2006 sa Pilipinas
Idedetalye ng 2006 sa Pilipinas ang mga mahahalagang kaganapan na nangyari sa Pilipinas noong taong 2006.
Mga Nanungkulan
baguhinKaganapan
baguhinEnero
baguhin- Enero 21 - Tinalo ng boksingerong si Manny Pacquiao si Erik Morales ng Mexico sa ika-sampung round sa pamamagitan ng technical knockout sa Thomas & Mack Center, Las Vegas, Estados Unidos.
- Enero 27 - Si Marine Captain Nicanor Faeldon, na nakatakas mula sa punong-himpilan ng Hukbong Katihan ng Pilipinas noong Disyembre 14, 2005, ay muling nahuli ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas (AFP).
Pebrero
baguhin- Pebrero 4 -- Naganap ang isang stampede sa PhilSports Complex, tinuguriang Wowowee stampede, na nagiging sanhi ng pagkamatay ng 74 katao.
- Pebrero 17—Pagguho ng putik sa Southern Leyte.
- Pebrero 22—Initaas bilang Kardinal ng Simbahang Romano Katoliko si Gaudencio Rosales, ang Arsobispo ng Maynila.
- Pebrero 24—Ipinahayag ang katayuan ng kagipitan bilang tugon sa mga bulung-bulungang kudeta.
Marso
baguhin- Marso 22—Tumayong bilang ika-79 na saksi ng depensa si dating Pangulong Joseph Estrada sa kanyang kasong kinahaharap na pandarambong.
- Marso 24 - Ang Arsobispo ng Maynila na si Gaudencio Rosales ay hinirang bilang Kardinal ni Papa Benedicto XVI sa isang seremonya sa Roma.
- Marso 28 --
- Pansamantalang pinatigil ng Court of Appeals ang pag-iimbistiga ng Kagawaran ng Katarungan sa stampede sa PhilSports Arena dahil sa di-umanong institusyunal na pagkiling laban sa ABS-CBN.
- Niyanig ng lindol ang Mindoro Occidental sa lakas na 5.1 sa Eskalang Richter.
Abril
baguhin- Abril 3 -- Sabi ni Resurreccion Borra ng Komisyon sa Halalan sa harap ng pandinig ng Senado ukol sa eskandalo ng "Hello Garci", nagkaroon daw ng dayaan noong pang-pangulong halalan ng 2004.
- Abril 4 -- Ayon sa Pambansang Tanggapan ng Estadistika, aabot daw sa 141.7 milyon ang populasyon ng Pilipinas sa pagdating ng taong 2040 na halos doble sa taong 2007.
- Abril 11—Binawi ng Malakanyang ang pagpapalabas ng anim na mga artista na magiging mga National Artist, kabilang dito ang yumaong aktor-direktor na si Fernando Poe, Jr.
- Abril 17—Ipinahayag ni Pangulong Arroyo na isusunod niya ang pag-endorso ng isang panukalang batas na ninanais na tanggalin ang parusang kamatayan, matapos niyang ipahayag na ibaba lahat ng nasintensiyahan ng kamatayan sa habang-buhay na pagkabilanggo.
- Abril 20—Idineklara ng Korte Suprema na ang isang bahagi ng Kautusang Tagapagpaganap Bilang 464 na labag sa konstitusyon, na nagbigay-daan para sa pagpapatuloy ng mga pagsisiyasat ng Kongreso.
Mayo
baguhin- Mayo 2 -- Hindi sinipot ng tatlong opisyal ng gabinete ni Pangulong Arroyo ang isang pandinig ng Senado na tila bagang paglabag sa kapasyahan ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas sa Kautusang Tagapagpaganap Bilang 464.
- Mayo 11 – Ang bagyong Caloy (pangalang pandaigdig: Typhoon Chanchu) ay tumama sa kalupaan ng Samar. Sa pananalanta nito sa Pilipinas, 41 katao ang namatay.[1]
- Mayo 12—Tinuligsa ni Gaudencio Kardinal Rosales, gayun din ng CBCP, ang mga nilalaman ng nobelang Da Vinci Code ni Dan Brown na ginawang pelikula.
- Mayo 13—Anim na katao ang namatay at lima ang inulat na nawawala nang tumaob ang isang bangka sa maalong dagat sa ibayong pulo ng Masbate.
- Mayo 15—Sang-ayon kay Senador Miriam Defensor-Santiago, makakatipid daw ang pamahalaan ng Pilipinas ng 5 bilyong piso kung aalisin ang Senado kapalit ang isa lamang kamara sa ilalim ng sistemang parliamentaryo.
