11][12]
Banta
baguhinNakataas sa kategoryang 5 ang super bagyong Karding (Noru) na itinaas maman ng PAGASA sa Signal ng 5 ang isla ng Polillo sa lalawigan ng Quezon, Ang lokal na gobyerno ng Aurora at Quezon ay naghahanda sa banta ng bagyo na kung saan unang tatama ang eyewall ni Karding.[13][14]7:10 pm ng gabi ng maglandfall ang bagyong Karding sa pagitan ng Dingalan, Aurora at General Nakar sa Quezon habang binabaybay ang bayan ng General Tinio, Nueva Ecija, 8:30 pm ng gabi ng namataan ang sentro ng bagyo sa vicinity area ng Santa Rosa, Nueva Ecija na kung saan nakataas ang Signal #.4, Pasadong 10:00 pm ng gabi ng tawirin ang mga bayan ng Zaragoza, Nueva Ecija at Concepcion, Tarlac patungo sa mga bayan ng San Jose, Tarlac at Palauig, Zambales, 1:00 am Setyembre 26 ng umaga huling namataan sa Landmass ng Luzon ang bagyo 75 kilometro kanluran ng Masinloc, Zambales.[15][16]
Epekto
baguhinPilipinas
baguhinNagdulot ng malawakang pagbaha ang mga lalawigan ng Bulacan, Pampanga at Rizal dahil sa pag-apaw ng mga ilog sa Ilog Pampanga at Ilog Wawa, Ilang palayan sa mga bayan ng Concepcion at La Paz ang naapektuhan bunsod ng malakas na hangin, Sa Dingalan, Aurora ang ilang mga kabahayan ang nasira ng daluyong, na kung saan ang pangalawang pagtama ng bagyo, Itinaas sa ika-3 alarma ang Ilog Marikina dahil sa pagtaas ng tubig ulan galing sa mga kabundukan sa Montalban, Rizal.
Ika Setyembre 27, walong 8 ka-tao ang naiulat na nasawi, 5 rito ay rescuer sa San Miguel, Bulacan dahil sa rumaragasang baha, Ang NDRRMC ay nakapagtala ng 60,817 ka-tao ang apektado, At mahigit 51,811 ang mga inilikas simula pa na parating ang sentro ng bagyo.
Ang epekto ng bagyong Karding sa Gitnang Luzon ay hindi gaanong malubha, kasalungat sa mga nag daang Bagyong Santi ng 2013 at Bagyong Ulysses ng 2020, dahil sa pagsalag ng Sierra Madre range na nakahilera sa silangan bahagi ng Luzon.
Pinsala
baguhinPilipinas
baguhinMahigit ₱1.63 milyon (US$33,012) ang assistance na kakailangin ng mga naapektuhan ng bagyo, at ang iba ay manggagaling sa sanggunian ng DSWD
Isinailalim ang bayan ng San Luis at Dingalan sa Aurora, mga bayan ng Gabaldon, General Tinio at Santa Rosa sa Nueva Ecija sa "State of Calamity" dahil sa pagdaan ng bagyo, Naputol ang suplay ng telekomunikasyon at ilaw dahil sa mga natumbang poste ng kuryente na sanhi ng mga nakahambalang na puno.
Typhoon Storm Warning Signal
baguhinPSWS | LUZON |
---|---|
PSWS #5 | |
PSWS #4 | Dingalan, Aurora, hilagang-silangang Laguna, timog-silangang Nueva Ecija, silangang Rizal, Infanta, Quezon, Real, Quezon
|
PSWS #3 | gitnang Aurora, Bataan, kanlurang Bulacan, Kalakhang Maynila, hilagang Camarines Norte, silangang Cavite, gitnang Laguna, rest of Nueva Ecija, timog silangang Nueva Vizcaya, Pampanga, Pangasinan, Tarlac, Zambales
|
PSWS #2 | hilagang Aurora, Batangas, rest of Camarines Norte, rest of Camarines Sur,Catanduanes, kanlurang Cavite, Benguet, timog Isabela, timog Laguna, La Union, rest of Nueva Vizcaya, Quirino
|
PSWS #1 | Abra, timog Apayao, Burias, timog Cagayan, Ifugao, timog Ilocos Norte, Ilocos Sur, rest of Isabela, Kalinga, Marinduque, hilagang Occidental Mindoro, hilagang Oriental Mindoro, Sorsogon
|
Tingnan rin
baguhin- Super Bagyong Rolly - ay isang super bagyo na nanalasa sa Rehiyon ng Bicol.
- Bagyong Ondoy - ay isang maulang bagyo na nanalasa sa Timog Katagalugan.
- Bagyong Paeng - ay isa sa malakas na bagyong nanalasa sa Pilipinas.
- Bagyong Santi - ay isang malakas na bagyong tumama sa Gitnang Luzon.
- Bagyong Ulysses - ay isang malakas na bagyong dumaan sa Timog Luzon.
Sanggunian
baguhin- ↑ https://mb.com.ph/2022/09/23/karding-slightly-intensifies-may-hit-land-as-a-severe-tropical-storm-pagasa
- ↑ https://www.philstar.com/headlines/2022/09/22/2211453/lpa-central-luzon-now-tropical-depression-karding
- ↑ https://news.abs-cbn.com/news/09/25/22/karding-may-hit-land-as-super-typhoon-pagasa
- ↑ https://news.abs-cbn.com/news/09/25/22/karding-reaches-super-typhoon-level-ahead-of-projected-landfall
- ↑ https://newsinfo.inquirer.net/1668945/karding-intensifies-into-tropical-storm
- ↑ https://mb.com.ph/2022/09/23/pagasa-may-raise-wind-signals-over-some-northern-central-luzon-areas-by-friday-evening-due-to-karding
- ↑ https://www.gmanetwork.com/news/scitech/weather/845966/signal-no-5-up-over-two-areas-as-super-typhoon-karding-intensifies/story
- ↑ https://www.gmanetwork.com/news/scitech/weather/845954/karding-reaches-super-typhoon-category-signal-no-4-up-over-polillo-islands/story
- ↑ https://www.gmanetwork.com/news/scitech/weather/845951/signal-no-3-up-over-parts-of-aurora-5-other-areas-due-to-karding/story
- ↑ https://mb.com.ph/2022/09/23/kennon-road-closed-market-showcase-postponed-due-to-typhoon-kardings-threat
- ↑ https://www.gmanetwork.com/news/video/liveevents/602564/pagasa-briefing-on-super-typhoon-karding/evideo
- ↑ https://www.gmanetwork.com/news/serbisyopubliko/transportation/845987/pitx-cancels-trips-due-to-super-typhoon-karding/story
- ↑ https://www.gmanetwork.com/ncaa/sports/basketball/845959/ncaa-cancels-sunday-s-double-header-due-to-super-typhoon-karding/story
- ↑ https://www.gmanetwork.com/news/video/liveevents/602564/pagasa-briefing-on-super-typhoon-karding/video
- ↑ https://www.gmanetwork.com/news/topstories/nation/845973/sc-suspends-ops-in-all-courts-on-monday-in-ncr-3-other-regions-due-to-karding/story
- ↑ https://news.abs-cbn.com/news/multimedia/photo/09/25/22/super-typhoon-karding-approaches-northern-quezon
Sinundan: Josie |
Kapalitan Kiyapo (unused) |
Susunod: Luis |