Miss Universe 1971

Ang Miss Universe 1971 ay ang ika-20 edisyon ng Miss Universe pageant, na ginanap sa Miami Beach Auditorium sa Miami Beach, Florida, Estados Unidos noong Hulyo 24, 1971.[1][2]

Miss Universe 1971
Georgina Rizk, Miss Universe 1971
PetsaHulyo 24, 1971
Presenters
  • Bob Barker
  • June Lockhart
EntertainmentSinging Lettermen
PinagdausanMiami Beach Auditorium, Miami Beach, Florida, Estados Unidos
BrodkasterCBS
Lumahok60
Placements12
Hindi sumali
Bumalik
NanaloGeorgina Rizk
Lebanon Libano
CongenialityMagnolia Martínez
 Peru
Pinakamahusay na Pambansang KasuotanMaría Luisa López
Mexico Mehiko
PhotogenicVida Doria
Pilipinas Pilipinas
← 1970
1972 →

Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Marisol Malaret ng Porto Riko si Georgina Rizk ng Libano bilang Miss Universe 1971.[3][4] Ito ang kauna-unahang tagumpay ng Libano sa kasaysayan ng kompetisyon.[5] Nagtapos bilang first runner-up si Toni Rayward ng Australya, habang nagtapos bilang second runner-up si Pirjo Laitila ng Pinlandiya.[6][7]

Mga kandidata mula sa 60 bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan ni Bob Barker ang kompetisyon sa ikalimang pagkakataon, samantalang si June Lockhart ang nagbigay ng komentaryo sa buong kompetisyon.[8][9] Nagtanghal ang grupong The Singing Lettermen sa edisyong ito.[10]

Kasaysayan

baguhin
 
Miami Beach Auditorium, ang lokasyon ng Miss Universe 1971

Pagpili ng mga kalahok

baguhin

Ang mga kalahok mula sa 60 mga bansa at teritoryo ay napili upang kumalahok sa kompetisyon. Isang kandidata ang nailuklok upang kumatawan sa kanyang bansa/teritoryo matapos maging isang runner-up sa kanyang kompetisyong pambansa, at dalawang kandidata ang nailuklok matapos ang pag-urong ng orihinal na kalahok.

Mga pagpalit

baguhin

Iniluklok ang first runner-up ng Miss Virgin Islands 1971 na si Cherri Creque bilang kandidata ng Kapuluang Birhen ng Estados dahil lumagpas sa age requirement ang Miss Virgin Islands 1971 na si Utha Williams. Si Williams ay 28-taong gulang sa panahon ng kompetisyon.[11] Dapat sanang kakatawan sa bansang Italya si Miss Italy 1970 Alda Balestra.[12] Subalit, napagdesisyunan ng organizer ng Miss Italia na si Enzo Mirigliani na hindi ipadala si Balestra sa Miss Universe dahil ayon sa kanya, hindi kailanman isinasaalang-alang ng mga huradong Amerikano ang mga kandidatang ipinapadala ng Italya sa kompetisyon.[13] Dahil dito, kaagad na nagdaos ng isa pang kompetisyon ang isa pang organizer na si Mario Pedreti upang magpadala ng kandidatang Italyana sa Miss Universe. Nanalo si Mara Palvarini sa kompetisyong ito.[13]

Nagulat si Palvarini nang malaman nito ang patakaran ng Miss Universe na hindi maaaring sumali ang mga babaeng kasal na sa kompetisyon. Kung kaya't sa araw ng kanyang kasal, tatlong araw pagkatapos ng kanyang pagkapanalo bilang Miss Italy, ipinatigil ni Palvarini ang kanyang kasal upang makasali sa Miss Universe sa Miami. Ang kanyang kasintahan, ang Italyanong arkitekto na si Mario Pacchioni, ay buong pusong sumang-ayon sa kanyang paglahok sa Miami.[14][15]

Mga pagbalik at pag-urong sa kompetisyon

baguhin

Bumalik ang mga bansang Taylandiya, Trinidad at Tobago, at Kapuluang Birhen ng Estados Unidos sa edisyong ito. Huling sumali noong 1966 ang Trinidad at Tobago, noong 1968 ang Kapuluang Birhen ng Estados Unidos, at noong 1969 ang Taylandiya.

