Ang Miss World 1973 ay ang ika-23 edisyon ng Miss World pageant, na ginanap sa Royal Albert Hall sa Londres, Reyno Unido noong 23 Nobyembre 1973.[1]

Miss World 1973
Petsa23 Nobyembre 1973
Presenters
  • Michael Aspel
  • David Vine
PinagdausanRoyal Albert Hall, Londres, Reyno Unido
Brodkaster
Lumahok54
Placements15
Hindi sumali
  • Alemanya
  • Ekwador
  • Indiya
  • Kosta Rika
  • Liberya
  • Paragway
Bumalik
  • Kolombya
  • Libano
  • Luksemburgo
  • Peru
  • Tsipre
  • Timog Korea
NanaloMarjorie Wallace
Estados Unidos Estados Unidos (binaba)
← 1972
1974 →

Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Belinda Green ng Australya si Marjorie Wallace ng Estados Unidos bilang Miss World 1973.[2][3] Ito ang kauna-unahang tagumpay ng Estados Unidos sa kasaysayan ng kompetisyon. Nagtapos bilang first runner-up si Evangeline Pascual ng Pilipinas, habang nagtapos bilang second runner-up si Patsy Yuen ng Hamayka.[4][5]

Mahigit tatlong buwan pagkatapos ng kompetisyon, binaba si Wallace sa titulo matapos lumabag sa mga pangangailangan ng titulo.[6][7][8] Hindi inalok ang titulo sa sinuman sa mga runner-up, at gumanap si Patsy Yuen sa ilan sa mga tungkulin at responsibilidad ng Miss World na hindi hinahawakan ang titulo.[9] Bagama't binaba si Wallace sa kanyang titulo, siya pa rin ang kinikilala bilang opisyal na Miss World 1973.

Limampu't-apat na kandidata mula sa limampu't-tatlong bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan nina Michael Aspel at David Vine ang kompetisyon.[10]

Kasaysayan

baguhin
 
Royal Albert Hall, ang lokasyon ng Miss World 1973

Lokasyon at petsa

baguhin

Noong 9 Agosto 1972, inanunsyo ng Miss World Organization na may posibilidad na maganap ang edisyong ito sa Cunard Ocean liner na Queen Elizabeth 2, isang barkong pampasahero sa Caribbean cruise nito sa Nobyembre 1973.[11][12] Gayunpaman, hindi ito natuloy at mulang ginanap ang edisyong ito sa Royal Albert Hall sa Londres, Reyno Unido noong 23 Nobyembre 1973.

Pagpili ng mga kalahok

baguhin

Limampu't-apat na kandidata mula sa limampu't-tatlong bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Pitong kandidata ang nailuklok upang kumatawan sa kanilang mga bansa/teritoryo matapos maging runner-up sa kanilang pambansang kompetisyon, o napili sa isang casting process, at tatlong kandidata ang nailuklok matapos bumitiw ang orihinal na kalahok.

Mga pagpalit

baguhin

Dapat sanang kakatawan sa Republikang Dominikano si Griselda Valdez Minguez sa edisyong ito, ngunit siya ay pinalitan ni Clariza Duarte dahil sa hindi isiniwalat na dahilan. Kinoronahan si Marjorie Ann Hon bilang Miss Malaysia World, ngunit matapos ang ilang araw ay bumitiw ito sa kanyang titulo dahil sa mga personal na kadahilanan.[13][14] Siya ay pinalitan ng kanyang first runner-up na si Narimah Yusoff.[15] Dapat sanang kakatawan sa Mehiko ang first runner-up ng Miss Mexico 1973 na si Rosario González, ngunit siya ay pinalitan ni Miss Mexico 1973 Rossana Villares dahil sa hindi isiniwalat na dahilan.[16]

Mga unang pagsali, pagbalik, at pag-urong

baguhin

Bumalik sa edisyong ito ang bansang Peru na huling sumali noong 1968, Kolombya at Libano na huling sumali noong 1970, at Luksemburgo, Sri Lanka (bilang Ceylon), Timog Korea, at Tsipre na huling sumali noong 1971.

