2017 sa Pilipinas
Ito ang mga pangyayari ng 2017 sa Pilipinas. Itinalaga ang buong taong 2017 bilang Visit ASEAN Year 2017 na opisyal na magsisimula sa Enero 1 at magtatapos sa Disyembre 31.[1]
Panunungkulan
baguhin- Pangulo: Rodrigo Duterte (PDP–Laban)
- Pangalawang Pangulo: Maria Leonor G. Robredo (Liberal)
- Kongreso (Ika-17 Kongreso):
- Punong Mahistrado: Maria Lourdes P.A. Sereno
Kaganapan
baguhinAng mga nagaganap (o magaganap) na pangyayari ay maaaring may kinalaman sa mga sumusunod: | ||
|
|
|
Kasalukuyang mga Kaganapan
baguhin- Sakuna. Panahon ng bagyo sa Pasipiko
- Pulitikal. Alitang teritoryal sa Dagat Kanlurang Pilipinas (o Dagat Timog Tsina)
- Batas. Digmaaan kontra droga (Pagdukot at pagpatay kay Jee Ick-Joo)
- Palakasan. [tingnan ang Palakasan]
- Kamatayan: [tingnan ang Kamatayan]
- Alitan: Alitang Moro – Pag-atake sa hangganan ng Sabah (kasama ang Indonesia at Malaysia); Rebelyong CPP-NPA-NDF
- Halalan at Reperendum: Walang nakatakda
- Paglilitis: (nilitis na bago ang 2017) Gloria Macapagal Arroyo, Nur Misuari, Joel Villanueva; (kasalukuyang nililitis ngayong taon) Andal Ampatuan Jr., Leila de Lima, Rodrigo Duterte, Jovito Palparan, Leni Robredo; (nilitis sa International Criminal Court) Walang paglilitis
- Iba pa
- Anti-Distracted Driving Act
- Digmaaan kontra droga
- Iskandalong kalakalan ng droga sa New Bilibid Prison
- Protesta ng Kadamay sa proyektong pabahay
- Krisis sa Marawi
- Pag-atake sa Resorts World Manila
Kronolohiya
baguhinEnero
- Enero 4 – Paglusob sa bilangguan sa Kidapawan
- Enero 5 – Napatay ng puwersang panseguridad ng pamahalaan si Mohammad Jaafar Maguid, ang pinuno ng Ansar Al-Khilafah Philippines, sa Sarangani.
- Enero 11 – Nilagdaan ni Pangulo Duterte ang kautusang tagapagpaganap para sa pangkalahatang access sa modernong mga kasangkapan sa pagpaplano ng pamilya.
- Enero 16-20 – Ang ika-4 na World Apostolic Congress on Mercy ay ginanap sa Maynila, Batangas, Bulacan, at Bataan.[2][3]
- Enero 17 – Pagbaha sa Visayas at Mindanao
- Enero 30 – Miss Universe 2016
Pebrero
- Pebrero 10 – Lindol sa Surigao
- Pebrero 21 – Isang bus panlakbay lulan ang mga mag-aaral sa kolehiyo na patungo sa lugar ng kamping ay bumangga sa poste sa gilid ng kalsada sa Tanay, Rizal, ikinasawi ng 15-katao at ikinasugat ng 40 iba pa.
- Pebrero 24 – Pagdakip kay Senador Leila De Lima
- Pebrero 28 – Lumagda si Pangulo Duterte sa Paris Agreement on Climate Change.[4][5]
Abril
- Abril 11 – Sagupaan sa Bohol
- Abril 18 – Aksidente ng bus sa Nueva Ecija
- Abril 21 – Napanatili ni Eduard Folayang ang kanyang ONE Championship belt sa isang desisyong unanimous laban kay Ev Ting.
- Abril 26-29 – Ang Pilipinas ay naging punong-abala sa ika-30 ASEAN Summit na ginanap sa Philippine International Convention Center sa Lungsod Pasay.[6]
- Abril 27 – Natuklasan ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas ang isang lihim na bilangguang selda sa loob ng isang presinto ng Manila Police District.
- Abril 30 – Inilunsad nina Pangulo Rodrigo Duterte at Pangulo ng Indonesia Joko Widodo ang unang Davao-General Santos-Bitung roll-on roll-off (RORO) vessel.
Nobyembre
- Nobyembre 12-14
- Ang Pilipinas ay ikalawang ika-31st ASEAN Summit na Ginanap sa Cultural Center of the Philippines sa Lungsod Pasay
- Pagkikita nila Pangulo Rodrigo Duterte, Pangulo ng Estados Unidos Donald Trump ibang siyam na lider at Dialog Partners .
