Unang Digmaang Pandaigdig

(Idinirekta mula sa Unang Digmaang Pangdaigdig)

Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay hidwaang internasyonal na naganap mula 1914 hanggang 1918 na kinasangkutan ng mga makapangyarihang bansa sa mundo na noon ay napapangkat sa dalawang magkalabang alyansa: ang Alyadong Puwersa (batay sa Tatluhang Kasunduan ng Imperyong Briton, Imperyong Ruso at Pransiya) at Puwersang Sentral (mula naman sa Tatluhang Alyansa ng Imperyong Aleman, Austriya-Unggarya at Italya). Ang digmaan ang isa sa mga pinakamapinsalang digmaan sa kasaysayan.[1][2]

Unang Digmaang Pandaigdig
  • Erster Weltkrieg (Aleman)
  • Első világháború (Hungaro)
  • Birinci Dünya Savaşı (Turko)
  • Първа световна война (Bulgaro)
  • Pŭrva svetovna voĭna
  • Première Guerre mondiale (Pranses)
  • First World War (Ingles)
  • Первая мировая война (Ruso)
  • Pervaya mirovaya voyna
  • Prima guerra mondiale (Italyano)
  • 第一次世界大戦 (Hapones)
  • Daiichijisekaitaisen

Pakanan mula itaas: isang lugar sa Larangang Kanluran; mga tangkeng Mark V ng Imperyong Briton; barkong pandigmang HMS Irresistible na lumulubog matapos makabangga ng mina sa Labanan ng Dardanelles; mga tripulante ng isang masinggang Vickers suot ang kani-kanilang maskarang pang-gas, at mga eroplanong Albatros D.III ng Imperyong Aleman
Petsa28 Hulyo 1914 – 11 Nobyembre 1918
Lookasyon
Resulta

Pagwawagi ng Alyadong Puwersa

Mga nakipagdigma

Alyadong Puwersa
Pransiya Pransiya
United Kingdom Imperyong Briton
Russian Empire Imperyong Ruso (1914–17)
Estados Unidos Estados Unidos
(1917–18)
Italya Italya (1915–18)
Imperyo ng Hapon Imperyo ng Hapon
Belhika Belhika
Serbiya Serbiya
Kaharian ng Montenegro Montenegro
Kaharian ng Rumanya Rumanya (1916–18)
Portugal Portugal (1916–18)

Kaharian ng Gresya Gresya (1917–18)

Puwersang Sentral Alemanya Imperyong Aleman
Austria Austriya-Unggarya
Imperyong Otomano Imperyong Otomano

Bulgaria Bulgarya (1915–1918)
Mga kumander at pinuno

Alyadong Puwersa Pransiya Reymundo Poincare
United Kingdom Jorge V
Russian Empire Nicolas II
Rusya Alejandro Kerensky
Estados Unidos Woodrow Wilson
Italya Victor Emmanuel III
Imperyo ng Hapon Taishō
Belhika Alberto I
Serbiya Pedro I
Kaharian ng Montenegro Nicolas I
Kaharian ng Rumanya Fernando I
Portugal Bernardino Machado

Kaharian ng Gresya Eleftherios Venizelos

Puwersang Sentral Alemanya Guillermo II
Austria Francis Jose I (1914–16)
Austria Carlos I (1916–18)
Imperyong Otomano Mehmed V

Bulgaria Fernando I
Mga nasawi at pinsala
sa panig ng mga sundalo...
Napatay:
Mahigit 5 milyon
Nasugatan:
Mahigit 12 milyon
Nawawala:
Mahigit 4 na milyon
Kabuuan:
Mahigit 22 milyon
...mga karagdagang detalye.
sa panig ng mga sundalo...
Napatay:
Mahigit 4 na milyon
Nasugatan:
Mahigit 8 milyon
Nawawala:
Mahigit 3 milyon
Kabuuan:
Mahigit sa 16 milyon
...mga karagdagang detalye.

Ang pagpaslang kay Archduke Franz Ferdinand ng isang makabayang Serbiyo na nagngangalang Gavrilo Princip noong 28 Hunyo 1914 ang itinuturing na siyang pinakasanhi ng pagsisimula ng digmaan. Nagsimula ito noong 28 Hulyo 1914 nang magpahayag ng pakikidigma ang Austriya-Unggarya laban sa Serbiya na siya namang nagbunsod sa dalawang magkalabang alyansang nabanggit, kasáma na maging ang kani-kanilang kolonya, na makibáka sa isa't isa. Makalipas ang ilan pang linggo, ang digmaan ay tuluyan nang lumaganap sa buong mundo.[3][4][5]

Matapos makapagpahayag ng pakikidigma ay kagyat na sinalakay ng Austriya-Unggarya ang Serbiya. Sinundan ito ng pananakop ng Imperyong Aleman sa Belhika, Luksemburgo at hilagang Pransiya, at ng bigong pananalakay ng Imperyong Ruso sa silangang Alemanya. Buhat naman nang mapipilan ng sandatahang Briton-Pranses ang pag-abante ng sandatahang Aleman patungong Paris ay nauwi na sa pakikidigmang pambambang ang mga sagupaan doon na siya naman nagdulot upang halos hindi na umusad ang magkabilang panig. Nang mga sumunod na taon ay nakisangkot na rin sa digmaan ang Imperyong Otomano, Italya, Bulgarya, Rumanya, Gresya at iba pa samantalang bumagsak ang monarkiya sa Rusya matapos ang Himagsikang Ruso noong 1917 na nagbigay daan upang kumawala ang mga Ruso sa digmaan at maglunsad ng sunod-sunod na opensiba ang mga Aleman sa kanlurang Europa hanggang sa pumasok ang Estados Unidos sa digmaan. Sumuko ang Imperyong Aleman at mga kaalyado pagsapit nang 11 Nobyembre 1918 matapos ang isang matagumpay na kontra-opensiba ng Alyadong Puwersa.[6][7]

Sa pagtatapos ng digmaan ay maraming bansa ang itinatag sa Europa mula sa labi ng mga Imperyong Aleman, Austro-Unggaryo, Otomano at Ruso. Itinatag noon ang Liga ng mga Nasyon upang pigilan ang anumang tunggaliang maaaring maganap sa mundo. Ang mga kasunduang itinadhana ng Kasunduan ng Versailles na nagdulot ng matinding paghihikahos sa mga mamamayang Aleman at ang pag-usbong ng pasismo sa Europa ang ilan sa mga dahilan upang muling sumiklab ang isa pang pandaigdigang digmaan pagsapit nang 1939.[8][9]

Tinatawag noong "Dakilang Digmaan" (Ingles: Great War) at "Digmaang Pandaigdig" (Ingles: World War) ang digmaan bago sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang digmaan ay kilalá rin sa mga katawagang "Ang Pandaigdigang Digmaan" (The World War), "Ang Digmaan upang Wakasan ang lahat ng mga Digmaan" (The War to End All Wars), "Ang Digmaang Kaiser" (The Kaiser War), "Ang Digmaan ng mga Nasyon" (The War of the Nations) at "Ang Digmaan sa Europa" (The War in Europe). Tinatawag naman itong La Guerre du Droit ("Ang Digmaan para sa Katarungan") o La Guerre Pour la Civilisation/de Oorlog tot de Beschaving ("Ang Digmaan para Mapanatili ang Sibilisasyon") sa mga medalya't bantayog sa Belhika't Pransiya.

Ang katawagang "Unang Pandaigdigang Digmaan" ay unang ginamit nina Ernst Haeckel, isang pilosopong Aleman, noong Setyembre, 1914 at ni Carlos A. Repington, isang mamamahayag, noong 10 Setyembre 1918 sa kanilang isinulat na mga talaarawan.[10]

Sa ngayon, ang pangalan ng digmaan na ginagamit sa Nagkakaisang Kaharian at Kanada ay "Unang Pandaigdigang Digmaan" (First World War) samantalang "Unang Digmaang Pandaigdig" (World War I) naman sa Estados Unidos.

