Talaan ng mga sakuna sa Pilipinas

Pangyayaring Pang-astronomikal

baguhin

Pagputok ng Bulkan

baguhin
Taon Petsa Bulkan Pangyayari Mga epekto
1814 Pebrero 1 Bulkang Mayon (Albay) Naglibing sa kalapit-bayan ng Cagsawa kasama ng abo at bato. Nasawiː Halos 1,200.
1911 Enero 30 Bulkang Taal (Luzon) Sumabog ang bulkan na mga 60 kilometro o 30 milya mula Maynila. Ang mga nasawi ay pawang nakatira sa kalapit na nayon. Nasawiː Halos 1,300
1991 Hunyo 15 Mt. Pinatubo Noong Abril 1991 nagpakita ito ng mga palatandaan ng kanyang aktibidad, malamang na naapektuhan ng lindol sa Luzon. Dahan-dahan itong tumindi simula noong Mayo hanggang sa pumutok ito noong Hun. 15, pagkatapos ng maraming siglo ng pananahimik. Ang abo nito na inilabas mula sa bulkan ay lubhang puminsala sa mga bahay at mga gusali sa Luzon at naabot kahit ang ibang bahagi ng mundo tulad ng Indian Ocean. Lumala pa ang mga epekto nito nang nagsimulang bumuhos ang matinding ulan, na nagiging sanhi ng mabilis na pagdaloy ng mga lahar sa lupa, na nagpalubog sa mga lupa, kahit na mga ilog. Nagsimula itong manahimik noong Hulyo. Daan-daang libong katao ang nailikas at milyon-milyon ang apektado. Daan-daan ang mamatay sa panahon ng pagsabog, at, sa mga suunod na linggo, daan-daan pa ang namatay sa mga kampong paglikas.

Tinatayang Pinsalaː US$443,000,000

Iba pang epektoː Winasak nito ang kalapit na base ng American Air Force.

2006 Marso -Hunyo Bulkang Bulusan Nangyari ang mahinang pagsabog ng mga abo sa bunganga ng tuktok ng bulkan, Marso 21. Ipinagbawal noon ang pagpasok sa 4-kilometrong radius na permanent danger zone. Naulit ito noong mula Abril hanggang unang bahagi ng Hunyo 2006 at noong Hunyo 18, muling nagbuga ng abo. Nasawiː Isa ang namatay dahil sa hika na pinalubha ng pagkalantad sa abo, Hunyo 10.

Walang pinsalang iniulat.

Pebrero - Oktubre Bulkang Mayon (Albay) Nagpatuloy ang pagsabog pagkatapos ng dalawang taong pahinga, Pebrero 2006. Nagbuga ng abo at nagsimulang rumagasa ang lava pababa ng mga dalisdis ng bundok, Hulyo 13. Nagpakita ng pagtaas ng mga palatandaan ng aktibidad na may napapanatiling pagyanig, tuloy-tuloy na pagdaloy ng lava, at paminsan-minsang na pyroclastic at ash falls, Hulyo 15 - Agosto 15. Libo-libong mga tao ang inilikas mula sa radius na 8 kilometro sa paligid ng bunganga nito. Huminahon ang aktibidad nito, Setyembre - Oktubre 2006. Walang ulat
2010 Nobyembre Bulkang Bulusan Walang ulat
2020 Enero Bulkang Taal Enero 12, ng mag-alburoto ang Bulkang Taal sa lawa ng Taal sa lalawigan ng Batangas, nag-likha ito ng lindol pasado 11am ng umaga, 2pm ng hapon ng nag-umpisa pu-mutok at nag-buga ito ng matitinding abo sa mga lalawigan ng Batangas, Cavite, Laguna hanggang Rizal maging ang Kalakhang Maynila na itinaas sa Alert Level 3 hanggang 4 at pasado 10pm ng gabi umabot ang pag-buga ng abo nito sa "Clark" sa Pampanga Walang ulat

Lindol

baguhin
Taon Petsa Lakas at Pinagmulan Apektadong lugar Pangyayari Mga epekto
1948 Enero 25 8.3 magnitude; Tectonic Panay (Lady Caycay) Nasawiː Nasa 50

Pinsalaː  7 million

Punaː Pinakamalakas na lindol na naitala sa kasaysayan

1976 Agosto 17 Lindol sa Mindanaoː 7.9 magnitude; Tectonic Golpo Moro, Mindanao Itinuturing na isa sa mga pinakamalakas na lindol na tumama sa bansa kailanman. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nagdulot ang pagyanig ng tsunami sa baybayin ng Golpo Moro sa Hilagang Dagat Celebes. Nagdulot ito ng pagbagsak ng mga gusali. Nasawiː 6,300; Iba pang talaː Sa pagitan ng 5,000-8,000
1990 Hulyo 16 Lindol sa (Gitnang) Luzonː 7.8 magnitude; Tectonic Luzonː Mga lungsod ng Baguio, Dagupan at Cabanatuan Itinuturing na isa sa mga pinakamalakas at pinakamapaminsalang lindol na tumama sa bansa. Ang pagyanig ay nagdulot ng pagbagsak ng maraming mga gusali at mga hotel sa mga lungsod ng Baguio, Dagupan at Cabanatuan, na naglibing sa mga tao nang buhay.[1] Pinakamalala ring sakuna sa usapin ng mga nasawi at pinsala. Nasawiː 2,412 (ayon sa Rappler)

Sugatanː Higit 3500

Naapektuhanː 27,500 pamilya

Tinatayang Pinsalaː US$369,600,000

2013 Oktubre 15 Lindol sa Boholː 7.2 magnitude; Tectonic Gitnang Visayas (Bohol) Naganap noong umaga ang pinakamamatay na lindol sa bansa sa loob ng 23 taon. Tumagal ito ng 34 segundo. Tinatayang ang enerhiyang inilabas ng lindol ay katumbas ng 32 bomba atomikang Hiroshima. (Batay sa ulat ng NDRRMC)

Nasawiː 222

Sugatanː 976

Mga bahay na nasira o nawasakː Higit 73,000

Pebrero 10, 2017 Lindol sa Surigao (2017): 6.7 magnitude; Tectonic Caraga, Silangang Visayas Ay isang napakalakas na lindol na tumama sa mga probinsya ng Surigao sa ganap nang ika 10:03 ng gabi sa karagatan ng bohol ito ay naglikha ng Magnitude 6.7 (Batay sa ulat ng NDRRMC)

