Ang Miss World 1994 ay ang ika-44 na edisyon ng Miss World pageant, na ginanap sa Sun City, Timog Aprika noong 19 Nobyembre 1994.

Miss World 1994
Petsa19 Nobyembre 1994
Presenters
  • Richard Steinmetz
  • Suanne Braun
  • Bronson Pinchot
PinagdausanSun City Entertainment Center, Sun City, Timog Aprika
Brodkaster
  • E!
  • SABC
Lumahok87
Placements10
Bagong sali
  • Bangglades
  • Estonya
  • Tsina
Hindi sumali
  • Aruba
  • Bermuda
  • El Salvador
  • Honduras
  • Litwanya
  • Malta
  • Namibya
  • Uganda
  • Urugway
Bumalik
  • Botswana
  • Gana
  • Unggarya
  • Kenya
  • Peru
  • Rumanya
  • Santa Lucia
  • San Vincente at ang Granadinas
  • Seykelas
  • Tahiti
  • Tansaniya
  • Ukranya
NanaloAishwarya Rai
 Indiya
PersonalityPatinya Thongsri
 Taylandiya
Pinakamahusay na Pambansang KasuotanIrene Ferreira
Venezuela Beneswela
PhotogenicAishwarya Rai
 Indiya
← 1993
1995 →

Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Lisa Hanna ng Hamayka si Aishwarya Rai ng Indiya bilang Miss World 1994. Ito ang pangalawang beses na nanalo ang Indiya bilang Miss World. Nagtapos bilang first runner-up si Basetsana Makgalemele ng Timog Aprika, habang nagtapos bilang second runner-up si Irene Ferreira ng Beneswela.

Mga kandidata mula sa walumpu't-pitong bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan nina Richard Steinmetz, Suanne Braun, at Bronson Pinchot ang kompetisyon.

Kasaysayan

baguhin
 
Sun City, ang lokasyon ng Miss World 1994

Lokasyon at petsa

baguhin

Matapos maganap ang Miss World 1992 sa Sun City, nilagdaan ng mga Morley ang isang kontrata sa Sun International upang idaos muli ang kompetisyon sa Palace of the Lost City sa Sun City sa susunod na tatlong taon. Dahil dito, magaganap muli sa Sun City ang kompetisyon hanggang sa taong 1995.

Pagpili ng mga kalahok

baguhin

Ang mga kalahok mula sa walumpu't-pitong bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Tatlong kandidata ang nailuklok matapos ang pag-urong ng orihinal na kalahok.

Mga pagpalit
baguhin

Dapat sanang lalahok si Miss France 1994 Valerie Claisse sa edisyon ito, ngunit siya ay pinalitan ng kanyang second runner-up na si Radiah Latidine dahil sa hindi isiniwalat na dahilan. Hindi rin sumali ang second runner-up ng Miss Korea 1993 na si Young-ah Kim, at siya ay pinalitan ng third runner-up na si Chae Yeon-hee. Iniluklok si Yulia Alekseeva bilang kandidata ng Rusya sa edisyong ito, ngunit hindi ito tinanggap ng organisasyon dahil hindi ito opisyal na may-hawak ng titulo ng Miss Russia. Dahil dito, iniluklok ang first runner-up ng Miss Russia 1993 na si Anna Malova upang lumahok sa edisyong ito.

Mga unang pagsali, pagbalik, at pag-urong

baguhin

Lumahok sa unang pagkakataon ang mga bansang Bangglades, Estonya, at Tsina sa edisyong ito. Bumalik sa edisyong ito ang mga bansang Tansaniya na huling sumali noong 1967; Botswana na huling sumali noong 1974; Santa Lucia na huling sumali noong 1975, Tahiti na huling sumali noong 1985; San Vicente at ang Granadinas na huling sumali noong 1989; Peru na huling sumali noong 1990; Gana at Kenya na huling sumali noong 1991; at Rumanya, Seykelas, Ukranya, at Unggarya na huling sumali noong 1992.

