Talaan ng mga etimolohiya ng mga pangalan ng mga lungsod sa Pilipinas

Mula noong 2010, kinuha ang mga pangalan ng higit sa 120 lungsod sa Pilipinas mula sa iba't ibang mga wikang katutubo (Austronesyo) at dayuhan (halos Kastila). Nagmula ang panagalan ng karamihan sa mga lungsod sa Pilipinas sa mga pangunahing wikang pangrehiyon kung saan nakatagpo ang lugar kabilang ang Tagalog (Filipino), Sebwano, Ilokano, Hiligaynon, Bikolano, Kapampangan at Pangasinense. Sinusulat ang karamihan ng mga ito gamit ang ortograpiyang Kastila, ngunit napanatili rin ng ilan ang kanilang mga katutubong pagbaybay. Eksklusibong nagmula ang mga pangalan ng tatlumpu't anim na lungsod sa wikang Kastila habang nakuha ang mga pangalan ng hindi bababa sa tatlo mula sa lumang wikang Sanskrito.

Sa 120 lungsod, pinangalanan ang labing-apat bilang parangal sa isang indibidwal habang pinangalanan ang sampu sa mga santo.

Mga pangalan ng lungsod

baguhin
Pangalan ng lungsod Lalawigan Pinagmulan ng pangalan
Alaminos Pangasinan Juan Alaminos y Vivar, Kastilang Gobernador-Heneral ng Pilipinas.
Angeles Pampanga isang pag-ikli ng kanyang orihinal na pangalan sa Kastila El Pueblo de los Angeles na may kahulugang "Ang Bayan ng mga Anghel."
Antipolo Rizal Kinastilang anyo ng parilalang Tagalog na ang tipolo na may kahulugang "ang rimas" bilang pagtukoy sa mga punong tumutubo nang sagana sa lungsod.
Bacolod Negros Occidental Kinastilang anyo ng bakolod, isang lumang salitang Hiligaynon para sa "burol" bilang pagtukoy sa maburol na lugar sa lungsod na kilala ngayon bilang barangay ng Granada.
Bacoor Cavite Kinastilang anyo ng bacood, nagmula sa salitang Tagalog na "bakod."[1]
Bago Negros Occidental Mula sa bago-bago, isang lokal na palumpong.
Baguio Benguet Kinastilang korapsyon ng salitang Ibaloi na bagiw na may kahulugang "lumot."
Bais Negros Oriental Sebwano para sa "malaking, makakaing ayunging igat."
Balanga Bataan Pampango para sa "palayok."
Batac Ilocos Norte Higit sa isang pinagmulan, ngunit pinaniniwalan na nakuha ang pangalan ng lugar mula sa batak, isang salitang Ilocano na may kahulugang "hila" bilang pagtukoy sa pakikipagtulungan o ang pagbibigay-tulong sa isang taong nangangailangan. Dahil doon, marahil na nagmula ang pangalan mula sa karaniwang katangian ng mga tao na palaging handa na magbigay-tulong sa sinuman.[2]
Batangas Batangas Mula sa batang, ang salitang Tagalog para sa "kalap" bilang pagtukoy sa mga baol ng mga natrosong puno na dating pinapalutang sa Ilog Calumpang na umaagos sa kabuuan ng lungsod.
Bayawan Negros Oriental Mula sa bayaw, isang salitang Cebuano na may kahulugang "itaas" or "ilayog."[3]
Biñan Laguna Kinastilang korapsyon ng binyagan, ang salitang Tagalog para sa "pinagbibinyagang lugar."
Bislig Surigao del Sur Mula sa bizlin, isang sinaunang salaping ginto.
Butuan Agusan del Norte Mula sa batuan, isang Bisayang maasim na prutas.
Cabanatuan Nueva Ecija Mula sa banatu, isang matipunong bagin na tumubo sa mga tanlak ng io Grande de Pampanga.[4]
Cabuyao Laguna Mula sa cabuyao, ang karaniwang pangalan para sa Citrus macroptera, isang sarihay ng kamuntay.
Cadiz Negros Occidental Ang lungsod of Cádiz sa Espanya.[5]
Cagayan de Oro Misamis Oriental Cagayan, ang lalawigan sa Pilipinas sa hilagang Luzon, at ang Kastilang pariralang de oro na may kahulugang "ng ginto."
