Ang Miss World 1999 ay ang ika-49 na edisyon ng Miss World pageant, na ginanap sa Olympia Hall sa Londres, Reyno Unido noong 4 Disyembre 1999.

Miss World 1999
Yukta Mookhey
Petsa4 Disyembre 1999
Presenters
  • Ulrika Jonsson
  • Melanie Sykes
PinagdausanOlympia Hall, Londres, Reyno Unido
Brodkaster
  • E!
  • Channel 5
Lumahok94
Placements10
Bagong sali
  • Eskosya
  • Gales
Hindi sumali
  • Curaçao
  • Kapuluang Birheng Britaniko
  • Mawrisyo
  • Nikaragwa
  • Republika ng Tsina
Bumalik
  • Bangglades
  • Guyana
  • Honduras
  • Kenya
  • Letonya
  • Lupangyelo
  • Madagaskar
  • Rumanya
  • Sri Lanka
  • Tahiti
  • Taylandiya
NanaloYukta Mookhey
 Indiya
← 1998
2000 →

Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Linor Abargil ng Israel si Yukta Mookhey ng Indiya bilang Miss World 1999. Ito ang ikaapat na beses na nanalo ang Indiya bilang Miss World. Nagtapos bilang first runner-up si Martina Thorogood ng Beneswela, habang nagtapos bilang second-runner-up si Sonia Raciti ng Timog Aprika.[1][2]

Mga kandidata mula sa siyamnapu't-apat na mga bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan nina Ulrika Jonsson at modelong si Melanie Sykes ang kompetisyon.

Olympia Hall, ang lokasyon ng Miss World 1999

Kasaysayan

baguhin

Lokasyon at petsa

baguhin

Dahil hindi na interesado ang pamahalaan ng Seykelas na pangunahan ang Miss World, naghanap ang mga Morley ng ibang lokasyon upang pagdausan ng kompetisyon. Hindi umusbong ang negosasyon sa pagitan ng mga Morley at ng Israel, na siyang interesadong pangunahan ang Miss World sa nakaraang taon, dahil sa problema sa seguridad. Nagkaroon din ng negosasyon ang mga Morley na idaos sa Las Vegas, Nevada ang kompetisyon, ngunit hindi ito umusbong dahil hindi sila interesadong pangunahan ang kompetisyon. Nakipag-usap rin ang mga Morley sa Irlanda na interesadong pangunahan ang kompetisyon sa 2001, ngunit hindi rin nila tinaggap ang alok na pangunahan ang kompetisyon sa taong ito dahil sa problema sa pagpopondo.

Dahil walang bansa ang gustong pangunahan ang Miss World, nakipag-ugnayan si Eric Morley sa mga direktor ng Channel 5 sa Londres, na nagsahimpapawid ng kompetisyon noong nakaraang taon, na pondohan ang edisyong ito na gaganapin sa Londres. Sumang-ayon noong Agosto ang mga tagapamahala ng Channel 5 na pangunahan ang Miss World 1999 sa Olympia Hall sa 4 Disyembre 1999.

Dahil sa klima ng Londres sa buwan ng Agosto, ang mga pre-recorded segments ng Miss World ay ginanap sa Malta.

Pagpili ng mga kalahok

baguhin

Ang mga kalahok mula sa siyamnapu't-apat na bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Limang kandidata ang nailuklok matapos ang pag-urong ng orihinal na kalahok.

Mga pagpalit
baguhin

Dapat sanang lalahok si Miss Bosnia and Herzegovina 1999 Alisa Sisic sa edisyong ito, ngunit dahil sa mga naglipanang mga litrato niyang nakahubad, siya ay tinanggalan ng titulo at siya ay pinalitan ni Samra Begović.[3] Dapat sanang ipapadala ng Miss Israel Organization si Miss Israel 1999 Rana Raslan sa edisyong ito,[4] ngunit ipanadala na lamang si Raslan sa Miss Universe at ipinadala si Genny Chervoney sa Miss World. Tinanggalan ng titulo si Miss Peru World 1999 Rosa Elvira Cartagena dahil sa pagsisinungaling tungkol sa pagkapanalo niya sa Miss Amber World, at siya ay pinalitan ni Wendy Monteverde. Pinalitan ni Binibining Pilipinas-International 1999 Lalaine Edson si Miriam Quiambao bilang Binibining Pilipinas-World 1999 matapos palitan ni Quiambao si Binibining Pilipinas-Universe 1999 Janelle Bautista dahil sa problema sa kanyang pagkamamamayan.[5][6] Dapat sanang lalahok ang first runner-up ng Miss Dominican Republic 1999 na si Lucy Ceballos sa edisyong ito, ngunit siya ay pinalitan ni Luz Cecilia García dahil sa kanyang ugali.

