Ang Miss World 1998 ay ang ika-48 edisyon ng Miss World pageant, ay ginanap sa Lake Berjaya Mahé Resort sa Mahé, Seykelas noong 26 Nobyembre 1998.

Miss World 1998
Petsa26 Nobyembre 1998
Presenters
  • Ronan Keating
  • Eden Harel
PinagdausanLake Berjaya Mahé Resort, Mahé, Seykelas
BrodkasterInternasyonal:
Opisyal:
  • SBC
Lumahok86
Placements10
Bagong sali
  • Anggola
  • Kasakistan
  • Sint Maarten
Hindi sumali
  • Honduras
  • Kabo Berde
  • Letonya
  • Makaw
  • Namibya
  • Taylandiya
  • Uganda
Bumalik
  • Curaçao
  • Liberya
  • Mawrisyo
  • Nikaragwa
  • Niherya
NanaloLinor Abargil
 Israel
PersonalityAlvina Grand d'Court
Seychelles Seykelas
PhotogenicAdriana Reis
 Brasil
← 1997
1999 →

Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Diana Hayden ng Indiya si Linor Abargil ng Israel bilang Miss World 1998. Ito ang unang beses na nanalo ang Israel bilang Miss World.[1]

Mga kandidata mula sa walumpu't-anim na bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan ng lead singer ng Boyzone na si Ronan Keating at Eden Harel ang kompetisyon.

Kasaysayan

baguhin
 
Port Glaud, Mahé, ang lokasyon ng Miss World 1998

Lokasyon at petsa

baguhin

Muling kinumpirma ng mga Morley na magaganap ang kompetisyon sa Seykelas. Opisyal na inilunsad ng mga Morley at ni Miss World 1997 Diana Hayden ang edisyong ito noong 29 Hulyo 1998. Magaganap ang edisyong ito sa 26 Nobyembre 1998 sa entabladong itatayo sa Berjaya Mahe Beach Hotel sa Port Glaud, Mahé.

Pagpili ng mga kalahok

baguhin

Ang mga kalahok mula sa walumpu't-anim na bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Anim na kandidata ang nailuklok matapos ang pag-urong ng orihinal na kalahok.

Mga pagpalit
baguhin

Dapat sanang lalahok si Nadia Rodgers Albury mula sa Miss Commonwealth Bahamas. Gayunpaman, dahil natanggalan ng prangkisa ang Miss Commonwealth Bahamas sa Miss World at napunta ito sa Miss International Bahamas, si LeTeasha Ingraham ang naging kandidata ng Bahamas. Dapat sanang lalahok si Miss Estonia 1998 Karin Laasmae sa edisyong ito, ngunit dahil nanalo ito sa Miss Globe 1998, naudlot ang partisipasyon nito sa taong 1999, at si Ly Jürgenson ang pumalit kay Laasmae bilang kandidata ng Estonya.[2] Pinalitan ni Glenda Cifuentes si Karen Edith Wellmann bilang kandidata ng Guwatemala dahil sa hindi isiniwalat na dahilan. Dapat sanang lalahok si Miss Kazakhstan 1998 Dana Tolesh sa edisyong ito, ngunit siya ay pinalitan ni Anna Kirpota dahil mas magaling ito sa wikang Ingles. Pinalitan ni Alena Šeredová si Miss České republiky 1998 Kateřina Stočesová bilang kandidata ng Republikang Tseko dahil sa hindi isiniwalat na dahilan. Dapat sanang lalahok si Miss Ukraine 1998 Yelena Spirina sa edisyong ito, ngunit siya ay pinalitan ng kanyang second runner-up na si Nataliya Nadtochey dahil beterana naw ito sa mga patimpalak sa pagandahan. Ipinadala si Spirina sa Miss Universe.

Mga unang pagsali, pagbalik at pag-urong

baguhin

Lumahok sa unang pagkakataon ang mga bansang Anggola, Kasakistan, at Sint Maarten. Bumalik sa edisyong ito ang mga bansang Nikaragwa na huling sumali noong 1977; Liberya na huling sumali noong 1988; Mawrisyo na huling sumali noong 1994; at Curaçao at Niherya na huling sumali noong 1996.

Dapat sanang lalahok si Miriam Eloisa Vivas Luna ng Honduras sa edisyong ito, ngunit hindi ito lumahok dahil sa hindi isiniwalat na dahilan. Hindi sumali si Evija Rucevska ng Letonya dahil sa personal na kadahilanan; sumali ito sa sumunod na edisyon. Hindi sumali si Retha Reinders ng Namibya dahil sa kakulangan sa pagpopondo. Hindi sumali ang mga bansang Kabo Berde, Makaw, Taylandiya, at Uganda matapos na mabigo ang kanilang organisasyong pambansa na magdaos ng kompetisyong pambansa o magtalaga ng kalahok.[3]

Dapat sasali sa edisyong ito sina Viola Jeffery ng Belis, Julina Felida ng Bonaire, at Farah Breeveld Suriname, ngunit hindi sila nagpatuloy dahil sa kakulangan sa pagpopondo sa kanilang mga organisasyon. Hindi sumali si Ban Kadret ng Irak dahil sa hindi pagkakaintindihan ni Eric Morley at mga tagapag-ayos ng Miss Iraq Organization.

