Mga pangkat etniko sa Pilipinas

kaalaman sa pagkalipon ng mga tao sa Pilipinas
(Idinirekta mula sa Sinaunang mga Pilipino)

Ang tinatawag na mga pangkat-etniko sa Pilipinas ay maaaring ipakahulugan na isang pag-uuri o sarilinang pagkakakilanlan ng mga Pilipino batay sa kanilang lipi, wika, relihiyon, o kasaysayan. Mula hilaga hanggang timog, ang pinakamarami sa mga pangkat na ito ay ang mga Ilocano, Pangasinense, Tagalog, Kapampangan, mga Bicolano, at Bisaya. Pinaniniwalaaang kabilang ang mga pangkat na ito sa lahing Austronesio o Malayo.

Mga pangkat ng Pilipino

baguhin

Ang mga yamang tao ng bansang Pilipinas ay ang kanyang mamamayan. Pilipino ang tawag sa kanila. Ngunit iba't iba ang pangkat na kanilang kinabibilangan. Iba't iba rin ang tawag sa kanila. Isa sa mga ninuno ang mga Ita. Tinatawag din silang Negrito, Ayta o Baluga. Karaniwang naninirahan sila sa Luzon. Ito ay sa mga bung Zambales, Quezon, Laguna at Cagayan. May naninirahan din sa mga bundok ng Panay at Negros. Tulad ng mga Ita, ang mga Ifugao at Kalinga ay sa Luzon din naninirahan. Matatagpuan sila sa Mountain Province. Ang mga Ifugao ang nagtayo ng tanyag na hagdan-hagdang palayan dalawang libong taon na ang nakakaraan. Ang isa pang pangkat ng Pilipino sa Luzon ay ang mga Ilokano. Karaniwang nakatira sila sa bandang hilaga ng Luzon. Ngunit may mga Ilokano rin sa ibang bahagi ng Visayas at Mindanao. Naninirahan sila sa nga lugar na ito upang maghanapbuhay, mangalakal, o mag-asawa. Matitipid at masisipag sila. Matatagpuan naman sa kalagitnaan at katimugan ng Luzon ang mga Tagalog. Sila ang pangalawa sa pinakamalaking pangkat ng Kristiyano sa Pilipinas. Kilala rin ang mga Mangyan sa Luzon. Matatagpuan sila sa pulo ng Mindoro. Karamihan sa kanila ay may panlabas na anyo at paraan ng pamumuhay na payak at tulad pa rin ng ating mga ninuno. Iba-iba rin ang pangkat ng Pilipino sa mga pulo ng Visayas. Isa na rito ang mga Cebuano na may pinakamalaking pangkat na nasabing rehiyon. Kilala sila sa katutubong awit na "Matud Nila" at sayaw na Rosas Pandan. Taga-Visayas din ang mga Ilonggo. Kilala naman sila sa katutubong awit na Dandansoy at sayaw na Cariñosa. Mga Waray naman ang pangkat ng Pilipino sa Leyte at Samar. Ang ilan sa mga ito ay ang mga Badjao, Maranao, Tausug, T'boli, at Manobo. Nakatira sa baybay-dagat ang mga Badjao. Matatagpuan sila mula Zamboanga hanggang Sulu. Pangingisda ang pangunahing hanap-buhay nila. Ang pangkat ng mga T'boli ay naninirahan sa Cotabato. Pagsasaka ang pangunahing ikina-bubuhay nila. [Ang Pangkat ng Katutubong (etnikong) dumagat sa Rizal at Quezon]- Ang pangkat ng katutubong ito ay di gaanong nakilala sa dahilang sila ay ibinilang na katulad sa mga aeta at negrito sa Luzon.Ang pangkat na ito ay naninirahan sa bulubunduking bahagi ng Rizal,.Bulacan,Laguna at Quezon na pawang bahagi ng kabundukan ng SIERRA MADRE.Sila ay nahahati sa dalawang uri,ang una ay ang purong dumagat na nanatiling nakatira at nakabahag sa mga nabanggit na mga kabundukan at ang ikalawa ay tinatawag na redemtador o lahukang tagalog at dumagat na kilala sa katawagang katutubo,nakatira sa mataong lipunan sa rizal at bahagi ng Quezon.Ang katutubong dumagat ay isa sa natirang lahi ng tao sa pilipinas na nabibilang sa uri ng taong Indiya dahil sa pagkakaroon ng kaugnayan ng mga salita at paniniwala nito sa matandang kabihasnan ng Indiya. Ang katawagan sa kanila na DUMAGAT ay maaaring nagmula sa salitang RUMAKAT/LUMAKAT/LUMAKAD na isang maidadahilan na sila ang isa sa unang tao sa luson na nakarating sa pamamagitan ng pagtawid sa tulay na lupa na nakadugsong sa Asya.Kung susuriin ang isa sa sinaunang lahi ng tao dito sa kapuluang pilipinas ay nagmula sa indiya na pinatunayan ng kasulatan sa tanso (Laguna Copperplate inscriptions 822 A.D,),ang ibayong pag aaral ng kultura at wika ng pangkat na ito ay magpapatibay sa panunuring ito.Halimbawa ng pangungusap sa dumagat ay ang salin sa "magandang umaga sa inyong lahat" -Masampat tabi abi di kitam mapesan!Ayon sa kanilang pagkakaalam,ang salita nila ay nahahati sa dalawa-isang pangkaraniwan at isang pang matanda o pangpitagan.Sa kasalukuyan tinawag itong "baybay"o pangkaraniwan at "Mangni" o pampitagan.

