Ang Miss World 1995 ay ang ika-45 edisyon ng Miss World pageant, na ginanap sa Sun City Entertainment Center sa Sun City, Timog Aprika noong 18 Nobyembre 1995.

Miss World 1995
Jacqueline Aguilera
Petsa18 Nobyembre 1995
Presenters
  • Richard Steinmetz
EntertainmentCaught in the Act
PinagdausanSun City Entertainment Center, Sun City, Timog Aprika
Brodkaster
Lumahok84
Placements10
Hindi sumali
  • Kenya
  • Lupangyelo
  • Mawrisyo
  • Niherya
  • Santa Lucia
  • San Vincente at ang Granadinas
  • Sri Lanka
  • Tsina
Bumalik
  • Aruba
  • Barbados
  • Bermuda
  • Litwanya
  • Sambia
NanaloJacqueline Aguilera
Venezuela Beneswela
PersonalityToyin Raji
Niherya Niherya
Pinakamahusay na Pambansang KasuotanAnica Martinović
Croatia Kroasya
PhotogenicJacqueline Aguilera
Venezuela Beneswela
← 1994
1996 →

Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Aishwarya Rai ng Indiya si Jacqueline Aguilera ng Beneswela bilang Miss World 1995. Ito ang ikaapat na beses na nanalo ang Beneswela bilang Miss World. Nagtapos bilang first runner-up si Anica Martinović ng Kroasya, habang nagtapos bilang second runner-up si Michelle Khan ng Trinidad at Tobago.

Mga kandidata mula sa walumpu't-apat na bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan nina Richard Steinmetz, Jeff Trachta, at Bobbie Eakes ang kompetisyon.[1]

Kasaysayan

baguhin
 
Sun City, ang lokasyon ng Miss World 1995

Lokasyon at petsa

baguhin

Matapos maganap ang Miss World 1992 sa Sun City, nilagdaan ng mga Morley ang isang kontrata sa Sun International upang idaos muli ang kompetisyon sa Palace of the Lost City sa Sun City sa susunod na tatlong taon. Dahil dito, magaganap muli sa Sun City ang kompetisyon hanggang sa taong 1995.

Kasabay nito, inanunsyo noong Mayo 1995 na isponsor ng edisyong ito ang kompanyang panghimpapawid na Emirates sa edisyong ito, at magaganap sa Dubai at sa kapuluang Komoros ang parade of nations.

Pagpili ng mga kalahok

baguhin

Ang mga kalahok mula sa walumpu't-apat na bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Dalawang kandidata ang nailuklok matapos ang pag-urong ng orihinal na kalahok.

Mga pagpalit
baguhin

Dapat sanang lalahok ang first runner-up ng Miss Hong Kong 1995 na si Sofie Rahman sa edisyong ito, ngunit dahil Amerikano ang pagkamamayanan ni Miss Hong Kong 1995 Winnie Young, iniluklok si Rahman upang lumahok sa Miss Universe, at ang lalahok sa Miss World ay ang second runner-up na si Shirley Chau. Dapat sanang lalahok si Miss Ukraine 1995 Vlada Kerdina sa edisyong ito, ngunit dahil siya ay kasal na at may anak, iniluklok na lamang ang first runner-up ng Miss Ukraine 1993 na si Nataliya Shvachiy upang pumalit kay Kerdina.

Mga pagbalik at pag-urong

baguhin

Bumalik sa edisyong ito ang mga bansang Barbados na huling sumali noong 1990; Sambiya na huling sumali noong 1992; at Aruba, Bermuda, at Litwanya na huling sumali noong 1993. Hindi sumali ang mga bansang Kenya, Lupangyelo, Mawrisyo, Santa Lucia, San Vicente at ang Granadinas, Sri Lanka, at Tsina sa edisyong ito matapos na mabigo ang kanilang organisasyong pambansa na magdaos ng kompetisyong pambansa o magtalaga ng kalahok.

Bumitiw si Toyin Raji ng Niherya sa kasagsagan ng kompetisyon dahil sa kadahilanang politikal. Noong 14 Nobyembre 1995, Nahaharap sa mga kaso upang magpataw ng mga parusa ang pangulo ng Timog Aprika na si Nelson Mandela laban sa Niherya dahil sa pagbitin ng mga aktibista sa Niherya. Dahil sa mga protesta laban sa pamahalaan ng Niherya sa Timog Aprika, kung saan nagaganap ang kompetisyon, na nais ipatalsik si Raji sa kompetisyon, napagesisyunan ni Raji noong 16 Nobyembre 1995 na boluntaryo nang hindi magpatuloy sa kompetisyon. Bago pa man bumitiw sa kompetisyon, pinarangal si Raji bilang Miss Personality ng kanyang kapwa-kandidata.

Mga resulta

baguhin
 
Mga bansa at teritoryong sumali sa Miss World 1995 at ang kanilang mga pagkakalagay.