Calamba Laguna Kinastilang korapsyon ng kalan-banga, Tagalog for "kalan na gawa sa luad."
Calapan Mindoro Oriental Kinastilang anyo ng kalapang, isang salita sa lumang Tagalog na may kahulugang "sangay."[6]
Calbayog Samar Mula sa bayog, salitang Bisaya para sa punong "Pterospermum diversifolium" na masagana sa lungsod.[7]
Caloocan Kalakhang Maynila Kinastilang anyo ng Tagalog na salitang ugat na lo-ok; kalook-lookan (o kaloob-looban) na may kahulugang "kaibuturang pook."
Candon Ilocos Sur Mula sa kandung, isang Ilokanong apalit na pinaniniwalang lipol na; o Candón, isang munisipalidad ng Espanya sa Huelva, Andalucia.
Canlaon Negros Oriental Bulkang Kanlaon.
Cauayan Isabela Kinastilang anyo ng kawayan.
Cavite Cavite Kinastilang anyo ng kawit o korapsyon ng kalawit bilang pagtukoy sa mga maliit na tangway na hugis-kalawit umuungos sa Look ng Maynila.
Cebu Cebu Kinastilang korapsyon ng sugbu, ang salitang Bisaya para sa "paglalakad sa mababaw na tubig" bilang pagtukoy sa mga mabababaw na kinailangang pag-iinut-inutan para maabutan ang tuyong lupa mula sa daungan ng lungsod.
Cotabato Maguindanao Kinastilang anyo ng kuta wato, Maguindanao (mula sa Malay - "Kota Batu") para sa "kutang bato."
Dagupan Pangasinan Mula sa pandaragupan, isang salitang Pangasinense na may kahulugang "tipunan" dahil sa kasaysayan ng lungsod bilang sentro ng merkado.[8]
Danao Cebu Kinastilang anyo ng danawan, isang salitang Sebwano para sa "lago."[9]
Dapitan Zamboanga del Norte Sebwano para sa "anyayahan."[10]
Dasmariñas Cavite Gómez Pérez Dasmariñas, ang ikapitong Kastilang Gobernador-Heneral ng Pilipinas.
Davao Davao del Sur Kinastilang anyo ng dawaw, isang pangalang Guiangan para sa Ilog Davao.
Digos Davao del Sur Kinastilang korapsyon ng padigus, isang salitang Lumad na may kahulugang "maligo" bilang pagtukoy sa Ilog Digos.
Dipolog Zamboanga del Norte Mula sa dipag, Subanon para "sa kabila ng ilog."
Dumaguete Negros Oriental Mula sa dagit, isang salitang Sebwano na may kahulugang "agawin" bilang pagtukoy sa maladas na nagdadarambong na atake ng mga pirata sa nakaraan at sa kabisaan ng lungsod na akitin at ipalagi ang mga turista at bisita.
Escalante Negros Occidental Ang Escalante, isang Kastilang munisipalidad.[11]
Gapan Nueva Ecija Mula sa gapang.
General Santos South Cotabato Si Paulino Santos, isang Filipino Namumunong Heneral ng Hukbong Katihan ng Pilipinas.
Gingoog Misamis Oriental Kinastilang anyo ng hingoog, isang salitang Manobo na may kahulugang "gud lak."
Himamaylan Negros Occidental Mula sa hima babaylan, isang pariralang Hiligaynon na may kahulugang "doktor ng paa."
Iligan Lanao del Norte Ang salitang Higaonon para sa "kuta".
Iloilo Iloilo Kinastilang korapsyon of irong-irong, ang salitang Hiligaynon para sa "mala-ilong" na tumutukoy sa hugis ng deltang nabuo ng mga Kailugang Iloilo and Salog.
Iriga Camarines Sur Mula sa i raga, isang pariralang Bicolano na may kahulugang "may lupa."
Isabela Basilan Si Isabella II, Reyna ng Espanya.
Kabankalan Negros Occidental Mula sa bangkal, isang Pilipinong punong Leichhardt.
Kidapawan Cotabato Mula sa tida pawan, isang pariralang Manobo na may kahulugang "kataasang balintang".