Mga katutubong pangkat etniko

baguhin

Pangunahing Pangkat Etniko

baguhin

Pangkat etniko sa Luzon

baguhin

Matatagpuan ang mga Tinguian sa Abra. Nagtatanim sila ng palay sa mga kapatagan at sa mga bai-baitang na palayan. Mahilig sila sa musika, damit at personal na palamuti. Naglalagay sila ng tatu at iniitiman ang ngipin upang akitin ang napupusuan.

Naniniwala ang mga Tinguian sa pagkakaroon ng isang asawa lamang. Itinuturing nilang krimen ang pagtataksil sa asawa at pinapatawan ng malaking multa ang sinumang muling nagtataksil. Walang multa kung kusa ang paghihiwalay ng mag-asawa.

Mangyan

baguhin

Naninirahan sa mga liblib na pook ng Mindoro ang mga Mangyan. Mahiyain silang tribo. Kayumanggi ang kanilang kulay, itim ang buhok, may maamong mata at katamtaman ang tangkad.

May iba’t ibang tribu ng Mangyan. Tinatawag na Hanunuo ang isang grupo ng Mangyan na ang ibig sabihin, sila ang tunay na Mangyan. Kumukuha sila ng ikinabubuhay sa mga kagubatan, pangisdaan at kalakalan sa Mindoro.

Sa kasalukuyan, sinauna pang alpabeto ang gamit sa pagsulat ng mga pagpapantig. Ang ambahan ang kanilang natatanging panitikan na kanilang napanatili sa pamamagitan ng pag-ukit nito sa mga kutsilyo, mga kagamitan at sa mga lukas o lalagyan ng nganga.

Ang mga Alangan o Mangyan sa hilaga ang purong Mangyan. Mayroon silang tipong Negrito. Sa mga kasukalan ng Mindoro sila nananahanan at kamote ang kanilang pangunahing pagkain.

Ifugao

baguhin

Sa gitnang bahagi ng hilagang Luzon ang tirahan ng mga Ifugao. Galing sa litang ipugo na ang ibig sabihin ay "mula sa mga burol" ang salitang Ifugao.

Ang tipikal na pamayanan ng mga Ifugao ay ang tumpok ng mga kwadradong kubo na natutukuran ng poste. Tulad ng ibang lipunan, mayroon ding mga ari-arian ang mga Ifugao. Ang mga mayaman at mga may titulo ang nag-aari ng maraming hinagdang palayan. Tuwing may pagdiriwang ang mayayaman tulad ng kasal o libing, masagana ang handaan.