Mga pagkakalagay

baguhin
Pagkakalagay Kandidata
Miss World 1995
1st runner-up
2nd runner-up
Top 5
Top 10

Mga Continental Queens of Beauty

baguhin
Kontinente Kandidata
Aprika
Asya at Oseaniya
Europa
Kaamerikahan
Karibe

Mga espesyal na parangal

baguhin
Parangal Nagwagi
Miss Photogenic
Miss Personality
Most Spectacular Costume

Kompetisyon

baguhin

Pormat ng kompetisyon

baguhin

Tulad noong 1988, sampung semi-finalist ang napili sa pamamagitan ng mga paunang aktibidad at mga personal interview. Lumahok sa swimsuit competition at evening gown competition ang sampung mga semi-finalist. Pagkatapos nito ay pinili ang limang pinalista, at kalaunan ay napili ang limang pinalista na sumabak sa final interview.

Komite sa pagpili

baguhin
  • Mariasela Álvarez – Miss World 1982 mula sa Republikang Dominikano
  • Amitabh Bachchan – Indiyanong aktor
  • Josie Borain – Supermodel mula sa Timog Aprika
  • Fanie de Villiers – Manlalaro ng cricket mula sa Timog Aprika
  • Bruce Forsyth – Ingles na tagapaglibang
  • Astrid Carolina Herrera – Miss World 1984 mula sa Beneswela
  • Christopher Lee – Ingles na aktor
  • Eric Morley – Tagapagtatag ng Miss World
  • Emma Samms – Ingles na aktres
  • Michael Winner – Ingles na direktor at producer

Mga kandidata

baguhin

Walumpu't-apat na kandidata ang lumahok para sa titulo.

Bansa/Teritoryo Kandidata Edad[a] Bayan
  Alemanya Isabell Brauer Baden-Württemberg
  Arhentina María Lorena Jensen 20 Buenos Aires
  Aruba Tessa Pieterz Oranjestad
  Australya Melissa Porter[3] 21 Perth
  Austrya Elizabeth Unfried Viena
  Bagong Silandiya Sarah Brady[3] 19 Auckland
  Bahamas Loleta Smith Nassau
  Bangglades Yasmin Bilkis Sathi Dhaka
  Barbados Rashi Holder Bridgetown
  Belhika Véronique De Kock 19 Schoten
  Beneswela Jacqueline Aguilera 19 Valencia
  Bermuda Renita Minors[4] 22 Hamilton
  Botswana Monica Somolekae Gaborone
  Brasil Elessandra Dartora Paraná
  Bulgarya Evgenia Kalkandjieva 20 Sofia
  Bulibya Carla Morón[5] 20 Santa Cruz de la Sierra
  Curaçao Danique Regales 22 Willemstad
  Dinamarka Tine Bay[6] 22 Copenhague
  Ekwador Ana Fabiola Trujillo Guayas
  Eslobakya Zuzana Spatinova Bratislava
  Eslobenya Teja Boškin 21 Ljubljana
  Espanya Candelaria Rodríguez 21 Tenerife
  Estados Unidos Jill Ankuda 19 El Paso
  Estonya Mari-Lin Poom 17 Tallin
  Gana Manuela Medie Accra
  Gresya Maria Boziki Athens
  Guam Joylyn Muñoz 18 Barrigada
  Guwatemala Sara Elizabeth Sandoval Lungsod ng Guatemala
  Hamayka Imani Duncan 19 Kingston
  Hapon Mari Kubo Tokyo
  Hibraltar Monique Chiara 18 Gibraltar
  Hong Kong Shirley Chau[7] 24 Hong Kong
  Indiya Preeti Mankotia Punjab
  Irlanda Joanne Black 21 Cavan
  Israel Miri Bohadana[8] 18 Sderot
  Italya Rosanna Santoli 22 Pomezia
  Kanada Alissa Lehinki Alberta
  Kapuluang Birheng Britaniko Chandi Trott Road Town
  Kapuluang Birhen ng Estados Unidos Roshini Nibbs Charlotte Amalie
  Kapuluang Kayman Tasha Ebanks 22 George Town
  Kolombya Diana María Figueroa[9] 18 Tolima
  Kosta Rika Shasling Navarro San José
  Kroasya Anica Martinović 19 Zagreb
  Letonya Ieva Melina Riga
  Libano Julia Syriani 18 Beirut
  Litwanya Gabriele Bartkute[10] 20 Vilnius
  Makaw Geraldina Pedruco[11] 24 Makaw
  Malaysia Trincy Low 19 Kuala Lumpur
  Mehiko Alejandra Quintero 19 Nuevo León
  Noruwega Inger Lise Ebeltoft[12] 18 Tromsø
  Olanda Didi Schackmann 17 Wijchen
  Panama Marisela Moreno 23 Lungsod ng Panama
  Paragway Patricia Serafini Asuncion
  Peru Paola Dellepiane 18 Lima
  Pilipinas Reham Snow Tago[13] 18 Maynila
  Pinlandiya Terhi Koivisto 17 Helsinki
  Polonya Ewa Tylecka 21 Dzierżoniów
  Porto Riko Swanni Quiñones 21 Guaynabo
  Portugal Suzana Robalo Lisboa
  Pransiya Helene Lantoine 22 Étaples
  Republikang Dominikano Patricia Bayonet 20 Santiago de los Caballeros
  Republikang Tseko Kateřina Kasalová 19 Pardubice
  Reyno Unido Shauna Gunn 22 Newtonbuttler
  Rumanya Dana Delia Pintilie Bucharest
  Rusya Elena Bazina 17 Moscow
  Sambia Miryana Bujisic 17 Lusaka
  Seykelas Shirley Low-Meng Victoria
  Simbabwe Dionne Best Harare
  Singapura Jacqueline Chew[14] Singapura
  Suwasilandiya Mandy Saulus Mbabane
  Suwesya Jeanette Hassel Stockholm
  Suwisa Stephanie Berger 17 Männedorf
  Tahiti Timeri Baudry Papeete
  Taywan Hsu Chun-Chun[3] Taipei
  Tansaniya Emily Adolf Fred Dar es Salaam
  Taylandiya Yasumin Leautamornwattana Bangkok
  Timog Aprika Bernelee Daniell 22 Pretoria
  Timog Korea Choi Yoon-young[3] 21 Seoul
  Trinidad at Tobago Michelle Khan 23 Port of Spain
  Tsile Tonka Tomicic 19 Antofagasta
  Tsipre Isabella Giorgallou Nicosia
  Turkiya Demet Şener 18 Istanbul
  Ukranya Nataliya Shvachiy Kyiv
  Unggarya Ildiko Veinbergen 21 Székesfehérvár

