Miss Universe 1976

Ang Miss Universe 1976 ay ang ika-25 edisyon ng Miss Universe pageant, na ginanap sa Lee Theatre, Hong Kong noong Hulyo 11, 1976.[1]

Miss Universe 1976
Rina Messinger
PetsaHulyo 11, 1976
Presenters
  • Bob Barker
  • Helen O'Connell
PinagdausanLee Theatre, Hong Kong
BrodkasterInternasyonal:
Opisyal:
  • TVB
Lumahok72
Placements12
Bagong sali
Hindi sumali
Bumalik
NanaloRina Messinger
 Israel
CongenialityMargaret McFarlane
Trinidad at Tobago Trinidad at Tobago
Pinakamahusay na Pambansang KasuotanRocío Lazcano
 Peru
PhotogenicPauline Davies
Inglatera Inglatera
← 1975
1977 →

Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Anne Marie Pohtamo ng Pinlandiya si Rina Messinger ng Israel bilang Miss Universe 1976.[2][3] Ito ang kauna-unahang tagumpay ng Israel sa kasaysayan ng kompetisyon. Nagtapos bilang first runner-up si Judith Castillo ng Beneswela, habang nagtapos bilang second runner-up si Sian Adey-Jones ng Gales.[4][5]

Mga kandidata mula sa 72 bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan ni Bob Barker ang kompetisyon sa ikasampung pagkakataon, samantalang si Helen O'Connell ang nagbigay ng komentaryo sa buong kompetisyon.

Kasaysayan

baguhin
 
Lee Theatre, ang lokasyon ng Miss Universe 1976

Lokasyon at petsa ng kompetisyon

baguhin

Noong Agosto 3, 1971, naglagda ng kontrata ang Miss Universe Organization at ang Government Economic Development Administrator ng Porto Riko upang dalhin ang Miss Universe at Miss USA sa San Juan mula 1972 hanggang 1976.[6] Gayunpaman, kinansela ng pamahalaan ng Porto Riko ang kasunduan noong Pebrero 1973 dahil ayon sa mga opisyal ng pamahalaan ng Porto Riko, ilegal diumano ang kasunduan.[7]

Dapat sanang gaganapin sa Israel ang ika-25 anibersayo ng pageant. Gayunpaman, inanusyo noong Enero 15, 1976 na hindi na itutuloy ang pagdaraos ng kompetisyon sa Israel matapos na tumanggi sa paglalaan ng $300,000 ang Ministry of Finance ng Israel upang isagawa ang kompetisyon sa bansa.[8] Ayon sa noo'y Finance Minister na si Yehoshua Rabinowitz, kung maganda ang kompetisyon para sa turismo at propaganda ng Israel, ang mga pondo ay manggagaling dapat sa badyet ng Tourism and Foreign Ministry.[9][10]

Noong Pebrero 6, inanunsyo ng pangulo ng Miss Universe Inc. na si Harold Glasser na ang ika-25 anibersaryo ng pageant ay gaganapin sa Hulyo 10 sa Hong Kong, at lahat ng nalikom na pera mula sa mga ticket ay mapupunta sa Hong Kong Community Chest.

Pagpili ng mga kalahok

baguhin

Ang mga kalahok mula sa 72 mga bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Dalawang kandidata ang nailuklok upang kumatawan sa kanilang bansa/teritoryo matapos ang pag-urong ng orihinal na kalahok.

Mga pagpalit

baguhin

Iniluklok ang first runner-up ng Miss Venezuela 1976 na si Judith Castillo upang kumatawan sa bansang Beneswela matapos bumitaw sa puwesto si Miss Venezuela 1976 Elluz Peraza pagkatapos ng apat na araw upang magpakasal.[11] Iniluklok ang first runner-up ng Miss Holland 1976 na si Nannetje Nielen upang kumatawan sa kanyang bansa matapos piliin ni Miss Holland 1976 Lucie Visser na hindi lumahok dahil sa hindi isiniwalat na dahilan.[12][13]