Hindi sumali ang mga bansang Alemanya, Ekwador, Indiya, Kosta Rika, at Paragway sa edisyong ito. Hindi sumali si Ingeborg Braun matapos magkaroon ng hindi pagkakaintindihan ang mga organizer ng Miss Germany at ng Miss World. Dahil dito ay pinadala na lamang si Braun sa Miss International. Hindi sumali si Ana Patricia Rivadeneira ng Ekwador dahil sa hindi isiniwalat na dahilan. Dahil hindi naganap ang Bharat Sundari para taong 1973, iniluklok ang second runner-up ng Bharat Sundari 1972 na Firoza Cooper upang kumatawa sa Indiya sa Miss World. Gayunpaman, hindi ito lumahok dahil sa hindi isiniwalat na dahilan.[17] Hindi na nakaabot sa huling araw ng pagpaparehistro sina María del Rosario Mora ng Kosta Rika at María Gloria González ng Paragway kung kaya't sila'y bumitiw na rin sa kompetisyon.[18] Hindi rin nakasali si Ana Cecilia Saravia ng Nikaragwa dahil sa hindi isiniwalat na dahilan.

Mga kontrobersiya

baguhin

Ang pagpapatalsik kay Wallace

baguhin

Sa kanyang pananatili sa Londres, nakipagtipan si Wallace sa ilan sa mga personalidad sa Reyno Unido tulad ng Ingles na mang-aawit na si Tom Jones,[19] manlalaro ng putbol mula sa Hilagang Irlandes na si George Best,[20][21] at Amerikanong racecar driver para sa Indianapolis 500 at Formula One na si Peter Revson na diumano ay katipán ni Wallace sa panahon ng kanyang panunungkulan bilang Miss World.[22][23]

Habang katipán si Revson, nagkaroon si Wallace ng ugnayan kay Jones, kung saan sila ay nakitang nakikipaghalik sa Barbados, at ang ugnayan niya kay Best ay nagkaroon ng negatibong publisidad dahil inakusahan ni Wallace si Best ng pagnanakaw.[24][25] Ang mga ito ay paglabag sa kontrata ni Wallace sa Miss World, na siyang nag-udyok sa mga awtoridad ng Miss World na tanggalan ng titulo si Wallace noong 7 Marso 1974, 104 araw matapos siyang koronahan. Ayon sa mga awtoridad ng Miss World, hindi nasunod ni Wallace ang saligang pangangailangan ng titulo.[26] Walang runner-up ang humalili sa titulo.[27][28]

Bagama't hindi ibingay ng mga awtoridad ang titulo, ibingay naman nila ang mga tungkulin ng Miss World sa runner-up. Una itong inalok kay Evangeline Pascual ng Pilipinas, ngunit hindi siya interesadong tanggapin ito dahil siya ay may ginagawa nang pelikula sa panahong inalok sa kanya ang mga tungkulin ng Miss World.[29] Dahil dito, ang mga tungkulin ng Miss World ay siyang tinanggap ng second runner-up na si Patsy Yuen ng Hamayka.[9]

Mga resulta

baguhin
 
Mga bansa at teritoryong sumali sa Miss World 1973 at ang kanilang mga pagkakalagay.

Mga pagkakalagay

baguhin
Pagkakalagay Kandidata
Miss World 1973
  •   Estados UnidosMarjorie Wallace[4]
    (bumaba sa trono; kinikilala pa rin bilang opisyal na nagwagi)
1st runner-up
2nd runner-up
  •   Hamayka – Patsy Yuen[4]
    (inako ang mga tungkulin ngunit hindi ang titulo)
3rd runner-up
4th runner-up
Top 7
Top 15

Kompetisyon

baguhin

Pormat

baguhin

Tulad noong 1961, labinlimang semi-finalist ang napili sa pamamagitan ng paunang kompetisyon na ginanap sa araw ng pinal na kompetisyon na binubuo ng swimsuit at evening gown competition. Lumahok sa swimsuit competition at evening gown competition ang labinlimang mga semi-finalist, at kalaunan ay napili ang pitong pinalista na sumabak sa final interview.[30]

