Ang Miss World 1980 ay ang ika-30 edisyon ng Miss World pageant, na ginanap sa Royal Albert Hall sa Londres, Reyno Unido noong 13 Nobyembre 1980.[1] Ito ang unang edisyon ng kompetisyon na ginanap sa ilalim ng Miss World Ltd.[2]

Miss World 1980
Kimberley Santos
Petsa13 Nobyembre 1980
Presenters
  • Peter Marshall
  • Judith Chalmers
  • Anthony Newley
PinagdausanRoyal Albert Hall, Londres, Reyno Unido
BrodkasterThames Television
Lumahok67
Placements15
Bagong saliSimbabwe
Hindi sumali
  • El Salvador
  • Lupangyelo
  • Niherya
  • Portugal
  • Tahiti
  • Tsile
Bumalik
  • Curaçao
  • Papua Bagong Guinea
NanaloGabriella Brum
West Germany Alemanya (bumitiw)
Kimberley Santos
 Guam (pumalit)
PersonalityAnnette Labrecque
Canada Kanada
PhotogenicMichelle Rocca
Republic of Ireland Ireland
← 1979
1981 →

Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Gina Swainson ng Bermuda si Gabriella Brum ng Alemanya bilang Miss World 1980.[3][4][5] Ito ang pangalawang beses na nanalo ang Alemanya bilang Miss World. Nagtapos bilang first runner-up si Kimberley Santos ng Guam, habang nagtapos bilang second runner-up si Patricia Barzyk ng Pransiya.[6][7]

Mga kandidata mula sa animnapu't-pitong bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan nina Peter Marshall, Judith Chalmers, at Anthony Newley ang kompetisyon.[8][9] Ito rin ang unang edisyon ng kompetisyon na isinahimpapawid sa Thames Television.

Labinwalong oras pagkatapos ng kompetisyon, nagbitiw si Brum matapos tumutol ang kasintahan nito sa kanyang pagkapanalo.[10][11][12] Pagkaraan ng labing-apat na araw, kinoronahan ni Miss World 1977 Mary Stävin sa Guam si Kimberley Santos.[13][14] Si Santos ang kauna-unahang Miss World mula sa Guam, at ang kauna-unahang Miss World na kinoronahan sa labas ng Reyno Unido.[15]

Kasaysayan

baguhin
 
Royal Albert Hall, ang lokasyon ng Miss World 1980

Pagpili ng mga kalahok

baguhin

Mga kandidata mula sa animnapu't-pitong bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Anim na kandidata ang nailuklok upang kumatawan sa kanilang mga bansa/teritoryo matapos maging runner-up sa kanilang pambansang kompetisyon, o napili sa isang casting process, at dalawang kandidata ang nailuklok matapos bumitiw ang orihinal na kalahok.

Mga pagpalit

baguhin

Dapat sanang lalahok si Helga Scheidl ng Austrya sa edisyong ito, ngunit dahil nailipat ang karapatan ng pagpili ng kandidata ng Miss World sa Austrya sa ibang organisasyon, si Sonya-Maria Schlepp ang siyang naging kandidata ng Austrya sa Miss World. Dapat sanang lalahok si Luz Ernestina Mejía ng Honduras sa edisyong ito,[16] ngunit siya ay pinalitan ni Miss Honduras 1980 Etelvina Raudales dahil sa hindi isiniwalat na dahilan.

Mga unang pagsali, pagbalik, at pag-urong

baguhin

Lumahok sa unang pagkakataon ang bansang Simbabwe. Bumalik sa edisyong ito ang mga bansang Papua Bagong Guinea na huling sumali noong 1977, at Curaçao na huling sumali noong 1978.

Hindi sumali sa edisyong ito ang mga bansang El Salvador, Lupangyelo, Niherya, Portugal, Tahiti, at Tsile. Hindi sumali sina Auður Elisabet Guðmundsdottir ng Lupangyelo, Syster Jack ng Niherya,[17] Tatiana Teraiamano ng Tahiti,[18] at Gabriela Valdés Aravena ng Tsile dahil sa hindi isiniwalat na dahilan. Hindi sumali ang mga bansang El Salvador at Portugal matapos na mabigo ang kanilang organisasyong pambansa na magdaos ng kompetisyong pambansa o magtalaga ng kalahok.