Hindi sumali ang mga bansang Ceylon, Czechoslovakia, Dinamarka, Hong Kong, Paragway, at Tsile sa edisyong ito.[16] Dapat sanang sasali sa edisyong ito si Miroslava Jancíková ng Czechoslovakia, ngunit dahil ipinagbawal ng Pamahalaan ng Czechoslovakia na lumahok ang kahit sinong Tseko sa kahit anong internasyonal na beauty pageant, hindi na nagpatuloy sa kompetisyon si Jancíková.[17] Hindi sumali si Marite Tomassone ng Paragway dahil sa hindi isiniwalat na dahilan. Hindi sumali ang mga bansang Ceylon, Dinamarka, Hong Kong, at Tsile matapos na mabigo ang kanilang mga organisasyong pambansa na magdaos ng kompetisyong pambansa o magtalaga ng kalahok.

Inimbitahan rin ang bansang Tsina upang kumalahok sa edisyong ito, ngunit nabigo rin ang bansa na magpadala ng kandidata.[18][19]

Mga resulta

baguhin
 
Mga bansa at teritoryong sumali sa Miss Universe 1971 at ang kanilang mga pagkakalagay.

Mga pagkakalagay

baguhin
Pagkakalagay Kandidata
Miss Universe 1971
1st Runner-up
2nd Runner-up
3rd Runner-up
4th Runner-up
Top 12

Mga espesyal na parangal

baguhin
Parangal Kandidata
Miss Photogenic
Miss Congeniality
  •   Peru – Magnolia Martínez
Best National Costume
Top 10 Best in Swimsuit

Kompetisyon

baguhin

Pormat ng kompetisyon

baguhin

Ilang pagbabago ang inimplementa sa edisyong ito. Ang bilang ng mga semifinalist ay ibinaba sa 12 kumpara sa 15 ng mga nagdaang taon. Ang mga resulta ng paunang kompetisyon at ng closed-door interview ang nagpasiya sa napiling 12 mga semifinalist. Kumalahok sa swimsuit competition at evening gown competition ang 12 mga semfinalist, at kalaunan ay napili ang limang pinalista na sumabak sa final interview.

Komite sa pagpili

baguhin
  • Edilson Cid Varela – Mamamahayag na Brasilenyo[24]
  • Dong Kingman – Intsik-Amerikanong pintor[24]
  • Earl Wilson – Kolumnistang Amerikano[24]
  • Eileen Ford – Modelong Amerikano at tagapagtayo ng Ford Models[24]
  • Yousuf Karsh – Kanadyano litratista at awtor[24]
  • Line Renaud – Mangaawit na Pranses[24]
  • Itsuroh Watanabe – Pangulo ng Japan-America Association[24]
  • George Fowler – Amerikanong abogado at Dating Pangulo ng New York State Human Rights Commission[24]
  • Jean‐Louis Lindekens – Kolumnistang Belhiko[24]
  • Margareta ArvidssonMiss Universe 1966 mula sa Suwesya[24]

Mga kandidata

baguhin

60 kandidata ang lumahok para sa titulo.

