Islam

(Idinirekta mula sa Pang-Islam)

Ang Islam (Arabiko: الإسلام; al-islām), "pagsunod sa kalooban ng Diyos", ay isang pananampalatayang monoteismo at ang ikalawang pinakamalaking relihiyon sa mundo. Ito ay isang Abrahamikong relihiyon kasama ng Kristiyanismo at Hudaismo kaya't malapit na kamag-anak ng mga pananampalatayang ito.[1] Naniniwala ang mga tagasunod ng Islam na kilala bilang mga Muslim[2] na ipinahayag ng Diyos (Allah) ang kanyang banal na salita sa sangkatauhan sa pamamagitan ng maraming mga naunang mga propeta, at ni Muhammad na siyang huling propeta ng Islam.[3]

Kahulugan

baguhin

Pinakapayak na kahulugan ng Islam ang "pagtanggap at pagpapasailalim o pagsuko sa kagustuhan ni Allah."[3] Maaari rin itong mangahulugang "pagtutuon" o "paglalaan" (dedikasyon) sa Diyos.[1]

Kasaysayan

baguhin

Tagapagtatag

baguhin
 
Ang kwebang Hira sa bundok na Jabal al-Nour na ayon sa paniniwalang Muslim ang lugar na pinagtanggapan ng unang pahayag ni Muhammad.

Si Muhammad (محمد) [4] ang nagtatag ng Islam at tinuturing ng mga Muslim bilang isang sugo(messenger) at propeta ng Diyos ( الله Allah) at ang huling tagapagdala ng batas sa magkakasunod na mga propetang Islamiko. Dahil dito, si Muhammad ay itinuturing ng mga Muslim na tagapagpanumbalik ng hindi nalikong(uncorrupted) orihinal na monteistikong pananampalataya (islām) ni Adan, Noe, Abraham, Moises, Hesus at iba pang mga propeta.[2] [3] Siya ay ipinanganak noong 570 CE sa siyudad ng Arabia na Mecca. Siya ay naulila sa batang edad at pinalaki ng kanyang tiyuhing si Abu Talib. Siya ay kalaunang nagtrabaho bilang isang mangangalakal gayundin din bilang isang pastol at unang nakapag-asawa sa edad na 25. Sa pagiging hindi masaya sa kanyang buhay, siya ay tumungo sa isang kweba sa mga paligid na kabundukan upang magnilay nilay. Ayon sa mga paniniwalang Islamiko, dito sa lugar na ito sa edad na 40 sa buwan ng Ramadan nang kanyang matanggap ang unang pahayag mula sa diyos. Pagkatapos ng tatlong taon pagkatapos ng pangyayaring ito, kanyang sinimulang ipangaral ng publiko ang mga pahayag na ito na naghayayag na "ang diyos ay isa", ang kumpletong pagsuko dito(islam) ang tanging paraang katanggap tanggap sa diyos at siya ay isang propeta at sugo ng diyos tulad ng ibang mga propetang Islamiko. Siya ay nagkamit ng ilang mga tagasunod sa simula ngunit nakatagpo ng pagsalungat mula sa ilang mga tribo sa Mecca. Upang makatakas sa pag-uusig, si Muhammad ay nagpadala ng ilang mga tagasunod nito sa Abyssinia bago siya at ang kanyang mga natitirang tagasunod sa Mecca ay lumipat sa Medina(na kilala sa panahong ito bilang Yathrib) noong taong 622 CE. Ang pangyayaring ito na tinatawag na Hijra ang naghudyat ng pasimula ng kalendaryong Islamiko na kilala rin bilang Kalendaryong Hijri. Sa Medina, pinag-isa ni Muhammad ang mga tribo sa ilalim ng konstitusyon ng Medina. Pagkatapos ng walong taon ng pakikidigma sa mga tribo sa Mecca, ang kanyang mga tagasunod na lumago na sa panahong ito sa mga 10,000 ay sumakop sa Mecca. Winasak ni Muhammad ang mga simbolo ng paganismo sa Mecca at ipinadala ang kanyang mga tagasunod upang wasakin ang lahat mga natitirang templong pagano sa buong Silanganing Arabia. Noong 632 CE, mga ilang buwan pagkatapos ng pagbalik nito sa Medina mula sa kanyang Pilgrimaheng Pagpapaalam, si Muhammad ay nagkasakit at namatay. Sa panahon ng kanyang katamayan, ang karamihan sa Arabian Peninsula ay naakay sa Islam at kanyang napag-isa ang mga tribo ng Arabia sa isang relihiyosong Muslim na politiya. Ang mga pahayag(o Ayah) na literal na nangangahulugang "mga tanda [ng diyos]" na iniulat ni Muhammad na kanyang natanggap hanggang sa kanyang kamatayan ay bumubuo ng mga bersikulo o talata ng Qur'an at itinuturing ng mga Muslim bilang "salita ng diyos" at batayan ng relihiyong Islam. Bukod sa Qur'an, ang buhay ni Muhammad at mga tradisyon(sunnah) ay pinanghahawakan din ng mga Muslim. Ang kanyang mga ginawa ay binatikos ng kanyang mga tagasunod at kalaban sa loob ng mga siglo.[3]

Kalipato

baguhin
 
Ang Kalipato, 622–750
  Paglawig ng Islam sa ilalim ni Muhammad, 622–632
  Paglawig ng Islam sa ilalim ng mga Kalipang Rashidun, 632–661
  Paglawig ng Islam sa ilalim ng Kalipatong Umayyad, 661–750

Pagkatapos ng kamatayan ni Muhammad noong 632 CE, nagkaroon ng alitan sa pagitan ng mga Muslim sa Mecca at mga akay na Muslim sa Medina na nagbantang makikipaghiwalay sa Ummah. Ang ibang mga tribong Arabiko ay nagnais na bumalik sa pamumunong lokal at humiwalay mula sa pangongontrol ng mga Muslim sa Medina. Ang mga pinuno ng mga tribong Medina ay nagpulong sa isang bulwagan upang talakayin ang kanilang susuportahan bilang bagong pinuno. Nang ipaalam kay Abu Bakr ang pagpupulong, siya at ang ilan ay sumugod sa pagpupulong na ito upang pigilan ang mga taga Medina na gumawa ng isang hilaw na desisyon. Ang mga salaysay ng pagpupulong na ito ay iba iba bagaman ang lahat ay umaayon na inihayag sa pagpupulong ni Umar si Abu Bakr bilang ang bagong pinuno at nanumpa ng kanyang katapatan kay Abu Bakr na gumagawa kay Abu Bakr na unang kalipang Muslim. Ang pagpili kay Abu Bakr ay tinutulan ng iba kabilang ang mismong anak ni Muhammad na si Fatimah na nagaangking si Ali (Ali ibn Abi Talib) na pinsan at manugang ni Muhammad na asawa ni Fatimah ang itinakdang nararapat na kahalili ni Muhammad. Pagkatapos, ang napiling kalipang si Abu Bakr, si Umar at ilang mga kasama ay tumungo sa bahay ni Fatimah upang pwersahin si Ali at mga tagasunod nito na magbigay ng kanilang panunumpa kay Abu Bakr. Inangking binantaan ni Umar na susunugin ang bahay malibang lumabas si Fatimah na anak ni Muhammad at asawa nitong si Ali upang manumpa ng katapatan kay Abu Bakr. Dahil nagbanta si Fatima na aalisin ang takip ng kanyang buhok, si Abu Bakr ay umatras. Inulat na sinabi ni Ali na may apatnapung kataong lalaban sa kanila. Ayon sa mga Shia, ang pangyayaring ito ang nagsanhi ng pagkalaglag ng anak sa sinapupunan ni Fatimah at kanyang kalaunang kamatayan. Inangkin ng mga aklat ng hadith na Sunni na ang pangyayaring ito ay hindi nangyari na nag-aangking handang nanumpa si Ali kay Abu Bakr. Ang isyung ito ang nagsanhi ng paghihiwalay ng mga Sunni at Shia. Kinikilala ng lahat ng mga Sunni Muslim si Abu Bakr bilang nararapat na Khalifa-tul-Rasool o Kahalili ng sugo ni Allah na si Muhammad. Gayunpaman, naniniwala ang mga Shia na hayagang pinangalanan ni Muhammad si Ali bilang kanyang kahalili sa Ghadir Khumm at ang pagkapinuno ni Ali ay itinakda ng kautusan ng Diyos.