Sila ang gumawa ng Rice Terraces na walang gamit na makina, ginawa ito sa pamamagitan ng kanilang mga kamay. Ang mga Igorot ay isang grupong etniko sa Pilipinas. Matatagpuan sila sa Cordillera, sa isla ng Luzon, sa hilaga ng bansa. Mayroong anim na lalawigan sa Cordillera Administrative Region (CAR): ang Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga, at Mountain Province. Nag-iisang lungsod sa CAR ang lungsod ng Baguio. May anim na etnolinggwistikong grupo sa parte ng mga pook na tinitirhan ng mga Igorot: ang Bontoc, Ibaloi, Ifugao, Isneg (o Apayao), Kalinga, at Kankanaey. Ang mga Igorot ay kilala sa kanilang pagiging masipag, matatag, at tapat sa kanilang pinagmulan. Mga ugaling hindi basta basta hinahayaang makuha ng iba ang kanilang mga namana o nakuhang mga kayamanan. Mahalaga sa kanila ang lupa, sapagkat ito ang pangunahing ikinabubuhay nila. Ang isang patunay nito ang Hagdan-hagdang Palayan ng Banawe sa isang tribu sa Ifugao.

Kalinga

baguhin

Matatagpuan ang mga Kalinga sa pinakahilagang bahagi ng Luzon. Mahilig sila sa makukulay na pananamit at pampaganda. Napakahalaga sa kanila ng mga pampalamuting alahas sa buong katawan. Ang ibinibigay na dote para sa ikakasal ay tinatawag na ballong o kalon.

Bilang mga mandirigma at mamumugot, ginagawa ng mga Kalinga ang budong, isang kasunduang pangkapayapaan, upang maiwasan nila ang pakikidigma sa isa't isa.

Itawes

baguhin

Matatagpuan ang mga Itawis sa timog-kanlurang bahagi ng Cagayan. Ang Itawes ay nagmula sa mga salitang I at tawid na nangangahulugang "mga tao sa kabila ng ilog". Kilala rin sila sa tawag na Itawit, Tawish, Itawi at Itaves. Karaniwang naninirahan ang mga Itawis sa isang pamayanan kasama ang mga Ibanag at may sarili din silang wika na ang tawag din ay Itawis.

Pangunahing ikinabubuhay ng mga Itawes ang pag-aalaga ng hayop, pangangaso, pangingisda, paggawa ng alak, bulak paghahabi at pagsasaka.

Kankana-ey

baguhin

Ang mga Kankana-ey ang pangatlo sa pinakamalaking pangkat sa bulubunduking lalawigan ng hilagang Luzon. May maraming pangkat ang mga Kankana-ey, ang ilan sa kanila ay matatagpuan sa iba't ibang bahagi ng Benguet at maging sa iba't ibang bahagi ng La Union at malalapit na probinsiya, samantalang ang iba naman ay matatagpuan sa iba't ibang bahagi ng Mountain Province at mga lalawigang malapit dito. Halos walang ipinagkaiba ang dalawang pangkat na ito ng Kankana-ey sa anyo at porma ngunit marami ang pinagka-iba sa kanilang kultura at paniniwala.

Pagsasaka ang pangunahing hanap-buhay ng mga Kankana-ey. Nagsasaka sila sa pamamagitan ng kaingin. Pangunahing pinagkukunan ng kanilang kabuhayan ang pangangaso at pangingisda. Hinuhuli nila ang usa at baboy ramo sa pamamagitan ng aso at lambat.

Kadalasan ang kadangyan o baknang na tradisyunal na aristokrasya at ang mga matatanda ang may malaking impluwensiya sa lipunan. Naniniwala sila sa pagkakaroon ng iisang asawa. Ang pamilya ang pangunahing yunit ng lipunan. Ang ama ang puno rito. Siya ang inaasahang magbibigay ng lahat ng kabuhayan ng pamilya.

Ilongot

baguhin

Nangangahulugan na "mula sa gubat" ang pangalang Ilongot, ang pangkat na matatagpuan sa kagubatan ng Isabela at Nueva Vizcaya. Kung minsan, tinatawag din silang Ilongotes o Ibilao. Mahilig silang gumamit ng pana na kanilang natutuhan sa mga Negrito. Nagsasaka ng palay, tabako, saging, kamote at gulay ang mga Ilonggo Nanghuhuli rin sila ng baboy-ramo, usa at ibon sa gubat. Kanilang ipinagpapalit ng tela, kutsilyo at asin ang mga produktong ito sa mga nasa kapatagan.