Mga unang pagsali, pagbalik at pag-urong

baguhin

Lumahok sa unang pagkakataon ang mga bansang Eskosya at Gales sa edisyong ito, matapos makilala ang pagtatag ng Asembleya sa Parlyamento ng Gales at Eskosya. Bumalik sa edisyong ito ang mga bansang Guyana na huling sumali noong 1989; Madagaskar na huling sumali noong 1990; Lupangyelo at Sri Lanka na huling sumali noong 1994; Bangglades, Rumanya, at Tahiti na huling sumali noong 1996; at Honduras, Letonya, at Taylandiya na huling sumali noong 1997.

Hindi sumali si Micaella L'Hortalle ng Mawrisyo dahil sa kakulangan sa pagpopondo. Hindi sumali sina Dayanarah Roozendaal ng Curaçao at Lillianna Pilarte ng Nikaragwa dahil sa problema sa pananalapi. Hindi sumali ang Kapuluang Birheng Britaniko matapos na mabigo ang kanilang organisasyong pambansa na magdaos ng kompetisyong pambansa o magtalaga ng kalahok.

Hindi sumali si Zahide Bayram ng Dinamarka dahil sa hindi isiniwalat na dahilan.[7] Hindi sumali si Vaanda Katjiuongua ng Namibya dahil sa kakulangan sa pagpopondo. Bumitaw rin sa huling minuto si Miss Northern Ireland 1999 Zöe Salmon sa kompetisyon dahil hindi pa makapag-aplay ang kanyang organisasyon para sa isang hiwalay na kandidata sa tamang oras dahil wala pang sariling parlyamento ang Hilagang Irlanda.[8]

Mga resulta

baguhin
 
Mga bansa at teritoryong sumali sa Miss World 1999 at ang kanilang mga pagkakalagay.

Mga pagkakalagay

baguhin
Pagkakalagay Kandidata
Miss World 1999
1st runner-up
2nd runner-up
Top 5
Top 10

Mga Continental Queens of Beauty

baguhin
Kontinente Kandidata
Aprika
Asya at Oseaniya
Europa
Kaamerikahan
Karibe

Mga espesyal na parangal

baguhin
Parangal Nagwagi
Best Evening Wear

Kompetisyon

baguhin

Pormat ng kompetisyon

baguhin

Ipinarada ng lahat ng mga kandidata ang kanilang mga evening gown na gawa ng isang taga-disenyo sa kanilang bansa, kasabay ng kanilang pre-recorded swimwear segment na ginawa sa Malta. Pagkatapos nito, sampung semi-finalist ang napili para sa personal interview round, at kalaunan ay inanunsyo ang dalawang runner-up at ang bagong Miss World.

Komite sa pagpili

baguhin
  • Dean Cain – Amerikanong aktor
  • Louis Grech – Tagapangulo ng Air Malta
  • Eddie Irvine – Formula One driver mula sa Hilagang Irlanda
  • Lennox Lewis – Ingles na boksingero
  • Wilnelia MercedMiss World 1975 mula sa Porto Riko
  • Luciana Morad – Brasilenyang supermodelo
  • Eric Morley – Tagapagtatag ng Miss World
  • Terry O’Neill – Ingles na litratista
  • Linda Petursdóttir – Miss World 1988 mula sa Lupangyelo

Mga kandidata

baguhin

 Siyamnapu't-apat na kandidata ang lumahok para sa titulo.