Komite sa pagpili

baguhin
  • Brenda Arnau – Amerikanong mang-aawit at aktres[31]
  • Joe Bugner – Unggaro-Ingles na boksingero[31]
  • Michael Crawford – Ingles na aktor at komedyante[31]
  • Peter Dimmock – Isang executive mula sa BBC
  • David Hemmings – Ingles na aktor[31]
  • Engelbert Humperdinck – ingles na mang-aawit
  • Christopher Lee – Ingles na aktor
  • Suzanna Leigh – Ingles na aktres[31]
  • Gregory Peck – Amerikanong aktor[31]

Mga kandidata

baguhin

Limampu't-apat na kandidata ang lumahok para sa titulo.

Bansa/Teritoryo Kandidata Edad[a] Bayan
  Arhentina Beatriz Callejón[32] 21 Buenos Aires
  Aruba Edwina Diaz[33] 24 Oranjestad
  Australya Virginia Radinas[34] 22 Sydney
  Austrya Roswitha Kobald[35] 18 Styria
  Bagong Silandiya Pamela King[31] 20 Auckland
  Bahamas Deborah Isaacs[36] 21 Nassau
  Belhika Christine Devisch[37] 20 Amberes
  Beneswela Edicta García[38] Zulia
  Bermuda Judy Richards[39] 19 Hamilton
  Botswana Priscilla Molefe Gaborone
  Brasil Florence Alvarenga[40] 18 Campo Belo
  Espanya Mariona Russell 19 Cataluña
  Estados Unidos Marjorie Wallace[41] 19 Indianapolis
  Gresya Caterina Bacali[40] 21 Atenas
  Guam Shirley Ann Brennan[42] 17 Agana
  Hamayka Patsy Yuen[43] 21 Kingston
  Hapon Keiko Matsunaga 23 Chiba
  Hibraltar Josephine Rodríguez 17 Hibraltar
  Honduras Belinda Handal 20 Cortés
  Hong Kong Judy Yung 19 Hong Kong
  Irlanda Yvonne Costelloe[44] 17 Dublin
  Israel Chaja Katzir[45] 18 Tel-Abib
  Italya Marva Bartolucci[46] 19 Roma
  Kanada Deborah Ducharme[47] 20 Port Colborne
  Kolombya Elsa María Springstube[48] 19 Caldas
  Libano Sylva Ohannessian[49] 18 Beirut
  Luksemburgo Giselle Azzeri[50] 19 Dudelange
  Lupangyelo Nína Breiðfjörd[51] 22 Reikiavik
  Malaysia Narimah Yusoff[15] 23 Ipoh
  Malta Carmen Farrugia 18 Żebbuġ
  Mawrisyo Daisy Ombrasine[52] 20 Port Louis
  Mehiko Rossana Villares[53] 18 Yucatán
  Noruwega Wenche Steen[54] 22 Oslo
  Olanda Anna Maria Groot[55] 21 Zaandam
  Peru Mary Núñez[56] 20 Lima
  Pinlandiya Seija Mäkinen[57] Helsinki
  Pilipinas Evangeline Pascual[58] 18 Orani
  Porto Riko Milagros García[59] 23 San Juan
  Portugal Maria Helene Pereira Martins 23 Lisboa
  Pransiya Isabelle Krumacker[60] 18 Troisfontaines
  Republikang Dominikano Clariza Duarte[48] 18 Santo Domingo
  Reyno Unido Veronica Cross[61] 24 Londres
  Seykelas June Gouthier[40] 20 Victoria
  Singapura Debra de Souza[62] 19 Singapura
  Sri Lanka Shiranthi Wickremesinghe 20 Colombo
  Suwesya Mercy Nilsson[63] 19 Estokolmo
  Suwisa Magda Lepori 21 Bern
  Taylandiya Pornpit Sakornvijit Bangkok
  Timog Aprika Ellen Peters[40] 17 Cape Town
Shelley Latham[40] 22 Kaapstad
  Timog Korea An Soon-young 19 Seoul
  Tsipre Demetra Heraklidou 20 Nicosia
  Turkiya Beyhan Kiral[64] 21 Istanbul
  Yugoslavia Atina Golubova 20