Mga kontrobersiya

baguhin

Ang pagpapatalsik kay Brum

baguhin

Noong 13 Nobyembre 1980, kinoronahan si Gabriella Brum bilang Miss World 1980. Matapos ang kanyang koronasyon, inulan ng mga tanong si Brum tungkol sa kanyang relasyon sa kanyang limampu't-dalawang taong-gulang na kasintahan na si Benno Bellenbaum, isang producer ng mga adult film, na diumano ay tutol sa pagkapanalo ni Brum.[19][20]

Kinabukasan, matapos ang kanyang champagne breakfast kasama ang alkalde ng Londres na si Sir Ronald Gardner-Thorpe, ipinaalam ni Brum kay Julia Morley ang kanyang desisyong magbitiw bilang Miss World, labinwalong oras matapos siyang makoronahan.[21][22][23] Sa simula, ang rason na ibinigay kung bakit bumitiw si Brum ay dahil sa hindi sumang-ayon ang kanyang kasintahan sa kanyang mga bagong obligasyon bilang Miss World,[24] at dahil mas gusto niyang makasama ang kanyang kasintahan kaysa sa nasa ilalim siya ng isang mahigpit na kontrata sa loob ng isang taon.[25][26] Gayunpaman, kalaunan ay ipinahayag na ang tunay na dahilan kung bakit nagbitiw si Brum ay dahil sa presyon mula sa mga tagapagbalita, at dahil sa mga alegasyon na may mga hubad na litrato siya.[27] Matapos ang pag-anunsyo ni Morley sa pagbitiw ni Brum, kaagad na tumungo si Brum sa Heathrow Airport upang makabalik kaagad sa Kanlurang Alemanya.[28] Dahil sa pagbitiw ni Brum, ipinasa ang titulo kay Kimberley Santos ng Guam, na siyang nalaman ang balita na siya ang papalit bilang Miss World noong siya ay nasa Los Angeles International Airport na.[29][30]

Mga resulta

baguhin
 
Mga bansa at teritoryong sumali sa Miss World 1980 at ang kanilang mga pagkakalagay.

Mga pagkakalagay

baguhin
Pagkakalagay Kandidata
Miss World 1980
1st runner-up
2nd runner-up
3rd runner-up
4th runner-up
Top 7
Top 15

Mga espesyal na parangal

baguhin
Parangal Nagwagi
Miss Photogenic
Miss Personality

Kompetisyon

baguhin

Pormat

baguhin

Tulad noong 1961, labinlimang semi-finalist ang napili sa pamamagitan ng paunang kompetisyon na ginanap sa araw ng pinal na kompetisyon na binubuo ng swimsuit at evening gown competition. Lumahok sa swimsuit competition at evening gown competition ang labinlimang mga semi-finalist, at kalaunan ay napili ang pitong pinalista na sumabak sa final interview.

Komite sa pagpili

baguhin
  • Bruce Forsyth – Ingles na tagapaglibang[32]
  • Sophia Mamba – Asawa ng High Commissioner ng Suwasilandiya sa Londres
  • John McMenamin – Pangalawang pangulo ng Max Factor International
  • Wilnelia MercedMiss World 1975 mula sa Porto Riko[32]
  • Alan Minter – Boksingerong Ingles
  • Eric Morley – Tagapagtatag ng Miss World
  • Peter Thompson – Pangalawang pangulo ng Universal Studios
  • Vivian Ventura – Ingles na aktres
  • Dennis Waterman – Ingles na aktor at mang-aawit

Mga kandidata

baguhin

Animnapu't-pitong kandidata ang lumahok para sa titulo.