Nasawi: 8

Sugatan: 202

Tsunamiː Oo

Abril 4 at 8, 2017 Mga lindol sa Batangas: 6.0 magnitude; Tectonic Calabarzon, Kalakhang Maynila, Mimaropa (Batangas) Ay ang mga magkakasunod na lindol na yumanig noong Abril taong 2017 sa araw nang 4 at 8 sumunod pa na mga araw dahil sa paggalaw na mga fault sa lupa ang mga fault na ito ay nasa bahagi ng Isla nang mga Verde noong ika Abril 4 at sa Isla ng Lubang ay noong ika Abril 8. (Batay sa ulat ng NDRRMC)

Nasawi: Wala

Sugatan: 6

Pinsalaː PHP 18 milyon

Abril 29, 2017 Lindol sa Sarangani (2017): 7.2 magnitude; Tectonic SOCCKSARGEN, Rehiyon ng Davao Ay isang malakas na lindol na naglabas ng enerhiyang 7.2 sa Sarangani Bay, ito ay nakaapekto sa ilang rehiyon ng Mindanao, niyanig rin ang Lungsod ng Heneral Santos probinsya ng Kanlurang Davao, at ang buong SOCCKSARGEN. (Batay sa ulat ng NDRRMC)

Nasawi: Wala

Sugatan: Wala

Tsunamiː Oo

Agosto 11, 2017 Lindol sa Batangas ng Agosto 2017: 6.3 magnitude; Tectonic Calabarzon, Mimaropa Ay isang lindol na naganap noong ika-11 ng Agosto, 2017, 1:28 nang hapon (oras sa Pilipinas). Naglabas ito ng enerhiyang 6.3 sa lalawigan nang Batangas dahil sa paggalaw ng fault, natagpuan ang episentro sa layong 160 kilometro sa kanlurang bahagi ng Nasugbu, Batangas. (Batay sa ulat ng NDRRMC)

Nasawi: Wala

Sugatan: Wala

Pinsalaː Hindi naitala

Abril 22, 2019 Lindol sa Luzon ng 2019: 6.1 magnitude; Tectonic Gitnang Luzon, Kalakhang Maynila, Calabarzon Ay naganap noong Abril 22, 2019, ay isang 6.1 na malakas na lindol na tumama sa isla ng Luzon sa Pilipinas, naiiwan ang hindi bababa sa 18 patay, 3 ang nawawala at nasugatan ng hindi bababa sa 256 na iba pa. Sa kabila ng ang epicenter ay nasa Zambales. (Batay sa ulat ng NDRRMC)

Nasawi: 18

Sugatan: 256

Pinsalaː PHP 539 million (US $10.5 million)

Abril 23, 2019 Lindol sa Bisayas ng 2019: 6.3 magnitude; Tectonic Silangang Visayas, Gitnang Visayas Niyanig naman ang buong probinsya sa Samar at ilang bahagi ng rehiyon na nag labas ng enerhiyang 6.4 mas malakas sa 2019 Luzon earthquake. ang episentro ng lindol ay sa bayan ng San Julian, Eastern Samar sa oras ng 1:37 ng hapon (Batay sa ulat ng NDRRMC)

Nasawi: Wala

Sugatan:48

Tsunamiː Wala

Oktubre 16, 29 at 31, 2019 Mga lindol sa Mindanaw (2019) Swarm na lindol magnitude; Tectonic SOCCKSARGEN, Rehiyon ng Davao, Bangsamoro at Caraga Ay sunod sunod na pag lindol ang nag-ganap sa isla ng Mindanao sa katapusan buwan ng Oktubre 2019, ito ay tinatawag na earthquake swarm o sunod-sunod na pag lindol tulad ng nangyari sa Lindol sa Batangas (2017) noong buwan ng Abril, ito ay kadahilan sa pag-galaw ng mga faults ito ay ang mga North at South Columbio Fault, Makilala Fault at Tangbulan Fault kasama rin ang M'lang Fault (Batay sa ulat ng NDRRMC)

Nasawi: Oktubre 16; 7 patay, Oktubre 29 at 31; 24 patay

Sugatan: Oktubre 16; 215 sugatan, Oktubre 29 at 31; 562 sugatan

Pinsalaː Itatala pa

Nobyembre 18, 2019 Mga lindol sa Mindanaw (2019) Swarm na lindol magnitude; Tectonic SOCCKSARGEN, Rehiyon ng Davao Ay isang magnitud 5.9 ang naitala sa 22kilometro ng Kibawe, Bukidnon at ang episentro nito ay sa Kadingilan, Bukidnon pasado 9:22 pm ng gabi. (Batay sa ulat ng NDRRMC)

Nasawi: Itatala pa

Sugatan: Itatala pa

Pinsalaː Itatala pa

Disyemnre 15, 2019 Lindol sa Davao del Sur ng 2019 magnitude; Tectonic SOCCKSARGEN, Rehiyon ng Davao Ay isang napaka-lakas na lindol na sinundan ng mga naunang lindol nitong Oktubre 2019 sa ka-parehas na mga rehiyon, naglikha ito ng magnitud 6.8 sa Matanao, Davao del Sur (Batay sa ulat ng NDRRMC)

Nasawi: 4

Sugatan: Itatala pa

Pinsalaː 4

Disyembre 26, 2019 Lindol sa Iloilo ng 2019 Kanlurang Visayas ay isang magnitud 4.8 na lindol ang yumanig sa Kanlurang Visayas, and sentro ng lindol ay sa lalawigan ng Iloilo, matapos ang 1 araw na "Bagyong Ursula" (Disyembre 25, 2019). (Batay sa ulat ng NDRRMC)

Nasawi: Itatala pa

Sugatan: Itatala pa

Pinsalaː Itatala pa

Mula ika-16 hanggang ika-19 na siglo

baguhin

Ang mga bagyo noong panahong iyon ay wala pang pangalan.