Bansa/Teritoryo Kandidata Edad[a] Bayan
  Alemanya Susan Hoecke[9] 18 Berlin
  Anggola Lorena Silva 21 Moçâmedes
  Arhentina Verónica Barrionuevo 20 Buenos Aires
  Aruba Cindy Vanessa Cam Tin Martinus 19 Oranjestad
  Australya Nalishebo Gaskell[10] 21 Darwin
  Austrya Sandra Kolbl[11] 20 Vorarlberg
  Bagong Silandiya Coralie Ann Warburton[12] 20 Auckland
  Bahamas Mary Watkins 17 Nassau
  Bangglades Tania Rahman Tonni[13] 19 Dhaka
  Belhika Brigitta Callens[14] 18 Oudenaarde
  Beneswela Martina Thorogood[15] 24 Valencia
  Bosnya at Hersegobina Samra Begović[16] 19 Zenica
  Botswana Alimah Isaacs[17] 20 Gaborone
  Brasil Paula de Souza Carvalho 18 Rio de Janeiro
  Bulgarya Violeta Zdravkova 22 Sofia
  Bulibya Ana Raquel Rivera 21 Tarija
  Ekwador Sofía Morán[18] 19 Manabi
  Eskosya Stephanie Norrie 20 Glasgow
  Eslobakya Andrea Verešová 19 Žilina
  Eslobenya Neda Gačnik 19 Liubliana
  Espanya Lorena Bernal[19] 18 San Sebastian
  Estados Unidos Natasha Allas 25 Los Angeles
  Estonya Karin Laasmäe 19 Tallinn
  Gales Clare Marie Daniels[20] 20 Swansea
  Gana Mariam Sugru Bugri 19 Brong Ahafo
  Gresya Evangelia Vatidou 23 Atenas
  Guwatemala Ana Beatriz González 20 Lungsod ng Guatemala
  Guyana Indra Changa 20 Georgetown
  Hamayka Desiree Depass 20 Kingston
  Hapon Aya Mitsubori 23 Tokyo
  Hibraltar Abigail Garcia 22 Hibraltar
  Honduras Irma Waleska Quijada 23 Cortés
  Hong Kong Marsha Yuan 21 Hong Kong
  Indiya Yukta Mookhey 20 Mumbai
  Irlanda Emir-Maria Holohan Doyle 19 Dublin
  Israel Genny Chervoney 18 Ashdod
  Italya Gloria Nicoletti 19 Roma
  Kanada Mireille Eid 23 Ottawa
  Kapuluang Birhen ng Estados Unidos Shari Afua Smith 17 Charlotte Amalie
  Kapuluang Kayman Mona Lisa Tatum 22 Cayman Brac
  Kasakistan Assel Issabayeva 19 Almaty
  Kenya Esther Muthoni Muthee 24 Nairobi
  Kolombya Mónica Elizabeth Escolar 21 Barranquilla
  Kosta Rika Fiorella Martínez 23 San José
  Kroasya Ivana Petković 18 Zagreb
  Letonya Evija Ručevska 20 Riga
  Libano Norma Naoum 22 Beirut
  Liberya Sebah Esther Tubman 21 Monrovia
  Litwanya Renata Mackevičiūtė 19 Šiauliai
  Lupangyelo Katrín Rós Baldursdóttir 18 Akranes
  Madagaskar Tantely Naina Ramonjy 19 Antananarivo
  Malaysia Jaclyn Lee 24 Kedah
  Malta Catharine Attard 21 Żejtun
  Mehiko Danette Velasco 21 Lungsod ng Mehiko
  Nepal Shweta Singh 19 Kathmandu
  Niherya Augustine Iruviere 22 Abuja
  Noruwega Annette Haukaas 20 Trondheim
  Olanda Ilona Marilyn van Veldhuisen 22 Amsterdam
  Panama Jessenia Casanova 24 Lungsod ng Panama
  Paragway Mariela Candia Ramos 18 Asuncion
  Peru Wendy Monteverde 19 Lima
  Pilipinas Lalaine Edson 22 Maynila
  Pinlandiya Maria Laamanen 18 Turku
  Polonya Marta Kwiecień 20 Lublin
  Porto Riko Arlene Torres 21 Bayamón
  Portugal Joana Ines Texeira 20 Lisboa
  Pransiya Sandra Bretones 18 Paris
  Republikang Dominikano Luz García[21] 22 Santo Domingo
  Republikang Tseko Helena Houdová 19 Pilsen
  Reyno Unido Nicola Willoughby 18 Lincoln
  Rumanya Nicoleta Luciu 21 Bucharest
  Rusya Elena Efimova 23 Novosibirsk
  Sambia Cynthia Chikwanda 21 Lusaka
  Seykelas Anne-Mary Jorre 18 Victoria
  Simbabwe Brita Maseluthini 21 Harare
  Singapura Audrey Quek 24 Singapura
  Sint Maarten Ifelola Badejo 18 Philipsburg
  Sri Lanka Dilumini de Alwis Jayasinghe 22 Colombo
  Suwasilandiya Colleen Tullonen 18 Mbabane
  Suwesya Jenny Torsvik 23 Skurup
  Suwisa Anita Buri 21 Berg
  Tahiti Manoa Froge 19 Papeete
  Tansaniya Hoyce Anderson Temu 21 Dar es Salaam
  Taylandiya Kamala Kumpu Na Ayutthaya 21 Bangkok
  Timog Aprika Sonia Raciti[22] 21 Johannesburg
  Timog Korea Han Na-na 21 Seoul
  Trinidad at Tobago Sacha Anton 24 Port of Spain
  Tsile Lissette Pilar Sierra Ocayo 24 Arica
  Tsipre Sofia Georgiou 18 Nicosia
  Turkiya Ayşe Hatun Önal 23 Istanbul
  Ukranya Olga Savinskaya 20 Kharkiv
  Unggarya Erika Dankai 22 Budapest
  Urugway Katherine Gonzalves 21 Montevideo
  Yugoslavia Lana Marić 18 Belgrade