Mula 632 hanggang 633 CE, ang ilang mga tribong Arabiko ay naghimagsik laban sa pamumuno ni Abu Bakr na nagpasimula ng mga digmaang Ridda.Inangkin ng mga tribo na kay Muhammad lamang sila magapapasakop at sa kamatayan ni Muhammad ay tumigil na ang kanilang katapatan kay Abu Bakr. Dahil dito, ang mga tribo ay tumangging magbigay ng zakat. Ang ilang mga rebelde sa apat na anim na sentro ng paghihimagsik ay sumuporta kina Tulayha o Musaylima o Sajjah na lahat nag-angking mga propeta. Bumuo si Abu Bakr ng hukbong Muslim sa 11 pangkat. Ang plano ay linisin muna ang mga lugar ng kanluran at sentral na Arabia at pagkatapos ay labanan si Malik ibn Nuwayrah at pagkatapos ay labanan ang pinakamapanganib na kaaway na si Musaylimah. Pagkatapos ng sunod sunod na pakikipaglaban, natalo ng pangkat ni Abu Bakr si Musaylimah at ang tribo nitong Banu Hanifa. Ang kampanya laban sa apostasiya ay nakumpleto noong ika-11 taon pagkatapos ng Hijra. Noong Marso 633 CE, ang Arabia ay pinagkaisa sa ilalim ng sentral na kapangyarihan sa Medina. Ayon sa mga Sunni, maraming mga Muslim na nagkabisado ng Koran ay namatay sa pakikipaglaban ng pangkat ni Abu Bakr kay Musaylimah sa labanan ng Yamama. Dahil sa takot na baka nawala o naliko na ang Koran, hiniling ni Umar kay Abu Bakr na payagan ang pagtitipon at pagpepreserba ng Koran. Pagkatapos ng simulang pagtanggi, bumuo si Abu Bakr ng isang komite na pinamunuan ni Zayd ibn Thabit na kinabibilangan ng mga nagkabisado ng Koran at ni Umar upang tipunin ang lahat ng mga talata ng Koran. Pagkatapos ikumpara ang natipong mga talata sa mga nagkabisado ng Koran, ang Koran ay isinulat sa isang manuskrito at itinanghal sa anyong aklat kay Abu Bakr.

Rashidun

baguhin

Hinirang ni Abu Bakr si Umar bilang kanyang kahalili. Si Umar ibn Khattab na ikalawang kalipa ay pinatay ng Persianong si Piruz Nahavandi. Ang kahalili ni Umar na si Uthman Ibn Affan ay hinalal ng isang konseho ng mga Majli. Si Uthman ay pinatay ng mga kasaping hindi nasiyahan sa kanyang pamumuno. Pagkatapos ay nangasiwa ngunit hindi pangkalahatang tinanggap na kalipa ng mga gobernador ng Ehipto. Naharap siya sa dalawang paghihimagsik at pinatay ng isang Kharijiteng si Abdl-alRahman. Ang magulong pamumuno ni Ali ay tumagal lamang ng limang taon. Ang panahong ito ay tinatawag na Fitna o ang unang digmaang sibil na Islamiko. Ang mga tagasunod ni Ali ay kalaunang naging Shia ("shiaat Ali", mga partisano ni Ali) na tumatakwil sa pagiging lehitimo ng unang tatlong kalipa. Ang mga tagasunod ng apat na kalipang Rashidun na sina Abu Bakr, Umar, Uthman at Ali ang naging sektang Sunni. Sa ilalim ng Rashidun, ang bawat rehiyon (sultanato, wilayah o emirato) ng kalipato ay may sarili gobernador (Sultan, Wāli o Emir). Si Muawiyah na kamag-anak ni Uthman at Wali ng Syria ang isa sa mga humamon kay Ali at pagkatapos mapatay si Ali ay nagawa niyang malabanan ang ibang mga nag-aangkin sa kalipato. Binago ni Muawiyah ang kalipato sa isang opisinang namamana at kaya ang nagtatag ng Dinastiyang Umayyad.

Umayyad

baguhin

Ang dinastiyang Umayyad ay hindi pangkalahatang tinanggap ng pamayanang Muslim. Sa ilalim ng pamumuno ng mga Umayyad, ang kalipato ay mabilis na lumawak sa teritoryo. Ang pamumunong Islamiko ay lumawig pakanluran sa Hilagang Aprika at sa Hispania at pasilangan sa Persia at sa huli ay sa mga kanluraning lupain ng Lambak Indus sa modernong Pakistan. Maraming mga pag-aalsa laban sa mga Umayyad gayundin ang mga pagkakabahai sa mga ranggong Umayyad. Pinatay ng Shia ang anak na lalaki ni Ali na si Hussein at kanyang pamilya sa Labanan ng Karbala noong 680 na nagpatibay ng paghihiwalay ng sektang Shia at Sunni. Kalaunan, nagkaisa ang mga tagasuporta ng Banu Hashim at mga tagasuporta ng angkan ni Ali upang pabagsakin ang mga Umayyad noong 750 CE. Ang partido ni Ali ay hindi nasiyahan nang umakyat sa kapangyarihan ang Dinastiyang Abbasid dahil ang mga Abbasid ay nagmula sa tiyuhin ni Muhammad na si `Abbas ibn `Abd al-Muttalib at hindi kay Ali.

Abbasid

baguhin

Ang Dinastiyang Umayyad ay pinatalsik ng mga Abbasid noong 750 CE na isa pang pamilyang nagmula sa Mecca. Ang mga Abbasid na namuno mula sa Baghdad ay may hindi nabaling linya ng mga kalipa sa loob ng tatlong daang taon. Noong mga 940 CE, ang kapangyarihan ng mga Abbasid ay humina na dahil ang mga hindi Arabo gaya ng mga Berber, Maghreb, mga Turko, mga Mamluk ng Ehipto ay naging impluwensiyal. Ang mga iba't ibang nagpapasakop ring mga sultan at emir ay naging independiyente. Nang panahon ng mga Abbasid, hinamon ang kanilang pag-aangkin sa kalipato. Ang Shiʻa Ubayd Allah al-Mahdi Billah ng Dinastiyang Fatimid na nag-angking nagmula kay Muhammad sa pamamagitan ng kanyang anak na babaeng si Fatima ay nag-angkin ng titulong Kalipa noong 909 CE na lumika ng isang hiwalay na linya ng mga kalipa sa Hilagang Aprika.

Ang Ginintuang Panahong Islamiko ay nagsimula sa panahong Abbasid noong gitnang ika-8 siglo CE hanggang sa pananakop ng Baghdad ng mga Mongol noong 1258. Ang agham ay pinaunlad at sinanay sa daigdig na Islamiko sa Ginintuang Panahong Islamiko. Sa panahon ring ito nang isalin ang mga kaalamang Griyego, Indiyano, Asiriako, at Iraniano sa wikang Arabiko. Ang mga pagsasalin sa wikang Arabiko ang pinagmulan ng mga pag-unlad na siyentipiko at matematiko ng mga siyentipikong Islamiko noong Gitnang Panahon. Ang halimbawa ng pagyabong ng matematika sa panahong ito ang pag-aaral ng alhebra na salitang Arabiko na nangangahulugang "pagkakaisa ng mga hati hating bahagi" ay yumabong sa panahong ito. Si Al-Khwarizmi kasama ng matematikong Griyegong si Diophantus ay nakilala bilang ama ng alhebra. Sa aklat ni Al-Khwarizmi, pinag-ukulan niya ang mga paraan ng paglutas ng mga positibong ugat ng una at ikalawang mga ekwasyong polinomial. Isinulat ni Omar Khayyám (c. 1038/48 sa Iran – 1123/24) ang isang treatise na naglalaman ng sistematikong solusyon ng ikatlong digring ekwasyong na humigit sa alhebra ni Khwārazmī. Si Abū al-Wafā' Būzjānī ay kinikilala sa pagtitipon ng mga tabla ng mga sine at tangent sa mga interbal na 15'. Bukod dito, ipinakilala rin niya ang mga punsiyong sec at cosec gayundin ang mga ugnayan sa pagitan ng anim na linyang trigonometriko na nauugnay sa arco.

Fatimid

baguhin

Ang kalipatong Fatimid o al-Fāṭimiyyūn (Arabiko الفاطميون) ay isang kalipatong Isma'ili Shi'a na sumasakop sa malaking sakop mula Dagat Pula sa silangang hanggang sa Karagatang Atlantiko sa kanluran. Ito ay orihinal na nakabase sa Tunisia. Ang Dinastiyang Fatimid ay lumawig sa baybaying Mediterraneo ng Aprika at kalaunang nakasentro sa Ehipto. Sa tugatog ng kanilang kapangyarihan, bukod sa Ehipto, ito ay sumakop sa Maghreb, Sudan, Sicily, Levant, Yemen at Hijaz.

Ayyubid

baguhin

Ang tagapagtatag ng Ayyubid na si Saladin na isang heneral na Kurdish ang nagpatalsik sa mga Fatimid. Kanyang muling binawi ang Herusalem mula sa mga Nag-krusadang Kristiyano. Hindi niya inangkin ang kalipato ngunit kinilala ang kalipang Abbasid sa Baghdad bilang pinunong espiritwal. Ang dinastiyang Ayyubid ay pinatalsik ng mga Mamluk.

