Miss World 1990
Ang Miss World 1990 ay ang ika-40 edisyon ng Miss World pageant, na ginanap sa London Palladium, Londres, Reyno Unido noong 8 Nobyembre 1990. Muling isinahimpapawid ang kompetisyon sa Thames Television simula sa edisyong ito.
Miss World 1990 | |
---|---|
Petsa | 8 Nobyembre 1990 |
Presenters |
|
Entertainment |
|
Pinagdausan | London Palladium, Londres, Reyno Unido |
Brodkaster |
|
Lumahok | 81 |
Placements | 10 |
Bagong sali | Rumanya |
Hindi sumali |
|
Bumalik |
|
Nanalo | Gina Tolleson Estados Unidos |
Photogenic | Sharon Luengo Beneswela |
Personality | Sabina Umeh Niherya |
Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Aneta Kręglicka ng Polonya si Gina Tolleson ng Estados Unidos bilang Miss World 1990.[1] Ito ang pangalawang beses na nanalo ang Estados Unidos bilang Miss World. Nagtapos bilang first runner-up si Siobhan McClafferty ng Irlanda, habang nagtapos bilang second runner-up si Sharon Luengo ng Beneswela.
Mga kandidata mula sa walumpu't-isang bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan nina Peter Marshall at Michelle Rocca ang kompetisyon. Nagtanghal sina Jason Donovan at Richard Clayderman sa edisyong ito.
Kasaysayan
baguhinLokasyon at petsa
baguhinUpang gunitain ang ika-apatnapung anibersaryo ng Miss World, inanunsyo ni Eric Morley na ibabalik ang kompetisyon sa Londres, kung saan unang ginanap ang Miss World. Naganap ang mga paunang aktibidad sa Noruwega, at naganap ang paunang kompetisyon at ang closed-door interviews sa Quality Hotel sa Noruwega.
Pagpili ng mga kalahok
baguhinMga kandidata mula sa walumpu't-isang bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Tatlong kandidata ang nailuklok upang kumatawan sa kanilang mga bansa/teritoryo matapos maging runner-up sa kanilang pambansang kompetisyon, o napili sa isang casting process, at limang kandidata ang nailuklok matapos bumitiw ang orihinal na kalahok.
Mga pagpalit
baguhinDapat sanang lalahok sa edisyong ito si Miss Finland 1990 Tiina Vierto,[2] subalit hindi ito tumuloy dahil sa hindi isiniwalat na dahilan. Dahil dito, pinalitan siya ng kanyang first runner-up na si Nina Björkfelt. Dapat din sanang lalahok si Miss Spain 1989 Raquel Revuelta,[3] ngunit pinalitan siya ng kanyang first runner-up na si María del Carmen Carrasco bilang kinatawan ng Espanya dahil sa hindi isiniwalat na dahilan.
Mga unang pagsali, pagbalik, at pag-urong
baguhinLumahok sa unang pagkakataon ang bansang Rumanya sa edisyong ito. Bumalik sa edisyong ito ang mga bansang Madagaskar na huling sumali noong 1974, Brasil na huling sumali noong 1987, at Barbados, Bulgarya, Ehipto, Indiya, Kapuluang Birheng Britaniko, Kapuluang Cook, at Urugway na huling sumali noong 1988.
Hindi sumali ang mga bansang Bermuda, Ekwador, Guyana, Malaysia, Republika ng Tsina, San Vicente at ang Granadinas, at Uganda sa edisyong ito. Hindi sumali sina Qiu Yong Tin ng Republika ng Tsina at Susan Bennett ng San Vicente at ang Granadinas dahil sa hindi isiniwalat na dahilan. Hindi sumali si Jessica Kyeyune ng Uganda dahil sa problema sa pananalapi. Hindi sumali ang mga bansang Bermuda, Ekwador, Guyana, at Malaysia matapos na mabigo ang kanilang organisasyong pambansa na magdaos ng kompetisyong pambansa o magtalaga ng kalahok.
Noong Pebrero 1990, inanunsyo ni Julia Morley na pinapayagan na nila ulit ang partisipasyon ng Timog Aprika sa Miss World, dulot ng mga pagbabago na nangyari sa Timog Aprika tulad ng pagpapalaya kay Nelson Mandela. Dahil dito inaasahan ang partisipasyon ni Miss South Africa 1990 Suzette van der Merwe sa edisyong ito, ngunit dahil sa hindi isiniwalat na dahilan, hindi ito nagpatuloy sa kompetisyon. Dapat din sanang lalahok si Muriel Edoukou ng Baybaying Garing[4], Liis Tappo ng Estonya, Lina Jamal Mita ng Libano, at Greta Bardavelyté ng Litwanya, ngunit hindi sila nagpatuloy sa kompetisyon dahil sa hindi isiniwalat na dahilan.