 Mga tala

baguhin
  1. Mga edad sa panahon ng kompetisyon

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Mooie meisjes in gelid" [Beautiful girls in ranks]. Nieuwsblad van het Noorden (sa wikang Olandes). 23 Nobyembre 1973. p. 1. Nakuha noong 3 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "First Yank chosen Miss World". The Pittsburgh Press (sa wikang Ingles). 24 Nobyembre 1973. p. 1. Nakuha noong 6 Hunyo 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Miss World crown won by U.S. beauty". The Press-Courier (sa wikang Ingles). 24 Nobyembre 1973. p. 3. Nakuha noong 6 Hunyo 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.00 4.01 4.02 4.03 4.04 4.05 4.06 4.07 4.08 4.09 4.10 4.11 4.12 4.13 4.14 4.15 "Miss U.S. now Miss World '73". The Victoria Advocate (sa wikang Ingles). 24 Nobyembre 1973. pp. 10B. Nakuha noong 5 Hunyo 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "MARJORIE FROM U.S. IS MISS WORLD". The Straits Times (sa wikang Ingles). 25 Nobyembre 1973. p. 2. Nakuha noong 3 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Moore, Matthew (26 Enero 2009). "Eight beauty queens who met with controversy". The Telegraph (sa wikang Ingles). Nakuha noong 6 Hunyo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Pelling, Rowan (13 Hulyo 2015). "What's so wrong about being a beauty queen?". The Telegraph (sa wikang Ingles). Nakuha noong 3 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Eight beauty queens who met with controversy". The Telegraph (sa wikang Ingles). 26 Enero 2009. Nakuha noong 3 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. 9.0 9.1 Johnson, Richard (29 Abril 2022). "A world of beauty". Jamaica Observer (sa wikang Ingles). Nakuha noong 3 Hunyo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Foster, Paul (21 Nobyembre 1973). "Sixty gorgeous girls". Evening Times (sa wikang Ingles). p. 43. Nakuha noong 5 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Ship shape". New Nation (sa wikang Ingles). 10 Agosto 1972. p. 2. Nakuha noong 1 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Miss World contest for the sea". New Nation (sa wikang Ingles). 22 Agosto 1972. p. 11. Nakuha noong 1 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "Miss Malaysia stripped of title". The Straits Times (sa wikang Ingles). 31 Oktubre 1973. p. 22. Nakuha noong 3 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "Miss out". The Sydney Morning Herald (sa wikang Ingles). 1 Nobyembre 1973. p. 6. Nakuha noong 3 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. 15.0 15.1 "A phone call puts Norimah in the running..." The Straits Times (sa wikang Ingles). 1 Nobyembre 1973. p. 11. Nakuha noong 3 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. Rodríguez, Yazmín (27 Agosto 2015). "Detienen a Miss México 1973 por evasión fiscal". El Universal (sa wikang Kastila). Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Disyembre 2022. Nakuha noong 12 Disyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. "Bharat Sundari and Little Miss India". Women on the March (sa wikang Ingles). Bol. XVI. Nobyembre 1972. p. 25. Nakuha noong 3 Abril 2024.{{cite magazine}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. "Rossy Mora Badilla fue electa anoche miss Costa Rica" [Rossy Mora Badilla was elected Miss Costa Rica last night]. La Nacion (sa wikang Kastila). 29 Hunyo 1973. p. 4. Nakuha noong 14 Disyembre 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. Carr, Kim (2021-04-18). "Sir Tom Jones says divine intervention saved his life in shark-infested waters". Irish Mirror (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-04-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. Greer, Carlos; Mascia, Kristen (7 Disyembre 2011). "Beauty Queen Bungles!". People Magazine (sa wikang Ingles). Nakuha noong 4 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. "Britons dethrone Indianapolis girl as 'Miss World'". Pittsburgh Post-Gazette (sa wikang Ingles). 