Usapang Wikipedia:Kapihan/Sinupan 20

Latest comment: 11 year ago by Lam-ang in topic Wikidata is now open

Mga obserbasyon/Mga opinyon

baguhin

Magandang araw po sa lahat ng mga Wikipedista ng Wikipedyang Tagalog. Sa ilang araw ko na obserbasyon sa mga Mga huling binabago sa Wiki, puro makikita natin na marami sa mga hindi rehistrado ang nagbabago at nagdaragdag ng mga bagong pahina na ang laman ay hindi ensiklopediko ang lama kung hindi isang pambababoy lamang. At sa aking opinyon, nararamdaman ko na napapagod din ang iba nating mga kasamahan sa pagbubura at paglilinis ng ilang mga pahina. Sa isa pang pagkakataon, uulitin ko lang ang suwestiyon ng ilan na ipagbawal na ang pagbabago at pagdaragdag ng mga pahina ng mga hindi rehistradong tagagamit. Tulad ng nakita ko sa Ingles na Wikipedya, hindi ka maaaring makapagbago ng artikulo hanggang hindi ka tumatala.

Isa pa po, sana po ay madagdagan na ang mga itinatampok na artikulo natin dito. Marami na kasing1 mga nakabinbin na nominasyon. At saka po, magkaroon n po tayo ng mga itinatampok na portada, mabubuting artikulo.

Iyon lamang po ang aking maipaparating sa inyo. Sana po ay maaksyonan at mapagtagumpayan natin ang pagpapataas ng kalidad ng Wikipedyang Tagalog. Mabuhay!!! Maraming Salamat!!! --Masahiro Naoi 12:19, 25 Setyembre 2011 (UTC)Reply

Kung naniniwala kayo na dapat pagbawalan ang mga anonimong tagagamit na lumikha ng mga bagong pahina, maaari kayong magsimula ng usapan tungkol dito. Ninanais kong gumawa ng pahinang Komentaryo (requests for comment, na walang magandang salin sa Tagalog) para sa ito.
Kasalukuyang may tatlong nakabinbin na mungkahi:
Kung maililikha ko ang komentaryo, maaari nating pag-usapan ito. Hanggang wala pa iyon, maaaring pag-usapan muna ito dito sa Kapihan. --Sky Harbor (usapan) 14:00, 25 Setyembre 2011 (UTC)Reply
Sa pagtupad nito, nais kong ipahayag sa buong pamayanan ng Wikipediang Tagalog na bukas na ang Komentaryo (RFC). Maaari nating palitan ang pangalan kung may mas nararapat na pamalit para dito. :P --Sky Harbor (usapan) 16:17, 26 Setyembre 2011 (UTC)Reply

Pagsasalin para sa 2011 fundraiser

baguhin

Mga Wikipedista, magsisimula na ang pagsasalinwika para sa 2011 fundraiser ng Pundasyong Wikimedia. Kung maaari, tumulong po tayo lahat sa Meta para mapaayos natin ang mga nararapat na pahina upang makapagkaloob nang husto ang mga Pilipinong nais magkaloob sa taong ito. Sali na! --Sky Harbor (usapan) 18:15, 29 Setyembre 2011 (UTC)Reply

Magandang araw po, nakapagsalin na po ako ng isa dooon sa Wikimedia. Ito po, [ https://meta.wikimedia.org/wiki/Fundraising_2011/Brandon_Letter/tl Brandon Letter], maaari niyo na pong basahin at ipagkumpara sa orihinal na kopya nito. Maraming salamat!!! --Shirou15 13:13, 30 Setyembre 2011 (UTC)Reply

WikiProyekto Wikipay

baguhin

Kung inyo pong mararapatin, gusto ko lang itanong kung mayroon din po bang WikiProyekto ang Wiki Tagalog na Wikipay o WikiProject Wikify sa bersyong wikang English. Salamat. — Rammaumusapansubaybayan 17:05, 23 Oktubre 2011 (UTC)Reply

Wala pa ngunit mas maganda yata ang katawagang pagsasawiki kaysa wikipay. --Jojit (usapan) 02:31, 27 Oktubre 2011 (UTC)Reply

Terms of Use update

baguhin

I apologize that you are receiving this message in English. Please help translate it.

Hello,

The Wikimedia Foundation is discussing changes to its Terms of Use. The discussion can be found at Talk:Terms of use. Everyone is invited to join in. Because the new version of Terms of use is not in final form, we are not able to present official translations of it. Volunteers are welcome to translate it, as German volunteers have done at m:Terms of use/de, but we ask that you note at the top that the translation is unofficial and may become outdated as the English version is changed. The translation request can be found at m:Translation requests/WMF/Terms of Use 2 -- Maggie Dennis, Community Liaison 01:20, 27 Oktubre 2011 (UTC)Reply

bandalismo

baguhin

Iminumungkahi ko na agarang maharang (block) ang mga pagbabago gagawin ni 112.202.33.89. Pakitignan ang mga nagawa. Karamiha'y bandalismo.. Salamat. --Mananaliksik 10:24, 2 Nobyembre 2011 (UTC)Reply

Piging at panayam para sa mga Wikimedista at Wikipedista

baguhin

Mga Wikipedista and Wikimedista, inaanyayahan ko kayo sa Nobyembre 20, 6:00 ng gabi sa Aristocrat Restaurant, Jupiter St., Makati para sa ating salu-salo. Naroon si Asaf Bartov, Pinuno ng Pakikipag-ugnayan sa mga Nasa Katimogan ng Daigdig ng Pundasyong Wikimedia. Maaaring ninyong makilala siya bago ang salu-salo sa ganap na 4:00 ng hapon sa Starbucks Walter Mart. Inaanyayahan ko din kayo sa isang panayam na gagawin ni Asaf sa Nobyembre 26, mula 10:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon sa GeiserMaclang, 6th Flr. Cambridge Center Building, 108 Tordesillas corner Gallardo Streets, Salcedo Village, Makati. Paki-kumpirma kung dadalo kayo. Tingnan ang talakdaan (schedule) ni Asaf Bartov dito. --Jojit (usapan)

istraktura / estruktura

baguhin
mula sa Usapang tagagamit:Bluemask#Estruktura

Hi Bluemask, ayon sa komento mo sa data structure:

estruktura (Kastila: estructura) o istraktyur (Ingles: structure)

hindi

istraktura [salitang syokoy/alanganin]

--bluemask 09:07, 23 Nobyembre 2011 (UTC)Reply

Ayon sa gmanews http://www.gmanews.tv/story/198946/nauna-pa-sa-jejemon-at-bekimon-ang-siyokoy-sa-wikang-filipino, "Sa librong "Filipino ng mga Filipino: Mga Problema sa Ispeling, Retorika, at Pagpapayaman ng Wikang Pambansa," tinawag ni Virgilio “Rio Alma" Almario na “siyokoy" na mga salitang Pinoy na “hilaw" mula sa pagkakahiram sa wikang Espanyol o Ingles...Ayon kay Almario, 1976 pa niya sinimulan ang krusada laban sa mga salitang “siyokoy." Pero sa paglipas ng panahon, lalo raw itong dumami sa halip na mabawasan. Patunay na mabigat daw ang labanan pagdating sa ating wika. Tama ba ang pagbaybay at gamit ng salitang “kontemporaryo"? Ayon kay Almario, mali at isa itong salitang siyokoy. Paliwanag niya, kung ang “kontemporaryo" ay hiram sa wikang Espanyol na “contemporaneo," dapat itong baybayin at bigkasin na “kontemporane(y)o" o kaya naman ay “kontemporanyo."Siyokoy din umano ang salitang “aspeto" na hilaw na hango sa salitang Ingles na “aspect" o Espanyol na “aspecto." Kaya kung isinalin ito sa wikang Filipino, ang dapat umanong basa at salita nito ay “aspekto"...Ilan pa sa nabanggit sa libro ni Almario na salitang “siyokoy" ay ang “endorso" na higit na tama na “endoso;" ang “dayalogo" na dapat ay “dayalog" o kaya naman ay “diyalogo;" at ang “dayalekto" na dapat ay “dayalek" o “diyalekto." Ang mga edukado ang itinuturo ni Almario na may sala sa pag-usbong mga salitang “siyokoy" sa wikang Filipino. Sila kasi ay tinitingala at pinapaniwalaan ng mga karaniwang tao; nakikitang nagsasalita sa telebisyon, nadidinig sa radyo, at nababasa sa pahayagan."

Eto pa ang isang websayt na naglalarawan ng syokoy: http://www.mts.net/~pmorrow/siyokoy.htm

Komento: Para sa akin, kung ano ang mga salitang nakasanayan at ginagamit ng karamihan ng mga tagapagsalita ng tagalog, ito ang dapat ang gamitin sa tagalog wikipedia. Ano pa ang silbi ng WP tagalog, kung hindi magiging pamilyar at hindi mauunawan ng mga tagabasa ang mga artikulo dito. Ibig bang sabihin, dapat ding palitan ang mga salitang aspeto, endorso at kontemporaryo ng salitang aspekto, endoso at kontemporane(y)o dahil ito ang tamang salin para kay G. Almario? Kahit nga ako ay hindi pamilyar sa estruktura. Ang istraktura ang salitang naririnig at nababasa ko kaya kung mapapansin natin, ito ang salitang ginamit sa karamihan ng mga artikulo dito gaya ng makikita dito http://tl.wikipedia.org/wiki/Natatangi:Mga_ambag/Bluemask. Aghamsatagalog2011 05:13, 24 Nobyembre 2011 (UTC)Reply

Iniimbitahan kitang basahin ang isang patakan ng Tagalog Wikipedia: Wikipedia:Pagsasalinwika. Ito ay matagal nang napagkasunduan ng pamayan ng Tagalog Wikipedia. Kung mayroon kang mungkahi, ipagbigay alam sa Usapang Wikipedia:Kapihan.
Tungkol sa "structure": Kung susundin ang punto 1, dapat "kaayusan" ang gamitin [may ibang katumbas din na salita sa ibang konteksto] dahil ito ay salitang Tagalog at hindi hiniram. Sa punto 2, hindi natin mapagkakaila na madaling papasok ang hiram na salitang galing Kastila. Sa punto 3, wala sa mga diksyonaryo ang salitang "istraktura". Kung ginagamit nga ang "istraktura" sa mga babasahing Tagalog (o Filipino), kailangan maglahad ng sanggunian, ayon na rin sa punto 6. --bluemask 06:06, 24 Nobyembre 2011 (UTC)Reply
Hindi na natin kailangang gumamit ng salitang kaayusan kung ang salitang "istraktura" ang eksaktong salin sa tagalog. Ang mga gumagamit ng "istraktura":

Kabilang dito ang UP at ateneo: http://www.google.ca/#sclient=psy-ab&hl=en&tbm=bks&source=hp&q=istraktura&pbx=1&oq=istraktura&aq=f&aqi=&aql=&gs_sm=e&gs_upl=133755l135841l2l135939l10l9l0l0l0l0l224l1432l0.6.2l8l0&bav=on.2,or.r_gc.r_pw.,cf.osb&fp=127f736d17bfae5d&biw=978&bih=537

DLSU: http://themuseum.dlsu.edu.ph/exhibits/0910_01_02/

Ateneo de Naga: http://external.adnu.edu.ph/MainWeb/graduate/gsprog03.html

UP Baguio: www.upb.edu.ph/attachments/article/65/apr08.pdf

National Historical Institute: http://www.nhi.gov.ph/index.php?option=com_content&task=view&id=519&Itemid=3

Sunstar newspaper: http://www.sunstar.com.ph/cebu/local-news/2011/10/10/35-poor-families-ask-where-s-aid-184180

Kalinaw: http://kalinaw.com.ph/Publications/KalinawJournal/Currents_within_the_Christian_Churches.html

Laguna Provincial govt: http://laguna.net.ph/?q=node/493

Manuel A. Roxas Elementary School: http://www.depedmares.com/bulletins/news/137-deped-to-detail-k-12-education-plan-on-oct-5.html

Antipolo govt: http://www.antipolo.gov.ph/resolution2.php

Philippine Information Agency: http://www.pia.gov.ph/?m=1&t=1&id=11651&y=2011&mo=01

Presidential Communications Operations Office: http://pcoo.gov.ph/archives2011/jun06.htm "In keynoting the event, the President expressed gratitude to his fellow government officials in the Senate and the House of Representatives for pushing such law that will restructure the GOCCs into more efficient entities centered on public service. “Walang duda, ang GOCC Governance Act ay isang makasaysayang batas na naipasa ng ating administrasyon sa loob lamang ng maikling panahon… aayusin nito ang istraktura ng GOCC upang matuldukan ang pang-aabuso at pag-mamalabis sa mga operasyon nito,” the President said. "

Makikita sa mga kawing sa taas na ang salitang "istraktura" ay laganap na ginagamit sa tagalog. Kung may saling tagalog ang "structure", bakit kailangan pang gumamit ng salitang galing sa Kastila?Aghamsatagalog2011 07:34, 24 Nobyembre 2011 (UTC)Reply

Maganda ang mga iyong mga punto. Tanungin natin kung ano ang masasabi ng pamayanan dahil may tatlong isyu na lumilitaw.
  • Para sa ating proyekto, mas matimbang bang gamitin ang isang salitang likas na Tagalog (hindi likha [tingnan ang en:WP:OR]) kaysa sa hiniram na salita kung magkasingkahulugan? (punto 1 ng WP:Pagsasalingwika)
  • Sa pormal na panulat (gaya ng ating proyekto), mas matimbang ba ang paggamit ng salitang karaniwang ginagamit kaysa sa isang salitang likas ang paghiram. Ito ang usapin ng mga salitang syokoy. (Sariling pananaw: likha lamang ang mga salitang syokoy.)
  • Sa usaping teknikal, mas makakabuti ba na piliting isalin ang mga salita o pariralang teknikal kaysa panatilihin na lamang ito kung wala namang tuwirang katumbas sa Tagalog (o mga wika sa Pilipinas)? Halimbawa: data structure, black hole.

--bluemask 08:35, 24 Nobyembre 2011 (UTC)Reply

Ayon sa mga patakaran, pamantayan at panuntunan sa Wikipedia:Pagsasalinwika

  • Sa pangkalahatan, gamitin ang katumbas na salita, katawagan, o pangalan sa wikang Tagalog para sa pamagat ng pahina at pangalan ng artikulo (partikular na sa pambungad). Piliting huwag manghiram kung may katumbas sa Tagalog. Tahasang gamitin ang alam mo o sa tingin mong tawag nito sa Tagalog.
  • Manghiram lamang kung wala talagang mahanap na katumbas sa Tagalog o kung hindi alam ang katumbas sa Tagalog. May ibang mga Wikipedistang susuri sa ginamit na mga salita at pananalita, at tutulong sa pagsasalin at pagsasatagalog ng mga ito. Ngunit mas makakatulong kung magagawa mo na ito.
  • Kung walang mahanap na katumbas sa Tagalog, maaaring hanapan ng katumbas sa ibang wikang Pilipino (Bikolano, Cebuano, Ilokano, Kapampangan, Pangasinense, Waray-Waray, Zamboangueño, at iba pa). Tagalugin ang nasa ibang wikang Pilipino kung magagawa.

Kung ang layunin ay pagsasatagalog kahit ng ibang wikang pilipino, bakit kailangan pang gumamit ng salitang banyaga kung ang mga salitang Kastilang ito isitinagalog na ng mga tagapagsalita ng tagalog. Para kay G. Almario, ito ay mali, pero sa tingin ko, kaya inimbento o naging karaniwan ang mga salitang tinagalog(gaya ng aspeto at endorso) ay dahil ito ang komportable at katanggap tanggap para sa mga tagapagsalita ng tagalog Aghamsatagalog2011 18:21, 24 Nobyembre 2011 (UTC)Reply

Lubos kong nauunawaan ang punto ni Aghamsatagalog2011, maraming iba't-ibang pananaw ang pagsasalin-wika. Ayon nga kay Jomar Cañega ng KWF, (noong makipag-pulong ang WMPH), lipunan ang nagdidikta kung paano yumayabong at ginagamit ang wika. Likas na katangian ng lahat ng wika sa mundo ang pagbabagong-anyo, pati na rin ang pagbabagong-kahulugan ng mga salita nito sa paglipas ng panahon, ayon sa gamit ng lipunan at ito'y tuwirang tinatanggap at isinasama na rin sa kanilang bokabularyo. Kaya nga may tinatawag na mga makaluma o obsolete na kahulugan ang mga salita. Ang wika ay progresibo at hindi dapat regresibo. Hindi ba katangian din ng isang wika ang pagkurakot ng iba pang salita? Ang importante, ito'y naiintindihan ng lipunan at nakararami. Ano ang silbi ng isang lathalain kung tanging mga akademiko o mga lolo't lola lamang natin ang makakaintindi rito? Maliban na lang kung ang ating isinusulat ay para sa kanila lamang. Dito nawawala ang katangian ng komunikasyon.
Di-gaya ng French, Turkish at Icelandic, nasa katangian ng mga wika sa Pilipinas ang panghihiram mula pa sa kanununuan natin, bago pa man mabihiran ng mga salitang Ingles o kahit pa ng Español ang ating mga wika. Sino tayo sa Wikipediang Tagalog ang may karapatang pigilan ang natural na katangian ng wika natin? Ilang ulit na akong nakakita ng mga pamagat ng artikulo, at mga nasusulat sa mga artikulo dito sa Wikipediang Tagalog ang pinilit isa-Tagalog masabi lamang ito'y hindi nasa Ingles ngunit ang literal na pagsasa-Tagalog o pagsasalin-wika nito'y ay nagpapawalang saysay sa intensiyon o kahulugan ng tinutukoy nito (lost in translation). Pasintabi sa mga nagsulat ng: lupaing-scape (landscape) (hindi ba dapat bista ang landscape?); Kanang anggulo bilang right angle? (itinama na bilang Tamang anggulo); sipaang-bola bilang pagtukoy sa larong football (na tinukoy na futbol sa paglaganap ng larong ito kailan lang sa bansa), kahit pa ito'y may sanggunian at sinabi ni Mahoma o sino pang dalubhasa, nawawala ang diwa nito kapag hindi ito ang nasa kamalayan ng tao, at kung ano-ano pa dito sa Wikipediang Tagalog, lalo na sa mga paksang medikal at teknikal, pati na rin ang pagtukoy sa mga bansa. Sa ordinaryong pakikipagtalastasan ba, tinutukoy ba ang Thailand bilang Taylandiya, United Nations bilang Nagkakaisang mga Bansa? Ano ang mas nasa kamalayan natin chess o ahedres? Karaniwang pilit ibinabaybay sa Tagalog ang mga salita o pilit hahanguin sa Español ang katumbas nito at ibabaybay sa Tagalog, ngunit sa paraang ito naantala ang pagproseso ng pagkakaunawa sa isang salita o konsepto, kaya nawawala na naman ang katangian ng komunikasyon.
Ang lahat ng wika ay nanghihiram ng mga salita sa iba pang wika lalo na kapag wala sa kultura, kapaligiran, kamalayan ng mga taong nagsasalita nito ang isang konsepto. Ang rice ay banyaga sa kanluraning sibilisasyon, kaya na lamang ang mga Asyano ang may malawak na konsepto tungkol dito, gaya ng pagtukoy natin sa rice bilang — palay, bigas, kanin, bahaw at pati na rin tutong. At dahil sa may mahabang karanasan at kasaysayan ang mga Tausug sa kanilang sultanato, kaya sila lamang sa mga Pilipino ang may konsepto ng tartib o protocol sa Ingles.
Ang mga konseptong pumasok sa kamalayan natin at lumaganap noong Español ang may malawak na impluwensiya sa ating bokabularyo ay mas nauunawaan natin sa anyong ABaKaDa, dahil sa pagyakap natin sa pamantayang ipinatupad at sinumulan ni Lope K. Santos, na nahubog na sa ating kamalayan. Ngunit karamihan sa mga konseptong teknikal at medikal at mga pangalan ng mga bansa ay pumasok sa kamalayan natin noong malawakan na ang impluwensiyang Ingles sa ating bokabularyo dahil na rin ito'y itinuturo sa nasabing wika, kaya dapat ito'y ipinanatili sa orihinal kung gusto nating agarang maintindihan ng target nating mambabasa, maliban na lang kung ito'y nakasanayan na natin sa anyong ABaKaDa gaya ng istambay at kudeta. Sa hinabahaba nga ng panahon sa ating kamalayan ang jeep ay mas tanggap pa rin sa ganitong baybay kaysa sa dyip dahil na rin sa dikta ng lipunan at ito'y pumasok at kumalat sa ating kamalayan noong Ingles ang may ganap na impluwensiya sa ating bokabularyo.
Sa aking palagay hindi lubos ang pamantayang inilabas ng KWF bilang gabay sa ortograpiyang Filipino, dahil kung ito'y tahas na susundin dapat ang pera natin ay peso at hindi piso at dapat kabesera at hindi kabisera, Desyembre at hindi Disyembre o Miyerkoles at hindi Miyerkules. Ang konsepto ng statistics ay pumasok na lang at lumaganap sa panahong Ingles, ngunit sa pagkurakot nito ng pagsasa-Español at Tagalog ito'y nagiging istatistika. Kaya ang endorso, aspeto, kontemporaryo isama na rin ang respeto ay maaaring pagsasa-Filipino ng Ingles na may halong katangiang Español, o sadyang pagsasa-Filipino lamang ng walang pinagdaanang ibang wika o paglahok-lahok ng mga katangian dahil ito tinanggap na at ginagamit na ng lipunan. Dahil kung ito'y itatanggi natin bilang mga ganap na salita, saan natin sila ilalagay? Kung ito'y sasabihing mali, di ba puwedeng sabihing ito'y kinurakot lamang? Katangian naman ng isang wika ang pagngungurakot ng mga salita. Di ba't mas napapayabong ang wika natin sa ganitong pamamaraan? Lubos namang naiintindihan at dapat ituring na lamang bilang variant ng pagbabaybay.
Ang higit na pamantayan na sa palagay ko ay dapat isaalang-alang ay kung ang mga isinusulat ba natin ay nauunawaan at nasa kamalayan ng nakararaming mambabasa, dahil sa pamamaraang ito lamang tayo'y magiging epektibo. Gaya ng sa English Wikipedia, kung saan nirespeto nito ang pagkakaiba ng American English at British English sa kanilang magkaibang estilo ng pagbabaybay ng mga salita, hinihiling lamang nito ang pagiging consistent sa estilo nito sa kabuuan ng isang artikulo; ang Tagalog Wikipedia ay dapat respetuhin rin ang estilo ng variant ng pagbaybay sa mga salita sa isang artikulo, gaya ng kaniya o kanya o gaya ng mga unang nabanggit na mga salita. Dahil wala sa kapangyarihan natin ang pagpapasya kung ano ang dapat na maging anyo ng ating wika at tanging ang lipunan lamang. At kahit ito'y nasa KWF o ano pa mang institusyon, may mga sektor pa ring kokontra rito. At di matatapos ang usaping ito. --Scorpion prinz 05:59, 10 Disyembre 2011 (UTC)Reply
Kung maaari, payagan niyo po akong magbigay ng ilang mga pahayag tungkol sa naganap na talakayan dito.
Una, naniniwala ako na kayang diktahan ng lipunan ang daloy ng wika, at malakas ang impluwensiya ng lipunan sa paghubog ng wika. Gayunpaman, naniniwala din ako na may kakayahan ang Wikipedia na humubog sa paggamit ng wika ng lipunan dahil lubos ang impluwensiya nito bilang nag-iisang ensiklopedya sa wikang Tagalog/Filipino. Sa paghubog ng mga patakarang pangwika ng Wikipediang Tagalog, minarapat naming balansehin ang impluwensiya ng lipunan at ang impluwensiya ng mga may-akda ng diksiyonaryo at lingguwista dahil hindi lamang hinihubog ng lipunan ang wika, dahil hindi lamang nagmumula sa lipunan ang paghubog ng katangian ng wika. Tandaan natin na ang Tagalog (o kaya ang Filipino, dahil tutal naman iyan ang ginagamit ng nakararami sa mga umaambag dito), kung tutuusin, ay isang wikang sakop ng regulasyon ng Komisyon sa Wikang Filipino, at kung kailangan nating sundin ang kanilang regulasyon, kailangan nating sundin iyon. Wala tayong karapatan na balewalain ang atas nila kung sila mismo ang regulador ng wika (kahit kung karaniwa'y hindi naman talaga sinusundan ng sambayanang Pilipino ang atas, tulad ng ibang mga halimbawa ng 'di-pagsunod ng lipunan sa batas ng bansa), kaya hindi ko alam kung bakit kailangan nating pagtibayin ang isang kultura ng pagpapaliban at pagpapawalang-silbi sa patakaran kung iyan mismo ang inatas ng regulador, at kung hindi sa interes ng Wikipediang Tagalog na palaganapin ang isang kulturang walang paggalang sa batas at sa autoridad ng mga may-alam? Nagbibigay ng palugid dito ang patakaran dahil nararapat din na inilalarawan ng Wikipedia ang kasalukuyang anyo ng wika, kaya para sa ilang mga bagay tulad ng pagbabaybay, hindi sinusundan nang buo ang patakaran ng KWF. (May dahilan ito sa patakaran.)
Pangalawa, naniniwala ako na dapat malinaw ang nilalaman ng Wikipediang Tagalog, at dapat maiintindihan ito ng mga mambabasa, ngunit hindi ibig sabihin niyon na dapat pagtibayin natin ang Taglish bilang wika ng Wikipediang Tagalog. Paulit-ulit ko nang sinabi sa sari-saring poro na may remedyo ang patakarang pangwika ng Wikipediang Tagalog para gawing mas malinaw ang isang salita na hindi karaniwang ginagamit ngunit iyan ang salin ng isang konsepto ayon sa diksiyonaryo. Halimbawa, kung ang salitang network sa Tagalog ay "lambat-lambat", kailangan sa unang talata pa lamang nandiyan na ang salita sa Ingles upang maging malinaw sa mambabasa na iyan ang pinag-uusapan natin dito. Ano naman ang tulong ng Wikipediang Tagalog sa pag-unawa ng isang konsepto kung palalaganapin natin ang 'di-pagunawa sa sariling wika dahil minarapat nating ipaglarawan ang konseptong pinag-uusapan sa Ingles? Sa palagay ko, napakalaking kabalintunaan (hypocrisy) iyon. Hindi ako sumasang-ayon sa argumento na tanging mga lolo at lola lang ang makakapag-intindi sa Wikipediang Tagalog kung aasa tayo sa diksiyonaryo: dahil sa laganap na impluwensiya ng Wikipediang Tagalog sa mga mag-aaral, at sa potensiyal nito na maging mas impluwensiyal sa susunod na taon kung bibigyan natin ito ng pagkakataon, may kakayahang ibalik sa karaniwang paggamit ng mga mananalita ng Tagalog, Filipino o iba pang wika ang mga salitang ginagamit natin dito. Bakit ba kailangan nating pabobohin ang nilalaman ng Wikipedia kung may pag-asa tayo sa pagkakaunawa ng Pilipino sa mga 'di-karaniwang salita, at kung may kakayahan ang Wikipediang Tagalog na ibalik ang mga salitang iyon? (Halimbawa: sa Olanda, ang may-ari ng isang botel na malapit sa tinuluyan ko ay isang Pilipina, at alam niya ang salitang "Olandes" kahit kung karaniwang ginagamit ang salitang Dutch.)
Pangatlo, naniniwala ako na kailangang balansehin ng Wikipediang Tagalog ang interes ng mga maka-Tagalog (purista) at maka-Filipino (progresibo). Iyan ang tanging dahilan kung bakit umiiral ang mga patakarang pangwika ng Wikipediang ito: upang bigyan ng pagkakataong umiral nang sabay-sabay, nang maginhawa at mapayapa, ang mga sari-saring opinyong umiiral sa direksiyon ng wikang ginagamit natin, na may paggalang sa mga autoridad (ang KWF) at mga eksperto (mga may-akda ng diksiyonaryo). Kung tutuusin, ayon kay Lope K. Santos, may kakayahan ang wika na ilarawan ang anumang konsepto, kahit kung gaanong kalalim, kahirap o ka-teknikal ito, at iyan ang diwa na dapat nating pag-iralin sa Wikipediang Tagalog bilang alternatibo sa pag-hari ng Ingles bilang wika ng mga may-alam at ng mga nais maki-alam. Tandaan natin na hindi lamang wika ng kalsada ang Tagalog: ito rin ay isang wikang may mayamang kasaysayang pampanitikan at mayamang bokabularyo na nakatala sa sari-saring diksiyonaryo na nakikita natin sa mga tindahan ng aklat. Hindi ko alam kung bakit dapat nating pairalin ang wika ng kalsada kung alam nating lubos ang kakulangan ng wika ng kalsada na ilarawan ang mga konseptong hindi sumasakop dito (halimbawa, sa agham). May tanging espasyo ang paghihiram ayon sa umiiral na patakarang pangwika, ngunit nais kong idiin ito muli: kailangan nating kumonsulta sa diksiyonaryo bago tayo mag-hiram. Hindi nagmumula sa bituka ang salin ng isang konsepto o salita sa Tagalog: kung isinalin na ito dati ng isang may-akda ng diksiyonaryo, nararapat na gamitin natin iyon. (Kaya nga "Tagalugin pa kong maisasa-Tagalog pa ito", dahil mas nararapat na tingnan ang diksiyonaryo kung may salitang umiiral doon kaysa sa hihiram lang tayo, at ito ay umaayon sa unang tuntunin sa paghihiram ng KWF na nagbibigay-diin sa pagtalakay sa leksikon kung naroon ang salitang pinag-uusapan. Ano ba ang ginagawa ng tao kung hindi sila pamilyar sa salita? Aba, hindi ba titingin sila sa diksiyonaryo?)
Bilang huling salita, naniniwala ako na dapat maintindihan ng mga mambabasa ang sinusulat natin dito. Gayunpaman, hindi ako naniniwala sa argumento na ang kamalayan natin ay umaasa sa paggamit ng Ingles lamang, at may kakayahang ilarawan ng kasalukuyang leksikon ang mga konseptong kailangang pag-usapan ng Wikipediang Tagalog, na may kasamang salin sa Ingles kung kailangan. Gayundin, hindi nararapat na pinapabayaan natin ang patakaran dahil lamang hindi gusto ng isang tagagamit ang kasalukuyang anyo ng Wikipediang ito: dapat dumadaan ito sa proseso ng pagtalakay, tulad ng ginagawa natin ngayon, at hindi binabalewala ang ibang mga umiiral na pananaw dahil hindi ito "umaayon". Inilikha ang patakarang pangwika sa panahon na kinailangan naming bigyan ng anyo kung ano dapat ang wikang gingagamit ng Wikipediang Tagalog, at naniniwala pa rin ako sa kakayahan ng patakaran na balansehin ang dalawang magkabilang panig upang dumating sa isang kompromiso na sang-ayon sa lahat. --Sky Harbor (usapan) 23:25, 11 Disyembre 2011 (UTC)Reply
Hindi lipunan ang aangkop sa Wikipedia, bagkus ang kabaligtaran ang kusang mangyayari. Naging pagsubok o litmus test sa pamantayang ito ang artikulong Jejemon. Ilang ulit bang pinigilan magkaartikulo ito? Ngunit, sino ang nanaig? Di ba ang lipunan? Ang sipaang-bola upang tukuyin ang football na ngayo'y tinutukoy nang futbol? Dapat bang sabihin natin sa kanila na mali ang pagtukoy nila sa football, at ipakita ang naging sanggunian natin? Kung ganito ang pagpapalagay natin, dapat palang itama ang Professional Regulation Commission at Board of Accountancy dahil sa paggamit nito ng Lupon ng Accountancy at hindi Lupon ng Pagtutuos o Contabilidad (kung nanaiisin hanguin sa Español) sa pagtukoy sa Board of Accountancy. Tila di mabatid ng ilang mga tagapangasiwa dito ang konsepto at kamalayan sa likod ng isang salita, na alam kong nauunawaan ng mga nag-aral nito, na maliban sa tahas na katumbas nito kapag isinaling-wika ang isang salita, ito dapat ay may kaagapay na pagkakaunawa sa kahulugan nito sa isinaling-wika. At ang pagtutuos sa panlipunang pananaw o kamalayan at may ibang kahulugan, at di akma na pantukoy sa accountancy o accounting. Sa simula't-sapul pa banyaga ang konsepto ng football at accountancy sa kamalayang Pilipino, kaya hindi angkop ang piliting tukuyin ito sa lokal na wika.
Kung aking palalawigin ang pagtukoy sa kamalayan ng lipunan sa kanilang mga salitang ginagamit, ang pagtukoy ng network bilang lambat-lambat sa isang teknikal na konteksto ay sumasagasa na sa isang pamantayang Wikipedia laban sa orihinal na pananaliksik, dahil ni-minsan di tinukoy ang konseptong ito sa terminolohiyang lambat-lambat. Tama na tukuyin ang Holland bilang Olanda, ngunit dahil nga ang wika'y nagbabago ito'y di na tinutukoy sa gayong pangalan at ito'y Netherlands na o Los Países Bajos sa Español, at kung tutukuyin itong Mga Bansang Mabababa kailangan pa itong ipaliwanag sa isang panaklong, ngunit kapag ito'y tinukoy na Netherlands buo agad ang pagkakaunawa sa tinutukoy nito. Di kailangan tukuyin ang New York na Bagong York mai-Tagalog lamang ang ngalan nito. Pumasok sa kamalayan natin na ito'y New York at wala nang iba, kaya't kung ito'y tutukuying Bagong York naaantala na naman ang proseso ng pagkakaunawa sa tinutukoy nito, kaya't nawalala na naman ang katangian ng epektibong komunikasyon. Ngunit kung magmamatigas ang pilit na isasa-Tagalog/Filipino ang mga lugar na pumasok sa ating kamalayan sa wikang Ingles o Español, di sana'y tinatawag nating Bagong Ecija ang Nueva Ecija o Bagong Vizcaya ang Nueva Vizcaya, ito ang kabalintunaan.
Ano pa't tinutukoy sa UP Diksiyonaryong Filipino (Binagong Edisyon 2010), Gabby's Practical English-Filipino Dictionary (2009), Vicassan's English-Pilipino Dictionary (2001), ang napakaraming mga terminolohiya pati na rin halos lahat ng mga bansa sa Ingles nitong pangalan? Madali lamang ang sagot, dahil ito ang nasa kamalayan ng mga tao. Lipunan ang nagdidikta kung paano mahuhubog ang kanilang wika. Anong pilit kong hanapin ang Taylandiya/Tailandiya at at iba pang mga bansa ngunit sadyang wala talaga sila sa mga mayayabong na diksiyonaryong ito.
Tamang balensehin ang mga pananaw sa Wikipediang Tagalog. Ngunit, ang isang propesyonal at epektibong tagapamahala ay di-dapat nagtutukoy o kahit nagbibigay kataga sa mga panig, gaya ng nangyayari dito sa pagtukoy sa mga purista at progresibo. Sa pagpapanatili ng mentalidad na ito, patuloy ang magiging hidwaan ng mga panig. Kung sa loob nga ng KWF hindi sila nagkakaisa at iba't-iba ang mga pananaw ng mga komisyoner, tayo pa kayang walang kalinangan sa wika, at nagbibigay opinyon lamang kalakip ang iba't-ibang sipian, huwag lang masabing ito'y orihinal na pananaliksik. Kahit sino pang dalubhasa sa wika ang manghimasok, 'di matatapos at 'di matutugunan ang malayang kaisipin ng mga tao dito sa Wikipedia. Kaya't sa halip, na maggugol ng oras sa paksang kahit ang mga eksperto sa wika ay hindi makakapagpatigil dito, ihulma dapat natin ang Wikipediang Tagalog upang mapalawig ang mambabasa nito at magkaroon sila ng kaugnayan dahil nauunawaan naman nila ito.
Sa totoo lang, pinangarap ko rin sanang walang bahid ng dayuhang wika ang ating mga wika, ngunit hindi ito ang katotohanang umiiral dahil hindi ganito ang lipunan natin na siyang gumagamit ng ating wika, at nakaugat na sa katangian ng ating wika ang panghihiram bago pa man dumating ang mga Español.
Huwag natin ilayo ang Wikipedia sa pagkakaunawa ng mga mambabasa kung gusto natin ito lumaganap, maliban na lang kung may talagang angkop na salita, na ang konsepto nito ay akma sa tinutukoy nito. Di ko ipinahihiwatig ang pagsasa-Ingles ng Wikipediang Tagalog, dahil ang mga konseptong hindi natural sa ating wika at dapat nanatili na lamang sa dayuhang pagtukoy. Kaya't kung ang orange ay kahel sa Tagalog, hayaang maging kahel ang pagtukoy nito dahil pareho ang konsepto nito sa parehong wika.
Kung hangad nating yumabong ang partisipasyon ng mas nakararami upang umunlad ang Wikipediang Tagalog at mapagalaganap ito maliban sa mga taong nagaambag na rito, dapat maunawaan ito ng mas nakararami. Huwag na nating pilitin ang paggamit sa mga salitang di naman tahas ang kahulugan sa ating wika. Ito ang nagiging sanhi ng kawalang kredibilidad ng Wikipedia dahil sa mga pagmamarunong ng mga nag-aambag dito. Huwag na nating dagdagan pa ang maaaring ipuna sa atin. Ano ba ang hirap kung gagamitin ang banyagang terminolihiya, Ingles, French, Japanese, Español o ibang wika pa ito, kung ito naman talaga ang pagkakaintindi natin dito, na wala nang kinakailang panaklong upang ipaliwanag pa ito. --Scorpion prinz 07:27, 12 Disyembre 2011 (UTC)Reply
Gusto kong ituwid ang palagay kong ilang kalituhan tungkol sa wika. Una, napakaraming halimbawa rin sa Ingles ng paggamit ng salitang dayuhan na hindi "tama" kung alam mo ang wikang dayuhan, ngunit gumagana dahil ito ang mas "natural" para sa tao. Merong isang Wikipedia article tungkol sa mga salitang hinalo ang Latin at Greek, na nakakainis kung may kinalaman ka tungkol sa mga wikang iyon pero hindi problema para sa maraming tao: http://en.wikipedia.org/wiki/Hybrid_word.
Pangalawa, at nasabi ko na ito, kahit sa mga wikang tinuturing na "strikto," napakaraming salita na galing sa ibang bansa. Sa Pranses, na isip ng tao ay striktong ginagamit ang salitang Pranses, gamit ng tao ang planning, parking, iPod, super-cool, week-end, bimbo, etc. Dahil mas malapit ang kulturang Pranses sa kulturang Ingles, mas madali silang nakakahanap ng katumbas ng Tagalog, pero sa Pilipinas, palagay ko na kung kailangan mong isalin sa sarili mo ang isang salita (i.e. kaayusan hmmm.... ano ba ito? ibig sabihin ba ay "tidiness" dahil maayos ang bahay? e hindi dahil mali sa kontekst na ito.... ah, baka "structure"), hindi ito talagang katumbas.
Ikatlo, and I'll switch to English just because it's easier for me to be stern in that language, continuing to uphold this language policy only serves to make Tagalog Wikipedia less useful. If the goal is to communicate information, how can this goal be met if people end up switching to English Wikipedia because they can't understand what the articles are supposed to be communicating? If the goal is to make Tagalog Wikipedia viable as a reference tool, I believe that part of fulfilling that goal is to make the site as user-friendly as possible. I don't advocate this in all domains, but it's clear to me that this should be a goal for a general-purpose encyclopedia. 1demerith 16:18, 12 Disyembre 2011 (UTC)Reply
Allow me to answer in English in response to the third point, but I think it's in the best interest of the Tagalog Wikipedia that we set a standard as to what articles should look like in order to provide a user experience that is as consistent and easy-to-use as possible. Promoting individual styles of writing, while noble and valuable, also creates problems for a language such as Tagalog: lack of consistency, infighting over what terms ought to be used in articles, and general disuse overall, which in turn also leads to people not understanding what is written in here. Better that we try to solve the problem rather than let the problem sort out itself, or worse, let the problem seethe until it becomes too hard to control. --Sky Harbor (usapan) 15:40, 13 Disyembre 2011 (UTC)Reply