Batas at Krimen
baguhin- Enero 4 – Paglusob sa bilangguan sa Kidapawan. Nasa isandaang armadong kalalakihan, na mga pinaghihinalaang rebeldeng Muslim na hindi tiyak ang kinaaaniban, ay naglunsad ng paglusob sa isang bilangguan sa Lungsod Kidapawan at pinatakas ang hindi bababa sa 158 mga preso. Isang bantay ng bilangguan ang namatay.[7][8]
- Enero 30 – Digmaan kontra droga. Nagsususpindi si Pangulo Duterte ng digmaan sa droga kaya maaari siyang tumutok sa pagpapaalis sa mga "tiwaling" opisyal mula sa Pambansang Pulisya ng Pilipinas. Kaugnay ito sa pagdukot at pagsakal ng negosyanteng tubong-South Korea na si Jee Ick-joo noong Oktubre.[9]
- Pebrero 13 – Isang warrant of arrest ay itinakdang ihain sa lider ng oposisyon at Senador Leila de Lima.[10]
- Pebrero 23 – Iniutos ng isang hukuman ang pag-aresto sa kritiko ni Duterte at Liberal na Senador Leila de Lima. Ito ay dahil sa mga paglabag niya sa Batas Republika 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, na may kaugnayan sa kanyang di-umano'y kaugnayan sa iskandalong kalakalan ng droga sa New Bilibid Prison. Siya ay kusang-loob na sumama noong susunod na araw, Pebrero 24.[11][12]
- Marso 1 – Digmaan kontra droga. Pagkatapos ng pansamantalang suspensyon dahil sa pagdukot at pagpatay sa isang tubong-Timog Korea, nag-utos si Pangulo Duterte sa Pambansang Pulisya ng Pilipinas na ipagpatuloy ang kanyang kontrobersyal na kampanya.[13]
- Abril 24 – Digmaan kontra droga. Isang Pilipinong abugado ang nagsampa ng reklamong "maramihang pagpatay at krimen laban sa sangkatauhan" laban kay Pangulo Duterte at labing-isang iba pang mga opisyal sa International Criminal Court sa The Hague, Netherlands.[14] Ang mga inakusahan ay kinabibilangan nina Hepe ng PNP Ronald dela Rosa, Kalihim ng Katarungan Vitaliano Aguirre, Edilberto Leonardo, Royina Garma, Ispiker ng Kapulungan Pantaleon Alvarez, dating Kalihim ng Interyor Ismael Sueno, Sonny Buenaventura, punong-manananggol Jose Calida, Dante Gierran, Senador Richard J. Gordon, at Senador Alan Peter Cayetano.[15]
- Mayo 8 – Digmaan kontra droga. Ang United Nations Human Rights Council ay nagsagawa ng pana-panahong pagsusuri ng sitwasyon ng karapatang pantao sa bansa.[16]
Pulitika at Halalan
baguhin- Enero 9 – Inimbestigahan ng gabinete ni Pangulo Duterte ang isang email leak na di-umano'y nagpapahiwatig ng paglahok ni Pangalawang Pangulo Robredo sa pagtatangkang ibagsak si Duterte.[17]
- Pebrero 16 – Halalang pampanguluhan sa Pilipinas, 2016. Ang Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas ay nagpapahintulot na magpatuloy ang electoral protest ng natalong kandidato na si Bongbong Marcos laban kay Pangalawang Pangulo Robredo.[18]
- Pebrero 17 – Si Senador Leila de Lima, na kritiko ng Digmaan Kontra Droga ng bansa, ay kinasuhan ni Kalihim ng Katarungan Vitaliano Aguirre II ng di-umano'y mga krimeng may kinalaman sa droga.[19]
- Pebrero 18 – Nasa limampung libong katao ang nagtipon sa Maynila para sa isang martsang inorganisa ng Simbahang Katolika ng bansa upang tutulan ang Digmaan Kontra Droga.[20][21]
- Pebrero 24 – Ipinagtanggol ni Pangalawang Pangulo Robredo ang kanyang kapwa taga-Partido Liberal na si Leila de Lima na naaresto dahil sa mga pinaghihinalaang kalakalan ng droga kung saan tinawag niyang politikal na panliligalig ang pag-aresto kay de Lima.[22]
- Pebrero 27 – Ang Partido Liberal, partido nina Pangalawang Pangulo Robredo at Senador de Lima, ay pormal na nagiging oposisyon matapos mapatalsik mula sa mga mahahalagang posisyon sa Senado ang mga kasapi nito at ang kanyang kasamahan mula sa partido Akbayan.[23]
- Abril 17 – Halalang pampanguluhan sa Pilipinas, 2016. Nagbayad si Bongbong Marcos ng ₱36 milyon, kalahati ng kinakailangang halaga upang gawin ang muling pagbibilang laban kay Pangalawang Pangulo Robredo.[24]
