2012 sa Pilipinas
Panunungkulan
baguhin- Pangulo: Benigno Aquino III (Liberal)
- Pangalawang Pangulo: Jejomar Binay (PDP-Laban)
- Kongreso ng Pilipinas: Ika-15 na Kongreso ng Pilipinas
- Punong Mahistrado: Renato Corona (hanggang Mayo 29); Antonio Carpio (Mayo 29-Agosto 24); Maria Lourdes Sereno (simula Agosto 24)
Kaganapan
baguhinEnero
baguhin- Enero 5 -- Ang pagguho ng lupa sa minahan ng ginto sa Lambak ng Compostela na ikinasawi ng higit sa 30-katao at mahigit isandaan pa ang nawawala.[1][2]
- Enero 13 -- Ibinalik ng Estados Unidos sa Pilipinas ang isang daang libong Dolyar na halaga na nakumpiska sa mga anak ni dating MGen. Carlos Garcia.[3]
- Enero 16 -- Nagsimula ang impeachment trial kay Punong Mahistrado Renato Corona kaugnay sa umano'y kabiguan niyang ibunyag ang lahat ng kanyang kayamanan sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).
Pebrero
baguhin- Pebrero 6 -- Nasa mga 50 katao ang namatay sa isang 6.7-magnitude na lindol malapit sa pulo ng Negros.
Marso
baguhin- Marso 1
- Marso 4 -- Ipinahayag ng mga Pilipinong may dugong Amerikano, na ipinaglalaban nila ang kanilang karapatan.[4]
- Marso 5 -- Ipinahayag ng Kagawaran ng Enerhiya na baka umabot sa isang libong piso kada tangke ang LPG.
- Marso 6 -- Pinarangalan ang Pilipinong manunulat ng Samahan ng Manunulat sa Timog Silangang Asya.
- Marso 7
- Nasunog ang 20 bahay nasunog sa Lungsod ng Mandaluyong dahil sa away ng mag-asawa.
- Pinatay ang isang Pilipina at Bangladeshi sa Singapore.
- Ipiahayag na nais makuha ng Pilipinas ang ginto sa Olympiada sa larangan ng pag-baril.
- Marso 8 -- Napili ang Pilipinong palaaral sa UK na Batang Pinunong Pandaigdig.
- Marso 9
- Iniulat na gagawin ang pagsasanay militar ng Estados Unidos at Pilipinas sa pinagtatalunang isla.
- Nagharap ang Azkals at Hilagang Korea sa kanilang laban.
- Marso 10
- Konasuhan ang mag-asawang amo ng pang-aabuso sa Pilipinang kasambahay.
- Ipinahayag na nais kunin ng bansang Brunei ang Pilipinong manlalaro ng Sopbol.
- Marso 11 -- Pinaghanda ang Kalakhang Maynila ng Phivolcs dahil sa sunud-sunod na pagyanig.
- Marso 12 -- Nagbantang titiwalag si Juan Ponce Enrile kapag binastos ang Punong Hidikatura sa paglilitis sa huli.
- Marso 13
- Ipinahayag na magsasanay ang Pilipinas at Estados Unidos sa kahandaan sa lindol gaya ng sa Bansang Hapon.
- Pinarangalan ang 155 Pilipinong taga-pamayapa sa bansang Haiti.
- Naaresto ang Pilipinang kasambahay at nobyong Pakistani sa sinasabing 'bawal na relasyon' sa Dubai.
- Marso 14 -- Ipinalabas ang kautusan sa pag-aresto kay dating pangulong Gloria Arroyo at sa kanyang asawa.
Abril
baguhin- Abril 8 -- Namataan ng Philippine Navy ang walong sasakyang militar ng mga Intsik sa paligid ng Panatag Shoal, na nagpasimula muli diplomatikong ng alitan sa mga barko mula sa Pilipinas at China.[5][6]
- Abril 30 -- Tatlong opisyales sa Taiwan at mga opisyales sa militar ang bumisita sa pinagaagawang Kapuluan ng Spratly sa Dagat Kanlurang Pilipinas.[7]
Mayo
baguhin- Mayo 1 -- Ipinahayag na takdang ibibigay ang ikaapat na bahagi ng umento sa sahod ng mga kawani ng gobyerno sa Pilipinas sa Hunyo.[8]
- Mayo 29 -- Bumoto ang 20 sa 23 Senador upang patunayang si Punong Mahistrado Renato Corona ay nagkasala sa Artikulo II ng Articles of Impeachment na isinampa laban sa kanya, na nagpa-alis sa kanya mula sa puwesto.