Komento:Paumanin sa pagsabat sa talakayan niyong dalawa pero gusto kong ipabatid sa inyo na ang isa sa mga patakaran ng WP ang consensus, en:WP:TALKDONTREVERT "In determining consensus, consider the quality of the arguments, the history of how they came about, the objections of those who disagree, and existing documentation in the project namespace. The quality of an argument is more important than whether it represents a minority or a majority view. The argument "I just don't like it", and its counterpart "I just like it", usually carry no weight whatsoever". Mahirap kasing babalansehin ang mga mga eksklusibong konsepto na magkasalungat kaya may ganitong mga talakayang nangyayari upang makita ang timbang ng mga magkakasalungat na konseptong ito. Halimbawa paano mo sasabihing dapat balansehin at bigyan ng pantay pantay na pagsasaalang ang iba't ibang mga entrada sa diksiyonaryo na parehong tumutukoy sa isang konsepto kung "isang" pamagat lamang ang maaaring ilagay sa artikulo. Isang halimbawa dito ang nasa Network ng kompyuter. Paano naging mas matimbang ang lambat lambat kesa sa kalambatan, at kabalagan gayong pare parehong mga nasa diksiyonaryo ito para sa network? Aghamsatagalog2011 13:37, 13 Disyembre 2011 (UTC)Reply

Magiging mabilis ako dito dahil may pasok pa ako, ngunit may palugid din ang problema ng pagiging mas matimbang ng isang salita. Tandaan na tatluhan ang patakarang pangwika ng Tagalog Wikipedia, at sinasagot ito ng Wikipedia:Pamantayang pangwika kung ano ang mas nararapat na salitang dapat ginagamit sa isang artikulo. --Sky Harbor (usapan) 15:40, 13 Disyembre 2011 (UTC)Reply
Ang alam ko ang mga patakaran ng WP ay yung napakasunduan at may mga talakayan, tignan ang mga kahon sa tuktok ng pahinang ito http://en.wikipedia.org/wiki/Wikipedia:Article_titles. Kung ang pagbabatayan ang pagpapalangan sa english WP, makikita sa en:WP:COMMONNAME na ang pamantayan ng pamagat ay iyong mga karaniwan at pamilyar sa mga nagbabasa ng WP.
"The following are examples of common names[3] that Wikipedia uses as article titles instead of a more elaborate, formal, or scientific alternative:
  • Bill Clinton (not William Jefferson Clinton)
  • H. H. Asquith (not Herbert Henry Asquith)
  • Rhode Island (not State of Rhode Island and Providence Plantations)
  • Heroin (not Diacetylmorphine)
  • Snoop Dogg (not Calvin Cordozar Broadus, Jr.)
  • Hulk Hogan (not Terry Gene Bollea)
  • Venus de Milo (not Aphrodite of Melos)
  • Caffeine (not 1,3,7-trimethyl-1H-purine-2,6(3H,7H)-dione)
  • Guinea pig (not Cavia porcellus)
  • Nazi Party (not Nationalsozialistische Deutsche Arbeiterpartei)
  • United States Code (not Code of Laws of the United States of America)
Ayon sa en:WP:NAMINGCRITERIA, "Naturalness – What title(s) are readers most likely to look for in order to find the article? Which title(s) will editors most naturally use to link from other articles? Such titles usually convey what the subject is actually called in English." Paano masasabing natural ang isang salita kung hindi nga ito ginagamit sa kasalukuyan. Kung titingan sa kawing na ibinigay mo, "Ang mga salitang mas Tagalog ay yung anumang salitang likas na Tagalog o may salitang-ugat na Tagalog. Ang mga salitang tinatanggap na Tagalog ay anumang salitang nasa mga diksyunaryong pinamagatang Diksyunaryong Tagalog, Diksyunaryong Pilipino, at Diksyunaryong Filipino subalit nagmula o halaw mula sa mga banyagang salita katulad ng Wikang Kastila, wikang Ingles, wikang Intsik, o anumang dayuhang wika na hindi katutubo sa Pilipinas." Kung gagamit tayo ng halimbawa, ang salumpuwit ay mas katutubo sa silya pero ang salumpuwit ay hindi ginagamit na pamagat. Ang sipnayan ay mas katutubo sa matematika pero hindi ito ang ginagamit ng mas nakararaming tagapagsalita ng Tagalog. Eto pa ang mga inimbentong mga salita ng mga purista na hindi alam ng nakararami sa kasalukuyan:
   * sipnayan — mathematics
   * palautatan — statistics
   * panakda — numerator
   * pamahagi — denominator
   * tumbasan — equation
   * sanyo — variable
   * awanggan — infinity
   * isakay — monomial
   * duhakay — binomial
   * talukay — trinomial
   * damikay — polynomial
   * duyog — ellipse
   * tikop — circumference
   * gilis — hypotenuse
   * tadlong — perpendicular
   * palatangkasan — set algebra
   * bilnuran — arithmetic
   * sukgisan — geometry
   * lapya — plane
   * siksin — solid
   * panandaan — algebra
   * tatsihan — trigonometry
   * timbulog — spherical
   * tayahan — calculus
   * liknayan — physics
   * hambinging bigat — specific weight
   * tigal — intertia
   * dantay —  impulse
   * dagsa — momentum
   * habyog — torque
   * larang — equilibrium
   * gitisig — centripetal force
   * basisig — centrifugal force
   * dagsin — gravity
   * kapnayan — chemistry
   * lahatan — general chemistry
   * urian — qualitative chemistry
   * sukatan — quantitative chemistry
   * haying — organic chemistry
   * dihaying — inorganic chemistry
   * haykapnayan — biochemistry
   * dagikapnayan — electrochemistry
   * haynayan — biology
   * dagisikan — electronics
   * dagitab — electricity
   * saloy —  current
   * dagisik — electron
   * tablay — electric charge
   * lulos — bypass
   * sunurang kabit — series connexion
   * agapayang kabit — parallel connexion
   * salikop — circuit
   * tuwirang saloy —  direct current
   * saliding saloy — alternating current
   * sakwil — resistance
   * panakwil — resistor
   * kasagwilan — resistivity
   * lulan — capacitance
   * panlulan — capacitor
   * dawit — inductance
   * panawit —  inductor
   * dagibalniing liboy — electromagnetic waves
   * saluyan —  conductor
   * panghadlang — insulator
   * kabtol — switch
   * sayad — ground
   * laktod — short circuit
   * awanging tubo — vacuum tube
   * tugoy — oscillation
   * tugoysipat — oscilloscope
   * panghibayo — amplifier
   * dagindas — electrode
   * duhandas — diode
   * talundas — triode
   * alunig — resonance
   * dalas — frequency
   * libuyhaba — wavelength
   * liboy — wave
   * malasaluyan — semiconductor
   * saligwil — transistor
   *  miktinig — microphone
   *hatinig — telephone
   *katiktik — detective
   *kabatas — law enforcer