- Abril 20 – Halalang pampanguluhan sa Pilipinas, 2016. Hiniling ni Bongbong Marcos ang Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas upang bale-walain ang isang kontra-protesta ng kasalukuyang Pangalawang Pangulo Robredo tungkol sa kanyang tagumpay sa pambansang halalan noong nakaraang taon.[25]
- Mayo 2 – Digmaan kontra droga. Hinarap ni Pangalawang Pangulo Robredo ang isang kasong impeachment sa Kapulungan ng mga Kinatawan dahil sa pagkondena sa digmaan ng bansa kontra droga sa Mga Nagkakaisang Bansa.[26]
Negosyo at ekonomiya
baguhin- Enero 11 -- Tinutulan ng mga environmentalist at netizen ang planong pagtatayo ng isang Nickelodeon-themed underwater amusement park and resort ng Viacom International Media Networks sa Coron, Palawan, sa kabila ng mga pahayag ng Viacom na ang proyekto ay nagtataguyod ng pangangalaga sa yamang dagat.[27][28]
Sakuna at aksidente
baguhin- Enero 17 – Pagbaha sa Visayas at Mindanao. Ilang bahagi ng Visayas at Mindanao ang nakaranas ng pagbaha bilang resulta ng isang low pressure area, na sinamahan ng buntot ng cold front. Nakaranas ang Lungsod Cagayan de Oro ng isang serye ng mga dagliang bahang dulot ng malakas na ulang dala ng isang LPA sa Golpo Moro, Enero 16.[29]
- Pebrero 8 – Nawalan ng tahanan ang higit sa 10,000-katao matapos ang isang sunog na puminsala sa Tondo, Maynila.[30]
- Pebrero 10 – Tinamaan ng kalakhang-6.7 na lindol ang 14 kilometro (8 milya) hilagang-kanluran ng Lungsod Surigao, Surigao del Norte, sa isla ng Mindanao na ikinamatay ng hindi bababa sa 8-katao, ikinasugat ng higit sa 100 iba, at puminsala ng maramng mga gusali.[31][32][33]
- Abril 4 – Mga Lindol sa Batangas. Tinamaan ng kalakhang-5.5 na lindol ang Batangas, na naging sanhi ng pinsala sa mga gusali at naramdaman ito hanggang sa kasing layo ng Kalakhang Maynila at Bulacan.[34][35]
- Abril 8 – Mga Lindol sa Batangas. Dalawang lindol, na may kalakhang 5.6 at 6.0 at may kaugnayan sa kalakhang-5.5 na lindol, ay tumama sa Batangas, naramdaman ito hanggang sa kasing layo ng Kalakhang Maynila.[36]
- Abril 17 – Bilang ng mga nasawi sa pagbaha sa Lalawigan ng Cebu ay tumaas sa siyam na may sampung nawawala.[37]
- Abril 18 – Hindi bababa sa 36-katao ang namatay matapos bumagsak ang isang Leomarick Trans bus sa bangin sa Lalawigan ng Nueva Ecija.[38]
- Abril 22 – Isang U.S. Navy F/A-18 Hornet ang bumagsak sa Dagat Celebes malapit sa Pilipinas sa panahon ng tangkang paglapag sa USS Carl Vinson. Lumabas ang piloto at nakaligtas.[39]
- Abril 28 – Isang 6.8 na lindol ang tumama sa dalampasigan ng Mindanao, nagdulot ng mga babala ng tsunami.[40]
- Agosto 11 - Lumaganap ang isang uri ng avian influenza "bird flu" H5N6 influenza sa bayan ng San Luis, Pampanga.
- Agosto 14 – Tinamaan ng isang uri ng strain virus "bird flu" H5N1 influenza sa lungsod ng Heneral Santos bunsod ng Bird flu sa Luzon.
Sining at Kalinangan
baguhin- Enero 30 – Miss Universe 2016. Ang ika-65 Miss Universe (2016) pageant ay ginanap sa Mall of Asia Arena, Lungsod Pasay, sa ikatlong pagkakataong ang Pilipinas ang punong-abala rito. Si Iris Mittenaere, nagwaging Miss France 2016, ay nakoronahan bilang nagwaging Miss Universe 2016 sa naturang seremonya.[41][42]
- Pebrero 22 – Inilabas ng Amnesty International ang isang ulat na pumupuna sa mga pagsikat ng mga papyulistang pinuno tulad ni Rodrigo Duterte ng Pilipinas at ilang iba pa.[43]
- Mayo 22 – "My Family's Slave" Isang kontrobersyal na obra na nakasulat sa magasing The Atlantic tungkol sa Pilipinong alipin at ang pamilyang Pilipino-Amerikano na sangkot dito ay nagpalitaw ng debate sa Pilipinas at Estados Unidos.[44]
Alitang armado at mga pag-atake
baguhin- Pebrero 20 – Inatake ng mga armado ang isang sasakyang-pandagat na Vietnamese malapit sa Tawi-Tawi, napatay ang hindi bababa sa isang mandaragat at dinukot ang pitong iba pa, ayon sa Tanod Baybayin ng Pilipinas. Ang militanteng Abu Sayyaf ay pinaghihinalaang nasa likod ng pag-atake.[45]
- Pebrero 27
- Alitang Moro. Pinugutan ng mga militanteng grupong Abu Sayyaf ang kanilang bihag na Aleman na si Jurgen Kantner sa Indanan, Sulu.[46]