Sumasamba sa maraming diyos ang mga Ilongot. Bukod dito, sinasamba rin nila ang araw, kaluluwa ng mga namatay at iba pang kaluluwa kalikasan.Ang mga katangian ng isang ilonggo ay malumanay at malambing

Ibaloy

baguhin

Ang mga Ibaloy ay matatagpuan sa mga munisipalidad ng Kabayan, Bokod, Sablan, Tublay, La Trinidad, Itogon, Benguet at Tuba sa timog-silangan ng Benguet. Kasama sa wika ng mga Ibaloy ang ilang salitang Ilokano at Pangasinense.

Ang mga Ibaloy ay kayumanggi, mababa at may matipunong pangangatawan. Nakatira ang mga Ibaloy sa mga mabundok at mabatong lugar. Gawa sa kogon o nipa ang karaniwang bahay ng mga Ibaloy. May pintuan itong nakaharap sa hilaga o silangan at walang bintana. Marami silang kasanayan para sa pag-aangkop sa kapaligiran tulad ng hagdang-hagdang taniman sa gilid ng bundok at pagpapatubig sa mga ito sa tulong ng mga tubong kawayan.

Masisipag na magsasaka ang mga Ibaloy. Nagtatanim sila ng lahat ng uri ng gulay, strawberry at mga prutas. Mga lalaki ang naghahabi ng basket.

Dati, ang tungtong o konseho na binubuo ng baknang o mayayamang pangkat at matatalino ang nagpapasya sa pamayanan. May mga batas sila na sumasakop sa mga kaugalian sa kasal, diborsiyo, pagmamana at mga krimen. Kinikilala rin nila ang kapangyarihan ng pambansang pamahalaan.

Sa kasalukuyang panahon, nananatili pa rin ang kasal ng mga Ibaloy sa simbahang Katoliko ngunit sinusunod pa rin nila ang kasunduan ng anak na ipakakasal. Sa handaan, tradisyong Ibaloy pa rin ang nasusunod.

Kilala rin sa tawag na Apayao o Ina-gang mga Isneg na matatagpuan sa Kalinga at Apayao. Karaniwan na sa matatarik na dalisdis at mabababang burol na malapit sa mga ilog nagtatatag ng pamayanan ang mga Isneg.

Bigas ang pangunahing pagkain ng mga Isneg. Maliban sa palay, nagtatanim sila ng mais, kamote, taro at tubo para sa paggawa ng basi. Ginagawa nila ang pagtatanim matapos ang ilang ritwal o seremonya ayon na rin sa kanilang paniniwala na kaugnay ng lupa, gubat at ilog ang buhay. Ayon sa kanilang batas, ang pag-aari ng lupa ay batay sa pagiging una sa paggamit nito, aktwal na paggamit at pagtira rito at kung ito ay namamana.

Naiiba ang anyo ng bahay ng mga Isneg sa mga bahay ng iba pang pangkat-etniko sa Cordillera. Hugis-bangka ang bahay ng mga Isneg na kanilang tinatawag na binuron. Maraming pamilya ang maaaring tumira sa binuron na may isang silid lamang.

Ivatan

baguhin

Mga mamamayan ng Batanes ang mga Ivatan. Relihiyoso, masisipag, matitiyaga, magagalang at mapagkakatiwalaan ang mga Ivatan. [kailangan ng sanggunian] Karaniwan sa kanila ang pagsusuot ng bakol, isang uri ng sombrero na gawa sa hinabing dahon ng palmera.

Madalas na dinaraanan ng bagyo ang Batanes kaya mababang hugis-kahon ang mga bahay ng mga Ivatan. Gawa ito sa bato, kogon at apog. Mayroon itong maliliit na bintana.

Mga halamang-ugat ang kanilang itinatanim at ito rin ang kanilang pangunahing ikinabubuhay.