Koronadal South Cotabato Mula sa koron nadal, isang pariralang B'laan na may kahulugang "damuhan."
La Carlota Negros Occidental Ang La Carlota, isang munsipalidad ng Espanya.
Laoag Ilocos Norte Salitang Ilokano para sa "liwanag o kalinawan."
Lapu-Lapu Cebu Si Lapu-Lapu, ang sinaunang pinuno ng Mactan.
Las Piñas Kalakhang Maynila Kastila para sa "Ang Mga Pinya"; ngunit ang lumang pangalan ng lungsod ay "Las Peñas" na may kahulugang "Ang Mga Bato".[12]
Legazpi Albay Si Miguel López de Legazpi, ang unang Kastilang Gobernador-Heneral ng Pilipinas.
Ligao Albay Mula sa ticao, isang salitang Bikolano para sa isang puno na may makamandag na dahon.
Lipa Batangas Mula sa lipa, isang Pilipinong linden tree.
Lucena Quezon Ang Lucena, isang munsipalidad ng Espanya.[13]
Maasin Southern Leyte Salitang Sebwano para sa "maalat."
Makati Kalakhang Maynila Mula sa kumakati (tubig); pinaikling at isinafilipinong anyo ng kanyang orihinal na pangalan sa Kastila, San Pedro de Macati."
Malaybalay Bukidnon Mula sa pariralang Sebwano na may kahulugang "bahay ng mga Malay".
Malolos Bulacan Mula sa paluslos, isang salitang Kapampangan na may kahulugang "ilawod" bilang pagtukoy sa Ilog Calumpit.
Mandaluyong Kalakhang Maynila Mula sa daluyong, salitang Tagalog para sa "malalaking alon mula sa dagat"; ang dating pangalan ng lungsod ay San Felipe Neri.
Mandaue Cebu Kinastilang anyo ng mantawi, isang Sebwano uri ng alak.[14]
Manila Kalakhang Maynila Kinastilang korapsyon ng pariralang Tagalog-Sanskrito na may nila bilang pagtukoy sa paglaganap ng puno.
Marawi Lanao del Sur Mula sa rawi, isang salitang Maranao na may kahulugang "sumasandal" bilang pagtukoy sa mga liryong yumuyuko pahilaga sa tabing-ilog sa delta ng Ilog Agus.
Marikina Kalakhang Maynila Si Félix Berenguer de Marquina, ang Kastilang Gobernador-Heneral ng Pilipinas.
Masbate Masbate Kinastilang korapsyon of masabat, salitang Bikolano para sa "masalubong," bilang pagtukoy sa madiskarteng posisyon ng lungsod sa mga tagatabing-dagat na ruta ng pangangalakal sa Pilipinas.
Meycauayan Bulacan Kinastilang anyo ng pariralang Tagalog na may kawayan.
Muntinlupa Kalakhang Maynila Mula sa munting lupa.
Muñoz Nueva Ecija Si Francisco Muñoz, isang Kastilang pulitiko at dating gobernadorcillo ng Nueva Ecija.[15]
Naga Camarines Sur Salitang Bikolano para sa narra.
Naga Cebu Salitang Sebwano para sa narra.
Navotas Kalakhang Maynila Kinastilang anyo ng salitang Tagalog na nabutas bilang pagtukoy sa pagbuo ng Ilog Navotas.
Olongapo Zambales Kinastilang korapsyon ng olo nin apo, isang pariralang Sambal na may kahulugang "ulo ng matanda."
Ormoc Leyte Kinastilang korapsyon ng ogmok, isang salitang Sebwano na may kahulugang "libis" or "kapatagan."
Oroquieta Misamis Occidental Ang barrio ng Oroquieta sa distrito ng Villaverde sa Madrid, Espanya.
Ozamiz Misamis Occidental Si José Ozámiz, isang Filipinong pulitika mula sa Mindanao.
Pagadian Zamboanga del Sur Mula sa padian, isang salitang Iranun para sa "merkado."
Palayan Nueva Ecija Ang salitang palayan.
Panabo Davao del Norte Mula sa taboan, isang salitang Sebwano na may kahulugang "pamilihan."
Parañaque Kalakhang Maynila Kinastilang korapsyon ng Palanyag, ang pangalan sa lumang Tagalog ng Ilog Parañaque.