Mamluk

baguhin

Ang Baghdad ay sinakop noong 1258 at ang kalipang Abbasid na si al-Musta'sim ay pinatay ng mga puwersang Mongol sa ilalim ni Hulagu Khan. Ang isang natitirang kasapi ng sambahayang Abbasid ay inilagay na kalip sa Cairo sa ilalim ng patronahe ng bagong nabuong Sultanatong Mamluk pagkatapos ng tatlong taon. Gayunpaman, ang linyang ito ng mga kalipa ay may kaunting kapangyarihan sa mga Sultan na Mamluk.

Ottoman

baguhin

Ang mga Sultan na Ottoman ay gumamit lamang ng pamagat na Kalipa ng paminsan minan bago ang 1517. Sinimulan lamang angkin ng mga pinunong Ottoman ang kapangyarihang kalipato pagkatapos talunin ng Imperyong Ottoman ang Sultanatong Mamluk noong 1517. Kanilang pinangasiwaan ang karamihan ng mga lupaing Arabo noong pamumuno ni Selim I. Ang huling kalipang Abbasid sa Cairo na si al-Mutawakkil III ay dinala sa kustodiya at nilipat sa Constantinople kung saan niya dinala ang mga simbolo ng Kalipato kay Selim I. Ang unang panahon na ang pamagat na "kalipa" ay ginamit bilang pampolitika sa halip na relihiyoso ng mga Ottoman ay sa kasunduang kapayapaan sa Rusya noong 1774 nang napanatili ng Imperyong Ottoman ang kapangyarihang moral sa teritoryo na ang soberanya ay isinuko sa Imperyong Ruso. Ang kinalabanan ng Digmaang Ruso-Turko nang 1768–1774 ay sakuna para sa mga Ottoman. Ang mga malalaking teritoryo kabilang ang naglalaman ng malalaking mga populasyong Muslim gaya ng Crimea ay natalo sa Imperyong Ruso. Gayunpman, ang mga Ottoman sa ilalim ni Abdul Hamid I ay nag-angkin ng diplomatikong pagwawagi sa pamamagitan ng pagpayag sa kanya na panatilihin ang mga pinuno ng mga Muslim sa naging independiyenteng Crimea bilang bahagi ng kasunduang kapayapaan. Kapalit nito, ang Rusya ay naging opisyal na tapag-ingat ng mga Kristiyano sa teritoryong Ottoman.

Ahmadiyya (1908-Kasalukuyan)

baguhin

Ang Kalipatong Ahmaddiya ay pinaniniwalaan ng pamayanang mesiyanikong Islam na Ahmaddiya na muling pagtatatag ng kalipatong Rashidun pagkatapos ng kamatayan ng kanilang tagapagtatag na si Mirza Ghulam Ahmad na kanyang itinatag noong 1889. Ang kasalukuyang kahalili ni Mirza Ghulam Ahmad ay si Khalifatul Masih V, Mirza Masroor Ahmad na nakatira sa London, Inglatera.

Khilafat (1920)

baguhin

Noong mga 1920, ang Kilusang Khilafat na isang kilusang nagtatanggol sa Kalipatong Ottoman ay kumalat sa mga teritoryong kolonyal ng Britanya.

Wakas ng Kalipato (1924)

baguhin

Noong 3 Marso 1924, binuwag sa konstitusyon ng unang pangulo ng Republikang Turko na si Mustafa Kemal Atatürk ang institusyon ng kalipato bilang bahagi ng kanyang mga reporma. Ang mga kapangyarihan nito sa loob ng Turkey ay inilipat sa Pambansang Asemblea ng Turkey na parliamento ng bagong binuong Republikang Turkish. Ang pamagatay ay inangkin ni Haring Hussein Ibn Ali of Hejaz na pinuno ng pag-aalsang Arabo ngunit ang kanyang kaharian ay natalo at idinagdag sa teritoryo ni Ibn Saud noong 1925. Ang isang summit ay tinipon sa Cairo noong 1926 upang talakayin ang muling pagbuhay sa Kalipato ngunit ang karamihan ng mga bansang Muslim ay hindi lumahok at walang aksiyon ang ginawa upang ipatupad ang mga resolusyon sa summit.

Mga Muslim

baguhin
 
Mga nagdarasal na Muslim, sa loob ng isang moske.

Kilala ang mga sumasampalataya sa Islam bilang mga Muslim. Nangangahulugan ang Muslim bilang ang "mga pumapasailalim" o "mga taong ibinibigay ang kanilang sarili sa Diyos".[1][3] Sa Islam, kinakailangang mamuhay ang mga Muslim ayon sa mga patakarang ng pamumuhay na itinalaga ng Diyos at sa nakasaad sa mga pahayag na dumaan sa Arabong propetang si Muhammad noong nabubuhay pa siya.[1][3] Dahil dito tinatawag rin ang mga Muslim bilang mga Mohamedano, ngunit mas ninanais ng mga sumasampalataya sa Islam na tawagin sila bilang mga Muslim o Moslem. Ilan sa mga kadahilan kung bakit mas gusto nilang tawagin silang mga Muslim ang kanilang pagsamba lamang sa Diyos, hindi sa kay Muhammad at dahil na rin sa marami nang iba pang mga Muslim bago pa dumating si Muhammad, kaya't hindi sila dapat na pangalanan alinsunod sa pangalan ni Muhammad.[1] Tinatanggap ng karamihang mga Muslim ang sinuman bilang Muslim na naghahayag ng Shahadah. Ang mga kasanayan ng Muslim ay nakatala sa Limang Haligi ng Islam na kinabibilangan ng shahadah, salat o panalangin, sawm o pag-aayuno tuwing Ramadan, zakat o paglilimos at hajj o pilgrimahe sa Mecca. Ang mga Muslim ay ginagabayan ng mga pangunahing sanggunian ng Islam na Koran at mga hadith gayundin ang mga iba pang sanggunian na iba iba sa mga iba't ibang sekta at eskwela ng hurisprudisensiya ng Islam. May mga iba't ibang interpretasyon rin gaya ng konserbatibo at liberal sa mga sangguniang ito.

Ang karamihan ng mga Muslim ay kabilang sa sektang Sunni na bumubuo ng 75–90% ng lahat ng mga Muslim sa buong Mundo. Ito ay sinundan ng sektang Shia na bumubuo ng mga 10–20% sa buong mundo. Ang mga populasyon ng mga Muslim sa buong mundo ay binubuo ng: 12.7% sa Indonesia na pinakamalaking bansang Muslim sa buong mundo, 25% sa Timog Asya, 20% sa Gitnang Silangan, 0.3% sa Pilipinas, 2% sa Sentral Asya at 15% sa Sub-saharan Aprika. Ang mga bansang may pinakamaraming populasyon ng mga Muslim ang Indonesia na may 12.7% ng populasyon ng Muslim sa buong mundo na sinundan ng Pakistan (11.0%), Bangladesh (9.2%), at Egypt (4.9%). Ang polygyny o pagkakaroon ng maraming asawang babae ng lalake ay pinapayagan sa Islam ngunit ang polyandry o pagkakaroon ng maraming asawang lalake ng babae ay ipinagbabawal sa Islam. Ayon sa Surah 4:3 ng Quran, ang isang lalakeng Muslim ay maaaring magpakasal hanggang apat na asawang babae hangga't mabibigyan sila ng katarungan. Sa ilang mga bansang Islamiko gaya ng Iran, ang asawang lalake ng isang babae ay maaaring pumasok sa mga temporaryong kasal bilang karagdagan sa kanilang permanenteng kasal (نكاح المتعة). Ang mga Muslim ay pinagbabawalang magpakasal sa mga hindi-Muslim. Ang diborsiyo ay pinapayagan sa Islam ngunit may magkahiwalay na mga patakaran para sa babae at lalake. Ang mga konserbatibong interpretasyon ng Surah, An-Nisa, 34 sa Quran ay naniniwalang ang panggugulpi ng mga lalake sa kanilang asawang babae ay pinapayagan. Ang mga huristang Muslim ng dalawang pangunahing sektang Sunni at Shia ay umaayon na ang paggamit ng mga pamamaraan ng pagkontrol ng panganganak at pagpaplano ng pamilya ay hindi ipinagbabawal ng Sharia.[5] May malakas na paniniwala sa mga Muslim at skolar ng Islam batay sa Sharia na ang pagpapakasal ng isang matandang lalake sa isang batang babae na mababa sa 15 taong gulang ay katanggap tanggap na pagsasanay para sa mga Muslim.[6][7] Ang mga pamayanang Muslim sa Yemen,[8][9] Saudi Arabia,[10] India,[11][12] Bangladesh, Pakistan,[13] Indonesia,[14] Egypt,[15] Nigeria[16] at iba ay naniniwalang karapatang Islamiko nila na magpakasal sa mga babaeng ang edad ay mababa sa 15 taong gulang.[17] Pinapakahulugan ng mga iskolar ng Islam na pinahihintulutan sa Surah 65:4 ang pagpapakasal sa mga babaeng hindi pa nireregla o mga batang babae.[18][19][20] Ipinagbabawal o haram para sa mga Muslim ang pag-inom ng alak o nakakalasing na inumin, pagsusugal, pagkain ng ilang mga pagkain gaya ng baboy, aso, pusa at hindi tamang pinaslang na hayop gaya ng mga binigti na hayop.

