Miss World 1989
Ang Miss World 1989 ay ang ika-39 na edisyon ng Miss World pageant, na ginanap sa Hong Kong Convention and Exhibition Centre, Hong Kong noong 22 Nobyembre 1989. Ito ang unang edisyon na ginanap ang Miss World sa labas ng Reyno Unido, at ang unang edisyon na ginanap sa Asya.
Miss World 1989 | |
---|---|
Petsa | 22 Nobyembre 1989 |
Presenters |
|
Entertainment | Aswad |
Pinagdausan | Hong Kong Convention and Exhibition Centre, Hong Kong |
Brodkaster | Asia Television |
Lumahok | 78 |
Placements | 10 |
Bagong sali |
|
Hindi sumali |
|
Bumalik |
|
Nanalo | Aneta Kręglicka Polonya |
Personality | Greet Ramaekers Belhika |
Photogenic | Anna Gorbunova Unyong Sobyetiko |
Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Linda Pétursdóttir ng Lupangyelo si Aneta Kręglicka ng Polonya bilang Miss World 1989.[1][2] Ito ang unang beses na nanalo ang Polonya bilang Miss World. Nagtapos bilang first runner-up si Leanne Caputo ng Kanada, habang nagtapos bilang second runner-up si Mónica María Isaza ng Kolombya.
Mga kandidata mula sa pitumpu't-walong bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan nina Peter Marshall, John Davidson at Alexandra Bastedo ang kompetisyon. Nagtanghal ang bandang Aswad sa edisyong ito.
Kasaysayan
baguhinLokasyon at petsa
baguhinPatuloy na pinalawak nina Eric Morley at Owen Oyston ang kanilang organisasyon sa pamamagitan ng pagtamo ng Piccadilly Radio, ang pangatlong pinaka-importanteng istasyon ng radyo sa Reyno Unido. Binago na rin ang corporate name ng kumpanya dahil sa pagtatamo ng mga istasyon ng radyo mula sa Miss World Limited sa Transworld Communications PLC. Ang direktor ay si Eric Morley, ang pangulo ay si Julia Morley, at Chief Executive Officer ay si Owen Oyston.[3]
Noong Marso 1989, inanunsyo ni Eric Morley sa mga pambansang direktor na magaganap ang Miss World sa panahon ng tag-init sa Londres. Nagkaroon ng kasunduan sina Morley at ang British Satellite Broadcating upang isahimpapawid muli ang paligsahan sa Londres, ngunit ang pagkaantala sa paglulunsad ng satelayt at ng unang pagsasahimpapawid ng channel ang nagbago sa petsa ng paligsahan na dapat sanang gagawin sa tag-init. Nabago ang petsa sa 16 Nobyembre 1989, at ito ay gaganapin muli sa Royal Albert Hall sa Londres.
Noong Agosto 1989, pinaalam ng British Satellite Broadcasting kay Eric Morley na dahil sa mga problemang teknikal, mauusog ang paglunsad ng satelayt sa Marso 1990. Dahil dito, maisasahimpapawid ang kompetisyon sa buong mundo, puwera lang sa Reyno Unido. Dahil nagkaroon sila ng kasunduan ng Formosa Airlines upang dalhin ang mga kandidata sa Hong Kong at Taipei upang gawin doon ang mga paunang mga aktibidad para sa Miss World, napagdisyunan ni Morley na idaos ang mga paunang aktibidad sa Taipei, at idaos ang pinal na kompetisyon sa Hong Kong.
Pagpili ng mga kalahok
baguhinMga kandidata mula sa pitumpu't-walong bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Pitong kandidata ang nailuklok upang kumatawan sa kanilang mga bansa/teritoryo matapos maging runner-up sa kanilang pambansang kompetisyon, o napili sa isang casting process, at apat na kandidata ang nailuklok matapos bumitiw ang orihinal na kalahok.
Mga pagpalit
baguhinDapat sanang lalahok si Adeline Geerman ng Aruba, ngunit dahil sa hindi isiniwalat na dahilan, siya ay pinalitan ni Dilailah Odor. Hindi rin sumali si Miss Belgium 1989 Anne De Baetzelier sa edisyong ito dahil sa hindi isiniwalat na dahilan, at siya ay pinalitan ng kanyang first runner-up na si Greet Ramaekers. Dahil may eksklusibong kontrata si Miss Czechoslovakia Ivana Christová 1989 sa pangunahing isponsor ng kanyang pambansang kompetisyon na hahadlang sa kanya na sumali sa Miss World, siya ay pinalitan ng kanyang first runner-up na si Jana Hronková. Dapat sanang lalahok si Miss USSR 1989 Yulia Sukhinova sa edisyong ito. Gayunpaman, dahil sa paglabag nito sa kontrata ng Miss USSR, at dahil hindi pinahintulutan ng kanyang mga magulang na lumahok ito sa Miss World dahil siya ay menor de edad, siya ay pinalitan ng kanyang first runner-up na si Anna Gorbunova.
