Ugnayang Indonesia-Pilipinas
Ang Ugnayang Indonesia–Pilipinas ay tumutukoy sa panlabas na ugnayang bilateral ng pamahalaan ng Republika ng Indonesia at ng Republika ng Pilipinas. Pormal na itinatag ang ugnayang diplomatiko ng dalawang bansa noong Nobyembre 24, 1949,[1] matapos kilalanin ng Pilipinas ang kasarinlan ng Indonesia. Kapwa may pasuguan sa kabisera ng isa't isa ang bawat bansa. Matatagpuan sa Makati (bahagi ng Kalakhang Maynila) ang pasuguan ng Indonesia, habang nasa Jakarta ang pasuguan ng Pilipinas. Liban dito, may konsulado ang Indonesia sa Davao, ang Pilipinas naman ay may konsulado sa Manado at Surabaya.
[[Image:{{{4}}} {{{5}}} Locator.png|250px|Mapang ipinapakita ang tagpuan ng Indonesia at Philippines]] | |
Kasunduan sa hangganan
baguhinPinagsasaluhan ng Indonesia at Pilipinas ang karagatan bilang hangganan, ang karamihan dito ay nasa Dagat Celebes. Bago ang 2014, hindi malinaw ang hangganang pandagat ng dalawang bansa sapagkat inaangkin ng Pilipinas ang kuwadrilateral na hangganang pandagat na itinakda sa Tratado ng Paris na sumasakop sa Pulo ng Palmas, na siya namang iginawad na noong 1932 sa Netherlands na noo'y may sakop pa sa Indonesia (noo'y kilala bilang Netherlands East Indies).
Noong Mayo 23, 2014 nilagdaan sa Maynila ang kasunduan na nagtatakda ng hangganang pandagat ng dalawang bansa. Nilagdaan ang kasunduan sa Palasyo ng Malacañang ng Kalihim ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas Albert del Rosario at ng kaniyang katumbas sa Indonesia na Minister Panlabas Marty Natalegawa at pangunahing sinaksihan ng Pangulo ng Pilipinas Benigno Aquino III at Pangulo ng Indonesia Susilo Bambang Yudhoyono.
Paghahambing ng Bansa
baguhinOpisyal na Pangalan | Republika ng Indonesia | Republika ng Pilipinas |
---|---|---|
Katutubong Pangalan | Republik Indonesia | (Pangalan sa Tagalog) |
Eskudo | ||
Watawat | ||
Pambansang Saliwikain | Bhinneka Tunggal Ika
(Pagkakaisa sa Pagkakaiba-iba) |
Maka-Diyos, Maka-Tao, Makakalikasan at Makabansa |
Pambansang Awit | Indonesia Raya (Dakilang Indonesia) | Lupang Hinirang |
Populasyon | 273,221,505 | 108,709,219 |
Lugar | 2,098,724 km2 (810,322 sq mi) | 352,998 km2 (136,293 sq mi) |
Densidad ng Populasyon | 138.61/km2 (359.0/sq mi) | 351.87/km2 (911.3/sq mi) |
Mga Sona ng oras | Oras ng Kanlurang Indonesia (UTC+07:00)
Oras ng Central Indonesia (UTC+08:00) Oras ng Silangang Indonesia (UTC+09:00) |
Pamantayang Oras ng Pilipinas (UTC+08:00) |
Kabisera | Jakarta | Maynila |
Pinakamalaking Lungsod | Jakarta – 10,770,487
Surabaya – 3,457,409 |
Lungsod ng Quezon – 2,936,1167
Maynila – 1,780,148 |
Pamahalaan | Unitaryo pampanguluhang republikang konstitusyonal | Unitaryo pampanguluhang republikang konstitusyonal |
Itinatag | 17 Agosto 1945 (Ipinahayag)
27 Disyembre 1949 (Nakilala) |
12 Hunyo 1898 (Ipinahayag)
4 Hulyo 1946 (Ipinagkaloob) |
Mga Estado ng Nauna | Panahon ng Kolonyal (1512-1949) Imperiyong Majapahit (1293-1517)