Sa kasalukuyan, marami na ring mga Ivatan ang nakatapos ng kursong tulad ng inhinyeriya, medisina, edukasyon at iba pa.

Matatagpuan ang mga Isinay sa Aritao, Bayombong at Dupax sa Nueva Vizcaya. Katulad ng mga Ivatan, hawig ang kanilang anyo sa mga Ainu ng bansang Hapon at nahahawig ang kanilang wika sa Pangasinense. Nabibilang ito sa mga diyalekto ng Ilokano.

Kristiyano ang malaking bahagi ng populasyon ng mga Isinay. Bukod sa pagsasaka, isa pa rin sa kanilang pangunahing ikinabubuhay ang paghabi ng tela.

Mga Tao ng Palawan

baguhin

Pangkat etniko sa Visayas

baguhin

Mga Pangkat etniko sa Mindanao

baguhin

Iranun

baguhin

Ang Iranun ay isang etniko group na native sa Mindanao , sa Pilipinas, at ang kanlurang baybayin ng Sabah , Malaysia ( kung saan sila ay matatagpuan sa 25 mga nayon sa paligid ng Kota Belud at Lahad Datu distrito ; din sa Kudat at Likas , Kota Kinabalu ).

Para sa mga siglo , ang mga Iranun ay orihinal na mula sa Kasultanan ng Maguindanao , sa timog Mindanao , ang Iranun colonies ay kumalat sa buong Mindanao , ang Sulu Archipelago at sa hilaga at silangang baybayin ng Borneo . Karamihan sa Iranun ay mga Muslim . Ang kanilang wika ay bahagi ng Austronesian pamilya , at pinaka malapit na nauugnay sa Maranao.

Iranun ay isa sa mga pinakalumang umiiral na tribung muslim sa Pilipinas. Iranuns ang mga unang tao na pumasok sa isang kasal pagkakahawig sa Shariff Aulia at Shariff Kabunsuan . Bai Sa Pandan ( Princess Pagunguwan , anak na babae ng Raha Urangguwan ) at Bai Angintabu ayon sa pagkakabanggit. Ang kanilang matrimonyo kung saan si Sultan Kudarat isang Iranun ay direktang nakuha ang kanyang linya sa kanila. Iranun ay isang lahi ng bansa sa pagitan ng Karibang - Karingke Linya ng paglapag at huling mga Malay migrante. Ang unang pinuno ay si Raha Urangguwan . Ang pangalan ng kanilang lugar ( estado) ay Uranen

Ang mga Iranun ay naninirahan sa Parang, Sultan Kudarat, Matanog, Buldon, Barira, Sultan Mastura, Alamada at sa syudad ng Cotabato at Pagadian.

Maranao

baguhin

Ang mga Maranao ay nakatira sa paligid ng Lawa ng Lanao – Lanao del Sur, Lanao del Norte, Lungsod ng Marawi at Lungsod ng Iligan. "Lawa" ang kahulugan ng salitang "ranao" kung saan hinango ang kanilang pangalan.

Ang Marawi ang tinaguriang lungsod ng mga dugong bughaw na Maranao. Sa malalaking bahay sila nakatira na may malalawak na pasilyo ngunit walang silid. Tanging ang mga dugong bughaw lamang ang pinapayagang manumit ng kulay ginto. Kadalasang makikita ang mga karaniwang Maranao na may dalang nakatiklop na banig pandanus. Kanila itong ginagamit sa sahig ng tahanan at sa mga moske.

Buo pa rin at hindi naiimpluwensiyahan ang kulturang Maranao. Nananatili pa rin ang kanilang tunay na naiibang disenyo at kulay sa kanilang mga gawang ukit, damit at banig at sa kanilang mga kagamitang gawa sa tanso.

T'boli

baguhin

Sa Cotabato matatagpuan ang mga T'boli. Nangangaso sila, nangingisda at nangunguha ng mga prutas sa kagubatan na kanilang ikinabubuhay. Kaingin ang sistema ng kanilang pagsasaka. Gumagawa sila ng tela para sa damit mula sa t'nalak na hinabi mula sa hibla ng abaka.