Mga resulta

baguhin
 
Mga bansa at teritoryong sumali sa Miss World 1998 at ang kanilang mga pagkakalagay

Mga pagkakalagay

baguhin
Pagkakalagay Kandidata
Miss World 1998
1st runner-up
2nd runner-up
Top 5
Top 10

Mga Continental Queens of Beauty

baguhin
Kontinente Kandidata
Aprika
Asya at Oseaniya
Europa
Kaamerikahan
Karibe

Mga espesyal na parangal

baguhin
Parangal Nagwagi
Miss Photogenic
Miss Personality

Kompetisyon

baguhin

Pormat ng kompetisyon

baguhin

Ilang pagbabago ang ipinatupad sa edisyong ito. Opisyal nang tinanggal ang pagparada ng mga kandidata sa swimwear sa edisyong ito. Sa pinal na kompetisyon, pinarada ng lahat ng kandidata ang kanilang daytime outfit na siyang ginawa ng lokal nag taga-disenyo sa kanilang sariling bansa. Pagkatapos nito ay lumahok ang lahat ng kandidata sa evening gown competition. Pagkatapos nito, sampung semi-finalist ang napili para sa personal interview round at kalaunan ay inanunsyo ang dalawang runner-up at ang bagong Miss World.

Komite sa pagpili

baguhin
  • Sophie Dahl – Plus-size na supermodelo[4]
  • Diana HaydenMiss World 1997 mula sa Indiya[4]
  • Pilín LeónMiss World 1981 mula sa Beneswela[4]
  • Jonah Lomu – manlalaro ng rugbi at tinanghal na New Zealand Sports Personality of the Year[4]
  • Eric Morley – Tagapagtatag ng Miss World[4]
  • Marc Newson – Australyanong lifestyle designer[4]
  • Terry O’Neill – Ingles na litratista[4]
  • Mica Paris – Ingles na mang-aawit at aktres[4]
  • Jacques Villeneuve – Kanadyanong Formula One driver[4]

Mga kandidata

baguhin

Walumpu't-anim na kandidata ang lumahok para sa titulo.