Mga sanhi

baguhin
 
mga alyansang Europeo

Noong 1870, ay sumiklab ang isang digmaan ng Pransiya at ng mga estadong Aleman sa pangunguna ng Prusya. Sa digmaang ito'y nasakop ng mga Aleman ang malaking bahagi ng Pransiya hanggang sa tuluyang mapipilan ang mga Pranses. Nagbunsod ito sa pag-iisa-isa ng dating maliliit at magkakahiwalay na mga estadong Aleman na kalaunan ay tinawag bílang Imperyong Aleman. Napasakamay ng bagong imperyo ang Alsasya at Lorena - mga teritoryong Pranses, samantalang buo naman ang pasya ng Pransiya na mabawi ang mga nasabing teritoryo. Mula noo'y lumakas at umunlad ng gayon na lámang ang industriya't ekonomiya ng bagong tatag na imperyo.[11][12]

Makalipas ang dalawang taon ay isang alyansang tinatawag na Liga ng Tatlong Emperador ang pinasinayahan ng mga imperyong Aleman, Austro-Unggaryo at Ruso subalit hindi nagtagal nang may namuong alitan sa dawalang hulíng nabanggit hinggil sa mga usapin sa Rehiyong Balkanika. Dahil dito, noong 1879, ay bumuo ng sariling alyansa ang Imperyong Aleman at Austro-Unggaryo na tinaguriang Dalawahang Alyansa. Kalaunan nama'y sumali ang Italya sa nasabing alyansa. Magmula noong 1882, ang samahan ng mga imperyong Aleman, Austro-Unggaryo at Kaharian ng Italya ay kinilala bilang Tatluhang Alyansa. Sa kabilang banda, nang mabuwag ang Liga ng Tatlong Emperador, ay nakipag-alyansa ang Pransiya sa Imperyong Ruso noong 1894 at nang mga sumunod na taon ay makailang ulit na lumagda ng kasunduan sa Imperyong Briton. Noon namang 1907 ay nilagdaan ng mga imperyong Briton at Ruso ang Kasunduang Angglo-Ruso. Ang mga pangyayaring ito'y nagbunsod sa pagtatatag ng Tatluhang Kasunduan ng mga imperyong Briton, Ruso at Republikang Pranses. Noon din ay nagsimulang magparami at magpalakas ng sandatahang lakas ang bawat bansang nabanggit pangunahin na ng Imperyong Briton at Aleman.[13][14][15]

 
ang Europa bago ang digmaan

Noon namang 1908 ay sinakop ng Austriya-Unggarya ang Bosniya at Hersegobina samantalang nagpahayag ng kasarinlan ang Bulgarya mula sa Imperyong Otomano. Ikinagalit ng Serbiya at ng Imperyong Ruso ang naunang pangyayari sapagkat ang nasabing lugar ay tahahan ng mga mamamayang Eslabo na kanilang mga kalahi. Pagsapit naman ng 1912 ay sinalakay ng Ligang Balkanika na kinabibilangan ng Bulgarya, Gresya, Montenegro at Serbiya ang Imperyong Otomano na dating nakasasakop sa kanila. Naging matagumpay ang nasabing liga at malaking bahagi ng teritoryo ng Imperyong Otomano sa Rehiyong Balkanika ang kanilang napasakamay subalit may namuong alitan sa pagitan ng Bulgarya't Serbiya hinggil sa isinagawang paghahati-hati ng liga sa Masedonya samantalang kinilala naman ang pagtatatag ng Albanya. Nang sumunod na taon ay sinalakay ng Bulgarya ang Gresya't Serbiya subalit napipilan samantalang sinamantala ito ng Imperyong Otomano at Rumanya upang makakuha ng ilang teritoryo sa Bulgarya.[11][16][17]

Noong 28 Hunyo 1914 ay binaril ni Gavrilo Princip, isang makabayang Serbiyo, si Archduke Franz Ferdinand, tagapagmana ng trono ng Austriya-Unggarya at ang asawa nitong si Sophia sa Sarahebo, kabisera ng Bosniya at Hersegobina. Naghain ng banta ang Austriya-Unggarya laban sa Serbiya ukol sa nasabing pagpatay nang mapag-alamang si Princip ay kasapi ng Black Hand, isang kilusang Serbiyo-Bosnyo na naglalayon ng kalayaan ng mga mamamayang Eslabo na nasasakop ng imperyo. Nagpahayag ng pakikidigma ang Austriya-Unggarya laban sa Serbiya noong 28 Hulyo 1914, nang hindi makontento ang nauna sa isinagawang pagtugon ng hulí sa naturang banta. Kinabukasan ay iniutos ni Tsar Nikolas II ang bahagyang paghahanda ng sandatahang Ruso. Sinagot ito ng pakikidigma ng Imperyong Aleman laban sa Imperyong Ruso noong 1 Agosto at noong 3 Agosto laban sa Pransiya. Nagpahayag din ng pakikidigma ang Imperyong Briton laban sa Imperyong Aleman noong 4 Agosto nang sakupin ng huli ang Belhika (na umapela naman ng tulong mula sa Imperyong Briton) upang dumaan sa nasabing bansa patungong Pransiya.[18][19][20]

Kronolohiya

baguhin
 
mga bansang sangkot sa digmaan:
lunti - Alyadong Puwersa, at dilaw - Puwersang Sentral

Nagsimula ang digmaan noong 28 Hulyo 1914 nang magpahayag ng pakikidigma ang Austriya-Unggarya laban sa Serbiya. Nang mga sumunod na araw ay nagpahayag na rin ng pakikidigma laban sa isa't isa ang iba pang mga bansa sa Europa.[5]

Ang digmaan ay nagwakas sa kanlurang Europa noong 11 Nobyembre 1918 nang maipatupad ang isang tigil-putúkan samantalang nagpatuloy ito sa iba't iba pang dako ng daigdig hanggang sa unti-unti ring nagwakas. Nilagdaan noong 28 Hunyo 1919 ang Tratado ng Versalles, isang kasunduang pangkapayapaan, na siyang ganap na nagbigay-katapusan sa digmaan.[21]

1914: Mga unang sagupaan

baguhin

Noon pa man ay nangako na ng tulong ang Imperyong Aleman sa Austriya-Unggarya hinggil sa pagsakop nitong huli sa Serbiya. Sang-ayon sa tulong na nabanggit, inakala ng mga pinúnong Austro-Unggaryo na ipagtatanggol ng mga Aleman ang kanilang imperyo laban sa mga Ruso samantalang sinasalakay nila ang Serbiya. Sa kabiláng banda naman, inasahan ng Imperyong Aleman na ibubuhos ng Austriya-Unggarya ang malaking bahagi ng lakas nito laban sa Imperyong Ruso samantalang sinasalakay niya ang Pransiya. Bunga ng mga hindi pagkakaunawaan, napilitan ang Austriya-Unggarya na hatiing mabuti ang sandatahan nito laban sa mga Ruso at Serbiyo.[22]

 
mga unang sagupaan sa kanlurang Europa

Sa kanlurang Europa'y sinalakay ng sandatahang Aleman, sang-ayon sa Planong Schlieffen, ang Pransiya mula Belhika sa layuning masakop ang Paris at mapalibutan ang malaking kabuuan ng sandatahang Pranses. Kanilang napanalunan ang Labanan ng mga Hangganan mula 14–24 Agosto ngunit napipilan sa Unang Labanan ng Marn, noong 5–12 Setyembre, ng pinagsamang sandatahang Briton-Pranses. Bunga nito'y napilitang umatras ng may 64 kilometro (40 milya) pahilaga ang sandatahang Aleman papuntang Ilog Aisne. Ipinagpatuloy naman ng magkalabang panig ang kani-kanilang mga pagsalakay mula Champagne papuntang dalampasigan ng timog Belhika na kinikilala sa kasaysayan bílang Habulan patungong Dagat. Matapos nito'y kapwa naghukay ang magkalabang panig ng mga bambang na bumabagtas mula sa dalampasigang nabanggit patungong hangganan ng Pransiya at Suwisa. Sa ganoong pangyayari'y nagsimula ang pakikidigmang pambambang sa kanlurang Europa na naging dahilan upang halos hindi na umusad ang magkabiláng panig sa mga susunod pang taon ng digmaan.[4]

Sa silangang Europa'y nagawa ng sandatahang Aleman na pigilan ang anumang tangkang pananakop ng sandatahang Ruso nang talunin nila ang mga ito sa mga Labanan ng Tanenbergo at mga Lawa ng Masuryo na naganap mula 17 Agosto hanggang 2 Setyembre. Sa kabiláng bandô ay bigo naman ang sandatahang Austro-Unggaryo na mapigilan ang pag-usad ng sandatahang Ruso papasok ng Galisya.[23][24]

 
isang pagsalakay ng mga sundalong Pranses

Sa Rehiyong Balkanika ay sinalakay ng Austriya-Unggarya ang Serbiya subalit napipilan nang maipanalo ng huli ang Labanan ng Ser noong 12 Agosto. Makalipas ang dalawa pang linggo, naitaboy pabalik ang sandatahang Austro-Unggaryo na nakapagtamo ng matitinding pagkatalo. Muling sumalakay ang Austriya-Unggarya subalit muli ring napipilan sa Labanan ng Kolubara noong 16 Nobyembre hanggang 15 Disyembre, at ang Belgrade, kabisera ng Serbiya, na noo'y nasakop na ng Austriya-Unggarya, ay muling nabawi ng sandatahang Serbiyo.[25]

Lingid naman sa kaalaman ng Alyadong Puwersa, nagkaroon ng lihim na kasunduan sa isa't isa ang Imperyong Aleman at Otomano noong Agosto, 1914. Hindi nagtagal ay lumahok na ang huli sa digmaan. Pagsapit ng Disyembre'y sinalakay ng may Otomano ang Bulubunduking Kawkasus na hawak ng mga Ruso subalit nabigo sa Labanan ng Sarikamish.[26][27][28]

Sa katubigang malapit sa Tsile, Timog Amerika ay nagsagupa ang plotang Aleman at Briton sa Labanan ng Koronel noong 1 Nobyembre. Nagawang manalo ng mga Aleman sa nasabing labanan ngunit pagsapit ng 8 Disyembre ay halos nawasak naman ang kanilang plota nang muling makasagupa ang mga Briton sa Labanan ng mga Pulo ng Malvinas. Sinimulan naman ng plotang Briton ang pagsasagawa ng blokeo o panggigipit sa Dagat Hilaga at Lagusang Ingles upang putulin ang pagpasok ng suplay ng pagkain at munisyon sa Imperyong Aleman. Kapagkadaka'y nagdulot ito ng matinding taggutom sa mga mamamayang Aleman nang sumunod na dalawang taon.[29][30]

 
mga artilyerong Briton sa Kamerun, Aprika

Sa Aprika'y sinalakay ng pinagsamang sandatahang Briton-Pranses ang Togolandiya, isang protektorado ng Imperyong Aleman, noong 7 Agosto. Tatlong araw makalipas, sumalakay naman ang mga Aleman sa Timog Aprika. Sa Alemang Silangang Aprika'y pinangunahan ni Koronel Pablo Emil von Lettow-Vorbeck ang pakikidigmang panggerilyo laban sa Alyadong Puwersa hanggang sa siya'y sumuko dalawang linggo matapos maipatupad ang tigil-putukan sa Europa.[31]