Mga unang pagsali, pagbalik, at pag-urong sa kompetisyon

baguhin

Unang sumali sa edisyong ito ang mga bansang Barbados, Hilagang Kapuluang Mariana, Papuwa Bagong Guniya, at Sint Maarten, at bumalik ang mga bansang Honduras, Noruwega, at Suriname. Huling sumali noong 1973 ang Noruwega, at noong 1974 ang Honduras at Suriname. Hindi sumali ang mga bansang Belis, Hamayka, Hayti, Libano, Micronesia, at Moroko sa edisyong ito. Hindi sumali sina Janet Joan Joseph ng Belis, Angela Ruddock ng Hamayka, at Ramona Karam ng Libano dahil sa hindi isiniwalat na dahilan.[14] Hindi sumali ang Micronesia dahil imbis na kumatawan sa rehiyon, ang mga kandidata mula sa Hilagang Kapuluang Mariana ay kinakatawan ang kanilang indibidwal na teritoryo. Hindi sumali ang mga bansang Hayti at Moroko matapos na mabigo ang kanilang mga organisasyong pambansa na magdaos ng kompetisyong pambansa o magtalaga ng kalahok.

Dapat sanang kakalahok sa edisyong ito sina Cleopatra Sanders ng Antigua at Irene Penn ng Kapuluang Birheng Britaniko, ngunit hindi sila nakasali dahil sa hindi isiniwalat na dahilan.[15] Kakalahok din sana si Amiot Moea ng Tahiti, subalit hindi na niya ipinagpatuloy ang kompetisyon matapos magkasakit ang kaniyang ina.[16]

Mga resulta

baguhin
 
Mga bansa at teritoryong sumali sa Miss Universe 1976 at ang kanilang mga pagkakalagay.

Mga pagkakalagay

baguhin
Pagkakalagay Kandidata
Miss Universe 1976
1st runner-up
2nd runner-up
3rd runner-up
4th runner-up
Top 12

Mga espesyal na parangal

baguhin
Parangal Nagwagi
Miss Photogenic
Miss Congeniality
Best National Costume

Kompetisyon

baguhin

Pormat ng kompetisyon

baguhin

Tulad noong 1971, 12 mga semifinalist ang napili sa pamamagitan ng paunang kompetisyon at ang mga closed-door interview. Kumalahok sa swimsuit competition at evening gown competition ang 12 mga semfinalist, at kalaunan ay napili ang limang pinalista na sumabak sa final interview.

Komite sa pagpili

baguhin
  • Florinda Bolkan – Brasilenyang aktres[20]
  • Britt Ekland – Suwekang aktres[20]
  • Margareta Arvidsson – Miss Universe 1966 mula sa Suwesya[20]
  • Margot Fonteyn – ballerinang Ingles[21]
  • Aldo Gucci – Italyanong taga-disenyo, dating chairman ng Gucci[5]
  • Henry of Orleans – Konde ng Paris, Duke ng Pransiya[20]
  • David Newbigging – negosyanteng Ingles at politiko sa Hong Kong[20]
  • Roman Polanski – Pranses-Polakong direktor ng pelikula[21]
  • Dong Kingman – Intsik-Amerikanong pintor[20]
  • Run Run Shaw – pilantropong taga-Hong Kong[20]
  • Fred Williamson – Amerikanong aktor at dating manlalaro ng putbol[20]
  • Merie Oberon – Britanikong aktres[20]
  • Earl Wilson – Amerikanong kolumnista[20]

Mga kandidata

baguhin

 Pitumpu't-dalawang kandidata ang lumahok para sa titulo.