Bansa/Teritoryo Kandidata Edad[a] Bayan
  Arhentina María del Carmen Vidal[25] 21 Santa Fe
  Aruba Vallita Maduro[26] Santa Cruz de la Sierra
  Australya Toni Rayward[27] 19 Sydney
  Austrya Edeltraud Neubauer[28] 18 Vienna
  Bahamas Muriel Rahming[29] 24 Nassau
  Belhika Martine De Hert[30] 18 Amberes
  Beneswela Jeannette Donzella[31] 18 Caracas
  Bermuda Rene Furbert 20 Paget Parish
  Brasil Eliane Guimarães[32] 21 Mariana
  Bulibya Ana María Landívar[33] 18 Sucre
  Curaçao Maria Vonhogen[34] Willemstad
  Ekwador Ximena Moreno 18 Quito
  Eskosya Elizabeth Montgomery[35] 18 Ayr
  Espanya Josefina Román 24 Chiclana de la Frontera
  Estados Unidos Michele McDonald[36] 19 Butler
  Gales Dawn Cater[37] 19 Llanaran
  Gresya Angela Carayanni[38] 18 Atenas
  Guam Linda Avila[39] 18 Mangilao
  Hamayka Suzette Wright Clarendon
  Hapon Shigeko Taketomi 21 Tokyo
  Honduras Dunia Ortega[40] Santa Bárbara
  Indiya Raj Gill[41] 18 Dhule
  Inglatera Marilyn Ward[42] 21 Hampshire
  Irlanda Marie Hughes 22 Dublin
  Israel Ester Orgod[43] 19 Eilat
  Italya Mara Palvarini[13] 20 Mantua
  Kanada Lana Drouillard[44] 20 Ancaster
  Kanlurang Alemanya Vera Kirst 22 Baviera
  Kapuluang Birhen ng Estados Unidos Cherrie Creque[11] 20 Saint Croix
  Kolombya Piedad Mejía[45] 22 Manizales
  Konggo-Kinshasa Martine Mualuke 19 Kinshasa
  Kosta Rika Rosa María Rivera[46] 18 San José
  Libano Georgina Rizk[47] 18 Beirut
  Luksemburgo Mariette Francoise Fay Mersch
  Lupangyelo Guðrún Valgarðsdóttir[48] 18 Skagafjörður
  Malaysia Yvette Baterman[49] 21 Shah Alam
  Malta Felicity Carbott 19 Valletta
  Mehiko María Luisa López[50] 21 Lungsod ng Mehiko
  Nikaragwa Xiomara Paguaga 20 Managua
  Noruwega Ruby Reitan[51] 23 Oslo
  Nuweba Selandiya Linda Ritchie[52] 21 Auckland
  Olanda Laura Mulder-Smid[53] 18 Zandvoort
  Panama Gladys Isaza[54] 18 Lungsod ng Panama
  Peru Magnolia Martínez[55] 24 Lima
  Pilipinas Vida Doria[56] 20 Lungsod Quezon
  Pinlandiya Pirjo Laitila[57] 20 Helsinki
  Porto Riko Beba Franco[58] 24 San Juan
  Portugal Maria Celmira Bauleth[59] 18 Anggola
  Pransiya Myriam Stocco[60] 20 Languedoc-Roussillon
  Republikang Dominikano Sagrario Reyes El Seibo
  Singapura Jenny Wong[61] 23 Singapura
  Suriname Marcelle Darou[62] Paramaribo
  Suwesya Vivian Oihanen[63] 20 Vaxholm
  Suwisa Anita Andrini[64] 19 Ticino
  Taylandiya Warunee Sangsirinavin 19 Bangkok
  Timog Korea Noh Mi-ae Seoul
  Trinidad at Tobago Sally Karamath[65] 22 San Fernando
  Tunisya Aida Mzali[66] Tunis
  Turkiya Filiz Vural[67] 18 Istanbul
  Urugway Alba Techira Montevideo