Sa kabilang panig ng mundo, sinalakay ng Bagong Selanda ang Alemang Samoa noong 30 Agosto. Nang sumunod na buwan ay sinalakay ng Australya ang Alemang Bagong Ginea noong 11 Setyembre. Sinakop naman ng Imperyo ng Hapon ang Kapuluang Mikronesya na isa ring kolonya ng Imperyong Aleman. Sinalakay din ng Imperyong Briton at Hapon ang Tsingtao, isa ring teritoryong Aleman sa Tsina mula 31 Oktubre hanggang 7 Nobyembre. Hindi nagtagal ay nasakop nang lahat ng Alyadong Puwersa ang mga teritoryong Aleman sa Asya't Pasipiko liban na lamang sa iilang lugar sa Bagong Ginea.[32][33]

Sa pagtatapos ng 1914 ay tatlong pangunahing larangan (o front sa Ingles) ng digmaan ang nagbukas sa Europa: ito ay ang Larangang Kanluran na matatagpuan sa timog Belhika at hilagang Pransiya; Larangang Silangan sa silangang Alemanya, hilagang-silangang Austriya-Unggarya at kanlurang Rusya; at Larangang Serbiyo sa hilagang Serbiya.[34]

1915: Ikalawang taon ng digmaan

baguhin

Noong 31 Enero 1915, sa kauna-unahang pagkakataon ay gumamit ng nakalalasong gas, na nagtataglay ng kloro, ang sandatahang Aleman (bilang paglabag sa Mga Kumbensiyong Haya nang 1899 at 1907) laban sa mga Ruso sa Labanan ng Bolimow sa Polonya. Muli itong ginamit ng mga Aleman sa Ikalawang Labanan ng Ypres pagsapit nang 22 Abril nang taon ding iyon. Ang epekto ng nakalalasong gas ay nakalulunos sapagkat nagdudulot ito ng masakit at mabagal na pagkamatay. Bilang unang pangontra, ang mga sundalo'y nagtatakip ng bulak o panyong binasa sa ihi o sa soda sa kani-kanilang mukha. Hindi nagtagal ay nilinang na ang paggamit ng higit na epektibong maskarang pang-gas.[35]

 
ang paglubog ng RMS Lusitania

Samantala, noong 7 Mayo ay mahigit 1,000 katao ang nasawi nang palubugin ng isang submarinong Aleman (sa pamamagitan ng pagpapatama ng torpido) ang RMS Lusitania, isang pampasaherong barko ng Nagkakaisang Kaharian, sa katubigang malapit sa Irlanda. Nagprotesta ang Estados Unidos laban sa Imperyong Aleman sapagkat 128 sa mga pasaherong nasawi ay mga Amerikano. Bilang tugon, nangako naman ang imperyo na hindi na muling magsasagawa ng anumang pag-atake ang kaniyang mga submarino laban sa mga neutral at pampasaherong barko.[36]

Naglunsad naman ng sunod-sunod na opensiba ang sandatahang Aleman at Austro-Unggaryo noong tagsibol at tag-init nang taong iyon papasok ng Rusya hanggang sa tuluyan nang maitaboy palabas ng Polonya at Galisya ang sandatahang Ruso kasabay ng pagbagsak ng kabisera nitong nauna, ang Barsobya, noong 5 Agosto.[23]

Muling sumalakay ang Austriya-Unggarya, kasama ang Imperyong Aleman, sa Serbiya noong 7 Oktubre. Walong araw makalipas ay nagpahayag ng pakikidigma ang Bulgarya sa panig ng Puwersang Sentral at sinalakay man din ang Serbiya. Walang nagawa ang sandatahang Serbiyo sa sunod-sunod na pagsalakay ng Puwersang Sentral kaya't ipinag-utos ni Mariskal Radomir Putnik ang pag-atras ng sandatahan patungong Albanya at Montenegro.[37]

 
isang pagsalakay ng mga Australyano sa Labanan ng Gallipoli

Ang Italya na noon pa ma'y kasapi na ng Tatluhang Alyansa ay tumangging makipaglaban nang magsimula ang digmaan subalit nang mapangakuan ng Alyadong Puwersa ng ilang teritoryo sa Austriya-Unggarya, nagpahayag ito ng pakikidigma laban sa huli noong 23 Mayo at sa Imperyong Aleman nang sumunod na taon. Nagbigay-daan ito upang tuluyan ng magwakas ang Tatluhang Alyansa at magbukas ang Larangang Italyano. Nang sumunod na buwan ay naglunsad ng sunod-sunod na opensiba ang sandatahang Italyano sa kahabaan ng Ilog Isonso sa kanlurang Eslobenya patungong hilagang-silangang Italya.[34][38]

Naglunsad ng kampanya ang pinagsama-samang sandatahan ng Nagkakaisang Kaharian, Pransiya, Australya, Bagong Selanda, Kanada at Indiya laban sa Imperyong Otomano noong 25 Abril sa Tangway ng Galipoli sa layuning masakop ang Konstantinopla (Istanbul ngayon) at makakuha ng daanang pandagat patungong Imperyong Ruso subalit nabigo. Sa kabilang banda, matagumpay namang naitaboy ng sandatahang Ruso sa pangunguna ni Heneral Nikolai Yudenich ang sandatahang Otomano palabas ng timog Kawkasus.[27][39]

1916: Mga pangyayari

baguhin
 
ang pag-atras ng sandatahang Serbiyo patungong Albanya

Nagpatuloy ang pag-atras ng sandatahang Serbiyo patungong Albanya habang pansamantala namang napipilan ang patuloy ding pagsalakay ng Puwersang Sentral nang talunin sila ng sandatahang Montenegrino sa Labanan ng Mojkovac noong 6–7 Enero 1916. Nang makarating naman ang sandatahang Serbiyo sa dalampasigan ng Dagat Adriyatiko sa Albanya ay kaagad silang dinala ng mga barko ng Alyadong Puwersa patungong Gresya pangunahin na sa Korpu. Sa kabilang banda, tuluyan nang nasakop ng Puwersang Sentral ang buong Serbiya at gayundin naman ang Montenegro na sumuko noong 15 Enero.[37]

Matapos ang krisis pampolitika sa Gresya, napapayag din ang mga Griyegong matapat kay Punong Ministro Venizelos (na maka-Alyadong Puwersa), laban kay Haring Konstantino I ng Gresya (na maka-Puwersang Sentral naman), na makipagtulungan sa Alyadong Puwersa. Lumunsad sa Salonika, Gresya ang Alyadong Puwersa na binubuo ng mga Briton at kolonya, Pranses at kolonya, Italyano at Ruso. Matapos namang mapagkapahinga't makapagsaayos ay muling sumabak ang sandatahang Serbiyo sa digmaan at kalauna'y lumunsad din sa Salonika. Nagbigay-daan ito upang magbukas ang Larangang Masedonyo na matatagpuan mula sa kahabaan ng timog Albanya, Masedonya at hilagang Gresya. Nang sumunod na taon ay opisyal na nagpahayag ng pakikidigma ang Gresya laban sa Puwersang Sentral. Mula noon, sa kabila ng mga opensibang isinagawa ng magkalabang panig, ang Larangang Masendonyo ay hindi na halos umusad hanggang Setyembre, 1918.[40]

 
isang barkong pandigma ng Imperyong Aleman na nagpapakawala ng torpedo sa Labanan ng Hutlandiya

Mula naman 21 Pebrero hanggang 18 Disyembre ay naglunsad ang mga Aleman sa pangunguna ni Heneral Eric von Falkenhayn ng isang malawakang opensiba laban sa mga Pranses na nakatalaga sa Verdun, hilagang-silangang Pransiya subalit nabigo. Ang naturang labanan ang siyang pinakamahaba sa kasaysayan ng digmaan at kulang-kulang sa 600,000 sundalo ang nasawi rito.[41]

Sa katubigan ng Dagat Hilaga na malapit sa Hutlandiya, Dinamarka ay nagsagupa ang kapwa naglalakihang plota ng Imperyong Briton (sa pangunguna ni Almirante Sir Juan Jellicoe) at Aleman (sa pangunguna naman ni Bise Almirante Reinhard Scheer) mula 31 Mayo hanggang 1 Hunyo. Bagaman nagawa ng plotang Aleman na makapagdulot ng higit na pinsala sa mga Briton, napanatili naman ng huli ang dominansiya sa Dagat Hilaga hanggang sa matapos ang digmaan.[42]