Bansa/Teritoryo Kandidata Edad[a] Bayan
  Alemanya Gabriella Brum[33] 18 Berlin
  Arhentina Elsa Galotti[34] 20 Rafaela
  Aruba Ethline Dekker 19 Oranjestad
  Australya Linda Shepherd[35] 18 Wollongong
  Austrya Sonya-Maria Schlepp[36] 19 Graz
  Bagong Silandiya Vicky Lee Hemi[37] 18 Hamilton
  Bahamas Bernadette Cash 20 Nassau
  Belhika Brigitte Billen[38] 19 Limburg
  Beneswela Hilda Abrahamz[39] 21 Caracas
  Bermuda Zina Minks[40] 17 St. George's Parish
  Bulibya Sonia Malpartida 20 Sucre
  Brasil Loiane Aiache[41] 18 Brasília
  Curaçao Soraida de Windt[42] 21 Willemstad
  Dinamarka Jane Bill 18 Copenhague
  Ekwador Gabriela Ríos 19 Guayaquil
  Espanya Francisca Ondiviela[43] 17 Gran Canaria
  Estados Unidos Brooke Alexander[44] 16 Kailua
  Gresya Vera Zacharopoulou 19 Atenas
  Guam Kimberley Santos[45] 19 Toto
  Guwatemala Ligia Martínez 19 Lungsod ng Guatemala
  Hamayka Michelle Ann Harris[46] 21 Kingston
  Hapon Kanako Ito 18 Tokyo
  Hibraltar Yvette Domínguez 19 Hibraltar
  Honduras Etelvina Raudales[47] 20 San Pedro Sula
  Hong Kong Julia Chan[48] 21 Pulo ng Hong Kong
  Indiya Elizabeth Anita Reddi[49] 21 Bombay
  Irlanda Michelle Rocca[50] 21 Dublin
  Israel Anat Zimmermann[51] 18 Givatayim
  Italya Stefania de Pasquaci 17 Parma
  Jersey Karen Poole 21 Saint Helier
  Kanada Annette Labrecque[52] 19 Charlesbourg
  Kanlurang Samoa Liliu Tapuai 18 Apia
  Kapuluang Birhen ng Estados Unidos Palmira Frorup 24 Saint Croix
  Kapuluang Kayman Devon Walter 21 George Town
  Kolombya María Cristina Valencia[53] 18 Armenia
  Kosta Rika Marie Claire Tracy Coll[54] 20 San José
  Lesoto Lits’ila Alina Lerotholi 18 Maseru
  Libano Celeste El-Assal 19 Beirut
  Malaysia Callie Liew[55] 23 Kuantan
  Malta Frances Duca[56] 19 Fgura
  Mawrisyo Carol Mackay[57] 23 Grand Gaube
  Mehiko Claudia Holley 18 Naucalpan
  Noruwega Maiken Nielsen 22 Oslo
  Olanda Desiree Geelen 20 Amsterdam
  Panama Áurea Horta[58] 20 Lungsod ng Panama
  Papuwa Bagong Guniya Mispah Alwyn[59] 19 Port Moresby
  Paragway Celia Schaerer[60] 19 Asunción
  Peru Roxana Vega[61] 21 Lima
  Pilipinas Milagros Nabor 20 Maynila
  Pinlandiya Ritva Tamio 19 Turku
  Porto Riko Michelle Torres 19 Ponce
  Pransiya Patricia Barzyk[62] 17 Arbouans
  Pulo ng Man Voirrey Wallace 18 Douglas
  Republikang Dominikano Patricia Polanco[63] 18 Santo Domingo
  Reyno Unido Kim Ashfield[64] 21 Buckley
  Simbabwe Shirley Richard Nyanyiwa[65] 22 Salisbury
  Singapura Adda Pang[66] 21 Singapura
  Sri Lanka Rosemarie Ramanayake[67] 22 Colombo
  Suwasilandiya Nomagcisa Cawe 23 Manzini
  Suwesya Monika Jenemark 21 Stenungsund
  Suwisa Jeannette Linkenheil[68] 22 Basel
  Taylandiya Unchulee Chaisuwan 20 Bangkok
  Timog Korea Chang Sun-ja 21 Seoul
  Trinidad at Tobago Maria Octavia Chung 18 San Fernando
  Tsipre Parthenopi Vasiliadou 18 Limassol
  Turkiya Funda Ayloglu[69] 20 Istanbul
  Urugway Ana Claudia Carriquiry 19 Montevideo