Pasay Kalakhang Maynila Si Dayang-dayang Pasay, isang prinsesang Namayan. Ang lumang pangalan ng lungsod ay Pineda mula kay Cornelio Pineda, isang Kastilang hortikulturista.
Pasig Kalakhang Maynila Mula sa pasi, isang salitang Sanskrito na may kahulugang "tabing-ilog."
Passi Iloilo Mula sa passis, isang salitang Kinaray-a na may kahulugang "palay."
Puerto Princesa Palawan Isang pag-ikli ng kanyang orihinal na pangalan sa wikang Kastila na Puerto de la Princesa na may kahulugang "Daungan ng Prinsesa" na ipinangalan kay Prinsesa Eulalia ng Espanya.[16]
Quezon Kalakhang Maynila Si Manuel Luis Quezon, ang ikalawang pangulo ng Pilipinas.
Roxas Capiz Si Manuel Acuña Roxas, ang ikalimang pangulo ng Pilipinas.
Sagay Negros Occidental Mula sa sigay, isang salitang Hiligaynon para sa "kabibe."
Samal Davao del Norte Ang mga Sama, isang katutubong pangkat-etniko sa Mindanao.
San Carlos Negros Occidental Si San Carlos Borromeo.
San Carlos Pangasinan Ipinangalan kay Carlos III ng Espanya na nag-utos sa mga Kastilang pinuno na pugnawin ang bayan ng Binalatongan (ang kanyang dating pangalan).
San Fernando La Union Si San Fernando, Hari ng Espanya.
San Fernando Pampanga Si San Fernando, Hari ng Espanya.
San Jose Nueva Ecija Si San Jose.
San Jose del Monte Bulacan Si San Jose ng Bundok.
San Juan Kalakhang Maynila Si San Juan Bautista; ang mas mahabang opisyal na pangalan ng lungsod ay San Juan del Monte, "San Juan ng Bundok" sa wikang Kastila.
San Pablo Laguna Si San Pablo de Tebas.
Santa Rosa Laguna Si Santa Rosa de Lima.
Santiago Isabela Si Santiago ang Nakatatanda.
Silay Negros Occidental Mula sa kansilay, isang katutubong puno.
Sipalay Negros Occidental Suludnon para sa "may palay"[17]
Sorsogon Sorsogon Kinastilang anyo ng sogsogon, isang pandiwang Bikolano na may kahulugang "tumuloy nang tumuloy sa isang daan tulad ng landas o ilog."
Surigao Surigao del Norte Kinastilang korapsyon ng suligan, isang salitang Manobo para sa "kung saan may sulig," isang sarihay ng isda.
Tabaco Albay Salitang Kastila para sa "tabako."
Tacloban Leyte Kinastilang korapsyon ng tarakluban, isang salitang Waray-Waray na may kahulugang "manghuli ng isda."
Tacurong Sultan Kudarat Kinastilang korapsyon of talakudong, isang salitang Maguindanao na nagtutukoy sa isang tradisyonal na "sambalilo."
Tagaytay Cavite Ang salitang tagatay.
Tagbilaran Bohol Mula sa tagubilaan, isang pariralang Boholano na may kahulugang "magtago sa mga Moro."[18]
Taguig Kalakhang Maynila Kinastilang anyo ng taga-giik.
Tagum Davao del Norte Mula sa magugpo, isang salitang Mandaya na may kahulugang "mataas na puno."
Talisay Cebu Mula sa talisay, isang Bisayang baryante ng almendro.
Talisay Negros Occidental Mula sa talisay, isang Bisayang baryante ng almendro.
Tanauan Batangas Kinastilang anyo ng tanawan.
Tangub Misamis Occidental Mula sa tangkob, isang salitang Subanon na may kahulugang "bilao."[19]
Tanjay Negros Oriental Kinastilang korapsyon of taytay, isang salitang Sebwano na may kahulugang "tulay na gawa sa kawayan."[20]
Tarlac Tarlac Kinastilang pagsasalin ng tarlak, isang terminong Aeta para sa isang uri ng damo na magkaugnay sa talahib (cogon) at tanglar (salitang Zambal para sa tanglad).