Walang "pari" ang mga T'boli na gumaganap ng mga sagradong ritwal o nagsisilbing tagapamagitan sa tao at sa mga bathala. Kadalasang iniuukol ng mga kababaihan ang kanilang panahon sa pagpapaganda sa sarili. Nagpapahid sila ng pulot-pukyutan sa mukha, nagsusuot ng maraming hikaw, kwintas, maliliit na kampanilya at binurdahang damit.

Nagpapalagay ng tatu o hakang ang mga babae. Maaaring mag-asawa nang marami ang lalaking T'boli.

Tausug

baguhin

Kinikilala sa katapangan at kahusayan sa pakikidigma ang mga Tausug. Hindi sila kailanman umuurong sa anumang labanan sapagkat para sa kanila, ang karuwagan ay batik sa karangalan ng pamilya. Likas na mapagbigay at palakaibigan ang mga Tausug. Nalinang ang ugaling ito sa kanilang pakikipag-ugnayan at pakikipagkalakalan sa mga tao sa Timog-silangang Asya.

May pagkakaiba ang mga Tausug na nasa mga burol na tinawag na tao giniba at nasa mga dalampasigan na tinawag na tao higad. Mangingisda ang mga nakatira sa malapit sa dagat at magsasaka naman ang mga nasa loobang bahagi. Naninisid ng perlas ang nasa may dalampasigan na kanilang ipinagpapalit ng seda, tanso at bakal sa mga taga-Borneo at Sabah. Kanila ring ipinagpapalit ang mga ito ng pagkain sa mga magsasaka. Ang kalakalang ito ang nagdala ng Islam sa Sulu.

Badjao

baguhin

Ang pangkat na Badjao ay naninirahan sa Sulu, sa mga bayan ng Maubu, Bus-bus, Tanjung, Pata, Tapul, Lugus, Bangas, Parang, Maimbung, Karungdung at Talipaw. Tinatawag din silang Luaan, Lutaos, Bajau, Orang Laut, Samal Pal'u at Pala'u. Samal ang kanilang wika.

Kahawig ng mga Samal ang kanilang kultura. May haka-hakang sila at ang mga Samal ay isang pangkat na nagmula sa Johore sa dakong timog ng pinensulang Malaya.

Nakatira sila sa mga bangkang-bahay. Isang pamilya na may myembrong 2–13 miyembro ang maaaring tumira sa bangkang-bahay.

Pangingisda ang pangunahin nilang hanapbuhay. Gumagawa rin sila ng mga vinta at mga gamit sa pangingisda tulad ng lambat at bitag. Ang mga kababaihan ay naghahabi ng mga banig na may iba't-ibang uri ng makukulay na disenyo. Magaling din silang sumisid ng perlas.

Dahil malapit sa Tausug, karamihan sa kanila ay Muslim. Gayunpaman, naniniwala pa rin sila sa umboh o kaluluwa ng kanilang mga ninuno.

Subanen

baguhin

Ang mga Subanen ay matatagpuan sa mga kabundukan ng Zamboanga del Norte at Zamboanga del Sur. Kayumanggi sila at may makapal at maitim na buhok. Naniniwala sila sa iisang ninuno lamang sila nagmula.

Cuyunon

baguhin

Ang mga Cuyunon ay naninirahan sa mga pulo ng Busuanga. Agutaya at Cuyo sa gitna ng Dagat Sulu sa silangan ng Palawan at timog-kanluran ng Panay. Ayon kay Padre Luis de Jesus, isa sa mga Espanyol na nakarating sa Cuyo at Busuanga, ang mga Cuyunon ay may dugong Tsino kaya masisipag sila at matatalino sa kalakalan. Pagkakaingin ang kanilang paraan ng pagsasaka. Nagtatanim sila ng palay, mais, kamote, at ube. Pangalawang pinagkukunan ng kanilang ikinabubuhay ang pangingisda.