Mga tala

baguhin
  1. Mga edad sa panahon ng kompetisyon

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Miss Israel is favored to become Miss World". The Telegraph (sa wikang Ingles). 7 Nobyembre 1980. p. 15. Nakuha noong 29 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Miss World". Algemeen Dagblad (sa wikang Olandes). 26 Hunyo 1980. p. 2. Nakuha noong 23 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Fleming, Joe (14 Nobyembre 1980). "Miss Germany crowned Miss World in beauty pageant of new dimension". UPI (sa wikang Ingles). Nakuha noong 29 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Miss Germany tops Miss World contest". The News-Dispatch (sa wikang Ingles). 14 Nobyembre 1980. p. 6. Nakuha noong 29 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "W. Germany beauty wins Miss World title". Beaver Country Times (sa wikang Ingles). 14 Nobyembre 1980. p. 9. Nakuha noong 29 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Miss World fields queries about her Mr". Lawrence Journal-World (sa wikang Ingles). 12 Nobyembre 1980. p. 52. Nakuha noong 29 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Miss World: intelligence helps, but beauty counts". The Free Lance-Star (sa wikang Ingles). 14 Nobyembre 1980. p. 13. Nakuha noong 29 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Just one big joke". Evening Times (sa wikang Ingles). 14 Nobyembre 1980. p. 11. Nakuha noong 2 Mayo 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Long, Rosemary (18 Nobyembre 1980). "So earthy... and so early". Evening Times (sa wikang Ingles). p. 4. Nakuha noong 2 Mayo 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Miss World resigns after one-day reign". This Day (sa wikang Ingles). 13 Nobyembre 1980. p. 27. Nakuha noong 5 Hunyo 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archives.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "German wins, quits as Miss World for 1980". The Press-Courier (sa wikang Ingles). 14 Nobyembre 1980. p. 2. Nakuha noong 29 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Miss World boss raps girl who fled". The Montreal Gazette. 17 Nobyembre 1980. p. 16. Nakuha noong 29 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "Miss World claims her crown". Daily Mirror (sa wikang Ingles). 3 Disyembre 1980. p. 5. Nakuha noong 22 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "Winner refuses title, No. 2 is Miss World". Ocala Star-Banner (sa wikang Ingles). 16 Nobyembre 1980. p. 2. Nakuha noong 29 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "Title may be tarnished, but new 'Miss World' undaunted". The Salina Journal (sa wikang Ingles). 17 Nobyembre 1980. p. 2. Nakuha noong 5 Hunyo 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. Cano, Arturo (8 Oktubre 2009). "La Jornada: Emplaza Zelaya: retorna al poder antes del día 15 o no habrá elecciones" [Zelaya calls: return to power before the 15th or there will be no elections]. Jornada (sa wikang Kastila). Nakuha noong 23 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. Afigbo, Chinasa (30 Hunyo 2023). "1 Hijab queen, 43 other past Miss Nigeria winners & how they moved on with life". Legit.ng (sa wikang Ingles). Nakuha noong 12 Abril 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. "Miss France 2013 : le compte à rebours est lancé". Tahiti Infos (sa wikang Pranses). 9 Nobyembre 2013. Nakuha noong 4 Marso 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. "Miss World quits". The Argus-Press (sa wikang Ingles). 17 Nobyembre 1980. p. 1. Nakuha noong 1 Mayo 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. "Miss World stunning but camera-shy". Ellensburg Daily Record (sa wikang Ingles). 14 Nobyembre 1980. p. 4. Nakuha noong 1 Mayo 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. "New Miss World quickly quits title". Reading Eagle (sa wikang Ingles). 14 Nobyembre 1980. p. 18. Nakuha noong 1 Mayo 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. "German girl quits as Miss World 1980". St. Joseph News-Press (sa wikang Ingles). 14 Nobyembre 1980. p. 3. Nakuha noong 1 Mayo 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. "Miss World renounces new title". The Victoria Advocate (sa wikang Ingles). 15 Nobyembre 1980. p. 5. Nakuha noong 1 Mayo 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. "New Miss World renounces title in favor of the man she loves". Lakeland Ledger (sa wikang Ingles). 15 Nobyembre 1980. p. 2. Nakuha noong 1 Mayo 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. "Miss World 1980 resigns title". The Lewiston Journal (sa wikang Ingles). 