Wikipedia:WikiProyekto Mga santo


Ang WikiProyekto Mga santo ay naglalayong mapabuti ang mga artikulong may kaugnayan sa mga Santo. Maaari kang maglagay ng mensahe sa pahinang usapan para sa mga tanong, mga suhestiyon, mga alintana, o kahit ano basta't may kaugnayan sa mga artikulong tungkol sa mga santo.

Sa Simbahang Katolika Romana, tumutukoy ang katagang "santo" sa parehong banal na lalaki, babae at mga anghel sa daigdig at sa langit—bagaman, simula noong ika-10 siglo, binibigay lamang ang titulong "Santo" sa mga taong opisyal na kinikilala (kanonisado) ng Simbahan. Iyong mga titulo na impormal na binibigay, bago ang pagkatatag ng prosesong kanonisasyon, ay pangkalahatang tinuturing parehong "mga santo" at "mga Santo."

Ang Simbahang Ortodokso ng Silangan, Asiryong Simbahan ng Silangan, Ortodoksiyang Oriental, Komunyong Anglikano, Nagpapatuloy na Anglikano, at Simbahang Luterano ay pinapanatili ang kalendaryong pangliturhiya na ginugunita ang mga indibiduwal na tinuturi nilang nabuhay sang-ayon sa kalooban ng Diyos, bagaman hindi lahat sa kanila ang gumagamit ng salitang "santo" ng madalas o maliwanag. Ang Simbahang Ortodoksong Aprikano, Simbahan ng Lumang Katoliko, Simbahang Independyenteng Katoliko, Nagpapatuloy na Anglikano, at ibang mga simbahang Katoliko na hindi kaisa sa Roma ay nagtatala din ng mga santo. Ang "Kanonisasyon" sa mga simbahang ito ay hindi ganoong kaligal kumpara sa Romano Katoliko. Dagdag pa nito, sa mga simbahang ito, ang kakulangan ng "opisyal na pagkilala" ay hindi pinipigilan ang sinuman na maging ganap na santo sa anumang paraan, hugis, o anyo. Kabilang sa nasasakupan ng proyektong ito ang mga indibiduwal na pormal na kinilala bilang santo o nasa kalendaryong pangliturhiya ng isa o higit pa na mga denominasyong Kristiyano.

Tala ng mga artikulong palalawigin

baguhin

Tala ng mga naburang artikulo tungkol sa mga Santo

baguhin

Ito ang tala ng mga artikulo tungkol sa mga Santo na nabura dahil sa kakulangan sa impormasyon at nasa iisang pangungusap lamang sa matagal na panahon. Maari lamang itong isulat muli kung makakapagbigay ng sapat na impormasyon na kapakipakinabang sa babasa. At dapat mayroon din itong mga di bababa sa tatlong maasahang sanggunian. Kapag nakagawa na ng artikulong may sapat na impormasyon, maari ng tanggalin sa talang ito. Maari din tanggalin sa talang ito ang mga pangalan ng di naman talagang santo ayon sa tinakdang kahulugan ng proyektong ito.

Mga maaaring gawin

baguhin
  • Palawigin ang artikulong may kaugnayan sa mga santo
  • Para sa mga tagapamahala: Magbura ng mga artikulong walang sapat na impormasyon sa kategoryang Kaurian:Mga santo at idagdag ang mga nabura sa tala sa itaas.  Y Tapos na.