 
Desisyon ng fatwa sa isang kaso ng Muslim na naging Kristiyano: "Ang taong ito ay gumawa ng apostasya(pagtiwalag sa Islam). Siya ay binibigyan ng pagkakataon na humingi ng tawad at kung hindi niya ito gagawin ay dapat siyang patayin ayon sa Shariah(batas Islamiko). Tungkol naman sa kanyang mga anak. Hanggang sila ay bata, sila ay itinuturing na Muslim ngunit kung sila'y tumutuntong na sa adolesensiya(mula 10 hanggang 13 taong gulang) at kung sila ay mananatili sa Islam, sila ay Muslim. Kung sila ay aalis sa Islam at hindi humingi ng tawad, sila ay dapat patayin."

Ang mga lalakeng Muslim ay pinagbabawalang magsuot ng mga gintong palamuti sa katawan at damit na seda ngunit pinapayagan sa mga babae hanggan't hindi ginagamit upang mang-akit ng mga lalake. Ipinagbabawal sa mga babaeng Muslim na magsuot ng mga kasuotang hindi tamang nagtatakip ng katawan. Ipinagbabawal rin sa mga Muslim na magpaganda at magbago ng kanilang hitsura o katangiang pisikal gaya ng tato, pagkukulay ng buhok o balbas, pagsusuot ng peluka at mga kasuotang pangbuhok.[21] Ipinagbabawal rin sa mga Muslim ang paggamit ng mga kasangkapang pangbahay na yari sa ginto at pilak at purong seda upang maiwasan ang mga maluhong pamumuhay[22] Ipinagbabawal rin sa mga Muslim ang pagkakaroon ng mga estatwa o rebulto at paggawa ng mga ito.[23]

Ayon sa batas Islamiko, ang pagtalikod sa Islam (apostasiya) ng isang Muslim ay matutukoy sa mga aksiyong gaya paglipat sa ibang relihiyon, pagtanggi sa diyos, pagtakwil sa mga propeta ng Islam, pagtuya sa diyos ng Islam o mga propeta ng Islam, pagsamba sa rebulto, pagtakwil sa sharia at pagpayag ng mga gawaing ipinagbabawal sa sharia gaya ng pagkain ng mga ipinagbabawal na pagkain o paginom ng alak. May iba ibang pananaw ang mga skolar ng Islam sa angkop na kaparusahan sa mga tumalikod sa Islam ( مرتد ). Ang karamihan ng mga skolar ng Islam ay naniniwalang ang pagtalikod sa Islam ay dapat parusahan ng kamatayan o pagkakabilanggo hanggang sa magsisi[24] bagaman ang ilang skolar ay naniniwalang dapat walang kaparusahan hangga't hindi sila nagrerebelde sa lipunang Islamiko o sa relihiyong Islam.[25][26][27]

Mga Kasulatan sa Islam

baguhin

Qur'an

baguhin

Naitala ang mga pangaral ni Muhammad sa Qur'an, ang banal na aklat ng Islam. Para sa mga Muslim, ang Qur'an ang mga pahayag ng Diyos.[2] Isinaayos at isinabatas ni Uthman, isang pinunong Muslim, ang Koran.[3]

Nangangahulugang "mga pagsasabi" o "mga pagbigkas" (resitasyon) ang salitang Koran. Tinutukoy nito ang mga instruksiyon o kautusan ni Arkanghel Gabriel kay Muhammad noong 610 na bigkasin ang pangalan ng Diyos o sambitin ang pangalan ni Allah.[3]

Binubuo ang Qur'an ng 114 na mga surah o kabanata/kapitulo(chapter). Nahahati ang mga surah sa mga ayah o bersikulo(verse). Ang bilang ng ayah(bersikulo) ay magkakaiba ayon sa iba ibang skolar na Muslim sa simula pa ng pagkakalikha ng Islam. Sa ibang skolar ito ay binubuo ng 6,000 ayah, sa iba ay 6,204, sa iba ay 6,219, at sa iba ay 6,236.[3]

Kasaysayan ng Qur'an

baguhin

Ayon sa tradisyong Islamiko, natanggap ni Muhammad ang unang pahayag sa kweba ng Hira sa panahon ng kanyang pagiisa sa mga bundok. Si Muhammad ayon sa tradisyong Muslim ay isang "ummi"(illiterate o hindi marunong bumasa at sumulat). Pagkatapos nito, si Muhammad ay nakatanggap pa ng mga pahayag sa loob ng dalawampu't-tatlong taon. Ayon sa hadith at kasaysayan ng Islam, si Muhammad ay tumira sa Medina at bumuo ng isang sariling komunidad ng mga Muslim. Kanyang iniutos sa kanyang mga sahabah(kasama) na bigkasin ang Quran at pag-aralan at ituro ang mga kautusan na inihayag sa kanya araw araw. Ang kanyang mga sahabah na bumibigkas ng Quran ay tinatawag na Qari. Dahil sa karamihan ng sahabah ay hindi marunong bumasa o sumulat, sila ay inutusan ni Muhammad na matuto ng simpleng pagsulat sa mga bilanggo-ng-digmaan. Unti unti ay natutong sumulat ang mga sahabang ito. Sa mga unang yugto ng Islam, ang Quran ay isinulat sa mga tableta, mga buto at mga dahon ng date palm. Karamihan sa kabanata ng Qur'an ay ginagamit ng mga sinaunang Muslim ngunit ang Qur'an ay hindi pa umiiral sa anyong aklat sa panahon ng kamatayan ni Muhammad noong 632 CE.

Ayon sa skolar ng pag-aaral Islamiko na si Welch, ang mga pangingisay(seizures) ni Muhammad sa panahong ito ay maaring pinakahulugan ng mga nakapaligid sa kanya bilang isang katibayan na nagmula sa dios ang mga pahayag na ito. Ayon din kay Welch, hindi tiyak kung ang mga pangingisay ni Muhammad ay nangyari bago o pagkatapos ng unang pagkakataong inangkin ni Muhammad ang pagkapropeta. Ayon naman sa mga kritiko ni Muhammad, si Muhammad ay maaring nasasapian ng demonyo, o isang mahikero o manggagaway dahil ang kanyang karanasan ay katulad sa mga taong nag-aangking ng mga bagay ito sa sinaunang Arabia. Ayon din sa mga kritiko, si Muhammad ay nagpapanggap lang na nangingisay,[28] o may sakit na epilepsy na isang sakit na neurolohikal.[29]. Ang sakit na epilepsy ay itinuring noong sinaunang panahon na kaugnay ng mga karanasang espiritwal at para sa iba ay sa isang pagsapi ng demonyo. Sa panahon ni Hippocrates(na ama ng medisina) noong ikalimang siglo BCE, ang sakit na ito ay tinatawag na "Banal na Sakit".[30]

Kaugnayan sa Bibliya

baguhin

Ang Qur'an ay naglalaman ng ilang mga pangyayari at mga indibidwal na nasa Bibliya bagama't ang mga ito ay iba sa pagkakasalaysay sa bibliya. Halimbawa sa Bibliya, ang arko ni Noe ay lumapag sa Bundok Ararat samantalang sa Qur'an, ang arko ni Noe ay lumapag sa Bundok Judi. Ayon sa Quran, si Abraham, na nabanggit sa Lumang Tipan ng Bibliya, ang pinakaninuno ng mga Arabo dahil sa ang kanyang anak na lalaking si Ismael ang pinaniniwalaang ninuno ng mga Muslim at ni Muhammad na tagapagtatag ng Islam. Sa Bibliya, ang mga Israel at ang mga Hudyo lamang ang natatanging "hinirang na bansa o bayan" ng dios dahil ang anak ni Abraham na si Isaac ang tagapagmanang anak at hindi si Ismael.[1] Ang ilang mga indibidwal na binabanggit sa bibliya ay itinuturing na mga propeta sa Qur'an gaya ni Adan, Hesus(o Isa), Jacob (o Yakub), David (o Dawud), Solomon(o Sulayman) at iba pa. Lahat ng nasa Bibliya na umaayon sa Qur'an ay tinatanggap ng mga Muslim ngunit ang hindi umaayon ay kanilang itinatakwil. Ang Taḥrīf'(تحريف o korupsiyon) ang paniniwala ng mga skolar na Muslim na ang kasalukuyang bibliya ng mga Hudyo at Kristyano ay naglalaman ng binago at nilikong salita ng diyos. Isa sa mga ginagamit ng mga Muslim na talata para patunayan ang akusasyong ito ang Jeremias 8:8 "Paano ninyo nasabing, 'Kami'y matatalino; nasa amin ang kautusan ni Yahweh'? Ang kautusan ay binago ng mga mandarayang eskriba".

