Mga wika sa Pilipinas

Pangkalahatang-ideya ng mga wikang sinasalita sa Pilipinas
(Idinirekta mula sa Mga Wika ng Pilipinas)

Isa ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamaraming wika sa buong daigdig. Depende sa pinagmulan, merong humigit-kumulang 130 hanggang 195 wika sa bansa.[1][2][3][4] Sinasalita rin ang mga wikang banyaga tulad ng Ingles, Mandarin, Fookien, Cantonese, Kastila, at Arabe.

Mapa ng mga pinakasinasalitang wika sa bawat rehiyon sa Pilipinas.

Ang mga katutubong wika sa Pilipinas ay napapaloob sa pamilya ng mga wika na kung tawagin ay mga wikang Austronesyo. Ang mga ito ay ang pangkat ng mga wika na ginagamit ng mga tao mula sa Tangway ng Malay hanggang sa mga watak-watak na pulo ng teritoryong Polynesia sa Karagatang Pasipiko. Tinatayang ito ang may pinakamalaking pamilya ng mga wika sa buong daigdig. Datapwat mas maraming wika ang kasapi ng pamilyang ito kumpara sa ibang pamilya ng mga wika, maliliit lamang ang bilang na pangkalahatan ng mga taong gumagamit nito.

Sa mga katutubong wika sa kapuluang Pilipinas, ang mga sumusunod ang pinakamalaki at malimit gamitin bilang pangunahing wika sa kaniya-kaniyang rehiyon sa bansa:

Pambansang Wika ng Pilipinas

baguhin

Ayon sa Konstitusyon ng Pilipinas:

Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.

Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang medium ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.

Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hangga't walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles.

Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong na mga wikang panturo roon.

Dapat itaguyod ng kusa at opsiyonal ang Kastila at Arabic.

Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles, at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic, at Kastila.

Dapat magtatag ng Kongreso ng isang komisyon ng wikang Pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba't ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, maguugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap, at pagpapanatili.

Tala ng mga Wika

baguhin

Mayroong 186 wika sa Pilipinas, 150 dito ay nanatiling gamit pa at ang iba ay tuluyang lumipas na.

Mga Buhay na wika

baguhin

Ang mga sumusunod ang 171 na buhay na wika sa Pilipinas:

Mga patay na wika

baguhin

Sanggunian

baguhin

Tingnan din

baguhin
  1. "Philippines | Ethnologue Free". Ethnologue (Free All) (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-08-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. McFarland, C.D. (1994). "Subgrouping and Number of Philippine Languages". Philippine Journal of Linguistics (sa wikang Ingles). 25 (1–2): 75–84. ISSN 0048-3796.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Nagtala ang Komisyon sa Wikang Filipino ng 134 na wika sa Pilipinas at 1 pambansang wika (Filipino) na naroroon sa bansa sa pamamagitan ng mapa nitong Atlas Filipinas na inilathala noong 2016.
  4. "What languages are spoken in the Philippines?". Future Learn (sa wikang Ingles). 2022-07-11. Nakuha noong 2023-08-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)