Bansa/Teritoryo Kandidata Edad[a] Bayan
  Arhentina Lilian Noemi De Asti[22] 19 Buenos Aires
  Aruba Cynthia Bruin[23] 18 Oranjestad
  Australya Julie Ismay[24] 24 Sydney
  Austrya Heidi Passian[25] 19 Lilienfeld
  Bahamas Sharon Smith[26] 19 Nassau
  Barbados Jewell Nightingale[27] 22 Saint Michael
  Belhika Yvette Aelbrecht[28] 18 Bruselas
  Beneswela Judith Castillo[29] 18 Caracas
  Bermuda Vivienne Anne Hollis[30] 19 Smith's Parish
  Brasil Kátia Moretto[31] 18 Sorocaba
  Bulibya Carolina Aramayo[32] 17 La Paz
  Curaçao Anneke Dijkhuizen[33] 18 Willemstad
  Dinamarka Brigitte Trolle[34] Copenhague
  Ekwador Gilda Plaza[22] 21 Guayaquil
  El Salvador Mireya Calderon[35] 19 San Salvador
  Eskosya Carol Jean Grant[36] 19 Glasgow
  Espanya Olga Fernández[37] 18 Pontevedra
  Estados Unidos Barbara Peterson[38] 22 Edina
  Gales Sian Adey-Jones[36] 18 Bodfari
  Gresya Melina Michailidou 18 Atenas
  Guam Pilar Laguana[22] 19 Agana
  Guwatemala Blanca Montenegro[22] 20 Lungsod ng Guwatemala
  Hapon Miyako Iwakuni 20 Osaka
  Hilagang Kapuluang Mariana Candelaria Borja 26 Saipan
  Honduras Victoria Pineda[39] San Pedro Sula
  Hong Kong Rowena Lam[40] 18 Hong Kong
  Indiya Naina Balsaver[41] 18 Bombay
  Indonesya Yuliarti Rahayu[42] 22 Jakarta
  Inglatera Pauline Davies[36] 22 Manchester
  Irlanda Elaine O'Hara[22] 20 Dublin
  Israel Rina Messinger[43] 20 Haifa
  Italya Diana Scapolan[44] 22 Milan
  Kanada Normande Jacques[45] 23 Blind River
  Kanlurang Alemanya Birgit Hamer[46] 18 Sahonya-Anhalt
  Kapuluang Birhen ng Estados Unidos Lorraine Patricia Baa[47] 23 St. Thomas
  Kolombya Maria Helena Reyes[48] 20 Bogotá
  Kosta Rika Silvia Jimenez[49] 22 San José
  Liberya Laurine Johnson 19 Monrovia
  Luksemburgo Monique Wilmes[50] 19 Echternach
  Lupangyelo Guðmunda Jóhannesdóttir[51] 21 Reikiavik
  Malaysia Teh-Faridah Norizan 19 Ipoh
  Malta Mary Grace Ciantar[22] 19 Kalkara
  Mawrisyo Marielle Tse-Sik-Sun[52] 24 Port Louis
  Mehiko Carla Jean Evert[53] 19 Acapulco
  Nikaragwa Ivania Navarro[54] 18 Matagalpa
  Noruwega Bente Lihaug 21 Oslo
  Nuweba Selandiya Janey Kingscote[55] 22 Auckland
  Olanda Nannetje Nielen[56] 19 Amsterdam
  Panama Carolina Chiari[57] 18 Lungsod ng Panama
  Papuwa Bagong Guniya Eva Arni[58] 21 Port Moresby
  Paragway Fatima Cardenas[59] 20 Asuncion
  Peru Rocío Lazcano[60] 21 Lima
  Pilipinas Elizabeth de Padua[61] 19 Maynila
  Pinlandiya Suvi Lukkarinen[62] 22 Helsinki
  Porto Riko Elizabeth Zayas[63] 17 Salinas
  Pransiya Monique Uldaric[64] 22 Paris
  Republikang Dominikano Norma Lora[65] 26 Santo Domingo
  Samoang Amerikano Taliilani Ellen Letuli 21 Pago Pago
  Singapura Linda Tham[66] 19 Singapura
  Sint Maarten Angela Huggins[67] 18 Philipsburg
  Sri Lanka Genevieve Parsons 22 Colombo
  Suriname Peggy Vandeleuv[68] 18 Paramaribo
  Suwesya Caroline Westerberg 18 Tierp
  Suwisa Isabelle Fischbacher 18 Vaud
  Taylandiya Katareeya Areekul[69] 22 Bangkok
  Timog Aprika Cynthia Classen[70] 18 Cape Town
  Timog Korea Chung Kwang-hyun 20 Seoul
  Trinidad at Tobago Margaret McFarlane[27] 18 Couva
  Tsile Veronica Sommer[71] 21 Valdivia
  Turkiya Manolya Onur[72] 21 Istanbul
  Urugway Leila Viñas 22 Montevideo
  Yugoslavia Svetlana Radojcic 18 Belgrado