Hunyo
baguhin- Hunyo 23 -- Ipinatupad ang pagiging lungsod ng bayan ng Bacoor, Cavite, ang ika-139 na lungsod sa bansa, sa bisa ng Batas Republika Blg. 10160 na naunang nilagdaan noong Abril 2012, na nagsabatas na gawing lungsod ang naturang bayan.
- Hunyo 30 -- Ipinatupad ang pagiging lungsod ng bayan ng Imus, Cavite, ang ika-140 na lungsod sa bansa, sa bisa ng Batas Republika Blg. 10161 na naunang nilagdaan noong Abril 2012, na nagsabatas na gawing lungsod ang naturang bayan.
Hulyo
baguhin- Hulyo 21 -- Ipinatupad ang pagiging lungsod ng bayan ng Mabalacat, Pampanga, ang ika-141 na lungsod sa bansa, sa bisa ng Batas Republika Blg. 10164 na naunang nilagdaan noong Mayo 2012, na nagsabatas na gawing lungsod ang naturang bayan.
- Hulyo -- Nakalaya si dating Pangulo Gloria Macapagal-Arroyo nang makapagpiyansa pagkatapos manatili sa isang ospital ng militar. Inakusahan siya noong 2011 ng katiwalian at ng pandaraya noong Halalang pambatasan 2007 at inaresto noong taong iyon.
Agosto
baguhin- Agosto, unang bahagi -- Binaha ang kalahating bahagi ng kalakhang Maynila dulot ng ulang habagat na pumatay ng hindi bababa sa 85 mga tao at nakaapekto sa daan-daang libo.
- Agosto 4 -- Ipinatupad ang pagiging lungsod ng bayan ng Cabuyao, Laguna, ang ika-142 na lungsod sa bansa, sa bisa ng Batas Republika Blg. 10163 na naunang nilagdaan noong Mayo 2012, na nagsabatas na gawing lungsod ang naturang bayan.
- Agosto 11 -- Ipinatupad ang pagiging lungsod ng bayan ng Ilagan, Isabela, ang ika-143 na lungsod sa bansa, sa bisa ng Batas Republika Blg. 10169 na naunang nilagdaan noong Hunyo 2012, na nagsabatas na gawing lungsod ang naturang bayan.
Oktubre
baguhin- Oktubre -- Si dating Pangulo Gloria Macapagal-Arroyo ay naaresto muli sa isang bagong kasong katiwalian.
- Oktubre 8 -- Inisyu ang isang cease and desist order laban sa operasyon ng kumpanyang Aman Futures na nasasangkot sa panloloko.
- Oktubre 9 -- Inisyu ng Korte Suprema ng Pilipinas ang 120-day temporary restraining order upang linawin ang mga detalye ng batas na Cybercrime Prevention Act of 2012 (Batas Republika 10175) na nagpapanukalang magpataw ng parusa sa cybercrime at upang pigilan at sugpuin ang paglaganap nito.
- Oktubre 15 -- Nilagdaan sa Palasyo ng Malakanyang ang Framework Agreement on the Bangsamoro na naglalayon para sa paglikha ng isang bagong autonomous political entity, ang Bangsamoro na papalit sa Autonomous Region of Muslim Mindanao.
- Oktubre 21 -- Kanonisasyon kay San Pedro Calungsod. Siya ay ginawang santo noong ni Pope Benedict XVI sa Saint Peter Basilica sa Vatican City, ang pangalawang santo Pilipino Katoliko Romano.
Nobyembre
baguhin- Nobyembre 13 -- Isinampa ang isang reklamong etika laban kay Senador Vicente Sotto III ng hindi bababa sa 30 miyembro ng faculty ng Unibersidad ng Pilipinas, Pamantasang Ateneo de Manila, at Pamantasang De La Salle. Inakusahan ng plagiarism si Sotto ng pagkuha at paggamit sa mga bahagi ng mga talumpati mula sa anim na iba't ibang mga mapagkukunan sa Internet, sa kanyang mga talumpati.[9]
- Nobyembre 24 -- Pinangalanang kardinal ng Katoliko Romano ni Pope Benedict XVI si Kagalang-galang Arsobispo Luis Antonio G. Tagle, D.D., S.T.D. sa isang Consistory sa Vatican sa Roma. Si Tagle ay pinakabatang kardinal sa buong mundo sa edad na 55.