- Mayo 18—Naabot ng namumundok na si Leo Oracion ang tuktok ng Bundok Everest sa pamamagitan ng bahaging Nepal. Nakarating din roon sina Erwin Emata at Romi Garduce.
- Mayo 24—Sa bisa ng Proklamasyon Blg. 1069, ipinahayag bilang National Artist (Pambansang Artista) si Fernando Poe, Jr. sa larangan ng pelikula sa kabila ng mga kontrobesiya sa kanyang nominasyon.
Hunyo
baguhin- Hunyo 2 -- Nagkita ang apat na marino ng Estados Unidos na nahaharap sa kasong panggagahasa sa Pilipinas at ang kanilang mga tagapag-akusa sa korte sa unang pagkakataon sa pormal na simula ng paglilitis sa kasong isinampa noong Disyembre 2005, na nag-ugat mula sa isang insidente sa isang bar sa Subic Bay.
- Hunyo 3
- Nagpahayag na hindi babayaran ng pamahalaan ng Pilipinas ang hinihinging pang-tubos para sa mga bihag na Pilipino sa bansang Somalia.
- Sa korte ng Lungsod ng Makati, nagpatuloy ang paglilitis sa kaso ng panggagahasa sa isang babae sa Subic laban sa mga suspek na marino ng Estados Unidos.
- Hunyo 6 -- Pinasyahan ng Kapulungan ng mga Kinatawan at Senado ang pagwawalang bisa sa parusang kamatayan.
- Hunyo 13—Sang-ayon sa Pambansang Lupon sa Ugnayang Pang-estadistika, ang Zamboanga del Norte ang pinakamahirap na lalawigan sa Pilipinas kasama ang pito pang lalawigan sa Mindanao. Matatagpuan naman sa Luzon ang 10 sa pinakahuli sa mga mahihirap.
- Hunyo 24—Nilagdaaan ni Pangulong Arroyo ang Batas Republika Blg. 9346 na nagpapawalang-bisa sa parusang kamatayan.
Agosto
baguhin- Agosto 11—Nangyari ang pagtagas ng langis sa dalampasigan ng Guimaras, na naging sanhi ng malaking pinsala sa kapaligiran.
Setyembre
baguhin- Setyembre 4 -- Tumangging makialam ang Komisyon sa Halalan sa petisyon na magkaroon ng isang plebisito para baguhin ang Saligang Batas ng Pilipinas.
- Setyembre 5
- Ipinasa ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas ang isang resolusyon na magbibigay daan para masusugan ang Saligang Batas ng Pilipinas sa pamamagitan ng isang constituent assembly.
- Naghanda ang Kagawaran ng Katarungan ng mga kasong kriminal laban sa may-ari at kapitan ng tanker na Solar I dahil sa pinakamalalang pagtagas ng langis sa karagatan malapit sa Guimaras.
- Muling nag-umpisa ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng Pilipinas at ng Moro Islamic Liberation Front sa Kuala Lumpur, Malaysia.
- Setyembre 6 -- Maaring mahirapang magbayad ang may-ari ng M/T Solar 1 sa mga naapektuhan ng pagtagas ng langis karagatang malapit sa Guimaras dahil sa hindi nila pagbayad ng seguro at pagtatalaga ng hindi lisensiyadong kapitan.
- Setyembre 7
- Sinabi ng pamahalaan ng Pilipinas na binuhay muli ang usapan upang mapaalis si Jose Maria Sison sa Netherlands.
- Sinabi ng mga eksperto na maaring patapos na ang pag-ugong ng Bulkang Mayon.
- Setyembre 8 -- Pagkatapos ng tatlong araw ng pag-uusap sa Kuala Lumpur,Malaysia, hindi nagkasundo ang mga kinatawan ng pamahalaan ng Pilipinas at ng separatistang Moro Islamic Liberation Front sa usapin hinggil sa lupain na dapat isama sa Autonomous Region in Muslim Mindanao.
- Setyembre 10—Pinirmahan ng Pilipinas at Hapon sa Finland ang Japan-Philippines Economic Partnership Agreement na nagpapatibay ng malayang kalakalan sa dalawang bansa.
- Setyembre 11
- Ibinaba ng mga bulkanolohista ang alerto sa Bulkang Mayon sa pangatlong antas mula sa pang-apat.
- Tinalo ni Efren Reyes si Rodney Morris at nanalo sa 8-Ball Open Championship ng Daigdig sa Reno, Nevada.