8 Marso 1974. p. 4. Nakuha noong 4 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. "Revson killed in S. African practice run". Sarasota Herald-Tribune (sa wikang Ingles). 23 Marso 1974. p. 17. Nakuha noong 4 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. "Day at the races". The Journal News (sa wikang Ingles). 11 Marso 1974. p. 16. Nakuha noong 4 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. "Soccer star accused of theft from Miss World". The Straits Times (sa wikang Ingles). 22 Pebrero 1974. p. 1. Nakuha noong 5 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. "Playboy Best faces a theft charge". New Nation (sa wikang Ingles). 22 Pebrero 1974. p. 1. Nakuha noong 5 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. "Miss World dethroned". Daytona Beach Morning Journal (sa wikang Ingles). 8 Marso 1974. p. 10. Nakuha noong 5 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. "Miss World loses crown". The Salina Journal (sa wikang Ingles). 7 Marso 2024. p. 1. Nakuha noong 4 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. McGowan, Robert (7 Marso 1974). "Miss World Marjorie is sacked". Evening Standard (sa wikang Ingles). p. 1. Nakuha noong 4 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  29. Lo, Ricky (28 Agosto 2004). "Body talk with Vangie Pascual". Philippine Star (sa wikang Ingles). Nakuha noong 4 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  30. "Preparativos para el concurso 'Miss Mundo'". La Nacion (sa wikang Kastila). 21 Nobyembre 1973. p. 13. Nakuha noong 3 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  31. 31.0 31.1 31.2 31.3 31.4 31.5 31.6 "Blonde American beauty chosen Miss World 1973". Schenectady Gazette (sa wikang Ingles). 24 Nobyembre 1973. p. 6. Nakuha noong 3 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  32. ""Miss Argentina", una de las favoritas en concurso". La Nacion (sa wikang Kastila). 18 Nobyembre 1973. p. 30. Nakuha noong 3 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  33. "Ethleen Oduber Miss Aruba '73". Amigoe di Curacao (sa wikang Olandes). 4 Hunyo 1973. p. 9. Nakuha noong 3 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  34. "Triple win for quest entrant". The Sydney Morning Herald (sa wikang Ingles). 17 Setyembre 1973. p. 2. Nakuha noong 6 Hunyo 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  35. Grabenhofer, Anneliese (4 Disyembre 2021). "Nachruf Herwig Heran: Ein großartiger Journalist, der fehlen wird" [Obituary Herwig Heran: A great journalist who will be missed]. MeinBezirk.at (sa wikang Aleman). Nakuha noong 7 Enero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  36. "Miss World hopefuls". The Telegraph (sa wikang Ingles). 23 Nobyembre 1973. p. 8. Nakuha noong 3 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  37. "Erelijst Miss België". De Morgen (sa wikang Olandes). 11 Enero 2010. Nakuha noong 1 Enero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  38. "Enruladas para la coronacion" [Curled for the coronation]. El Tiempo (sa wikang Kastila). 23 Nobyembre 1973. pp. 5B. Nakuha noong 6 Hunyo 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  39. "Miss Bermuda– Living in a whirl of excitement". The Bermuda Recorder (sa wikang Ingles). 2 Hunyo 1973. pp. 1–3. Nakuha noong 18 Nobyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Bermuda National Library.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  40. 40.0 40.1 40.2 40.3 40.4 "Miss United States wins Miss World 1973". Daytona Beach Morning Journal (sa wikang Ingles). 24 Nobyembre 1973. p. 4. Nakuha noong 3 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  41. "Beauty queen chosen". Lakeland Ledger (sa wikang Ingles). 21 Setyembre 1973. p. 41. Nakuha noong 3 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  42. "Our girl Veronica has the Miss World title all sewn up". Liverpool Daily Post (sa wikang Ingles). 17 Nobyembre 1973. p. 3. Nakuha noong 30 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  43. "Jamaica's trailblazing Afro beauty queens". The Gleaner (sa wikang Ingles). 