Mga tala

baguhin
  1. Mga edad sa panahon ng kompetisyon

Mga sanggunian

baguhin
  1. Wok, Laramie (6 Hunyo 2021). "Which of these 5 classic cinemas of old Hong Kong have you visited?". South China Morning Post (sa wikang Ingles). Nakuha noong 20 Enero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Israeli Is Miss Universe". The New York Times (sa wikang Ingles). 11 Hulyo 1976. ISSN 0362-4331. Nakuha noong 20 Enero 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Finnish model new Miss Universe". The Independent (sa wikang Ingles). 20 Hulyo 1975. p. 2. Nakuha noong 23 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "An army veteran conquers the Miss Universe judges". The Sydney Morning Herald (sa wikang Ingles). 12 Hulyo 1976. p. 5. Nakuha noong 20 Enero 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 Wood, Chris (2 Hulyo 2017). "From the archives: the 1976 Miss Universe contest in Hong Kong". South China Morning Post (sa wikang Ingles). Nakuha noong 20 Enero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "PR gets Miss Universe contest for five years". The Virgin Islands Daily News (sa wikang Ingles). 6 Agosto 1971. pp. 1, 15. Nakuha noong 26 Disyembre 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Pageant may move to Latin America". The Virgin Islands Daily News (sa wikang Ingles). 17 Pebrero 1973. p. 10. Nakuha noong 5 Enero 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Israel has no funds to host the Miss Universe contest". ⁨⁨The Sentinel⁩ (sa wikang Ingles). 15 Enero 1976. p. 35. Nakuha noong 9 Enero 2023 – sa pamamagitan ni/ng National Library of Israel.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Israel won't host Miss Universe; pleads poverty". ⁨⁨B'nai B'rith Messenger⁩ (sa wikang Ingles). 23 Enero 1976. p. 4. Nakuha noong 9 Enero 2023 – sa pamamagitan ni/ng National Library of Israel.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Money bumps Miss Universe". The Jewish News of Northern California (sa wikang Ingles). 16 Enero 1976. p. 8. Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Pebrero 2023. Nakuha noong 21 Enero 2023 – sa pamamagitan ni/ng National Library of Israel.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Suárez, Orlando (7 Hunyo 2022). "70 momentos claves en la historia del Miss Venezuela". El Diario (sa wikang Kastila). Nakuha noong 21 Enero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Miss Holland". Nieuwsblad van het Noorden (sa wikang Olandes). 15 Mayo 1976. p. 3. Nakuha noong 31 Marso 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "Lucie Visser de nieuwe Miss Holland". Het Parool (sa wikang Olandes). 15 Mayo 1976. p. 5. Nakuha noong 31 Marso 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "Jamaica to drop out of beauty contests". The Virgin Islands Daily News (sa wikang Ingles). 13 Mayo 1975. p. 5. Nakuha noong 14 Enero 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Ahmed, Zarrin Tasnim (12 Hulyo 2021). "Six contestants vie for Miss BVI crown". The BVI Beacon (sa wikang Ingles). Nakuha noong 21 Enero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. Barrais, Delphine (6 Mayo 2021). "Moea Amiot, Miss Tahiti 1975 : "C'était vraiment bon enfant !"". Tahiti Infos (sa wikang Pranses). Nakuha noong 21 Enero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. 17.00 17.01 17.02 17.03 17.04 17.05 17.06 17.07 17.08 17.09 17.10 17.11 "Rina Messinger de Israel, elegida Miss Universo 1976". La Nacion (sa wikang Kastila). 11 Hulyo 1976. pp. 6A. Nakuha noong 19 Enero 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. 18.0 18.1 "Miss England wins 'photogenic' award". The Canberra Times (sa wikang Ingles). 8 Hulyo 1976. p. 14. Nakuha noong 3 Enero 2023 – sa pamamagitan ni/ng Trove.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. "Medidas perfectas... de seguridad". El Tiempo (sa wikang Kastila). 12 Hulyo 1976. pp. 1D. Nakuha noong 19 Enero 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. 20.00 20.01 20.02 20.03 20.04 20.05 20.06 20.07 20.08 20.09 "We get a new Miss Universe". The Age (sa wikang Ingles). 8 Hulyo 1976. p. 3. Nakuha noong 6 Hunyo 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. 21.0 21.1 "Dificil eleccion de Miss Universo". El Tiempo (sa wikang Kastila). 10 Hulyo 1976. pp. 6B. Nakuha noong 19 Enero 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. 22.0 22.1 22.2 22.3 22.4 22.5 "Kissinger, el personaje preferido". El Tiempo (sa wikang Kastila). 9 Hulyo 1976. pp. 3B. Nakuha noong 19 Enero 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. "Cynthia Bruin naar Hong Kong" [Cynthia Bruin to Hong Kong]. Amigoe di Curacao (sa wikang Olandes). 