Mga tala

baguhin
  1. Mga edad sa panahon ng kompetisyon

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Miss Universe". San Antonio Express (sa wikang Ingles). 18 Hulyo 1971. p. 108. Nakuha noong 29 Marso 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "She's been a fine queen sorry the reign is over". Detroit Free Press (sa wikang Ingles). 18 Hulyo 1971. p. 131. Nakuha noong 29 Marso 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Lebanese Is Chosen Miss Universe". The New York Times (sa wikang Ingles). 25 Hulyo 1971. ISSN 0362-4331. Nakuha noong 4 Enero 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Lebanese beauty is Miss Universe". News-Press (sa wikang Ingles). 26 Hulyo 1971. p. 1. Nakuha noong 26 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Sachs, Ronald (26 Hulyo 1971). "Beauty queen had 'sneak preview'". The Miami Herald (sa wikang Ingles). p. 37. Nakuha noong 29 Marso 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Beauty isn't all, but helps". Fort Lauderdale News (sa wikang Ingles). 26 Hulyo 1971. p. 30. Nakuha noong 26 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Brunette Miss Lebanon most beautiful in world". The Orlando Sentinel (sa wikang Ingles). 25 Hulyo 1971. p. 1. Nakuha noong 29 Marso 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Losers the real winners in all beauty pageants". The Daily Times-News (sa wikang Ingles). 8 Hunyo 1971. p. 19. Nakuha noong 11 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Lowry, Cynthia (11 Hulyo 1971). "Time for a pro". The Akron Beacon Journal (sa wikang Ingles). p. 121. Nakuha noong 26 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Miss Universe to light up picture". The Los Angeles Times (sa wikang Ingles). 18 Hulyo 1971. p. 433. Nakuha noong 26 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. 11.0 11.1 "Black girl has new hope for Miss Universe". Fort Lauderdale News (sa wikang Ingles). 20 Hulyo 1971. p. 32. Nakuha noong 11 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Alda, triestina, e Miss Italia". La Stampa (sa wikang Italyano). 31 Agosto 1970. p. 3. Nakuha noong 26 Disyembre 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. 13.0 13.1 13.2 "A tale of two beauties". The Palm Beach Post (sa wikang Ingles). 7 Hulyo 1971. p. 16. Nakuha noong 26 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "Miss Italy and Mario say 'I don't'". Life Magazine (sa wikang Ingles). 23 Hulyo 1971. p. 61. Nakuha noong 26 Disyembre 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "No title". Leeuwarder Courant (sa wikang Olandes). 12 Hulyo 1971. p. 8. Nakuha noong 29 Marso 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "Red-Bloc 'babes' may miss contest". Florida Today (sa wikang Ingles). 16 Hulyo 1971. pp. 8-B. Nakuha noong 25 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. "Doesn't want to go home". The Pensacola News (sa wikang Ingles). 4 Agosto 1970. p. 2. Nakuha noong 25 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. "China—in the news". The Canberra Times (sa wikang Ingles). 21 Abril 1971. p. 7. Nakuha noong 25 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Trove.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. "Send a 'Miss China' too..." The Straits Times (sa wikang Ingles). 21 Abril 1971. p. 1. Nakuha noong 25 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. 20.00 20.01 20.02 20.03 20.04 20.05 20.06 20.07 20.08 20.09 20.10 20.11 "Title no surprise to beauty". The Palm Beach Post (sa wikang Ingles). 26 Hulyo 1971. p. 20. Nakuha noong 26 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. "Most photogenic". Ocala Star-Banner (sa wikang Ingles). 22 Hulyo 1971. pp. 1-B. Nakuha noong 3 Enero 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. "Winning national costume". Ocala Star-Banner. 22 Hulyo 1971. pp. 12-A. Nakuha noong 3 Enero 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. 23.0 23.1 23.2 23.3 23.4 23.5 23.6 23.7 23.8 "Best in swimsuits". News-Press (sa wikang Ingles). 23 Hulyo 1971. p. 13. Nakuha noong 26 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. 24.00 24.01 24.02 24.03 24.04 24.05 24.06 24.07 24.08 24.09 "Beauties plagued with the jitters". The Palm Beach Post (sa wikang Ingles). 