Mga tala

baguhin
  1. Mga edad sa panahon ng kompetisyon

Mga sanggunian

baguhin
  1. "New Miss World crowned in controversial pageant". Indiana Gazette (sa wikang Ingles). Indiana, Pennsylvania. 19 Nobyembre 1995. p. 7. Nakuha noong 17 Mayo 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 "New Miss World". The Canberra Times (sa wikang Ingles). 20 Nobyembre 1995. p. 7. Nakuha noong 27 Enero 2024 – sa pamamagitan ni/ng Trove.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 "A bevy of beauties". New Straits Times (sa wikang Ingles). 12 Nobyembre 1995. Nakuha noong 27 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Bell, Jonathan (6 Disyembre 2013). "Meeting Mandela is something I'll never forget". The Royal Gazette (sa wikang Ingles). Hamilton, Bermuda. Nakuha noong 27 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Bolivia se clasificó cinco veces en el Miss Mundo" [Bolivia qualified five times in Miss World]. El Deber (sa wikang Kastila). 30 Hulyo 2019. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Septiyembre 2023. Nakuha noong 27 Enero 2024. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  6. "Tidligere Miss Danmark i gaseksplosion: - Huden gled bare af" [Former Miss Denmark in a gas explosion: - The skin just slipped off]. TV2 Østjylland (sa wikang Danes). 17 Enero 2021. Nakuha noong 27 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Miss HK gala hit by June 4 demonstration". South China Morning Post (sa wikang Ingles). 5 Hunyo 1995. Nakuha noong 27 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Mandela meets contestants". The Canberra Times (sa wikang Ingles). Canberra. 9 Nobyembre 1995. p. 11. Nakuha noong 27 Enero 2024 – sa pamamagitan ni/ng Trove.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Mi reino por la sonrisa de un niño!" [My reign for the smile of a child!]. El Tiempo (sa wikang Kastila). 12 Hulyo 1995. Nakuha noong 27 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Į Lietuvą grįžusi Gabrielė Bartkutė – apie dalyvavimą konkurse „Mis Lietuva", santuoką su musulmonu ir atrastą tikėjimą" [Gabrielė Bartkutė returned to Lithuania - about participation in the "Miss Lithuania" contest, marriage to a Muslim and discovered faith]. Lrt.lt (sa wikang Lithuanian). 26 Disyembre 2022. Nakuha noong 27 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Chu, Henry (17 Disyembre 1999). "In Macao, a Culture on the Cusp". Los Angeles Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong 27 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Inger Lise Ebeltoft". Nordlys (sa wikang Noruwego). 8 Hunyo 2013. Nakuha noong 27 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Rosales, Francisco M. (14 Marso 1995). "Towering Pampango lass wins Bb. Pilipinas-Universe crown". Manila Standard (sa wikang Ingles). Maynila: Philippine Manila Standard Publishing, Inc. p. 6. Nakuha noong 27 Enero 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "Beauty and the peace:". The Straits Times. 9 Setyembre 1995. p. 3. Nakuha noong 17 Mayo 2023 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Panlabas na kawing

baguhin