11 Hunyo 1976. p. 5. Nakuha noong 31 Marso 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. "Victorian wins title of Australia's Dream Girl". The Sydney Morning Herald (sa wikang Ingles). 11 Setyembre 1975. p. 1. Nakuha noong 9 Enero 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. "El soslen 'divide' a candidatas". El Tiempo (sa wikang Kastila). 9 Hulyo 1976. pp. 3B. Nakuha noong 19 Enero 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. "Bahamas beauty bids for Miss Universe crown". Jet (sa wikang Ingles). 2 Oktubre 1975. pp. 26–30. Nakuha noong 14 Enero 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. 27.0 27.1 "Bellas bajo el sol". La Nacion (sa wikang Kastila). 29 Hunyo 1976. p. 1. Nakuha noong 19 Enero 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. "Erelijst Miss België". De Morgen (sa wikang Olandes). 11 Enero 2010. Nakuha noong 24 Disyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  29. "La indirecta de Judith Castillo a las participantes del Miss Venezuela 2022". Revista Ronda (sa wikang Kastila). 17 Nobyembre 2022. Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Enero 2023. Nakuha noong 18 Enero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  30. "It's time for a bat..." New Nation (sa wikang Ingles). 1 Hulyo 1976. p. 6. Nakuha noong 9 Enero 2023 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  31. "Kátia Moretto: a eterna Miss Brasil". Cruzeiro do Sul (sa wikang Portuges). 10 Enero 2019. Nakuha noong 3 Enero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  32. "El título les dio alegrías, trabajo y fama que aún saborean". El Deber (sa wikang Kastila). 29 Hulyo 2017. Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Oktubre 2023. Nakuha noong 19 Disyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  33. "Anneke Dijkhuizen Miss Curaçao 1976". Amigoe di Curacao (sa wikang Olandes). 8 Hunyo 1976. p. 3. Nakuha noong 31 Marso 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  34. "Winning smiles". Tallahassee Democrat (sa wikang Ingles). 6 Hulyo 1976. p. 23. Nakuha noong 3 Enero 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  35. "Hong Kong". La Nacion (sa wikang Kastila). 10 Hulyo 1976. pp. 17A. Nakuha noong 19 Enero 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  36. 36.0 36.1 36.2 "The best of British!". Evening Standard (sa wikang Ingles). 25 Mayo 1976. p. 7. Nakuha noong 3 Enero 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  37. "Olga Fernández Pérez: "Cuando murió Franco me obligaron a dejar Miss Mundo"". Faro de Vigo (sa wikang Kastila). 22 Agosto 2018. Nakuha noong 18 Enero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  38. "Miss U.S.A eyes following in judge-father's footsteps". Sarasota Herald-Tribune (sa wikang Ingles). 17 Mayo 1976. pp. 5B. Nakuha noong 21 Enero 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  39. Gámez, Sabino (25 Abril 2008). "El Miss Honduras, una historia que contar". La Prensa (sa wikang Kastila). Nakuha noong 8 Disyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  40. "Beauty queen who made it by accident". The Straits Times (sa wikang Ingles). 10 Setyembre 1976. p. 16. Nakuha noong 23 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  41. "50 years of Miss India: Winners through the years". The Times of India (sa wikang Ingles). 25 Marso 2013. Nakuha noong 16 Disyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  42. "All smiles before the contest". New Nation (sa wikang Ingles). 30 Hunyo 1976. p. 6. Nakuha noong 3 Enero 2023 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  43. "Miss Israel, now Miss Universe". The Australian Jewish Times (sa wikang Ingles). 15 Hulyo 1976. p. 1. Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Enero 2023. Nakuha noong 20 Enero 2023 – sa pamamagitan ni/ng National Library of Israel.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  44. "Hong Kong". La Nacion (sa wikang Kastila). 2 Hulyo 1976. pp. 18A. Nakuha noong 19 Enero 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  45. "Miss Dominion at fair". The Sun and the Erie County Independent (sa wikang Ingles). 20 Agosto 1975. p. 2. Nakuha noong 14 Enero 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  46. Barber, Tony (16 Setyembre 2006). "Italian 'prince' is recorded boasting of killing". Financial Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong 17 Enero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  47. Shimel, Judi (2 Nobyembre 2021). "Friends and Family Reflect on Lorraine Baa's Life and Legacy". St. Thomas Source (sa wikang Ingles). Nakuha noong 19 Enero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  48. "Primera reina bogotana". El Tiempo (sa wikang Kastila). 