Hindi sumali ang mga bansang Aruba, Bermuda, El Salvador, Honduras, Litwanya, Malta, Namibya, Uganda, at Urugway sa edisyong ito. Hindi nakasali si Jurga Tautkutė ng Litwanya dahil sa problema sa pananalapi. Hindi sumali si Grace Vanessa Mungoma ng Uganda dahil sa hindi isiniwalat na dahilan. Hindi sumali ang mga bansang Aruba, Bermuda, El Salvador, Honduras, Malta, Namibya, at Urugway sa edisyong ito matapos na mabigo ang kanilang organisasyong pambansa na magdaos ng kompetisyong pambansa o magtalaga ng kalahok.

Mga resulta

baguhin
 
Mga bansa at teritoryong sumali sa Miss World 1994 at ang kanilang mga pagkakalagay.

Mga pagkakalagay

baguhin
Pagkakalagay Kandidata
Miss World 1994
1st runner-up
2nd runner-up
Top 5
Top 10

Mga Continental Queens of Beauty

baguhin
Kontinente Kandidata
Aprika
Kaamerikahan
Asya at Oseaniya
Karibe
Europa

Mga espesyal na parangal

baguhin
Parangal Nagwagi
Miss Photogenic
Miss Personality
Best National Costume

Kompetisyon

baguhin

Pormat ng kompetisyon

baguhin

Tulad noong 1988, sampung semi-finalist ang napili sa pamamagitan ng mga paunang aktibidad at mga personal interview. Lumahok sa beachwear competition at evening gown competition ang sampung mga semi-finalist. Pagkatapos nito ay pinili ang limang pinalista, at kalaunan ay napili ang limang pinalista na sumabak sa final interview.

Komite sa pagpili

baguhin
  • Iman – Internasyonal na supermodel na may pinagmulang Somali
  • Charles Dance – Ingles na aktor
  • Eileen Ford – May-ari at tagapagtatag ng Ford Modeling Agency
  • Andrés García – Mehikanong aktor
  • Katherine Kelly Lang – Amerikanang aktres sa soap opera na The Bold and the Beautiful
  • Patrick Lichfield – Ingles na litratista
  • Tony Leung Ka-Fai – Aktor mula sa Hong Kong
  • Eric Morley – Tagapagtatag ng Miss World
  • Ron Moss – Amerikanong aktor sa soap opera na The Bold and the Beautiful
  • Zinzi Mandela Hlongwane – Manunulat, anak ng Pangulo ng Timog Aprika
  • Marsha Rae Ratcliffe – Aktres, kinatawan ng Variety Club International

Mga kandidata

baguhin

Walumpu't-pitong kandidata ang lumahok para sa titulo.