1 Oktubre 2023. Nakuha noong 3 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  44. "Life was all l'amour -- and lust". Irish Independent (sa wikang Ingles). 9 Setyembre 2007. Nakuha noong 11 Enero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  45. "Punters tip Miss Israel". The Sydney Morning Herald (sa wikang Ingles). 22 Nobyembre 1973. p. 3. Nakuha noong 3 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  46. "LONDEN — De deelneemsters aan de Miss World-verkiezingen in Londen". Leeuwarder courant. 20 Nobyembre 1973. p. 3. Nakuha noong 3 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  47. "64 beauty queens meet for international show". The Phoenix (sa wikang Ingles). 12 Hulyo 1973. p. 16. Nakuha noong 3 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  48. 48.0 48.1 "Grandes apuestas estilo hipico por 'Miss Mundo'". El Tiempo (sa wikang Kastila). 23 Nobyembre 1973. p. 12. Nakuha noong 3 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  49. Ghaleb, Chloe (14 Hulyo 2020). "Miss Lebanon Throughout History In Pictures". The 961 (sa wikang Ingles). Nakuha noong 3 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  50. "LONDEN — De Benelux deelneemsters aan de Miss World-verkiezingen". Leeuwarder courant (sa wikang Olandes). 19 Nobyembre 1973. p. 3. Nakuha noong 3 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  51. "Fegurðarsamkeppnin „Ungfrú Heimur"". Morgunblaðið (sa wikang Islandes). 29 Nobyembre 1973. p. 25. Nakuha noong 3 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Timarit.is.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  52. "Maria Allard, Miss Mauritius d?un décevant concours" [Maria Allard, Miss Mauritius in a disappointing competition]. L'express (sa wikang Pranses). 11 Hunyo 2004. Nakuha noong 24 Marso 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  53. "Se olvidaron de belleza mexicana". La Nacion (sa wikang Kastila). 21 Nobyembre 1973. p. 22. Nakuha noong 3 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  54. "Undress rehearsal". Daily Mirror (sa wikang Ingles). 23 Nobyembre 1973. p. 3. Nakuha noong 30 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  55. "Anke gaat naar Londen". De Telegraaf (sa wikang Olandes). 12 Nobyembre 1973. p. 4. Nakuha noong 3 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  56. "Evangeline Pascual, Mary Nunez". Jornal do Brasil (sa wikang Portuges). 19 Nobyembre 1973. p. 9. Nakuha noong 3 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  57. "Miss Suomen kruunu espoolaisopiskelijalle" [Miss Finland crown for a student from Espoo]. Helsingin Sanomat (sa wikang Pinlandes). 14 Pebrero 2023. Nakuha noong 6 Hunyo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  58. Magsanoc, Kai (1 Oktubre 2013). "From Vivien to Megan: The PH in Miss World history". Rappler (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  59. "Representara a Puerto Rico en Londres". La Opinion (sa wikang Kastila). 11 Nobyembre 1973. p. 13. Nakuha noong 3 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  60. "Miss France goes everywhere". Bangor Daily News (sa wikang Ingles). 2 Enero 1973. p. 18. Nakuha noong 3 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  61. "Top to toe, a winner". Daily Mirror (sa wikang Ingles). 16 Agosto 1973. p. 5. Nakuha noong 3 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  62. Ong, Francis (12 Nobyembre 1973). "Debra's second try". The Straits Times (sa wikang Ingles). p. 28. Nakuha noong 3 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  63. "FAGRAR NORÐURLANDASTÚLKUR". Morgunblaðið (sa wikang Islandes). 28 Nobyembre 1973. p. 25. Nakuha noong 3 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Timarit.is.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  64. "A tumble for Miss Turkey". Evening Times (sa wikang Ingles). 22 Nobyembre 1973. p. 21. Nakuha noong 3 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Panlabas na kawing

baguhin