25 Hulyo 1971. p. 194. Nakuha noong 25 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. "Maria del Carmen I." El Litoral (sa wikang Kastila). 4 Hunyo 1971. p. 2. Nakuha noong 26 Disyembre 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. "Vallita Maduro wins Miss Aruba title at Divi Divi Hotel July 3". Aruba Esso News (sa wikang Ingles). 16 Hulyo 1971. p. 7. Nakuha noong 4 Enero 2023 – sa pamamagitan ni/ng Digital Library of the Caribbean.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. "A wardrobe fit for a beauty queen". The Australian Women's Weekly (sa wikang Ingles). 14 Hulyo 1971. p. 28. Nakuha noong 25 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Trove.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. "Wachten op de grote dag". Het Parool (sa wikang Olandes). 20 Hulyo 1971. p. 5. Nakuha noong 29 Marso 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  29. "Tourist attraction". Youngstown Vindicator (sa wikang Ingles). 1 Disyembre 1971. p. 21. Nakuha noong 26 Disyembre 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  30. "Miss België, achter de schermen". Het Nieuwsblad (sa wikang Olandes). 23 Oktubre 2002. Nakuha noong 26 Disyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  31. Garcés, Ever (16 Nobyembre 2022). "Miss Venezuela: Ni tan niñas, ni tan venezolanas…". Diario de Los Andes (sa wikang Kastila). Nakuha noong 19 Disyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  32. "Conheça a história do Miss Brasil". Terra (sa wikang Portuges). 29 Setyembre 2022. Nakuha noong 8 Disyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  33. "El título les dio alegrías, trabajo y fama que aún saborean". El Deber (sa wikang Kastila). 29 Hulyo 2017. Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Oktubre 2023. Nakuha noong 19 Disyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  34. "Willemstad - De charmante Miss Curacao 1971, Maria Vonhögen zal vandaag naar Miami vertrekken om mee te doen aan de verkiezing van Miss Universe, die morgen begint". Amigoe di Curacao (sa wikang Olandes). 16 Hulyo 1971. p. 1. Nakuha noong 29 Marso 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  35. "The U.S. is a mystery to her". Tallahassee Democrat (sa wikang Ingles). 23 Hulyo 1972. p. 47. Nakuha noong 27 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  36. Mizell, Hubert (24 Mayo 1971). "Miss USA 'shocked, but delighted'". The Free Lance-Star (sa wikang Ingles). p. 2. Nakuha noong 11 Disyembre 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  37. "Family affair for beauty queens". Wales Online (sa wikang Ingles). 5 Abril 2008. Nakuha noong 3 Enero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  38. "Nobody ever sees Jackie, Ari dance". Pensacola News Journal (sa wikang Ingles). 21 Hulyo 1971. p. 2. Nakuha noong 11 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  39. "Bellezas en Miami". La Nacion (sa wikang Kastila). 23 Hulyo 1971. p. 1. Nakuha noong 4 Enero 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  40. Gámez, Sabino (25 Abril 2008). "El Miss Honduras, una historia que contar". La Prensa (sa wikang Kastila). Nakuha noong 8 Disyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  41. "50 years of Miss India: Winners through the years". The Times of India (sa wikang Ingles). 25 Marso 2013. Nakuha noong 16 Disyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  42. "Businesswoman Miss Universe entrant". The Palm Beach Post (sa wikang Ingles). 18 Hulyo 1971. p. 2. Nakuha noong 11 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  43. "Miss Israel: Sexiest soldier". Florida Today (sa wikang Ingles). 19 Hulyo 1971. pp. 6-B. Nakuha noong 26 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  44. Beneteau, Ann (10 Hulyo 1971). "Secret was to be herself". The Windsor Star (sa wikang Ingles). p. 8. Nakuha noong 16 Enero 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  45. "Caldas gano reinado". El Tiempo (sa wikang Kastila). 12 Nobyembre 1970. pp. 1, 13. Nakuha noong 4 Enero 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  46. "Elegida la Miss Costa Rica que ira a Miami" [Elected the Miss Costa Rica who will go to Miami]. La Nacion (sa wikang Kastila). 