Mga unang pagsali, pagbalik, at pag-urong
baguhinLumahok sa unang pagkakataon ang mga bansang Letonya, Namibya, Unggarya, at Unyong Sobyetiko. Bumali ang mga bansang Czechoslovakia na huling sumali noong 1969, Aruba at Porto Riko na huling sumali noong 1985, at Panama at San Vicente at ang Granadinas na huling sumali noong 1987.
Hindi sumali ang mga bansang Barbados, Bulgarya, Ehipto, Indiya, Kanlurang Samoa, Kapuluang Birheng Britaniko, Kapuluang Cook, Kapuluang Turks at Caicos, Libano, Liberya, Pulo ng Man, San Cristobal at Nieves, Sierra Leone, Suwasilandiya, at Urugway. Hindi sumali sina Tanya Cathrow ng Barbados, Viola Marguerite Joseph ng Kapuluang Birheng Britaniko, Karen Been ng Kapuluang Turks at Caicos, Rosie Hodge ng San Cristobal at Nieves, at Siuafu Malia Tangata´iloa ng Tonga dahil sa problema sa pananalapi. Hindi sumali sina Neiryn Ahmad Salem ng Ehipto, Angela Manarangi ng Kapuluang Cook, at Cathy Korju ng Estonya dahil sa hindi isiniwalat na dahilan. Hindi sumali ang mga bansang Bulgarya, Indiya, Kanlurang Samoa, Libano, Liberya, Pulo ng Man, Sierra Leone, Suwasilandiya, at Urugway matapos na mabigo ang kanilang organisasyong pambansa na magdaos ng kompetisyong pambansa o magtalaga ng kalahok.
Mga resulta
baguhinMga pagkakalagay
baguhinPagkakalagay | Kandidata |
---|---|
Miss World 1989 |
|
1st runner-up |
|
2nd runner-up |
|
Top 10 |
|
Mga Continental Queens of Beauty
baguhinRehiyon | Kandidata |
---|---|
Aprika |
|
Asya |
|
Europa |
|
Kaamerikahan |
|
Karibe |
|
Oseaniya |
|
Mga espesyal na parangal
baguhinParangal | Nagwagi |
---|---|
Miss Photogenic |
|
Miss Personality |
|
Kompetisyon
baguhinPormat ng kompetisyon
baguhinTulad noong 1988, sampung semi-finalist ang napili sa pamamagitan ng paunang kompetisyon at mga personal interview. Lumahok sa swimsuit competition, evening gown competition at final interview ang sampung mga semi-finalist. Pagkatapos nito, anim na kandidata ang hinirang bilang Continental Queens of Beauty, bago hirangin ang dalawang runner-up at ang bagong Miss World.
Komite sa pagpili
baguhin- Rob Brandt – Direktor ng Walters International Computers
- Richard Caring – Ingles na negosyante sa tela na nakabase sa Hong Kong
- Brian Daniels – Pangulo ng g Kong Academy of Performing Arts
- Diane Hsin – Asawa ng tagapangulo ng Formosa Airlines
- Peter Lam – Negosyante mula sa Hong Kong; direktor ng ATV
- Giselle Laronde – Miss World 1986 mula sa Trinidad at Tobago
- Eric Morley – Tagapagtatag ng Miss World
- Krish Naidoo – Pambansang direktor ng Irlanda sa Miss World
- George Pitman – Pangulo ng Variety Club at Telethon sa Kanada
Mga kandidata
baguhinPitumpu't-walong kandidata ang lumahok para sa titulo.[4]
Bansa/Teritoryo | Kandidata | Edad[a] | Bayan |
---|---|---|---|
Alemanya | Jasmine Beil | 23 | Francfort del Meno |
Arhentina | Patricia Wiedenhofer | 17 | La Pampa |
Aruba | Dilailah Odor | 20 | Oranjestad |
Australya | Natalie McCurry | 23 | North Bondi |
Austrya | Marion Amann | 20 | Viena |
Bagong Silandiya | Helen Rowney | 19 | Auckland |
Bahamas | Carolyn Moree | 17 | Nassau |
Belhika | Greet Ramaekers | 18 | Limbourg |
Belis | Martha Badillo | 20 | San Pedro |
Beneswela | Fabiola Candosín | 19 | Caracas |
Bermuda | Cherie Tannock | 23 | Warwick |
Bulibya | María Victoria Julio | 19 | Tarija |
Curaçao | Supharmy Sadji | 19 | Willemstad |
Czechoslovakia | Jana Hronková | 22 | Horšovský Týn |
Dinamarka | Charlotte Pedersen | 19 | Holstebro |
Ekwador | Ximena Correa | 19 | Machala |
El Salvador | Ana Estela Aguilar | 20 | San Salvador |
Espanya | Eva Pedraza | 18 | Córdoba |
Estados Unidos | Jill Renee Scheffert | 21 | Lungsod ng Oklahoma |
Gana | Afua Amoah Bonsu | 23 | Accra |
Gresya | Katerina Petropoulou | 19 | Atenas |
Guam | Cora Tricia Yanger | 18 | Mangilao |