- Nobyembre, huling linggo -- Inaprubahan ng komite ng Mababang Kapulungan sa pampublikong impormasyon ang House Bill No. 53, na kilala rin bilang Freedom of Information Act.
Disyembre
baguhin- Disyembre 4-9 -- Nagdulot ang Bagyong Pablo (Bopha) ng malaking pagkawasak sa isla ng Mindanao, libu-libong mga tao ang nawalan ng tirahan. Ito ang pinakamalakas na bagyo na pumasok sa bansa noong 2012, at sa Mindanao sa loob ng dalawang dekada.[10]
- Disyembre 8 -- Palakasanː Boksing. Natalo si Manny Pacquiao ng kanyang kalabang si Juan Manuel Marquez pagkatapos ng ika-apat na laban sa pagitan ng dalawa na ginanap sa Las Vegas. Si Pacquiao, na kilala bilang People's Champ, ay bumagsak sa ika-6 na round sa pamamagitan ng knock-out (KO).
- Disyembre 19 -- Nilagdaan ni Pangulong Aquino III ang bagong Sin Tax Reform Law of 2012 (Batas Republika 10351) bilang isang batas.
- Disyembre 21
- Nilagdaan ni Pangulong Aquino III ang Reproductive Health Bill (Batas Republika 10354) bilang isang batas.
- Pinagkalooban ni Pangulong Aquino ang pardon sa walong matatandang preso sa panahon ng Kapaskuhan, ngunit bigong makatanggap ng pardon ang tinaguriang Abadilla 5 na sangkot sa pagpaslang kay Retired Col. Rolando Abadilla noong 1996.[11]
Mga Paggunita
baguhinMga okasyon sa italiko ay "special holidays," mga nasa bold ay ang "regular holidays."
Sa karagdagan, inoobserbahan ng maraming lugar ang mga lokal na pista opisyal, tulad ng pagkakatatag ng kanilang bayan. Ito rin ay "espesyal na araw."
- Enero 1 – Unang Araw ng Bagong Taon
- Enero 23 – Bagong Taong Tsino
- Pebrero 25 – Rebolusyong EDSA ng 1986
- Abril 5 – Huwebes Santo
- Abril 6 – Biyernes Santo
- Abril 7 – Sabado de Gloria
- Abril 9 – Araw ng Kagitingan
- Mayo 1 – Araw ng Paggawa
- Hunyo 12 – Araw ng Kalayaan
- Agosto 21 – Araw ni Ninoy Aquino
- Agosto 26 – Araw ng mga Bayani
- Oktubre 26 – Eid al-Adha
- Nobyembre 1 – Araw ng mga Patay
- Nobyembre 2 -- Araw ng mga Kaluluwa
- Nobyembre 30 – Araw ni Bonifacio
- Disyembre 25 – Araw ng Pasko
- Disyembre 30 – Araw ni Rizal
- Disyembre 31 – Bisperas ng Bagong Taon
Kamatayan
baguhin- Enero 26 -- Iggy Arroyo, dating Kinatawan ng Negros Occidental at nakababatang kapatid ni dating Unang Ginoo Mike Arroyo (isinilang Oktubre 24, 1950)
- Pebrero 18 -- Linda Estrella, aktres sa mga pelikula mula Sampaguita Pictures (isinilang Disyembre 3, 1922)
- Pebrero 29 -- Horacio Morales, Kalihim ng Kagawaran ng Repormang Pansakahan (1998-2001) (isinilang Setyembre 11, 1943)
- Marso 2 -- Isagani Yambot, beteranong periyodista at tagapaglathala ng Philippine Daily Inquirer (isinilang Nobyembre 16, 1934)
- Marso 9 -- Jose Tomas Sanchez, paring kardinal mula sa Pilipinas. (ipinanganak Marso 17, 1920)
- Marso 13 -- Karl Roy, Filipino rock icon at mang-aawit ng mga Pinoy na bandang rock (isinilang Mayo 25, 1968)
- Marso 15 -- Luis Gonzales, aktor sa mga pelikula mula Sampaguita Pictures (isinilang Agosto 10, 1928)
- Abril 5 -- Angelo Castro, Jr., news anchor at mamamahayag sa telebisyon at radyo (isinilang Marso 6, 1945)[12]