Samantala, upang maibsan ang lumalalang sagupaan sa Verdun, kapwa naglunsad ng matatagumpay na opensiba ang Imperyong Briton at Ruso laban sa Puwersang Sentral. Ang mga Ruso sa pangunguna ni Heneral Aleksei Brusilov ay umatake sa sandatahang Austro-Unggaryo sa Galisya noong 4 Hunyo samantalang ang mga Briton naman sa pangunguna ni Mariskal Douglas Haig ay sumugod sa kahabaan ng Ilog Som sa kanlurang Pransiya noong 4 Hulyo. Naging madugo ang dalawang opensibang nabanggit; ang Opensibang Brusilov ay isa sa pinakamapinsalang labanan sa kasaysayan samantalang mahigit sa 19,000 Briton ang nasawi sa unang araw pa lamang ng Labanan ng Som.[23][24][43]

 
mga sundalong Rumanyo

Sa kasagsagan naman ng dalawang opensibang nabanggit, nagpahayag ang Rumanya ng pakikidigma laban sa Puwersang Sentral noong 27 Agosto at sinalakay ang silangang Austriya-Unggarya upang mapasakamay ang Transilbanya. Matagumpay namang nasakop ang malaking bahagi ng teritoryong nabanggit subalit pagsapit nang 18 Setyembre ay naglunsad ng kontra-opensiba ang pinagsama-samang sandatahang Aleman, Austro-Unggaryo at Bulgaryo laban sa mga Rumanyo. Nagpadala ng kaukulang tulong ang mga Ruso subalit nagpatuloy ang pag-abante ng Puwersang Sentral hanggang sa ang Bukarest, kabisera ng Rumanya, ay tuluyan nang nasakop noong 6 Disyembre. Umatras ang sandatahang Rumanyo-Ruso sa Moldabya upang duon magpalakas at upang pigilan man din ang anumang pananakop na maaaring isagawa ng Puwersang Sentral sa timog-kanlurang Rusya.[44][45]

 
isang sagupaan ng mga sundalong Italyano at Austro-Unggaryo sa Isonso, Eslobenya

Sa Larangang Italyano, naglunsad ng kontra-opensiba ang Austriya-Unggarya sa Asyago noong tagsibol ng 1916 bilang tugon sa sunod-sunod na opensibang isinagawa ng Italya sa Ilog Isonso mula nang nakaraang taon. Bilang ganti, sinalakay naman ng sandatahang Italyano ang Gorisya pagsapit ng tag-init. Tulad ng nangyari sa Larangang Masedonyo, hindi rin halos umusad ang Larangang Italyano hanggang 1917.[46]

Sumiklab naman ang Pag-aalsang Arabo noong Hunyo, 1916 laban sa Imperyong Otomano sa pangunguna ni Sherif Hussein at sa tulong na rin ng mga Briton. Matapos ang matagumpay na Labanan ng Meka, kinubkob ng Sandatahang Briton-Arabo ang Medina. Tumagal hanggang Enero, 1919 ang isinagawang pagkubkob.[47]

Sa pagtatapos ng 1916 ay nagpanukala ng isang kasunduang pangkapayapaan ang Puwersang Sentral sa Alyadong Puwersa datapwat nabigo ang isinagawang negosasyon bunga na rin ng pag-aalinlangan at kawalan ng pagtitiwala ng magkabilang panig sa isa't isa.[48]

1917: Ang pagpapatuloy ng digmaan

baguhin

Bunga ng matamlay ng kampanya sa karagatan, nagpasya ang sandatahang pandagat ng Imperyong Aleman na maglunsad ng malayang pakikidigmang pangsubmarino noong 31 Enero 1917. Bunga nito'y daan-daang barko ng Nagkakaisang Kaharian at maging ng mga bansang neutral, kapwa pandigma, pangalakal at pampasahero, ang napalubog hanggang sa ipatupad ng Alyadong Puwersa ang sistemang komboy pagsapit ng Mayo nang taon ding iyon na nakapagpahina sa pag-atake ng mga submarinong Aleman.[49]

 
mga sundalong Australyano, suot ang kani-kanilang maskarang pang-gas, sa isang bambang sa Ypres, Belhika

Nagpahayag naman ng pakikidigma ang Estados Unidos (bagaman hindi kaagad nagpadala ng kaukulang sandatahan), sa panig ng Alyadong Puwersa, laban sa Imperyong Aleman noong 6 Abril matapos palubugin ng imperyong nabanggit ang may pitong barkong pangalakal ng mga Amerikano at nang maharang ng mga Briton ang Telegramang Zimmermann na nagsasaad ng paghimok ng mga Aleman sa mga Mehikano na magpahayag ng pakikidigma sa Estados Unidos upang mabawi ang Arisona, Bagong Mehiko at Teksas na dating mga teritoryo ng Mehiko.[34][50][51]

Noong 3 Mayo ay nagsipag-alsa ang karamihan sa mga sundalong Pranses matapos ang bigong Opensibang Nivelle. Nang maisagawa ang mga pag-aresto at kaukulang paglilitis ay napakiusapan din ang mga sundalo na bumalik na sa kani-kanilang bambang. Pinalitan naman ni Felipe Petain si Roberto Nivelle bilang pangkalahatang komandante ng sandatahang Pranses. Sa kabilang banda, ipinagpatuloy ng Imperyong Briton ang mga opensiba sa Larangang Kanluran sa mga Labanan ng Aras, Kambray at Pashendaele.[52][53]

 
isang kaguluhan sa Petrograd (San Pedrosburgo ngayon) noong Himagsikang Ruso

Lumaganap naman sa Imperyong Ruso ang kawalang-kaayusan at himagsikan matapos maiwan kina Emperatris Alejandra at Rasputin (ang huli ay pinaslang kalaunan) ang pamamahala sa monarkiya nang sumama si Tsar Nikolas II sa pakikidigma. Noong 15 Marso ay napilitang bumaba sa trono ang tsar at ang pamamahala sa Rusya ay napunta sa mga republikano. Muling naglunsad ng opensiba ang bagong tatag na pamahalaan sa ilalim ni Alejandro Kerenski subalit nabigo. Tuluyan nang nawalan ng sigla ang mga sundalo na makipaglaban samantalang tumindi nang tumindi ang paghihikahos ng mga mamamayang Ruso sapagkat halos bumagsak na noon ang ekonomiya ng bansa dahil na rin lumalaking gastusin para sa digmaan. Nahulog sa kamay ng mga komunistang Bolshebik sa pangunguna ni Vladimir Lenin ang pamahalaan sa Petrograd (San Pedrosburgo ngayon at siya noong kabisera ng Rusya) noong 7 Nobyembre. Nang sumunod na buwan ay lumagda ng kasunduang pangkapayapaan ang mga Bolshebik sa Puwersang Sentral.[23][54][55]

Nakapagtamo naman ng matitinding pinsala ang sandatahang Italyano matapos silang talunin ng pinagsama-samang sandatahang Aleman at Austro-Unggaryo sa Labanan ng Kaporeto mula 24 Oktubre hanggang 9 Nobyembre. Napilitang umatras ang sandatahang Italyano patungong Ilog Piave samantalang nakiusap naman ang pamahalaan nito ng boluntaryong pakikilahok sa digmaan ng lahat ng kakakihang may 18 gulang pataas.[46]

Samantala sa Gitnang Silangan, bilang ganti sa mapaminsalang Pagkubkob sa Kut, naglunsad ang Imperyong Briton ng isang opensibang sumakop sa Bagdad noong 11 Marso. Sa pagtatapos ng taon ay bumagsak naman ang depensang Otomano sa timog Palestina matapos ang Labanan ng Herusalem.[56][57][58]

Lingid naman sa kaalaman ng mga Aleman ay nag-alok ng isang kasunduang pangkapayapaan si Emperador Carlos I ng Austriya-Unggarya kay Punong Ministro Jorges Clemenceau ng Pransiya. Nabigo ang pakikipagnegosasyon at ito'y nabunyag sa mga Aleman na naging mitsa upang magkalamat ang relasyon ng Imperyong Aleman at Austriya-Unggarya sa isa't isa.[59]

1918: Mga hulíng opensiba at wakas ng digmaan

baguhin
 
ang Opensibang Tagsibol,
Marso-Hulyo, 1918

Noong 3 Marso 1918 ay muling lumagda ng isa pang kasunduang pangkapayapaan ang mga Bolshebik sa Puwersang Sentral. Isinaad sa bagong kasunduan ang tuluyang pagkawala ng Rusya sa digmaan at ang pagkakaloob nito ng mga teritoryo sa Imperyong Aleman tulad ng Estonya, Letonya, Litwanya, Pinlandiya, Polonya at Ukranya.[23][60][61]

Matapos ang kasunduan, nagpasya ang mga Armenyo sa pamumuno ni Heneral Tovmas Nazarbekian na ipagpatuloy ang pakikipaglaban sa mga Otomano sa Bulubunduking Kawkasus. Nagsagawa ng kontra-opensiba ang mga Armenyo at kanilang tinalo ang sandatahang Otomano sa Labanan ng Sardarabad 21–29 Mayo, hanggang sa lagdaan ng magkabilang panig ang Tratado ng Batum nang sumunod na buwan.[62]

