Mga wika sa Pilipinas
Isa ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamaraming wika sa buong daigdig. Depende sa pinagmulan, merong humigit-kumulang 130 hanggang 195 wika sa bansa.[1][2][3][4] Sinasalita rin ang mga wikang banyaga tulad ng Ingles, Mandarin, Fookien, Cantonese, Kastila, at Arabe.
Ang mga katutubong wika sa Pilipinas ay napapaloob sa pamilya ng mga wika na kung tawagin ay mga wikang Austronesyo. Ang mga ito ay ang pangkat ng mga wika na ginagamit ng mga tao mula sa Tangway ng Malay hanggang sa mga watak-watak na pulo ng teritoryong Polynesia sa Karagatang Pasipiko. Tinatayang ito ang may pinakamalaking pamilya ng mga wika sa buong daigdig. Datapwat mas maraming wika ang kasapi ng pamilyang ito kumpara sa ibang pamilya ng mga wika, maliliit lamang ang bilang na pangkalahatan ng mga taong gumagamit nito.
Sa mga katutubong wika sa kapuluang Pilipinas, ang mga sumusunod ang pinakamalaki at malimit gamitin bilang pangunahing wika sa kaniya-kaniyang rehiyon sa bansa:
- Tagalog: Wikang batayan ng Filipino. Pangunahing wika ng mga naninirahan sa katimugang bahagi ng Luzon. Sinasalita ng 24% ng kabuuang bilang ng mga Pilipino sa buong kapuluan. Taal na gamit sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Bataan, Batangas, Rizal, Quezon (kilala rin sa tawag na CALABARZON). Ginagamit rin ito sa mga lalawigan ng Mindoro, Marinduque, Romblon, at Palawan (kilala rin sa tawag na MIMAROPA), at gayon din sa ilang bahagi ng Rehiyon III. Ito rin ang pangunahing wika ng Pambansang Punong Rehiyon na siyang kabisera ng bansa.
- Ilokano: Kilala rin sa tawag na "Iloko." Pangunahing wika ng mga naninirahan sa Hilagang Luzon lalo na sa kabuuan ng Rehiyon I at Rehiyon II, at ilang bahagi ng Rehiyon III.
- Cebuano: Ang pinakakilala at pinakamalawig na wikang "Bisaya." Pangunahing wika ng lalawigan ng Cebu, Silangang Negros, Bohol, Leyte, Timog Leyte, at malaking bahagi ng Mindanao. Tinatayang sinasalita ng 27% ng kabuuang populasyon ng bansa.
- Hiligaynon: Isang wikang Bisaya na tinatawag ding Ilonggo batay sa pinakakilalang diyalekto nito mula sa Lungsod ng Iloilo. Pangunahing wika ng Kanlurang Visayas lalo na sa Iloilo, Capiz, Guimaras, kabuuan ng Negros Occidental, at sa timog-silangang Mindanao tulad ng Lungsod ng Koronadal.
- Waray: Isang wikang Bisaya na tinatawag ding Waray-Waray. Pangunahing wika ng Silangang Visayas partikular sa buong pulo ng Samar, hilagang-silangang Leyte, at ilang bahagi ng Biliran. Sinasalita sa Lungsod ng Tacloban.
- Kapampangan: Pangunahing wika ng mga naninirahan sa Gitnang Luzon partikular na sa Pampanga, timog Tarlac, at iilang bahagi ng Bulacan at Bataan.
- Bikol: Pangunahing wika (lingguwa prangka) ng mga naninirahan sa Tangway ng Bicol sa timog-silangang Luzon. Sinasalita sa mga lungsod ng Naga at Legazpi.
- Pangasinan: Malimit ding tawagin sa maling pangalan na Panggalatok. Isa sa mga pangunahing wika ng Lalawigan ng Pangasinan.
- Meranao: Isa sa mga pinakamalaking wika ng mga Moro. Pangunahing sinasalita sa Lungsod ng Marawi at buong Lanao del Sur, at ilang bahagi ng Lanao del Norte.
- Maguindanao: Isang pangunahing wika ng mga Moro at ng Autonomous Region of Muslim Mindanao. Sinasalita sa Lungsod ng Cotabato.
- Kinaray-a: Isang wikang Bisaya. Pangunahing sinasalita sa pulo ng Panay partikular sa Antique at ilang bahagi ng Lalawigan ng Capiz at Iloilo tulad ng Lungsod ng Passi.
Pambansang Wika ng Pilipinas
baguhinAyon sa Konstitusyon ng Pilipinas:
Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.
Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang medium ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.
Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hangga't walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles.
Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong na mga wikang panturo roon.
Dapat itaguyod ng kusa at opsiyonal ang Kastila at Arabic.
Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles, at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic, at Kastila.
Dapat magtatag ng Kongreso ng isang komisyon ng wikang Pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba't ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, maguugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap, at pagpapanatili.
Tala ng mga Wika
baguhinMayroong 186 wika sa Pilipinas, 150 dito ay nanatiling gamit pa at ang iba ay tuluyang lumipas na.