Hadith

baguhin

Ang Hadith ay mga tradisyon na may kaugnayan sa sunnah(mga salita at gawa) ni Muhammad. Karamihan sa kaalaman tungkol sa buhay ni Muhammad ay nagmula sa Hadith gayundin ang ibang mga katuruan sa Islam (tulad ng Limang Haligi ng Islam). Ang mga ito ay isinulat ng mga iskolar na Muslim sa pagitan ng 844 at 874 CE, mahigit 200 taon pagkatapos mamatay ni Muhammad noong 632 CE. Sa nakakaraming Muslim, ang Hadith ay pangalawa lamang sa Qur'an sa kahalagahan.[31] Halimbawa, ang apat na mga skwela ng Sunni Islam ay tumuturing sa Hadith na ikalawa lamang sa Qur'an, bagama't sila ay magkakaiba sa kung gaano kalaya sa interpretasyon ng Hadith ang dapat ibigay sa mga legal na skolar ng Sunni Islam.[32] Ang mga skolar naman ng Shia Islam ay hindi sumasang-ayon sa skolar ng Sunni Islam sa kung anong Hadith ang dapat ituring na katiwa tiwala. Tinatanggap din ng mga Shia ang sunnah ni Ali at ng mga imams bukod pa sa sunnah ni Muhammad at sila ay may sarili at ibang koleksiyon ng mga Hadith.[33] Ang mga iskolar na hindi tumatanggap sa Hadith ay naniniwala na ito ay kumokontra sa Qur'an. Halimbawa, ayon sa sunnah, ang tamang paraan ng parusa sa pangangalunya ay kamatayan sa pamamagitan ng pagbato sa isang tao.[34][35][36] Ang kaparusahang ito ay hindi matatagpuan sa Qur'an kundi ang binabanggit ay dalawang magkaibang parusa sa pangangalunya na 100 paghataw[Qur'an 24:2-3], o pagkulong sa bahay hanggang sa mamatay sa gutom o pagkatuyo ng katawan[Qur'an 4:15-15].

Mga Sangay ng Islam

baguhin
 
Mga sangay ng Islam

Ang mga Muslim ay nahahati sa dalawang pangunahing mga sangay: Ang Sunni at Shia. Bukod dito ay Islam ay nahahati din sa skwela ng Sharia at imam. Lahat ng ibang kilusan sa loob ng Islam gaya ng Salafi, Modernista, Mistikal, Tariqah, Deobandi at Barelvi ay maaring kabilang sa Sunni o Shia. Ang pagkakabahagi ng Islam ay nangyari noong maagang yugto ng Kalipa sa tanong na kung sino ang magiging kahalili ni Muhammad pagkamatay niya. Ang ikatlong paksiyon na Khairjites ay nagmula din sa pagtatanong na ito ngunit ang sektang ito ay hindi na ummiral. Ang komunidad ng Ibadiyya na pangunahing sekta sa kasalukuyang mga bansa ng Oman at Zanzibar ay pinaniniwalaang nagmula sa kanila bagaman hindi itinuring ng mga Ibadiyya na sila ay Khairjites. Mayroon ding dibisyon sa Kalam o pilospikong batayan ng teolohiya bagama't ito ay matatagpuan sa iba't ibat paksiyon. Ang pangunahing kasulatan ng Islam na Quran at ang pangunahing mga katuruan na tinatawag na Aqeedah ay nananatiling pareho sa lahat ng sektang ito ng Islam.

Islam na Sunni

baguhin

Ang Sunni Islam(أهل السنة والجماعة) ang pinakamalaking sekta ng Islam at kilala rin bilang Ahle Sunnat Wal Jama'at o Ahl bilang-Sunnah. Ang salita Sunni ay mula sa salitang sunnah, na nangangahulugang mga aral, mga ginawa o mga halimbawa ng propetang si Muhammad. Samakatuwid, ang salitang "Sunni" ay tumutukoy sa mga tagasunod ng sunnah ni propeta Muhammad. Ang Sunnis ay naniniwala na si Muhammad ay hindi partikular na humirang ng isang kapalit upang manguna sa ummah o komunidad ng mga Muslim bago ang kanyang kamatayan, at pagkatapos ng isang kaguluhan, isang grupo ng kanyang pinaka-kilalang Sahabah o kasama ang nagtipon at humalal kay Abu Bakr Siddique na isang pinakamalapit ng kaibigan ni Muhammad kaibigan at biyenan bilang nararapat na kahalili ni Muhammad at ang kauna unahang kalipa ng Islam. Itinuturing ng mga Sunni Muslims ang unang apat na kalipa na sina Abu Bakr, `Umar ibn al-Khattāb, Uthman Ibn Affan at Ali ibn Abu Talib bilang "al-Khulafā'ur-Rāshidūn"(o ang karapatdapat na pinapatnubayang kalipa). Ang Sunni ay naniniwala din na ang posisyon ng kalipa ay maaaring matamo sa paraang demokratiko ngunit ito ay pagkatapos ng Rashidun na isang posisyon na namamana sa pamumunong dinastiya dahil sa ang mga dibisyon na sinimulan ng mga Shias at iba pa. Pagkatapos ng pagbagsak ng Imperyong Ottoman noong 1923, hindi na nagkaroon pa ng kalipa na kinikilala sa buong Islam.

Islam na Shia

baguhin

Ang Shia Islam(شيعة) ang pangalawang-pinakamalaking sekta ng Islam na bumubuo sa pagitan ng 10 hanggang 20% ng populasyon ng mga Muslim sa buong mundo o may populasyong mga 130 hanggang 190 milyon.[37] Ang Shia Islam ay matatagpuan sa karamihan ng populasyon sa Azerbaijan, Bahrain, Iran, at Iraq, Lebanon at Yemen. Ang sektang Shia ay nahahati din sa iba't ibang mga sekta gaya ng teolohikong paniniwala, mga skwela ng batas, mga pilosopikong paniniwala, at mga kilusang espiritwal. Ang sektang Shia ay lumitaw pagkatapos ng kamatayan ni 'Umar Ibnil-Khattab (ang pangalawang kalipa) at ang unang gobyerno at lipunang Shia ay itinatag sa wakas ng ikasiyam na siglo. Bukod sa paniniwala sa Qur'an at mga katuruan ni Muhammad, ang mga Shia muslim ay naniniwala na ang kanyang pamilya, ang Ahl al-Bayt, pati ang kanyang mga inapo na kilala bilang mga imam ay may espesyal na espirituwal at pampolitikang kapangyarihan sa komunidad. Ang mga Shia Muslim ay naniniwalang si Ali ibn Abi Talib, pinsan ni Muhmmad at manugang na lalaki na asawa ng anak ni Muhammad na si Fatimah ang una sa mga imam na ito at ang karapatdapat na kahalili ni Muhammad. Bukod dito hindi nila tinatanggap ang pagkalehitimo ng mga naunang tatlong kalipa ng Rashidun. Ang Shia Islam ay nahahati pa sa mga grupong Twelver(اثنا عشرية), Ismaili(الإسماعيليون), Zaidiyyah(الزيدية), Alawi(علوية) at Alevi(علوي). Ang Twelver ay naniniwala sa mga hinirang na labindalawang imam at sa mahdi o tagapagligtas na sa kanilang paniniwala ay ang ikalabindalawang imam na naglaho at muling magbabalik. Ang Zaidi ay tumatanggap sa unang apat na imam na pinaniniwalaan ng Twelvers ngunit naniniwalang ang ikalimang imam ay si Zayd ibn Ali. Ang Ismaili ay tumatanggap sa unang limang imam na pinaniniwalaan ng Twelvers ngunit tumututol sa ikaanim na imam. Para sa mga Ismaili, si Ja'far's na pinakamatandang anak ni Ismail ang ikaanim na imam samantalang ang Twelvers ay naniniwalang ito ang nakababatang anak na si Musa al-Kazim. Ang Twelver ay nahati pa sa mga sektang usulismo, akhabrismo at shaykismo. Ang Ismaili ay nahahati din sa mga sektang Nizari, Mustaali, Dawoodi Bohra, Sulaimani Bohra, Alahvi Bohra, Hebtiahs Borah, Atbai-i-Malak, at Druze.