Taon Petsa Apektadong lugar Pangyayari Mga epekto
1589 Hunyo 29 Look ng Maynila Nagdulot ng daluyong. Walang datos.
1863 Agosto 29 Maynila Nagdulot ng daluyong. Pinsalaː Nawasak ang Bagumbayan drive dahil sa pag-apaw ng tubig; ilang mga bahay ay nawalan ng bubong
1867 Setyembre 20 – 26 Look ng Maynila Nagdulot ng daluyong. Nasawiː 1,800

Pinsalaː Naihagis ang 17 barko papunta sa mga baybayin ng Santa Lucia at Tondo.

1870 Nobyembre 3 Silangan ng isang muog sa Legaspi Nagdulot ng daluyong. Pinsalaː Nawasak ang mga palayan at hindi maraanan ang mga kalsada sa Albay at Camarines Sur.
1871 Marso 25 – 29 Calbiga, Samar Nagdulot ng daluyong. Walang datos.
Oktubre 5 Lingayen at pantalan ng Aparri Nagdulot ng daluyong.

Taas ng alonː 2.4 metro

Pinsalaː Nagwasak sa ilang sasakyang-pandagat at 109 bahay
1873 Oktubre 25 Cavite Nagdulot ng daluyong.

Taas ng alonː 0.6 metro

Walang datos.
1881 Setyembre 21 – Oktubre 6 Timog at gitnang Luzon (Tinaguriang Bagyo sa Haiphong) Nagdulot ng daluyong.

Punaː Pinakanakamamatay na bagyong naitala sa kasaysayan

Nasawiː Higit sa 20,000
1897 Oktubre 12 Mga lalawigan ng Leyte, Silangang Samar at Samar Hurricane Wave, nagdulot ng daluyong.

Taas ng alonː 0.4 - 7.3 metro

Nasawiː 1,300-1,500

Pinsalaː Sumira sa mga simbahan at mga pamayanan sa Samar at Leyte

Ika-20 siglo

baguhin

Hanggang taong 1943

baguhin

Ang mga bagyo noong panahong iyon ay wala pang pangalan hanggang noong taong 1943.

Taon Petsa Apektadong lugar Pangyayari Mga epekto
1905 Abril 19 – 30 Hilaga ng Catanduanes, gitnang Luzon Nagdulot ng daluyong. Walang datos.
1908 Oktubre 11 -13 Aparri, Cagayan Nagdulot ng daluyong.

Taas ng alonː 2 - 4 metro

Nasawiː 22

Pinsalaː Ganap na winasak ang Barrio Tarol

1909 Oktubre 26 – Nobyembre 1 Mindanaoː Hilaga ng Davao, Cotabato, timog ng Dapitan; katimugang bahagi ng Paragua Nagdulot ng daluyong. Walang datos.
1911 Hulyo Baguio City Taas ng ibinagsak na ulanː 2210.0 mm (87.01 talampakan) Punaː Pinakamaulang bagyong naitala sa kasaysayan
1912 Oktubre 12 – 15 Leyte at Cebu Nagdulot ng daluyong.

Taas ng alonː 4.6 - 9.1 metro

Walang datos.
Nobyembre 26 Tacloban at Capiz Nagdulot ng daluyong. Nasawiː 15,000
1913 Mayo 11 Lalawigan ng Mayon Nagdulot ng daluyong.

Taas ng alonː 5 metro

Nasawiː 827
1923 Nobyembre 10 – 23 Borongan, Samar; HS ng Romblon; S ng Maynila; Silangang baybayin ng Luzon; Golpo ng Lingayen Gulf; Balintang Channel Nagdulot ng daluyong. Walang datos.
1929 Mayo 27 Katimugang pulo ng Leyte Nagdulot ng daluyong. Nasawiː 119

Mula taong 1944

baguhin

Ang mga bagyo ay nagkaroon ng pangalan noong taong 1944. Ang panahon ng bagyo sa bansa noong 1946 ang unang aktibong panahon ng bagyo sa Pasipiko na naitala. At noong taong 1963, ang mga bagyo na papasok o mabubuo sa Philippine Area of Responsibility ay bibigyan ng pangalan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA. Ito ay maaaring madalas na magresulta sa pagkakaroon ng dalawang mga pangalan ng parehong bagyo. Ito ang unang panahon na kung saan itinalaga ng PAGASA ang lokal na mga pangalan sa mga bagyo.[2]

Taon Petsa Uri at Pangalan (Pandaigdig, Lokal) Apektadong lugar Pangyayari Mga epekto
1951 Disyembre 6-19 Typhoon Amy Negros Occidental Nagdulot ng daluyong.

Naitalang lakas ng hangin: 240 kph

Nasawi: 991

Pinsala: ₱700 milyon

1952 Oktubre 16 Typhoon Trix Luzonː Rehiyon Bicol Nagdulot ng mga baha at pagguho ng lupa. Nasawiː 995
1960 Hunyo 27 – 28 Typhoon Olive Hilagang pulo ng Luzon Nagdulot ng daluyong.

Taas ng alonː 3 metro

Walang datos.
1968 Hulyo 21 – 28 Typhoon Nadine (Didang) Narvacan, Ilocos Sur Nagdulot ng daluyong.

Taas ng alonː 9.1 metro

Walang datos.
1970 Oktubre 11-15 Super Typhoon Joan (Sening) 12 lalawigan sa hilagang pulo ng Mindanao at Luzon Nagdulot ng daluyong.

Taas ng alonː 4 na metro

Naitalang lakas ng hangin: 275 kph

Nasawi: 768

Pinsala: ₱1.89 bilyon; 51,000 mga gusali

Oktubre 13 Typhoon Kate (Titang) Mindanao Isa sa mga pinakamalakas na bagyo na tumama sa Mindanao, nagdala ng malakas na hangin at matinding pag-ulan. Nasawiː 1,551
Nobyembre 19 Typhoon Patsy (Yoling) Look ng Maynila, timog-silangang baybayin ng Luzon Nagdulot ng daluyong.

Taas ng alonː 4 metro

Pinsala: Nawasak $ 40 milyong ari-arian; lumubog ang 21 pangisdang bangka malapit sa North Harbor.
1971 Oktubre 2 – 9 Typhoon Elaine (Barang) Visayas Nagdulot ng daluyong. Walang datos.
1972 Hunyo 23 – 25 Typhoon Ora (Konsing) Look ng Maynila at Rehiyon ng Bikol Nagdulot ng daluyong. Nasawi: 1

Pinsala: Ilang mga barko ang tinangay sa pampang.

