Ang Miss World 1992 ay ang ika-42 edisyon ng Miss World pageant, na ginanap noong 12 Disyembre 1992 sa Sun City Entertainment Center sa Sun City, Timog Aprika.[1]

Miss World 1992
Petsa12 Disyembre 1992
Presenters
  • Billy Dee Williams
  • Jerry Hall
  • Doreen Morris
  • Suanne Braun
  • Deborah Shelton
PinagdausanSun City Entertainment Center, Sun City, Timog Aprika
Brodkaster
Lumahok83
Placements10
Bagong sali
  • Eslobenya
  • Kroasya
  • Rusya
  • Ukranya
Hindi sumali
  • Belis
  • Gana
  • Honduras
  • Kenya
  • Peru
  • Yugoslavia
Bumalik
  • Bermuda
  • Kanada
  • Hong Kong
  • Seykelas
  • Sri Lanka
  • Uganda
  • Sambia
NanaloJulia Kourotchkina
Rusya Rusya
PersonalityAna María Johanis
Guatemala Guwatemala
Pinakamahusay na Pambansang KasuotanNina Khilji
Canada Kanada
PhotogenicRavit Asaf
 Israel
← 1991
1993 →

Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Ninibeth Leal ng Beneswela si Julia Kourotchkina ng Rusya bilang Miss World 1992.[2] Ito ang unang beses na nanalo ang Rusya bilang Miss World. Nagtapos bilang first runner-up si Claire Elizabeth Smith ng Reyno Unido, habang nagtapos bilang second runner-up si Francis Gago ng Beneswela.[3]

Mga kandidata mula sa walumpu't-tatlong bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan nina Billy Dee Williams, Jerry Hall, Doreen Morris, Suanne Braun, at Deborah Shelton ang kompetisyon.

Kasaysayan

baguhin
 
Sun City, ang lokasyon ng Miss World 1992

Lokasyon at petsa

baguhin

Noong 4 Abril 1992, inanunsyo ng mga Morley na magaganap ang edisyong ito sa Sun City Superbowl sa Sun City Resort, Timog Aprika, matapos nilang magkaroon ng kasunduan sa Sun International, ang kompanyang nagpapatakbo ng Sun City. Unang inanunsyo na magaganap ito sa Nobyembre bilang parte ng mga pagdiriwang para sa pagbubukas ng Palace of the Lost City sa loob ng Sun City. Kalaunan ay inanunsyo na magaganap ang kompetisyon sa 12 Disyembre 1992, ilang araw matapos buksan ang Palace of the Lost City.[1]

Pagpili ng mga kalahok

baguhin

Ang mga kalahok mula sa walumpu't-apat na bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Tatlong kandidata ang nailuklok matapos ang pag-urong ng orihinal na kalahok.

Mga pagpalit

baguhin

Bagama't handa na ang kanyang mga gamit patungong Timog Aprika para sa Miss World, nagpasiya si Miss Spain 1991 Sofía Mazagatos Gómez na hindi magpatuloy sa kompetisyon,[4] at siya ay pinalitan ni Samantha Torres. Dapat sanang lalahok si Miss Namibia 1992 Anja Schroeder, ngunit siya ay pinalitan ng kayang first runner-up na si Linda Schulz dahil sa hindi isiniwalat na dahilan. Dapat din sanang lalahok si Binibining Pilipinas-World 1992 Marilen Espino sa edisyong ito,[5] ngunit dahil nagkaroon ito ng bulutung-tubig ilang araw bago tumungo sa Timog Aprika, siya ay kinailangang palitan agad ni Binibining Pilipinas-Maja 1992 Marina Pura Benipayo upang kumatawan sa Pilipinas.

Mga unang pagsali, pagbalik, at pag-urong

baguhin

Lumahok sa unang pagkakataon ang mga bansang Eslobenya, Kroasya, Rusya, at Ukranya. Bumalik sa edisyong ito ang mga bansang Sambia na huling sumali noong 1974; Seykelas na huling sumali noong 1975; Bermuda at Uganda na huling sumali noong 1989; at Hong Kong, Kanada, at Sri Lanka na huling sumali noong 1990.