Aghamsatagalog2011 16:15, 13 Disyembre 2011 (UTC)Reply

Ang aking ipinapaunawa ay di-paggamit ng mga pilit na inilapat sa Tagalog/Filipino ang mga terminolihiyang banyaga ang pinagmulan mapa-Ingles, Español o anong wika pa, dahil sa pamamaraang ito, gaya ng aking ipinauunawa, naaantala ang pagkakaintindi ng isang konsepto. Tinutukoy nga ang network na kalambatan, kalabagan ngunit upang gamitin ito bilang Networko ng kompyuter o kalambatan ng kompyuter ay kailangan pang isipin kung ano ang tinutukoy nito, dahil hindi ito ang nasa kamalayan natin bilang pagtukoy sa computer network. Nakakatuwang isipin ang mga ginamit na sipian gaya ng English-Filipino Dictionary ni Luciano Gaboy ay tinutukoy ang Computer network bilang computer network, dahil kung tutukuyin ito sa iba pang terminolohiya ito'y naglilihis ng kaisipan. Tama na may mga pamantayang kailangang masunod, ito dapat ay inaangkop ang pagkaunaw rin ng mambabasa, sa paghangad natin na lumaganap ang Wikipedia lalo na sa Tagalog at iba pa nating wika sa Pilipinas, ano kailangan manaig ang pag-unawa ng iilan o nakararami? Bakit ang mga librong ito ay di-tinutukoy ang mga ito bilang kalambatan ng mga kompyuter? Simple lamang ang eksplanasyon: it does not capture the full essence of the word it attempts to represent. Naniniwala ako at naninindigan na dapat batayan ng desisyon ayon sa merito ng argumento, hindi lamang sa pagtukoy kung ano ang nakatadhana na, maliban na lang kung hangad ng Wikipediang Tagalog na ito'y magbulag-bulagan sa takbo ng panahon at itanggi ang likas na katangian ng wika natin ang panghihiram na sa malawakang perspektibo ay nagpapayabong ng ating leksikon. O di-kaya'y mali ang mga patnugot ng mga diksiyonaryong naglalathala ng mga terminolihiyang Ingles o iba pang wika at tama ang mga nasa Wikipediang Tagalog? Asan ang kredibilidad na maaari nitong patunayan? --Scorpion prinz 18:08, 13 Disyembre 2011 (UTC)Reply
Dahil sangay lang ng WP english ang WP tagalog, dapat nakasalig din ito sa mga patakaran ng English WP dahil sa mas tanyag ang WP english at "mas" maraming mga input dito mula sa iba't ibang mga editor sa loob ng maraming taon simula ng malikha ito. Sa tingin ko sa talakayan sa taas, mas marami ang nais na ipatupad ang mga salitang "karaniwan" at natural sa mga gumagamit nito at hindi ang "makalumang" salitang inimbento na hindi ginagamit ngayon. Hindi ako tutol sa paghiram ng dayuhang salita kung ito ay talagang tanyag sa mga tagapagsalita ng tagalog. Sa kaso ng mga teknikal na konsepto, kahit ang mga Ingles na katumbas nito ay hindi karaniwan dahil ang mga nasa larangan lang nito gaya ng sa mekaniks na kwantum, matematika, pisika, biokemistri at iba pa gaya ng mga siyentipiko, ang tanging gumagamit ng mga terminong ginagamit dito. Sa aking opinyon, kung magagawang mai-tagalog dahil ang anyo nito ay karaniwan mula sa hiniram na dayuhan, ito ay dapat isagawa. Halimbawa ang mga karaniwang mga tinagalog na dayuhang salita: ang +try ay nagiging +triya gaya ng trigonmetriya; ang +ity ay karaniwang tinagalog na +idad; ang +sion naging +syon gaya ng telebisyon mula sa television at ; ang +ic naging +ika o +iko, ang +ture naging +tura at marami pang iba. Halimbawa, ang salitang "conjecture" ay walang eksaktong katumbas sa tagalog pero dahil sa may anyo itong maaaring itagalog na "konhektura", ito ay dapat gawin dahil ang +tura ay anyong tagalog na mas magiging pamilyar ang nagbabasa kesa sa pagpapanatili ng "conjecture". Ito ang ginawa ko sa matematika. Kailangan ding sanayin ang sentido komon kung angkop bang tagalugin o panatilihin na lang ang orihinal na hiniram na salitang dayuhan. Aghamsatagalog2011 23:13, 13 Disyembre 2011 (UTC)Reply
Maling pagkakaintindi iyan ng patakaran ng Wikipedia. Una, HINDI sangay ng Wikipediang Ingles ang Wikipediang Tagalog, at may karapatan tayong magpatupad ng sarili nating patakaran maliban na sa mga limang haligi ng Wikipedia. Pangalawa, hindi ko alam kung bakit mong pinipilit na maka-purista ang patakaran kung alam naman namin lahat na hindi katanggap-tanggap ang mga salita tulad ng "salumpuwit" at "sipnayan" at hindi naman talaga gagamitin iyon bilang pamagat sa artikulo maliban na sa paglalahad tungkol sa kung ano ito sa unang talata ng artikulo. Talaga naman hindi namin gagamitin iyon, at nakatatawa lang iyon kung gagamitin ito ng Wikipediang Tagalog. May sentido komun din kami. --Sky Harbor (usapan) 07:05, 14 Disyembre 2011 (UTC)Reply
Sino nagpasya ng mga patakarang ito sa WP tagalog? Ito ba ay napagkasunduan o gawa lamang ng isang tao at bakit walang mga talakayang nangyari? Tignan mo ito: http://en.wikipedia.org/wiki/Wikipedia:Consensus. Paano kung may mga bagong editor na darating dito na tutol sa mga patakarang ito. Paano babalansehin ang mga pananaw ng mga bagong editor na ito kung ipipilit mo sa kanila ang mga patakarang "tutol" sila? Bakit pa may mga inilaang talakayan talk:article dito kung tapos na agad ang usapan.Aghamsatagalog2011 14:30, 15 Disyembre 2011 (UTC)Reply
Pinapasyahan kita na maghanap sa mga sinupan ng Kapihan para makakita ng talakayan tungkol sa mga patakaran. Hindi ko alam kung bakit iyan pa ang naisip mo: na walang talakayang naganap. Patakaran iyan ng Wikipedia noong 2007-2008 pa, na pinag-usapan ng buong pamayanan. Gayundin, maaari bang mag-hinuha po tayo ng katapatan (assume good faith)? --Sky Harbor (usapan) 16:30, 15 Disyembre 2011 (UTC)Reply
Ang mga kasunduan o konsensus ayon sa haligi ng WP ay "hindi hindi mababago". Ito ay maaaring magbago kung may mga pagtutol at magkaroon ng mga talakayan hanggang sa may maaabot na mga bagong kasunduan. Aghamsatagalog2011 15:22, 16 Disyembre 2011 (UTC)Reply
Bakit mo naman gagamitin ang konhektura kung higit na maiintindihan ang haka-haka, 'di dahil ito'y likas na Tagalog, ngunit mas mauunawaan ito. Kung ang sentido comon ay magreresulta sa Kanang angulo bilang right angle, maghinay-hinay muna tayo. Sa literal na pagsasalin-wika, kailangan iangkop ang konsepto na kinakahulugan nito, at ang katanggapan nito sa wika ng lipunan. Kaya di natin tinutukoy ang Chief Justice bilang Pangunahing Katarungan bagkus Punong Mahistrado ang pagtukoy rito. Gaya ng pagtukoy sa Noche buena bilang Notsebuena, wala sa kamalayan ng lipunan ang ikalawang pagbaybay nito na siyang ginamit bilang artikulo dito. Inuulit ko, kailangan isaalang-alang kung ano ang nasa kamalayan ng lipunan, at di ng nagsusulat nito lamang. 'Di dito nagtatapos ang maaari kong banggitin na mga halimbawa na lalong magpapaguho sa kredibilidad na gustong mapatunayan ng Wikipedia at mga nag-aambag dito. --Scorpion prinz 15:32, 14 Disyembre 2011 (UTC)Reply
Sa kaso ng kanang anggulo, ito ay isang "tapat na pagkakamali". Sa tingin mo ba, ang paggamit ng "right triangle" ay mas mabilis na mauunawaan gayong hindi naman ito karaniwang salita kahit sa Ingles, maliban na lang kung ikaw ay isang estudyante ng "matematika" na nag-aaral ng mga konseptong ito. Ang konhektura ay masasabi nating haka haka pero sa matematika ito ay hindi lamang "basta haka haka" kundi batay din sa ebidensiya. Kahit nga sa http://en.wiktionary.org/wiki/conjecture kailangan pang spesipikong "pakahulugan" dahil hindi ito basta isa lamang haka haka. Kung "kamalayan", paano mo ngayon isasalin ang mga salitang teknikal gaya ng sa "http://en.wikipedia.org/wiki/Twistor_theory na kahit sa Ingles ay hindi ito karaniwang ginagamit ng mga tagapagsalita lalo naman ng mga nagsasalita ng tagalog.Aghamsatagalog2011 14:30, 15 Disyembre 2011 (UTC)Reply
Di mo kailangang lumayo, mas aangkop gamitin ang Teoryang Twistor o panatiliing Twistor Theory, gaya ng Teorya ng Relativity at hindi Teorya ng Relatibidad, isama mo na rin ang gravity at hindi grabidad. Ang mga konseptong ito ay pumapasok sa ating kamalayan sa wikang Ingles, dahil ang ating sistema ng pagtuturo sa ating bansa ay nakasalalay sa wikang ito pati na rin ang mga libro o babasahing ginagamit natin na nagpupukaw sa ating kamulatan ng mga konseptong ito, maliban na lamang kung ang pinagmulan nito ay konseptong Pilipino at Tagalog/Filipino ang ginamit na pantukoy rito. Ang conjecture sa konseptong pangmatematika ay maaaring at mas nararapat panatiliin sa anyong ito dahil wala sa kamalayan at leksikon natin ang konhektura, at kung ito'y ipagpipilitang katumbas na salita ng conjecture sa ating wika, lalabagin nito ang pamantayang patungkol sa orihinal na pananaliksik. Kung sa paglipas ng taon, lumaganap ang likas na Pilipinong terminolohiya sa pagtukoy ng mga paksang ito, ngunit sadyang suntok sa buwan kung ito'y mangyayari, doon lamang natin dapat gamitin ang mga terminolohiyang pilit na ginagamit dito sa Wikipediang Tagalog. --Scorpion prinz 06:11, 16 Disyembre 2011 (UTC)Reply
Tama ka na ang mga reperensiya sa agham at matematika sa bansa ay nasa Ingles. Kung ipagpapalagay nating nasa kamalayan ang mga ito dahil sa Ingles ang reperensiya sa mga paaralan, dapat maging konsistente at isulat na lang sa ingles at hindi "taglish" ang mga artikulo dito sa WP tagalog. Ang inaasintang(target) mga mambabasa dito sa wp tagalog ay mga tagapagsalita ng tagalog at hindi taglish at lalo namang hindi Ingles. At kung maghahaka haka tayo na nasa kamalayan ang ingles dahil ito ang ginagamit sa aklat, sana wala ng bibisita sa wp tagalog dahil direkta na lang silang pupunta sa wp ingles. Ebidente sa mga stats sa mga artikulo dito na maraming nagbabasa dito halimbawa http://stats.grok.se/tl/201112/Albert_Einstein. Kaya nagpupunta ang mga bisita dito ay upang maunawaan ang mga konsepto sa Ingles kaya kung papanatilihin mo lang ang Ingles at hindi gagawa ng paraan na mas magiging pamilyar ito sa mambabasa ay tatalunin nito ang layunin nito dahil kaya nagpunta ang mga ito dito ay upang maunawaan ang mga konseptong ito. Hindi lang naman sa tagalog nangyayari ang pagsasalin ng hiniram na dayuhang salita. Kahit nga sa ibang wika nangyayari rin ito para mas maging pamilyar ang tagapagasalita ng mga wikang ito. Tignan mo ang http://en.wikipedia.org/wiki/Anglicisation, Anglicisation, or anglicization (see -ise vs -ize), is the process of converting verbal or written elements of any other language into a form that is more comprehensible to an English speaker, or, more generally, of altering something such that it becomes English in form or character.Aghamsatagalog2011 15:14, 16 Disyembre 2011 (UTC)Reply
Kailangan mong intindihin ang katangian ng mga wika natin, sadya itong nanghihiram sa ayaw mo ma't sa gusto. Binanggit ko na sa una pa, na di tayo gaya ng French, Icelandic at Turkish na mayroon silang mga institusyon at nasa kultura nila ang pagbuo ng mga bagong salita upang umangkop ang mga iba't-ibang konsepto sa iba't-ibang larangan. Nakalulungkot man aminin pero ito ang ganap na katotohanan. Ang Anglicisation, ay hindi natin magiging problema kung Español pa rin ang malawakang may impluwensiya sa ating wika, kaya hindi dapat ginagamit na punto ng argumentong ito. At hindi mo naman isinasa-Ingles ang paraan ng pagbuo ng isang pangungusap, terminolohiya lamang. Halimbawa: algebra, algebraic equation, binomial, polynomial, kung ang mga salitang ito'y isasa-Español mo muna, di ito agad lubos na maiintindihan dahil nga sa ito'y naituturo sa ganung porma, at kailangan mo pang isipin ang pinagmulang salita nito. Ang gagamitin mo lamang naman ay ang isang konsepto o salitang walang tahas at ganap na katumbas sa ating wika at doon mo na ito palalawigin sa pagsulat mo ng mga artikulo dito. Gaya ng gym, painting (noun), live (adverb), walang ganap na salita sa Tagalog ang lubos na sasaklaw sa konseptong tinutukoy ng mga ito, at kung maghihiram ka na rin lang naman sa Español, bakit di mo pa hiramin ang mga salitang Ingles na ito kung ito naman ang nauunawaan mo na. Sa madaling salita bakit mo pa pahihirapan ang sarili mo at ang mga mambabasa? Bakit kailangan mong maging konsistente kung konsistent naman ay angkop na? --Scorpion prinz 18:16, 18 Disyembre 2011 (UTC)Reply
Ang mahirap ay kung masyadong tayong magpapalagay na ang mga nagpupunta rito sa WP tagalog ay mahusay sa taglish o Ingles. Bakit naman poproblemahin pa dito ang mga "mas nakakaunawa ng Ingles". Kung sasabihing "mas nauunawaan" nila ang ingles kesa sa tagalog, bakit pa sila mag-aaksayang pumunta wp tagalog kung pwede namang direktang tumungo sa English WP. Ibig mo bang sabihin, mas naunawaan nila ang taglish kesa sa Ingles o pag purong Ingles ay hindi nila mauunawaan? Paano naman yung mga "hindi mas nakakaunawa ng Ingles". Kung masosolusyonan na ang "mas nakauunawa sa Ingles" ay magtungo sa English WP, hindi naman masosolusyonan kung ang mga "hindi mas nakauunawa ng Ingles" ay makakaenkwentro pa rin dito ng Ingles. Aghamsatagalog2011 00:13, 19 Disyembre 2011 (UTC)Reply
Hindi pagpapalagay yan, mga komentong nakalap yan nung may pinadala dito sa Pilipinas ang Wikimedia Foundation at nagsaliksik tungkol sa Wikipediang Tagalog. Kung saan pati ang mga nagsusulat sa Wikipediang Tagalog ay kailangan pang magkumpara ng interface ng Wikipediang Tagalog sa English Wikipedia para lamang makaikot sa proyektong ito. Mga gumagamit na yan, at di lamang mambabasa, paano pa kaya kung sila'y mambabasa? Ang paggamit ng punsiyon sa halip na function, ekwasyon sa halip na equation ay pagpapaunawa ba ng mga terminolohiya sa likas na Tagalog, di ba ito'y hango sa Español? Ang wikang Español pa ba ang nanaig sa ating lipunan? Aral ba sa Español ang nakararami sa atin? Bakit mo hihiramin pa ang mga salitang ito sa Español, kung ito'y mas nauunawaan sa Ingles? Kung gagamitin mo naman ang mga binuong salita ng GAUF (Gregorio Araneta University Foundation), na iyong nilista sa itaas, matagal na yang di-tinanggap ng lipunan at tinuligsa nung 1970s pa, kaya di-lumawak ang paggamit ng mga salitang iyan. Di mo madidiktahan ang lipunan, dahil ang lipunan ang huhubog ng kanyang wika, at doon tayo kailangan umayon.--Scorpion prinz 01:30, 19 Disyembre 2011 (UTC)Reply
Mahirap para sa mga nagsasalita ng taglish ang "purong tagalog" kung hindi nila sinasanay ang sarili nila sa tagalog. Kahit nga may mga katumbas na salitang tagalog ay patuloy pa rin ang paggamit ng iba ng taglish o ingles dahil sa iba ibang personal na dahilan. Yan ay sariling preperensiya at hindi naman porke ang karamihan sa mga nasa siyudad ay gumagamit ng taglish o Ingles ay ibig sabihin ang lahat ng tagapagsalita sa bansa ay gumagamit ng wikang ito. Hindi rin lahat ng bumibisita sa WP tagalog ay aasahan mong mauunawaan agad ang lahat ng patakaran o operasyon dito. Lahat ng natutunan ay kailangang gugulan ng panahon upang matutunan ito. Bagaman isa sa opisyal na wika ang ingles ay tagalog pa rin ang pangunahing wika sa bansa at pangalawang wika sa ibang mga probinsiya. Ito ay ebidente sa naririnig sa mga pakikipagtalatasan sa mga kalye ng iba't ibang uri ng tao mula bata hanggang matanda. Ito rin ay ebidente sa tv, radyo, pelikula etc. Dahil pangunahing wika ang tagalog at mas maraming salitang tagalog ang may anyong kastila, mas magiging komportable kung isasalin sa anyong ito kesa sa pagpapanatili ng ingles. http://tl.wikipedia.org/wiki/Wikang_Kastila. Hindi rin dahil nasa ingles ang mga aklat sa matematika o agham ay nangangahulugang ang mga salitang ito ay karaniwan na ring ginagamit sa pakikipagtalastasan. Hindi naman kasi araw araw ginagamit ang mga salitang teknikal gaya ng function at equation. Paano mo sasabihing mas mauunawaan ang function at equation kung hindi ito karaniwan kahit sa ingles. Bukod dito, kahit pa ang mga medikal na aklat ay gumagamit ng mga terminong ingles tulad ng brain, lung, cold, asthma, measles, chickenpox etc, karaniwan pa rin ang paggamit ng mga salitang tagalog sa mga salitang ito gaya ng utak, baga, sipon, pigsa, bulutong, tigdas, hika, pulmonya etc. Aghamsatagalog2011 06:19, 19 Disyembre 2011 (UTC)Reply
Hindi ko alam kung nabasa mo ang mga binaggit kong nauna, kailangan panatiliin sa Tagalog/Filipino ang mga salitang may tahas at hayag na katumbas sa ating wika. Kaya ang utak, baga, sipon, pigsa, bulutong, tigdas, hika, pulmonya (Español ang pinagmulan), gulugod, bituka, guwang ng ilong (nasal cavity), lalamunan (esophagus), lalaugan (pharynx), babagtingan (larynx) ay kailangang manatili sa Tagalog/Filipino. Ngunit ang equation, function, algebra, calculus, photosynthesis, gravity, locomotion, data structure, operating system, computer network, cellphone, scanner, chemotherapy, arachnophobia, circuit, showbiz, stock market, golf, template, black hole (at di Itim na butas) etc. ay (uulitin ko na naman) mga konseptong pumasok at lumaganap sa kamalayan natin sa wikang Ingles, kaya di na dapat piliting isa-Tagalog/Filipino pa. Hindi lubos ang pamantayan ng KWF ang pagsasa-Español muna ng salita bago ito isa-Tagalog/Filipino, dahil di natin ginagamit ang presupuesto upang tukuyin ang budget o badyet (dati'y laang-gugulin) (Tandaan: may katangian ang lahat ng wika na magka-obsolete na salita), kaya ang computer ay hindi computadora, ang cell (biology) ay di-dapat selula at ang ballpen ay maaaring ballpen pa rin o bolpen at hindi boligrafo. Kung ang function o equation sa larangan ng matematika gaya ng sinabi (o pagkaunawa) mo na hindi rin naman karaniwan sa Ingles, hindi mo na kailangan lumayo pa dito, at ito'y ipaliwanag mo lang gamit ang konseptong ito. Makaluma pa nga ang pagkaintindi mo sa punsiyon dahil ito'y tumutukoy sa social function, kung Tagalog talaga ang gagamitin mo, ito dapat ay tungkulin o gampanin ngunit sa matematika naman naliligaw ang kahulugan nito kapag tungkulin ang ginamit mo. Kung ikaw ay dalubhasa sa wika at sanay sa paghubog ng mga salita at paggamit ng mga panlapi ang equation ay katumbasan. Batid ko, kung ang mga ito ay salitang French, Japanese o Latin (gaya ng habeas corpus, subpoena duces tecum, de jure, chargé d'affaires, mardi gras, kamikaze, sushi) sigurado akong mananatili ito sa anyo ng orihinal na wika, ang pinagkaiba lang nauunawaan natin ang Ingles kaya natin (at pilit) ito isalin-wika. May taliwas din sa pamantayang ito, ang Simabahang Katoliko ay patuloy na nanghihiram sa Español ng mga terminolohiya bago ito isa-Tagalog/Filipino. Nauunawaan ko na gusto mong mapanatili sa Tagalog ang Wikipedia, ngunit taliwas ito sa umiiral na leksikon ng mga nagsasalita ng wikang ito. --Scorpion prinz 04:32, 20 Disyembre 2011 (UTC)Reply
Una, kailangan mo munang liwanagin kung sino ang tinutukoy mong "lumaganap sa kamalayan natin sa wikang Ingles". Sinong 'natin'? Ito ba ay tumutukoy sa 'lahat' ng tagapagsalita ng tagalog o sa mga nagtataglish lamang? Kung sasabihin mong 'lahat' ng nagtatagalog, ang kawing na ito ay sasalungat dito. Kung senador na ang nagsasabing "mostly technical terms they use during discussions, that are really foreign to me", paano pa kaya ang mga ordinaryong mamamayan na hindi bihasa sa ingles na gaya ng iba. Isa pa, hindi dahil may ilang salitang ingles na tanyag ay nangangahulugang lahat na ng salitang ingles ay tanyag rin. Isa ulit itong paglalahat. Hindi dahil nabasa ang calculus ay magiging agad na alam ang konseptong ito. Siyempre, bago mo ito maunawaan ay kailangan alam mo na ang trigonometriya at bago nito ang alhebra at bago naman nito ang aritmetika. Hindi ko rin sinasabing lahat ng salitang dayuhan ay dapat tagalugin. Ang posisyon ko ay kung ito ay maitatagalog ay mas maigi itong gawin. Paano mo naman isasalin ang sushi o hara kiri sa tagalog, pero ang gravity at trigonometry ay pwede dahil may anyo itong karaniwan sa tagalog. Halimbawa ang +ity sa +idad gaya ng ability(abilidad), responsibility(responsibilidad) at iba pa. Mas maaunawaan kung mas pamilyar sa hitsura o tunog ang salita ng nagsasalita kesa sa orihinal na dayuhang salita.Aghamsatagalog2011 12:25, 20 Disyembre 2011 (UTC)Reply
Chavacano ba ang tinutukoy mo o Tagalog/Filipino? Ang sa pagkakaalam ko, pakitama ako kung ako'y nagkakamali, ititigil ko ang pakikipagpalitang kuro sa iyo kung mali ako, hindi creole ang mga wika sa Pilipinas (maliban sa Chavacano), hindi rin nabibilang sa wikang Romanse ang mga wika sa Pilipinas na maaaring anibin ang mga salitang Ingles sa simpleng pagbabagong anyo nito, gaya ng pagpapalit ng mga suffixes o hulapi. Dahil sa unavailabilidad ng mga salita na maaaring bahagi pala ng bokabularyo natin, dapat pala, ipinasok na ng UP Sentro ng Wikang Filipino sa UP Diksiyonaryong Filipino pati na rin ng KWF sa inilimbang nitong mga diksiyonaryo ang mga salitang Ingles na maaaring baguhing anyo lamang. Ang alam ko rin, sa simula pa, majoridad lang ang kahulugan ng mga pagtukoy ko at hindi ako naglalahat sa paghihimok na ipaunawa ang WP Tagalog sa majoridad. Maganda siguro kung bigyan kita ng halimbawa, dahil paikot-ikot na lang naman ang tinutukoy ko, noong itinatag ang Commonwealth sa Pilipinas, tinutukoy itong Mancomunidad o sa anyong Pilipino Mangkomunidad, dahil nga naman noong panahong iyon malalim pa rin ang impluwensiya ng wikang Español sa ating bokabularyo, ngunit bakit ngayo'y tinutukoy na itong Komonwelt? --Scorpion prinz 16:21, 20 Disyembre 2011 (UTC)Reply
Siyempre ang tinutukoy ko ang mga ingles na walang eksaktong katumbas sa tagalog. Bakit mo naman isasalin ang unavailability sa unavailabilidad kung maisasalin naman sa tagalog na hindi magagamit o hindi makukuha. Gaya ng sinasabi sa taas, kailangang gamitin ang sentido komon sa pagtatagalog ng dayuhang salita. At saka yang halimbawa mo ng komonwelt ang nagpapatunay na ang wika ay hindi "nakapirme" at ito ay maaaring baguhin sa anyong mas komportable sa tagapagsalita nito. Kung nasa kamalayan ang ingles, bakit kailangan pang tagalugin ito sa anyong komonwelt ng nagtatagalog?Aghamsatagalog2011 23:07, 20 Disyembre 2011 (UTC)Reply
Kaunti na lang, malapit na ang analisis mo. Sa pagtukoy sa Komonwelt ng Commonwealth at hindi na sa Mangkomunidad ay sumasalamin sa pagbabago ng wikang mas nakahihigit nang impluwensiya sa ating leksikon, ngunit 'di ito nangangahulugan na ang mga salitang nakasanayan na sa Español ay i-Ingles na (kabayo (caballo) at hindi horse, imperyo (imperio) at hindi empire, teknolohiya (tecnología) at hindi teknoloji). Sa pagsalin-wika ng higit sa karamihan ng mga salita o konseptong di-likas sa leksikon ng mga Pilipino (walang tahas o hayag na katumbas) higit na mainam na gamitin ang nasa Ingles na anyo, nagbabago ang panahon pati na rin ang kamalayan ng mga Pilipino sa paghubog ng kanilang wika, pakatandaan lang naisin nating panatiliin sa Tagalog/Filipino ang mga salitang may hayag at tahas na katumbas sa ating wika (mali rin naman na gumamit ng Tagalog/Filipino na kahit may sipian nga, ito ay maaaring kathang-salita lamang gaya ng sipaang-bola bilang pagtukoy ng football na ngayo'y tinutukoy na futbol) at kung maghahango lang tayo sa Español, tiyaking malawakan pa ang gamit ng salitang ito, ngunit sa mga salitang di na malawakan ang gamit sa Español at Ingles na ang pagtukoy rito maaaring Ingles na ang gamitin gaya nga ng sa Komonwelt (ahedres (ajedrez) vs chess, oksiheno (oxígeno) vs oxygen, grabidad (gravidad) vs gravity, potokopya (fotocopia) vs photocopy, etc.). Tandaan, hindi Chavacano ang wikang Tagalog/Filipino. --Scorpion prinz 21:52, 22 Disyembre 2011 (UTC)Reply
Hindi ko alam kung nauunawaan mo ang posiyon ko at sana ay kung maaari, pakibasa mong ulit ang mga isinulat ko sa itaas. Ang sinasabi ko ay kung maisasalin ang mga 'walang katumbas' na salitang ingles sa tagalog dahil ito ay nasa anyong karaniwan sa tagalog, ito ay dapat gawin. Nagkataon lang na dahil karamihan sa mga tinagalog na salitang Ingles ay may anyong kastila kaya nagmumukhang ang posisyon ko ay pagkakastila ang ibig kong sabihing pagtatagalog. Ang pagtataguyod ko ng trigonometriya ay hindi dahil ito'y nagmula sa kastila kundi dahil karamihan sa mga salitang ingles na may +try ay karaniwan sa mga salitang "tinagalog" na may huling +triya. Isa pa, kung sinasabi mong nagbabago ang panahon pati na rin ang kamalayan ng mga Pilipino sa paghubog ng kanilang wika, bakit sa tingin mo dapat ipagpilitan ang ingles kung nagbabago naman pala ang kamalayan ng mga pilipino sa paghubog ng kanilang wika. At uulitin ko rin sinasabing kong kung ang salita ay "karaniwan" sa mga tagapagsalita ng tagalog kahit pa ito ay ingles, kastila o tagalog o iba pa, ito ang dapat gamitin. Kung ang futbol ay maipakikita mong talagang laganap na ginagamit sa kasalukuyan(halimbawa sa google)ay dapat itong gamitin. Ang patakarang ito ay makikita rin sa http://en.wikipedia.org/wiki/Wikipedia:Article_titles. Ang mga salitang ito ay maaari lamang lumapat sa mga "pantalastasang mga salita sa tagapagsalita ng tagalog"(karaniwan sa usapan) at hindi mo pwdeng sabihing ang mga teknikal na konsepto ay mga salitang pantalastasan dahil ang mga ito ay hindi ginagamit ng mga hindi propesyonal.Aghamsatagalog2011 04:00, 23 Disyembre 2011 (UTC)Reply
Hindi ikaw ang naunang nagmungkahi niyang balak mong mangyari, matagal nang ginagawa yan ng mga nauna pa sa iyo ang ilan ay mga tagapangasiwa pa nga, mapa-konseptong teknikal, agham at iba't-iba pang larangan na binanatan ng binanatan ang pagsasalin-wika masabing nasa Tagalog/Filipino o anyo ito lamang. Ano kinalabasan sa literal na pagsasalin-wika? Di-angkop ang gamit sa mga tinutukoy nito o lihis ang pagka-unawa. Hindi sa lahat ng oras ay dapat ang tytiya, tertro, ityidad, phypiya/pya (fia/fía) sa kadahilanang (1) di yan katangian ng wika natin, nagkakataon lamang dahil sa impluwensiyang Español at hindi sa lahat ng pagkakataon ito ang tinatawag ng sitwasyon at aangkop na solusyon (commodity?); (2) maaari laktawan nito ang mga ganap namang Pilipinong mga salita; (3) sa nakapag-aral ng mga konseptong nais mong tukuyin 'di iyan ang pagkakaalam nila dahil ito'y naituturo sa kanila (sa katotohanan lang) sa wikang Ingles (dito sa Pilipinas) na. e.g. chemotherapy o kimoterapya (quimoterapia), termometer (thermometer) o termometro. Kahit nga ang mga ginamit na modyul sa Sineskwela ay tinutukoy ang mga paksa at terminolohiya sa Ingles ngunit ang pagpapaliwanag ay sa Tagalog/Filipino. Kung kailangan mo ng pagpapatunay maliban sa Google, maaari kong ipakita sayo ang mga libro sa Tagalog/Filipino na aking iniipon at binibili para sa Wikimedia Philippines para maging sanggunian. Pati nga ang opisyal na bersiyon ng ating Konstitusyon sa Filipino ay hindi nangimi sa paggamit ng mga salitang depyuti, klerk, Judicial and Bar Council, integrated bar, certified public accountant, bona fide, party-list system, impeachment, graft and corruption, Articles of Impeachment, na ibig sabihin hindi sa lahat ng panahon dapat magsalin sa wikang lokal.
Hindi ito pagpapalagay, ito ang kinalabasan ng nagsaliksik na sa mga ginagawa ng Wikipediang Tagalog ukol sa paksang ito. Pati nga mga eksperto sa wika ay tinutukoy ang file na file at hindi talaksan, sino ba ang higit na may kredibilidad? Ang pinupunto ko kailangan mong isa-alang-alang ay kung ang kalalabasang salita ba ay tanggap sa wikang ginagamit ng nakararami. Iyan din ang punto ng KWF (sino ba tayo upang maging mas marunong pa sa kanila?). Mismong taga-KWF nga ang nagtukoy na hindi sa lahat ng panahon tamang isa-Tagalog/Filipino ang salita gaya ng seat-belt na naririnig natin sa mga eroplano na sinturong-pangkaligtasan, dahil walang gumagamit ng sinturong-pangkaligtasan sa ordinaryong diskurso. Kahit ang mga libro inilalathala na ngayon ng mga doktor sa wikang Filipino ay napakalawak na at napakapangahas ang pagyakap nila sa mga terminolohiyang Ingles kahit pa may ganap namang katumbas ito sa wika natin. Ngunit sino ba tayo para magdunung-dunungan kaysa sa kanila? Sa ayaw man natin o sa gusto (ayaw ko rin), Ingles na ang nangingibabaw na dayuhang wika lalo na sa mga paksang teknikal. --Scorpion prinz 16:01, 23 Disyembre 2011 (UTC)Reply
Sa nakikita ay magiging paulit ulit na lang ang mga argumento at kontra argumento dito kung patuloy tayong "magpapalagay na nauunawaan ng lahat ang ingles". Kaya lang naman nag-iingles ang iba kahit ang usapan ay sa tagalog at alam nila ang katumbas na tagalog ay upang iangat ang sarili nila sa iba at ipakitang mas edukado sila. Bagaman ang pangunahing wika ng karamihan ay tagalog, patuloy pa rin ang paggamit ng ingles ng iba kaya imbis na maabot at maipaunawa ang mensahe sa "mas nakararami" ay ilan lang ang mga nabibibigyan ng pagkakataon na makilahok sa mga usapan. http://www.gmanetwork.com/news/story/233020/news/nation/poor-english-hampers-sen-lapid-in-rh-bill-debates Ang nagiging mentalidad ay pag hindi ka marunong mag-Ingles, bahala ka na sa buhay mo. Tapos ang mga 'elitista' ay naiinis sa mga 'masa' dahil sa mga pagpapasyang ginagawa nito sa tuwing may halalan. Kung hindi natin babaguhin ang mali sa sistema, wala talagang mangyayari sa bansa natin.Aghamsatagalog2011 19:51, 24 Disyembre 2011 (UTC)Reply
Ano ang maka-elitista sa pagsabi na ang Ang photosynthesis /fo·to·sin·te·sis/ ay isang prosesong kemikal kung saan ang carbon dioxide ay nagiging organic compound..., Ang Pythagoreang theorem ang isa sa mga pangunahing saligan ng Euclideang geometry. Pawang mahirap isipin na maka-elitista ang kalalabasan ng isang artikulong ipinapaliwanag sa Tagalog/Filipino ngunit ginagamit ang Ingles na terminolohiya. Kung itutungo mo sa ganyang direksiyon ang argumento mo, hindi ba higit na maka-elitista ang pangangailangang umintindi muna ng Español dahil ito'y itinuturo na lamang sa kolehiyo at sa ilang piling pamantasan lamang? Paaano pa makakaunawa ang mga kagaya ni Senador Lapid?--Scorpion prinz 09:34, 25 Disyembre 2011 (UTC)Reply
Maaaring ito na ang huli kong komento sa paksang ito dahil paulit ulit na lamang ang pagtataas ng mga nasagot nang argumento rito gaya ng pagpipilit na pagkakastila ang pagtatagalog. Napansin ko rin na minungkahi mo ang pamagat na Pythagoreang theorem at Euclideang geometry pero kung sinasabi mong mas nauunawaan ang Ingles kesa sa anyong tagalog, ano ang dahilan sa paggamit ng mga anyong ito.Aghamsatagalog2011 17:58, 26 Disyembre 2011 (UTC)Reply
Gaya ng naunang nabanggit, ang mga naging halimbawa ay konseptong pumasok sa kamalayan natin sa Ingles, (1) wala itong tahas na katumbas sa lokal na wika, (2) wala pang nailathala na nagtutukoy sa mga konseptong ito sa anyo ng lokal na wika (3) dahil ito'y tinuturo at ibinabahagi sa anyong Ingles. Pakatandaan ang pagsasalin-wika ay di-dapat literal, bagkus konsepto ang kailangang isalin di-lamang ang bawat salita. Bilang gabay, magandang mabasa mo ito mula sa KWF. Makikita mo kung papaano, di-basta-basta ang pagsasalin kung wala itong ganap na konsepto (gaya ng linguistically diverse) sa ating leksikon. Nais ko maibatid na lubos ako sumusuporta sa pagtuturo ng agham at matematika sa lokal na wika, dahil ito'y napatunayang epektibo. Gayumpaman sa sistema ng pagsasalin-wika na nangyayari dito ngayon, kung saan literal ang pagsasalin (nagkakathang-salita gaya ng ginawa ng GAUF), nalilihis ang konseptong kinakalabasan, nawawalang saysay ang gusto sana nating mabatid na maging epektibong tagapaghatid ng kaaalaman. --Scorpion prinz 15:34, 27 Disyembre 2011 (UTC)Reply
┌──────────────────────────────────────────────────────────────────┘
Kung sinasabing mong lahat ng nasa aklat pang-agham at matematika ay pumasok sa lahat ng kamalayan ng mga nagtatagalog, ano pang dahilan kung bakit kailangan pang lumikha ng Tagalog WP kung maaari na lamang idirekta ang mga nagtatagalog sa English WP. At ano pa ang layunin mo sa paggawa ng mga artikulo dito sa tagalog kung ipinagpapalagay mong nasa kamalayan at mas nauunawaan ang ingles o ingles WP. Hindi tayo pwedeng basta maghaka haka kundi kailangan nating magpakita ng ebidensiya o estadistika na lahat o 100% ng nagtatagalog ay nakauunawa ng Ingles.Aghamsatagalog2011 00:54, 29 Disyembre 2011 (UTC)Reply
Nagtitiwala ako sa dunong mo na maunawaan ang mga punto ko na ibubuod ko sa mga ito: (1) Isaalang-alang ang mga pamantayan sa pagsasalin-wika, ayon sa mga eksperto (di-man sila nagkakasundo sa lahat ng pamantayan, nagkakaisa sila na hindi literal ang pagsasalin-wika, mangyaring di sana tayo magmarunong pa kaysa sa kanila, lalong mawawalan ng kredibilidad ang WP na problema na nito), dito dapat tayo kumuha ng gabay, na malugod ko namang ibinabahagi dito (2) Isaaalang-alang ang higit na nakararamihindi lahat (uulitin ko wala akong binanggit na lahat, what part of this don't you understand?); sa puntong nakararami, may batayan ito dahil may pag-aaral nang ginawa, at nakikita naman sa mga lathalain din ng mga eksperto sa wika (2) Terminolohiya/konsepto lang ang gagamitin ng mga konsepto o paksang walang tahas na katumbas sa wika natin, isaalang-alang kung aling wika ang ngayo'y higit na nananaig sa kamalayan natin, matapos nito ipaliwanag ito sa lokal na wika. Huwag magkathang-salita o magkathang-konsepto, dahil kadalasan tanging ang may-akda lamang ang makakaunawa nito. --Scorpion prinz 02:01, 29 Disyembre 2011 (UTC)Reply
Una, kaya ko sinabing magpakita ka ng ebidensiya ng lahat dahil nang itanong ko sa yo sa itaas kung ano ang ibig mong sabihin sa kamalayan natin, hindi mo pinansin ang tanong ko. Tapos binanggit mo rin ang kamalayan ng mga Pilipino. Siguro kung nasagot mo ng direkta ang mga tanong ko sa itaas ay hindi na tayo hahaba at magpapaulit ulit ng argumento at kontra argumento rito. Ikalawa, sino bang eksperto ang tinutukoy mo, mga Ingles ba na umimbento ng orihinal na ingles o tagalog(pilipino)? Kung sinasabing mong pilipino, saan nila kinuha ang konseptong hindi literal ang pagsasalin ng wika. Kabilang ba dito ang pagsasalin ng ingles sa ibang wika sa buong mundo? Ikatlo, kung ang isasaalang alam mo lang ay nakararami kahit pa sabihing 99 na porsiyento yan, paano yung mga kakaunting hindi nakakaunawa o nakapag-aral ng Ingles? Sinasabi mo bang nauunawaan rin ng 1 porsiyentong tao ang parameterize, integrate, differentiate etc.? Aghamsatagalog2011 02:27, 29 Disyembre 2011 (UTC)Reply
Kamalayan ng mga Pilipino... malinaw na hindi binanggit na Kamalayan ng lahat ng mga Pilipino...natin hindi nating lahat, sa kontekstong ito, malinaw na hindi panglalahat ito (read between the lines). Sa disiplina ng linggwistiks hindi lamang ng sa Pilipinas ngunit pagkalahatan anong wika pa man ito, ang literal na pagsasalin ay maling pamamaraan ng pagsasaling-wika, hindi lamang ang eksperto sa wikang Filipino ang nagsasabi nito, mangyaring manaliksik (kung kailangan mo ng tulong ng WMPH, maaari kang magmungkahi ng mga librong maaaring naming bilhin para magamit mo dito sa WP Tagalog). May katumbas sa wikang Filipino ang integrate, differentiate pero hindi sa konseptong pangmatematika, batay na rin sa mga 3 pinakamayabong na diksiyonaryo sa wikang Tagalog/Filipino. --Scorpion prinz 03:39, 29 Disyembre 2011 (UTC)Reply
Ito na ang huling komento ko rito dahil gaya ng nabanggit ko puro pagreresiklo na lang ang itinataas dito at puro haka haka ngunit walang ebidensiya upang suportahan ito. Hindi rin naman kailangang puro paghahaka lang tayo dito. Kailangang maipakita nating talagang magagawa ang minumungkahi natin. Halimbawa paano mo itataglish ang artikulong ito http://en.wikipedia.org/wiki/Likelihood_function. Baka mahikayat mo ako kung sakaling maisalin mo ito ng "buo" sa sinasabi mong paraan.Aghamsatagalog2011 01:25, 30 Disyembre 2011 (UTC)Reply
Sadyang hindi maiintindihan ang isang bagay kapag ayaw itong unawain, walang paghahaka-haka dahil isang disiplinang may batayan ang pagsasaling-wika di lamang sa Tagalog/Filipino ngunit sa lahat ng wika sa buong mundo. Ang paghahaka-haka dito sa usaping ito ay ang paghahaka-haka ng isang ganap na katotohanan.
Sa ibinigay mong halimbawa nagtitiwala ako na di mo ito isasalin na may pamagat na "Punsyon ng maaari", o lalong di-sana "Punsyon ng verosimilitud". Magandang magsaliksik muna kung may katapat na konsepto tayo nito sa ating wika o lathalain sa paksang ito sa ating wika, kung mayroon gamitin ito. Kung wala panatiliin ang konsepto sa anyong ito sa wikang Ingles (dahil ang mga paksang ito ay itinuturo sa atin sa Ingles), at mula doon ipaliwanag ito sa Tagalog/Filipino. Sabi ko nga, bilang gabay mangyaring manood ng Sineskwela kung paano nila itinuturo sa Tagalog/Filipino ang mga komplikadong konsepto (di lamang salita). Yan lang naman, di mo na kailangan pahirapan ang sarili natin.
Ayon rin naman sa mga diskusyon ng naturang artikulo, kinakailangang gawing payak pa ang paunang mga talata ng artikulo, kung ako ang magsasalin nito batay sa nakasulat na malamang ito'y ganito:

Sa estadistika/istatistika, ang likelihood function (karaniwang tinutukoy na likelihood) ay isang function ng mga parameter ng isang statistical model, na ipinapakahulugang: ang likelihood ng set ng mga parameter value gamit ang napagmasdang kinakalabasan ay katumbas ng probability ng mga nagpagmasdang kinakalabasan gamit ang mga parameter value. May ginagampanang isang mahalagang papel ang likelihood function sa statistical interference, lalo na sa pamamaraang pagtantiya mula sa isang set ng estadistika.

Sa di-teknikal na usapin, ang "likelihood" ay para lamang "probability" na ginagamit sa estadistika, upang mas malinaw lamang ang teknikal na kaibhan nito. Kung ang isa'y magtatanong "Kung ako'y maghahagis ng barya ng 100 ulit, ano ang probability na ito'y parating babagsak na nakaharap?" o "Sabihin nating ako'y naghagis ng barya ng 100 ulit, ano ang likelihood na naging patas ang barya?" Ngunit maling pagpalitin ang "likelihood" at "probability" sa dalawang pangungusap. (Tandaan: Maaaring palitan sa Tagalog/Filipino ang "probability" at "likelihood" sa pangungusap, ngunit di nito maipararating sa teknikal na perspektibo ang hangarin at konseptong nais ipahiwatig ng pangungusap).

Kung ang probability distribution ay nakadepende sa isang parameter, maaaring ituring sa isang banda–na sa isang ibinigay na value ng parameter–ang probability (density) ng iba't-ibang kalalabasan, sa kabilang banda naman ituring–na sa bawat ibinigay na kalalabasan–ang probability (density) ng kalalabasang ito ay nangyari sa iba't-ibang value ng parameter. Sa naunang pagtukoy, gamit ang isang tiyak na parameter value, ipinapaliwanag na function ng kinalalabasan ang probability distribution, habang sa ikalawang pagtukoy, gamit ang isang tiyak na kalalabasan, ipinapakita na ito'y function ng parameter. Sa ikalawang pagtukoy din, ang function ay tinatawag na likelihood function ng parameter, at dito ipinapakita kung papaano maaaring ang isang parameter value ay may kaugnayan sa napagmasdang kalalabasan.