Mga Paniniwala

baguhin

Ang pinaka-pangunahing konsepto ng Islam ay monoteismo o paniniwala sa isang diyos o tawhīd (Arabic: توحيد). Itinatakwil ng mga Muslims ang doktrina ng Iglesia Katolika Apostolika Romana(katoliko) na Trinidad(3 persona sa isang diyos na binubuo ng dios ama, dios anak at dios espiritu santo), ngunit kanilang tinatanggap si Jesus bilang isang propeta at hindi dios. Allāh ang termino ng isang dios sa Islam. Ito ay hindi plural at walang kasarian. Ang ibang hindi arabong Muslim ay gumagumamit ng ibang termino sa Allah gaya ng "Tanrı" sa Turkish o "Khodā" sa Iran.

Muling pagkabuhay

baguhin

Sa Islam, ang Yawm al-Qiyāmah ( يوم القيام "Araw ng pagkabuhay na muli") o Yawm ad-Din ( يوم الدين "Araw ng paghuhukom") ay ang pinaniniwala sa huling paghatol ng Diyos sa sangkatauhan bagaman may pagkakaiba-iba ng mga pananaw at interpretasyon ang mga skolar na Muslim sa mga bersikulo ng Qur'an na tumutukoy sa paghuhukom ng dios. Ang mga ilang pangyayari na pinaniniwalaang magaganap sa paghuhukom ay ang paglipol ng lahat ng nilalang, ang muling pagkabuhay ng katawan, at ang paghatol sa lahat ng nilalang.

Predestinasyon

baguhin

Ayon sa Islam, ang Diyos ay may buong kaalaman at kontrol sa lahat ng pangyayari(al-qadā wa'l-qadar). Ito ay katumbas ng paniniwalang predestinasyon sa sekta ng Kristiyanismo na tinatawag na Calvinismo. Para sa mga Muslim, ang lahat ng pangyayari, mabuti man o masama, ay itinakda na ng dios at walang maaaring mangyari maliban kung pahintulutan ng Diyos. Ayon naman sa ibang teologong Muslim, bagaman ang mga pangyayari ay itinakda na, ang tao ay nagaangkin ng free will o malayang kalooban na siya ay pumili sa pagitan ng tama at mali at siya ay responsable sa kanyang mga aksiyon. Ang pagkasunduin ang paniniwalang predestinasyon at free will sa Islam ay isa sa mga pinaka-kumplikadong isyu sa teolohiyang Islamiko.

Limang Haligi ng Islam

baguhin
 
Ang Kaaba sa Mecca, Saudi Arabia ang sentro ng Islam.

Ang mga haligi ng Islam (arkan al-Islam) ang limang pangunahing mga gawain sa Islam na itinuturing na obligasyong gawin ng lahat ng mga Muslim. Eto ang (1) ang shahadah ang pagpapahayag ng pananampalataya kay Allah(kredo), (2) panalangin ng limang beses sa isang araw nang nakaharap sa direksiyon ng mecca (salat), (3) pagbibigay ng limos (zakat), (4) pag-aayuno sa panahon ng Ramadan at(sawm) (5) pilgrimahe sa Mecca, Saudi Arabia (​​hajj) ng hindi bababa sa isang beses sa buong buhay. Ang shahada ang paghahayag sa paniniwalang may isang dios at pagtanggap sa kanyang propetang si Muhammad.

لا إله إلا الله محمد رسول الله "'ašhadu 'al-lā ilāha illā-llāhu wa 'ašhadu 'anna muħammadan rasūlu-llāh", o "Ako ay nagpapatooo na walang ibang dios kundi ang diyos(allah) at ako ay nagpapatotoo na si Muhammad ang sugo ng dios"

Ang mga ritwal sa Hajj ay kinabibilangan ng paglalakad ng pitong beses sa paligid ng Kaaba at paghawak sa itim na bato kung maaari, paglakad o pagtakbo ng pitong ulit sa pagitan ng Bundok ng Safa at Bundok Marwah, at simbolikong pagbabato kay Satanas sa Mina.

Islam sa Pilipinas

baguhin

Ang Islam ay ang pinakamatandang monoteistikong relihiyon sa Pilipinas at mas matanda pa sa Kristiyanismo. Ang mga Muslim sa Pilipinas ay binubuo lamang ng limang porsiyento ng populasyon ng Pilipinas[38] at ang karamihan sa mga deboto nito ay nakatira sa Mindanao. Ang karamihan ng mga Muslim sa Pilipinas ay kabilang sa sektang Islam na Sunni. Meron ding maliit na populasyon ang nakatira sa may Quiapo, Maynila, at iba't ibang mga lugar sa Quezon City na may 25 moske gaya ng Culiat, Fairmont, Payatas at Sta. Monica.

Kasaysayan ng Islam sa Pilipinas

baguhin

Sulu at Tawi-Tawi

baguhin

Ang relihiyong Islam ay dinala ng mga mangangalakal na Persian Bengali at Gujerati o mga Arabo sa Sulu. Nang dumating ang mga mangangalakal na Muslim sa katimugang Pilipinas mula sa Malaysia at Indonesia, kanilang dinatnan ang mga katutubo na nagsasanay ng animismo na nakatira sa maliliit na autonomosong mga pamayanan. Ayon sa Tarsila, si Tuan Mashaika ay dumating sa Jolo, sa Maimbung at nagpakasal sa anak ng isang namumunong pamilya. Bagaman hindi hayagang isinaad ng Sulu Tarsila na isang Muslim si Tuan Mashaika, ipinagpapalagay na isa siyang Muslim dahil sa pangalang Muslim ng kanyang mga anak gaya nina Tuan Hakim at Aisha. Noong 1380, ang Arabong si Karimul Makhdum (Sharif Awliya) ay dumating at kinikilalang ang nagtatag ng unang moske sa Tubig-Indangan sa Simunul, Tawi-Tawi. Noong mga 1390, dumating naman si Rajah Baguinda sa Sulu mula Sumatra o Borneo. Ang unang opisyal na Sultan ng Sulu ang Arabong mula Sumatra na si Syed Abu Bakr (Sharif Hashim) na nagpakasal sa anak ni Baguinda. Tulad ng ibang mga pinunong Arabo, itinatag ni Abu Bakr ang lehitimasiya ng kanyang dinastiya sa pag-aangking isa siyang direktang inapo ni propeta Muhammad.

Mindanao

baguhin

Ang pagdating at pagpapalaganap ng Islam sa Mindanao ay itinuturo kay Sharif Kabungsuwan na dumating sa Maguindinao noong 1515 mula Johor.[39] Siya ay iniulat na anak ng prinsesang Malaccan at Arabong Sharif Ali Zain ul-Abidin at dumating kasama ng kanyang mga mandirigma upang magtatag ng isang prinsipiladidad. Siya ay nagtatag ng mga alyansa sa pamamagitan ng maraming mga kasal. Kanyang sinakop at inakay ang mga pinuno at tribo sa Cotabato. Ang mga tribong hindi nagawang maakay ni Kabungsuwan sa pamamagitan ng paghihikayat o dahas ay itinulak sa mga bangin. Sa kabila nito, hindi naakay sa Islam ang mga katutubong populasyong Lumad ng Mindanao.

Ang ibang tradisyon ay nagsasaad na bago pa ang pagdating ni Kabungsuwan ay may isang Sharif Awliya na nagpakilala ng Islam sa pook na hindi kalayuan sa Cotabato. Si Awliya ay nagpakasal sa isang dalagang galing sa langit na nagkaanank ng babaeng tinawag na paramisuli o prinsesa. Si Awliya ay bumalik sa kanyang pinanggalingan ngunit iniwan ang kanyang anak. Ang isa pang tradisyon ay ang pagdating ng isang Sharif Maraja sa Maguindano mula Johor at nagpakasal kay paramisuli.

Pagdating ng mga Kastilang Kristiyano

baguhin

Nang unang dumating sa Pilipinas ang mga Kastilang Kristiyano noong mga gitnang 1500, sila ay nakasagupa ng malakas na pagsalungat ng mga Muslim. Pinalayawan ng mga Kastila ang mga Muslim sa Pilipinas na mga Moro na korupsiyon ng salitang Moor na pinalayas ng mga Kristiyano sa Espanya pagkatapos ng halos 800 taon na alitan. Bagaman mabilis na naakay ng mga Kastila ang karamihan ng rehiyon sa Pilipinas sa Kristiyanismo gamit ang dahas, nahirapan silang maakay ang mga Muslim sa katimugang Pilipinas. Nagsagawa ang mga Muslim ng paninindak sa mga Kastila sa pamamagitan ng kadalasang pagsasagawa ng paglusob at pagbibihag ng mga alipin sa Luzon at ibang mga bahagi ng Pilipinas. Nagawa lamang malabanan ng mga Kastila ang mga Muslim noong mga gitnang 1800 sa pagsulong ng teknolohiyang Kastila gamit ang mga bangkang may baril. Noong 1878, ang Sultan ng Sulu ay lumagda ng isang kasunduang kapayapaan sa Espanya at ang nasasakupan nito ay opisyal na naging autonomosong protektorado ng Kastila.