- Himagsikang Komunista sa Pilipinas. Kabuuang 21 mga combatant ang namatay sa tatlong-linggong pagsalakay ng pamahalaan laban sa Partido Komunista ng Pilipinas.[47]
- Abril 11 – Sampung-katao ang namatay matapos ang isang sagupaan sa Inabanga, Bohol, Gitnang Visayas, nang makipaglabanan ng Pambansang Pulisya at Sandatahang Lakas sa mga pinaghihinalaang miyembro ng Abu Sayyaf.[48]
- Mayo 23 – Labanan sa Marawi. Idineklara ni Pangulo Duterte ang batas militar sa isla ng Mindanao matapos makipagsagupa ang mga militanteng Maute sa mga tropang hukbo sa Marawi, Lanao del Sur.[49][50]
Internasyonal na relasyon
baguhin- Mayo 5 – Ang mga Senador ng Estados Unidos na sina Ben Cardin (D-MD) at Marco Rubio (R-FL) ay nag-file ng isang bill na naghihigpit sa pagbebenta ng armas sa Pambansang Pulisya ng Pilipinas dahil sa digmaan nito kontra droga.[51]
- Mayo 22
- Tinukoy ng Pilipinas ang isang kontrobersyal na pangungusap tungkol sa potensyal na "digmaan" sa Tsina sa gitna ng pagpuna mula sa mga Pilipino.[52]
- Ugnayang Pilipinas-Russia. Si Pangulo Duterte, na noong huli'y pinawalang-bisa ang kanyang pagbisita sa Moscow dahil sa mga pag-atake ng mga terorista sa katimugang isla ng Mindanao, ay nagsabi kay Pangulo ng Rusya Vladimir Putin na ang Pilipinas ay naghahanap sa Rusya ng mga modernong armas upang labanan ang ISIL.[53]
Palakasan
baguhin- Mayo 6 – Football: Ang Philippine Football League, ang kauna-unahang pambansang liga ng propesyonal na football ay pinasinayaan ng Philippine Football Federation. Ginanap ang laro ng unang torneo ng inaugural season nito. (Unang itinakda noong Abril) [54][55]
- Mayo 12-18 – Basketball: Ang Pilipinas ay naging punong-abala sa 2017 SEABA Championship.[56]
Mga Itinakdang Pangyayari
baguhinNakatakda
baguhin- Marso - Abril, Agosto - Ang Pilipinas ay punong-abala sa ika-30 ASEAN Summit at ika-12 East Asia Summit sa Lungsod Cebu, Lungsod Davao, at Pampanga na itinakda bilang mga lugar para sa pandaigdigang pagtitipon.[57]
- Nobyembre 10-14 - Ang Pilipinas ay punong-abala sa ika-31 ASEAN Summit at ang Twelfth East Asia Summit sa Clark Freeport Zone sa Lungsod Angeles, Pampanga.[6]
- Agosto 8 - Ipagdiriwang ng ASEAN ang kanyang ika-50 (Golden Jubilee) anibersaryo ng pagkakatatag.
- Oktubre 23 - Gaganapin ang mga halalan sa Barangay at Sangguniang Kabataan.[58]
- Itatakda - Muling bubuksan ang mga usaping pangkapayapaan sa pagitan ng Pamahalaan at ng Moro National Liberation Front.[59][60]
Palakasan
baguhin- Agosto 3-8 – Boxing: Ang Asian Junior Boxing Championship ay gaganapin sa Pilipinas, kung saan ang Lungsod Davao ay pinangalanan bilang posibleng punong-abalang lungsod.[61]
- Agosto 9-17 – Volleyball: Ang Kalakhang Maynila ay punong-abala sa 2017 Asian women's Volleyball Championship.[62]
- Itatakda (?) – 3x3 basketball: Ang Pilipinas ay punong-abala sa FIBA 3x3 World Tour.[63]
- Itatakda (?) – Athletics: Ang Pilipinas ay punong-abala sa 2017 Asian Youth Athletic Championship.[64]
Naudlot na Pangyayari
- Boxing: Unang nakatakda sa Abril 23 na makakalaban ni Manny Pacquiao ang boksingerong British na si Amir Khan sa United Arab Emirates.[65]
Mga Paggunita
baguhinNoong Agosto 18, 2016, inanunsyo ng pamahalaan ang hindi bababa sa 19 na pagdiriwang sa Pilipinas para sa 2017 tulad ng ipinahayag sa pamamagitan ng bisa ng Proclamation No. 50, serye 2016.[66][67] Tandaan na sa listahan, mga okasyon sa italiko ay " special non-working holidays," mga nasa bold ay ang " regular holidays," at sa mga nasa di-italiko at di-bold ay ang " espesyal na okasyon para sa mga paaralan."
Sa karagdagan, inoobserbahan ng maraming lugar ang mga lokal na pista opisyal, tulad ng pagkakatatag ng kanilang bayan. Ito rin ay "espesyal na araw. "
- Enero 1 – Unang Araw ng Bagong Taon
- Enero 2 – Special non-working holiday (Sa pagdiriwang ng panahon ng Kapaskuhan, sa bisa ng Proklamasyon Blg. 117, s. 2016)[68][69]
- Enero 28 – Bagong Taong Tsino, unang araw ng unang buwang lunar sa Kalendaryong Tsino.