Tayabas Quezon Mula sa bayabas o "guava".[21]
Toledo Cebu Ang Toledo, isang lungsod sa Espanya.
Trece Martires Cavite Kastila para sa "tatlumpung martir." Ipinangalan ang lungsod sa karangalan ng mga Tatlumpung Martir ng Cavite.
Tuguegarao Cagayan Kinastilang anyo ng pariralang Ibanag na tuggui gari yaw na nangangahulugang "apoy ito dati."
Urdaneta Pangasinan Si Andrés de Urdaneta, isang Kastilang prayle, sirkumnabigador at manggagalugad.
Valencia Bukidnon Ipinangalan ng unang lokal na guro ng paaralan sa nayon na nanggaling mula sa Valencia, Bohol.
Valenzuela Kalakhang Maynila Si Pío Valenzuela, isang Filipinong patriota.
Victorias Negros Occidental Mula sa Nuestra Señora de las Victorias, wikang Kastila para sa "Birhen ng Pagwawagi".
Vigan Ilocos Sur Pagkakastila ng bî-gán (美岸), salitang Hokkien para sa "magandang baybayin".
Zamboanga Zamboanga del Sur Kinastilang anyo ng samboangan, salitang Sinama para sa "daong," o sa letra por letra, "pook ng pugalan," na nagtutukoy sa panirahanan at bayang daungan sa timugang dulo ng kanlurang tangway ng Mindanao.

Tingnan din

baguhin

Talasalitaan

baguhin
  1. "History Background of Bacoor". bacoor.gov.ph. Nakuha noong Mayo 15, 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Brief Historical Background". batac.gov.ph. Nakuha noong Mayo 15, 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Cultural Heritage Naka-arkibo 2010-06-16 sa Wayback Machine. City Government of Bayawan. Retrieved April 23, 2012.
  4. Our History City Government of Cabanatuan. Retrieved April 23, 2012.
  5. Brief History Naka-arkibo 2012-02-17 sa Wayback Machine. City Government of Cadiz. Retrieved May 1, 2012.
  6. General Information Naka-arkibo 2011-02-17 sa Wayback Machine. City Government of Calapan. Retrieved April 23, 2012.
  7. Calbayog Naka-arkibo 2012-07-24 at Archive.is City Government of Calbayog. Retrieved April 23, 2012.
  8. History Part I - Spanish Rule Naka-arkibo 2010-04-03 sa Wayback Machine. Dagupan.com. Retrieved April 23, 2012.
  9. Danao City Brief History Naka-arkibo 2003-05-14 at Archive.is Retrieved April 21, 2012.
  10. Dapitan History Naka-arkibo 2012-03-05 sa Wayback Machine. Dapitan.com. Retrieved April 23, 2012.
  11. Escalante City History Negros Occidental Provincial Government. Retrieved April 23, 2012.
  12. History LasPinas.com. Retrieved May 1, 2012.
  13. About Lucena Naka-arkibo 2012-05-02 sa Wayback Machine. Quezon Provincial Government. Retrieved May 1, 2012.
  14. History of Mandaue City Naka-arkibo 2012-01-22 sa Wayback Machine. City Government of Mandaue. Retrieved April 21, 2012.
  15. All About Science City of Muñoz Naka-arkibo 2016-03-04 sa Wayback Machine. City Government of Muñoz. Retrieved May 1, 2012.
  16. History of Puerto Princesa Naka-arkibo 2018-08-05 sa Wayback Machine. Puerto Princesa Resorts. Retrieved May 1, 2012.
  17. About City of Sipalay Naka-arkibo 2012-03-02 sa Wayback Machine. City Government of Sipalay. Retrieved April 23, 2012.
  18. Tagbilaran City General Info Naka-arkibo 2012-09-13 at Archive.is City Government of Tagbilaran. Retrieved April 21, 2012.
  19. City of Tangub History Naka-arkibo 2012-05-11 sa Wayback Machine. City Government of Tangub. Retrieved April 23, 2012.
  20. Tanjay History Retraced Timoteo S. Oracion. Retrieved April 23, 2012.
  21. Tayabas Brief History Naka-arkibo 2012-09-03 at Archive.is ExploreQuezon.com. Retrieved April 23, 2012.