Guwatemala | Rocío Lerma | 24 | Lungsod ng Guatemala |
Guyana | Ryhaan Majeed | 21 | Georgetown |
Hamayka | Natasha Marcanik | 19 | Kingston |
Hapon | Kaori Muto | 22 | Tokyo |
Hibraltar | Audrey Gingell | 19 | Hibraltar |
Honduras | Belinda Bodden | 18 | San Pedro Sula |
Hong Kong | Ewong Yung-hung | 21 | Pulo ng Hong Kong |
Irlanda | Barbara Ann Curran | 23 | Dublin |
Israel | Ronit Sutton | 19 | Herusalem |
Italya | Paola Mercurio | 17 | Napoles |
Kanada | Leanne Caputo | 23 | Milton |
Kapuluang Birhen ng Estados Unidos | Vanessa Thomas | 19 | St. Thomas |
Kapuluang Kayman | Michelle Garcia | 20 | Grand Cayman |
Kenya | Grace Chabari | 22 | Mombasa |
Kolombya | Mónica María Isaza | 20 | Medellín |
Kosta Rika | María Antonieta Sáenz | 18 | San José |
Letonya | Ina Magone | 18 | Liepāja |
Luksemburgo | Chris Scott | 23 | Lungsod ng Luksemburgo |
Lupangyelo | Hugrún Guðmundsdóttir | 20 | Reikiavik |
Makaw | Guilhermina Pedruco | 19 | Macau |
Malaysia | Vivien Chen Shee Yee | 24 | Kuching |
Malta | Marika Micallef | 18 | Għargħur |
Mawrisyo | Jeanne-Françoise Clement | 20 | Beau Bassin |
Mehiko | Nelia María Ochoa | 19 | Veracruz |
Namibya | Emarencia Esterhuizen | 22 | Windhoek |
Niherya | Bianca Onoh | 22 | Enugu |
Noruwega | Bente Brunland | 22 | Oslo |
Olanda | Liesbeth Caspers | 21 | Noordwijk |
Panama | Gloria Quintana | 19 | Lungsod ng Panama |
Papuwa Bagong Guniya | Joycelin Leahy | 24 | Morobe Province |
Paragway | Alicia María Jaime | 20 | Asunción |
Peru | Maritza Zorrilla | 20 | Lima |
Pilipinas | Estrella Querubin | 20 | Manila |
Pinlandiya | Åsa Lövdahl | 20 | Helsinki |
Polonya | Aneta Kręglicka | 24 | Gdańsk |
Portugal | Maria Angélica Mira | 18 | Lisbon |
Porto Riko | Tania Collazo | 18 | Orocovis |
Pransiya | Stephanie Zlotkowski | 17 | Bordeaux |
Republikang Dominikano | Irma Mauriz | 23 | San Felipe de Puerto Plata |
Republika ng Tsina | Wang Min-yei | 22 | Taipei |
Reyno Unido | Suzanne Younger[5] | 23 | Shrewsbury |
San Vicente at ang Granadinas | Anna Young | 19 | Kingstown |
Singapura | Jacqueline Ang | 18 | Singapura |
Sri Lanka | Serena Danvers | 21 | Colombo |
Suwesya | Lena Berglind | 23 | Gothenburg |
Suwisa | Catherine Mesot | 23 | Wil |
Taylandiya | Prathumrat Woramali | 17 | Bangkok |
Timog Korea | Kim Hye-ri | 19 | Seoul |
Trinidad at Tobago | Samantha Bhagan | 22 | Goodwood Park |
Tsile | Claudia Bahamondes | 17 | Santiago |
Tsipre | Irma Voulgari | 17 | Larnaca |
Turkiya | Burcu Burkut | 19 | İzmir |
Uganda | Doreen Lamon-Opira | 20 | Kampala |
Unggarya | Magdolna Gerloczy | 18 | Budapest |
Unyong Sobyetiko | Anna Gorbunova | 22 | Mosku |
Yugoslavia | Aleksandra Dobraš | 17 | Banja Luka |
Mga tala
baguhin- ↑ Mga edad sa panahon ng kompetisyon
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "European crowned Miss World '89". The Evening News (sa wikang Ingles). 24 Nobyembre 1989. pp. 2A. Nakuha noong 1 Agosto 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Miss Poland destroys wall, wins Miss World". Ocala Star-Banner (sa wikang Ingles). 24 Nobyembre 1989. pp. 2A. Nakuha noong 1 Agosto 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Kelso, Paul (8 Disyembre 1999). "Millionaire rapist Owen Oyston released on parole". The Guardian (sa wikang Ingles). ISSN 0261-3077. Nakuha noong 27 Mayo 2024.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Nadler, Gerald (23 Agosto 1988). "Contest is slated for Miss U.S.S.R." The Bryan Times (sa wikang Ingles). p. 1. Nakuha noong 29 Disyembre 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Henderson, Barbara (8 Abril 1989). "Suzanne's final joy". Birmingham Evening Mail (sa wikang Ingles). Birmingham, West Midlands, England. p. 1. Nakuha noong 1 Agosto 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)