Ang paglabas naman ng Rusya sa digmaan ay naging hudyat din upang tuluyan nang magwakas ang Tatluhang Kasunduan. Sinimulan ng Imperyong Aleman na sakupin ang mga teritoryong ipinagkaloob sa kanila ng naturang kasunduan samantalang nagpadala naman ng kaukulang sandatahan ang Alyadong Puwersa sa Rusya upang pigilan ito. Sa kabilang banda, ang malaking bilang ng mga sundalong Aleman at Austro-Unggaryong nakatalaga sa Larangang Silangan ay inilipat mula roon patungong Larangang Kanluran sapagkat nilayon ni Heneral Erik Ludendorff na makapaglunsad ng opensibang makapagdudulot ng matitinding pinsala sa sandatahan ng Alyadong Puwersa sa Pransiya at gayundin naman upang mapasuko ang mga ito bago pa man dumating ang mga Amerikano.[63][64]

 
mga huling opensiba,
Agosto-Nobyembre, 1918

Inilunsad ng mga Aleman ang Opensibang Tagbisol (na binubuo ng apat na operasyon, ang Blücher & Yorck, Gneisenau, Jorgette at Miguel) pagsapit nang 21 Marso 1918. Gamit ang mga taktikang paglagos, kanilang napasok ang mga bambang ng Alyadong Puwersa at nakaabante ng mahigit 60 kilometro (38 milya). Naging matagumpay ang simula ng naturang opensiba kaya't idineklara ni Kayser Guillermo II ang 24 Marso bilang isang pambansang araw ng pagdiriwang. Makalipas pa ang ilang linggo ay muling narating ng sandatahang Aleman ang Ilog Marn at ang Paris ay kanilang pinaputukan ng malalaking kanyong dambakal na nagdulot upang lumikas ang mga sibilyan palayo ng nasabing lungsod. Subalit nabigo ang mga Aleman na makamit ang kanilang layunin sapagkat nanatili pa ring epektibo ang pakikihamok ng Alyadong Puwersa na lumakas pa nang dumating na ang sandatahang Amerikano sa Pransiya. Sa pagtatapos ng naturang opensiba noong 18 Hulyo ay mahigit sa 270,000 Aleman ang nasawi sa panig ng Puwersang Sentral.[64][65][66]

Inilunsad ng Alyadong Puwersa ang Opensibang Sandaang Araw noong 8 Agosto. Sabay-sabay na sinalakay ng pinagsama-samang sandatahan ng Belhika, Estados Unidos, Imperyong Briton at kolonya, Pransiya at Portugal ang mga Aleman sa Labanan ng Amyens at nakaabante ng may 12 kilometro (7 milya) sa loob lamang ng pitong oras. Nang mga sumunod na araw ay muling ipinagpatuloy ng Alyadong Puwersa ang pagsalakay at pagsapit ng 2 Setyembre ay umatras ang sandatahang Aleman sa Linyang Hindenburg upang doon muling mag-ipon ng lakas.[67]

Muling ipinagpatuloy ng Alyadong Puwersa ang pagsalakay at pagsapit ng 26 Setyembre ay inilunsad ng sandatahang Amerikano-Pranses ang Opensibang Meus-Argon. Ang Linyang Hinderburg ay tuluyan nang napasok at naitaboy pabalik ng Belhika ang sandatahang Aleman. Dala ng sunod-sunod na pagkatalo, napagtanto ng mga komandanteng Aleman na hindi na nila kaya pang ipagpatuloy ang pakikidigma samantalang sumiklab naman sa Imperyong Aleman ang isang himagsikang pinangunahan ng mga komunista. Nagsipag-alsa naman ang mga marinong Aleman matapos tumangging makilahok sa isasagawa sanang opensiba ng sandatahang pandagat ng imperyo sa karagatan.[68][69][70]

 

Muling ipinagpatuloy ng Alyadong Puwersa ang pagsalakay at pagsapit ng 26 Setyembre ay inilunsad ng sandatahang Amerikano-Pranses ang Opensibang Meus-Argon. Ang Linyang Hinderburg ay tuluyan nang napasok at naitaboy pabalik ng Belhika ang sandatahang Aleman. Dala ng sunod-sunod na pagkatalo, napagtanto ng mga komandanteng Aleman na hindi na nila kaya pang ipagpatuloy ang pakikidigma samantalang sumiklab naman sa Imperyong Aleman ang isang himagsikang pinangunahan ng mga komunista. Nagsipag-alsa naman ang mga marinong Aleman matapos tumangging makilahok sa isasagawa sanang opensiba ng sandatahang pandagat ng imperyo sa karagatan.[68][69][70]

 
ang paglagda ng tigil-putukan sa kagubatan ng Compiegne, Pransiya,
11 Nobyembre 1918

Nagsimula nang sumuko ang Puwersang Sentral nang lumagda ng tigil-putúkan ang Bulgarya noong 29 Setyembre sa Tesalonika matapos ang mga mapaminsalang Labanan ng Dobro Pole at Doyran sa Larangang Masedonyo nang buwan ding iyon. Sunod namang lumagda ng tigil-putúkan ang Imperyong Otomano sa Mudros, Gresya noong 30 Oktubre matapos matalo ang sandatahan nito sa Labanan ng Megido sa Palestina. Ang Austriya-Unggarya naman, sa kabiláng bandá, ay lumagda ng tigil-putúkan sa Villa Giusti, hilagang Italya noong 3 Nobyembre nang tuluyan nang mapigilan ng mga Italyano ang kanilang sandatahan sa Labanan ng Vittorio Veneto noong araw ding iyon.[71]

Napilitan nang bumaba sa trono si Kayser Guillermo II noong 9 Nobyembre at tumungo papuntang Olanda. Noong araw ding iyon bumagsak ang monarkiya samantalang itinatag ang Republikang Weymar sa Alemanya na siya nang lumagda ng tigil-putúkan noong 11 Nobyembre sa kagubatan ng Compiegne, Pransiya. Pagsapit ng 11:00 n.u. nang araw na iyon ay ipinatupad ang tigil-putúkan sa buong Larangang Kanluran. Si Jorge Lorenzo Precio, isang Kanadyano, ang itinuturing na kahuli-hulihang sundalo ng Kanada na napatay noong digmaan matapos siyang mabaril ng isang Alemang sniper sa ganap na 10:57 n.u. at namatay nang sumunod na minuto.[71][72]

Mga kinahinatnan

baguhin
 
mga bagong tatag na bansa sa Europa at Gitnang Silangan

Pagbabago sa mga teritoryo

baguhin

Noong 28 Hunyo 1919 ay nilagdaan ng Alemanya at ng Alyadong Puwersa na kinabibilangan ng Estados Unidos, Hapon, Italya, Nagkakaisang Kaharian at Pransiya ang Tratado ng Versalles. Itinadhana ng tratadong ito ang pagsakop ng Alyadong Puwersa sa Renanya at Saar, mga teritoryo sa kanlurang Alemanya, sa loob ng 15 taon at paglilimita sa kakanyahan ng sandatahang lakas ng Alemanya na magparami at magpalakas. Kabilang din dito ang pagkakaloob ng Alemanya ng mga teritoryo’t kolonya nito sa Alyadong Puwersa, sapilitang bayad-pinsala at pagtatatag ng Liga ng mga Nasyon.[8][73]

Ang mga teritoryo ng Alemanya ay napunta sa Belhika, Dinamarka, Polonya, Tsekoslobakya at Litwanya samantalang muling nabawi ng Pransiya ang mga rehiyon ng Alsasya at Lorena. Ang mga kolonya naman ng dating imperyo sa Aprika at Karagatang Pasipiko ay pinaghati-hatian ng Australya, Bagong Selanda, Belhika, Hapón, Nagkakaisang Kaharian at Pransiya samantalang napabalik naman sa Tsina ang lalawigan ng Shandong.[73][74]

Mula naman sa labi ng mga imperyong Austro-Unggaryo at Ruso ay itinatag ang makahiwalay na bansang Austriya at Unggarya, Estonya, Letonya, Litwanya, Pinlandiya, Polonya at Tsekoslobakya. Ang ilang teritoryo ng Austriya-Unggarya tulad ng Triyeste ay napunta sa Italya at ng Transilbanya ay sa Rumanya. Gayundin naman, ang Besarabya na bahagi ng Imperyong Ruso ay napapunta rin sa Rumanya samantalang ang mga mamamayang Eslabo ng Bosniya at Hersegobina, Eslobenya at Kroasya ay nakiisa sa Serbiya at Montenegro upang itatag ang Yugoslabya. Gayundin noong kasagsagan ng digmaan, taong 1917, ay itinatag ang mga bansang Armenya, Aserbayan, at Heyorhiya subalit nang maitatag sa Rusya ang Unyong Sobyet noong 1922 ay muling napasailalim ang mga ito sa pamamahala ng mga Ruso nang sumunod na taon.[73][75]

Ang mga teritoryo ng Imperyong Otomano, na kinilala na sa pangalang Turkiya matapos ang Tratado ng Lawsan, tulad ng Irak, Hordan at Palestina ay napunta sa pamamahala ng Nagkakaisang Kaharian samantalang ang Libano at Sirya ay sa Pransiya. Naitatag din ang Arabyang Sawdi at Yemen makalipas ang ilan pang taon.[73][75][76]