- Hunyo 26 -- Mario O 'Hara, direktor ng mga pelikulang nakakuha ng mga prangal. (isinilang Abril 20, 1946)[13]
- Hulyo 10 -- Dolphy (Rodolfo Vera Quizon), aktor at komedyante, tinawag na "Hari ng Komedya." (isinilang Hulyo 25, 1928)
- Hulyo 12 -- Maita Gomez, fashion model, kinatawan ng bansa para sa 1967 Miss World pageant at aktibista (isinilang Mayo 23, 1947)[14]
- Agosto 18 -- Jesse M. Robredo, Kalihim ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (DILG). (isinilang Mayo 27, 1958)
- Setyembre 3 -- Tito Oreta, Mayor ng Lungsod Malabon (isinilang Hulyo 30, 1939)
- Oktubre 8 -- Marilou Diaz-Abaya, direktor ng pelikula na nakakuha ng mga parangal. (isinilang Marso 30, 1955)
- Nobyembre 6 -- Julie Ann Rodelas, talent at modelo ng ABS-CBN (isinilang 1992)
- Nobyembre 10 -- Geneviere Pascasio, musikero ng rock at frontman ng bandang Grin Department (isinilang 1970)
- Nobyembre 26 -- Celso Ad. Castillo, direktor at aktor (isinilang Setyembre 12, 1943)
- Disyembre 31 - Fr. James B. Reuter, Amerikanong - Pilipinong Katoliko sa paranaque na ilibing (ipinanganak Mayo 21, 1916)
Sanggunian
baguhin- "DZMM Year-end Report" (2010, 2012, 2013, 2014). YouTube (DZMM TeleRadyo). 12-29-2014.
- "Calendar Year 2012 (Philippines)"
- "Philippines in 2012" Naka-arkibo 2016-10-11 sa Wayback Machine. Britannica.com.
- "Top 10 Deaths and Losses of 2012"[patay na link] Wikipilipinas.
- "Top 10 headlines of 2012" Naka-arkibo 2016-10-05 sa Wayback Machine. Wikipilipinas.
- "The year's top newsmakers" SPIN.PH. 12-31-2012. Hinango 09-20-2016.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Landslide kills 25 on Philippine island ravaged by rain" CNN. 01-06-2012. Hinango 12-03-2016.
- ↑ "Philippines mining landslide 'kills 25'" BBC News. 01-05-2012. Hinango 12-03-2016.
- ↑ "US returns to PHL $100k seized from sons of ex-MGen. Carlos Garcia in 2003" GMA News. 01-13-2012. Hinango 12-03-2016.
- ↑ "'Amerasians' in the Philippines fight for recognition" CNN. 03-04-2012. Hinango 12-10-2016.
- ↑ “Scarborough shoal standoff: A timeline”.Inquirer. 05-09-2012. Hinango 09-30-2016.
- ↑ "South China Sea Dispute Timeline: A History Of Chinese And US Involvement In The Contested Region" IBT. 10-27-2015. Hinango 10-15-2016.
- ↑ "Taiwan MPs visit disputed Spratlys to renew claim" Bangkok Post. 04-30-2012. Hinango 12-10-2016.
- ↑ "Ikaapat na bahagi ng umento sa sahod ng mga kawani ng gobyerno, ibibigay na sa Hunyo" GMA News. 05-01-2012. Hinango 12-10-2016.
- ↑ "Senator Robert Kennedy's daughter directly accuses Senator Tito Sotto of plagiarism; asks for public apology from the senator" Naka-arkibo 2013-02-08 sa Wayback Machine.. PEP.ph. 11-11-2012. Hinango 09-30-2016.
- ↑ "NDRRMC: Damage from Typhoon Pablo rises to P36.9B" GMA News. 12-25-2012. Hinango 09-30-2016.
- ↑ "TIMELINE: Abadilla 5" Inquirer. 09-07-2016.
- ↑ "Angelo Castro Jr. succumbs to cancer". ABS-CBN News. 04-05-2012. Hinango 09-30-2016.
- ↑ "Mario O' Hara dies of leukemia" ABS-CBN News. 06-26-2012. Hinango 09-30-2016.
- ↑ "Former Beauty Queen Maita Gomez Dead at 64" The Ultimate Fan. 07-14-2012. Hinango 09-30-2016.