1973 Nobyembre 20 Typhoon Vera (Openg) Visayas Isa sa mga pinakamalakas na bagyo na tumama sa Visayas nang makapasok ito noong Nob. 20. Naapektuhanː 3,400,024 katao
1975 Enero 24 Typhoon Lola (Auring) Surigao del Sur Nagdulot ng daluyong.

Taas ng alonː 2.4 metro

Nasawi: 40

Pinsala: PhP16.6 milyon; 108 bahay at 15 yunit ng gusali ng paaralan ang nawasak.

1981 Nobyembre 22 – 27 Typhoon Irma (Anding) Camarines Sur at Baler Nagdulot ng daluyong.

Taas ng alonː 4.4 - 8.4 metro

Nasawi: 189

Pinsala: 16,400 bahay; Halaga:

  • Pinsala sa imprastraktura: PhP150 milyon
  • Pinsala sa mga pananim, mga hayop at agrikultura: PhP30 milyon.
1982 Marso 19 - Abril 1 Typhoon Nelson (Bising) Pilipinas Nasawiː 288

Pinsalaː $17.2 million (1982 USD)

Agosto 27 Typhoon Faye (Norming) Lungsod Davao Nagdulot ng daluyong. Nasawi: 29

Pinsala: 28 mga bahay ay tinamaan ng mga daluyong.

1983 Hulyo 2 Typhoon Vera (Bebeng) Bataan at mga nayon sa kanlurang baybayin ng Look ng Maynila. Nagdulot ng daluyong.

Taas ng alonː 4 metro

Nasawi: 182

Pinsala: 49,000 mga bahay

1984 Agosto 31 - Setyembre 4 Typhoon Ike (Nitang) Visayas:Gitnang Visayas: Pulo ng Negros (Negros Occidental); Mindanao: Siargao Tumama sa gitnang Pilipinas, Ago. 31. Lumikha ito ng maraming pagtama sa lupa at nagdala ng malakas na hangin at pag-ulan na nagdulot ng pag-apaw ng pinakamalaking ilog sa Negros Occidental. Nagdulot ng daluyong.

Taas ng alon: 5 metro

Naitalang lakas ng hangin: 220 kph

Nasawiː 1,422 (ayon sa Rappler); Iba pang tala: 1,492-higit 3,000

Pinsala: ₱4.1 bilyon; 100,000 mga gusali

Nobyembre 3-6 Typhoon Agnes (Undang) Naitalang lakas ng hangin: 230 kph Nasawi: 895

Pinsala: ₱1.9 bilyon

1985 Hunyo 22 Typhoon Hal (Kuring) Pagudpud, Ilocos Norte Nagdulot ng daluyong.

Taas ng alon: 5 metro

Nasawi: 53

Pinsala: 50 mga bahay ay nawasak ng daluyong.

Oktubre 20 Typhoon Dot (Saling) Infanta, Quezon Nagdulot ng daluyong. Nasawi: 88

Pinsala: 14 bahay ay nasira ng daluyong.

1987 Hulyo 12 Typhoon Thelma (Katring) Mindanao Nagdulot ng daluyong. Nasawiː 1

Pinsalaː 500 mga bahay

Nobyembre 23-27 Super Typhoon Nina (Sisang) Lungsod Legazpi Nagdulot ng daluyong.

Naitalang lakas ng hangin: 240 kph

Nasawi: 979

Pinsala: ₱1.119 bilyon

1990 Nobyembre 10-14 Super Typhoon Mike (Ruping) Cebu (Lungsod Cebu) Nagdala ito ng malakas na hangin at matinding pag-ulan sa Cebu na nagdulot naman ng paglubog ng barkong MV Dona Roberta. Nagdulot ng daluyong.

Naitalang lakas ng hangin: 220 kph

Taas ng alon: 2 - 3 metro

Nasawi: 748

Tinatayang Pinsalaː US$388,500,000 o ₱10.846 bilyon

Naapektuhanː 6,159,569 katao

1991 Nobyembre 2-7 Typhoon Thelma (Uring) Leyte (Ormoc) Ikalawang pinakanakamamatay na bagyo na tumama sa bansa. Noong Nob. 5, nagdala ito ng malakas na ulan sa Leyte, na nagdulot ng pag-apaw ng maraming ilog at malawakang pagbaha, lalo na sa gitnang bahagi ng Lungsod Ormoc. Karamihan sa mga nasawi ay mga residente ng Lungsod Ormoc.

Naitalang lakas ng hangin: 95 kph

Nasawiː 5,956 (ayon sa Rappler); Iba pang tala: Higit 8,000

Pinsala: ₱1.045 bilyon

1993 Oktubre 2 – 6, 1993 Typhoon Flo (Kadiang) Hangganang Isabela-Aurora Nagdulot ng daluyong, Okt. 4. Nasawiː 576

Pinsalaː ₱8.752 bilyon

1995 Setyembre 4 Typhoon Nina (Sisang) Luzon Tinamaan nito ang Luzon matapos agad ang isa pang bagyo. Nagdala ito ng matinding pag-ulan na dahilan para makulong sa ibabaw ng kanilang mga bubong. Tinatayang Pinsalaː US$700,300,000
Oktubre 30 – Nobyembre 4 Super Typhoon Angela (Rosing) Quezon Nagdulot ng daluyong, Nob. 3.

Naitalang lakas ng hangin: 260 kph

Nasawi: 936

Pinsala: ₱10.829 bilyon

1998 Setyembre 15 – 21 Typhoon Vicki (Gading) Pangasinan (San Fabian at Dagupan) Nagdulot ng daluyong.

Taas ng alon: 1.06 - 1.58 metro

Nasawi: 107

Pinsala: ₱3.08 milyon

Oktubre 15-24 Super Typhoon Babs (Loleng) Daet, Camarines Norte at Calauag, Quezon; Visayas Isa sa mga pinakamalakas na bagyo, Okt. 21. Nagdulot ng daluyong, Okt. 22.