Hindi sumali ang mga bansang Belis, Gana, Honduras, Kenya, Peru, at Yugoslavia sa edisyong ito. Hindi sumali si Melanie Smith ng Belis dahil sa kakulangan sa preparasyon at sa pagpopondo. Hindi rin sumali si Yanina Elizabeth Fajardo ng Honduras dahil sa kakulangan sa pagpopondo. Hindi sumali si Ingrid Yrivarren ng Peru dahil sa problema sa visa. Hindi sumali ang mga bansang Gana, Kenya, at Yugoslavia matapos na mabigo ang kanilang organisasyong pambansa na magdaos ng kompetisyong pambansa o magtalaga ng kalahok.

Mga resulta

baguhin
 
Mga bansa at teritoryong sumali sa Miss World 1992 at ang kanilang mga pagkakalagay.

Mga pagkakalagay

baguhin
Pagkakalagay Kandidata
Miss World 1992
1st runner-up
2nd runner-up
Top 5
Top 10

Mga Continental Queens of Beauty

baguhin
Kontinente Kandidata
Aprika
Asya at Oseaniya
Europa
Kaamerikahan
Karibe

Mga espesyal na parangal

baguhin
Parangal Nagwagi
Miss Photogenic
Miss Personality
Best National Costume

Kompetisyon

baguhin

Pormat ng kompetisyon

baguhin

Tulad noong 1988, sampung semi-finalist ang napili sa pamamagitan ng mga paunang aktibidad at mga personal interview. Lumahok sa swimsuit competition at evening gown competition ang sampung mga semi-finalist. Pagkatapos nito ay pinili ang limang pinalista, at kalaunan ay napili ang limang pinalista na sumabak sa final interview.

Komite sa pagpili

baguhin

Final telecast

baguhin
  • Kim Alexis – Amerikanang supermodel
  • Jarvis Astaire – Pangulo ng Variety Club International
  • Yvonne Chaka-Chaka – Mang-aawit mula sa Timog Aprika
  • Joan Collins – Ingles na aktres
  • Suzanne de Passe – Direktor ng Motown
  • Anthony Delon – Pranses na aktor
  • Eric Morley – Tagapagtatag ng Miss World
  • Mbongeni Ngema – Direktor ng pelikulang Sarafina
  • Gary Player – Propesyonal na manlalaro ng golf mula sa Timog Aprika
  • Sidney Sheldon – Amerikanong manunulat, direktor, at producer
  • Ivana Trump – Tseko-Amerikanang negosyante, dating asawa ni Donald Trump
  • Alan Whicker – Ingles na mamamahayag sa telebisyon

Mga kandidata

baguhin

Walumpu't-tatlong kandidata ang lumahok para sa titulo.