Mga pinsala at iba pang idinulot

baguhin
 
tsart ng mga nasawi noong digmaan

Sang-ayon sa pinakamababang pagtataya ay mahigit sa 15 milyong sundalo at sibilyan ang nasawi, nasugatan, nabaldado at nawala noong kasagsagan ng digmaan samantalang mahigit sa 65 milyong naman sa pinakamataas na tantiya. Bahagi rin ng kapinsalang idinulot ng digmaan ang paglaganap ng mga epidemya gaya ng tipus sa Serbiya noong 1914 at ng Trangkasong Espanyol noong 1918; sistematikong paglipol ng lipi (o genocide sa Ingles) na isinagawa ng Imperyong Otomano laban sa mga Kristiyanong Armenyo na kumitil ng kulang-kulang sa dalawang milyon katao; mga taggutom na lumaganap sa Alemanya, Rusya at Libano na nagtulak sa maraming bansa na magrasyon ng pagkain; at mga maramihang pagpatay tulad ng Paglapastangan sa Belhika na kumitil ng 6,500 buhay.[30][77][78][79][80][81][82][83]

Mahigit naman sa 8 milyong sundalo ang nabihag o ‘di kaya’y sumuko sa mga labanan ang nabilanggo noong digmaan. Sa kabuuan ay naging maayos ang kondisyon ng mga bilanggo sa mga kulungan (liban na lamang sa Rusya at Imperyong Otomano kung saan hindi naging maganda ang pagtrato sa mga bilanggo) sa tulong na rin ng Pandaigdigang Pulang Krus at ng samahan ng mga manggagamot na nagmula pa sa mga bansang neutral at dahil na rin sa pagsunod ng mga bansang sangkot sa digmaan sa Mga Kumbensiyong Haya ng 1899 at 1907 para sa mabuting pakikitungo sa mga bilanggo.[84][85][86][87]

Matapos ang digmaan, ang mga bilanggong sundalo ng Alyadong Puwersa ay kagyat na nakalaya. Kabaligtaran naman ito para sa mga bilanggong sundalo ng Puwersang Sentral na ang iba’y sapilitan munang pinagtrabaho sa mga kampong pantrabaho bago nakalaya. Karamihan naman sa mga sundalong pinalad mabuhay matapos ang digmaan ay nakaranas ng matinding pagkagimal (o trauma sa Ingles) matapos makauwi sa kani-kanilang tahanan bunga na rin ng mga kahindik-hindik nilang karanasang sa pakikipaglaban.[88][89]

 
mga Armenyong pinaslang noong kasagsagan ng Armenian Genocide

Sapagkat karamihan noon sa kalalakihan ay kusa o hindi naman kaya’y sapilitang naglingkod sa sandatahang lakas, ang kababaihan ang siyang humalili sa mga hanapbuhay na itinuturing noon na panlalaki lamang. Ang malaking papel na kanilang ginampanan noong digmaan ay humantong sa pakikipaglaban para sa karapatan ng kababaihan na makaboto sa halalan.[66][90]

Lumakas noon ang mga kilusang makatao tulad na lamang ng Liga ng mga Nasyon at ang idea ng pasipismo na naglayong maglundo ng kapayapaan sa daigdig sa pamamagitan ng mahinahong pamamaraan. Sa kabilang banda naman ay lumakas din ang idea ng pasismo na naglalayong magkamit ng higit pang kapangyarihan sa pamamagitan ng paggamit ng dahas.[91]

Lumawak naman ang kapangyarihan at responsabilidad ng mga bansang nagwagi sa digmaan. Ang pangkalahatang produktong domestiko ng mga bansang Estados Unidos, Italya at Nagkakaisang Kaharian ay tumaas samantalang bumababa naman para sa mga bansang Alemanya, Austriya-Unggarya, Imperyong Otomano, Olanda, Pransiya at Rusya.

Samantala, ang mga kasunduang itinadhana sa Tratado ng Versalles, pangunahin na ang pagkakaloob ng Alemanya ng malaking bayad-pinsala sa Alyadong Puwersa kung saan sinisi ang dating imperyo bilang siyang responsable sa mga kapinsalaang iniwan ng digmaan, ay nagdulot ng kawalang-kasiyahan at pagtutol sa panig ng mga mamamayang Aleman. Lumaganap noon sa Alemanya ang Dolchstosslegende, isang paniniwalang hindi natalo sa digmaan ang sandatahang Aleman subalit pinagtaksilan naman ng mga mamamayan nito, partikular na yaong mga republikano at ng mga nasa pamahalaan na lumagda sa armistisyo at nagpabagsak sa monarkiya. Lumakas din ang ideolohiyang Nazismo at pasismo sa pangunguna ng ilang makabayang kilusan at ni Adolfo Hitler. Dumanas ang Alemanya ng matinding paghihikahos hanggang sa tuluyan nang malugmok ang ekonomiya nito paglipas pa ng ilang taon. Halimbawa na lámang noong 1923, ang halaga ng isang dolyar ay katumbas na ng 4.2 trilyong marko sa nasabing bansa. Nito lamang nakaraang Oktubre, 2010 nang nabayaran nang lahat ng Alemanya ang mga bayad-pinsala.[92][93][94][95]

Pag-unlad sa teknolohiya ng pakikidigma

baguhin
 
ang masinggang Vickers

Ilan lámang ang awtomatikong riple, barkong pandigma, eroplano, flamethrower, nakalalasong gas, kanyon, masinggan, submarino at tangke sa mga sandatang nilinang at nilikha noong digmaan. Ang paggamit ng telepono at komunikasyong walang kable man ay may malaki ring naitulong sa pakikipagtalastasan ng mga sundalo. Sa kabilang banda, ang pagpapairal ng pakikidigmang pambambang noong digmaan ay isa naman sa mga salik na nakapagpabagal sa pag-usad ng sinumang naglalabang panig.[96][97][98]

Ang kaayusan ng impanterya ay nabago sapagkat sa halip na 100 ay pito hanggang sampung sundalo na lamang ang pangunahing pangkat ng maneobra laban sa mga kaaway. Ang iba’t ibang uri ng helmet tulad ng Adrian ng mga Pranses, Brodie ng mga Amerikano, Briton at kolonya at Stahlhelm ng mga Aleman ay naimbento upang protektahan ang ulo ng bawat sundalong lumalaban. Ang pistola, riple, bayoneta at granada ay nanatili pa rin bilang pangunahing sandata ng impanterya. Nang malinang ang paggamit ng mga masinggan tulad ng Vickers, at mga awtomatikong riple gaya ng BAR, MP18 at Lewis, naging imposible na ang maramihang harapang pagbabarilan sa digmaan.[98]

 
mga sundalong Aleman sa isang pag-atake ng nakalalasong gas

Sa pagsisimula ng digmaan, ang mga kanyon ay karaniwang pinapuputok nang tuwiran sa anumang puntirya. Sa sumunod na tatlong taon ay pinapaputok na ang mga ito nang hindi tuwiran sa mismong puntirya sang-ayon na rin sa iba't ibang pamamaraang pinaiiral. Iba’t ibang uri ng kanyon tulad ng howitser, mortar at kanyong daambakal ang naimbento gaya na lamang ng Minenwerfer at ng Kanyong Paris na ginamit upang bombahin ang Paris sa layo ng 100 kilometro (60 milya). Lubhang nakalulunos ang mga pinsalang naidudulot ng mga kanyon kaya’t naging karaniwan na noon ang pagtugis sa kinaroroonan ng mga ito upang wasakin.[99]

 
tangkeng Mark IV ng mga Briton sa isang muling pagsasadula ng digmaan

Ang nakalalasong gas at flamethrower ay dalawa sa mga kagimbal-gimbal na sandatang ginamit noong digmaan na pawang nagdudulot ng masakit subalit mabagal na pagkamatay, bagaman ang mga ito’y hindi naging epektibo upang maipanalo ang isang partikular na sagupaan. Ang tatlong pangunahing uri ng nakalalasong gas ay kloro, mustard at phosgene samantalang ang flamethrower ay may iba’t ibang sukat at timbang. Ang nakalalasong gas ay unang malawakang ginamit ng sandatahang Aleman sa mga labanan ng Bolimow at Ypres samantalang ang flamethrower naman ay sa Hooge, Pransiya.[35][100]

Naimbento naman ng mga Briton ang tangke na may kakayahang tumawid sa mga bambang at wasakin ang mga alambreng bakod. Ito’y unang ginamit sa Labanan ng Som at malawakang ginamit sa Labanan ng Kambray.[101]

 
ang Fokker Dr.I, isang eroplanong panlaban

Sa karagatan ay kapwa nanguna ang Alemanya at ang Nagkakaisang Kaharian sa pagpapaunlad ng mga barkong pandigma, krusero, submarino at barkong panghatid-eroplano. Ilan sa mga ito ay ang mga submarinong U-boat ng mga Aleman na nakapagpalubog ng napakaraming barkong pandigma at pangalakal ng Alyadong Puwersa, at Wakamiya ng Imperyo ng Hapon na siyang kauna-unahang barkong naglunsad ng mga eroplanong sumalakay sa mga Aleman sa Tsingtao, Tsina noong 1914.[102]

Ang mga eroplanong panlaban, pambomba at pampamatyag ay nilinang at nilikha rin ng mga pangunahing bansang sangkot sa digmaan. Ilan sa mga ito ay ang Fokker Dr.I ng Alemanya, Nieuport 15 ng Pransiya, Sikorsky Ilya Muromets ng Imperyong Ruso at Sopwith Camel ng Nagkakaisang Kaharian. Ang mga Ruso ang kauna-unahang nagsagawa ng malawakang pambobomba sa digmaan samantalang ginamit naman ng mga Aleman ang mga naglalakihang Sepelin upang bombahin ang London. Ang mga obserbasyong lobo naman ay ginamit sa mga misyong pagmamatyag.[103][104][105]

Nagkaroon din ng pagbabago sa disenyo't kalidad ng mga daambakal at tren sapagkat dito mabilis na naipapadala ang mga sundalo, armas, munisyon, pagkain at tubig sa mga pinaglalabanang lugar.[106]

 
mga napanatiling bambang sa kasalukuyan

Mga paggunita bílang pag-alaala

baguhin

Libo-libong bantayog, museo at libingan na nasa pangangalaga ng iba’t ibang ahensiya, ang itinayo sa mga nayon at bayan sa Europa at maging sa Estados Unidos bílang pag-alala sa mga nasawi at nawala noong digmaan.