12 Nobyembre 1975. pp. 1A, 1C, 1D–3D. Nakuha noong 19 Enero 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  49. "Hong Kong". La Nacion (sa wikang Kastila). 4 Hulyo 1976. pp. 20A. Nakuha noong 19 Enero 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  50. "Hong Kong". El Tiempo (sa wikang Kastila). 9 Hulyo 1976. pp. 3B. Nakuha noong 19 Enero 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  51. "HLAKKA TIL OG KVIÐI". Vísir (sa wikang Islandes). 5 Abril 1976. p. 3. Nakuha noong 21 Enero 2023 – sa pamamagitan ni/ng Tímarit.is.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  52. "Beauty Pageants: deux Rodriguaises à l'honneur". L'Express (sa wikang Pranses). 9 Disyembre 2018. Nakuha noong 18 Enero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  53. Martin, E. (27 Nobyembre 2013). "Conmoción por muerte de Miss México Carla Jean Evert". Yahoo! Noticias (sa wikang Kastila). Nakuha noong 18 Enero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  54. "La Miss, Ivania Navarro Genie". La Prensa (sa wikang Kastila). 6 Marso 2003. Nakuha noong 18 Enero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  55. "Ex-Miss NZ's deer herd has the white stuff". Stuff (sa wikang Ingles). 17 Setyembre 2015. Nakuha noong 3 Enero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  56. "Hong Kong - Miss Holland, Nanny Nilen houdt een kort toespraakje" [Hong Kong - Miss Holland, Nanny Nilen gives a short speech]. Leeuwarder Courant (sa wikang Olandes). 6 Hulyo 1976. p. 7. Nakuha noong 31 Marso 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  57. "Estas son las panameñas que participaron de Miss Universo". Telemetro (sa wikang Kastila). 7 Enero 2015. Nakuha noong 10 Disyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  58. "Black Eva scores a beauty 'first'". The Straits Times (sa wikang Ingles). 26 Mayo 1975. p. 2. Nakuha noong 31 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  59. "Tango en China". El Tiempo (sa wikang Kastila). 7 Hulyo 1976. pp. 3B. Nakuha noong 19 Enero 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  60. "Miss Perú: las peruanas más bellas de las últimas décadas". El Comercio Perú (sa wikang Kastila). 12 Nobyembre 2017. Nakuha noong 11 Nobyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  61. Marangos, Jennifer (26 Enero 2016). "Accidental beauty contestant: Dr. Lizbeth de Padua was Miss Philippines 40 years ago". The Morning Call (sa wikang Ingles). Nakuha noong 23 Disyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  62. "Prettiest girl in Finland". New Nation (sa wikang Ingles). 19 Mayo 1976. p. 6. Nakuha noong 15 Enero 2023 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  63. "Puerto Rican Politician Cleared of Scuffle with Beauty Queen". AP News (sa wikang Ingles). 26 Setyembre 1992. Nakuha noong 18 Enero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  64. "Monique Uldaric est la première réunionnaise à être élue Miss France". Imaz Press Réunion (sa wikang Pranses). 26 Disyembre 2016. Nakuha noong 18 Enero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  65. "Hong Kong". La Nacion (sa wikang Kastila). 1 Hulyo 1976. pp. 17A. Nakuha noong 19 Enero 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  66. Koh, Nancy (22 Mayo 1976). "Ma, I've won!". New Nation (sa wikang Ingles). p. 1. Nakuha noong 23 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  67. "Miss S.M. gekozen" [Miss S.M. elected]. Amigoe di Curacao (sa wikang Olandes). 15 Mayo 1976. p. 2. Nakuha noong 31 Marso 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  68. "Hong Kong". La Nacion (sa wikang Kastila). 29 Hunyo 1976. pp. 30A. Nakuha noong 19 Enero 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  69. "Cup for Miss Thailand". The Straits Times (sa wikang Ingles). 24 Hunyo 1976. p. 3. Nakuha noong 15 Enero 2023 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  70. "Focus on people". Edmonton Journal (sa wikang Ingles). 15 Nobyembre 1976. p. 6. Nakuha noong 6 Hunyo 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  71. "Candidato peruano rechaza su origen chileno y venezolano, pero no el alemán". Radio Cooperativa (sa wikang Kastila). 5 Marso 2021. Nakuha noong 18 Enero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  72. Shrivastava, Namita A. (19 Marso 2006). "Princess diaries". The Times of India (sa wikang Ingles). Nakuha noong 3 Enero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Panlabas na kawing

baguhin