14 Nobyembre 1980. p. 8. Nakuha noong 1 Mayo 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. "Miss World renounces one-day-old beauty title". The Fort Scott Tribune (sa wikang Ingles). 14 Nobyembre 1980. p. 9. Nakuha noong 1 Mayo 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. "Miss World resigns over photo flap". Record-Journal (sa wikang Ingles). 15 Nobyembre 1980. p. 7. Nakuha noong 1 Mayo 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. "Miss World surrenders crown". Frederick Daily Leader (sa wikang Ingles). 18 Nobyembre 1980. p. 1. Nakuha noong 1 Mayo 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  29. "Runner-up wins crown". Lawrence Journal-World (sa wikang Ingles). 16 Nobyembre 1980. p. 2. Nakuha noong 1 Mayo 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  30. "Title 'Un-Worldly'". The Victoria Advocate (sa wikang Ingles). 16 Nobyembre 1980. p. 1. Nakuha noong 1 Mayo 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  31. 31.00 31.01 31.02 31.03 31.04 31.05 31.06 31.07 31.08 31.09 31.10 31.11 31.12 31.13 31.14 "Miss Germany is new Miss World". The Galveston Daily News (sa wikang Ingles). 14 Nobyembre 1980. p. 7. Nakuha noong 5 Hunyo 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  32. 32.0 32.1 "Bruce Forsyth". The Observer (sa wikang Ingles). The Guardian. 12 Disyembre 2004. Nakuha noong 28 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  33. "Gabriella Brum, the 18-year-old blond beauty who won the..." UPI (sa wikang Ingles). 14 Nobyembre 1980. Nakuha noong 1 Mayo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  34. "A los 62 años, Nequi Galotti posó en ropa interior y revolucionó las redes: "¡Nunca dejes de sentirte linda!"" [At 62 years old, Nequi Galotti posed in underwear and revolutionized the networks: “Never stop feeling pretty!”]. Clarín (sa wikang Kastila). 3 Marso 2023. Nakuha noong 22 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  35. "Beauty and the 'beast'". The Straits Times (sa wikang Ingles). 10 Nobyembre 1980. p. 6. Nakuha noong 23 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  36. "Schoonheden in Londen". Leeuwarder courant. 6 Nobyembre 1980. p. 3. Nakuha noong 23 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  37. "Best day of your life: Neill Collins". Otago Daily Times Online News (sa wikang Ingles). 10 Enero 2012. Nakuha noong 22 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  38. ",,Ik ging met een bloedneus naar school" ["I went to school with a nosebleed"]. De Standaard (sa wikang Olandes). 17 Marso 2007. Nakuha noong 22 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  39. "Designaron a la nueva Miss Venezuela". La Opinion (sa wikang Kastila). 10 Mayo 1980. p. 4. Nakuha noong 23 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  40. Johnston-Barnes, Owain (6 Hunyo 2011). "Miss Bermuda 2011 contest gets underway". Royal Gazette (sa wikang Ingles). Nakuha noong 23 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  41. Olímpio, Victória (20 Agosto 2021). "Caroline Teixeira, representante do DF, é eleita 61ª Miss Brasil Mundo" [Caroline Teixeira, representative of DF, is elected 61st Miss Brazil World]. Diversão e Arte (sa wikang Portuges). Nakuha noong 23 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  42. "Soraida de Windt naar Engeland voor Miss World verkiezing". Amigoe (sa wikang Olandes). 1 Nobyembre 1980. p. 6. Nakuha noong 23 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  43. Rodarte, Jorge (23 Agosto 2021). "Así lucía Frances Ondiviela cuando fue Miss Universe 1981". El Debate (sa wikang Kastila). Nakuha noong 12 Enero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  44. "Miss World USA winner". Youngstown Vindicator (sa wikang Ingles). 20 Oktubre 1980. p. 15. Nakuha noong 1 Mayo 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  45. Williams, Dick (5 Enero 1983). "Former Miss World despondent over suicide death of boyfriend". UPI (sa wikang Ingles). Nakuha noong 29 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  46. Johnson, Richard (27 Marso 2019). "A beautiful life". Daily Observer (sa wikang Ingles). Nakuha noong 23 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng PressReader.