- Pebrero 25 – Rebolusyong EDSA ng 1986
- Abril 9 – Araw ng Kagitingan
- Abril 13 – Huwebes Santo
- Abril 14 – Biyernes Santo
- Abril 15 – Sabado de Gloria
- Mayo 1 – Araw ng Paggawa
- Hunyo 12 – Araw ng Kalayaan
- Hunyo 26 – Eid'l Fitr, Pista ng Pagtatapos ng Ramadan
- Agosto 21 – Araw ni Ninoy Aquino
- Agosto 28 – Araw ng mga Bayani
- Oktubre 31 – Special non-working holiday
- Nobyembre 1 – Araw ng mga Patay
- Nobyembre 30 – Araw ni Bonifacio
- Disyembre 25 – Araw ng Pasko
- Disyembre 30 – Araw ni Rizal
- Disyembre 31 – Huling araw ng taon (Sa pagdiriwang ng Bagong Taon)
- Itatakda (Setyembre 1) -- Eid'l Adha, Pista ng Pag-aalay
Ang mga espesyal na paggunita sa Eid’l Fitr at Eid’l Adha, ay ipapahayag sa 2017. Dapat sundin ng mga proklamasyong magdedeklara nito matapos pasiyahan ang mga tantiyang petsa ng mga pagdiriwang na Islamiko. Ang mga petsang nakasaad rito ay batay lamang sa Kalendaryong Islamiko.[67]
Kamatayan
baguhinEnero
- Enero 1 – Mel Lopez, politiko (isinilang Setyembre 1, 1935)[70]
- Enero 17 – Donna Villa [artista, tagagawa ng pelikula, at asawa ni Carlo J. Caparas] (isinilang 1960)
- Enero 30
Pebrero
- February 6 – Boy Asistio, politiko; Alkalde ng Caloocan (1980-1986, 1998-1995) (isinilang Abril 6, 1936)[73]
- Pebrero 9 – Rev. Fr. Erick Santos [mangangaral ng Kerygma TV at dating host ng Family Rosary Crusade] (isinilang 1962)
- February 12 – Herminio Bautista, artista at direktor (Bagets), miyembro ng Konseho ng Lungsod Quezon (1988-1991) (isinilang 1934)[74]
- Pebrero 28 – Simeon Datumanong, politiko (isinilang Hunyo 17, 1935)[75]
Marso
- Marso 2 – Cornelia "Angge" Lee [radio and talent manager ng ABS-CBN] (isinilang 1946)
- Marso 5 – Roden Araneta [finalist ng Clown in a Million, Yes Yes Show mainstay, aktor at komedyante] (isinilang 1961)
- Marso 13 – Richard H. Solomon, Amerikanong political aide at diplomat, Embahador sa Pilipinas (1992-1993), Pangulo ng United States Institute of Peace (1993-2012) (isinilang Hunyo 19, 1937 sa Estados Unidos)[76]
- Marso 20 – Leticia Ramos-Shahani, politiko, miyembro ng Senado (1987-1998) at Pangulo pro tempore (1993-1996) (isinilang Setyembre 30, 1929)[77]
- Marso 23 – Alex Tizon, Amerikanong mamamahayag at may-akda (The Seattle Times), tumanggap ng Gantimpalang Pulitzer (1997) (isinilang na Pilipino, Oktubre 30, 1959)[78]
- Marso 27 – Jose Antonio N. Carrion, politiko, Gobernador ng Marinduque (2007-2010, 1995-1998) (isinilang Hunyo 19, 1948)[79]
Abril
- April 13 – Roberto Aboitiz, [Tagapangulo ng Ramon Aboitiz Foundation, Inc.] (isinilang 1949)
- Abril 14 – Mariano Que [tagapagtatag ng Mercury Drug] (isinilang 1921)
- Abril 15 – Alfonso Yuchengco, industryalista at diplomat (isinilang Pebrero 6, 1923)[80]
- April 17 – Wilfredo Cruz [kompositor] (isinilang 1947)
- Abril 25 – Mark Jimenez, politiko[81]
Mayo
- Mayo 2 – Romeo Vasquez [aktor] (isinilang Abril 9, 1939)
- Mayo 24 – Gil Portes [direktor ng pelikula] (isinilang Setyembre 13, 1945)
- Mayo 25 – Eva Estrada Kalaw [dating senador] (isinilang Hunyo 16, 1920)
Hunyo
- Hunyo 3 – Carlos "Bobong" Velez [pinuno ng Vintage Enterprises] (isinilang 1945)
- Hunyo 10
- Leovino Hidalgo [Alkalde ng Balete, Batangas]
- Malang [pintor] (isinilang Enero 20, 1928)
- Hunyo 17
- Rodolfo Fontiveros Beltran [prelado ng Katoliko Romano at Vicar Apostolic ng Bontoc-Lagawe at Obispo ng San Fernando de La Union] (isinilang Nobyembre 11, 1948)
- Leopoldo S. Tumulak [prelado ng Katoliko Romano, Obispo ng Tagbilaran at Ordinaryo Militar ng Pilipinas] (isinilang Setyembre 29, 1944)
- Hunyo 30 – Jake Tordesillas [tagasulat ng senaryo] (isinilang Abril 17, 1949)
Hulyo
- Hulyo 14 – Nikka Cleofe Alejar [tagapagbalita] (isinilang 1975)
- Hulyo 21 - Soxie Topacio [direktor ng pelikula at aktibista ng LGBT (Quezon City Pride Council)] (isinilang Hunyo 19, 1952)