Kasalukuyang panahon

baguhin

Ang mga kasalukuyang pangkat Islamista at itinuturing na teroristang Islamikong grupo sa Pilipinas[40] ay kinabibilangan ng Moro Islamic Liberation Front,[41] Moro National Liberation Front o MNLF,[42] Abu Sayyaf,[43] Rajah Sulaiman Movement[40] at Jemaah Islamiyah.[43] Ang mga grupong ito ay sangkot sa paghihimagsik laban sa gobyerno ng Pilipinas upang humiwalay sila sa isang Islamikong estado na Bangsamoro na binubuo ng lahat ng Mindanao, Palawan, Sulu, Tawi-Tawi at Basilan gayundin ng Sabah at Sarawak ng Malaysia. Ang mga grupong ito ay sangkot sa terorismo at pambobomba sa iba't ibang lugar sa Mindanao gayundin sa Metro Manila, pakikipaglaban, pagpatay at pagpupugot sa ulo ng mga nabihag nilang sundalong Pilipino, pagkidnap at pagpatay sa mga sibilyan at dayuhan at pangingikil ng pera.[44][45] Ang pangalan ng grupong Abu Sayaff ay nagmula mula sa Arabic ابو,Abu("ama ng") at sayyaf("tagagawa ng espada"). Ang grupong ito ay itinuturing ng Estados Unidos na isang teroristang organisasyon at isinama sa listahan ng mga dayuhang teroristang Organisasyon.[43] Ang kilusang pagtiwalag o pakikipaghiwalay ng mga Muslim sa Pilipinas ay nagsimula noong mga 1968 sa pagkakatatag ng Muslim Independence Movement. Noong mga 1970, ang MNLF ang naging pangunahing kilusang pagtiwalag ng Muslim sa Pilipinas at nakatanggap ng suporta mula sa Libya at Sabah. Ang mga negosiasyon ng kapayapaan sa pagitan ng pamahalaan ng Pilipinas at MNLF ay nagresulta sa paglalagda ng Kasunduang Tripoli noong 1976 ngunit ang magkaibang mga interpretasyon sa isyu ng autonomiya ay sumira sa mga negosiasyon at nagresulta sa pagbalik ng mga alitan. Noong Oktubre 2012, ang MNLF at ang pamahalaan ng Pilipinas ay umabot sa isang kasunduang kapayapaan.[46] Tinangkang sakupin ng MNLF ang Zamboanga City noong 9 Setyembre 2013 sa ilalim ng pamumuno ni Nur Misuari na pumatay ng 4 katao at bumihag ng mga 200 sibilyan na ginamit nilang panangga sa kanilang pakikipaglaban sa mga sundalo at kapulisan ng pamahalaan ng Pilipinas.

Kritisismo sa Islam

baguhin

Ang kritisismo sa relihiyong Islam ay nagmula pa sa mga unang yugto ng paglitaw ng relihiyong ito. Ang mga naunang isinulat na kritisismo ng Islam galing sa mga Kristiyano ay nagmula bago ang ikasiyam na siglo CE. Para sa mga kristiyanong ito, ang Islam ay isang maling paniniwala. Kalaunan, ang mga kritisismo ay nagmula rin mismo sa mga Muslim at sa mga Hudyo. Kasama sa kritisismong ito ang moralidad at buhay ng tagapagtatag nitong si Muhammad, pag dududa sa paniniwalang salita ng dios ang Quran, ang moralidad na itinuturo sa Quran gaya ng pagtrato sa mga kababaihan at iba pang paglabag sa karapatan ng tao, kawalan ng demokrasya sa mga bansang Islamiko, terorismo na ginagawa ng mga Muslim sa buong mundo at pag uusig ng mga Muslim sa mga tumutuligsa ng relihiyong Islam at sa mga dating Muslim na umalis sa relihiyong ito.[47] Ang ilang halimbawa ng mga kritiko ng Islam sa kasalukuyang panahon ang Muslim na si Irshad Manji na sumulat ng aklat noong 2004 na The Trouble with Islam Today(Ang Problema sa Islam Ngayon) gayundin ang dating Muslim na si Wafa Sultan na naniniwalang ang "problema sa Islam ay nakaugat sa mga katuruan nito" at "ang Islam ay hindi lamang relihiyon kundi isa ring ideolohiyang pampolitika na nagtuturo ng karahasan at ang pakay nito ay nialalapatan ng dahas."[48][49]

May dalawang anyo ng pagsisinungaling ng mga Muslim (Qur'an 16:106, Bukhari 49:857) sa mga hindi Muslim na pinapayagan sa Islam, ang taqiyya at kitman. Ang mga sirkumstansiyang ito ay upang isulong ang mga pakay ng Islam. Sa ilang mga kaso, ito ay upang kunin ang tiwala ng mga hindi Muslim upang mapahina sila at matalo ng mga Muslim.

Nilalaman ng Quran

baguhin

Ayon sa mga kritiko ng Islam, ang Quran ay naglalaman ng mga kontradiksiyon at mga salitang mahirap unawain. Bukod dito, ito ay rin ay pinaniniwalaang naglalaman ng maling paliwanag sa pinag mulan ng sansinukob. Ayon sa ibang salaysay ng kasaysayan ng Islam, mayroong 2 berso ng Quran na idinagdag ni Muhammad nang siya ay dayain ni Satanas (na tinawag na mga talatang Sataniko). Ayon pa sa mga kritiko, ang Quran ay walang ebidensiya na sinusuportahan ng arkeolohiya at ang aklat na ito ay hindi umaayon sa ibang mga literaturang isinulat.[50] Bukod sa kawalang ebidensiya para suportahan ang paniniwalang galing sa dios ang Quran, ang mga katuruan at moralidad sa Quran ay binabatikos din. Halimbawa, mababasa sa Surah 4:34 na pinapayagan ang mga lalakeng Muslim na disiplanahin ang kanilang asawang babae sa pamamagitan ng pananakit at paghataw sa kanila. Ilan din sa mga talata ay binabatikos ng mga kritiko dahil sa pagtuturo ng karahasan, jihad, terorismo at poot sa mga tagasunod ng ibang relihiyon. Ang ilan sa mga halimbawa nito ay :[51]

Surah 3:151: "Kami ay maghahasik ng takot sa puso ng mga hindi sumasampalataya".
Surah 2:191-193: "At paslangin ninyo sila saan ninyo man sila matagpuan at palayasin ninyo sila sa mga lugar na pinalayas kayo, dahil ang pag-uusig (ng mga Muslim) ay mas masahol pa sa pagkatay (ng mga hindi Muslim)... ngunit kung sila ay tumigil, pagmasdan! si Allah ay mapagpatawad at mahabagin. At labanan ninyo sila hanggang sa ang pag-uusig ay wala na at ang relihiyon ay para kay Allah".
Surah 5:33: "Ang parusa sa mga nakikidigma laban kay Allah at ng kanyang sugo at nagsisikap na gumawa ng panggugulo sa lupaing ito ay ito lamang, sila ay dapat patayin o ipako sa krus o ang kanilang mga kamay at mga paa ay dapat putulin sa magkabilang panig o sila ay dapat ibilanggo; eto ang kahihiyan para sa kanila sa mundo at sa kabilang buhay ay magkakaroon sila ng napakasakit na pagkastigo."
Surah 8:12 "Ako ay maghahasik ng takot sa puso ng mga hindi sumasampalataya. Kaya putulin ninyo ang mga ulo nila at putulin ninyo ang bawat daliri nila".
Surah 2:63:"At alalahanin ninyo mga anak ng Israel, nang kami ay gumawa ng tipan sa inyo at itinaas ang Bundok Sinai sa harapan ninyong nagsasabing, Panghawakan ninyong maigi ang inihayag namin sa inyo at itatak ninyo ito sa isipan upang kayo ay maprotektahan sa masama. Ngunit kayo ay tumalikod at kung hindi dahil sa biyaya at habag ni Allah, kayo ay siguardong kabilang sa mga napahamak. At kilala ninyo ang mga nagkasala sa Sabbath. Sinabi namin sa kanilang, Kayo'y gagawing mga kinamumuhiang mga unggoy. Kaya ginamit namin sila bilang babala sa mga tao at sa mga susunod na heneresyon gayundin bilang aral sa mga may takot kay Allah."/

Ang pang-aalipin) ng isang tao ay tinatanggap sa Quran at sa Madh'hab na isang eskwela ng batas sa Islam.[52] Si Muhammad at ang kanyang Sahabah(kasama) ay bumili, at nag-angkin ng mga alipin.[52]