Silangang Indies na kolonya ng Portuges (1512-1850 Kumpanya ng Olandes Silangang Indiya Silangang Indiyong Olandes (1800-1949) Paghintong sandali sa Silangang Indiyong Olandes (1806-1815) Sinakop ng mga Hapones ang Silangang Indiyong Olandes Republika ng Indonesia Pagkatapos ng Panahon ng Kolonyal (1949–kasalukuyan) Estados Unidos ng Indonesia (1949–1950) Olandes Bagong Guinea (1949–1962) Republika ng Indonesia
|
Panahon ng Kolonyal (1565–1946)
Bayan ng Tondo (900 – 1589) Espanyol Silangang Indies (1565-1898) Pananakop ng mga Ingles sa Maynila (1762–1764) Republika ng Katagalugan (1896-1897) Republika ng Biak-na-Bato (1897) Pamahalaang Militar ng Estados Unidos (1898-1902) Republika ng Pilipinas (1899-1902) Pamahalaang Insular ng Estados Unidos (1902–1935) Komonwelt ng Pilipinas (1935-1946) Republika ng Pilipinas na itinataguyod ng Hapon Pagkatapos ng Panahon ng Kolonyal (1946–kasalukuyan) Republika ng Pilipinas
|
Unang (mga) Pinuno | Sukarno | Emilio Aguinaldo |
Kasalukuyang (mga) Pinuno | Pangulo: Joko Widodo (PDI-P)
Pangalawang Pangulo: Ma'ruf Amin (Nagsasarili) |
Pangulo: Ferdinand R. Marcos Jr. (Partido Federal ng Pilipinas) |
Mambabatas | Pagtitipon Konsulta ng Bayan
Konseho ng Kinatawan ng Rehiyon Tagapagsalita: La Nyalla Mattalitti (Nagsasarili) Sangguniang Kinatawan ng Bayan Tagapagsalita: Puan Maharani (PDI–P) |
Kongreso
Senado Pangulo: Juan Miguel Zubiri Kapulungan ng mga Kinatawan Tagapagsalita: Lord Allan Velasco |
Hudikatura | Kataas-taasang Hukuman
Punong Mahistrado: Muhammad Syarifuddin Hukumang Konstitusyonal Punong Mahistrado: Anwar Usman |
Kataas-taasang Hukuman
Punong Mahistrado: Alexander G. Gesmundo Hukuman sa paghahabol Namumunong Hustisya: Remedios Salazar-Fernando |
Militar | Pambansang Sandatahang Lakas ng Indonesia (TNI)
Kumander: Andika Perkasa Hukbong Indonesian (TNI-AD) Hukbong Panghimpapawid ng Indonesia (TNI-AU) Hukbong Dagat ng Indonesia (TNI-AL)
|
Sandatahang Lakas ng Pilipinas (SLP)
Tagapangulo: Andres Centino Hukbong Pilipino (HP) Hukbong Panghimpapawid ng Pilipinas (HPP) Hukbong Dagat ng Pilipinas (HDP) |
Ahensya ng Pagpapatupad ng Batas | Pambansang Pulisya ng Indonesia (POLRI)
Tagapangulo: Idham Azis |
Pambansang Pulisya ng Pilipinas (PPP)
Tagapangulo: Dionardo Carlos |
Relihiyon | Islam: 87.2%
Protestantismo: 7.0% Katolika: 2.9% |
Katolika: 80.6%
Protestantismo: 8.2% Islam: 5.6 |
Mga pangkat etniko | Mga Habanes: 42.6%
Mga Sunda: 15.6% Mga Malay na Indones: 3.7 Mga Batak: 3.6% Mga Madurese: 3.0% Iba pa: 60.7% |
Mga Tagalog: 24.4%
Mga Cebuano: 21.3% Mga Ilokano: 8.8% Mga Hiligaynon: 8.4% Mga Bikolano: 6.8% Iba pa: 30.2 |
Opisyal (mga) Wika | Indonesian (Malay) | Pilipino (Tagalog), Ingles (Diyalekto ng Pilipinas) |
GDP (nominal) | US$1.25 trillion ($4,538 Per Capita) | US$433.180 billion ($$3,858 Per Capita) |
GDP (PPP) | US$ 3.84 trillion ( $13,981 Per Capita) | US$1.110.810 trillion ($9,893 Per Capita) |
Paglago ng GDP | 5.94% (2022) | 5.6% (2021) |
Salapi | Rupiah ng Indonesia (Rp/IDR) | Piso ng PIlipinas (₱/PHP) |
Mga pangunahing industriya | Palm oil, karbon, petrolyo, tela, pagmimina, industriya ng semento | Pagpupulong ng elektroniko, kalawakan, pag-outsource, tela, kasuotan, paggawa ng pagkain |
Lakas paggawa | 69,000,000 | 64,100,000 |
TKP | 0.718 (Mataas) | 0.718 (Mataas) |