Mga Buhay na wika
baguhinAng mga sumusunod ang 171 na buhay na wika sa Pilipinas:
- Wikang Agta
- Agta (Alabat Island)
- Agta (Camarines Norte)
- Agta (Casiguran Dumagat)
- Agta (Central Cagayan)
- Agta (Dupaninan)
- Agta (Isarog)
- Agta (Mt. Iraya)
- Agta (Mt. Iriga)
- Agta (Remontado)
- Agta (Umiray Dumaget)
- Agutaynen
- Aklanon
- Alangan
- Wikang Alta
- Alta (Northern)
- Alta (Southern)
- Arta
- Ata
- Ati
- Atta (Faire)
- Atta (Pamplona)
- Atta (Pudtol)
- Ayta (Abenlen)
- Ayta (Ambala)
- Ayta (Bataan)
- Ayta (Mag-Anchi)
- Ayta (Mag-Indi)
- Ayta (Sorsogon)
- Balangao
- Balangingi
- Bantoanon
- Batak
- Wikang Bicolano
- Bicolano (Albay)
- Bicolano (Central)
- Bicolano (Iriga)
- Bicolano (Hilagang Catanduanes)
- Bicolano (Timog Catanduanes)
- Binukid
- Blaan (Koronadal)
- Blaan (Sarangani)
- Bolinao
- Bontoc (Central)
- Buhid
- Butuanon
- Caluyanun
- Capampangan
- Capiznon
- Cebuano
- Cuyonon
- Dabawenyo
- English / Ingles
- Espanyol / Kastila / Spanish / Castillian
- Filipino
- Finallig
- Ga'dang
- Gaddang
- Giangan
- Hanunoo
- Higaonon
- Hiligaynon
- Ibaloi
- Ibanag
- Ibatan
- Wikang Ifugao
- Ifugao (Amganad)
- Ifugao (Batad)
- Ifugao (Mayoyao)
- Ifugao (Tuwali)
- Iloko
- Ilongot
- Inabaknon
- Inonhan
- Wikang Intsik
- Intsik (Mandarin)
- Intsik (Min Nan)
- Intsik (Yue)
- Iranon probinsiya ng Shariff Kabunsuan, Maguindanao, Lanao Del sur at parte ng Zamboanga[kailangan ng sanggunian]
- Iraya
- Isinai
- Isnag
- Itawit
- Wikang Itneg
- Itneg (Adasen)
- Itneg (Banao)
- Itneg (Binongan)
- Itneg (Inlaod)
- Itneg (Maeng)
- Itneg (Masadiit)
- Itneg (Moyadan)
- Wikang Ivatan
- I-wak
- Kagayanen
- Wikang Kalagan
- Kalagan (Kagan)
- Kalagan (Tagakaulu)
- Wikang Kalinga
- Kalinga (Butbut)
- Kalinga (Limos)
- Kalinga (Lower Tanudan)
- Kalinga (Lubuagan)
- Kalinga (Mabaka Valley)
- Kalinga (Madukayang)
- Kalinga (Southern)
- Kalinga (Upper Tanudan)
- Wikang Kallahan
- Kallahan (Kayapa)
- Kallahan (Keley-i)
- Kallahan (Tinoc)
- Kamayo
- Kankanaey
- Kankanay (Northern)
- Karao
- Karolanos
- Kasiguranin
- Kinaray-a
- Magahat
- Maguindanao
- Malaynon
- Mamanwa
- Wikang Mandaya
- Mandaya (Cataelano)
- Mandaya (Karaga)
- Mandaya (Sangab)
- Wikang Manobo
- Manobo (Agusan)
- Manobo (Ata)
- Manobo (Cinamiguin)
- Manobo (Cotabato)
- Manobo (Dibabawon)
- Manobo (Ilianen)
- Manobo (Matigsalug)
- Manobo (Obo)
- Manobo (Rajah Kabunsuwan)
- Manobo (Sarangani)
- Manobo (Kanlurang Bukidnon)
- Mansaka
- Mapun
- Maranao
- Masbatenyo
- Molbog
- Wikang Palawano
- Palawano (Brooke's Point)
- Palawano (Central)
- Palawano (Southwest)
- Pangasinense
- Paranan
- Philippine Sign Language
- Porohanon
- Ratagnon
- Romblomanon
- Wikang Sama
- Sama (Central)
- Sama (Pangutaran)
- Sama (Southern)
- Sambal
- Sangil
- Wikang Sorsogon (Bicolano)
- Sorsogon (Masbate)
- Sorsogon (Waray)
- Wikang Subanen
- Subanen (Central)
- Subanen (Northern)
- Wikang Subanon
- Subanon (Kolibugan)
- Subanon (Western)
- Subanon (Lapuyan)
- Sulod
- Surigaonon
- Tadyawan
- Tagabawa
- Tagalog
- Wikang Tagbanwa
- Tagbanwa
- Tagbanwa (Calamian)
- Tagbanwa (Central)
- Tausug
- Wikang Tawbuid
- Tawbuid (Eastern)
- Tawbuid (Western)
- Tboli
- Tiruray
- Waray-Waray
- Yakan
- Yogad
- Wikang Chavacano
- Zamboangueño; Chavacano (Chabacano de Zamboanga)
- Caviteño; Chavacano (Chabacano de Cavite)
- Ternateño; Chavacano (Chabacano de Barra)
- Ermiteño; Chavacano (Chabacano de Ermita)
- Wikang Bolinao
- Hernan
Mga patay na wika
baguhin- Agta (Dicamay)
- Agta (Villa Viciosa)
- Ayta (Tayabas)
- Katabaga
Sanggunian
baguhinTingnan din
baguhin- ↑ "Philippines | Ethnologue Free". Ethnologue (Free All) (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-08-08.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ McFarland, C.D. (1994). "Subgrouping and Number of Philippine Languages". Philippine Journal of Linguistics (sa wikang Ingles). 25 (1–2): 75–84. ISSN 0048-3796.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Nagtala ang Komisyon sa Wikang Filipino ng 134 na wika sa Pilipinas at 1 pambansang wika (Filipino) na naroroon sa bansa sa pamamagitan ng mapa nitong Atlas Filipinas na inilathala noong 2016.
- ↑ "What languages are spoken in the Philippines?". Future Learn (sa wikang Ingles). 2022-07-11. Nakuha noong 2023-08-08.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)