Napilitan lang akong sumagot dahil kailangan. Una, Saan ang batayang tinutukoy mo ng pagsasaling wika sa buong mundo? Hindi pwedeng puro "salita lamang" kundi kailangan kang magpakita ng ebidensiya upang mapatunayang hindi ito haka haka. Ang wika ay hindi permanente at ang en:lingua franca ay nagbago sa paglipas ng mga siglo sa buong kasaysayan ng mundo. Halimbawa, bago naging lingua franca ang Ingles, maraming wika ang nagsilbing lingua franca gaya ng Griyego(imperyong Griyego at Romano), Pranses, at Aleman(German, noong ika-19 siglo) na nagsilbing lingua franca sa larangan ng agham. Hindi orihinal na isinulat ni Einstein o Schrödinger ang kanilang mga akda sa ingles kundi sa aleman gaya ng akda ni Einstein na Ist die Trägheit eines Körpers von seinem Energieinhalt abhängig? na isinalin sa ingles na Does the Inertia of a Body Depend Upon Its Energy Content? at akda ni Schrodinger na Die gegenwärtige Situation in der Quantenmechanik na isinalin sa ingles na The Present Situation in Quantum Mechanics. Kung maghahaka haka tayong ang nasa nakamalayan ang dapat gamitin, bakit hindi "aleman" ang hiniram o ginagamit sa ingles gayong ang aleman ang en:lingua franca(karaniwang wika) ng mga siyentipiko noong ika-19 na siglo. Ang mga siyentipikong Aleman ang nakatuklas ng mekaniks na kwantum at pangkalahatang relatibidad(einstein) na basehan ng modernong pisika. Hindi lang naman ang kaso ay anglisisasyon o pag-iingles ng aleman kundi kahit ang mga orihinal(naunang naimbento) na salitang ingles ay inimbentohan ng mga "bagong" salita sa ibang wika: http://en.wikipedia.org/wiki/English_in_computing. Ayon dito: In French there are some generally accepted English loan-words, but there is also a distinct effort to avoid them. In France, the Académie française is responsible for the standardisation of the language and often coins new technological terms. Some of them are accepted in practice, in other cases the English loanwords remain predominant. In Quebec, the Office québécois de la langue française has a similar function. * email/mail (in Europe); courriel (mainly in Quebec, but increasingly used in French speaking Europe); informally mèl; more formally "courrier électronique" pourriel - Spam, hameçonnage, phishing - Phishing, télécharger - to download, site web - web site, lien - website hyper-link, base de données - Database, caméra web - Webcam, amorcer, démarrer, booter - to boot, redémarrer, rebooter - to reboot, arrêter, éteindre - to shutdown, amorçable, bootable - Bootable, overclocking, surfréquençage, surcadençage - Overclocking, watercooling: refroidissement à l'eau, tuning PC: case modding
Ikalawa, nagsalin ka pero hindi "buo". Kailangan kong makita ang buong salin bago ako magkomento. Hindi rin ikaw ang magpapalagay na mas nauunawaan ang bersiyon mo kundi ang mga nagpupunta ritong mambabasa sa WP tagalog. Kaya nga may mga http://en.wikipedia.org/wiki/Wikipedia:Article_Feedback_Tool upang malaman ang pananaw ng mga mambabasa sa mga nakasulat sa artikulo.
Ayon sa iyo: Kung wala panatiliin ang konsepto sa anyong ito sa wikang Ingles (dahil ang mga paksang ito ay itinuturo sa atin sa Ingles), at mula doon ipaliwanag ito sa Tagalog/Filipino.
Ang hindi ko maunawaan ay kung bakit pinagpipilitan mong ito'y itinuturo sa ingles pero bakit nag-aaksaya ka pa ng panahon sa pakikipagtalakayan dito na itaglish ang mga artikulo dito kung ang batayan mo ay itinuro o nakasulat sa ingles ang mga aklat sa agham. Kung yan ang basehan mo, dapat ang ipaglaban mo ay paggamit rin ng "purong ingles" dahil ang mga nasa aklat ay purong ingles at hindi taglish. Meron bang taglish na aklat sa mga paaralan na nagpapaliwanag ng http://en.wikipedia.org/wiki/Likelihood_function?Aghamsatagalog2011 15:31, 30 Disyembre 2011 (UTC)Reply
I believe you just don't get it, do you? Sa pagpapatunay ng punto ko di ko kailangan isalin ang buong artikulo, sa pagbalangkas ko dapat makita mo na kung paano ito mapababatid sa sistemang konsepto ay ipinanatili sa orihinal na anyo nito at ipinapaliwanag sa Tagalog/Filipino. Maganda ang binanggit mong halimbawa, di ba't salitang mga Indo-Europeo/Romance ito? Halos magkaka-ugnay sila kaya madali nilang nalalapatan ang mga konsepto sa kanilang wika. Ang pagsasalin ay nakabatay sa konsepto at hindi nakabase sa salita lamang at ito ay sa lahat ng wika ng mundo. Ang pagsasalin na ginagawa ng Académie française, pati na rin ng surian ng mga wikang Turkish at Icelandic ay hindi word-for-word kundi isinaaalang-alang nila muna ang konsepto, bago ito lapatan ng katumbas nilang salita. Kaya kung mananaliksik ka pa ng malalim, makikita ang salitang maaaring "isa-French", "isa-Italyano", atbp. na lamang ay nag-iiba pa ang pagtukoy nila ng katumbas nito.
Gaya rin ng nabanggit dati pa, kailangan mong masuri ang katangian ng isang wika kung likas ba itong naglalapat ng katumbas na terminolohiya o katangian ba nito manghiram? Kung ito'y Anglisasyon sa iyong paniniwala, wala kang magagawa rito dahil Ingles ang dayuhang wika na may malawak na impluwensiya sa atin sa makabagong leksikon. Natatangi ka ba sa lipunang ginagalawan mo? Na ikaw lang ang may pagkakaunawa ng mga konseptong ito sa wika natin? Babalik ako sa dati kong paliwanag na alamin kung sa aling wika pumasok ang isang konsepto sa kamalayan ng Pilipino. Kung ito'y laganap na sa atin sa wikang Español gaya ng pulmonya, korales, atbp. panatiliin ito, ngunit kung hindi likas ang isang konsepto sa atin, at ito'y namalas natin sa wikang Ingles, ito ang gamitin. Maski ang KWF ay hindi basta-basta nagkakatha ng salita, itinatala lamang nito ang mga salitang ginagamit ng lipunan, at hindi ito nagkakatha ng salita kung walang konseptong ganito sa ating wika. Institusyon ka bang mas malawak ang kaaalaman kaysa sa naaatasan sa wika natin (hindi wika mo lang)?
Gamitin ko na rin ang mga naging halimbawa mo dati, integrate, differentiate may katumbas sa wikang Tagalog/Filipino, pero hindi sa konseptong pangmatematika. Paki sagot, ito: Mali ba ang UP Surian ng Wikang Filipino sa paggamit ng mga salitang ito sa konseptong matematika, ayon sa nailalathala nilang UP Diksiyonayo ng Wikang Filipino? Tayo ba ay dalubhasaan ng wika? Na maaaring sabihin ito ang katumbas nito sa wika natin? Ipaubaya natin ito sa KWF o sa mga Surian ng Wika, gaya ng mga pamantasang may surian ng wikang Filipino gaya ng UP, Ateneo, PNU. Sino tayo para magkathang-salita?--Scorpion prinz 00:55, 31 Disyembre 2011 (UTC)Reply
Dahil sa wala nang mahugot na mga 'bagong' argumento kaya kailangan bang magtaas na lang ng personal na pag-atake. Tama ka hindi ko nga talaga nauunawaan ang mga personal na opinyon mo kaya nga panay ang pagtatanong ko at paghingi ko ng ebidensiya pero panay rin naman ang pag-iwas mo. Hindi ko rin nauunawaan kung bakit sinabi mong "Sa pagpapatunay ng punto ko di ko kailangan isalin ang buong artikulo". Kung walang pruweba na maisasagawa ito, mananatili lang itong "haka haka". Sinabi mo ring: Gamitin ko na rin ang mga naging halimbawa mo dati, integrate, differentiate may katumbas sa wikang Tagalog/Filipino, pero hindi sa konseptong pangmatematika. Paki sagot, ito: Mali ba ang UP Surian ng Wikang Filipino sa paggamit ng mga salitang ito sa konseptong matematika, ayon sa nailalathala nilang UP Diksiyonayo ng Wikang Filipino? Tayo ba ay dalubhasaan ng wika? Na maaaring sabihin ito ang katumbas nito sa wika natin? pero sinasabi mo ring Ang pagsasalin ay nakabatay sa konsepto at hindi nakabase sa salita lamang at ito ay sa lahat ng wika ng mundo. Bakit nga tama ang UP sa paggamit ng mga salitang ito sa matematika kung ang kamalayan ng konteksto ng mga ito ay hindi matematika. Nakakalito ang opinyon mo dahil magkakasalungat.Aghamsatagalog2011 01:42, 31 Disyembre 2011 (UTC)Reply
That's a cheap shot, kung palalabasin mong personal na atake ito, kaya nga patanong ito, makatutulong ang semantics sa pag-unawa sa mga ginagamit kong ekspresyon. Hindi ko kailangan ng bagong argumento dahil nailahad ko na, ayon na rin sa mga aklat na pagsasalin-wika ang mga dapat isaalang-alang sa pagsasalin-wika (Antonio, Lilia F., Batnag, Aurora E. "Pagsasalin:Teorya at Praktika."; Mendoza-Ceña, Resty, Duran-Nolasco, Ricardo Ma. "Gramatikang Filipino Balangkasan.") Kung gustong paniwalaan na haka-haka lamang ang mga ito, nasa sa inyo na yan. Ang alam ko di haka-haka ang disiplinang linggwistiks. Ang UP ay isa sa mga iilang pamantasan na may dalubhasaan at surian ng wika, kasama rito ang Ateneo at PNU.
Di ko alam, kailangan ko pa lang mag-spoon-feed. Tayo ba ay dalubhasaan ng wika? Na maaaring sabihin ito (mga salitang pilit isina-Tagalog/Filipino) ang katumbas nito sa wika natin?
Siguro magandang maipakita ko sayo ang tinutukoy ko, sa anyong lumalabas sa mga diksiyonaryo:

Ayon sa UP Diksiyonaryo ng Wikang Filipino:
integrasyón png [Esp integración] 1: pagbubuo o pagkompleto: INTEGRATION 2: ang pagsasáma ng mga tao sa isang komunidad o lipunan: INTEGRATION.
integrate (ín·ti·greyt) pnd [Ing] 1: pag-isahin; kompletuhin sa pamamagitan ng pagdaragdag 2: magkaroon ng pantay na kalagayan at pagkilála sa loob ng lipunan, paaralan, relihiyon, at iba pa 3: Mat hanapin ang integral na bahagi ng isang ekspresyon.
:Kung iyong mapapansin sa dalawa tanging ang anyong integrate lang ang may pagtukoy sa konseptong pangmatematika (Mat)


Ayon naman sa Gabby's Pratical English-Filipino Dictionary:
INTEGRATE (in' te greyt) — tuusin ang integral ng; magsagawa ng mathematical integration

--Scorpion prinz 03:13, 31 Disyembre 2011 (UTC)Reply
Ayon sa iyo: Sa disiplina ng linggwistiks hindi lamang ng sa Pilipinas ngunit pagkalahatan anong wika pa man ito, ang literal na pagsasalin ay maling pamamaraan ng pagsasaling-wika, hindi lamang ang eksperto sa wikang Filipino ang nagsasabi nito. Naghaka haka ka na "hindi lamang eksperto sa filipino kundi sa ano pa mang wika" na mali ang pagsasawika ng hiniram na wika pero ang tanging ebidensiya mo ay mga may akdang pilipino. Ayon sa en:Loanword, ang linguistikang klasipikasyon ng paghiram ng dayuhang salita ang: On the basis of an importation-substitution distinction, Haugen (1950: 214f.) distinguishes three basic groups of borrowings: “(1) Loanwords show morphemic importation without substitution. [. . .]. (2) Loanblends show morphemic substitution as well as importation. [. . .]. (3) Loanshifts show morphemic substitution without importation”. Haugen has later refined (1956) his model in a review of Gneuss’s (1955) book on Old English loan coinages, whose classification, in turn, is the one by Betz (1949) again. Kabilang dito ang pag-aangkop sa ortograpiya ng tumatanggap na wika gaya ng music sa ingles na hiniram sa pranses na musique at chofer sa kastila na hiniram sa pranses na chaueffer
Kung nilinaw mo rin ang mga "argumento" mo hindi na rin sana ako mahihilo sa mga sinasabi mo. Sabi mo : " integrate, differentiate may katumbas sa wikang Tagalog/Filipino, pero hindi sa konseptong pangmatematika", tapos ang ibig mo pa lang sabihin ay pinanatili sa diksiyonaryong ito ang orihinal na ingles ng salitang ito. Gayunpaman, kahit pa ito ang ginamit ng may-akda ng "diksiyonaryo", hindi nangangahulugang tinatanggap ito ng mga tagapagsalita ng tagalog. Paano masasabing nasa kamalayan ang integrate a function kung hindi naman ito ginagamit ng mga hindi propesyonal. Ito ay tulad lang ng mga inimbentong salita sa diksiyonaryo na lambat lambat, salumpuwit, salipawpaw na nasa diksiyonaryo pero hindi na ginagamit sa kasalukuyang panahon. Ang mga tao rin ang magpapasya kung tatanggapin nila ang inimbentong salita. Halimbawa ang salitang Tebowing ay inimbento ng isang tao pero dahil naging karaniwan kaya kinilala bilang salita sa wikang ingles ng Global Language Monitor. Aghamsatagalog2011 08:43, 31 Disyembre 2011 (UTC)Reply
Hinahanap ko ang ginagamit mong sistema ayon sa tinampok mong paksa dito, mukha yatang taliwas ito sa paghuhugot ng partikular na salitang (Español) di naman malawakang ginagamit sa kasalukuyan. Gusto kong unawain mo ng mabuti o basahin mo ng buo ang paksang nilagay mo dito, di lamang ng sa Wikipedia, pati rin ang mga sanggunian nito at kung may pagkakataon kang magbasa ng ilan pang libro tungkol dito mas mainam, upang lubos mong maunawaan ang paksa. Tampok-tampok o pahapyaw na lamang ito dito. Malinaw ang mga code-switching at camouflaged-borrowing dito, inaayon nila ang isang dayuhang salita sa kanilang ortograpiya o palabigkasan (kaya may boondocks sa Ingles mula sa salitang bundok, ang gerrymandering sa Ingles ay ganoon pa rin ang anyo sa Italyano at Español ngunit ibinigkas na yerrimandering sa Español). Dito lumalabas din ang katangian ng bawat wika kung ito'y katangian ba nitong manghiram o humanap ng obsolete nilang salita, o kung nalalapatan nila ang isang salita na may katapat na konsepto sa kanilang wika, o di kaya'y ibaybay ito ayon sa kanilang ortograpiya. Kaya ko rin binaggit dati na mahalaga maunawaan ang katangian ng wika. Sadya bang nagtatapat ng katumbas ang wikang Tagalog/Filipino?
Sa katotohanan lamang, di lamang isang tao ang may-akda ng "mga diksiyonaryong sipian ko" kundi lupon ng mga linggwistiko sa UP (2010), ang Gabby's Pratical Dictionary (2009) naman ay may "Gawad Dangal ng Wikang Filipino" mula sa KWF, paano natin ngayon papabulaanan na matibay na batayan ang mga ito? Kung sila'y wala pang kredibilidad sayo, di ko alam kung sino pa. Gaya nga ng nasabi ko, dahil ang mga paksang nais mo isalin, hindi lamang sa pagpapalagay, bagkus sadyang katotohanan ay itinuturo sa wikang Ingles.
Sa aking parte, may naipakita akong sanggunian na pinagbabatayan ko, hinihintay ko ang sa iyo, ayon sa estilo ng iyong pagsasalin-wika. Kailangan ko ng patunay upang katigan ko ang panig mo.--Scorpion prinz 11:26, 31 Disyembre 2011 (UTC)Reply
Iikot ulit tayo kung ipipilit mong "pagkakastila"(espanyol) ang tinutukoy kong pagtatagalog. Halimbawa, ang salitang nagselebra ay naging karaniwan sa kasalukuyang mga tagapagsalita(tignan ang link ng google search) ng tagalog upang tukuyin ang celebrated bagaman dating pinaka-karaniwang salita(ngunit ginagamit pa rin ng ilan) para sa celebrated ay nagdiwang. Paano magiging pagkakastila ang nagselebra gayong ang orihinal na kastila ay celebrar. Nagpapakita rin ito na "hindi bawal" ang pagtatalog ng mga dayuhang salita gaya ng ingles dahil karaniwan itong ginawa sa maraming mga salitang hiniram na may anyong tagalog gaya ng istraktura mula sa structure(ingles) o estruktura(kastila). Nauunawaan ko na hindi lahat ay umaayon sa paraang ito gaya ng makikita sa http://www.gmanetwork.com/news/story/198946/pinoyabroad/balitangpinoy/nauna-pa-sa-jejemon-at-bekimon-ang-siyokoy-sa-wikang-filipino pero kung ang mga salitang ito ang "nasa kamalayan" gaya ng sinasabi mo, hindi natin mapipilit ang "hindi nais" gamitin ng lipunan. Ang pagtatagalog na integrasyon ay hindi dahil nagmula ito sa kastila kundi isang pagtutumbas ng hiniram na salita batay sa mga salitang hiniram sa ingles na may karaniwang anyong +tion na tinagalog. Gaya rin ng ibinigay kong halimbawang tebowing, ito ay nagpapakitang ang pag-iimbento ng mga bagong salita ay hindi eksklusibo para sa mga sinasabi mong linguista. Kahit pa mag-imbento ng mga bagong salita ang mga linguista gaya ng makikita sa Lumang Tagalog, kung hindi ito tatanggapin ng lipunan, ito ay mamamatay(gaya ng mga salitang salumpuwit, salipawpaw, sipnayan etc). Pero kahit pa nilikha ng isang "ordinaryong" tao ang isang salita ngunit ito ay tinanggap ng nakararami, ito ay makapapasok sa "diskiyonaryo". Ito ay ebidente sa mga salitang bading(gaya ng bongga at okray) o jejemon. Aghamsatagalog2011 14:36, 31 Disyembre 2011 (UTC)Reply
Ginamit mo ito bilang pandiwa na di-tumutukoy sa konsepto o paksa, para sa akin, walang kasong gamitin ang magselebra liban sa magdiwang o magbunyi o magdaos, kailangan respetuhin ang estilo ng manunulat sa bahaging yan, basta ba angkop ang gamit nito sa pangungusap. Tanggap natin ang selebrasyon, edukasyon, eleksiyon... ngunit lubhang madalang na ginagamit natin ang mga salitang ugat ng mga salitang ito sa anyong Filipino/Tagalog, sa kasamaang palad wala ang mga salitang-ugat ng mga Español na salita nating ito ang nanatili sa bokabularyo natin, ipaubaya natin ang estilo ng panulat sa may-akda dahil hindi naman sa anyong "konsepto" o "paksa" ito gamit. Naging konsistent naman ako sa paggamit ng mga "konsepto" o "paksa". Wala ka dapat ikatakot sa pagkamatay ng mga salita, katangian talaga naman ng mga wika yan, kaya nga may Lumang Tagalog, mayroon din lumang Ingles, sigurado akong ang ibang wika ay mga sinaunang gamit din ng mga salita nito. Tandaan nag-eevolve ang wika, progresibo at hindi regresibo. Napapalitan ang mga salita, kahit pa banyaga ito, nalalahok ito sa wika natin, na patunay din ng pagyabong nito. Gusto ko sumahin ang mga punto ko:

1. Tapatan ng katutubong katumbas ang konseptong banyaga. Dapat pareho ang kahulugan at konsepto ng gamit nito sa dayuhan at katutubong konteksto.

2. Huwag magkakatha o gumamit ng kathang-salita (gaya ng ginawa ng GAUF) o konsepto, na balak ipaunawa na iyon ang katumbas ng dayuhang salita o konsepto, dahil tanging ang may-akda lamang ang makakaunawa ng ginawa niya. Maganda siguro magkaroon ng tatlong sanggunian bago ganap itong gamitin.

3. Kung wala talagang katumbas na konsepto sa ating wika, at kailangan nang manghihiram sa Español o Ingles (o ano pang wika), mangyaring maging masusi at alamin kung alin sa konseptong Español o Ingles (o ano pang wika) ang higit na laganap o nananaig ang gamit o higit na maraming makakaunawa, na magiging pantukoy sa paksa o konseptong dayuhan.

4. Isaalang-alang din ang tradisyon at sistema ng komunidad na kadalasang gumagamit ng paksang isasalin-wika, gaya ng sa simbahan, malalim ang tradisyon nito sa paghuhugot muna sa Español, bago isa-Tagalog/Filipino, sa kabilang banda sa propesyong medikal, ang mga bagong konsepto ay nanatili na sa Ingles. Maganda rin matuto tayo ng literatura ng pagsusulat ng bawat paksa, gaya ng paksang medikal, kung papaano isinusulat sa kultura natin ang paksang medikal, dahil iba ang estilo ng pagsusulat ng paksang medikal sa Pilipinas, kumpara sa ibang bansa.

Tandaan: Mahirap gumawa ng lubos na pamantayan sa wika, dahil nagbabago ang lipunan. Unawain din na di gaya ng French, Icelandic at Turkish (na may mga institusyong nagluluwal talaga ng mga bagong konsepto at salita), sadyang katangian ng mga wika natin ang manghiram, bago pa man pumasok ang mga Español at Amerikano sa ating kasaysayan.