- Setyembre 12—Natapos ng isang board of marine inquiry ang imbestigasyon hinggil sa dahilan ng paglubog ng Solar 1 sa karagatang malapit sa Guimaras.
- Setyembre 26—Dininig ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas ang mga pangangatwiran ng mga partido na sumasang-ayon at tumututol sa pagsusog sa Saligang Batas.
- Setyembre 27 et. seq.—Pumasok sa Pilipinas ang Bagyong Milenyo (Xangsane). Sinuspinde ng pamahalaan ang klase sa lahat ng antas sa Kamaynilaan at karatig lugar. Tinamaan nito ang Luzon, Set. 28. Ayon sa Office of Civil Defense at iba pang sangay ng pamahalaan ng Pilipinas noong Okt. 3, umabot na sa 197 ang bilang ng mga namatay at 22 pa ang nawawala sa pananalasa nito sa bansa.
- Setyembre 27 -- Kaugnay ng mga usapang kapayapaan, hindi pumayag ang pamahalaan ng Pilipinas sa kagustuhan ng separatistang Moro Islamic Liberation Front na isama ang 1,000 barangay sa Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Oktubre
baguhin- Oktubre 3 -- Lumihis ang landas ng Bagyong Neneng (pangalang internasyunal: Bebinca) patungong Hilaga at Gitnang Luzon. Itinaas ng PAGASA ang Babala Bilang 1 sa mga lalawigan ng Catanduanes, Camarines Norte, Camarines Sur,Quezon (kasama ang mga isla ng Polillo), Aurora, Quirino, Isabela at Cagayan.
Nobyembre
baguhin- Nobyembre 11—Tumama ang Bagyong Queenie (Chebi) sa kalupaan ng Casiguran, Aurora. Itinaas ng PAGASA ang mga babala ng bagyo sa hilagang Luzon.
- Nobyembre 12—Tinalo ni Ronato Alcano si Ralf Souquet sa 2006 Men's World 9-Ball Championship na ginanap sa Lungsod ng Pasay, 17-11.
- Nobyembre 15—Inaresto si Gregorio Honasan, ang di-umanong pasimuno sa isang kudeta na naging dahilan ng katayuan ng kagipitan sa Pilipinas, sa Lungsod Quezon.[2]
- Nobyembre 18—Tinalo ni Manny Pacquiao si Erik Morales sa pamamagitan ng knock out sa kanilang laban sa boxing na ginanap sa Las Vegas, Nevada, Estados Unidos.
- Nobyembre 30—Tinamaan ng Bagyong Reming ang Kabikulan.
Disyembre
baguhin- Disyembre 1 -- Nagdeklara ang lalawigan ng Albay ng state of calamity nang mamatay ang 198 katao sa pagragasa ng Bagyong Reming.[3]
- Disyembre 2 -- Itinatag bilang ika-80 na lalawigan ang Dinagat Islands, sa pag-apruba ng Batas Republika Bilang 9355, sa isang plebisito.
- Disyembre 3 -- Nagdeklara si Gloria Macapagal-Arroyo, pangulo ng Pilipinas, ng state of national calamity nang mamatay ang 406 katao pagkaraang magkaroon ng mga pagguho ng putik sa palibot ng Bulkang Mayon sa pagragasa ng Bagyong Reming.[4]
- Disyembre 4 -- Pagpasya sa kaso ng panggagahasa sa Subic. Hinatulang nagkasala si Daniel Smith.
Kapanganakan
baguhin- Enero 19 – JB Agustin, aktor at pilantropo
- Mayo 3 – Mutya Orquia, aktres
- Hunyo 23 – CX Navarro, aktor
- Setyembre 2 – Josh de Guzman, aktor
- Setyembre 14 – Hannah Vito, aktres
- Setyembre 28 – Cessa Moncera, aktres
- Oktubre 24 – Allyson McBride, aktres
- Disyembre 3 – Krystal Brimner, aktres
- Disyembre 30 – David Remo, aktor at modelo
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "China's typhoon death toll rises" BBC News. 05-19-2006. Hinango 10-21-2016.
- ↑ "Philippine 'coup plotter' seized" BBC News. 11-15-2006. Hinango 10-21-2016.
- ↑ "Storm, mudslides kill 198 in Philippines" Associated Press, sa pamamagitan ng Yahoo! News. 12-01-2006. Hinango 10-21-2016.
- ↑ "Philippine mudslides a 'calamity'" BBC News.12-03-2006. Hinango 10-21-2016.