Naitalang lakas ng hangin: 250 kph

Taas ng alon: 3.40 - 3.44 metro

Nasawi: 303

Pinsala: ₱6.787 bilyon

Naapektuhanː 3,902,424 katao

Ika-21 siglo

baguhin

2001-2010

baguhin
Taon Petsa Uri at Pangalan (Pandaigdig, Lokal) Apektadong lugar Pangyayari Mga epekto
2003 Mayo 25 – 28 Tropical Storm Linfa (Chedeng) Pangasinan (Dagupan,Lingayen at Mangaldan) Nagdulot ng daluyong.

Taas ng alon: 0.8 -1 metro

Nasawi: 44

Pinsala: ₱538,000.00

2004 Mayo 16 Typhoon Nida (Dindo) Gigmoto, Catanduanes Nagdulot ng daluyong. Pinsalaː 70 kabahayan at pribadong bangkang de-motor
Nobyembre 14-21 Typhoon (Unding) Quezon Nagdulot ng pagbaha at pagguho ng mga putik. Nasawiː 68

Sugatanː 169

Nawawalaː 69

Nobyembre 22-23 Typhoon (Violeta) Quezon Nagdulot ng pagbaha at pagguho ng mga putik. Nasawiː 31

Sugatanː 187

Nawawalaː 17

Nobyembre 28-30 Tropical Depression (Winnie) Luzonː Gitnang Luzon at Quezon; Visayas Kahit itinuturing itong mahinang bagyo, nagdala ito ng patuloy na paglakas ng ulan lalo na sa Gitnang Luzon, Nob. 29, na nagdulot ng pagbaha at mga pagguho ng lupa at putik. Nasawiː 893 (ulat)

Sugatanː 648

Nawawalaː 751 (opisyal)

Tinatayang Pinsalaː ₱679 milyon (€11.8 milyon, $ 15.8 milyon).

Iba pang epektoː Nagretiro ang pangalang “Winnie” matapos nito.

Nobyembre 30 --Disyembre 4 Typhoon Nanmadol (Yoyong) Quezon Nagdulot ng pagbaha at pagguho ng mga putik. Nasawiː 73 (ulat)

Sugatanː 168

Nawawalaː 24

2006 Setyembre 27 Typhoon Xangsane (Milenyo) Kalakhang Maynila Tinamaan nito ang Kalakhang Maynila noong Set. 27, nagdala ito ng malakas na hangin at matinding pag-ulan na nagdulot ng pagbaha. Naapektuhanː 3,842,406 katao
Nobyembre 25-Disyembre 1 Super Typhoon Durian (Reming) Rehiyon Bicolː Albay (Lungsod Legazpi) Ilang buwan matapos ang pagputok ng Mt. Mayon, tinamaan nito ang Albay noong Nob. 30.

Tumangay sa mga bahay, bumunot sa mga puno at kumitil ng mga buhay. Dahil sa malakas na ulan, malawakang binaha ang Legazpi City habang pinalubha pa ito nang tinabunan ng mga pagguho ng putik mula sa Bulkang Mayon ang maraming nayon, na nagiging sanhi ng marami pang pagkasawi.

Naitalang lakas ng hangin: 320 kph

Nasawiː 1,399 (sa kabuuan, ayon sa Rappler); Halos 2,000 (ayon sa DW.com
  • Hindi bababa sa 720 sa mga pagbaha.
  • 800-1,000 sa mga pagguho ng putik.

Daan-daan pa ang naitalang nawawala.

Pinsalaː ₱5.086 bilyon o $130 milyon (€97 milyon).

2007 Nobyembre Typhoon Mitag (Mina) Walang ulat
Nobyembre Typhoon Hagibis (Lando) Walang ulat
2008 Hunyo 18-23 Typhoon Fengshen (Frank) Visayasː Panay (Iloilo) at Pulo ng Boracay Noong Hun, 21, winasak nito ang Visayas, lalo na ang Iloilo, na higit sa kalahati ng lungsod ay nakaranas ng malawakang pagbaha.

Karamihan sa mga nasawi ay mula sa lumubog na barkong "Princess of the Stars" sa karagatan sa panahon ng bagyo. Nagdulot ng daluyong.

Naitalang lakas ng hangin: 172 kph

Nasawiː 938 (pinakahuling tala); Iba pang tala: 1,501

Tinatayang Pinsalaː US$284,694,000 (sa kabuuan) o ₱13.321 bilyon (pinakahuling tala); (Batay sa ulat ng National Disaster Coordination Council o NDCC

  • Pinsala sa agrikutura at palaisdaaanː ₱3.3 bilyon (€57.2 milyon, $76.4 milyon)
  • Imprastrakturaː ₱750 milyon (€13 milyon, $17.4 milyon)
  • Paaralanː ₱212 milyon (€3.7 milyon, $4.9 milyon)
  • Bangkang pangisdaː ₱110 milyon (€1.9 milyon, $2.5 milyon).

Naapektuhanː Higit sa 99,600 pamilya (ulat ng NDCC); 4,785,460 katao (ayon sa Rappler)

Mga bahay na nasiraː Higit sa 155,500 (sa sampung rehiyon)

2009 Setyembre 24-27 Typhoon Ketsana (Ondoy) Kalakhang Maynila; Gitnang Luzon. Set. 26ː Nagdala ito ng pang-isang buwang dami ng ulan sa loob ng 9 na oras lamang, na nagdulot ng malawakang pagbaha sa Kalakhang Maynila at ilang bahagi ng Gitnang Luzon.

Nakapagtala ang PAGASA ng record high na dami ng ulan sa loob ng 24 orasː 455 milimetro (17.9 talampakan)

Nasawiː 464

Sugatanː 529

Nawawalaː 37

(Pinagsamang bilang mula sa mga bagyong Ondoy at Pepeng)

Pinsalaː ₱11 bilyon

Naapektuhanː 4,901,763 katao

Setyembre 29 - Oktubre 11 Typhoon Parma (Pepeng) Luzonː Lambak ng Cagayan at Cordillera Habang nakakabawi pa ang mga tao mula sa ganap na pinsala dala ng Ondoy sa Luzon, nakapasok ito sa bansa noong Set. 30, na nagpalala ng pinsala sa rehiyon. Nagdulot ng mga pagguho ng lupa. Nagdulot ng daluyong, Okt. 3.