Bansa/Teritoryo Kandidata Edad[a] Bayan
  Alemanya Carina Jope 21 Francfort del Meno
  Arhentina Claudia Bertona 23 Cordoba
  Aruba Solange Nicolaas 22 Savaneta
  Australya Rebecca Simic 20 Sydney
  Austrya Kerstin Kinberg 20 Graz
  Bagong Silandiya Karly Kinnaird 19 Dunedin
  Bahamas Jody Weech 18 Bimini
  Belhika Sandra Joine 23 Amberes
  Beneswela Francis Gago 19 Maturín
  Bermuda Dianne Mitchell 24 Pembroke
  Brasil Priscilla Furlan 20 São Paulo
  Bulgarya Elena Draganova 17 Sopiya
  Bulibya Verónica Pino 21 Tarija
  Curaçao Cristina Bakhuis 20 Willemstad
  Czechoslovakia Gabriela Harsanyová 21 Košice
  Dinamarka Anja Hende Brond 20 Aalborg
  Ekwador Stephanie Krumholz 18 Guayaquil
  El Salvador Raquel Durán 18 San Salvador
  Eslobenya Natasa Abram 17 Koper
  Espanya Samantha Torres 19 Ibiza
  Estados Unidos Sharon Belden 26 Coral Gables
  Gresya Evgenia Paschalidi 20 Athens
  Guam Michelle Cruz 20 Santa Rita
  Guwatemala Ana María Johanis 22 Lungsod ng Guatemala
  Hamayka Julie Houghton 23 Kingston
  Hapon Kaoru Kikuchi 17 Tokyo
  Hibraltar Michelle Torres 17 Alameda
  Hong Kong Patsy Lau 23 New Territories
  Indiya Celine Lopez 23 Bangalore
  Irlanda Sharon Ellis 22 Cork
  Israel Ravit Asaf 18 Lehavim
  Italya Paola Irrera 19 Mesina
  Kanada Nina Khilji 25 Toronto
  Kapuluang Birheng Britaniko Bisa Smith 17 Tortola
  Kapuluang Birhen ng Estados Unidos Leah Webster 19 St. Thomas
  Kapuluang Kayman Pamela Ebanks 19 Grand Cayman
  Kolombya Wguerddy Oviedo 20 Santa Fe de Bogotá
  Kosta Rika Marisol Soto 19 San Jose
  Kroasya Elena Šuran 21 Rovinj
  Letonya Zane Vaļicka 19 Cēsis
  Libano Nicole Bardawil 20 Keserwan
  Lupanglunti Laali Lyberth 18 Nuuk
  Lupangyelo María Rún Hafliðadóttir 20 Reikiavik
  Makaw Ho Lok-I 22 Makaw
  Malaysia Fazira Wan Chek 18 Kuala Lumpur
  Malta Noelene Micallef 19 Fgura
  Mawrisyo Sarasvadee Rengassamy 23 Port Louis
  Mehiko Carmen Lucía Fernández 22 Mérida
  Namibya Linda Schulz 19 Windhoek
  Niherya Sandra Petgrave 20 Lagos
  Noruwega Kjersti Brakestad 19 Oslo
  Olanda Gabrielle van Nimwegen 21 Stoutenburg
  Panama Michelle Harrington 19 Lungsod ng Panama
  Paragway Lourdes Magdalena Zaracho 18 Asunción
  Pilipinas Marina Pura Benipayo 24 Maynila
  Pinlandiya Petra von Hellens 19 Turku
  Polonya Ewa Wachowicz 22 Kraków
  Porto Riko Lianabel Rosario 21 Trujillo Alto
  Portugal Fernanda Manuela Santos 20 Lisboa
  Pransiya Linda Hardy 19 Nantes
  Republikang Dominikano Gina María Rojas 21 Concepción de La Vega
  Republika ng Tsina Cheng Wei-wei 24 Taipei
  Reyno Unido Claire Elizabeth Smith 21 Chester
  Rumanya Camelia Ilie 19 Bucharest
  Rusya Julia Kourotchkina 18 Shcherbinka
  Sambia Elizabeth Mwanza 21 Lusaka
  Seykelas Myrna Hoareau 22 La Digue
  Singapura Jennifer Wong 20 Singapura
  Sri Lanka Ishara Makolange 18 Colombo
  Suwasilandiya Candy Litchfield 18 Mbabane
  Suwesya Ulrika Johansson 25 Trollhättan
  Suwisa Valerie Bovard 21 La Tour-de-Peilz
  Taylandiya Metinee Kingpayome 20 Bangkok
  Timog Aprika Amy Kleinhans 24 Cape Town
  Timog Korea Lee Mi-young 23 Seoul
  Trinidad at Tobago Renée Garib 20 St. Joseph
  Tsile Paula Caballero 22 Santiago
  Tsipre Maria Kountouris 19 Nikosya
  Turkiya Ozlem Kaymaz 18 Istanbul
  Uganda Dorothy Olga Mazoe Nampima 19 Masaka
  Ukranya Oksana Sabo 19 Kirovohrad
  Unggarya Bernadette Papp 19 Balatonalmádi
  Urugway Leonora Dibueno 25 Montevideo

Mga tala

baguhin
  1. Mga edad sa panahon ng kompetisyon

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Cowell, Alan (20 Disyembre 1992). "OUT THERE: SUN CITY; Adorning Apartheid's Stage". The New York Times (sa wikang Ingles). ISSN 0362-4331. Nakuha noong 7 Hunyo 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Russian edges Briton for Miss World title". The Salina Journal (sa wikang Ingles). 13 Disyembre 1992. p. 9. Nakuha noong 13 Enero 2024 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Russian wins title of Miss World". Logansport Pharos-Tribune (sa wikang Ingles). 13 Disyembre 1992. p. 11. Nakuha noong 13 Enero 2024 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Galvez, Martin Piqueras (15 Abril 2023). "Repasamos los momentos clave en la vida de Sofía Mazagatos: de Miss España a su segundo embarazo con 48 años" [We review the key moments in the life of Sofía Mazagatos: from Miss Spain to her second pregnancy at the age of 48]. Hola (sa wikang Kastila). Nakuha noong 8 Hulyo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Blacque, Iva Sylva (3 Marso 1992). "The frizz-haired commissioner wants to be a bum". Manila Standard (sa wikang Ingles). p. 19. Nakuha noong 19 Hunyo 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Panlabas na kawing

baguhin