- Hulyo 23 - Rocky Batolbatol [mixed martial artist] (isinilang 1984)
- Hulyo 30 - Reynaldo Parojinog [Alkalde ng Ozamiz]
Agosto
- Agosto 1 - Alfie Lorenzo [talent manager] (isinilang Enero 26, 1939)
- Agosto 2 - Bobby Ortega, [kasapi ng Sanggunian ng Lungsod Baguio] (isinilang 1938)
- Agosto 6 - Ramon N. Villegas [iagapagsalita, tagapagsanaysay, historyador ng sining, kolektor, mag-aalahas at makata]
- Agosto 8 - Zeny Zabala [artista] (isinilang Hulyo 21, 1937)
- Agosto 24 - Amelyn Veloso [tagapagbalita] (isinilang Abril 25, 1974)
Setyembre
- Setyembre 4 - David Consunji [chairman emeritus ng DMCI Holdings] (b. 1921)
- Setyembre 16 - Ernie Zarate [beteranong artista, arkitekto at may-akda] (b. 1940)
- Setyembre 17 -
- Cris Bolado [manlalaro ng basketbol (Alaska Milkmen)] (b. 1969)
- Horacio "Atio" Castillo III, Magaaral ng UST Tinaguriang Hazing Victim
- Setyembre 23 - Loreto Carbonell [manlalaro ng basketbol] (b. 1933)
- Setyembre 26 - Dominador Aytona [pulitiko, Senador] (b. 1918)
- Setyembre 30 - Joe Taruc [tagapagbalita ng radyo] (b. 1947)
Oktubre
- Oktubre 9 – Tony Calvento, [Broadcaster] (ipinanganak 1954)
- Oktubre 15 – Chinggoy Alonzo, [aktor]
- Oktubre 28 – Ricardo Vidal, [Cebu Archbishop] (ipinanganak Pebrero 6, 1931)
Nobyembre
- Nobyembre 4 – Isabel Granada, [aktres at Mangaawit] (ipinanganak Marso 3, 1976)
- Nobyembre 11 – Franco Hernandez, Grupo ng Hashtag ng ABS CBN's Showtime (ipinanganak 1991)
Disyembre
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Visit ASEAN ready for a big year of tourism promotion" Travel Weekly Asia. 09-08-2016. Hinango 01-14-2017.
- ↑ "PHL to host World Apostolic Conference on Mercy this January" GMA News. 01-03-2017. Hinango 01-14-2017.
- ↑ "4th World Apostolic Congress on Mercy opens at Manila Cathedral" Philippine Daily Inquirer. 01-16-2017. Hinango 02-04-2017.
- ↑ "Philippines to ratify Paris climate deal by July" Rappler. 01-09-2017. Hinango 02-04-2017.
- ↑ "Duterte signs Paris Agreement on Climate Change" GMA News. 03-01-2017. Hinango 03-04-2017.
- ↑ 6.0 6.1 "Asean meeting to push through in Bohol this week" The Philippine Star. 04-18-2017. Hinango 05-06-2017.
- ↑ "Philippines jail stormed by armed men, hundreds of prisoners escape" ABC News (Australia). 01-04-2017. Hinango 02-04-2017.
- ↑ "Armed men free more than 150 in Kidapawan jailbreak" Al Jazeera. 01-04-2017. Hinango 02-04-2017.
- ↑ "Philippines leader Rodrigo Duterte suspends 'war on drugs' so he can hunt down corrupt police officers instead" The Telegraph. 01-30-2017. Hinango 02-04-2017.
- ↑ "De Lima 'prepares for worst-case scenario' in possible arrest today" Naka-arkibo 2017-03-17 sa Wayback Machine. CNN Philippines. 02-13-2017. Hinango 03-04-2017.
- ↑ "Philippine court orders arrest of senator Leila de Lima" Al Jazeera. 02-24-2017. Hinango 03-04-2017.
- ↑ "After awaiting arrest at Senate, De Lima turns self in to CIDG" Philippine Daily Inquirer. 02-24-2017. Hinango 03-04-2017.
- ↑ "Duterte to call police back to war on drugs" Philippine Daily Inquirer. 03-01-2017. Hinango 04-01-2017.
- ↑ "Charge Rodrigo Duterte With Mass Murder, Lawyer Tells The Hague" The New York Times. 04-24-2017. Hinango 05-19-2017.
- ↑ "Duterte, 11 others accused of crimes against humanity before ICC." Philippine Daily Inquirer. 04-24-2017. Hinango 05-19-2017.
- ↑ "LIVE: UN reviews Philippines' human rights situation" Naka-arkibo 2017-05-14 sa Wayback Machine. The Philippine Star. 05-08-2017. Hinango 08-02-2017.
- ↑ "Palace investigates 'LeniLeaks'" ABS-CBN News. 01-09-2017. Hinango 02-04-2017.
- ↑ "Philippine Supreme Court Rejects Bid to Thwart Marcos Election Protest" Reuters via US News & World Report. 02-16-2017. Hinango 03-04-2017.