Mga resulta
baguhinMga pagkakalagay
baguhinPagkakalagay | Kandidata |
---|---|
Miss World 1990 |
|
1st runner-up |
|
2nd runner-up |
|
Top 5 |
|
Top 10 |
Mga Continental Queens of Beauty
baguhinKontinente | Kandidata |
---|---|
Aprika |
|
Asya at Oseaniya |
|
Europa |
|
Kaamerikahan |
|
Karibe |
|
Mga espesyal na parangal
baguhinParangal | Nagwagi |
---|---|
Miss Photogenic |
|
Miss Personality |
|
Kompetisyon
baguhinPormat ng kompetisyon
baguhinTulad noong 1988, sampung semi-finalist ang napili sa pamamagitan ng paunang kompetisyon at mga personal interview na naganap sa Noruwega. Lumahok sa swimsuit competition, evening gown competition at casual interview ang sampung mga semi-finalist. Pagkatapos nito ay pinili ang limang pinalista, at kalaunan ay hinirang ang dalawang runner-up at ang bagong Miss World mula sa pinagsamang resulta ng mga hurado sa Noruwega at Londres.
Komite sa pagpili
baguhinPaunang kompetisyon (mga hurado sa Noruwega)
baguhin- Terje Aass – Direktor ng Aass Brewery
- Ann-Mari Albertsen – Noruwegong mamamahayag sa telebisyon
- Jarle Johansen – Noruwegong negosyante
- Thomas Ledin – Noruwegong mang-aawit
- Knut Meiner – Noruwegong litratista
- Ruth Moxnes – Noruwegang negosyante sa moda
- Ingeborg Sorensen – Noruwegang modelo, first runner-up sa Miss World 1972
Final telecast (mga hurado sa Londres)
baguhin- Rob Brandt – Direktor ng Walters International Computers
- Josie Fonseca – Dirketor ng Models 1 Agency
- Ralph Halpern – Tagapangulo ng Burton Group
- Wilnelia Merced-Forsythe – Miss World 1975 mula sa Porto Riko
- Eric Morley – Tagapagtatag ng Miss World
- Krish Naidoo – Pambansang direktor ng Irlanda sa Miss World
- Kimberley Santos-Hill – Miss World 1980 mula sa Guam
- Michael Ward – Direktor ng European Leisure
Tala: Ang mga hurado sa Noruwega ang nagsilbing ika-siyam na hurado para final telecast
Mga kandidata
baguhinWalumpu't-isang kandidata ang lumahok para sa titulo.
Bansa/Teritoryo | Kandidata | Edad[a] | Bayan |
---|---|---|---|
Alemanya | Christiane Stocker | 23 | Darmstadyo |
Arhentina | Romina Rosales | 19 | Buenos Aires |
Aruba | Gwendolyne Kwidama | 20 | Sint Nicolaas |
Australya | Karina Brown | 19 | Sydney |
Austrya | Carina Friedberger | 20 | Eisenerz |
Bagong Silandiya | Adele Kenny | 17 | Murupara |
Bahamas | Lisa Gizelle Strachan | 19 | Nassau |
Barbados | Cheryl Jean Brewster | 22 | Saint Philip |
Belhika | Katia Alens | 23 | Amberes |
Belis | Ysela Antonia Zabaneh | 20 | Independence |
Beneswela | Sharon Luengo | 19 | Maracaibo |
Brasil | Karla Cristina Kwiatkowski | 20 | Curitiba |
Bulgarya | Violeta Galabova | 18 | Sopiya |
Bulibya | Daniela Domínguez | 17 | Tarija |
Curaçao | Jacqueline Krijger[5] | 23 | Willemstad |
Czechoslovakia | Andrea Roskovcová | 19 | Benešov |
Dinamarka | Charlotte Christiansen | 23 | Copenhague |
Ehipto | Dalia El Behery | 20 | Cairo |
El Salvador | María Elena Henríquez | 20 | San Salvador |
Espanya | María del Carmen Carrasco | 22 | Madrid |
Estados Unidos | Gina Tolleson[6] | 21 | Charleston |
Gana | Dela Tamakloe | 24 | Accra |
Gresya | Sophia Lafkioti | 19 | Atenas |
Guam | Mary Esteban | 22 | Dededo |
Guwatemala | María del Rosario Pérez | 25 | Lungsod ng Guatemala |
Hamayka | Erica Aquart | 20 | Kingston |
Hapon | Tomoko Iwasaki | 20 | Shizuoka |
Hibraltar | Sarah Yeats[7] | 18 | Hibraltar |
Honduras | Claudia Bendaña | 21 | Tegucigalpa |
Hong Kong | Elaine da Silva | 18 | Sai Kung |
Indiya | Naveeda Mehdi | 18 | Bombay |
Irlanda | Siobhan McClafferty[8] | 20 | Dublin |
Israel | Ariela Tesler | 18 | Tel-Abib |
Italya | Cristina Gavagnin | 19 | Trieste |
Kanada | Natasha Palewandrem | 22 | Ottawa |
Kapuluang Birheng Britaniko | Suzanne Spencer | 22 | Tortola |
Kapuluang Birhen ng Estados Unidos | Keima Akintobi | 17 | St. Thomas |
Kapuluang Cook | Angela Manarang | 23 | Rarotonga |
Kapuluang Kayman | Bethea Christian | 17 | Grand Cayman |
Kenya | Aisha Lieberg | 19 | Embu |
Kolombya | Angela Mariño | 19 | Bogotá |