Bansa/Teritoryo Kandidata Edad[a] Bayan
  Alemanya Sandra Ahrabian 19 Lindau
  Anggola Manuela Lemos[5] 22 Luanda
  Arhentina Natalia González 19 Buenos Aires
  Aruba Judelca Briceno 18 Oranjestad
  Australya Sarah-Jane St. Clair 20 Melbourne
  Austrya Sabine Lindorfer[6] 22 Upper Austria
  Bagong Silandiya Tanya Hayward[7] 19 Auckland
  Bahamas LeTeasha Ingraham 17 Nassau
  Belhika Tanja Dexters[8] 21 Mol
  Beneswela Verónica Schneider 19 Caracas
  Bosnya at Hersegobina Samra Tojaga 17 Mostar
  Botswana Earthen Mbulawa 19 Gaborone
  Brasil Adriana Reis 19 Rondonia
  Bulgarya Polina Petkova 18 Sofia
  Bulibya Bianca Bauer 20 Santa Cruz de la Sierra
  Curaçao Jeameane Colastica 25 Willemstad
  Ekwador Vanessa Graf 19 Guayaquil
  Eslobakya Karolína Čičátková 20 Nové Zámky
  Eslobenya Mihaela Novak 23 Ptuj
  Espanya Rocío Jiménez 18 Cádiz
  Estados Unidos Shauna Gambill 22 Los Angeles
  Estonya Ly Jürgenson 21 Tallinn
  Gana Efia Owusuaa Marfo 21 Accra
  Gresya Katia Marie Margaritoglou 22 Atenas
  Guwatemala Glenda Cifuentes Lungsod ng Guatemala
  Hamayka Christine Straw 18 Kingston
  Hapon Rie Mochizuki 22 Tokyo
  Hibraltar Melanie Soiza 22 Hibraltar
  Hong Kong Jessie Chiu 24 Hong Kong
  Indiya Annie Thomas 23 New Delhi
  Irlanda Vivienne Doyle Galway
  Israel Linor Abargil 19 Netanya
  Italya Maria Concetta Travaglini 18 Roma
  Kanada Leanne Baird 21 Ontario
  Kapuluang Birheng Britaniko Virginia Rubiane 21 Tortola
  Kapuluang Birhen ng Estados Unidos Wendy Sanchez 21 Charlotte Amalie
  Kapuluang Kayman Gemma McLaughlin 19 George Town
  Kasakistan Anna Kirpota 21 Astana
  Kolombya Mónica Marcela Cuartas 19 Antioquia
  Kosta Rika María Luisa Ureña 22 San José
  Kroasya Lejla Šehović 22 Dubrovnik
  Libano Clemence Achkar 18 Beirut
  Liberya Olivia Precious Cooper 23 Monrovia
  Litwanya Kristina Pakarnaite 19 Vilnius
  Malaysia Lina Teoh 22 Malacca
  Malta Rebecca Camilleri 20 Valletta
  Mawrisyo Oona Sujaya Fulena 20 Floreal
  Mehiko Vilma Zamora 19 Guanajuato
  Nepal Jyoti Pradhan 19 Kathamndu
  Niherya Temitayo Osobu Abuja
  Nikaragwa Claudia Patricia Alaniz 21 Managua
  Noruwega Henriette Dankersten 23 Oslo
  Olanda Nerena Ruinemans 18 Steenwijk
  Panama Lorena del Carmen Zagía 22 Lungsod ng Panama
  Paragway Perla Carolina Benítez 17 Asunción
  Peru Mariana Larrabure 22 Trujillo
  Pilipinas Rachel Soriano[9] 23 Meycauayan
  Pinlandiya Maaret Saija Nousiainen 22 Helsinki
  Polonya Izabela Opęchowska 18 Biskupiec
  Porto Riko Antonia Alfonso Pagán 21 Juana Díaz
  Portugal Marcia Vasconcelos 17 Lisboa
  Pransiya Véronique Caloc 23 Martinika
  Republikang Dominikano Sharmin Arelis Díaz 18 Santo Domingo
  Republikang Tseko Alena Šeredová 20 Praga
  Reyno Unido Emmalene McLoughlin 18 Manchester
  Rusya Tatiana Makrouchina 17 Kirov
  Sambia Chisala Chibesa 20 Lusaka
  Seykelas Alvina Grand d'Court 20 Praslin
  Simbabwe Annette Kambarami 20 Harare
  Singapura Grace Chay 21 Singapura
  Sint Maarten Myrtille Brookson 20 Philipsburg
  Suwasilandiya Cindy Stanckoczi 19 Mbabane
  Suwesya Jessica Almenäs 22 Dalarna
  Suwisa Sonja Grandjean 19 Dietikon
  Tansaniya Basila Kalubha Mwanukuzi 20 Dar es Salaam
  Taywan Chen Yi-Ju 19 Taipei
  Timog Aprika Kerishnie Naicker 25 Durban
  Timog Korea Kim Kun-woo 20 Seoul
  Trinidad at Tobago Jeanette Marie La Caillie 22 Port of Spain
  Tsile Daniella Campos 21 Santiago
  Tsipre Chrysanthi Michael 19 Nicosia
  Turkiya Buket Saygi 21 Istanbul
  Ukranya Nataliya Nadtochey 23 Kharkiv
  Unggarya Eva Horvath 19 Budapest
  Urugway María Desiree Fernández 22 Montevideo
  Yugoslavia Jelena Jakovljević 19 Belgrade

Mga tala

baguhin
  1. Mga edad sa panahon ng kompetisyon

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 "Linor cruises to Miss World title". BBC News (sa wikang Ingles). 27 Nobyembre 1998. Nakuha noong 29 Pebrero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Leivak, Verni (16 Nobyembre 1999). "Karin Laasmäe sõitis Miss Worldile" [Karin Laasmäe traveled to Miss World]. Ohtuleht (sa wikang Estonyo). Nakuha noong 2 Hulyo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Fox, Yi Hu (13 Marso 2008). "Miss Macau to pass on crown, end 11-year reign". South China Morning Post (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2 Hulyo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 4.2 4.3 4.4 4.5 4.6 4.7 4.8 "Miss World goes PC?". BBC News (sa wikang Ingles). 26 Nobyembre 1998. Nakuha noong 2 Hulyo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Morreu a jornalista Manuela Lemos" [Journalist Manuela Lemos has died]. Jornal de Angola (sa wikang Portuges). 26 Hulyo 2024. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Hulyo 2024. Nakuha noong 28 Hulyo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Die Geschichte der "Miss Austria"" [The story of "Miss Austria"]. Oberösterreichische Nachrichten (sa wikang Aleman). Nakuha noong 2 Hulyo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Dye, Stuart (5 Setyembre 2003). "Beauties complain of beastly treatment". The New Zealand Herald (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2 Hulyo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Van de Wal, Veerle (8 Mayo 2023). "Tanja Dexters werd 25 jaar geleden tot Miss België gekroond: "Mijn carrière is pas bergaf gegaan na mijn scheiding"" [Tanja Dexters was crowned Miss Belgium 25 years ago: “My career only went downhill after my divorce”]. Het Laatste Nieuws (sa wikang Olandes). Nakuha noong 2 Hulyo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "RP entries". Manila Standard (sa wikang Ingles). 17 Marso 1998. p. 1. Nakuha noong 29 Disyembre 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Panlabas na kawing

baguhin