Naitalang lakas ng hangin: 120 kph (Tantiya ng PAGASA sa Cagayan)

Nasawi: 492

Tinatayang Pinsalaː US$585,379,000 o ₱27.195 bilyon

Naapektuhanː 954,087 pamilya (ulat ng NDRRMC); 4,478,491 katao (ayon sa Rappler)

2010 Hulyo 11 Typhoon Conson (Basyang) Nasawiː 76

Sugatanː 31

Nawawalaː 72

Pinsalaː ₱189 milyon

Naapektuhanː 48,640 pamilya o 241,651 katao

Oktubre 12-19 Super Typhoon Megi (Juan) Luzonː La Union atIlocos Sur Nagdala ng malakas na hangin at matinding ulan sa Luzon noong Okt. 18, inilagay ito sa ilalim ng pinakamalakas na kategorya ng mga bagyo -- kategorya 5. Nagdulot ng daluyong, Okt. 19.

Taas ng alon: 3 metro

Nasawiː 12

Sugatanː 9

Tinatayang Pinsalaː US$275,745,000 o ₱8.3 bilyon; Nawasak ang 160 mga fish cage sa dalawang barangay ng Lungsod Candon.

Naapektuhanː 39,847 pamilya o 215,037 katao

Mula taong 2011

baguhin
Taon Petsa Uri at Pangalan (Pandaigdig, Lokal) Apektadong lugar Pangyayari Mga epekto
2011 Mayo 7 Typhoon Aere (Bebeng) Nasawiː 35

Sugatanː 6

Nawawalaː 2

Pinsalaː ₱1.37 bilyon

Naapektuhanː 71,267 pamilya o 376,888 katao

Hunyo 22 Typhoon Meari (Falcon) Nasawiː 7

Sugatanː 4

Nawawalaː 12

Pinsalaː ₱4.4 milyon

Naapektuhanː 593 pamilya o 2,259 katao

Hulyo 28 Typhoon Nock-ten (Juaning) Nasawiː 41

Sugatanː 40

Nawawalaː 24

Pinsalaː ₱2.7 bilyon

Naapektuhanː 158,144 pamilya o 790,601 katao

Agosto 26 Typhoon Nanmadol (Mina) Cagayan at Isabela Ngadulot ng baha, pag-guho ng lupa, kawalan ng tubig at ilaw, pagkaputol ng mag puno at komunikasyon Nasawiː 38

Taas ng alonː 3 - 6

Pinsalaː $1.49 bilyon

Setyembre 24 - 28 Typhoon Nesat (Pedring) Luzonː Look ng Maynila; Noveleta, Cavite; Santa, Ilocos Sur; at Lungsod Batangas Noong Set. 24, tinamaan nito ang bansa, na nagdulot ng pagbaha sa Luzon. Pinalala ng habagat ang matinding pag-ulan na dala nito. Nagdulot ng daluyong.

Taas ng alon: 6 metro

Nasawiː 12

Tinatayang Pinsalaː US$344,173,000; Napinsala ang dalahikan at prinsa sa Roxas Boulevard.

Oktubre 1 Typhoon Nalgae (Quiel) Santa, Ilocos Sur Nagdulot ng daluyong. Nasawiː 1
Disyembre 11 - 16 Typhoon Washi (Sendong) Mindanaoː Hilagang bahagi (Cagayan de Oro at Iligan) Tumama sa Mindanao, Dis. 16. Nagdulot ng dagliang pagbaha na dumaloy sa gilid ng bundok, nagbunot sa mga puno at pag-apaw sa mga ilog noong madaling-araw. Tinangay sa dagat ang mga bahay na mga pamilyang naapektuhan. Tumagal ng ilang buwan bago maibalik muli sa rehiyonang suplay ng kuryente at malinis na tubig.

Dahil sa malawakang bilang ng mga nasawi at pinsala na idinulot nito, itinuring ito na isa sa mga pinakanakamamatay na bagyo sa bansa sa loob ng 12 taon.[3] (Bago ang bagyong Yolanda)

Nasawi at nawawalaː 1,439 (ayon sa Rappler) kabilang ang 1,080 nasawi (ayon sa DW.COM)

Sugatanː 6,071

Pinsalaː ₱1.7 bilyon

Naapektuhanː 120,800 pamilya o 1,144,229 katao

2012 Hunyo 12 Typhoon Guchol (Butchoy) Sarangani, Samar at Surigao Nagdulot ng daluyong.

Taas ng alon: 9.1 metro

Nasawiː 2
Hulyo 3 Typhoon Doksuri (Dindo) Santa, Ilocos Sur Nagdulot ng daluyong. Pinsalaː PhP 6.9 milyon pinsala sa imprastraktura at produktong agri-fishery.
Hulyo 30 – 31 Typhoon Saola (Gener) Zamboanga del Norte at mga bayan ng Ternate, Cavite; Bulan, Sorsogon; at Lebak, Sultan Kudarat Nagdulot ng daluyong. Nasawiː 49

Sugatanː 35

Nawawalaː 6

Pinsalaː ₱404 milyon; 214 mga bahay.

Naapektuhanː 51,244 pamilya o 236,226 katao

Agosto 6 Typhoon Haikui (nagpalakas sa Hanging Habagat) Luzonː Kalakhang Maynila Nagdala ang Habagat ng matinding pag-ulan sa Luzon, lalo na sa Kalakhang Maynila, sa loob ng 8 araw ng buwan ng Agosto, na nagiging sanhi ng malawakang pagbaha. Nasawiː 109

Sugatanː 14

Nawawalaː 4

Pinsalaː ₱653 milyon

Naapektuhanː 934,285 pamilya (ulat ng NDRRMC); 4,451,725 katao (ayon sa Rappler)

Agosto 15 Typhoon Kai-tak (Helen) Nasawiː 10

Sugatanː 17

Pinsalaː ₱125 milyon

Naapektuhanː 3,423 pamilya o 13,234 katao

Setyembre 25 Typhoon Jelawat (Lawin) Labason, Zamboanga del Norte Nagdulot ng daluyong. Pinsalaː 13 mga bahay
Oktubre 3 - 5 Tropical Storm Gaemi (Marce) San Antonio, Zambales at Calintaan, Occidental Mindoro Nagdulot ng daluyong. Pinsalaː 51 mga bahay
Nobyembre-Disyembre 4 Typhoon Bopha (Pablo) Mindanaoː Timugang bahagi (Cateel, Boston at Baganga) Dis. 3-4ː Isa sa mga pinakamalalang bagyo na tumama sa Mindanao, ang rehiyong bihirang tamaan ng bagyo, na nagduot ng malawakang pagbaha,[4] nakaapekto sa milyong tao mula sa malawakang pagkasawi at pinsala.