10 Mayo 1971. p. 60. Nakuha noong 31 Hulyo 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  47. Yazbeck, Jeannine (15 Disyembre 2022). "Georgina Rizk, the First and Only Arab Miss Universe Talks Evading Fame, and Her Love for Lebanon". Vogue Arabia (sa wikang Ingles). Nakuha noong 4 Enero 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  48. "Ekki négu mikil rauðsokka til þess að hafna keppninni". Vísir (sa wikang Islandes). 10 Mayo 1971. pp. 1–2. Nakuha noong 25 Nobyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Tímarit.is.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  49. "Secretary who feels on top of the world". The Straits Times (sa wikang Ingles). 14 Hunyo 1971. p. 7. Nakuha noong 25 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  50. "El sabado se elige a Miss Universo". La Nacion (sa wikang Kastila). 21 Hulyo 1971. p. 57. Nakuha noong 4 Enero 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  51. "Ruby Reitan". Limburgsch Dagblad (sa wikang Olandes). 24 Hulyo 1971. p. 2. Nakuha noong 29 Marso 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  52. Whaitiri, Delilah (28 Abril 2021). "Local Focus: Miss Rotorua to become a reality series". NZ Herald (sa wikang Ingles). Nakuha noong 26 Disyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  53. "We hebben weer Miss Holland". Leidsch Dagblad (sa wikang Olandes). 15 Mayo 1971. p. 2. Nakuha noong 25 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Leidsch Dagblad.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  54. "Estas son las panameñas que participaron de Miss Universo". Telemetro (sa wikang Kastila). 7 Enero 2015. Nakuha noong 10 Disyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  55. "Miss Perú: las peruanas más bellas de las últimas décadas". El Comercio Perú (sa wikang Kastila). 12 Nobyembre 2017. Nakuha noong 11 Nobyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  56. Alano, Ching M. (3 Nobyembre 2002). "La dolce Vida". Philippine Star (sa wikang Ingles). Nakuha noong 3 Enero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  57. "Urheilumissi Pirjo Laitila". Helsingin Sanomat (sa wikang Pinlandes). 4 Pebrero 2021. Nakuha noong 3 Enero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  58. Berrios, Luis Ernesto (26 Marso 2023). "Beba Franco resalta cualidades de Marisol Malaret". Primera Hora (sa wikang Kastila). Nakuha noong 29 Marso 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  59. "Beauties and the beach". Ocala Star-Banner (sa wikang Ingles). 21 Hulyo 1971. pp. 1-B. Nakuha noong 3 Enero 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  60. "Miss France 1971 : cette année de règne qui a changé la vie de la Gardoise Myriam Stocco". Midi Libre (sa wikang Pranses). 19 Disyembre 2020. Nakuha noong 13 Enero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  61. "Reluctant Jenny wins the Miss Singapore-Universe title". The Straits Times (sa wikang Ingles). 21 Hulyo 1971. p. 24. Nakuha noong 25 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  62. "World pageants well-versed". Florida Today (sa wikang Ingles). 23 Hulyo 1971. pp. 10A. Nakuha noong 11 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  63. "Long wait". Florida Today (sa wikang Ingles). 19 Hulyo 1971. pp. 6-B. Nakuha noong 26 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  64. Meier, Simone (15 Oktubre 2015). "Liebe Schweiz, es ist wieder Missen-Zeit. Da müssen wir doch gleich mal dissen". Watson (sa wikang Aleman). Nakuha noong 3 Enero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  65. Organ, Jane (14 Hulyo 1971). "Trinidad girl hard at work here training for Miss Universe event". The Montreal Gazette (sa wikang Ingles). p. 43. Nakuha noong 31 Hulyo 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  66. "Next to daddy, Miss Universe contestants like Nixon". The Orlando Sentinel (sa wikang Ingles). 22 Hulyo 1971. p. 38. Nakuha noong 26 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  67. "Türkiye tarihinde güzellik yarışmalarında birinci olmuş güzeller". CNN Türk (sa wikang Turko). 17 Oktubre 2016. Nakuha noong 29 Disyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Panlabas na kawing

baguhin