Paligsahang Pang-awitin ng Eurovision
Ang Eurovision Song Contest (Pranses: Concours Eurovision de la Chanson) ay isang taunang paligsahan sa pag-aawit na ginaganap ng mga miyembro ng European Broadcasting Union (EBU).
Bawat bansa ay magsumite ng aawiting likha para sa telebisyon, at magboboto para sa awit na gusto nila na galing sa ibang bansa. Bawat bansa na sasali ay pipili ng kumakatawan para sa kanilang bansa sa isa sa mga estasyon sa telebisyon.
Ang paligsahang ito ay isa sa mga pinakamahabang kumpetisyon na isina-broadcast sa buong Europa (ito'y nagsimula sa 1956). Ang pagsasahimpapawid ng Eurovision ay isinaere din sa labas ng Europa at Australia, tulad ng Hong Kong, Canada, Hapon, Mehiko, Pilipinas, Taiwan, Thailand, Estados Unidos, Biyetnam, Brazil, Tsina at marami pa.
Ang Paligsahan
baguhinMga bansa na miyembro ng European Broadcasting Unit (EBU) lang ay puwede sumali. Ang pagsali ay hindi determinado sa lugar o kontinente ng bansa, kundi sa pagiging kasapi ng bansa. Ang "Euro" sa "Eurovision" ay balewala lamang. Ang Israel, na matatagpuan sa Dagat Meditteraneo na pinaligid ng mga bansang katimugan ng Europa, ay sumali simula noong 1973. Ang Morocco, na kalapit-bansa sa Espanya, ay sumali sa isa at tanging pagkakataon lamang noong 1980.
Bago magganap ang mga paligsahan, lahat ng bansa na sasali sa taon na igaganap ang mismong kumpetisyon ay kailangang maghanap ng isang mang-aawit na kakatawan para sa bansa. Ang awit ay dapat nasa loob ng tatlong minuto, at aawitin sa alinmang wika sa Europa na sumali sa paligsahan. Noong 2004, nagkaroon ng "semi-final" na igaganap para mabawasan ang mga act na iaawit sa "final".
Kung sinong acts ay papasok sa "final" ay depende sa mga residente ng bansa na sumali sa kumpetisyon. Pareho rin ang format sa "final" event. Maaaring magboto para sa ibang bansa maliban lang sa sariling bansa ng nagboboto. Ang pagboboto ay isinagawa sa pamamagitan ng SMS. Itong mga boto ay ginagawang "points" depende sa kung gaano karami ang mga boto sa isang bansa. Ang mga puntos na maaring makuha ng isang bansa ay nasa scale ng 1-12. Sa pinaka-final na paligsahan, may "live voting" na ginaganap pagkatapos ng oras ng pagboboto para ipakita kung anong bansa ay nananalo. Ang bahaging ito ng kumpetisyon ay gumawa ng maraming kontrobersiyal na isyu dahil sa "pagbo-block-voting" ng ibang bansa. Ang "block-voting" ay kapag binoboto ang isang bansa na may maraming maninirahan galing sa bansang iyon, o binoboto ang isang bansa dahil katabi ng bansang iyon. Ang pinakamalaking kontrobersyial na isyu ay pagkaboto ng politika or "political voting". Ito ang mga dahilan kung bakit sumuko o nagsialis ang ibang bansa sa paligsahan.
Ang mananalong bansa ay magiging tagaganap ng susunod na paligsahan isang taon makalipas ng paligsahan.
Ang Mga Nagasali ay orihinal na nasuri ng isang 'hurado' ng mga kinatawan mula sa iba't ibang mga bansa, na iginawad puntos para sa bawat pagganap. Ang unang bahagi ng ika-21 siglo nakita ang karagdagan ng isang popular na boto na nagpahintulot sa mga manonood na lumahok sa pamamagitan ng telepono o text message. Kahit na pagmamarka ay tabulated sa paraan na ang mga manonood ay hindi maaaring bumoto para sa mga Kalahok mula sa kanilang sariling bansa, blocs sa lalong madaling panahon lumitaw sa kahabaan rehiyon o etniko na mga linya. Sa katunayan, halos tulad ng Olympic Games, Eurovision inaalok ng isang malawak nakakaakit kultural na palabas, ngunit ang pulitikal na dimensyon ng paligsahan ay madalas na naging mga kuwento sa kanilang sarili. Turkey, host ng 2004 kumpetisyon, na ginagamit ang kaganapan upang bigyang-diin ang kahalagahan ng pagsasama-sama sa pagitan ng Turkey at European Union. Kapag Azerbaijan naka-host sa 2012, pansin ay nakatutok sa rekord sa karapatang pantao na bansa. Sa 2014, tulad ng Russia ay malawak na crititismo para sa kanyang pag-aampon ng antigay batas at ang kanyang annexation ng Crimea mula sa Ukraine, ang Russian contestants ay booed sa pamamagitan ng studio audience, at ang kumpetisyon ay won sa pamamagitan na Mahusay na Maawit na si Conchita Wurst ng Austria.[1]
Mga bansang kasapi
baguhinSinkwentayunong bansa na ay sumali at least isang beses.
Mga bansa na sumali, sa order ng unang partisipasyon:
Taon | Mga bansa sa unang partisipasyon |
---|---|
1956 | Alemanya, Belhika, Italya, Luxembourg, Nederland, Pransiya, Suwisa |
1957 | Austria, Dinamarka, Gran Britanya |
1958 | Suwesiya |
1959 | Monaco |
1960 | Noruwega |
1961 | Espanya, Pinlandiya, Yugoslavia |
1964 | Portugal |
1965 | Ireland |
1971 | Malta |
1973 | Israel |
1974 | Gresiya |
1975 | Turkiya |
1980 | Morocco |
1981 | Tsipre |
1986 | Iceland |
1993 | Bosnia at Herzegovina, Croatia, Slovenia |
1994 | Estonia, Litwaniya, Poloniya, Rumaniya, Rusiya, Slovakia, Unggarya |
1998 | Macedonia |
2000 | Latbiya |
2003 | Ukraniya |
2004 | Albaniya, Andorra, Belarus, Serbia at Montenegro |
2005 | Bulgaria, Moldova |
2006 | Armeniya |
2007 | Czechia, Georgia, Montenegro, Serbia |
2008 | Aserbayan, San Marino |
2015 | Australia |
Mga Awiting Nanalo sa Eurovision
baguhinMga nota
baguhin- ↑ The full results of the 1956 Contest were never released; only the winner is known.
- ↑ Ireland and France tied for second place in the 1990 Contest.
- ↑ Sweden won the 1991 Contest following a tie-break.
- ↑ Since 2004 the Contest has included a televised semi-final. In 2004 this was held on the Wednesday before the final, and between 2005 and 2007 it was held on the Thursday of "Eurovision Week". Since 2008 two semi-finals have been held, on Tuesday and Thursday respectively.
- ↑ Since 2008 the Contest has included two semi-finals, held on the Tuesday and Thursday before the final.
Sanggunian
baguhin- ↑ Michael Ray (Enero 13, 2017). "Eurovision Song Contest". Nakuha noong 2 Mayo 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ As no tie-break structure was in place, all four were declared joint winners.
Kawing na panlabas
baguhin- InglesWebsayt ng Eurovision :
- TurkoWebsayt ng Eurovision sa wikang Turko Naka-arkibo 2009-02-18 sa Wayback Machine. :