Naabot ng bagyo ang latitud na lubhang malapit sa ekwador at ito ang pangalawang pinaka-timog na super typhoon na inilagay sa "kategorya 5," ang pinakamataas na antas pagdating sa pinakamalakas na puwersa ng hangin ng bagyo at ang laki ng mga potensyal na pinsalang maaari nitong idulot. Nagdulot ng daluyong, Dis. 4.

Taas ng alon: 6 metro

Nasawiː 1,067

Sugatanː2,666

Nawawalaː 834

Tinatayang Pinsalaː US$1,692,961,000, higit €749 milyon, o ₱37 bilyon

Naapektuhanː 711,682 pamilya (ulat ng NDRRMC); 6,246,664 katao (ayon sa Rappler)

Disyembre 24 - 26 Typhoon Wukong (Quinta) Cebu, Lungsod Borongan at Merida, Leyte Nagdulot ng daluyong, Dis. 26. Nasawiː 20

Sugatanː 3

Nawawalaː 4

Pinsalaː ₱225 milyon

Naapektuhanː 11,273 pamilya o 59,993 katao

2013 Pebrero 28 Typhoon Shanshan (Crising) Nasawiː 4

Sugatanː 4

Nawawalaː 2

Pinsalaː ₱11.24 milyon

Naapektuhanː 52,325 pamilya o 262,880 katao

Hunyo 30 Typhoon Rumbia (Gorio) Nasawiː 7

Sugatanː 4

Naapektuhanː 718 pamilya o 3,592 katao

Agosto 8 - 12 Typhoon Utor (Labuyo) San Fabian at Sorsogon Nagdulot ng daluyong, Ago 11 - 12. Nasawiː 11

Sugatanː 7

Nawawalaː 3

Pinsalaː ₱1.4 bilyon; 4 mga bahay.

Naapektuhanː 87,579 pamilya o 395,723 katao

Agosto 18 - 22 Typhoon Trami (Maring) Naic, Cavite at Lungsod Iloilo Nagdulot ng daluyong, Ago. 22. Nasawiː 8

Sugatanː 41

Nawawalaː 4

Pinsalaː ₱66 milyon; 14 mga bahay.

Naapektuhanː 223,991 pamilya o 1,060,094 katao

Setyembre 19 - 21 Typhoon Usagi (Odette) Aurora; Caramoran, Catanduanes Nagdulot ng daluyong. Nasawiː 2
Oktubre 11 Typhoon Nari (Santi) Look ng Maynila Nagdulot ng daluyong.
Nobyembre 8 Super Typhoon Haiyan (Yolanda) Visayasː Leyte, Samar, Bohol, Cebu, Capiz, Iloilo, Lungsod Bacolod.

Luzonː Masbate, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Lungsod Legazpi, Laguna de Bay, Romblon, Quezon.

Mindanaoː Davao Oriental

Isa ito sa pinakamalakas at pinakamamatay na mga bagyo sa mundo na naitala kailanman, nagpabilis sa isang bihirang public storm signal bilang 4 sa Visayas.[5] Nagdulot ito ng napakalaking pagkawasak[6] at nagdala ng napakalaking pinsala, ang pinakamalubhang kalamidad na tumama sa bansa. Nagdulot ng daluyong.

Taas ng alon: 3-10 metro

Nasawiː 6,300

Tinatayang Pinsalaː US$2,051,711,000 o PhP 24.539 bilyon

Naapektuhanː 1,473,251 pamilya[7] o 16,106,807 katao

2014 Hulyo 16 Typhoon Rammasun (Glenda) Bicol, Calabarzon at Kalakhang Maynila Nagdulot ng pagbagsak ng komunilasyon, ilaw at pagkasira ng mga ka bahayan at mga puno Nasawiː 11

Sugatanː Wala Pinsalaː 38.6 bilyon

Setyembre 23 Tropical Storm Fung-wong (Mario) Apayao, Cagayan at Isabela Matitinding malalakas na ulan at pag-baha sa mga lugar Nasawiː 22

Sugatanː Wala

Pinsalaː $231 milyon

Disyembre 8 Typhoon Hagupit (Ruby) Silangang Visayas, Bicol at Batangas Ngadulot ng baha, pag-guho ng lupa, kawalan ng tubig at ilaw, pagkaputol ng mag puno at komunikasyon Nasawiː 11

Taas ng alonː 3 - 8

Pinsalaː $113.6 milyon

Disyembre 28 Tropical Storm Jangmi (Seniang) malaking bahagi Mindanaw Nagdulot ng malawakang pag-baha at pag-kasira ng mga kabahayan Nasawiː 66

Nawawalaː 6

Pinsalaː $28.4 milyon

2015 Oktubre 11 - 24 Typhoon Koppu (Lando) Aurora; Isabela Nagdulot ng baha at pagkasira ng mga puno at linya ng kuryente at mga nasirang pananim Nasawiː 2

Sugatanː Wala

Pinsalaː $113,000

Disyembre 9 - 17 Typhoon Melor (Nona) Bicol, Mimaropa Pagkasira ng mga puno at linya ng kuryente at nasirang mga kabhayan Nasawiː 42

Sugatanː Wala

Pinsalaː $136.4 milyon

2016 Oktubre 15 Typhoon Sarika (Karen) Aurora, Quirino Nagdulot ng baha at pagkasira ng mga puno at linya ng kuryente at mga nasirang pananim Nasawiː 36

Sugatanː Wala

Pinsalaː $756.7 milyon

Oktubre 22 Super Typhoon Haima (Lawin) Apayao, Cagayan at Isabela Nagdulot ng malawakang pinsala sa mga dinaanan nito at daluyong na may taas 5. Nasawiː 20

Sugatanː Wala

Pinsalaː $1.97 bilyon

Disyembre 23 Typhoon Nock-ten (Nina) Bicol at Mimaropa Nagdulot ng pagbagsak ng komunikasyon, ilaw at pagkasira ng mga ka bahayan at mga puno Nasawiː 8