Ipinagdiriwang sa Australya at Bagong Selanda ang Araw ng Anzac tuwing 25 Abril kada taon bílang paggunita sa Labanan ng Galipoli. Samantala, ang Araw ng Tigil-putukan at Araw ng Pag-alala ay ginugunita sa Pransiya, Nagkakaisang Kaharian at mga dáting kolonya nito tuwing 11 Nobyembre ng taon.[107][108]

Ang mga kahindik-hindik na pangyayaring nakapaloob sa digmaan ay namalas ng mga mambabása sa mga talaarawan, tula at nobelang isinulat ng mga sundalong nakipaglaban. Ilan sa mga ito ay tanyag na “Lahat ay Tahimik sa Larangang Kanluran” (o All Quiet on the Western Front sa Ingles), nobela ng isang sundalong Alemang si Eric Maria Remarque na makalawang ulit na isinapelikula noong 1930 at muli noong 1979; at ang tulang “Sa Kaparangan ng Flanders" (o In Flanders Field) ng Kanadyanong si Juan McCrae na hanggang sa ngayon ay tinutula pa rin sa Araw ng Pag-alala. Nakapagtalâ naman ang Museong Pandigma ng Imperyong Briton ng mahigit sa 2,500 talaarawan ng mga sundalo na nirebisa ni Max Arturo.[109][110][111]

Silipin din

baguhin
mga Eroplano ng Alyadong Puwersa sa linya ng mga sundalong Aleman
mga Tangke ng Alyadong Puwersa sa Langres, 1918
Awiting "The Makin's of the U.S.A." ni Von Tilzer; Peerless Quartet ng Columbia Records, A2522 gilid B, na inilabas noong Marso 1918
Awiting "We're All Going Calling on the Kaiser" ni Arturo Fields at ng Peerless Quartet na isinulat ni Santiago Alejandro Brennan ng Edison Records, Mayo 1918

Mga talababa

baguhin
  1. Calairo 2006, p. 290
  2. Willmott 2003, pp. 10–11, 307
  3. Calairo 2006, p. 291
  4. 4.0 4.1 Taylor 1998, pp. 80–93
  5. 5.0 5.1 Evans 2004, p. 12
  6. Calairo 2006, pp. 291–293
  7. Guillermo et al. 2004, pp. 300–303
  8. 8.0 8.1 Calairo 2006, p. 293
  9. Keegan 1998, pp. 7, 11
  10. Shapiro & Epstein 2006, p. 329
  11. 11.0 11.1 Guillermo et al. 2004, p. 299
  12. Willmott 2003, p. 21
  13. Calairo 2006, pp. 288–290
  14. Willmott 2003, pp. 15, 21
  15. Keegan 1998, p. 52
  16. Keegan 1998, pp. 48–49
  17. Willmott 2003, pp. 2–23
  18. Willmott 2003, pp. 26–27, 29
  19. Guillermo et al. 2004, p. 300
  20. "BBC.Co.Uk: Mga Punong Pamagat ng Daily Mirror: Ang Pagpapahayag ng Digmaan". Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-06-15. Nakuha noong 2012-05-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. Keegan 1988, p. 7
  22. Strachan 2004, pp. 292–296, 343–354
  23. 23.0 23.1 23.2 23.3 23.4 "BBC.Co.Uk: Digmaan at Himagsikan sa Rusya 1914-1921". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-11-10. Nakuha noong 2012-05-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. 24.0 24.1 Tucker & Robertos 2005, pp. 376–378
  25. Tucker & Robertos 2005, p. 172
  26. "Avalon.Law.Yale.Edu: Tratado ng Alyansa ng Alemanya at Turkiya, 2 Agosto 1914". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-08-11. Nakuha noong 2012-05-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. 27.0 27.1 Hinterhoff 1984, pp. 499–503
  28. Rines 1920, p. 404
  29. Taylor 2007, pp. 38–47
  30. 30.0 30.1 "NationalArchives.Gov.Uk: Ang panggigipit sa Alemanya". Inarkibo mula sa orihinal noong 2004-07-22. Nakuha noong 2012-05-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  31. Farwell 1989, p. 353
  32. Keegan 1998, pp. 224–232
  33. Falls 1961, pp. 79–80
  34. 34.0 34.1 34.2 Calairo 2006, p. 292
  35. 35.0 35.1 "WorldWar1.Com: Ang Ikalawang Labanan ng Ypres, Abril 1915". Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-09-16. Nakuha noong 2012-05-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  36. von der Porten 1969
  37. 37.0 37.1 Tucker & Robertos 2005, pp. 1075–1076
  38. "Net.Lib.Byu.Edu: Pahina ni Tomas Nelson: Italya at ang Digmaang Pandaigdig". Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-09-16. Nakuha noong 2012-05-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  39. Chisholm 1911
  40. Neiberg 2005, pp. 108–110
  41. Tucker & Robertos 2005, p. 1221
  42. Tucker & Robertos 2005, pp. 619–624
  43. "FirstWorldWar.Com: Ang Labanan ng Som,1916". Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-03-16. Nakuha noong 2012-05-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  44. "WorldWar2.ro: Ang Labanan ng Marasti (Hulyo 1917)". Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-02-25. Nakuha noong 2012-05-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  45. Falls 1961, p. 285
  46. 46.0 46.1 Praga & Luxardo 1993, p. 281
  47. Gilberto 2004, p. 306
  48. Kernek 1970, pp. 721–766
  49. "BBC.Co.Uk: Ang Unang Labanan ng Atlantiko". Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-06-03. Nakuha noong 2012-05-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  50. "En.Wikisource.Org: Hinikayat ni Woodrow Wilson na Magpahayag ng Pakikidigma ang Kongreso laban sa Alemanya". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-07-12. Nakuha noong 2012-05-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  51. Tuchman 1966
  52. Lyons 1999, p. 243
  53. "WW1WesternFront.Gov.Au: Mga Australyano sa Larangang Kanluran 1914-1918". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-11-25. Nakuha noong 2012-05-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  54. Calairo 2006, pp. 297–298
  55. Guillermo et al. 2004, p. 301
  56. Mansfield, p. 2078
  57. "FirstWorldWar.Com:Ang Pagsakop sa Bagdad, 1917". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-05-20. Nakuha noong 2012-05-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  58. "FirstWorldWar.Com: Ang Pagbagsak ng Herusalem, 1917". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-06-04. Nakuha noong 2012-05-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  59. Shanafelt 1985, pp. 125–130
  60. Calairo 2006, pp. 298–299
  61. Guillermo et al. 2004, p. 330
  62. Hovannisian 1971, pp. 1–39
  63. Calairo 2006, pp. 293, 299
  64. 64.0 64.1 Westwell 2004, p. 192
  65. Gray 1991, p. 86
  66. 66.0 66.1 Guillermo et al. 2004, p. 302
  67. "AWM.Gov.Au: Ang Labanan ng Amyens: 8 Agosto 1918". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-06-07. Nakuha noong 2012-05-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  68. 68.0 68.1 Jenkins 2009, p. 215
  69. 69.0 69.1 Stevenson 2004, p. 560
  70. 70.0 70.1 Pierre 2006
  71. 71.0 71.1 "Indiana.Edu: Kronolohiya 1918". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-05-05. Nakuha noong 2012-05-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  72. "NWBattalion:Ang Mga Huling Oras". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-08-01. Nakuha noong 2012-05-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  73. 73.0 73.1 73.2 73.3 Guillermo et al. 2004, pp. 305–306
  74. "En.Wikisource.Org: Tratado ng Versalles/Ikatlong Bahagi: Mga Tadhanang Pampolitika para sa Europa". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-01-18. Nakuha noong 2012-05-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  75. 75.0 75.1 "CSUN.Edu: Europa Matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig" (PDF). Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 2012-12-07. Nakuha noong 2012-05-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  76. Fromkin 1989, p. 565
  77. Willmott 2003, p. 307
  78. "Entomology.Montana.Edu: Sakit na Tipus sa Larangang Silangan noong Unang Digmaang Pandaigdig". Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-06-11. Nakuha noong 2012-05-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  79. "InfluenzaReport.Com". Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-10-28. Nakuha noong 2012-05-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  80. "GenocideWatch.Org: Pandaigdigang Samahan ng mga Iskolar ng Genocide". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-10-06. Nakuha noong 2012-05-25.{{cite web}}: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  81. "Hoover.Org: Pagkain bilang Sandata". Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-05-29. Nakuha noong 2012-05-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  82. "AlJazeera.Com: Pangangarap ng Mas Pinalaking Sirya". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-01-30. Nakuha noong 2012-05-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  83. Horne & Kramer
  84. Phillimore & Bellot 1919, pp. 47–64
  85. Speed 1990
  86. Ferguson 2006
  87. Bass 2002, p. 424
  88. "ICRC.Org: ICRC noong Unang Digmaang Pandaigdig: pagsusuri ng mga gawain". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-05-02. Nakuha noong 2012-05-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  89. Tucker & Robertos 2005, pp. 108–186
  90. Noakes 2006, p. 48
  91. Calairo 2006, pp. 295, 301
  92. Chickering 2004, pp. 185–188
  93. Guillermo et al. 2004, p. 311
  94. "SchoolHistory.Org.Uk: Ang Pag-usbong ni Hitler". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-12-01. Nakuha noong 2012-05-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  95. "CSMonitor.Com: Natapos nang bayaran ng Alemanya ang lahat ng bayad-pinsala noong Unang Digmaang Pandaigdig". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-06-06. Nakuha noong 2012-05-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  96. Hartcup 1988, pp. 82–86, 154
  97. Guillermo et al. 2004, pp. 300–301
  98. 98.0 98.1 "FirstWorldWar.Com: Mga Sandata ng Digmaan - Introduksiyon". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-05-12. Nakuha noong 2012-05-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  99. Mosier 2001, pp. 42–48
  100. "FirstWorldWar.Com: Mga Sandata ng Digmaan - Nakalalasong Gas". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-05-29. Nakuha noong 2012-05-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  101. "FirstWorldWar.Com: Mga Sandata ng Digmaan - Mga Tangke". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-05-29. Nakuha noong 2012-05-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  102. Precio 1980
  103. Lawson & Lawson 1996
  104. Krus 1991
  105. Winter 1983
  106. Westwood 1980
  107. "AWM.Gov.Au: Ang Tradisyon ng Araw ng ANZAC". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-05-01. Nakuha noong 2012-05-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  108. "AWM.Gov.Au: Araw ng Pag-alala, 11 Nobyembre 2012". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-06-14. Nakuha noong 2012-05-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  109. "FirstWorldWar.Com: Tuluyan & Patula - Eric Maria Remarque". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-05-09. Nakuha noong 2012-05-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  110. "TheCanadianEncyclopedia.Com: Juan McCrae". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-10-15. Nakuha noong 2012-05-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  111. "ForgottenVoices.Co.Uk: Mga Nalimutang Tinig ng Dakilang Digmaan ni Max Arturo". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-07-22. Nakuha noong 2012-05-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga sanggunian