Bansa/Teritoryo Kandidata Edad[a] Bayan
  Alemanya Marte Helberg 18 Hamburgo
  Arhentina Miriam Nahón 22 Buenos Aires
  Australya Skye-Jilly Edwards[2] 23 Hobart
  Austrya Bianca Engel 20 Graz
  Bagong Silandiya Shelley Edwards 22 Hastings
  Bahamas Deanna North 23 Nassau
  Bangglades Anika Taher[3] 22 Dhaka
  Belhika Ilse De Meulemeester 23 Bruselas
  Beneswela Irene Ferreira 18 Caracas
  Botswana Hazel Kutlo Mmopi 19 Gaborone
  Brasil Valquíria Melnik Blicharski 20 Curitiba
  Bulgarya Stella Ognianova 17 Sofia
  Bulibya Mariel Arce 22 Cochabamba
  Curaçao Marisa Bos 18 Willemstad
  Dinamarka Sara Wolf 19 Copenhagen
  Ekwador Diana Noboa 24 Guayaquil
  Eslobakya Karin Majtánová 20 Trenčín
  Eslobenya Janja Zupan 20 Ljubljana
  Estados Unidos Kristie Harmon 20 Conyers
  Espanya María Virginia Pareja 18 Barcelona
  Estonya Auli Andersalu 18 Tallinn
  Gana Matilda Aku Alomatu 24 Accra
  Gresya Evi Adam 21 Atenas
  Guam Chalorna Freitas 23 Tamuning
  Guwatemala Sonia Rosales 19 Zacapa
  Hamayka Johanna Ulett 22 Kingston
  Hapon Shinobu Sushida 22 Miyazaki
  Hibraltar Melissa Berllaque 17 Hibraltar
  Hong Kong Annamarie Wood 20 Pulo ng Hong Kong
  Indiya Aishwarya Rai[4] 21 Mangalore
  Irlanda Anna McCarthy 22 Dublin
  Israel Shirly Schwatzberg 18 Tel-Abib
  Italya Arianna Novacco 19 Trieste
  Kapuluang Birheng Britaniko Khara Forbes 19 Tortola
  Kapuluang Birhen ng Estados Unidos Jessalyn Pearsall 17 St. Thomas
  Kanada Shawna Roberts 18 Calgary
  Kapuluang Kayman Anita Bush 22 Grand Cayman
  Kenya Josephine Mbatia 24 Nairobi
  Kolombya María Eugenia González 20 Bogotá
  Kosta Rika Silvia Muñoz 19 San Marcos
  Kroasya Branka Bebić 19 Split
  Letonya Daina Tobija 20 Riga
  Libano Lara Badaoui 22 Keserwan
  Lupangyelo Birna Bragadóttir 19 Álftanes
  Makaw Chen Ji-min 20 Macau
  Malaysia Rahima Orchient Yayah 21 Kuala Lumpur
  Mawrisyo Marie Priscilla Mardaymootoo 25 Port Louis
  Mehiko Claudia Hernández 20 Santiago Ixcuintla
  Niherya Susan Hart 19 Benue
  Noruwega Anne Lena Hansen 20 Oslo
  Olanda Yoshka Bon 19 Amsterdam
  Panama Carmen Ogando 19 Colón
  Paragway Jannyne Peyrat 20 Asunción
  Peru Marcia Pérez 21 Lima
  Pilipinas Caroline Subijano 23 Maynila
  Pinlandiya Mia Forsell 20 Askola
  Polonya Jadwiga Flank 23 Bielsko-Biała
  Porto Riko Joyce Giraud 19 Aguas Buenas
  Portugal Leonor Rodrigues 22 Lisbon
  Pransiya Radiah Latidine 19 Cayenne
  Republikang Dominikano Claudia Franjul 24 Santo Domingo
  Republikang Tseko Lenka Beličková 21 Karlovy Vary
  Republika ng Tsina Joanne Wu 25 Taipei
  Reyno Unido Sarah Abdoun 20 Londres
  Rumanya Leona Voicu 19 Bucharest
  Rusya Anna Malova 23 Yaroslavl
  Santa Lucia Yasmine Walcott 21 Castries
  San Vicente at ang Granadinas Cornise Yearwood 21 Georgetown
  Seykelas Marquise David 22 Victoria
  Simbabwe Angeline Musasiwa 21 Harare
  Singapura Angela Pickard 20 Singapura
  Sri Lanka Nushara Fernando 20 Colombo
  Suwasilandiya Stephanie Wesselo 19 Mbabane
  Suwesya Sofia Andersson 19 Estokolmo
  Suwisa Sarah Briguet 24 Lausanne
  Tahiti Vaea Olanda 21 Papeete
  Tansaniya Aina William Maeda 20 Dodoma
  Taylandiya Patinya Thongsri 20 Bangkok
  Timog Aprika Basetsana Julia Makgalemele 20 Johannesburg
  Timog Korea Chae Yeon-hee 22 Seoul
  Trinidad at Tobago Anabel Thomas 22 Port of Spain
  Tsile Yulissa del Pino 20 Santiago
  Tsina Pan Tao 22 Shenzhen
  Tsipre Johanna Uwrin 17 Limassol
  Turkiya Pinar Altug 20 Istanbul
  Unggarya Tímea Farkas 19 Záhony
  Ukranya Nataliya Kozytska 20 Kyiv

Mga tala

baguhin
  1. Mga edad sa panahon ng kompetisyon

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Miss India wins Miss World 1994". The Telegraph (sa wikang Ingles). 20 Nobyembre 1994. p. 18. Nakuha noong 13 Hunyo 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Price, Nic (27 Marso 2006). "A model of success". The Examiner (sa wikang Ingles). Nakuha noong 27 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Search for Miss World Bangladesh will start from September 16". Dhaka Tribune (sa wikang Ingles). 13 Setyembre 2018. Nakuha noong 27 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "When Aishwarya revealed how same things happened before Miss India, Miss World". Hindustan Times (sa wikang Ingles). 30 Agosto 2021. Nakuha noong 27 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Panlabas na kawing

baguhin