Pagkatao ni Muhammad

baguhin

Bukod sa pagkakaroon ng maraming asawa, binabatikos din ng mga kritiko ang pagapakasal ni Muhammad sa isang siyam na taong gulang na batang babae na nagngangalang Aisha.[53][54][55][56][57] Ayon sa Surah 65:4, ang pagpapakasal at pakikipaghiwalay sa mga hindi pa nireregla ay pinahihintulutan. Binabatikos rin ng mga kritiko ang hindi naging magandang pakikitungo ni Muhammad sa Banu Qurayza, isang tribo ng mga Hudyo sa Medina. Ang mamayan ng mga tribong ito ay pinapatay ni Muhammad dahil sa kanilang pakikipagsundo sa mga kaaway ni Muhammad na sumakop sa Medina sa Labanan sa Trench noong 627. Ayon kay Ibn Ishaq pinayagan ni Muhammad ang pagpupugot ng ulo ng 600 hanggang 900 indibidwal na sumuko pagkatapos ng labanan sa Trench.[58][59][60] Ayon sa skolar ng pag-aaral Islamiko na si Welch, ang mga pangingisay(seizures) ni Muhammad sa panahong ito ay maaring pinakahulugan ng mga nakapaligid sa kanya bilang isang katibayan na nagmula sa dios ang mga pahayag na natanggap ni Muhammad. Ayon din kay Welch, hindi tiyak kung ang mga pangingisay ni Muhammad ay nangyari bago o pagkatapos ng unang pagkakataong inangkin ni Muhammad ang pagkapropeta. Ayon naman sa mga kritiko ni Muhammad, si Muhammad ay maaring nasasapian ng demonyo, o isang mahikero o manggagaway dahil ang kanyang karanasan ay katulad sa mga taong nag-aangking ng mga bagay ito sa sinaunang Arabia. Ayon din sa mga kritiko, si Muhammad ay nagpapanggap lang na nangingisay,[28] o mayroong sakit na epilepsy na isang sakit na neurolohikal.[29]. Ang sakit na epilepsy ay itinuring noong sinaunang panahon na kaugnay ng mga karanasang espiritwal at para sa iba ay sa isang pagsapi ng demonyo. Sa panahon ni Hippocrates(na ama ng medisina) noong ikalimang siglo BCE, ang sakit na ito ay tinatawag na "Banal na Sakit".[30]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 "Islam". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 414-416.
  2. 2.0 2.1 2.2 Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Who was Muhammad?". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 22.
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 3.5 3.6 3.7 3.8 Kleiner, Fred S. at Christin J. Mamiya (2005). "Muhammad". Gardner's Art Through the Ages, ika-12 edisyon. Wadsworth/Thomson Learning, Kaliporniya, ISBN 0155050907.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 359.
  4. Armstrong, Karen (2005). Mahoma, biografía del Profeta. Barcelona: Tusquets. 84-8310-432-6.
  5. Hasna, F. (2003). Islam, social traditions and family planning. Social policy & administration, 37(2), pp 181-197
  6. A.A. Ali, Child Marriage in Islamic Law, The Institute of Islamic Studies, McGill University (Canada), Agosto 2000; see pages 16-18
  7. Saudi judge refuses to annul 8-year-old's marriage, CNN World, 12 Abril 2009
  8. “How Come You Allow Little Girls to Get Married?” - Child Marriage in Yemen Human Rights Watch, (2011); pages 15-23
  9. YEMEN: Deep divisions over child brides IRIN, United Nations News Service, (28 Marso 2010)
  10. "Top Saudi cleric: OK for young girls to wed". CNN. 17 Enero 2009.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Haviland, Charles (5 Setyembre 2002). "Battle over India's marriage age". BBC News.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Muslim groups oppose ban on child marriage The Hindu (22 Setyembre 2013)
  13. Muslim Family Law: The Latest Assault on Society Khaled Ahmed, Muslim Women League (2011)
  14. Indonesian cleric arrested over child bride Al Arabiya News, Indonesia (18 Marso 2009)
  15. Shariah’s Limits New York Times (18 Oktubre 2012)
  16. More on child brides: After a political fight, Nigeria will continue allowing them, Max Fisher, The Washington Post (24 Hulyo 2013)
  17. Bunting, A. (2005), Stages of development: marriage of girls and teens as an international human rights issue, Social & Legal Studies, 14(1), pages 17-38
  18. Sayyid Abul Ala Maududi, Tafhim al-Qur'an
  19. Tafsir Ibn Kathir
  20. Tafsir al-Jalalayn etc.
  21. Al-Qardawi, Yusuf (1999). The Lawful and the Prohibited in Islam. American Trust Publications. p. 85-89.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. Al-Qardawi, Yusuf (1999). The Lawful and the Prohibited in Islam. American Trust Publications. p. 96.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. Al-Qardawi, Yusuf (1999). The Lawful and the Prohibited in Islam. American Trust Publications. p. 99.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. Abdullahi Ahmed An-Na'im (1996). Toward an Islamic Reformation: Civil Liberties, Human Rights, and International Law. Syracuse University Press. p. 183. Nakuha noong 2013-11-29.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. Kecia Ali; Oliver Leaman (2008). Islam: the key concepts. Routledge. p. 10. Nakuha noong 2013-11-29.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. John L. Esposito (2004). The Oxford dictionary of Islam. Oxford University Press. p. 22. Nakuha noong 2013-11-28.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. Abdelhadi, Magdi (27 Marso 2006). "What Islam says on religious freedom". BBC News. Nakuha noong 14 Oktubre 2009.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. 28.0 28.1 Frank R. Freemon, A Differential Diagnosis of the Inspirational Spells of Muhammad the Prophet of Islam, Journal of Epilepsia, 17 :4 23-427, 1976
  29. 29.0 29.1 Margoliouth, David Samuel (1905). Mohammed and the Rise of Islam. Putnam. p. 46.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  30. 30.0 30.1 "Epilepsy: historical overview". Health Topics A TO Z. Nakuha noong 2011-03-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  31. Ernst, Carl (2002). Following Muhammad: Rethinking Islam in the Contemporary World. The University of North Carolina Press. p. 80
  32. Religious Studies and Theology: An Introduction, 294
  33. Islam: The Straight Path, 85
  34. Sahih Muslim, Book 17, Chapter 6: Stoning to Death of Jews and Other Dhimmis In Cases of Adultery, Number 4216
  35. Sahih Bukhari, Volume 2, Book 23: Funerals, Number 413
  36. Sahih Bukhari, Volume 3, Book 50: Conditions, Number 885
  37. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-12-24. Nakuha noong 2011-09-13.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  38. http://features.pewforum.org/muslim-population/
  39. A Local Church Living for Dialogue: Muslim-Christian Relations in Mindanao, William Larousse
  40. 40.0 40.1 http://www.state.gov/documents/organization/65469.pdf
  41. http://www.globalsecurity.org/military/world/para/milf.htm
  42. http://www.un.org/Docs/journal/asp/ws.asp?m=a%2F64%2F742
  43. 43.0 43.1 43.2 http://www.state.gov/j/ct/rls/crt/2010/170264.htm
  44. http://newsinfo.inquirer.net/32895/abu-sayyaf-beaheaded-5-of-7-fallen-marines
  45. http://newsinfo.inquirer.net/15538/metro-on-alert-for-terrorist-plot
  46. http://www.bbc.co.uk/news/world-asia-19860907
  47. Maldives atheist who felt persecuted 'hangs himself', BBC News, 15 Hulyo 2010
  48. "A "crack in the wall" - Wafa Sultan on the mohammed cartoons". Nakuha noong 2008-10-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  49. "LA Psychologist Wafa Sultan Clashes with Algerian Islamist Ahmad bin Muhammad over Islamic Teachings and Terrorism". Middle East Media Research Institute. Nakuha noong 2008-02-24. {{cite web}}: Italic or bold markup not allowed in: |publisher= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  50. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-04-21. Nakuha noong 2011-09-12.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  51. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-09-06. Nakuha noong 2011-09-12.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  52. 52.0 52.1 Lewis 1994, Ch.1 Naka-arkibo 2001-04-01 sa Wayback Machine.
  53. Politics, Gender, and the Islamic Past: the Legacy of A'isha bint Abi Bakr, Columbia University Press, 1994, p. 40
  54. Karen Armstrong, Muhammad: A Biography of the Prophet, Harper San Francisco, 1992, p. 157.
  55. Barlas (2002), p.125-126
  56. Sahih al-Bukhari, 5:58:234, 5:58:236, 7:62:64, 7:62:65, 7:62:88, Sahih Muslim, 8:3309, 8:3310, 8:3311, 41:4915, Sunnan Abu Dawud, 41:4917
  57. Tabari, Volume 9, Page 131; Tabari, Volume 7, Page 7
  58. Bukhari 5:59:362
  59. Daniel W. Brown, A New Introduction to Islam, p. 81, 2003, Blackwell Publishers, ISBN 0-631-21604-9
  60. Yusuf Ali, "The Meaning of the Holy Quran", (11th Edition), p. 1059, Amana Publications, 1989, ISBN 0-915957-76-0