Hinihintay ko pa rin ang mga sanggunian mo sa estilo ng iyong pagsasalin-wika.--Scorpion prinz 15:00, 1 Enero 2012 (UTC)Reply
Kung igoo-google mo lang maraming lalabas na aklat na nagpapakitang likas sa wikang tagalog o pilipino ang pag-aangkop ng mga hiram na dayuhang salita sa anyong tagalog. Halimbawa: http://books.google.ca/books?id=MpipZ2ovwZsC&pg=PA9, http://books.google.ca/books?id=Ml9drCmK3mAC&pg=PA190, http://books.google.ca/books?id=nR7FcNuV0iUC&pg=PA18, http://books.google.ca/books?id=y3KdxBqjg5cC&pg=PA489. Kung hindi ito totoo, bakit karamihan ng mga hiniram na kastila sa tagalog ay may anyong "iba" sa orihinal na kastila http://en.wikipedia.org/wiki/List_of_Tagalog_loanwords. Kahit nga ang mga hiniram na ingles ay hindi pumasok sa pakikipagtalastasang(conversational) tagalog nang hindi inangkop sa anyong tagalog. Halimbawa nito ang "withdraw", "surf", "host", "calculate" etc. Sa kaso ng withdraw, wala kang maririnig na tagapagsalitang tagalog(kahit sa sinasabi mong taglish) na direktang gumagamit ng "siya ay withdrew ng pera sa bangko"(past tense), "siya ay will withdraw ng pera sa bangko"(future tense), "siya ay withdrawing ng pera sa bangko"(present tense). Bagkus ang maririnig mo ay "siya ay nag-withdraw", "siya ay magwiwithdraw", "siya ay nagwiwithdraw". Sa kaso ng surf, walang maririnig na nagtatagalog na nagsasabing "siya ay surfed ng internet"(kundi siya ay nagsurf ng internet" o "kanyang sinurf ang internet". Sa kaso ng host, walang maririnig na nagtatagalog na nagsasabing "siya ay hosted ng show"(kundi siya ay nag-host), "siya ay hosting"(kundi siya ay naghohost), siya ay will host(kundi siya ay maghohost). Wala ka ring maririnig na nagtatagalog na nagsasabing "kanyang calculated ang pera"(kundi kanyang kinalkula ang pera) gaya ng makikita sa google search kinalkula at hindi kanyang calculated. Kahit sa mga "bagong imbentong salita" sa ingles gaya ng google ay inangkop rin sa tagalog. Imbis na "kanyang googled", ang ginagamit ay "kanyang ginoogle"(past), hindi "kanyang will google(kundi "kanyang igoogoogle), hindi "kanyang googling"(kundi kanyang ginoogoogle). Kung nais nating matanggap ang differentiate, parameterize at integrate sa talastasang tagalog, kailangan nating iangkop ang mga ito sa anyong tagalog gaya ng maraming mga salitang dayuhan na pumasok sa tagalog. Paano mo gagamitin ang differentiate na "kanyang differentiated ang ekspresyon", "kanyang will differentiate ang ekspresyon". Kanyang integrated ang ekspresyon o kanyang will integrate ang ekspresyon.Aghamsatagalog2011 02:29, 4 Enero 2012 (UTC)Reply
Ano daw? Unang punto, pag-aayon yan sa ortograpiya. Ikalawang punto: 'di pag-aangkop yan, paglalapi lang ang tawag diyan. Nasaan iyong mga sanggunian tungkol sa pagsasalin na iyong pinagbabatayan? --Scorpion prinz 13:44, 4 Enero 2012 (UTC)Reply
Paano hindi naging pag-aangkop sa tagalog ang paglalapi o pagbabaybay sa ortograpiyang tagalog? Paano hindi naging pag-aangkop sa tagalog ang mga salitang gaya ng kinalkula(calculated), kinompyut(computed), winidraw(withdrew), inisnab(snobbed), nireyp, kinontak(contacted) etc. Kung wala kang maipapakitang sanggunian na magpapatunay na hindi ito pag-aangkop sa tagalog, isa ulit itong paghahaka haka mula sa iyo. Kung kagawian(tendency) o 'nasa kamalayan' rin ng mga tagapagsalita ng tagalog na kastilain(o gawing tunog kastila) ang mga hiniram na salitang ingles gaya ng mababasa rito, anong dahilan upang hindi ito ang ipatupad sa sa WP tagalog. Halimbawa, ang mga salitang tagalog gaya ng destinasyon, bakasyon, komportable ay tinagalog mula "ingles" at may tunog kastila ngunit hindi hiniram o walang katumbas sa kastila: http://books.google.ca/books?id=Ml9drCmK3mAC&pg=PA148. Kung maghahaka rin tayo na kailangan lang hiramin ang "orihinal" na wikang ingles, bakit hindi ginagamit o pumasok sa usapang tagalog ang salitang gaya ng "ako ay withdrew ng pera", o "ako ay will withdraw ng pera sa bangko". Bakit pa kailangan baguhin ang anyo nito? Aghamsatagalog2011 16:44, 4 Enero 2012 (UTC)Reply
This is unbelievable but for your perusal: Paglalapi ang nagwithdraw, winithdraw, magwiwithdraw.. ng salitang withdraw etc. Filipino 101, pinapakita ng paglalapi sa halibawang gamit mo ang aspekto ng pandiwa, ngunit ang paglalapi rin ay maaaring gamitin upang ang isang pandiwa ay maging pangngalan, o ipakita ang pangngalan sa payak na anyo o maramihan (bundokkabundukan) at iba-iba pang anyo gaya ng pang-uri (mabundok, bulubundukin). Bago yan ha, wala pa lang destinación, vacación, confortable sa Español :)) (sa binigay mong halimbawa taas na ang kamay ko), sana ginamit mo man lang sana populasyon (población sa Español, ngunit sa Tagalog ang poblasyon ay kabayanan ipinapakita na andun ang sentro ng populasyon) maniniwala pa ako. Whew, sa paraang ito gaya ng nabanggit ko na dating-dati pa, may mga konseptong pumapasok sa kamalayan natin sa anyong Ingles at mas angkop kaysa sa katutubong na maaaring tumumbas ngunit di sila magkaparehong konsepto sa gamit, di rin angkop na gumamit ng Español dahil lumilihis ang pagka-unawa na rito. Pinapakita na nito na hindi lamang eksklusibo sa Español ang panghihiram natin. Sa gayong paraan magandang panatiliin sa orihinal na anyo. Sa ikatlong o ikaapat na pagkakataon asan yung batayan mo ng pagsasalin-wika ng mga konsepto mo? O ito na ba yun? --Scorpion prinz 19:20, 4 Enero 2012 (UTC)Reply
┌──────────────────────────────────────────────────────────────────┘
Binigay ko na ang kawing[1]. Hindi naman pwedeng puro ikaw lang ang hihingi ng ebidensiya pero wala kang maipakitang ebidensiya sa mga paghahaka haka mo na ang pagsasawika ng mga en:loanword ay hindi tama sa lahat ng wika. Sabi mo: sa paraang ito gaya ng nabanggit ko na dating-dati pa, may mga konseptong pumapasok sa kamalayan natin sa anyong Ingles at mas angkop kaysa sa katutubong na maaaring tumumbas ngunit di sila magkaparehong konsepto sa gamit. Hindi naman ibig sabihing may ilang salita na tinagalog na nag-iba ng gamit ay nangangahulugang lahat ng salita gaya kinompyut" sa computed o "inisnab" sa snobbed ay iba ang kahulugan sa orihinal na hiniram na salita. Kung papansinin mo rin, ang inisnab ay hiniram sa ingles na snobbed at ang ginagamit upang tukuyin ang taong mahilig mang-isnab ay isnabero pero walang katumbas ito sa ingles o kastila. Kaya tama ang may-akda ng [kawing[2] aklat na ito] na talagang kagawian ng mga nagtatagalog ang pagkakastila ng ingles. Sinasabi rin dito na http://en.wikipedia.org/wiki/List_of_Tagalog_loanwords#Spanish: "Spanish has bequeathed the most loan words to Tagalog. According to linguists, Spanish (5,000) has even surpassed Malayo–Indonesian (3,500) in terms of loan words borrowed. About 40% of everyday (informal) Tagalog conversation is practically made up of Spanish loanwords.Even after the Spanish colonists left, Tagalog is still being influenced by Spanish as new words are coined, albeit in its own terms, viz. 'alaskador' ('Alaska' + Sp. suffix '–ador'); 'barkada' (from Sp.: 'barca' or a 'boat' to a 'clique'); 'berde' ('green' nuanced to 'toilet joke'); which are not understood in Spain or any Latin American country. In a strange twist, even if Filipinos have a chance to Tagalized words using foreign words, currently English—their most accessible influence—they coin words in a uniquely Hispanizing way i.e. 'boksingero' (from Eng. 'boxing') instead of using the Spanish 'boxeador't. Or 'basketbolista' (from Eng. 'basketball'), instead of borrowing from Spanish 'baloncesto' to make it say 'baloncestista' or 'baloncestador' (although basketball is "básquetbol" in many Latin American countries)." Kung mas pabor ang ingles bakit naging isnabero at hindi hindi naging isnaber(kung gagawing pangngalan ang snob sa ingles ay snobber ngunit walang salitang ganito sa ingles http://en.wiktionary.org/wiki/snobber). Kabilang din dito ang mga salitang tubero(plumber na sa kastila ay plomero), boksingero, sugarol o sugalero, alaskador, loyalista, inglisero, lakwatsero, bulakbolero, labandero, babaero, lalakero, lasenggero(o lasenggo), barbero, basagulero, barumbado, intrigero, chismoso, pinantasya, namimilosopo etc. Kahit ang mga salitang hiniram sa ibang wika na hindi kastila ay ginawang anyong kastila gaya ng majongero(mula sa chinese na mahjong), utangero(mula sa malay na utang), katingero(mula sa ingles na cutting class(imbis na cutter o katinger), basketbolista(mula sa ingles na basketball), futbolista, etc. Hindi ko rin sinasabi na lahat ng dayuhang salita ay dapat kastilain, kundi yung mga salitang hindi pa umiiral sa tagalog ngunit may anyong karaniwan sa mga tinagalog na salita. Uulitin ko rin na hindi ito pagkakastila sa eksaktong kahulugan ng salitang ito kundi pagtatagalog na nagkataong may anyong kastila ngunit ang ortograpiya ay sa tagalog gaya ng mga binanggit ko sa itaas. Aghamsatagalog2011 02:14, 5 Enero 2012 (UTC)Reply
May mahigit 700 panlapi ang Tagalog/Filipino, kasama rito ang mga de-, +ero, +ista, +ado. Mayabong ang wikang Pilipino, hindi ito limitado kahit panlapi nanghihiram ito. Maganda sana ang sipiang iyong ginamit, ngunit sabaw, perspektibo pa ng dayuhan. :)) Kung babalikan ang mga ginamit kong argumentong nauna tila'y ginagamit mo na ito. Marami na namang libro tungkol sa paksang pagsasalin-wika at konsepto sa mga wika sa Pilipinas. Batid ko hindi ito ang iyong pamamaraan sa sistema mo ng pagsasalin-wika, na pilit na naghahanap ng katumbas sa Tagalog/Filipino, ng konseptong dayuhan. Malaki maitutulong ng Filipino 101, bilang iyong simulain. --Scorpion prinz 16:41, 5 Enero 2012 (UTC)Reply
Kung titingnan mo isa sa mga may-akda nito ay pilipino. Mabuti rin kung bago ka maghaka haka ay magpakita ka muna ng ebidensiya na maisasagawa mo ang minumungkahi mo. Sa pagsasalin ko rito ng mga artikulo sa wp english, napansin ko na alangan at hindi magiging konsistente kung kukunin mo lang ang orihinal na ingles lalo na kung ito ay ginagamit rin bilang pandiwa. Halimbawa, kung kukunin mo lang ang wave function dapat kunin mo rin ang Wave function collapse dahil ang pariralang ito ay karaniwan sa mekaniks na kwantum. Kung gagagamitin mo ang pangungusap na "nag-collapse ang wave function", ang mga hindi nakauunawa ng ingles na collapse ay magkakamot pa ng ulo upang matukoy kung ano ang collapse sa tagalog kaya natatalo nito ang layunin na maipaunawa ang mga konsepto sa ingles. Ang wp ay isa rin kolaborasyon at hindi lang ikaw o ako ang may huling salita sa pagbuo ng mga patakaran dito. Kailangan isaalang alang ang panig ng ibang mga editor dito. Sa napansin ko, ito ang kagawian ng maraming mga editor dito na itagalog(o ikastila gaya ng pagpipilit mo) ang mga salitang ingles dito. Hindi rin pwedeng ipagpilitan mong taglishin basta basta ang mga pamagat ng artikulo gaya ng ginagawa mo sa ibang artikulo nang hindi ka naghahangad ng kasunduan(consensus) sa pamamagitan ng talakayan sa mga spesipikong artikulo.Aghamsatagalog2011 19:35, 9 Enero 2012 (UTC)Reply
Kumuha ka ng kopya ng mga lathalain ng Komisyon sa Wikang Filipino at UP Sentro ng Wikang Filipino nang maunawaan mo ang mga tinutukoy ko. Huwag umasa sa Google at sa mga sipiang nagsasalamin ng dayuhang pananaw. Sa mga komplikadong teriminolohiya na di-likas sa wika natin ito'y tutukuyin sa Ingles at kung minsa'y isasaklong ang rough translation nito sa Tagalog/Filipino, pero sa kabuuan Ingles ang konsepto ng gamit nito. Paulit-ulit mong hinihiling ang katibayan, tila nagbubulag-bulagan naman sa mga ibinigay ko nang sipian. --Scorpion prinz 00:46, 10 Enero 2012 (UTC)Reply
Kung ang basehan mo ay isang komisyon, kung gayon sinasalungat mo rin ang unang komento mo sa taas na ang "lipunan ang nagdidikta kung paano yumayabong at ginagamit ang wika.". Kung lipunan pala ang nagdidikta. paano mo ipipilit kung ayaw gamitin ng lipunan ang mga wikang inimbento ng KWF gaya ng nangyari noong dekada 50-60 tulad ng mga salitang salumpuwit, sipnayan, dagitab etc. Tignan ang Lumang Tagalog. Kung pagbabasehan mo rin ang diksiyonaryong sinasabi mo dapat lahat ng salitang teknikal makikita dito. Kung ang magnet ay isinalin na bato balani paano isinalin ang salitang en:Demagnetizing field? Bakit bato balani lang ang inimbento sa mga diksiyonaryong ito at hindi demagnetizing field o iba pang mga bagong inimbentong salita sa Ingles. Sa ginagawa mo rin pagiging posesibo(mapag-angkin) sa mga artikulo lalo na ng mga "nilikha" mo gaya ng pananapatan, lumalabag ka na sa patakaran ng wikimedia na en:WP:OWN. Umaasa lang ako na maresolba ng mga administrador ang ganitong pag-aasal dito dahil nakikigamit lang tayo ng Wikipedia. Ang layunin ko rito ay hindi makipag-away kundi ipaunawa ang mga konsepto sa mga karaniwang tao o mga masa na hindi inglesero o may mataas na pinag-aralang gaya mo. Isa kasing paghahaka-haka na ang lahat ng pilipino ay bihasa sa ingles. Ayon dito, http://books.google.ca/books?id=1YnUn3hmauEC&pg=PA102, sa mga imigranteng pinoy sa US, 65 porsiyento lang ang bihasa sa ingles. Sa US na yan, paano pa ang mga nasa pilipinas? Kaya hindi kataka takang kahit sa california ay isa sa mga opisyal na wika ang pilipino at ang mga opisyal na dokumento ay isinasalin pa sa tagalog. Aghamsatagalog2011 01:23, 10 Enero 2012 (UTC)Reply
Unang-una mali ang iyong impormasyon, dahil hindi KWF o ang naunang Surian ng Wikang Pambansa ang nagkatha ng mga salitang tinukoy mo, sa halip ang Gregorio Araneta University Foundation (GAUF). Ngayon ako maghahaka-haka sa pag-iisip na hindi nga nababasa ang kabuuan ng mga isinulat ko. Sana'y alam natin kung ano tunay na depinisyon ng lumang Tagalog bago tukuyin ang isang salita na nabibilang dito (The Tagalog Region: Lexicon of the Languages & Dialects ni Fe Aldava Yap, PhD). Mga halimbawa ng Luma/Sinaunang Tagalog:
Ingles Kasalukuyang
Tagalog/Filipino
Luma/Sinaunang
Tagalog
day araw aydáw
sibling kapatíd kasanád
sit upô mamasná
old (person) matandâ bákis
nose ilóng âdong
today ngayon ngáti
heavy mabigát mabâyat
Pakitignan na lamang ang aking komento sa usaping batubalani. Nag-aalinlangan akong pahabain pa ang komento ko kung di rin naman babasahin. Iwasan sana buhayin-muli ang mga nasagot nang isyu o katanungan. --Scorpion prinz 13:31, 10 Enero 2012 (UTC)Reply
Hindi na bago ang pagsisikap ng pamahalaan sa paggawa ng mga patakaran sa pagsasalin ng mga teknikal na salita sa tagalog dahil nagawa na yan dati. Kung titingnan mo nagawa na yan mga ilang dekada ang nakalilipas gaya ng makikita sa : www.sil.org/asia/philippines/sipl/SIPL_5-2_119-163.pdf(Studies in Philippine Linguistics, The Elaboration of a Technical Lexicon of Pilipino)
Ayon sa pahina 32ff at 44ff ng Studies in Philippine Linguistics, The Elaboration of a Technical Lexicon of Pilipino, sa mga paraan ng pagsasalin na siniyasat kabilang ang maugnayin(na gumamit ng mga inimbentong tagalog na sipnayan para sa matematika na hindi na ginagamit ngayon), impluwensiyang kastila(gaya ng matematika) at orihinal na ingles(mathematics), mas pinapaboran ng mga tinanong ang anyong kastila kesa sa ingles o sa maugnayin. Kaya ang posisyon ko ay paggamit ng anyong kastila dahil ito ay nasubok na ng panahon. Ilang dekada matapos maimbento ang sipnayan ng komisyon ng wikang pilipino pero bakit hindi na ito ginagamit ngayon. Gayundin bakit ang mga salitang tagalog gaya ng utak, baga, sipon, tigdas etc ay mas pinapaboran ng mga tagapagsalita ng tagalog kesa sa brain, lung, cold, measles? Isa pa, kung sinasabi mong ang orihinal na ingles ay dapat lang hiramin, ano pang gamit ng mga diskiyonaryong binanggit mo sa tagalog kung simpleng pupunta na lamang sa ingles diksiyonaryo ang mga nakakaunawa ng ingles. Bakit pa kailangang ipaliwanag ang "integrate" sa tagalog sa UP diksiyonaryo? Sabi nga sa kasabihan Those who cannot learn from history are doomed to repeat it..
Tungkol sa lumang tagalog, siyempre anumang salitang inimbento na hindi na ginagamit ngayon ay "luma"(sa ingles ay http://en.wiktionary.org/wiki/obsolete). Hindi lang sa isang konsepto pwedeng gamitin ang salita gaya ng salitang magneto na pwedeng gamitin sa magneto o sa henerador. Kung tinutukoy na bato ang kidney sa tagalog, hindi ibig sabihin na mali ring tukuyin ang kidney stone na bato sa tagalog. Aghamsatagalog2011 16:57, 10 Enero 2012 (UTC)Reply
(1) Ang GAUF ay hindi KWF. (2) Basahin ng buo ang iyong ginamit na sipian na akda ng Linguistic Society of the Philippines (baka makita sana ang kontrahan ng mga punto) (3) Huwag magpapalagay o magbigay ng sariling kahulugan kung ano ang salitang obsolete sa wika, maliban kung eksperto rito. (4) Gumamit ng malawak na sipian, maraming sipian ay hindi online, hindi dahil nakita sa isang sipian ang isang palagay ay ito na ang tiyak na katotohanan. (5) Malawak ang disiplina ng lingguwistika, maraming kuro-kuro rito, magandang maging mabusisi. (6) Huwag mag-recycle ng mga nasagot nang isyu, dahil lalabas na sadyang di nabasa ang mga sinulat nang nauna. --Scorpion prinz 00:53, 11 Enero 2012 (UTC)Reply
1. Wala naman akong binanggit na GAUF. Kaya ang tinukoy ko ay pamahalaan dahil ang mga komisyon o institutong yan ay sangay ng pamahalaan ng pilipinas.
2. Sana ikaw ang bumasa upang makita mo na ang paulit ulit na nireresiklo mong argumento na gamitin ang ingles ay hindi sinasang-ayunan ng mga tagapagsalita ng tagalog. Ayon sa akdang ito, mas pabor ang anyong kastila kesa sa ingles na salitang hiram. Kasaysayan na ang nagpapatunay na hindi pabor sa tagapagsalita ng tagalog ang mungkahi mo.
3.Hindi ako nagpapalagay. Kung gusto mong ipakitang hindi obsolete ang mga salitang ito, magpakita ka ng ebidensiya na ginagamit ito sa kasalukuya. Saan ang ebidensiyang ang balanian, laknayan, dagitab, etc ay ginagamit sa kasalukuyan.
4. Paano ako gagamit ng malawak na sipian kung gusto mong irestrikto ko lang ang pagsasaliksik ko sa mga aklat sa pilipinas? Kaya pala ang bilis mong maghaka haka na ang pagsasawika ay mali sa lahat ng wika dahil ang tanging basehan mo ang mga aklat sa pilipinas. Hindi rin pwedeng ibalewala ang mga online na mapagkukunan(resource) dahil mas bago(updated) ang impormasyon na ipinapaskil sa mga journal na pang-skolar sa iba't ibang larangan. Kung hindi ka mag-oonline mananatiling walang pag-unlad(stagnant) ang magiging kaalaman mo sa nagbabagong kaalaman sa mundo. Isang halimbawa rito ang wikipedia na binabago sa tuwing may bagong impormasyong pumapasok.
5.Tama malawak ang linguistika kaya hindi puwedeng ang basehan mo ay mga aklat lamang sa pilipinas.
6. Anong isyu ang nasagot. Marami ngang nakabinbing tanong sa taas na pilit mong hindi pinapansin gaya ng paghingi ko ng ebidensiya sa paghahaka mong ang pagsasawika ng dayuhang salita ay mali sa lahat ng wika. etc. Aghamsatagalog2011 03:31, 11 Enero 2012 (UTC)Reply
Sakaling mas mauunawaan ang aking pinupunto sa mga halimbawang ito:
Katutubong salita Kathang salita ng (GAUF, atbp.) Katumbas
sa Ingles
Katumbas
sa Español
Salitang isina-Tagalog/Filipino Mungkahing higit
na angkop gamitin
Komento
dagitab electricity electricidád elektrisidad elektrisidad Hindi katutubo ang konsepto ng electricity sa Pilipinas kaya nanghihiram, at siya namang pilit nilapatan ng katumbas ng GAUF.
sipnayan mathematics matematica matematika matematika Gaya laman ng nasa itaas na halimbawa.
guro teacher maestro/a titser guro Gaya laman ng nasa itaas na halimbawa.
palabaybayan orthography ortografía ortograpiya palabaybayan Gumamit ng katutubong katumbas.
batubalani / bato-balani magnet imán magnet batubalani Sadyang may katutubong katumbas kaya hindi na kailangan manghiram.
chess ajedrez ahedres chess May isina-Tagalog/Filipino na katumbas mula Español na ahedres, ngunit dapat tignan kung alin sa chess o ahedres ang mas laganap ang gamit sa kasalukuyan.
sansinukob universe universo sansinukob May katutubong katumbas kaya dapat panatiliin ito.
computer computadora kompyuter computer / kompyuter Dayuhang konsepto ang computer. Mas nananaig ang computer/kompyuter sa ating kamalayan higit sa Español na computadora kaya sa anyong Ingles na maaaring isina-Filipino/Tagalog ang baybay. Ayon sa KWF, maaaring 2 pamamaraan ang paggamit sa Filipino, ito ay pagpanatili sa orihinal na Ingles na baybay o isa-Tagalog/Filipino ang baybay nito.
layag menopause menopausia menopos layag May menopos sa wika natin, ngunit upang mapanatili ang katutubong konsepto dahil WP Tagalog ito dapat magamit ang katutubong salita.
chemotherapy quimioterapia chemotherapy Dahil dayuhan ang konsepto ng chemotherapy isipin kung sa anyong Español o Ingles mas laganap ang gamit.
lunti green verde berde lunti Katutubo ang gamitin.
apple manzana mansanas mansanas Di katutubo ang apple sa Pilipinas, kaya manghiram, laganap ang pagtukoy dito na maramihan (plural) na anyo na mansanas iyon ang gamitin.
kawal soldier soldado sundalo kawal May isina-Tagalog/Filipino rin na sundalo, halaw sa Español.
ginto gold oro oro ginto
sangyawa sulfur azufre asupre sangyawa
tupa lamb cordero kordero tupa / kordero Kung ito'y sa relihiyosong pagtukoy isaalang-alang ang malalim na tradisyon ng simbahan na higit na kinikilingan ang Español, kung hindi naman gamitin ang katutubong tupa.
pulo island isla isla pulo May katutubong katumbas gamitin ito.
pneumonia neumonía /pneumonía /pulmonía pulmonya pulmonya Mas laganap ang isina-Tagalog/Filipino na pagtukoy mula Español.
Sa Wikipedia, ang higit na nananaig ay ang sipiang may kredibilidad. Bakit gagamit ng dayuhang pag-aaral ng mga wika sa Pilipinas, kung marami namang lokal na eksperto dito. Magsaliksik, huwag umasa ng nasa Google lamang. --Scorpion prinz 05:42, 11 Enero 2012 (UTC)Reply
Kung titingnan mo, hindi naman dayuhan ang sumulat ng huling sipian na ipinaskil ko sa taas. Gaya ng sabi ko, hindi na bago itong mga usapan dito dahil naimungkahi at nangyari na ang mga pamamaraang ito sa nakaraan. Kaya isang magandang panukat ang mga pagsasaliksik na ito kung alin sa mga ilalapat na pamamaraang ito sa mga bagong salita ang mas malamang na matatanggap ng lipunan sa hinaharap. Bukod sa sinasabi ng pagsasaliksik na mas pinapaboran ang anyong kastila, retrospektibong makikita na sa paglipas ng panahon matapos imungkahi ang tatlong pamamaraan na maugnayin(sipnayan), anyong kastila(matematika), ingles(mathematics), mas nanaig ang anyong kastila sa mga nagtatagalog sa kasalukuyang panahon. Ayon na lang dito: http://en.wikipedia.org/wiki/List_of_Tagalog_loanwords, Spanish has bequeathed the most loan words to Tagalog. According to linguists, Spanish (5,000) has even surpassed Malayo–Indonesian (3,500) in terms of loan words borrowed. About 40% of everyday (informal) Tagalog conversation is practically made up of Spanish loanwords. Ang katunayan, karamihan sa mga teknikal na salitang tagalog ay may anyong kastila:kuryente, makina, elektrisidad, kable, telebisyon, radyo, mikropono, telepono, bote-botelya, asido, yelo, lata, konserbasyon, marka, grado, nerbiyoso, sentido, sentido komon, karne, mais, trigo, agua oksihenada, asupre-sulfur, matematika,bentilador, estadistika, ekonomika, medisina, mikrobyo, pwersa, lente, baterya, droga-medikasyon, parmasya-botika, boltahe, papel, dokumento, metro, kilometro, segundo, hospital(spanish pronunciation), kotse, sardinas, minuto, oras, espasyo, reseta, klima, globo, kurso, mundo, bote, libra-pounds, kilo, piye, mil=libo, kwelyo-cuello-leeg, berde, brilyante, diyamante,-diamond, kwadrado, kwadra, kongkreto, asero-bakal, graba, gripo, programa, telegrama, bwitre, kwenta-bilang, kwerdas, kwintas, niyebe, pwesto-posisyon, distansiya, relasyon, resulta, suma, adisyon, subtraksiyon, dibisyon, multiplikasyon, imbestigasyon, eksperimento, milyon, mil-libo, sirkulasyon ng dugo, pulmonya-lung, goma-rubber, reaksiyon, obserbasyon, siyensiya-agham, sikayatriko, memorya, impormasyon, intelhensiya, teoriya, kalkula-kwenta, likido, solido, gaas, elemento, magneto, parte-bahagi, problema, solusyon, mesa, mikroskopyo, arina, lebadura, tinidor, kutsara, labi, kutis, makina, mekaniko, taza, panukat=kilometro, milya, piye, distansiya, metro, segundo, oras etc. Wala namang saysay kung ipagpipilitan pa ang mga pamamaraan na nasubok na ng panahon na hindi katanggap tanggap gaya ng sipnayan, dagitab, balanian etc. Gayundin mapapansin na mas pabor ang "tagalog" kesa sa ingles kahit sa medisina, gaya ng sipon, kuto, tigdas, bulutong, pigsa, nana, sugat, utak, baga etc. kesa sa mga katumbas na ingles nito. Wala kang naririnig na nagtatagalog na gumagamit ngayon ng ako ay kino-cold, ako ay nila-lice o akoy ay nagpu-pus(nana). Sa preperensiyang ito mas pabor ang anyong tagalog kesa sa ingles at kahit ang mga ingles ay tinagalog pa upang lubusang matanggap gaya ng kinompyut. Sa mga salitang tagalog na ginagamit sa kasulukuyan, makikita rin na ang tagalog at anyong kastilang tagalog ay mas pinaboran kesa sa ingles sa paglipas ng panahon, pero sa kaso ng mga teknikal na salita, mas nanaig pa rin ang kastila kesa sa tagalog kaya hindi na ginagamit ang liknayan, dagitab, bato balani(gaya ng makikita sa http://tl.wikipedia.org/wiki/Usapan:Magneto) kundi ay elektrisidad, kuryente, mekaniko, magneto etc. Aghamsatagalog2011 18:36, 11 Enero 2012 (UTC)Reply
Hindi ko na ngayon naiintindihan ang punto ng argumento mo dito. Kung iyan ang ipinaglalaban mo, eh di saan ka tumututol sa patakarang pangwika ng Wikipediang Tagalog kung natural naman may sentido komun ang mga tagagamit na hindi sila gagamit ng mga salitang nagmula sa GAUF (ngunit sa panitikan, may alam akong isang maikling kuwento kung saan ginamit ang salitang "dagitab" upang tumukoy sa elektrisidad) maliban na sa paglalahad ng mga alternatibong salitang tumutukoy sa konsepto sa unang talata. Sa aking pagtuklas ng alitang ito sa pagitan ng inyong dalawa, mas napapanatag lamang ako sa kasalukuyang patakaran bilang isang matigas na panukat sa anong uri ng Tagalog dapat ang ginagamit sa mga artikulo ng Wikipediang ito.
Ang tanong lamang dito ay kung ano dapat ang mas nararapat manaig: Ingles, Kastila o purong Tagalog? Sa halimbawa mo ng batobalani, ni isang beses kong narinig ang salitang "magneto" bilang pantukoy sa isang magnet: mismo ang salita sa Tagalog o ang salita sa Ingles ang aking naririnig. Ngunit dahil may katutubong salita tayo para sa isang magnet, mas nararapat na ginagamit natin ang salitang katutubo. Ganun na din ang mga salitang teknikal na nagkaroon ng mga salin noong dekada 1950-1970: umiiral man sila sa diksiyonaryo, hindi ibig sabihin niyon na dahil hindi ginagamit ang salita ng sambayanan, agad na hindi na iyon katanggap-tanggap (hindi ako naniniwala na ang pagiging 'di-karaniwan ng isang salita ay isang tanda ng obsolesensiya o pagiging laos). Hindi ko ipinaglalaban dito ang kasalukuyang Pamantasang De La Salle Araneta (GAUF) na siyang naging produkto ng mga salita tulad ng "sipnayan" (na hanggang sa ngayon hindi ko alam kung paano nila inilikha iyon), ngunit naininwala ako na kapag maliwanag ang pagtutuon ng isang konsepto sa isang bagay (tulad ng halimbawa sa lambat-lambat), mas nararapat na gamitin iyon. May pagkakaiba ang dalawa: sa halimbawa ng mga salitang nagmula sa GAUF, pag-iimbento na iyon ng salita, at hindi ito umiiral sa mga karaniwang diksiyonaryo tulad ng UPDF, New Vicassans, Pd. English, atbp. (mga diksiyonaryong nakatala sa WP:SALIN). Gayunpaman, sa halimbawa ng mga salita tulad ng "lambat-lambat", "palamigan" o "gusaling tukudlangit", bahagi na iyan ng pagka-calque, at umiiral ang mga salitang ito sa mga diksiyonaryo, kahit kung magkaiba ang mga anyo nito (malinaw dito ang kahulugan ni Gaboy: "isang paraan ng pagpapayaman ng wika o panghihiram ng salitang banyaga, at pagbibigay ng karagdagan o ibang tanging kahulugan sa katumbas na salita nito na hiram din sa ibang wika".). Kung ang problema ngayon ay ang kawalan ng konsistensi, hindi ba nararapat na isinasapamantayan natin ito at ipinag-uusapan kung ano ang mas nararapat ayon sa mga pinagkakatiwalaang sanggunian, kaysa sa binabaliwala natin ito at bigla na lang tayong hihiram sa Espanyol o Ingles nang hindi tumitingin sa pinagmulan ng ating leksikon upang suriin kung mayroon nang salitang katumbas sa Tagalog, Pilipino o Filipino?
Habang suportado ako sa ideya na dapat may pagmamapa ng isang salita sa bawa't isang konsepto (na aking sinubukan din sa panahon ko dito sa Wikipediang Tagalog: halimbawa, ninanais kong paghiwalayin ang "eroplano" [airplane] at "salipawpaw" [aircraft] dahil sa Ingles, magkahiwalay ang dalawang konsepto), may ilang mga lugar kung saan hindi ito maaaring mangyari. Iyan na rin ang dapat pinagtutuunan ng pansin sa anumang usapan tungkol sa wikang dapat ginagamit. Gayunpaman, kung paliguy-ligoy lamang ang usapang ito, tila mas nararapat na manatili ang kasalukuyang patakaran, at ayusin na lamang ito kung may kailangang ayusin (na hindi ko pa nakikita nang malinaw sa buong talakayang ito). --Sky Harbor (usapan) 23:29, 11 Enero 2012 (UTC)Reply
(Babala: dahil sa haba ng usapang ito, ninanais kong ilipat ito sa Wikipedia:Komentaryo [RFC] upang maigsian ang haba ng Kapihan. --Sky Harbor (usapan) 23:29, 11 Enero 2012 (UTC))Reply
Hindi ko alam kung anong hindi maintindihan sa punto ko. Ang alam kong pinagdedebatihan dito ay kung:
Hindi lang sa diyaryo, kahit sa telebisyon ay naririnig ko rin yan, halimbawa sa magandang gabi bayan narinig ko ang salitang magneto. Ano ring pagkakaiba ng mga inimbentong salitang iyan sa diksiyonaryo(kahit pa sa GAUF o UP etc) kung hindi nga ginagamit sa kasalukuyan. Buti sana kung pumasok sa diksiyonaryong tagalog ang mga salitang yan dahil ito ay lubusang natanggap ng lipunan gaya ng pagpasok sa mga kasalukuyang diksiyonaryong ingles ng mga bagong imbentong salita sa ingles gaya ng google(pandiwa), wikipedia, podcast etc dahil ito ito ay sumikat at hindi ipinasok dahil inimbento lang. Dahil sa hindi natin alam ang hinaharap pare parehas lang tayong walang alam kung matatanggap ang mga pamamaraang nais nating itaguyod pero dahil sa mga pagsasaliksik ng eksperto ng linguistika, ang tanging magagawa natin ay gamitin ang mga pagsasaliksik na ito at alamin sa mga ito ang pinakamalamang na papaboran na paraan ng mga nagtatagalog. Gaya ng binanggit kong akda sa itaas na nagpapakitang ang anyong kastila ay mas inaayunan ng mga nagtatagalog kesa sa "ingles" o katutubong tagalog, ito ang dapat maging pamantayan dahil ito ay nasubok na ng panahon. Nagsasayang lang tayo ng panahon kung ipipilit natin ang salipawpaw dahil lang ito ay nasa diksiyonaryo. Ilang dekada na ang nakalilipas matapos maimbento ang lambat-lambat, salipawpaw etc. pero hanggang ngayon ay hindi pa rin matanggap ng lipunan.
  • Sa kaso ng paghiram ng loanword, ang pinagdedebatihan dito ay kung anong pamamaraan ang dapat gamitin o ilapat sa paghiram ng en:loanword sa tagalog ng mga hindi pa umiiral na salita. Ang mga pamamaraang ito ay: paggamit ng anyong kastila na tinagalog(kanyang kinalkula), orihinal na ingles na hindi tinagalog(kanyang computed) o anyong ingles na tinagalog(kanyang kinompyut). Gaya ulit ng akdang sinabi ko sa itaas, ang pagsasaliksik ay nagpakitang ang "anyong kastilang tinagalog" ang mas pinapaboran sa ingles. Ayon din dito: Studies in Philippine Linguistics, ang paggamit at pagbuhay ng mga lumang salita o katutubong tagalog ang pinaka hindi pinapaboran ng mga nagtatagalog. Umaayon din ito sa posisyon ko na kung ang salitang hiram sa ingles ay maitatagalog(anyong kastila) ito ang dapat gamitin pero kung hindi ay panatalihin na lang ang orihinal na salita gaya ng network etc. Kung may tutol kayo dito, anong ebidensiyang mga pagsasaliksik na nagpapakitang matatanggap ang mga katutubong salitang gaya ng lambat lambat, salipawpaw, bato balani etc.Aghamsatagalog2011
Ang akin ay ganito pa rin:
(1) Huwag gagamit o gumawa ng mga katahang-salita/kathang-konsepto gaya ng ginawa ng GAUF, dagitab, sipnayan, liknayan, haynayan, atbp. Unawain na ang katangian ng wika sa Pilipinas ay nanghihiram kaysa sa gumawa ng bagong konsepto/terminolohiya.
(2) Gamitin ang likas na katutubong salita/konsepto sa Tagalog/Filipino, ano pa't naging Wikipediang Tagalog ito.
(3) Kapag walang katumbas doon lang manghiram, kung anyong Ingles o Español alamin alin ang mas laganap ang gamit sa kasalukuyan.
Huwag patuloy na ipilit na likhang-salita ang batubalani, sabihin muna ito sa Sentro ng Wikang Filipino, at may akda ng mga diksiyonaryong mayayabong sa ating wika.
FYI: Di man ako palagay ngunit koryente dapat ang tamang baybay at hindi kuryente, ayon sa gabay sa 2009 Gabay sa Ortograpiya ng KWF.--Scorpion prinz 00:31, 12 Enero 2012 (UTC)Reply
Hindi puwedeng maghahaka haka, kailangan magpakita ng matibay na ebidensiya na ang pagbuhay ng mga namatay na katutubong salita ay "pinapaboran ng nagtatagalog". Hihintayin ko ang ebidensiya mo para dito.Aghamsatagalog2011 02:01, 12 Enero 2012 (UTC)Reply
Maulit ko sana muli, na gagamitin lamang ang mas laganap sa kasalukuyan kung manghihiram (dahil walang katutubong katumbas) ng dayuhang salita o konseptong banyaga. Hayun nga naman ang magneto na tinutukoy mo. Taas-kamay ulit ako lalo na sa mga artikulong ginamit mong sanggunian. Sanggunian ko ba?
  • Tagalog-English Dictionary ni Leo English (25th Edition, 2010)
  • UP Diksiyonarying Filipino (Binagong Edisyon, 2010)
  • The Contemporary English-Filipino Dictionary ni Ernesto Constantino, PhD. (1999)
  • Gabby's Practical English-Filipino Dictionary ni Luciano Gaboy (2009)
  • UP Cultural Dictionary for Filipinos (2nd Edition, 2009)
  • New Vicassan's English Pilipino Dictionary ni Vito at Luningning Santos (1995)
  • Wikang Filipino: Kasaysayan at Pag-unlad ni P. Catacataca, PhD. at C. Espiritu, PhD. (2005)
  • Retorika, Wikang Filipino at Sulating Pananaliksik nina Ligaya Rubin, et. al. (Unang Edisyon 2006)
  • Sining ng Komunikasyon sa Akademikong Filipino nina Jose Arrogante, et. al (2009)
  • Gramatikang Filipino: Balangkasan nina Restituto Ceña at Ricardo Nolasco (2011)
  • (Re)Making Society — The Politics of Language, Discourse and Identity in the Philippines ni Ruanni Tupas (2001)
  • Pagsasalin: Teorya at Praktika nina Lilia Antonio at Aurora Batnag (2011)
Humihingi ako ng tawad sa di ko paggamit ng sulatin ni Cristy Fermin. --Scorpion prinz 04:40, 12 Enero 2012 (UTC)Reply
Hindi porke may ilang diksiyonaryo na hindi nagsama ng isang salita, hindi nangangahulugan hindi ito matatagpuan sa ibang diksiyonaryo. Isa pa, kung lahat ng inilista mo ay pare pareho ang laman, sasapat na ang isang diksiyonaryo pero bakit kailangan pang gumawa ng ibang diksiyonaryo ang ibang mga may akda. Ang bawat may akda bang ito ay walang tiwala sa ibang mga may akda ng diksiyonaryo upang mangailangan na lumikha ng bagong diksiyonaryo?
Gaya ng sabi kahit wala sa ilang diksiyonaryo ang magneto, makikita naman ito sa ibang sanggunian gaya ng google translation: http://translate.google.ca/?hl=en&tab=wT#auto%7Ctl%7Cmagnet%0A at http://www.bansa.org/dictionaries/tgl/?type=search&data=magnet bukod pa sa mga diyaryo at palabas sa telebisyon na binanggit ko. Para gamitin ang luma at katutubo, kailangang magpakita ka muna ng ebidensiya na mas pinapaboran ng mga nagtatagalog ang katutubo at lumang salita. Ito na ang pangalawang pagkakataong hihingin ko sa iyo ang ebidensiya na mas pabor sa mga nagtatagalog ang katutubong tagalog gaya ng bato balani. Isama mo na rin ang ebidensiya ng paghahaka haka mo na ang pagsasawika ay mali sa lahat ng wika.Aghamsatagalog2011 07:10, 12 Enero 2012 (UTC)Reply
Pangunahing pamantayan ng Wikipedia ang paggamit ng mga nalathalang sanggunian, kung may tunggalian man, dapat timbangin kung alin sa mga sanggunian ang ginamit ang mas kapani-paniwala. Mahirap ipaunawa ang isang bagay sa taong ayaw umunawa. Nanghingi ng ebidensiya at sangguniang ginamit ngunit nang ibinigay di kikilalanin. Walang sasapat na katibayan sa isang taong ayaw kumilala nito, lalo na kung sarado ang isipan. Naglatag ako ng (4) na pamantayan kung saan imiikot ang aking punto. Ipagpatawad mo sa hindi ko pagsama sa pamantayang ito ang panulat Cristy Fermin. --Scorpion prinz 07:46, 12 Enero 2012 (UTC)Reply
Masipag kang magpaskil ng mga entrada sa diksiyonaryo pero hindi mo magawang magpaskil ng paghahaka mong: 1. ang katutubong tagalog ang pamantayan; 2. mas pinapaboran ng mga nagtatagalog ang katutubong tagalog; at 3. ang pagsasawika ay mali sa lahat ng wika. Ang pagpipilit mo ring ang "katutubo" ang pamantayan(maliban na lang kung pansariling pamanatayan ang tinutukoy mo) ay isang panliligaw at kamangmangan dahil ang opisyal na wika ngayon sa pilipinas ay hindi na tagalog o pilipino(na may p) kundi Filipino(na may F). Pinapakita lang na hindi na ito nakarestrikto lamang sa katutubong abakadang tagalog ngayon kundi sa modernong alpabetong Filipino na maaari nang gumamit ng f gayundin ng letrang kastilang Ñ na hindi makikita sa katutubong tagalog. Kung pag-uusapan rin lang ay kredibilidad, mas di hamak na mas may kredibilidad ang websayt na ito http://www.seasite.niu.edu/Tagalog/New_Intermediate_Tagalog/Reading_Lessons/tsiklet_trivia.htm na pag-aari ng en:Northern Illinois University dahil sa may maipagmamalaking kredibilidad ito: http://www.cob.niu.edu/highlights/rankings.aspAghamsatagalog2011 19:50, 12 Enero 2012 (UTC)Reply
Paumanhin, ngunit hindi nakarestrikto ang wika ng Wikipediang Tagalog sa Filipino lamang, kahit kung Filipino ang opisyal na wika ng Pilipinas. Dahil nga ang pangalan ng proyekto ay ang Wikipediang Tagalog (na may diin sa Tagalog), sakop nito ang Tagalog, Pilipino at Filipino, na ayon sa payo ng Komite sa mga Wika ng Pundasyong Wikimedia (Wikimedia Foundation), ay nag-iisa lamang at walang pagkakaiba ang tatlo. Kaya sinisikap ng patakaran na balansehin ang tatlo dahil may ilang pipilit na sumulat sa Tagalog, ilan sa Pilipino at ilan sa Filipino. Bakit kailangang manaig ang isang pananaw lamang? --Sky Harbor (usapan) 21:15, 12 Enero 2012 (UTC)Reply
┌────────────────────────────────────────────────────────┘
Tama na ang Tagalog at Filipino ay magkatumbas pero ang Filipino ay makabago at ang tagalog ay maaaring sumakop sa mga katutubong salita. Dahil sa opisyal ang filipino at hindi tagalog kaya ang dapat manaig na salita ay filipino kung ito ay babangga o may katumbas na katutubong salita dahil mas ginagamit ang filipino sa kasalukuyan kesa sa tagalog. Halimbawa, bagaman ang katutubo ng diyos ay bathala, hindi ito ang dapat gamitin dahil mas karaniwan sa kasalukuyan ang paggamit ng diyos para sa god kesa sa bathala. Ano pang saysay kung ang mababasa rito ay hindi nauunawaan ng karamihan kundi ng mga ninuno lang natin. Hindi rin mareresolba itong usapang ito kung patuloy nating ipagpipilitan ang mga haka haka natin ng walang matibay na ebidensiya ng mga pagsasaliksik ng eksperto ng linguistika na sumusuporta sa mga opinyong ito. Gaya ng ebidensiyang ito Studies in Philippine Linguistics, ang preperensiya ng mga nagtatagalog sa paghiram ng salita ay kasalukuyang tagalog na karaniwang ginagamit, kung walang tagalog ay salitang hiram na kinastila, kung wala naman nito ay orihinal na ingles at ang huli ay katutubong salita. Tinignan ko rin ang 2009 Ortograpiyang Filipino pero walang konsistensiya dahil kung sinasabing gamitin ang katutubo gaya ng gahum(na salitang hiligaynon, cebuano, waray) para sa kapangyarihan, paano ito mauunawaan ng "nagtatagalog" kung ang kapangyarihan ang ginagamit na salita para sa kapangyarihan. Sa dokumentong ito, ginamit rin ang salitang ispeling pero ang alam kong katutubong tagalog ng spelling ay pagbabaybay. Pumapayag rin ang dokumentong ito na gamitin ang orihinal na kastila o ingles kung walang katumbas sa tagalog gaya ng imahen at image. Kung gagamitin ang patakarang ito na kahit ano na lang dito sa dalawang ito ang maibigang gamitin ng editor na gumagawa ng artikulo sa WP tagalog, paano mareresolba kung may bagong editor na magpapalit ng pamagat ng artikulo dahil ang nais nitong gamitin ay image samantalang ayaw ng ibang editor na gamitin ang salitang ito. Talagang mahalaga na magkaroon sa wp tagalog ng pamantayang patakaran na sinusuportahan ng mga ebidensiya upang maresolba ang mga ganitong alitan na lilitaw sa mga magkakatunggaling pananaw ng iba't ibang editor dito. Kung wala kayong maipapakitang ebidensiya na sasalungat sa ebidensiyang ipinakita ko, babaguhin ko ang patakaran ng pagsasalin sa WP tagalog upang umayon sa mga pagsasaliksik na ito ng mga eksperto ng linguistika: 1. Studies in Philippine Linguistics 2. Studies in Philippine Linguistics, The Elaboration of a Technical Lexicon of Pilipino, pahina 32ff at 44ffAghamsatagalog2011 15:13, 13 Enero 2012 (UTC)Reply
Unang-una, kung may problema, pag-usapan ito. Kung may tagagamit na nais magpalit ng pamagat ng artikulo, dapat pinag-uusapan ito sa pahinang usapan. Doon ang tamang pook upang pag-usapan ang isyung ito.
Pangalawa, basahin mo nang maigi ang patakaran: may dahilan kung bakit sinusunod ang utos ng KWF na may ilang pagbabago upang masolusyonan ang ilang mga problemang iniiwan nito (tulad ng kaso ng mga salitang teknikal at pangalan ng mga bansa na may katumbas na pangalan sa Tagalog). Alam po namin na walang konsistensi ang KWF. Alam po namin na may mga bagay sa 2009 Ortograpiya na hindi lamang umaayon sa kasalukuyang anyo ng wika, kundi na rin sa kalagayan ng leksikon, na yumayaman taun-taon. May dahilan kung bakit nilalagayan ng salin sa Ingles ang isang salitang 'di-karaniwan: na paglinawin ito upang malaman ng mambabasa kung ano ang konseptong ito sa Tagalog/Pilipino/Filipino. Sa palagay ko, minamaliit at iniinsulto mo na ngayon hindi lamang ang mga ibang tagagamit upang maisulong mo ang punto mo, kundi na rin ang katalinuhan ng mga mambabasa ng Wikipediang Tagalog at pati na rin ang buong sambayanang Pilipino dahil iniisip mo na kapag ginagamit ng Wikipediang Tagalog ang isang salitang 'di-karaniwan (na may salin pa mismo sa Ingles), hindi nila ito maiintindihan kahit kung ilang beses naming ipinaliwanag sa kanila kung ano ito sa Ingles. Hindi yumayaman ang wika kung sa wika ng ngayon mo lang itutuon ang leksikon: may dahilan kung bakit sari-sari ang mga diksiyonaryong ginagamit dito, dahil naniniwala kami sa kapasidad ng mga tagagamit na pag-usapan kung ano ang nararapat. Sapat din ang aking pagsasaliksik sa isyu ng patakarang pangwika ng Pilipinas upang gumawa ng isang panatag na desisyon tungkol dito, at alam namin na tama ito.
Pangatlo, wala kang karapatan na basta-bastang palitan ang patakarang pangwika, o kahit anumang patakaran, ng Wikipediang Tagalog, nang hindi dumadaan sa proseso ng pagtatalakay, pagkukumpuni at pagkukuha ng konsenso. Wala kang karapatan na diktahan ang pamayanan ng Wikipediang Tagalog na sumunod sa gusto mo maliban na lang kung ito ay napatupad na bilang patakaran na sinang-ayunan ng buong pamayanan. Hindi pa rin ako nakukumbinsi sa merito ng mungkahi mo: malawak na nga ang leeway na binibigyan ng patakaran para makagamit ng sari-saring estilo ng pagsusulat ang mga tagagamit, at ngayon, dahil pinagtututulan mo ang patakaran, gusto mo na ikaw mismo lamang ang babago sa patakaran? Paumanhin, ngunit hindi isang diktadurya ang Wikipedia, at mas lalo na, hindi ako papayag, sa aking kapasidad bilang isang burokrata ng proyekto na may responsibilidad para sa kagalingan nito, na pahintulutan ang isang tagagamit na gumamit ng taktikang mala-batas militar upang maitupad ang kaniyang personal na naisin.
Alam din ng mga ibang tagagamit kung ano ang ginagawa nila, mas lalo na ang mga tagagamit na sumang-ayon sa umiiral na patakaran noong una itong ipinasa. At hindi ako papayag sa ganitong uri ng pag-aalipusta at pagmamaliit sa kakayahan ng pamayanan ng Wikipediang Tagalog dahil naniniwala ka na mas tama ka kaysa sa ibang tao. Layunin ng Wikipedia na balansehin ang mga sari-saring pananaw upang maaari itong umiral nang matiwasay, at taliwas sa layuning ito ang paghahari ng isang pananaw. Bakit dapat tayo umayon tayo sa lipunan? Maaari mong sabihin na mas maiintindihan ito, ngunit sila mismo ang mga nagrereklamo na hindi sila marunong mag-Tagalog. Muli, napakalaking kabalintunaan iyon.
Ngayon na ipinakita mo na ang tunay na naisin mo, na isahang palitan ang patakaran upang umayon sa iyong pananaw, anong uri pa ba ng katapatan ang maaari kong ipaghinuha pagkatapos mong imungkahi iyan? Paumanhin, ngunit gusto kitang tanungin: kapag pipilitin mong ipasa ang inyong naisin, kaya mo bang baliwalain ang panig ng ibang mga tagagamit ng Wikipediang Tagalog na hindi sumasang-ayon sa naisin mo? Hindi ko na alam kung makakayanan ko pa ang susunod na pangyayari pagkatapos nito, at ikinalulungkot ko ang pagkamatay ng mga limang haligi ng Wikipedia kung sakaling mangyari ito. --Sky Harbor (usapan) 21:56, 13 Enero 2012 (UTC)Reply
Kung dikatadurya ang nais ko rito, hindi na ako makikipagtalakayan dito sa Usapan:Kapihan kundi direkta ko na lang babaguhin ang patakaran ng WP tagalog. Kung titingan mo lang ang pakikipagtalakayan ko sa Usapan:Magneto at Usapan:Pananapatan (Pasko), hindi ko muna binago ang pamagat dahil ang nais ko ay mapag-usapan ang mga bagay na ito. Kung meron mang diktadurya, ang editor na ang tanging katwiran ay basta. Tignan niyo rin ang ibang mga kontribusyon ko dito at hindi ko inaangkin ang mga artikulong binago ng ibang editor gaya ni anakngaraw sa ilang mga pamagat ng mga artikulong sinimulan ko gaya ng sinimulan kong multiplayer na lagrange na pinalitan ni anakngaraw na pamparaming lagrange: http://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Pamparaming_Lagrange&action=historysubmit&diff=958716&oldid=958663. Diktadurya rin ba ang layon ko kung nagawa mo mismong palitan ang pamagat ng sinimulan kong artikulong Ang Nagkakaisang Nasyonalistang Demokratikong Organisasyon ayon sa pananaw mong ang dapat na salin ayNagkakaisang Makabayang Demokratikong Organisasyon: http://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Nagkakaisang_Makabayang_Demokratikong_Organisasyon&action=historysubmit&diff=955049&oldid=954975 kahit na lehitimong salin din ang nasyonalista ayon sa google translation: http://translate.google.ca/?hl=en&tab=wT#auto%7Ctl%7Cnationalist%0A%0A%0A%0A. Sinong diktadurya sa pagbabagong iyan? Hindi lang yan kundi marami ka pang pagbabago sa pamagat ng mga sinimulan kong mga artikulo na hindi ko na tinutulan. Ang problema kasi kung puro haka haka ang itataas dito ay talagang wala tayong maaabot na kasunduan. Paano mo mareresolba ang dalawang proposisyon na direktang magkasalungat. Ayon na rin dito sa en:Wikipedia:Consensus, Here editors try to persuade others, using reasons based in policy, sources, and common sense. Kaya nga humihingi ako sa iyo o kahit sino pa mang editor dito ng ebidensiya pero wala naman kayong maipakitang ebidensiya. Hindi ko alam kung bakit inaatake niyo ako dito nang hindi muna siniyasat ang mga kontribusyon ko dito at hindi na lang pumokus sa mga argumento at ebidensiyang susuporta sa mga ito. Paano ring pananaw ko lang ang gusto ko dito kung ito ay sinusuportahan ng ebidensiya ng pagsasaliksik ng mga eksperto ng linguistika? Anong gusto niyo, pananaw niyo ang manaig dito pero hindi naman sinusuportahan ng ebidensiya mula sa mga eksperto ng linguistika?Aghamsatagalog2011 01:53, 14 Enero 2012 (UTC)Reply
Gusto mo ng tala ng aking mga sanggunian? Maaari mong basahin ito: A Need, A Want, A Calling: Fixing the Issues of Philippine Language Policy (papel ko sa Ateneo) at pumunta ka sa huling pahina ng papel. Ang tanong kasi dito ay ito: kung dapat patas ang mga sangguniang sinasangguni nati, bakit mo pinipilit na mas mapagkakatiwalaan ang mga sanggunian mo kaysa sa mga sanggunian ko o sa mga sanggunian ng ibang mga tagagamit? --Sky Harbor (usapan) 14:44, 14 Enero 2012 (UTC)Reply
Ewan ko kung bakit puro akusasyon ang ibinabato sa akin dito kung ang tanging layon ko rin dito gaya ng layon niyo ay mapabuti at mas maging mauunawaan ang WP tagalog ayon sa ebidensiya ng mga eksperto ng linguistika. Hindi ako ang unang umatake kundi kayo. Eto ang mga akusasyon niyo:
  • Sinasabi niyong sarado ang isipan ko, diktadurya etc pero ipinakita ko sa mga kontribusyon ko na hindi ito ang kaso dahil mismong ikaw ay nagawa mong palitan ang pamagat ng mga sinimulan kong artikulo ayon sa pananaw mo pero hindi ka na tinutulan. Paano rin sarado kung handa kong buksan ang isipan ko kung makapagpapakita lang kayo ng ebidensiya ng mga eksperto ng linguistika sa mga sinasabi niyo. Hindi rin patas kung ako lang ang nagpapakita ng ebidensiya ng mga eksperto(hindi sariling papel) ngunit ayaw niyong tanggapin pero hindi niyo mapagbigyan ang kahilingan kong paulit ulit na paghingi ng ebidensiya ng mga eksperto ng linguistika.
  • Sabi mo: Sa palagay ko, minamaliit at iniinsulto mo na ngayon hindi lamang ang mga ibang tagagamit upang maisulong mo ang punto mo, pero ang ibinigay mong sanggunian ay (papel ko sa Ateneo). Hindi ko rin ito sariling opinyon lamang dahil ito rin ang rekomendasyon ng mga eksperto ng linguistika.
  • Sabi mo: Layunin ng Wikipedia na balansehin ang mga sari-saring pananaw upang maaari itong umiral nang matiwasay, at taliwas sa layuning ito ang paghahari ng isang pananaw. Bakit dapat tayo umayon tayo sa lipunan?. Pero ito'y isang maling pananaw ng en:Wikipedia:Neutral point of view dahil ayon sa patakarang ito Editing from a neutral point of view (NPOV) means representing fairly, proportionately, and as far as possible without bias, all significant views that have been published by reliable sources.. Paano mo irerepresenta ang lahat ng mga opinyon at haka haka rito na hindi naman sinusuportahan ng ebidensiya ng mga eksperto lalo kung ito ay direktang sumasalungat sa ibang pananaw na sinusuportahan ng ebidensiya ng mga eksperto? Sabi rin sa patakarang ito: Ensure that the reporting of different views on a subject adequately reflects the relative levels of support for those views, and that it does not give a false impression of parity, or give undue weight to a particular view.For example, to state that "According to Simon Wiesenthal, the Holocaust was a program of extermination of the Jewish people in Germany, but David Irving disputes this analysis" would be to give apparent parity between the supermajority view and a tiny minority view by assigning each to a single activist in the field..
  • Sabi mo: Bakit dapat tayo umayon tayo sa lipunan? Maaari mong sabihin na mas maiintindihan ito, ngunit sila mismo ang mga nagrereklamo na hindi sila marunong mag-Tagalog. Muli, napakalaking kabalintunaan iyon. Kung sinasabi mong nagrereklamo ang lipunan dahil hindi sila marunong magtagalog, bakit ipinagpipilitan mong ang gamitin ay katutubong salita na tanging mga ninuno lang natin ang nakauunawa?
Ang mga naunang sanggunian na ipinakita niyo ay hindi mahalaga sa usapang ito dahil hindi nito nasasagot ang katanungang alin sa mga salitang ito ang dapat mas bigyan ng prioridad. Halimbawa, sa diksiyonaryo, mababasa ang parehong salitang bathala at diyos para sa god pero hindi sinasabi ng mga diksiyonaryong ito kung alin ang mas dapat gamitin ng lipunan. Ang Ortograpiyang Wikang Filipino ay hindi rin makasasagot sa mga katanungang ito dahil bukod sa may inkonsistensiya ang paggamit ng salita dito gaya ng pagsasabing gamitin ang katutubo pero ang ginamit ay makabagong ispeling upang tukuyin ang katutubong salitang pagbabaybay, pinapayagan rin ang paggamit ng parehong kastila at ingles. Paano mareresolba kung dalawang editor ay parehong nagnanais na gamitin ang kastila at ingles sa parehong artikulo? Kaya mahalaga na magbigay ng mga reperensiya na direktang sumasagot sa mga isyung tinatalakay dito at hindi lang mga diksiyonaryo o Ortograpiyang Wikang Filipino. Ang isyu rito ay: anong anyo ng salita ang dapat mas bigyan ng prioridad sa Wikipedia tagalog kung ito ay magbabanggaan sa paggamit ng mga ito. Ang mga anyong pinagtatalunan dito ay kasalukuyang tagalog, kinastilang hiram na salita, ingles at katutubo. Aghamsatagalog2011 19:14, 14 Enero 2012 (UTC)Reply