Pangkat-pangkat ang mga Cuyunon kung magsaka, mangisda at kahit sa maliliit na gawaing tulad ng paglilinis ng bahay. Madalas na nag-uugnayan ang magkakapitbahay at nag-iinuman ang mga kalalakihan matapos ang kanilang gawain. Sa kanila ng pagiging Kristiyano ng mga Cuyunon, laganap pa rin ang kanilang pagsamba sa kaluluwa ng mga yumao at mga ritwal ng mga babaylan. Ang ritwal na kanilang tinatawag na palasag ay ginaganap bago mahinog ang mga palay. Para naman sa pagpapagaling sa mga maysakit, ginaganap ang taga-blac upang paalisin sa katawan ng maysakit ang masamang ispiritu. Ang patulod-sarot naman ang ritwal para mapigilan ang paglaganap ng epidemya. Hindi sila naniniwala sa mga ibang tao

Bagobo

baguhin

Matatagpuan ang mga Bagobo sa mga baybayin ng golpo ng Davao. Maputi sila, may matipunong pangangatawan at malapad na mukha. Kulay-mais ang kanilang buhok na may natural na kulot. Itim ang kanilang mga mata na may bahagyang pagkasingkit. Sadyang inahit nang halos guhit na lamang ang kilay ng mga Bagobo. Makapal ang kanilang labi at bilugan ang baba.

Ang mga Bagobo ang unang pangkat na nadatnan ng mga Espanyol sa Mindanao. Noong panahong iyon, nagkakalakalan na ang iba't ibang tribu ng Bagobo. Pangunahing ikinabubuhay nila ang pagsasaka dahil na rin malapit ang kanilang panahanan sa pinagkukunan ng tubig. Pinagsasalit-salit nilang itanim ang palay at mais. Walang malinaw na pagkakaiba ang mga gawain ng babae at lalaking Bagobo. Kapwa naghihimay ng hibla ng abaka ang babae at lalaki gayundin ang paghabi ng basket.

Napapangkat sa tatlo ang tradisyunal na lipunan ng mga Bagobo. Ang bayani ang mandirigma at ang datu ang pinuno ng mga ito. Minamana ang pagiging datu. Pangunahing tungkulin ng datu ang tumayong huwes, mag-ayos ng mga gulo at ipagtanggol ang tribu. Ang mga mabalian o paring babae ang pangalawang uri sa lipunan. Sila ang matatandang babaing mahuhusay sa paghahabi.

Nagtatanim sila ng palay, niyog, kamoteng kahoy, lansones at mais. May sistema ng pagpapalitan sa pagsasaka ng Yakan. Nagagawa sa maikling panahon ang pag-aararo dahil pinagtutulung-tulungan ng mga magkakamag-anak at magkakaibigan ito. Punong- puno ng mga tradisyunal na paniniwala at kaugalian ang kanilang mga gawain sa pagsasaka. May paniniwala silang ang palay ay may sultan at mga pinuno kaya kinakausap nila ang “Paring” palay upang mamuno sa iba pang mga binhing palay sa pagkakaroon ng masaganang ani. Kailangang ding tahimik sila habang nag-aani ng palay sa pangambang makatawag n gang iangay at maaaring liparin palayo ang palay.

Patriarka ang uri ng lupaing Yakan kung saan ang amana o ama ang pinakapuno ng pamilya. Napakalapit ng ugnayan ng magkakamag-anak kaya lapit-lapit ang kanilang mga bahay at handang tumulong ang bawat isa sa sinuman sa kanila na magkaroon ng kasawian o kaya kapag may kasayahan.

Maraming ipinagbabawal sa buhay ng mga Yakan. Ipinagbabawal sa kanila ang pagpapakasal sa magpinsang makalawa ngunit maaaring magpakasal ang magpinsang buo manatili ang yaman ng angkan. Maaaring magpakasal nang higit sa apat ang lalaking Yakan kung kaya niyang bigyan ang mga ito ng sapat na kabuhayan. Pinapayagan din sa kanila ang diborsiyo kung pumapayag dito ang lalaki.

Ang mga Yakan lamang ang tanging pangkat na kapwa nagsususot ng malong ang lalaki at babae. Isinusuot ng lalaking Yakan ang malong sa kanyang ulo samantalang ipinupulupot naman ito ng mga babae sa kanilang baywang.

Mga hindi-katutubong pangkat etniko

baguhin