baguhin
  • Bass, Gary Jonatan (2002), Stay the Hand of Vengeance: The Politics of War Crimes Tribunals, Princeton, Bagong Jersi: Princeton University Press{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (sa Ingles)
  • Calairo, Emmanuel Franco (2006), Panahon, Kasaysayan, at Lipunan: Ikatlong Taon, Lungsod ng Makati: Diwa Learning Systems, Inc.{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Chickering, Rodger (2004), Imperial Germany and the Great War, 1914–1918, Cambridge: Cambridge University Press{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (sa Ingles)
  • Chisholm, Hugh (1911), The Encyclopaedia Britannica, bol. 7{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (sa Ingles)
  • Evans, David (2004), The First World War, London: Hodder Arnaldo{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (sa Ingles)
  • Falls, Cyril Bentham (1961), The Great War, London: Longmans{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (sa Ingles)
  • Farwell, Byron (1989), The Great War in Africa, 1914–1918, Bagong York: W.W. Norton & Company{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (sa Ingles)
  • Ferguson, Niall (2006), The War of the World: Twentieth-Century Conflict and the Descent of the West, Bagong York: Penguin Press{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (sa Ingles)
  • Fromkin, David (1989), A Peace to End All Peace: Creating the Modern Middle East 1914–1922{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (sa Ingles)
  • Gilberto, Martin (2004), The First World War: A Complete History, Clearwater, Plorida: Owl Books{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (sa Ingles)
  • Gray, Randal (1991), Kaiserschlacht 1918: the final German offensive, Osprey{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (sa Ingles)
  • Guillermo, Ramon; Almirante, Sofia; Galvez, Ma. Concepcion; Estrella, Yolanda (2004), Ang Kasaysayan ng Daigdig, Maynila: IBON Foundation, Inc.{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Hartcup, Guy (1988), The War of Invention; Scientific Developments, 1914–18, Brassey's Defence Publishers{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (sa Ingles)
  • Hinterhoff, Eugenio (1984), The Campaign in Armenia, bol. 2, Bagong York: Marshall Cavendish{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (sa Ingles)
  • Horne; Kramer, German Atrocities, 1914: A History of Denial (sa Ingles)
  • Hovannisian, Richard G (1971), The Republic of Armenia: The First Year, 1918–1919, University of California Press{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (sa Ingles)
  • Jenkins, Burris (2009), Facing the Hindenburg Line, BiblioBazaar{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (sa Ingles)
  • Keegan, Juan (1998), The First World War, London: Hutchinson{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (sa Ingles)
  • Kernek, Sterling (1970), "The British Government's Reactions to President Wilson's 'Peace' Note of Disyembre 1916", The Historical Journal, 13 (4){{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (sa Ingles)
  • Krus, Wilbur (1991), Zeppelins of World War I, Bagong York: Paragon Press{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (sa Ingles)
  • Lawson, Eric; Lawson, Jane (1996), The First Air Campaign: Agosto 1914- Nobyembre 1918, Da Capo Press{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (sa Ingles)
  • Lyons, Miguel (1999), World War I: A Short History (ika-2nd (na) edisyon), Bagong Jersi: Prentice Hall{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (sa Ingles)
  • Mansfield, Pedro, The British Empire magazine, bol. 75, Time-Life Books (sa Ingles)
  • Mosier, Juan (2001), "Germany and the Development of Combined Arms Tactics", Myth of the Great War: How the Germans Won the Battles and How the Americans Saved the Allies, Bagong York: Harper Collins{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (sa Ingles)
  • Neiberg, Miguel (2005), Fighting the Great War: A Global History, Cambridge, Massachusetts: Harvard University Press{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (sa Ingles)
  • Noakes, Lucia (2006), Women in the British Army: war and the gentle sex, 1907–1948, Abingdon, Inglatera {{citation}}: Unknown parameter |publiher= ignored (|publisher= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: location missing publisher (link) (sa Ingles)
  • Phillimore, Jorge Grenville; Bellot, Hugh (1919), "Treatment of Prisoners of War", Transactions of the Grotius Society, 5{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (sa Ingles)
  • Pierre, Broue (2006), The German Revolution 1917-1923, Haymarket Books{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (sa Ingles)
  • Praga, Giuseppe; Luxardo, Franco (1993), History of Dalmatia, Giardini{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (sa Ingles)
  • Precio, Alfredo (1980), Aircraft versus Submarine: the Evolution of the Anti-submarine Aircraft, 1912 to 1980, London: Jane's Publishing{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (sa Ingles)
  • Rines, Jorge Edwin (1920), The Encyclopedia Americana, bol. 28{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (sa Ingles)
  • Shanafelt, Gary (1985), The secret enemy: Austria-Hungary and the German alliance, 1914–1918, East European Monographs{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (sa Ingles)
  • Shapiro, Fred; Epstein, Jose (2006), The Yale Book of Quotations, Konektikat: Yale University Press{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (sa Ingles)
  • Speed, Ricardo (1990), Prisoners, Diplomats and the Great War: A Study in the Diplomacy of Captivity, Bagong York: Greenwood Press{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (sa Ingles)
  • Stevenson, David (2004), Cataclysm: The First World War As Political Tragedy, Bagong York: Basic Books{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (sa Ingles)
  • Strachan, Hew (2004), The First World War: Volume I: To Arms, Bagong York: Viking{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (sa Ingles)
  • Taylor, Alan Juan Percivale (1998), The First World War and its aftermath, 1914–1919, London: Folio Society{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (sa Ingles)
  • Taylor, Juan (2007), "Audacious Cruise of the Emden", The Quarterly Journal of Military History, 19 (4){{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (sa Ingles)
  • Tuchman, Barbara Wertheim (1966), The Zimmerman Telegram (ika-2nd (na) edisyon), Bagong York: Macmillan{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (sa Ingles)
  • Tucker, Spencer; Robertos, Priscilla Maria (2005), Encyclopedia of World War I, Santa Barbara: ABC-Clio{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (sa Ingles)
  • von der Porten, Eduardo (1969), German Navy in World War II, Bagong York: T. Y. Crowell{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (sa Ingles)
  • Westwell, Ian (2004), World War I Day by Day, San Pablo, Minesota: MBI Publishing{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (sa Ingles)
  • Westwood, Juan (1980), Railways at War, San Diego, Kalipornya: Howell-North Books{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (sa Ingles)
  • Willmott, H.P. (2003), World War I, Bagong York: Dorling Kindersley{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (sa Ingles)
  • Winter, Denis (1983), The First of the Few: Fighter Pilots of the First World War, Penguin{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (sa Ingles)

Mga panlabas na kawing

baguhin
Tingnan ang katumbas na artikulo sa Wikipediang Ingles para sa mas malawak na pagtalakay ng paksang ito.

Mga pinasiglang mapa

baguhin