Kosta Rika | Andrea Murillo | 20 | Heredia |
Letonya | Velga Bražņevica | 23 | Riga |
Luksemburgo | Bea Jarzyńska | 18 | Lungsod ng Luksemburgo |
Lupangyelo | Ásta Sigríður Einarsdóttir | 19 | Garðabær |
Madagaskar | Ellys Raza | 20 | Antananarivo |
Makaw | Alexandra Mendes | 19 | Makaw |
Malta | Karen Demicoli | 18 | Żejtun |
Mawrisyo | Marie Desirée Pitchen | 23 | Beau Bassin |
Mehiko | Luz María Mena | 23 | Mérida |
Namibya | Ronel Liebenberg | 22 | Windhoek |
Niherya | Sabina Umeh | 21 | Lagos |
Noruwega | Ingeborg Kolseth | 20 | Hundorp |
Olanda | Gabrielle Stap | 21 | Ang Haya |
Panama | Madelaine Leignadier | 20 | Lungsod ng Panama |
Papuwa Bagong Guniya | Nellie Ban | 23 | Manus |
Paragway | Alba María Cordero | 21 | Asunción |
Peru | Gisselle Martínez | 21 | Lima |
Pilipinas | Antonette Ballesteros | 23 | Maynila |
Pinlandiya | Nina Björkfelt | 22 | Turku |
Polonya | Ewa Maria Szymczak | 23 | Varsovia |
Porto Riko | Magdalena Pabón | 23 | San Juan |
Portugal | Filomena Marques | 22 | Lisboa |
Pransiya | Gaëlle Voiry | 21 | Bordeaux |
Republikang Dominikano | Brenda Marte Lajara | 21 | Santo Domingo |
Reyno Unido | Helen Upton | 19 | Birmingham |
Rumanya | Mihaela Raescu | 22 | Craiova |
Singapura | Karen Ng | 17 | Singapura |
Sri Lanka | Angela Gunasekera | 23 | Colombo |
Suwesya | Daniela Almen | 19 | Västerås |
Suwisa | Priscilla Leimgruber | 20 | Bulle |
Taylandiya | Panida Umsaard | 19 | Bangkok |
Timog Korea | Go Hyun-jung | 19 | Seoul |
Trinidad at Tobago | Guenevere Kelshall | 22 | Port of Spain |
Tsile | María Isabel Jara | 21 | Santiago |
Tsipre | Emilia Groutidou | 18 | Nicosia |
Turkiya | Jülide Ates[9] | 19 | Istanbul |
Unggarya | Kinga Czuczor | 20 | Budapest |
Unyong Sobyetiko | Lauma Zemzare | 19 | Mosku |
Urugway | María Carolina Casalia | 19 | Montevideo |
Yugoslavia | Ivona Brnelić | 18 | Rijeka |
Mga tala
baguhin- ↑ Mga edad sa panahon ng kompetisyon
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Miss U.S.A. wins Miss World contest". Logansport Pharos-Tribune (sa wikang Ingles). 9 Nobyembre 1990. p. 16. Nakuha noong 19 Setyembre 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Ennakkosuosikki Tiina Vierto valittiin Suomen kauneimmaksi" [Early favorite Tiina Vierto was chosen as the most beautiful in Finland]. Helsingin Sanomat (sa wikang Pinlandes). 9 Pebrero 1990. Nakuha noong 3 Hunyo 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Raquel Revuelta, Miss España 1989, recibe la Medalla de Sevilla" [Raquel Revuelta, Miss Spain 1989, receives the Seville Medal]. Diario de Navarra (sa wikang Kastila). 25 Setyembre 2020. Nakuha noong 4 Hunyo 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Palmarès Les différentes Miss Côte d'Ivoire de 1985 à 2012" [Prize list The different Miss Côte d'Ivoire from 1985 to 2012]. Abidjan.net News (sa wikang Pranses). Nakuha noong 27 Mayo 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Jacqueline Krijger Miss Curaçao 1990". Amigoe (sa wikang Olandes). 3 Hulyo 1990. p. 15. Nakuha noong 6 Hulyo 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Miss Michigan new Miss USA". Austin American-Statesman (sa wikang Ingles). 3 Marso 1990. p. 24. Nakuha noong 31 Enero 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Stringer, Megan (14 Pebrero 2022). "Then and now". Gibraltar Panorama (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Hulyo 2023. Nakuha noong 3 Hulyo 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Mackle, Marisa (19 Hunyo 2023). "Former Miss Ireland believes young children shouldn't enter beauty pageants". Irish Mirror (sa wikang Ingles). Nakuha noong 22 Hunyo 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Arda ile Omuz Omuza'nın bu haftaki konuğu Jülide Ateş kimdir?" [Who is Jülide Ateş, the guest of Arda and Omuz Omuza'nın this week?]. Hurriyet (sa wikang Turko). 14 Marso 2021. Nakuha noong 16 Hunyo 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)