┌──────────────────────────────────────────────────────────────────┘
Maaaring isabuod ang mga katanungan sa mga ito:

  • Tama ba o mali tukuyin sa katutubong Tagalog/Filipino ang isang konsepto o salitang may likas na katumbas (di naman Sinaunang Tagalog) sa ating wika? Isaalang-alang na ito ay Wikipediang Tagalog.
Sa akin, tama lang. Nakapanghihinayang kung palasak tayong manghihiram, kung may likas namang katutubong katumbas, inuulit ko di ito sa anyong Sinuanang Tagalog.
Kung mali ang sagot sa tanong na ito, ano ang maaari nating pagbatayang sanggunian? Dahil ang Tagalog ng taga-Makati, di naman siguro lingid sa kaaalaman natin ay maka-Ingles, ngunit di ito ang kalagayan ng mga Tagalog sa Batangas at Bulacan at Tanay, kung saan ang mga bata ay pumapasok sa paaralan at hindi sa eskuwela, natututo sa silid-aralan at hindi sa klasrum, ganoon din pala ang sitwasyon ng mga taga-ibang dako ng bansa marahil sa kanilang pagkatuto ng Filipino/Tagalog sa paaralan. Kung mali, magiging mas malawak ang puwedeng pagbatayan baka hindi na natin ito masuri kung alin ang dapat manaig, kung pananaw ba ng Maynila o pananaw ng mga Tagalog sa labas ng Maynila. Saan tayo gigitna?
    • Paano malalaman kung ang salita ay Sinuang Tagalog? Sino makapagsasabi na ito nga ay sinauna na?
Pamantayan sa Wikipedia ang paggamit ng sangguniang may kredibilidad, na makatutulong sa pagtukoy natin ng mga ito. Alin sa mga sanggunian ang may kredibilidad? Diyan papasok ang pamayanan kung alin ang gagamiting batayan.
  • Kailangan bang gumamit ng kathang-salita o kumatha ng salita o konsepto maipabatid lamang na ito ay nasa Tagalog dahil ito ay Tagalog Wikipedia?
Kung susundin ito bilang pamantayan, lubhang nakababahala. Sa ganitong paraan malimit ang makakaunawa nito ay ang may-akda lamang dahil sa iyon ang pagkaunawa niya sa isang konsepto, ano ang batayan niya dito? Hindi dahil sa karanasan ko, at karanasan niya, ngunit nasaan ang lathalain?

Sa mga tagapangasiwa ng Wikipediang Tagalog, bukas ba ito sa pag-upo at pagtalakay kahit magkaharap-harap pa sa isang pagpupulong, kung ano man ang kaakibat na gastusin (pamasahe, tutuluyan, pagkain) ay sisikaping sagutin ng WMPH.--Scorpion prinz 05:12, 15 Enero 2012 (UTC)Reply