- ↑ "Philippines: Duterte critic Leila de Lima faces drugs charges" BBC News. 02-17-2017. Hinango 03-04-2017.
- ↑ "Tens of thousands of Filipino Catholics protest against death penalty and Duterte's drug war" International Business Times. 02-18-2017. Hinango 03-04-2017.
- ↑ "Philippine Catholics rally vs. drug killings, death penalty" Fox News. 02-18-2017. Hinango 03-04-2017.
- ↑ "Robredo calls De Lima’s arrest ‘political harassment’" Philippine Daily Inquirer. 02-24-2017. Hinango 03-04-2017.
- ↑ "Senate ousts Drilon, LP senators from key posts" Rappler. 02-27-2017. Hinango 03-04-2017.
- ↑ "Bongbong Marcos pays P36-M first installment of poll protest fee" Philippine Daily Inquirer. 04-17-2017. Hinango 05-19-2017.
- ↑ "Marcos asks SC to dismiss Robredo's counter-protest" Rappler. 04-20-2017. Hinango 05-19-2017.
- ↑ "Impeachment complaint to be filed vs Robredo" Naka-arkibo 2017-05-02 sa Wayback Machine. The Philippine Star. 05-02-2017. Hinango 08-02-2017.
- ↑ "Nickelodeon's underwater theme park plan causes uproar" CNN Money. 01-11-2017. Hinango 02-04-2017.
- ↑ "Palawan officials: No application for Nickelodeon underwater theme park in Coron" Naka-arkibo 2017-02-21 sa Wayback Machine. CNN Philippines. 01-11-2017. Hinango 02-04-2017.
- ↑ "Preemptive evacuation in CDO as floods, landslides hit South" Naka-arkibo 2017-04-23 sa Wayback Machine. Manila Bulletin. 01-16-2017. Hinango 02-04-2017.
- ↑ "Shanty town fire in Philippines leaves 15,000 homeless" The Telegraph. 02-08-2017. Hinango 03-04-2017.
- ↑ "Nighttime Philippine quake kills at least 4, injures 126" Naka-arkibo 2017-03-24 sa Wayback Machine. Associated Press. 02-10-2017. Hinango 03-04-2017.
- ↑ "At least three dead after 6.5 magnitude earthquake strikes the Philippines" 9news. 02-11-2017. Hinango 03-04-2017.
- ↑ "Earthquake in southern Philippines kills four, damages infrastructure" Reuters. 02-11-2017. Hinango 03-04-2017.
- ↑ "Magnitude-5.5 quake strikes off Batangas, shakes Metro Manila" The Philippine Star. 04-04-2017. Hinango 05-19-2017.
- ↑ "LOOK: 5.5-magnitude quake damage in Batangas." Philippine Daily Inquirer. 04-05-2017. Hinango 05-19-2017.
- ↑ "Twin earthquakes rock Metro Manila, nearby provinces" Naka-arkibo 2017-05-19 sa Wayback Machine. Rappler. 04-08-2017. Hinango 05-19-2017.
- ↑ "Death toll from Cebu floods rises to 10" GMA Network. 04-17-2017. Hinango 05-19-2017.
- ↑ "At least 26 dead in Nueva Ecija bus crash" Rappler. 04-18-2017. Hinango 05-19-2017.
- ↑ "Fighter pilot from aircraft carrier Carl Vinson ejects safely at sea" Navy Times. 04-21-2017. Hinango 05-19-2017.
- ↑ "Earthquake measuring 6.8 hits off Mindanao in the Philippines" The Telegraph. 04-28-3017. Hinango 05-19-2017.
- ↑ "Confirmed: Miss Universe pageant to be held in PH – DOT" Rappler. 07-28-2016. Hinango 11-12-2016.
- ↑ "MISS FRANCE CROWNED MISS UNIVERSE IN PHILIPPINES" Associated Press. 01-30-2017. Hinango 02-04-2017.
- ↑ "Amnesty report compares trends that led to Hitler’s rise to power to today’s divisive politics" The Washington Post. 02-22-2017. Hinango 03-04-2017.
- ↑ "Mother, Wife, Slave. Lola and the universality of women’s exploitation" The Atlantic. 05-22-2017. Hinango 08-02-2017.
- ↑ "Vietnamese sailor killed, 7 abducted in Philippine pirate attack" Reuters. 02-20-2017. Hinango 03-04-2017.
- ↑ "Abu Sayyaf releases video of German hostage's beheading" The Straits Times. 02-27-2017. Hinango 03-04-2017.
- ↑ "AFP: 14 communist rebels, 7 soldiers dead in 3-week offensive" Rappler. 02-26-2017. Hinango 03-04-2017.
- ↑ "At least 10 killed in firefight in Bohol vs. suspected Abu Sayyaf: Police, military" Naka-arkibo 2017-05-17 sa Wayback Machine. CNN Philippines. 04-11-2017. Hinango 05-19-2017.
- ↑ "Duterte declares martial law in Mindanao" Rappler. 05-23-2017. Hinango 08-02-2017.
- ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-05-25. Nakuha noong 2021-08-06.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2017-05-25 sa Wayback Machine. - ↑ "U.S. bill filed to restrict arms exports to PNP" Naka-arkibo 2017-07-14 sa Wayback Machine. Rappler. 05-05-2017. Hinango 08-02-2017.
- ↑ "The Philippines is starting damage control after Duterte claims China threatened war" Naka-arkibo 2017-08-18 sa Wayback Machine. Business Insider. 05-22-2017. Hinango 08-02-2017.
- ↑ "Philippines needs modern arms to fight ISIS, Duterte tells Putin" Reuters. 05-24-2017. Hinango 08-02-2017.
- ↑ "Winning Suzuki Cup would rekindle Philippines' love affair with football" ESPN FC. 12-27-2015. Hinango 11-12-2016.
- ↑ "PFF finalizes blueprint for pro league" The Philippine Star. 01-05-2016. Hinango 11-12-2016.
- ↑ "PH to host 2017 SEABA tournament" ABS-CBN News. 01-23-2017. Hinango 02-04-2017.
- ↑ "Cebu ready to host Asean 2017 summit" Business Mirror. 10-25-2016. Hinango 11-12-2016.
- ↑ "Duterte signs law postponing barangay, SK elections" Rappler. 10-18-2016. Hinango 07-25-2017.
- ↑ "Duterte-Misuari meeting to be set" GMA News. 07-11-2016. Hinango 11-12-2016.
- ↑ "Duterte targets meeting with Misuari in 2017" Rappler. 08-12-2016. Hinango 11-12-2016.
- ↑ "PH to host 2017 Asian Junior Boxing Tourney" Naka-arkibo 2017-01-05 sa Wayback Machine. The Manila Times, Philippines News Agency. 12-31-2016. Hinango 01-14-2017.
- ↑ "2017 AVC Volleyball Events Calendar" Naka-arkibo 2018-12-06 sa Wayback Machine. Asian Volleyball Confederation. Hinango 02-04-2017.
- ↑ "PHL to host FIBA 3x3 World Championship in 2017 -- Pangilinan" Naka-arkibo 2017-08-28 sa Wayback Machine. Business World.08-04-2016. Hinango 11-12-2016.
- ↑ "PH to host Southeast Asian Youth tourney in 2017" Naka-arkibo 2016-03-04 sa Wayback Machine. The Standard. 01-02-2014. Hinango 11-12-2016.
- ↑ "Manny Pacquiao and Amir Khan to fight in April" BBC. 02-26-2017. Hinango 03-04-2017.
- ↑ "LIST: 2017 Philippine Holidays" Rappler. 08-18-2016. Hinango 09-06-2016.
- ↑ 67.0 67.1 "Public Holidays 2016 and 2017" Public Holidays Global. Hinango 09-05-2016.
- ↑ "Dec. 26, Jan. 2 declared special non-working holidays" ABS-CBN News. 12-14-2016. Hinango 12-16-2016.
- ↑ "Proclamation No. 117, s. 2016" Naka-arkibo 2016-12-16 sa Wayback Machine. Official Gazette of the Republic of the Philippines. 12-14-2016. Hinango 12-16-2016.
- ↑ "Former Manila mayor Mel Lopez dies at 81" Naka-arkibo 2017-02-04 sa Wayback Machine. CNN Philippines. 02-01-2017 (updated). Hinango 05-19-2017.
- ↑ "Retired state Supreme Court Justice Ramil dies at 70" Naka-arkibo 2017-02-03 sa Wayback Machine. Honolulu Star Advertiser. 02-01-2017. Hinango 05-19-2017.
- ↑ "Es verstarben im Herrn" Naka-arkibo 2017-12-07 sa Wayback Machine. (sa wikang Aleman) Hinango 05-19-2017.
- ↑ "Ex-Caloocan Mayor Boy Asistio dies at 80" The Philippine Star. 02-06-2017. Hinango 05-19-2017.
- ↑ "Mayor Herbert's dad Butch Bautista passes away" ABS-CBN News. 02-13-2017. Hinango 05-19-2017.
- ↑ "Ex-Maguindanao rep Datumanong passes away" ABS-CBN News. 03-01-2017. Hinango 05-19-2017.
- ↑ "Richard Solomon, Kissinger aide involved in ‘Ping-Pong diplomacy’ with China, dies at 79" The Washington Post. 03-14-2017. Hinango 05-19-2017.
- ↑ "Ex-senator Leticia Ramos-Shahani passes away" ABS-CBN News. 03-20-2017. Hinango 05-19-2017.
- ↑ "Alex Tizon, Pulitzer Prize winner and Oregon journalism professor, dies at 57" The Oregonian/Oregon Live. 03-27-2017. Hinango 05-19-2017.
- ↑ "Marinduque missing former Gov. Bong Carrion (1948-2017)" Biogspot. 03-27-2017. Hinango 05-19-2017.
- ↑ "Taipan Yuchengco passes away" The Philippine Star. 04-17-2017. Hinango 05-19-2017.
- ↑ "Ex-congressman Mark Jimenez dies at 70" Naka-arkibo 2017-05-19 sa Wayback Machine. The Philippine Star. 04-25-2017. Hinango 05-19-2017.