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  47. Gámez, Sabino (25 Abril 2008). "El Miss Honduras, una historia que contar". La Prensa (sa wikang Kastila). Nakuha noong 8 Disyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  48. Yuen, Norman (22 Nobyembre 2022). "10 Miss Hong Kong winners from the 1980s – what are they doing now?". South China Morning Post (sa wikang Ingles). Nakuha noong 1 Mayo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  49. Lo, Ricky (4 Oktubre 2010). "India, China only Asian countries with Misses World". Philippine Star (sa wikang Ingles). Nakuha noong 22 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  50. "Miss World forfeits title". The Tuscaloosa News (sa wikang Ingles). 15 Nobyembre 1980. p. 3. Nakuha noong 28 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  51. "Bunch of fruit, Anat!". Evening Times (sa wikang Ingles). 17 Nobyembre 1980. p. 5. Nakuha noong 28 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  52. "People in the News". The Phoenix (sa wikang Ingles). 2 Setyembre 1980. p. 49. Nakuha noong 28 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  53. "Espectaculos y TV". El Tiempo (sa wikang Kastila). 23 Nobyembre 1980. p. 63. Nakuha noong 23 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  54. "Eligieron a Miss Costa Rica". La Nacion (sa wikang Kastila). 13 Mayo 1980. p. 1. Nakuha noong 23 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  55. "Beauties with cookies cheer orphans". New Straits Times (sa wikang Ingles). 1 Oktubre 1980. p. 7. Nakuha noong 2 Mayo 1980 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive. {{cite news}}: Check date values in: |access-date= (tulong)
  56. Johansson, David (30 Oktubre 2017). "Maltese actress nominated for 'Australian Oscar'... alongside Nicole Kidman". Times of Malta (sa wikang Ingles). Nakuha noong 23 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  57. "(Miss Mauritius) 50e anniversaire du comité : Still going strong and on the move…" [(Miss Mauritius) 50th anniversary of the committee: Still going strong and on the move…]. Le Mauricien (sa wikang Pranses). 7 Disyembre 2020. Nakuha noong 23 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  58. "La vida tras la corona" [Life after the crown]. La Estrella de Panama (sa wikang Kastila). 15 Abril 2012. Nakuha noong 23 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  59. "Queen doubts chance". Papua New Guinea Post-Courier (sa wikang Ingles). 1 Mayo 1980. p. 3. Nakuha noong 27 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Trove.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  60. "Murió ayer Celia Schaerer, Miss Paraguay 1980" [Celia Schaerer, Miss Paraguay 1980, died yesterday]. Última Hora (sa wikang Kastila). 3 Pebrero 2010. Nakuha noong 23 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  61. "La Srita. Vega fue electa "Miss Peru"". La Opinion (sa wikang Kastila). 18 Setyembre 1980. p. 6. Nakuha noong 23 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  62. Mathieu, Clement (9 Disyembre 2022). "Miss France 1980: Patricia Barzyk, future muse de Mocky". Paris Match (sa wikang Pranses). Nakuha noong 26 Pebrero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  63. Almanzar, Ramon (3 Hunyo 2003). "Dominicanos celebran triunfo de su Miss Universo 2003" [Dominicans celebrate the triumph of their Miss Universe 2003]. Plainview Herald (sa wikang Kastila). Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Agosto 2021. Nakuha noong 23 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  64. Marsden, Pam (13 Nobyembre 1980). "The model competitor". Manchester Evening News (sa wikang Ingles). p. 2. Nakuha noong 22 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  65. "Triumphant Shirley: Now she is aiming for the world". The Herald (sa wikang Ingles). 19 Setyembre 1980. Nakuha noong 6 Hunyo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  66. "Adda's last bid wins her the title". New Nation (sa wikang Ingles). 25 Setyembre 1980. p. 5. Nakuha noong 23 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  67. "Rosy Senanayake - The Weekend Online". Daily Mirror (sa wikang Ingles). 8 Mayo 2021. Nakuha noong 23 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  68. Barleycorn, Trinidad (9 Nobyembre 2015). "Un doublé attendu depuis 35 ans!" [A double awaited for 35 years!]. Le Matin (sa wikang Pranses). ISSN 1018-3736. Nakuha noong 23 Abril 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  69. "Miss Turkey listesi, geçmişten günümüze Miss Turkey birincileri" [All past Miss Turkey winners]. Habertürk (sa wikang Turko). 22 Setyembre 2017. Nakuha noong 12 Marso 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Panlabas na kawing

baguhin