Ukol sa mga tanong na ito:
  • Tama ba o mali tukuyin sa katutubong Tagalog/Filipino ang isang konsepto o salitang may likas na katumbas (di naman Sinaunang Tagalog) sa ating wika? Isaalang-alang na ito ay Wikipediang Tagalog. Mali kung ito ay babangga sa isang mas karaniwang salita na ginagamit sa kasalukuyan. Ang hindi paggamit ng mga hindi na ginagamit o patay na salita ay hindi lamang nirerekomenda ng mga eksperto ng linguistika gaya ng sipian ko sa itaas kundi pati mismong patakarang ng Wikimedia ay umaayon dito: en:Wikipedia:Article titles. Ayon dito: the ideal article title will resemble titles for similar articles, precisely identify the subject, be short, be natural, and be recognizable. Ngayon, upang mapatunayang ito'y karaniwang ginagamit, sinasabi rin dito na:Wikipedia does not necessarily use the subject's "official" name as an article title; it prefers to use the name that is most frequently used to refer to the subject in English-language reliable sources. Sa kaso ng mga salitang tagalog, ito ay maipapakita sa dami ng mga resulta ng mapagkukunan(resources) gaya ng aklat, diyaryo, blogs, youtube etc. na lalabas sa google. Natural na ang salitang mas ginagamit ay mas maraming resultang lalabas sa mga search engine gaya ng google, bing, yahoo.
  • Paano malalaman kung ang salita ay Sinuang Tagalog? Sino makapagsasabi na ito nga ay sinauna na?. Sa pamamagitan ng mga bilang ng paggamit sa isang salita gaya ng mga lalabas sa mga search engine gaya ng google, bing, yahoo etc. Halimbawa sa dalawang salitang silid aralan o klasrum, maikukumpara ang bilang ng mga resulta ng paggamit ng mga ito sa google: Google search silid aralan, 162,000 results vs.Google result klasrum, 97200
  • Kailangan bang gumamit ng kathang-salita o kumatha ng salita o konsepto maipabatid lamang na ito ay nasa Tagalog dahil ito ay Tagalog Wikipedia?. Sa opinyon ko at ng mga eskperto ng linguistika gaya ng sipian ko sa itaas, hindi masamang mag-imbento ng salita kung ito ay inaayunan at mas mauunawaan ng mga nagtatagalog. Halimbawa sa kaso ng mga hiram na kinastila, ito ay inaayunan ng mga nagtatagalog upang mas maging pamilyar ang mga nagtatagalog dahil mas karaniwan ang mga hiram na salitang may anyong kastila sa kasalukuyang tagalog kesa sa malay o ingles. Wala namang batas na nagsasabi na ang mga salita ay hindi dapat iniimbento dahil mismong si Shakespeare ay umimbento ng mga salita sa ingles: http://www.shakespeare-online.com/biography/wordsinvented.html. Ebidente rin ang pag-iimbento ng mga bagong salita sa pilipinas gaya ng mga salitang bekimon o jejemon. Aghamsatagalog2011 20:12, 15 Enero 2012 (UTC)Reply
Handa ka bang lumahok sa isang harap-harapang pagpupulong ng mga editor dito sa WP Tagalog, upang ipresenta ang mga punto at panig mo? --Scorpion prinz 07:25, 17 Enero 2012 (UTC)Reply
Handa ako pero hindi maaari dahil wala ako sa pilipinas ngayon. Mas mabuti nga kung dito ang talakayan kesa sa isang pagpupulong dahil ang mga nakatala dito ay palaging bukas sa mga editor(sa kasalukuyan at mga darating pa) at maaaring mabasa ng sinuman sa mundo.Aghamsatagalog2011 21:36, 18 Enero 2012 (UTC)Reply
Hindi sa ngayon, ito'y binabalak sa Mayo. Kung gagamitin natin ang argumento mo na dapat gamitin ang mas karaniwang salita, dapat ba ang pagbilang natin ay sa Ingles/Español na? Dahil sa pang-araw-araw na paggamit, sa palengke, jeepney napakadalang gamitin ng pagbilang sa Tagalog/Filipino?--Scorpion prinz 22:58, 18 Enero 2012 (UTC)Reply
Sa pagtingin ko sa mga search engine, ang pagbilang ng mga nagtatagalog ay mas karaniwan sa tagalog sa ilang mga bilang gaya ng "sampung piso, tatlong piso, limang piso, isang daang piso, limang daan" pero sa ilang mga bilang mas karaniwang ang kastila gaya ng "bente pesos, trenta pesos, singkwenta pesos". Gaya ng paulit ulit kong sinasabi, ang kailangan dito ay hindi pagpapalagay o paghahaka haka kundi ebidensiya. Kailangang magpakita ng estadistika na sumusuporta sa mga opinyong ito upang magkaroon ng timbang dito. Aghamsatagalog2011 04:10, 21 Enero 2012 (UTC)Reply
Kung pagbabatayan ang Google ilang porsiyento ng mga Pilipino lamang ba ang may access sa internet? Wala pa sa 30%. Hindi sila mayorya, sa minoryang may access sa internet, ilan lamang ang nagsusulat? Paano ang dalawampu't limang sentimo, di ba beinte singko (bentsingko) ang tawag dito sampung sentimo (diyes). Walang estadistika ang kailangan ang paggamit ng katutubong salita, kung yun talaga ang kahulugan nito sa pinanggalingan at isinaling-wika. --Scorpion prinz 05:32, 21 Enero 2012 (UTC)Reply
Paanong masasabing hindi magagamit ang google kung ang karamihan sa mga diyaryong tagalog ay nasa internet na at ginagapang ng crawler ng google. Kahit sa wp, ang diyaryo ay isang reperensiya na maaaring gamitin ayon dito: http://en.wikipedia.org/wiki/Wikipedia:Citing_sources Kung ang mga diyaryong ito ang isa sa mga pinagkukunan ng impormasyon ng karaniwang tao dahil sa palaging bago(updated) ang impormasyon dito, ito ay maaaring kumatawan sa mga salitang karaniwan sa kasalukuyan. Sa kaso ng beinte singko, mas karniwan ang beinte singko kesa dalawang put lima o twenty five peso, siyempre maliban na lang kung ang tinutukoy mo ay sa mga taglishero. Kaya nga kailangan ng estadistikang walang kinikilangan(biased) dahil ang isang lugar gaya ng makati ay hindi maaaring kumatawan sa buong populasyon ng mga nagtatagalog. Uulitin ko rin na ang karaniwang salita ay nasa patakaran ng wikimedia http://en.wikipedia.org/wiki/Wikipedia:Article_titles, kaya ito ang dapat ring manaig dito sa wp tagalog bukod sa wala pang mas mabuting argumento o ebidensiya na maipakita dito upang gamitin ang mga katutubong salita.Aghamsatagalog2011 16:53, 21 Enero 2012 (UTC)Reply
Nandoon ang kahinaan ng argumento, pagdating sa beinte-singko, diyes, singko, nagkaroon bigla na lang may exception? Kung hihimayin ang mga ginagamit na surian, hindi sa Google nakasalalay ng mga sanggunian. Mananaig dapat ang pamantayang tinutukoy mo kapag parehong magkasing-kahulugan ang dalawang salita sa katutubong wika. Unawain na ang kahulugan ng salita kapag ito'y isinalin din. Dapat kapag naisalin, napapaloob din nito ang kaparehong kahulugan mula sa wikang pinanggalingan. Sa estadistikang hinahanap mo, paano ang 70% hindi nakakapaginternet? Ang di naman lingid sa kaalaman, dahil hindi gaanong kaunlad ang Pilipinas sa pagsasa-internet ng mga lathalain, di gaya ng sa mga maunlad na bansa, iwawaksi ba ito dapat? Eh kung sila ang bumubuo ng higit na mayorya? --Scorpion prinz 17:23, 21 Enero 2012 (UTC)Reply
Kung hindi google o mga diyaryong tagalog, paano mo nga mapapatunayan ang pagpapalagay mo na mas karaniwan ang isang bilang na ingles/kastila kesa sa bilang na tagalog gaya ng dalawamput lima. Kaya ang tinutukoy ko rin ay diyaryo na lumalabas sa google result dahil ang diyaryo ay dumadaan muna sa mga editor na masasabing bihasa sa pamamahayag bago ilimbag sa papel o sa internet ang mga diyaryong ito: http://en.wikipedia.org/wiki/Editor-in-chief. Natural na ang mga salitang pipiliin ng mga diyaryo ay karaniwan at nauunawaan dahil kung hindi ay wala ng magbabasa ng mga diyaryo nila. Hindi rin balido ang argumento na dahil sa lugar ko, ito ang ginagamit kaya ito na rin ang ginagamit ng lahat ng nagtatagalog. Ang pinapakita ko rin taas ang ang paggamit ng mga bilang sa pera, pero kung bilang lang, ang dapat manaig sa opinyon ko ay tagalog gaya ng isa, dalawa, dalawamput lima, limampu etc dahil sa ang mga bilang na ito ay itinuturo sa mga paaralan sa elementarya kaya mas pamilyar ang mga nagtatagalog dito kesa sa kastila, pero gaya ng sabi ko, sa kaso ng pera, mas natural ang paggamit ng ilang salitang kastila gaya ng bente pesos kesa dalawampung piso. Magpakita ka rin muna ng ebidensiya na mas pinapaboran ng mga nagtatagalog ang katutubo dahil nagsasayang lang tayo ng panahon sa paggamit ng mga salitang ito kung naipakita ko sa ebidensiya ko itaas na hindi ito ang kaso.Aghamsatagalog2011 17:47, 21 Enero 2012 (UTC)Reply
Maraming lathalain sa Filipino/Tagalog ang hindi nailalagay online di gaya ng sa Ingles. At kung ang resulta ng Google ang pagbabatayan at bibilangin ang mga artikulo ni Cristy Fermin bilang batayan ng gamit ng isang salita, hindi na lang siguro.--Scorpion prinz 12:20, 22 Enero 2012 (UTC)Reply
Buti sana kung naitago o nabili mo ang lahat at bawat mga lathalaing filipino/tagalog na nailimbag sa buong kasaysayan ng pilipinas. Kung nagawa mo, itala mo rito ang lahat ng mga lathalaing ito.Aghamsatagalog2011 16:10, 22 Enero 2012 (UTC)Reply
Ang WP, di lamang Tagalog ay isang pamayanan (read between the lines). Dahil sa ito'y WP Tagalog, maging matapat dapat sa katutubong wika hangga't sa maaari kung ito'y may likas na katumbas na salita o konsepto. Isa lang ang aking nakita, walang sasapat na katibayan sa isang taong sarado ang kaisipan. Aanhin pa ang damo kung sarado ang bibig ng kabayo? --Scorpion prinz 23:23, 13 Enero 2012 (UTC)Reply
Kapita-pitagang institusyon at sanggunian naman kasi si Cristy Fermin para sa Wikang Filipino/Tagalog. Ipinauubaya ko sa mga tagapangasiwa ang pagdedesisyon ng mga batayang gagamitin kung si Cristy Fermin ba at mga dayuhang institusyon o KWF ba at iba pang surian ng wika sa Pilipinas. --Scorpion prinz 22:28, 12 Enero 2012 (UTC)Reply
Paumanhin, ngunit hindi ko alam kung paano naging "orihinal na pananaliksik" ang pagtutumbas ng isang konsepto sa salitang hindi karaniwan ngunit makikita sa diksiyonaryo, at kung saan iyan ay maituturing na mapagkakatiwalaang sanggunian. Kung tutuusin, hindi lang sa Tagalog/Filipino ng kalsada nagmumula ang kalipunang leksikal ng wika: maraming pinagmulan ito, at kailangang sakop ng Wikipedia ang lahat na maaaring maging pinagmulan ng leksikon, na may karapat-dapat na espasyo sa Wikipedia. Tandaan din natin na klasipikado ang wika, na karaniwa'y nakakalimutan ng mga Pilipino (ayon kay Rolando S. Tinio), at maraming salitang "'di-karaniwan" ay maaaring umiiral sa pormal na diskurso, o kaya'y nararapat kahit kung hindi natin ito naririnig sa kalsada (tulad ng mga pangalan ng bansa). Sa palagay ko, ang pagtutuon ng leksikon sa wika ng kalsada (na isa lamang sa maraming pinagmulan ng leksikon) ay maaaring maging bunsod ng walang-katapusang alitan sa ano dapat ang magiging hugis ng "pamantayang wika" ng Wikipediang Tagalog, at hindi matatapos ang talakayang ito dahil hindi pa natin nababalanse ang mga pananaw tungkol sa wika nang hindi tumutungo sa pag-aari ng artikulo, na ipinagbabawal ng Wikipedia. --Sky Harbor (usapan) 09:48, 16 Disyembre 2011 (UTC)Reply
Hindi mo maaaring sabihing wika o konseptong kalsada ang conjecture, gravity o teorya ng relativity, isama ko na rin dito ang teoryang Big Bang na tinutukoy rito na Malaking Pagsabog, dahil nagkakaroon ng paglihis ng konsepto nito. Sa wikang Español at Italyano nga Big Bang pa rin ang pagtukoy sa paksang ito, kung tutuusin pangngalang pantangi ito. Nirerespeto ko ang opinyon ng mga maimpluwensiyang tao sa wika, ngunit hindi ito pangkalahatang pananaw ng iba pang may kalinangan din sa wika. Kung ang isang konsepto ay may tahas at hayag ang katumbas sa ating wika, dapat itong tukuyin sa lokal na wika. Hindi Wikipediang kalsada ang kahihinatnan ng isang Wikipediang Tagalog na sana'y mas angkop sa mga tinutukoy nito at mas madaling mauunawaan. --Scorpion prinz 11:40, 16 Disyembre 2011 (UTC)Reply
Magandang araw po sa lahat, ang aking opinyon lamang sa usaping ito, kung mayroong mga salitang Ingles na may katapat na salitang tagalog ay dapat iyon na lamang ang gamitin subalit sa ilang mga salitang teknikal, dapat magkaroon tayo ng iisang pinagkasunduan kung ano ang gagamitin natin doon. Hindi naman natin masasabi na lahat ng mga tao ay pare-parehas ang tinutukoy na salita, halimbawa sa aming paaralan, hindi sipnayan ang ginagamit na tagalog ng Mathematics bagkus ay Matematika. Ang aming guro sa Filipino, ayon sa kanya, may ilang mga salitang Ingles ang hindi na talaga maisasatagalog bagkus ay ipanatili na lamang sa natural nitong anyo. Kaya, maganda ang naisip ng mga kasamahan natin na magkaroon na lamang tayo ng gabay sa pagsasalinwika at pagsulat ng mga artikulong teknikal. Sa pamamagitan nito, hindi na tayo magkakaroon ng kalituhan kung ang gagawin nating pamagat ng artikulo ay tama at naaayon sa ating lahat. At, para hindi na rin humaba ang usapan dito. Salamat po! --Masahiro Naoi 01:36, 23 Disyembre 2011 (UTC)Reply
Lubos akong sumasang-ayon sa sinabi ng iyong guro. Hindi na kailangang piliting isa-Tagalog/Filipino pa ng mga terminolohiya o konsepto lalo na kapag banyaga naman ang pinagmulang salita nito, mapa-Ingles man ito o iba pang wika, hindi dahil sa paggamit ng sentido komon kaya ito ay maaari at nararapat maisa-Tagalog/Filipino naman. --Scorpion prinz 00:10, 24 Disyembre 2011 (UTC)Reply
May dalawang problema ako sa ganoong uri ng pagdadahilan: una, paano natin nalalaman kung talagang sa Ingles mismo lang pumapasok ang isang konsepto? Pangalawa, nararapat bang hindi binibigyan ng pansin ang umiiral na katawagan dahil lamang mas kilala ang katumbas nito sa Ingles? Natatakot ako na maaaring tumumbas sa orihinal na pananaliksik ang anumang paghahaka-haka tungkol dito, at mas naniniwala ako na kapag may umiiral na salin para sa isang konsepto, hindi nating pinipilit na "isakatutubo" ito. --Sky Harbor (usapan) 22:09, 28 Disyembre 2011 (UTC)Reply
Sa wika, wala namang pamantayang lubos, dikta nga kasi ito ng lipunan kaya nagbabago. Kung may katutubong katumbas (magsintulad sa Tagalog/Filipino ang tinutukoy na paksa, konsepto at kahulugan sa Ingles o ano pang wika) ito sa wikang Filipino/Tagalog iyon dapat ang gamitin (universe ay dapat tukuying sansinukob). Ngunit kung manghihiram din lamang, isaalang-alang kung ano ang mas kadalasang nang ginagamit sa kasalukuyan. Magandang halimbawa nga ang chess na tinutukoy na ahedres dito, maaari ka sigurong magtanong-tanong alin sa dalawa ang mas maiintindihan. Ang refugee ay maaaring nagsilikas o takas, ngunit di nito naipapahiwatig ng buo ano ba talaga ang estado ng isang refugee o kahulugan talaga ng refugee, kung repuhiyado (refugíado) naman halaw sa Español, para bang kailangan mong matuto muna ng Español na di na naman tinuturo ng malawakan ngayon, kung refugee nasa diksiyonaryong Filipino na naman ito, yun na lang ang gamitin. Siguro di naman natin iisipin na may ibang anyo pa sa Tagalog/Filipino ang calculator, escalator, refrigerator, elevator. --Scorpion prinz 12:58, 31 Disyembre 2011 (UTC)Reply
Mayroon: kalkulador, eskalera (o eskalador), palamigan at asensor. Tandaan din natin na hindi lamang Filipino ang wika ng Wikipediang Tagalog: kung tutuusin, kung umiiral din ito sa isang "diksiyonaryong Tagalog" (kahit kung magkatumbas ang Tagalog at Filipino), dapat binibigyan din natin ito ng pansin. --Sky Harbor (usapan) 17:14, 4 Enero 2012 (UTC)Reply
Dito ko gusto ipasok yung #3. sa itaas. Yung palamigan = cooler, ang refrigerator ay isang uri lamang ng palamigan, paano yung ice box, freezer chest? Dahil kung susundin ko ito ang air-conditioner = pampalamig/pamalig? --Scorpion prinz 19:20, 4 Enero 2012 (UTC)Reply
Ayon kay Gaboy, ang icebox (ang 'di-mekanikal na palamigan) sa Tagalog ay "kahong palamigan" o "nebera" (mula sa nevera ng Espanyol, na alternatibong katawagan para sa isang palamigan, mekanikal man o 'di-mekanikal). Ayon naman kay Calderon, ito ay "sisidlang palamigan" o "paminggalan ng yelo". --Sky Harbor (usapan) 22:53, 4 Enero 2012 (UTC)Reply
Nakita mo yung pagkakaiba nila? Kasi ibig-sabihin lang wala talagang katumbas na salita na tumutukoy rito sa ganoong anyo sa wika natin. Ngunit bakit ang UP Diksiyonaryo ni Almario et al ay may entrada ng refrigerator sa ganitong anyo? Para lang itong sipaang-bola, ano susunod volleyballhampasang-bola, basketballsuotan-bola, parang nilalarawan lang nila yung salita? Kailangan mo nga rin dapat makita yung gamit nito sa lipunan at yung cultural value nito, parang ang EDSA ay dapat tukuying Epifanio delos Santos Avenue, sa ganitong anyo dahil hindi ito magiging EDSA kung pa-Tagalog itong tutukuyin, isa rin dito kasi pa-Ingles ang address system natin. --Scorpion prinz 00:23, 5 Enero 2012 (UTC)Reply
Sa palagay ko lamang, may mga tamang punto ang sinasabi ng bawat isa. Ngunit sana tandaan natin na ang wika ay umuunlad. Hindi ito habambuhay na ganyan. Halimbawa na lamang ay ang salita ng mga taga-Taiwan. Mapapansin natin na ang kanilang wika ay parehas nahaluan ng salitang Hapones, Mandarin, at Hakka, kaya makikitaan ito ng mga impluwensiyang ito. Isa pa, ang ilang salitang Hapones ay binabaybay lamang nila ayon sa kakayahan ng kanilang wika. Halimbawa; ang Crayon ay クレヨ (Kureyon). Tulad ng sa kalagayang ito, ang ating wika ay umuunlad din. Hindi natin mapipilit na maraming lumalabas na mga salitang teknikal na kahit pilitin nating hanapan ng salitang tagalog ay wala kang makikita. Kahit palawakin natin ang pag-uusap ukol sa pagpapangalan pa lamang ng artikulo o kung anu pa mang pagsasatagalog ng salita, hindi pa rin tayo magkakasundo. Ang hinihiling ko lamang, sana magkaroon tayo ng pinagkasunduang pagbabatayan natin ng mga kagamitan na makakatulong sa pag-aayos ng problemang ito. At magkaroon na tayo ng mga palatuntunan o batas ukol sa usaping ito. Iyon lamang po. Salamat. Mabuhay ang Tagalog Wikipedia!!!! --Masahiro Naoi 10:01, 10 Enero 2012 (UTC)Reply
  • Dahil sa masasabing pag-unlad ng Wika, marami na talaga ngayong mga anyo ng salita - luma, bago, o umuunlad pa lang - tanging solusyon sa ngayon ang kapag nakakita ng tila hindi (pa) yata tamang anyo ng salita ay ang pagturo papunta sa tamang pahina ng salita o paksa dito sa Wikipedia. Doon mababanggit (at maituturo ang mambabasa) sa mas tila tinatanggap na anyo ng salita. - AnakngAraw 16:01, 14 Disyembre 2011 (UTC)Reply
Huwag kalimutang maging "bukas ng Wikipedia" at ng ating isipan, katulad ng kamakailang mungkahi ng Lupon ng Wikipedia. - AnakngAraw 22:12, 14 Disyembre 2011 (UTC)Reply

Nababasa kong magkakaiba na ang paksa ng usapan at mukhang magkakalayo rin ang opinyon ng mga nag-uusap. Minabuti kong buksan ang pahinang Wikipedia:Gabay sa pagsasalinwika at pagsulat ng mga artikulong teknikal upang matugunan ang isang partikular na gawain natin dito sa Wikipedia, ang makapagsulat ng isang artikulong madaling maunawaan ng nakakarami na nakasulat sa paraang pormal na gumagamit ng tamang salita at balarila. Inaanyayahan ko kayong mag-ambag ng inyong kuro-kuro tungkol dito. --bluemask 09:00, 16 Disyembre 2011 (UTC)Reply

Paglikha sa ngalan-espasyong "Portada"

baguhin

Nais kong ipahayag sa lahat na inilikha na ang ngalan-espasyong "Portada" (Portal namespace). Maaari na itong gamitin upang lumikha ng mga portada, mga munting "Unang Pahina" para sa mga paksa ng Wikipediang Tagalog. Kasalukuyang may ilang portada dito na kailangan pang ilipat sa bagong ngalan-espasyo, at sana magagawa ito sa susunod na araw. --Sky Harbor (usapan) 23:55, 11 Disyembre 2011 (UTC)Reply

Magandang araw po, napansin ko lamang po na hindi pa nalilikha ang ngalan-espasyong "Usapang Portada", sana po ay magawan po ito ng aksyon. Salamat po!!!--Masahiro Naoi (talk) 13:32, 5 Marso 2012 (UTC)Reply

Mga kailangan pang artikulo dapat simulan, gawin, o isalin

baguhin

Narito ang mahahalagang mga paksang kailangan pang gawan ng artikulo o pahina:

- AnakngAraw 15:49, 14 Disyembre 2011 (UTC)Reply

Mga kasalukuyang kaganapan

baguhin

Kailangan ng mga bagong balitang pandaigdigan sa Unang Pahina. Salamat. - AnakngAraw 16:41, 14 Disyembre 2011 (UTC)Reply

Hahanap ako ng panahon para rito. Nagkataong naging abala lang ako sa aking trabaho kaya hindi ko na rin maisapanahon ang mga Kasalukuyang Pangyayari. Sana'y magawa ko sa mga susunod na mga araw at mas mabuti rin sana kung may iba pa ring makakatulong. Lalo pa't wala akong Internet sa bakasyon. -Nickrds09 (Pahina ng Usapan) 06:07, 16 Disyembre 2011 (UTC)Reply

Announcing Wikipedia 1.19 beta

baguhin

Wikimedia Foundation is getting ready to push out 1.19 to all the WMF-hosted wikis. As we finish wrapping up our code review, you can test the new version right now on beta.wmflabs.org. For more information, please read the release notes or the start of the final announcement.

The following are the areas that you will probably be most interested in:

  • Faster loading of javascript files makes dependency tracking more important.
  • New common*.css files usable by skins instead of having to copy piles of generic styles from MonoBook or Vector's css.
  • The default user signature now contains a talk link in addition to the user link.
  • Searching blocked usernames in block log is now clearer.
  • Better timezone recognition in user preferences.
  • Improved diff readability for colorblind people.
  • The interwiki links table can now be accessed also when the interwiki cache is used (used in the API and the Interwiki extension).
  • More gender support (for instance in logs and user lists).
  • Language converter improved, e.g. it now works depending on the page content language.
  • Time and number-formatting magic words also now depend on the page content language.
  • Bidirectional support further improved after 1.18.

Report any problems on the labs beta wiki and we'll work to address them before they software is released to the production wikis.

Note that this cluster does have SUL but it is not integrated with SUL in production, so you'll need to create another account. You should avoid using the same password as you use here. — Global message delivery 16:37, 15 Enero 2012 (UTC)

Wikipedia:Komentaryo/SOPA

baguhin

Hinihikayat ko po ang buong pamanayan ng Wikipediang Tagalog na makilahok sa talakayang ito. Maraming salamat po. --Sky Harbor (usapan) 01:01, 17 Enero 2012 (UTC)Reply

Kung sakaling mapagpasyahan nating gawin ito, nais kong imungkahi ang pagpapahiwating ng ating protesta sa pamamagitan ng isang bandera. - Alternativity 00:07, 18 Enero 2012 (UTC)Reply
Maaaring maglagay tayo ng bandera kung sasang-ayon ang pamayanan. May gusto rin bang sumulat ng artikulo tungkol sa SOPA? --Sky Harbor (usapan) 07:55, 18 Enero 2012 (UTC)Reply

Tariktik

baguhin

Napansin kong ang "Tariktik" ay nakatala dito sa tl.wikipedia sa ilalim ng artikulong Dryocopus martius. Siguro nga'y ginagamit ang ngalang ito para sa "ibong karpintero". Ngunit nais kong liwanagin ang paggamit din ng ngalang ito para sa Penelopides panini, na sa ingles ay tinatawag na "Tarictic Hornbill". Sa aking pagkakaalam, ang paggamit ng katagang "Tarictic" para sa ibong ito ay nagmula sa pagngangalan ng ibong ito bilang "tariktik" sa wikang Tagalog. Ako ngyayo'y lubos na naguguluhan, bagamat alam kong ang ngalan ng isang ibon sa isang bayan o lugar ay maaaring ipangalan naman ng mga mamamayan ng ibang bayan sa ibang ibon. Ano ba'ng magagawa natin tungkol dito? Salamat! - Alternativity 22:55, 17 Enero 2012 (UTC)

Ang Tariktik (Tarictic Hornbill) ay dapat Penelopides panini. --Scorpion prinz 02:30, 18 Enero 2012 (UTC)Reply
Sa tingin ko wala tayong lokal na pangalan sa Dryocopus martius, dahil wala nito sa atin? Ang alam ko Philippine pygmy woodpecker o karpinterong-maliit ay Tatalilik.--Scorpion prinz 02:36, 18 Enero 2012 (UTC)Reply
Gumawa na ako ng panibagong artikulo, tungkol sa Tariktik --Scorpion prinz 08:53, 19 Enero 2012 (UTC)Reply
Akin namang tinanggal ang katagang "o tariktik" mula sa pahina ng Dryocopus martius. - Alternativity 12:24, 19 Enero 2012 (UTC)Reply

"Isang uring "Kalaw"

baguhin

Nais ko po sanang humingi ng inyong mungkahi tungkol sa katagang "isang uring kalaw" sa Tariktik. Medyo naaalangan kasi akong gamitin ng pangalang "kalaw" para sa lahat ng uri ng ibon sa pamilyang Bucerotidae, sapagkat sa pangkaraniwang gamit ng ngalang Kalaw ay talagang para sa Buceros hydrocorax. Maaari ding ipangalan natin ang Kalaw sa buong saring Buceros - tutal, wala naman sa Pilipinas ang dalawa pang uri (B. rhinoceros at B. bicornis), at kahit sinong ating tanungi'y tatawagin rin itong "kalaw." Ngunit sa tagalog kasi ay may ibang pangalan ang mga ibon kapamilya nito - Tariktik (Penelopides panini lamang ba, o saring Penelopides?), Talusi (Anthracoceros marchei lamang, o buong saring Anthracoceros?), atbp. Sa kaso ng aking nilikhang artikulong kalaw, palagay ko'y wastong dumiretso ang pangalang "kalaw" sa Buceros hydrocorax, at magkaroon ng paglilinaw sa taas ng artikulo na maaari ding ituring na "kalaw" ang mga kasari nito sa Buceros. Dapat ko pa bang linawin na pamilyang Bucerotidae? iniisip ko din kung dapat bang sabihin na ang Tariktik "ay isang uri ng ibon sa saring Penelopides, na siya namang kapamilya ng mga Kalaw (Buceros)." Hehe, ansayasaya! :D - Alternativity 00:56, 20 Enero 2012 (UTC)Reply

Aba, ngayon ko lang naisip, hindi din nga pala ako marunong gumawa ng paglilinaw sa taas ng artikulo ("tophat"?) dito. :D hahaha. Saan po ba puwedeng matuto? Pasensya na po, baguhan eh. :D - Alternativity 01:03, 20 Enero 2012 (UTC)Reply
Para sa akin, hindi akmang tukuyin ang "species" na "uri", dahil hindi nito sinasalamin ang siyentipikong konsepto ng isang "species". Maaaring ito ang katumbas sa pagsalin-wika, ngunit sa pagpapakahulugan, parang sablay ito. At tila, pinapaliit natin ang kakayahan ng Tagalog/Filipino na magkaroon ng angkop na salita sa isang bagay. --Scorpion prinz 05:36, 21 Enero 2012 (UTC)Reply
Gayunpaman, umiiral ang konteksto. Sa akin, malinaw na ang "uri" ay maaaring tumukoy sa isang species, o sa isang type ng bagay, atbp, at siguro naman naiintindihan iyan ng mga mambabasa. Haka-haka lang mismo ang pag-iisip na "sablay" ang pagpapakahulugan ng species bilang "uri" sa diksiyonaryo, kung malinaw na iyan ang salin ng species sa Tagalog. --Sky Harbor (usapan) 12:14, 21 Enero 2012 (UTC)Reply
Sa salin oo, pero sa kahulugan hindi. Nawawala yung pantangi sa isang siyentipikong konteksto ng isang uri. Kaya sa aking palagay ay hindi akma. Parang sinabi ang brandy, scotch, wine atbp ay lahat "alak" lang sa Tagalog/Filipino, di nito matukoy ng wasto, kung ano ang pagkakaiba nila, ngunit may pagtukoy tayo sa katutubong lambanog, basi, atbp. Dahil may mga lathalaing Tagalog/Filipino sa paksa ng "species" itong salitang ito mismo ang gamit nila. Kung haka-haka bakit matatagpuan ang "species" sa mayayabong na mga diksiyonaryo at mga lathalain sa wika natin? --Scorpion prinz 12:45, 21 Enero 2012 (UTC)Reply
Umaayon ako na ang species ay hindi dapat na isalin na uri dahil ang uri ay isang malawak na salitang maaaring tumukoy sa iba`t ibang klasipikasyon sa mga hayop.Aghamsatagalog2011 20:07, 21 Enero 2012 (UTC)Reply
Pakibasa ang WP:TAKSONOMIYA para sa mga salin sa Tagalog ng mga klasipikasyong taksonomikal. --Sky Harbor (usapan) 11:36, 22 Enero 2012 (UTC)Reply
Kung gagamitin lang batayan ang isang diksiyonaryong tagalog na inimbento ng isang tao, magbibigay ito ng maling impresyon na ito ay may "tiyak" na salin at ang "tiyak" na kahulugan nito ay uri pero ayon dito http://en.wikipedia.org/wiki/Species#Difficulty_of_defining_.22species.22_and_identifying_particular_species, kahit mismong sa mga biologo ay pinagdedebatehan pa rin ang "tiyak" na kahulugan ng species, kaya para hindi magbigay ng maling impresyon sa mga mambabasa dito, mas mabuting panatalihin na lang ang species sa ingles.Aghamsatagalog2011 16:31, 22 Enero 2012 (UTC)Reply
Sa pagbabasa ng kaunti, sadyang walang tumbas sa siyentipikong pagpapakahulugan ng "species" sa wika natin, gaya rin ng "phylum" at "genus", maliban kung may sipiang makapagsasabi na may katumbas ito sa wika natin at pareho ang kahulugan nito sa Tagalog/Filipino at pinagmulang Ingles. At kung ang species nga ay "uri" bakit ang order ay hindi "kaayusan" sa halip na "orden". --Scorpion prinz 12:15, 22 Enero 2012 (UTC)Reply

(indent) mas maayos siguro kung mag dab na lang sa kalaw. --Lenticel (usapan) 03:04, 24 Enero 2012 (UTC)Reply

Magbigay po kayo ng isang dokumento na verifiable at galing sa isang authority sa siyensya na dapat Ingles na taksonomikal na termino na gagamitin natin kung ang wika ay Tagalog. Medyo sabaw po kung gagamitin natin ay pakiramdam lamang. Nakakapagtataka kasi dahil di niyo pinapansin ang isang verifiable na sanggunian ngunit ayos lang sa inyo gamitin ang inyong sari-sariling palagay. Ang siyensya po ay nagtatalakay gamit ang mga sanggunian hindi sa palagay. --Lenticel (usapan) 03:19, 24 Enero 2012 (UTC)Reply
May bago akong sinimulang talakayan sa http://tl.wikipedia.org/wiki/Usapan:Uri para sa karagdagang argumento laban sa pagsasalin ng uri para sa speciesAghamsatagalog2011 05:03, 24 Enero 2012 (UTC)Reply

Mga artikulong dapat pang pagyamanin

baguhin

Itinatala ko rito ang mga artikulo - na dahil sa kanilang pagiging vital ay kailangan talagang dagdagan o pahabain pa ng pamayanang ito. Kailangan ang tulong ng lahat. Salamat. Manaka-nakang magdaragdag ako ng iba pa. - AnakngAraw 02:55, 21 Enero 2012 (UTC)Reply

Itinatala ko ang mga nasa itaas dahil ito ang mga paksang salat sa mga nilalaman. - AnakngAraw 02:46, 22 Enero 2012 (UTC)Reply

Sa Burukrato

baguhin

May nakabinbin akong request upang mabago ang aking pangalang gamit.--Scorpion prinz 01:59, 26 Enero 2012 (UTC)Reply

Malawakang Pakakategorya - Hiling sa paggawa/gamit ng Bot

baguhin

Maaari ba tayong humiling ng bot na mag-tatag ng mga artikulong walang kategorya? --Lenticel (usapan) 01:13, 27 Enero 2012 (UTC)Reply

Mungkahi sa Pagsasaayos ng Gabay sa Istilo para sa Taksonomiya

baguhin

Maaari ko ba kayong anyayahan sa usapan sa pagbabago ng gabay sa Istilo sa Taksonomiya dito? Salamat po.--Lenticel (usapan) 09:49, 27 Enero 2012 (UTC)Reply

Wikipedia:Gabay sa abakada at pagbabaybay

baguhin

Kailangan bang balik-tanawin ng pamayanan ang Wikipedia:Gabay sa abakada at pagbabaybay dahil sa naganap na usapan sa Usapan:Agham na porensiko, kaugnay ng paggamit ng p o kaya f para sa salitang porensiko. Ano ang palagay ng pamayanan? - AnakngAraw 02:00, 29 Enero 2012 (UTC)Reply

Kaugnay rin ang Wikipedia:Pamantayang pangwika. - AnakngAraw 02:03, 29 Enero 2012 (UTC)Reply

MediaWiki 1.19

baguhin

(Apologies if this message isn't in your language.) The Wikimedia Foundation is planning to upgrade MediaWiki (the software powering this wiki) to its latest version this month. You can help to test it before it is enabled, to avoid disruption and breakage. More information is available in the full announcement. Thank you for your understanding.

Guillaume Paumier, via the Global message delivery system (wrong page? You can fix it.). 15:21, 12 Pebrero 2012 (UTC)Reply

Language support group for Tagalog

baguhin

The Wikimedia Foundation has brought together a new team of developers who are dedicated to language support. This team is to support all the languages and consequently it is not realistic to expect that the team members can provide proper support for your language. It is for this reason that we are looking for volunteers who will make up a language support team.

This language support team will be asked to provide us with information about their language. Such information may need to be provided either to us or on a website that we will indicate to you. Another activity will be to test software that will likely have an effect on the running of the MediaWiki software. We are looking for people who clearly identify their ability. Formal knowledge is definitely appreciated.