Mga tala

baguhin
  1. Mga edad sa panahon ng kompetisyon

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Indian beauty crowned Miss World 1999 amid protest". New Straits Times (sa wikang Ingles). 6 Disyembre 1999. Nakuha noong 3 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Miss India crowned Miss World amid feminist demonstrations". Reading Eagle. 6 Disyembre 1999. Nakuha noong 3 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Photo cause fall of Miss Bosnia". Eugene Register-Guard (sa wikang Ingles). 10 Nobyembre 1999. p. 2. Nakuha noong 3 Hulyo 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Kampeas, Ron (9 Marso 1999). "Israeli Arab wins Miss Israel contest". Washington Post (sa wikang Ingles). Nakuha noong 30 Disyembre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Cueto, Francis Earl (25 Marso 1999). "Reigning Bb. RP stripped of title". Manila Standard (sa wikang Ingles). pp. 1–2. Nakuha noong 9 Enero 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Lo, Ricky (19 Marso 2015). "What Miriam withholds in her 'tell all' book". Philippine Star (sa wikang Ingles). Nakuha noong 9 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Zahide, Danimarka'nın en güzeli" [Zahide, the most beautiful of Denmark]. Hurriyet (sa wikang Turko). 21 Nobyembre 1999. Nakuha noong 3 Hulyo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "NI loses out on Miss World entry". BBC News (sa wikang Ingles). 15 Oktubre 1999. Nakuha noong 3 Hulyo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "„Inga Lindström"-Star Susan Hoecke: „Ich bin ein totales Mitte-Kind"" [“Inga Lindström” star Susan Hoecke: “I am a total middle child”]. B.Z. (sa wikang Aleman). 20 Oktubre 2019. Nakuha noong 3 Hulyo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Tanzania: Beauty Queens For Dar es Salaam To Promote Telefood Program". TOMRIC News Agency (sa wikang Ingles). 24 Nobyembre 2000. Nakuha noong 3 Hulyo 2024 – sa pamamagitan ni/ng AllAfrica.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Elfter Miss-Austria-Titel im Ländle" [Eleventh Miss Austria title in the Ländle]. Vorarlberger Nachrichten (sa wikang Aleman). 2 Abril 2012. Nakuha noong 2 Hulyo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Motorsport: Beauty queen smitten by single-seater race fever". The New Zealand Herald (sa wikang Ingles). 30 Hunyo 2000. Nakuha noong 3 Hulyo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "Search for Miss World Bangladesh will start from September 16". Dhaka Tribune (sa wikang Ingles). 13 Setyembre 2018. Nakuha noong 3 Hulyo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "Brigitta Callens a vu son mari la tromper avec un homme" [Brigitta Callens saw her husband cheat on her with a man]. 7sur7 (sa wikang Pranses). 8 Pebrero 2011. Nakuha noong 3 Hulyo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "Miranda ganó el Miss Venezuela" [Miranda won Miss Venezuela]. El Universal (sa wikang Kastila). Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Setyembre 2009. Nakuha noong 3 Hulyo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "Beauty loses her clothes, cool and crown". Independent Online (sa wikang Ingles). 10 Nobyembre 1999. Nakuha noong 3 Hulyo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. "Lawyer deserts former Miss Botswana in court". Sunday Standard (sa wikang Ingles). 20 Abril 2008. Nakuha noong 3 Hulyo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. "Manabitas y su paso por el Miss Ecuador". El Diario Ecuador (sa wikang Kastila). 13 Marso 2009. Nakuha noong 4 Hulyo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. "Lorena Bernal: así ha cambiado de Miss España 1999 a primera dama de la Premier League" [This is how Lorena Bernal has changed: from Miss Spain 1999 to first lady of the Premier League]. La Vanguardia (sa wikang Kastila). 26 Oktubre 2022. Nakuha noong 9 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. Stuart, Julia (6 Oktubre 2000). "There's a girl who works down the chip shop who swears she's Miss Wales". The Independent (sa wikang Ingles). Nakuha noong 3 Hulyo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. de León, Samuel Mujica (12 Agosto 2017). "Luz García está de vuelta en la pantalla local" [Luz García is back on the local screen]. Primera Hora (sa wikang Kastila). Nakuha noong 31 Disyembre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. Nkosi, Nomaswazi (20 Agosto 2012). "Countdown to the Miss SA pageant". Sowetan Live (sa wikang Ingles). Nakuha noong 31 Disyembre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Panlabas na kawing

baguhin