As much of the activity will be concentrated on translatewiki.net, it will be a plus when team members know how to localise at translatewiki.net.
Thanks, Gmeijssen 07:53, 15 Pebrero 2012 (UTC)Reply

Jeric Ayuste

baguhin

Pasilip naman po nitong artikulong ito. Mukhang webhost style eh. Wala po akong makitang sanggunian sa Google.--Lenticel (usapan) 01:10, 22 Pebrero 2012 (UTC)Reply

Una, pinirmahan niya ang artikulo. Pangalawa, nakasulat ang artikulo sa Ingles. Medyo nakakaduda ito, pero kung talagang walang sanggunian, maaari itong inomina para sa AfD. (Gayunpaman, nagmula raw ito mula sa espasyong tagagamit, kaya maaaring ibalik ito roon.) --Sky Harbor (usapan) 20:35, 22 Pebrero 2012 (UTC)Reply
Di na ako naniniwala sa WP:BURA. :/ Mas mabilis pa ang hukuman natin kesa doon--Lenticel (usapan) 01:42, 23 Pebrero 2012 (UTC)Reply
Paumanhin, pero magkatulad lamang ang sitwasyon nila. May kakulangan ng tao, kaya mabagal ang katarungan. Gayundin dito sa Wikipedia. :P --Sky Harbor (usapan) 11:41, 23 Pebrero 2012 (UTC)Reply
Kelangan talaga natin ng recruitment drive. Ano sa palagay mo? --Lenticel (usapan) 00:34, 24 Pebrero 2012 (UTC)Reply
Hindi ba iyan bahagi ng tungkulin ng Wikimedia Pilipinas? ;) --Sky Harbor (usapan) 08:16, 28 Pebrero 2012 (UTC)Reply
Tungkol diyan, inaayos ko pa ito. Kung may nais kayong mairagdag malaya kayong baguhin ito. -- Namayan 10:30, 28 Pebrero 2012 (UTC)Reply
(indent) Nakakatuwa naman ang paglaki ng Wikimedia Philippines. Kung mayroon akong maitutulong ay wag kayong magatubiling mag PM sakin.--Lenticel (usapan) 00:17, 29 Pebrero 2012 (UTC)Reply
Higit na makakatulong kung makakadalo ka. -- Namayan 03:08, 29 Pebrero 2012 (UTC)Reply

Pahinang naliligaw

baguhin

Sa mga nakikibahagi sa pahinang ito, mangyaring pakilipat po lamang sa dapat na tamang kalagyan ang pahinang ito bilang "usapan" tulad ng nakapamagat. Hindi po dapat ito nabibilang sa talaang pahina ng mga "proyeto".

Magandang Araw po.

Mabuhay!

120.28.126.131 07:19, 1 Marso 2012 (UTC)Reply

Pagkatapos ng masinsinang pag-aaral, nalaman ng mga kinauukulan na hindi kapaki-pakinabang sa parte ng bangko kaya minabuti ng bangko na kausapin ang taong nakabili nito. Pinakiusapan at ipinaliwanag na mabuti ang epekto nito sa bangko.

Graciano Lopez Vagina TYPO

baguhin

Hi.. I just noticed that on this article: http://tl.wikipedia.org/wiki/Melchora_Aquino

At the bottom of this article is a table of the heroes who participated in the Himagsikang Pilipino.. Under the "Natatanging Mamamayan", the name of Graciano Lopez-Jaena was written as Graciano Lopez VAGINA. Pls. correct that whoever can do so, as if it's not causing shame, it's not giving due honor to one of our heroes. :D

Naisaayos na po ang bandalismo. Salamat sa inyong babala.--Lenticel (usapan) 06:54, 20 Marso 2012 (UTC)Reply

Paggamit ng Diyakritiko o mga pangtanging marka

baguhin

Sa aking pagbabasa ng mga artikulo at mga sulating Pilipino na mula sa dating dekada (1970s paatras), napansin ko ang paggamit ng mga diakritiko upang makilala ang kaibhan ng pagbigkas. Halimbawa: Hulî (last) at huli (catch [fish catch])/ nahulî at nahuli... tulad din ng punô (full) at puno (tree). Para sa akin, malaking tulong ito sa pagalam ng kahulugan ng salita lalo na sa mga pangungusap na ambigous. Hindi naman siguro kailangan lahát ng salita kailangan lagyan ng diakritiko kungdi yun lamang may ambigous na meaning tulad ng mga halimbawang aking ibinigay. Ganito rin ang istilong ginagamit ng Virgilio S. Almario sa kanyang mga sulat pati sa kanyang pagsasalin ng Noli at Fili ni Dr. José Rizal. Ano rekomendasyón niyo ukol rito? Estudyante (usapan) (mga ginawa) 04:14, 14 Abril 2012 (UTC)Reply

Hindi iyan ginagamit dito sa Tagalog wiki. Pasensiya na. - AnakngAraw (talk) 04:25, 14 Abril 2012 (UTC)Reply
Hindi ba tayo bukas para sa posibilidad. Unang una, pwedeng magkaroon ng misinterpretations sa pagsasalin-wika kapag ambigous ang pangungusap. Halimbawa:
Tagalog: Ang puno ay puno ng mansanas.
Ingles: The tree is an apple tree. OR The tree is full of apples.
Tagalog with Diacritics: Ang puno ay punô ng mansanas. - would yield The tree is full of apples. Estudyante (usapan) (mga ginawa) 03:41, 16 Abril 2012 (UTC)Reply
Mukhang may punto po kayo dahil mas magiging malinaw ang ibang mga pangungusap dahil dito. May mungkahi lang ako:
  1. dapat siguro may "Help" o kaya "FAQ" section tayo tungkol dito. Dapat may sariling Manual of Style para sa diyakritiko na may pinagbabasehan na mga libro tungkol sa Filipino grammar. Di po ako magaling sa grammar ng Tagalog kaya dapat may eksperto na kausapin tungkol dito.
  2. Issue din na hindi makikita ang mga diyakritikong ito sa normal na keyboard. Medyo marami-rami ring cut and paste na kailangang gawin sa mga sitwasyong gagamitin ang mga diyakritiko. Pwedeng i-insert ang mga simbolo sa Ingles na wikipedia subalit di kayang gawin sa Tl wiki.
  3. Palagay ko ay di lahat ng tl wiki na users ay pamilyar sa paggamit ng mga diyakritiko. Kasama na ako doon :)

--Lenticel (usapan) 07:28, 23 Abril 2012 (UTC)Reply

anung uring sakit pag may lumabas na nana sa ari ng lalaki?

baguhin

anung uring sakit pag may lumabas na nana sa ari ng lalaki?

ang wikipedia po ay ensiklopedya.. hindi po ito ang wiki-answers 180.191.57.172 13:12, 30 Abril 2012 (UTC)Reply

translation

baguhin

Hello. I'm sorry I can't speak Tagalog. Can someone help us with a Tagalog translation at http://en.wikipedia.org/wiki/Wikipedia:Reference_desk/Language#Language_poster / http://en.wikipedia.org/wiki/Wikipedia:Reference_desk/Language#poster.2Ftl Many thanks 184.147.123.69 14:53, 1 Mayo 2012 (UTC)Reply

Opinyon

baguhin

Magandang araw po sa lahat ng mga Wikipedyan dito sa Wikipedyang Tagalog. May nais lamang akong isangguni sa iyong lahat. Napapansin ko po nung mga nakaraang araw na kakaunti na naman ang mga nag-aambag dito sa ating pamayanan. May iba kasi tayong mga proyekto na hindi na medyo natin natutungunan o naipagpapatuloy ng maayos. Halimbawa na lamang ang Sa araw na ito..., minsan po ay nawawala na lamang ito sa ibaba ng Unang Pahina.

Hinihiling ko lamang po na sana ay maisaayos pa natin ang wikipedyang ito. Ikinatutuwa ko ang mga pagdaragdag ng mga bagong artikulo na may kaugnayan sa Agham at Matematika. Sana po ay mapagpatuloy natin ang mga nasimulan natin upang umunlad ang ating Wikipedyang Tagalog.

Maraming salamat po sa lahat. Mabuhay ang ating pamayanan! --Masahiro Naoi (talk) 12:03, 2 Mayo 2012 (UTC)Reply


Napansin ko naman na maraming mga pahina na walang mga pang-ugnay wika. Ito ang mga pinagkakaabalahan ko ngayon. Maraming salamat sa mga ambag mo dito sa Wikipedyang Tagalog. --Mananaliksik (talk) 15:10, 2 Mayo 2012 (UTC)Reply

Unang Pahina

baguhin

Nagkaroon dati ng mungkahi na painamin ang itsura ng ating Unang Pahina. Nakatanggap ako ng rekomendasyon sa aking pahina ng usapan. Maaari siguro nating simulan ang usapan hinggil dito upang mapabuti ang mungkahing makikita sa Tagagamit:Masahiro Naoi/Unang Pahina. - AnakngAraw (talk) 15:14, 6 Mayo 2012 (UTC)Reply

Samakatuwid, kailangan na natin talaga ng bagong disenyo para sa Unang Pahina, at maganda ito. Gayunpaman, medyo hindi ko gusto ang kulay ng luntiang ginagamit ng mungkahi: masyado itong "maliwanag" kumpara sa ibang mga bahagi ng pahina. Maliban na sa iyon, sang-ayon ako sa disenyong ito. --Sky Harbor (usapan) 19:45, 6 Mayo 2012 (UTC)Reply
Magandang araw po inyong lahat, ikinatutuwa ko po ang maganda niyong reaksyon ukol sa aking mungkahing baguhin ang ating Unang Pahina. Batay sa komento ni kuya Sky Harbor, maaari namang baguhin ang mga kulay sa aking ginawa. Muli, maraming salamat po at mabuhay ang Tagalog Wikipedia! --Masahiro Naoi Usapan 07:50, 7 Mayo 2012 (UTC)Reply
Sang-ayon din ako sa mungkahing baguhin ang Unang Pahina upang mas maging kaakit akit ito sa mga mambabasa, at madagdagan ang may mga interes sa paglinang ng Wikipedyang Tagalog. --Mananaliksik (talk) 19:38, 8 Mayo 2012 (UTC)Reply
Maaari bang makakalipat tayo sa bagong anyo ng Unang Pahina bago sumapit ang simula ng pasukan sa Hunyo? --Sky Harbor (usapan) 10:41, 12 Mayo 2012 (UTC)Reply
Pakibago na ang mga kulay. Maaari sigurong batay muna sa orihinal na mga kulay ng nasa magiging lumang Unang Pahina. Pakisubukan nga Masahiro Naoi. - AnakngAraw (talk) 01:44, 15 Mayo 2012 (UTC)Reply
Magandang araw po Kuya AnakngAraw, nagawa ko na po, sabihin niyo na lang po kung may aayusin pa o may dagdag na mungkahi, Salamat po!!! --Masahiro Naoi (Usapan) 10:17, 15 Mayo 2012 (UTC)Reply
Ate po si AnakngAraw. ;)
Masyadong "dilaw" naman ngayon ang Unang Pahina. Mas maganda iyong dating eskema ng pagkakulay kaysa sa kasalukuyang ayos, maliban na sa luntian na aking pinagreklamuhan kamakailan lang. --Sky Harbor (usapan) 10:34, 15 Mayo 2012 (UTC)Reply
Humihingi po ako ng paumanhi kay Ate AnakngAraw, pasensya na po, hindi ko po kasi alam e. Kuya SkyHarbor, naayos ko na po. --Masahiro Naoi (Usapan) 11:35, 15 Mayo 2012 (UTC)Reply
Maaari na sigurong itanghal ang bagong Unang Pahina sa Unang Pahina. Babaguhin na lamang ang ilan aspeto nito kung kailangan. - AnakngAraw (talk) 19:09, 20 Mayo 2012 (UTC)Reply
Kailangan ang atensiyon nina Sky Harbor at Bluemask. Salamat. - AnakngAraw (talk) 01:25, 30 Mayo 2012 (UTC)Reply
Hindi ko po ito maaayos sa 1 Hunyo, ngunit baka maaaring gawin ito ni Bluemask. --Sky Harbor (usapan) 08:11, 31 Mayo 2012 (UTC)Reply

 Y Tapos na. --bluemask (talk) 06:43, 2 Hunyo 2012 (UTC)Reply

Magandang Araw po, kuya Bluemask, kailangan pa pong dagdagan ng mga interwiki ang Unang Pahina. Salamat po! --Masahiro Naoi (Usapan) 08:16, 2 Hunyo 2012 (UTC)Reply

Magandang araw po sa laht, hinihiling ko po sa lahat ang inyong tulong ukol sa kung anong magandang gamiting font sa ating Unang Pahina. Maraming salamat po!!! --Masahiro Naoi (Usapan) 02:46, 4 Hunyo 2012 (UTC)Reply

Pakisubukan ang Arial. - AnakngAraw (talk) 02:49, 4 Hunyo 2012 (UTC)Reply
Dapat na kulay madilim na bughaw din yung kuwit sa hulihan ng "Maligayang pagdating sa Wikipedia,". Pakiayos. Salamat. AnakngAraw (makipag-usap) 02:39, 22 Hunyo 2012 (UTC)Reply
Magandang araw po, ate, naayos ko na po ang kulay ng kuwit sa arkibo. Paki-tignan na lamang po kung ok na po iyon. Salamat po!!! --雅博直井(会話) 06:10, 23 Hunyo 2012 (UTC)Reply

2012 Philippine WikiConference

baguhin

Wikipedians in the Philippines are invited to attend the 2012 Philippine WikiConference to be held on May 26, 2012 8:30am at Co.lab Xchange in #3 Brixton Street, Brgy. Kapitolyo, Pasig City. This will be held in conjunction with the 3rd Annual General Meeting of Wikimedia Philippines which follows the conference at 3:00PM. Registration is free, Please sign-up here.

We may provide participation (fare) coverage to Wikipedians who have made significant contributions to Wikipedia especially the Philippine language Wikipedias (Tagalog, Cebuano, Waray-Waray, Ilocano, Central Bicolano, Kapampangan, Pangasinan and Chavacano including Hiligaynon which is in the Incubator)-- Namayan (talk) 04:21, 17 May 2012 (UTC)

Kapihan

baguhin

Magandang araw po sa inyong lahat. Nais ko lamang pong imunkahi ang isang disenyo ng ating Kapihan na makikita dito, Tagagamit:Masahiro Naoi/Kapihan. Salamat po!!!--Masahiro Naoi (Usapan) 14:54, 30 Mayo 2012 (UTC)Reply

Maaari rin bang gawin din ang puntahan ng pamayanan (community portal) ng bagong pahina? --Sky Harbor (usapan) 08:12, 31 Mayo 2012 (UTC)Reply
Maari bang ibang font na lang ang gamitin sa halip na Comic Sans? --bluemask (talk) 06:47, 2 Hunyo 2012 (UTC)Reply

Update on IPv6

baguhin
 

(Apologies if this message isn't in your language. Please consider translating it, as well as the full version of this announcement on Meta)

The Wikimedia Foundation is planning to do limited testing of IPv6 on June 2-3. If there are not too many problems, we may fully enable IPv6 on World IPv6 day (June 6), and keep it enabled.

What this means for your project:

  • At least on June 2-3, 2012, you may see a small number of edits from IPv6 addresses, which are in the form "2001:0db8:85a3:0000:0000:8a2e:0370:7334". See e.g. w:en:IPv6 address. These addresses should behave like any other IP address: You can leave messages on their talk pages; you can track their contributions; you can block them. (See the full version of this announcement for notes on range blocks.)
  • In the mid term, some user scripts and tools will need to be adapted for IPv6.
  • We suspect that IPv6 usage is going to be very low initially, meaning that abuse should be manageable, and we will assist in the monitoring of the situation.

Read the full version of this announcement on how to test the behavior of IPv6 with various tools and how to leave bug reports, and to find a fuller analysis of the implications of the IPv6 migration.

--Erik Möller, VP of Engineering and Product Development, Wikimedia Foundation 01:27, 2 Hunyo 2012 (UTC)Reply

Distributed via Global message delivery. (Wrong page? Fix here.)

Suleras:Navbox

baguhin

Magandang araw po inyong lahat. Nais ko lamang po ipabago ang Suleras:Navbox dahil may ilang bahagi ito na hindi tumutugma sa Ingles na suleras Template:Navbox. Napansin ko lamang po na kapag nabago ang suleras na ito, maaring magbago ang kalagayan ng suleras na tio na nakadepende sa suleras na ito, hal. Suleras:Tokyo transit. Salamat po!!!!--Masahiro Naoi (Usapan) 12:30, 4 Hunyo 2012 (UTC)Reply

2011 Picture of the Year competition

baguhin

македонскиnorskpolski

Dear Wikimedians,

Wikimedia Commons is happy to announce that the 2011 Picture of the Year competition is now open. We are interested in your opinion as to which images qualify to be the Picture of the Year 2011. Any user registered at Commons or a Wikimedia wiki SUL-related to Commons with more than 75 edits before 1 April 2012 (UTC) is welcome to vote and, of course everyone is welcome to view!

Detailed information about the contest can be found at the introductory page.

About 600 of the best of Wikimedia Common's photos, animations, movies and graphics were chosen –by the international Wikimedia Commons community– out of 12 million files during 2011 and are now called Featured Pictures.

From professional animal and plant shots to breathtaking panoramas and skylines, restorations of historically relevant images, images portraying the world's best architecture, maps, emblems, diagrams created with the most modern technology, and impressive human portraits, Commons Features Pictures of all flavors.

For your convenience, we have sorted the images into topic categories.

We regret that you receive this message in English; we intended to use banners to notify you in your native language but there was both, human and technical resistance.

See you on Commons! --Picture of the Year 2011 Committee 18:42, 5 Hunyo 2012 (UTC)

Distributed via Global message delivery. (Wrong page? Fix here.)

Kolaborasyon

baguhin

Magandang araw po sa lahat, nais ko lamang pong idulog sa lahat ng mga nag-aambag sa Tagalog Wikipedia kung maaari ba tayong magkaroon ng isang kolaborasyon ukol sa pagpapataas ng kalidad ng isang artikulo. Sa tingin ko po, makakatulong po ang kolaborasyong ito sa pagbibigay ng malawak at komprehensibong impormasyon sa mga Pilipino. Ano po sa tingin niyo? Salamat po sa lahat!!! --雅博直井(会話) 01:30, 15 Hulyo 2012 (UTC)Reply

Anong uri ng kolaborasyon ang nais mong imungkahi? --Sky Harbor (usapan) 03:22, 20 Hulyo 2012 (UTC)Reply
Halimbawa po, sa loob ng apat na araw, may isang artikulo tayong pagkakasunduang pahabain at pataasin ang kalidad nito. Sa tulong nito, mas mapapataas natin ang mga kalidad ng artikulo ng tulong-tulong. --雅博直井(会話) 09:44, 20 Hulyo 2012 (UTC)Reply

Help decide about more than $10 million of Wikimedia donations in the coming year

baguhin
 

(Apologies if this message isn't in your language. Please consider translating it)

Hi,

As many of you are aware, the Wikimedia Board of Trustees recently initiated important changes in the way that money is being distributed within the Wikimedia movement. As part of this, a new community-led "Funds Dissemination Committee" (FDC) is currently being set up. Already in 2012-13, its recommendations will guide the decisions about the distribution of over 10 million US dollars among the Foundation, chapters and other eligible entities.

Now, seven capable, knowledgeable and trustworthy community members are sought to volunteer on the initial Funds Dissemination Committee. It is expected to take up its work in September. In addition, a community member is sought to be the Ombudsperson for the FDC process. If you are interested in joining the committee, read the call for volunteers. Nominations are planned to close on August 15.

--Anasuya Sengupta, Director of Global Learning and Grantmaking, Wikimedia Foundation 20:27, 19 Hulyo 2012 (UTC)Reply

Distributed via Global message delivery. (Wrong page? Fix here.)

More opportunities for you to access free research databases

baguhin

The quest to get editors free access to the sources they need is gaining momentum.

  • Credo Reference provides full-text online versions of nearly 1200 published reference works from more than 70 publishers in every major subject, including general and subject dictionaries and encyclopedias. There are 125 full Credo 350 accounts available, with access even to 100 more references works than in Credo's original donation. All you need is a 1-year old account with 1000 edits. Sign up here.
  • HighBeam Research has access to over 80 million articles from 6,500 publications including newspapers, magazines, academic journals, newswires, trade magazines and encyclopedias. Thousands of new articles are added daily, and archives date back over 25 years covering a wide range of subjects and industries. There are 250 full access 1-year accounts available. All you need is a 1-year old account with 1000 edits. Sign up here.
  • Questia is an online research library for books and journal articles focusing on the humanities and social sciences. Questia has curated titles from over 300 trusted publishers including 77,000 full-text books and 4 million journal, magazine, and newspaper articles, as well as encyclopedia entries. There will soon be 1000 full access 1-year accounts available. All you need is a 1-year old account with 1000 edits. Sign up here.

You might also be interested in the idea to create a central Wikipedia Library where approved editors would have access to all participating resource donors. Add your feedback to the Community Fellowship proposal. Apologies for the English message (translate here). Go sign up :) --Ocaasi (talk) 02:25, 16 Agosto 2012 (UTC)

Removed Post

baguhin

I don't know why my post entitled DAMLAY was removed? In fact I am the real author of the content and owner of the site

http://www.damlay.org/

I am the owner and site administrator of the above mentioned site... thanks

Wikipedia prohibits the use of copyrighted material, as it is not allowed under the terms of use. Technically, while you may be the web administrator of your organization's website, it is still copyrighted and Wikipedia cannot store that information verbatim, as the licenses Wikipedia uses allow for commercial use. However, please feel free to rewrite the article, but keep in mind the use of reliable sources. Thanks. --Sky Harbor (usapan) 10:14, 16 Agosto 2012 (UTC)Reply

Ano po sa Muslim ang "Saan ka pupunta?"

languages

baguhin
magandang umaga

talata na naglalarawan sa mga ita.

baguhin
 

I apologize for addressing you in English. I would be grateful if you could translate this message into your language.

The Wikimedia Foundation is conducting a request for comment on a proposed program that could provide legal assistance to users in specific support roles who are named in a legal complaint as a defendant because of those roles. We wanted to be sure that your community was aware of this discussion and would have a chance to participate in that discussion.

If this page is not the best place to publicize this request for comment, please help spread the word to those who may be interested in participating. (If you'd like to help translating the "request for comment", program policy or other pages into your language and don't know how the translation system works, please come by my user talk page at m:User talk:Mdennis (WMF). I'll be happy to assist or to connect you with a volunteer who can assist.)

Thank you! --Mdennis (WMF)02:15, 6 Setyembre 2012 (UTC)Reply

Distributed via Global message delivery. (Wrong page? Fix here.)

Wikidata is getting close to a first roll-out

baguhin
 

(Apologies if this message isn't in your language.)

As some of you might already have heard Wikimedia Deutschland is working on a new Wikimedia project. It is called m:Wikidata. The goal of Wikidata is to become a central data repository for the Wikipedias, its sister projects and the world. In the future it will hold data like the number of inhabitants of a country, the date of birth of a famous person or the length of a river. These can then be used in all Wikimedia projects and outside of them.

The project is divided into three phases and "we are getting close to roll-out the first phase". The phases are:

  1. language links in the Wikipedias (making it possible to store the links between the language editions of an article just once in Wikidata instead of in each linked article)
  2. infoboxes (making it possible to store the data that is currently in infoboxes in one central place and share the data)
  3. lists (making it possible to create lists and similar things based on queries to Wikidata so they update automatically when new data is added or modified)

It'd be great if you could join us, test the demo version, provide feedback and take part in the development of Wikidata. You can find all the relevant information including an FAQ and sign-up links for our on-wiki newsletter on the Wikidata page on Meta.

For further discussions please use this talk page (if you are uncomfortable writing in English you can also write in your native language there) or point me to the place where your discussion is happening so I can answer there.

--Lydia Pintscher 13:40, 10 Setyembre 2012 (UTC)Reply

Distributed via Global message delivery. (Wrong page? Fix here.)

Balita sa unang pahina

baguhin

Mukhang kailangan ng bagong mga balita sa Unang Pahina. Salamat. - AnakngAraw (makipag-usap) 00:34, 30 Setyembre 2012 (UTC)Reply

Magandang araw po ate. Naayos ko na po ang mga balita sa Unang Pahina. Maraming salamat po! --雅博直井(会話) 12:38, 2 Oktubre 2012 (UTC)Reply

Iminungkahing pagsansala (blackout) ng Wikipedia laban sa BR 10175

baguhin

Kasalukuyang may mungkahing sansalain ang Wikipediang Ingles laban sa Batas Republika Blg. 10175, o ang Cybercrime Prevention Act of 2012 (Batas sa Pagpapaiwas ng mga Siber-krimen ng 2012). Makikisali ba ang Wikipediang Tagalog dito? --Sky Harbor (usapan) 10:07, 3 Oktubre 2012 (UTC)Reply

Magandang araw po. Sa tingin ko po, kailangan po nating sansalain ang Wikipediang Tagalog upang maiparating natin sa pamahalaan ang hinaing tungkol sa ilang probisyon ng batas. --雅博直井(会話) 15:32, 3 Oktubre 2012 (UTC)Reply
Sang-ayon. May ilang probisyon sa batas na kahalintulad sa en:SOPA at PIPA ng Estados Unidos ngunit sa kasamaang palad isinakatuparan ito ng sobrang bilis. Ang ilan sa mga probisyong nasasaad sa batas na ito ay nakakatakot at puwedeng abusuhin ng nasa kapangyarihan at dahil dito ito ay isang malaking banta sa kalayaan at maging sa existence ng Wikipedia sa bansa. Kailangan na malaman ng ating pamahalaan ang masamang maaaring idulot ng batas na ito, at nawa'y pakinggan nila ang taongbayan. Chitetskoy (makipag-usap) 17:34, 3 Oktubre 2012 (UTC)Reply
Maaari akong maglagay ng estandarte sa sitenotice para makakakuha pa ng atensiyon ang isyung ito. Sa kasalukuyan hindi pa desidido ang pamanayan ng Wikipediang Ingles kung tutuloy ba sila sa isang pagsasansala, ngunit kung tutuloy sila maaari tayong tumuloy rin kung sasang-ayon ang mga tagagamit dito. --Sky Harbor (usapan) 03:43, 4 Oktubre 2012 (UTC)Reply
PAGSASAPANAHON: Naghatol ang Korte Suprema ng pansamantalang pagpapaliban sa pagpapatupad ng batas. Maganda man ang balitang ito, dapat manatili tayong mapamatyag laban sa batas na ito at sa anuman pang panukalang batas na maaaring pagtalunan ng Kongreso. --Sky Harbor (usapan) 03:19, 10 Oktubre 2012 (UTC)Reply

Upcoming software changes - please report any problems

baguhin
 

(Apologies if this message isn't in your language. Please consider translating it)

All Wikimedia wikis - including this one - will soon be upgraded with new and possibly disruptive code. This process starts today and finishes on October 24 (see the upgrade schedule & code details).

Please watch for problems with:

  • revision diffs
  • templates
  • CSS and JavaScript pages (like user scripts)
  • bots
  • PDF export
  • images, video, and sound, especially scaling sizes
  • the CologneBlue skin

If you notice any problems, please report problems at our defect tracker site. You can test for possible problems at test2.wikipedia.org and mediawiki.org, which have already been updated.

Thanks! With your help we can find problems fast and get them fixed faster.

Sumana Harihareswara, Wikimedia Foundation Engineering Community Manager (talk) 03:15, 16 Oktubre 2012 (UTC)Reply

P.S.: For the regular, smaller MediaWiki updates every two weeks, please watch this schedule.

Distributed via Global message delivery. (Wrong page? Fix here.)

Fundraising localization: volunteers from outside the USA needed

baguhin

Please translate for your local community

Hello All,

The Wikimedia Foundation's Fundraising team have begun our 'User Experience' project, with the goal of understanding the donation experience in different countries outside the USA and enhancing the localization of our donation pages. I am searching for volunteers to spend 30 minutes on a Skype chat with me, reviewing their own country's donation pages. It will be done on a 'usability' format (I will ask you to read the text and go through the donation flow) and will be asking your feedback in the meanwhile.

The only pre-requisite is for the volunteer to actually live in the country and to have access to at least one donation method that we offer for that country (mainly credit/debit card, but also real-time banking like IDEAL, E-wallets, etc...) so we can do a live test and see if the donation goes through. All volunteers will be reimbursed of the donations that eventually succeed (and they will be low amounts, like 1-2 dollars)

By helping us you are actually helping thousands of people to support our mission of free knowledge across the world. Please sing up and help us with our 'User Experience' project! :) If you are interested (or know of anyone who could be) please email ppena@wikimedia.org. All countries needed (excepting USA)!

Thanks!
Pats Pena
Global Fundraising Operations Manager, Wikimedia Foundation

Sent using Global message delivery, 17:21, 17 Oktubre 2012 (UTC)

Napiling Artikulo (Tampok na Artikulo)

baguhin

Mukhang kailangan nang gumawa at humalal ng MGA bagong Napiling Artikulo. - AnakngAraw (makipag-usap) 03:11, 20 Oktubre 2012 (UTC)Reply

Kasalukuyang may mga bukas na nominasyon pa sa pahina. Kailangan lang pagbotohan at saraduhin. Maaari bang makatulong dito si Bluemask? --Sky Harbor (usapan) 04:24, 20 Oktubre 2012 (UTC)Reply

Nais ko lamang mag tanong kung ang wikipedia tagalog ay kasaluyan pa ring aktibo? Napansin ko na lamang ang seksyon ng "Mga kaganapan" ay hindi na nagbabagang balita.

Tagasalin

baguhin

Sa kinauukulan, Saan po makikita ang tagasalin. Salamat po. - tanong ni Tagagamit:120.28.136.165

( tama ba na may membership ang pagsali sa isang NGO non government organization)

baguhin

Hindi po bawal kung sa itatatag na organization ay magkaroon ng sweldo o kumisyon ang bawat member na may ipapasok na bagong member? may registration po kasi at dun kunin sa membership ng tao ang kumisyon o sweldo?

Wikidata is now open

baguhin

Greetings!

First I apologize for not posting this with your language. Just a reminder that Wikidata is now open. Check it out and see how you can contribute, set up pages for your language, and join the discussions that could eventually affect this wiki. Regards--Lam-ang (makipag-usap) 20:26, 6 Disyembre 2012 (UTC)Reply

Sino sila?

baguhin

Magandang araw po sa inyo,

Tanong ko lang po kung may tauhan ba ang BSP na nagngangalang Atty. Rex Mendez at Atty. Reynaldo B. Cayetano.Maraming salamat po.Sana po masagot agad ang aking katanungan.

Maraming salamat po.

Return to the project page "Kapihan/Sinupan 20".