Nawawalaː 16

Pinsalaː $104.1 milyon

2017 Setyembre 14 Typhoon Doksuri (Maring) Calamba at Calabarzon Nagdulot ng malawakang pag-baha at pag-kasira ng mga kabahayan Nasawiː 45

Nawawalaː Wala

Pinsalaː $814 milyon

Disyembre 16 Tropical Storm Kai-tak (Urduja) Bisayas at Mindanaw Nagdulot ng malawakang pag-baha at pag-kasira ng mga kabahayan Nasawiː 83

Sugatanː Wala

Pinsalaː $75 milyon

Disyembre 22 Typhoon Tembin (Vinta) Caraga, Tangway ng Zamboanga at Rehiyon ng Davao Nagdulot ng malawakang pag-baha at pag-kasira ng mga kabahayan Nasawiː 266

Nawawalaː Wala

Pinsalaː $42.4 milyon

2018 Setyembre 11 Typhoon Mangkhut (Ompong) Lambak ng Cagayan, Cordillera at Rehiyon ng Ilocos Nagdulot ng malawakang pinsala sa mga dinaanan nito Nasawiː 143

Nawawalaː Wala

Pinsalaː $944 milyon

Oktubre 24 Typhoon Yutu (Rosita) Lambak ng Cagayan, Cordillera at Rehiyon ng Ilocos Ngadulot ng baha, pag-guho ng lupa, kawalan ng tubig at ilaw, pagkaputol ng mag puno at komunikasyon Nasawiː 29

Nawawalaː 1

Pinsalaː ₱10.4 bilyon

Disyembre 28 Tropical Depression 35 W Usman Silangang Visayas, Bicol at Calabarzon Nagdulot ng malawakang pag-baha Nasawiː Hindi tiyak

Nawawalaː Hindi tiyak

Pinsalaː Hindi tiyak

2019 Nobyembre 6 Tropical Storm Quiel (Nakri) Lambak Cagayan at Mindoro Nagdulot ng pag-ka lubog at malawakang pag-baha at nagiwan ng mga sirang pananim sa hilangang Luzon Nasawiː 9

Sugatanː Hindi tiyak

Nawawalaː Hindi tiyak

Naapektuhanː 39, 000 at 9,000 +

Nobyembre 19 Typhoon Ramon (Kalmaegi) Lambak Cagayan Nagdulot ng pag-ka lubog at malawakang pag-baha at nagiwan ng mga sirang pananim sa lambak Cagayan Nasawiː Hindi tiyak

Sugatanː Hindi tiyak

Nawawalaː Hindi tiyak

Naapektuhanː 40, 000 inilikas na pamilya

Disyembre 3 Typhoon Tisoy (Kammuri) Rehiyon ng Bicol, Calabarzon at Mimaropa Nagdulot ng malawakang pag-baha at nagiwan ng mga sirang pananim, pag-kaputol ng mga puno, linya ng komunikasyon at ilaw sa Timog Katagalogan Nasawiː 12

Sugatanː 0

Nawawalaː 0

Naapektuhanː 60, 000

Disyembre 25 Typhoon Ursula (Phanfone) Silangang Visayas, Cebu, Kanlurang Visayas, Calabarzon at Mimaropa Nagdulot ng pag-sira ng mga ka-bahayan, mga panananim (palay), pagka-putol ng linya ng komunikasyon at kuryente, pag-baha sa Ormoc, Leyte Nasawiː 50

Sugatanː 55

Nawawalaː Hindi tiyak

Naapektuhanː Hindi tiyak

Pagguho ng Lupa

baguhin
Taon Petsa Apektadong lugar Pangyayari Mga epekto
2006 Pebrero 17 Guinsaugon, Saint Bernard, Katiimugang Leyte Isang buong mountainside ang gumuho at naglibing sa nayon ng Guinsaugon. Isang paaralan, kasama ang 500 mga tahanan ay natabunan nang mabilis na dumaloy ang putik pababa sa dalisdis ng bundok.

Naganap ito matapos ang malalakas na mga pag-ulan na ang dami nito ay hanggang sa 200 sentimetro (78 pulgada) sa rehiyon sa loob ng 10 araw.

Isinisisi ito ng mga lokal sa pagkalbo ng mga gubat sanhi ng iligal na pagputol ng puno.

Nasawi: 1,126 (141 ang nasawi at kasama rin ang may 980 nawawala, kabilang ang 280 mga mag-aaral at mga guro na nakulong sa loob ng paaralan)

Mga bahay na nasira: 500

2012 Enero 5 Pantukan, Compostela Valley Gumuho ang isang minahan ng ginto malapit sa kabayanan.

Kasunod nito, iniutos ang 30-araw na suspensyon sa lahat ng mga operasyon sa pagmimina sa naturang bayan.

Nasawi: 25

Mga Pagbaha Dulot ng mga Pag-ulan

baguhin
Taon Petsa Apektadong lugar Pangyayari Mga epekto
2006 Pebrero 11-17 Caraga Nagdulot ang malakas na ulan ng dagliang pagbaha na ikinasawi ng mga tao sa Butuan at Surigao del Sur. Libo-libong ang napilitang lumikas. Nasawiː 5
2010 Huling bahagi ng Disyembre hanggang Enero 2011 BicolCentral VisayasEastern VisayasCaraga Walang ulat
2012 Agosto 6 Luzonː Kalakhang Maynila Pinalakas ng Typhoon Haikui ang Hanging Habagat na nagdala ng matinding pag-ulan sa Luzon, lalo na sa Kalakhang Maynila, sa loob ng 8 araw ng buwan ng Agosto, na nagiging sanhi ng malawakang pagbaha. Nasawiː 109

Sugatanː 14

Nawawalaː 4

Pinsalaː ₱653 milyon

Naapektuhanː 934,285 pamilya (ulat ng NDRRMC); 4,451,725 katao (ayon sa Rappler)

Mga Dulot ng sakit

baguhin
Taon Petsa Apektadong lugar Sakit Pangyayari Epekto
2003 Hulyo 31 Luzon SARS-CoV-2

Sumiklab ang isang virus strain ng SARS, mula sa Foshan, Tsina, 17 ang naiulat na kaso ay 2 ang nautas.

Kumpirmado: 17

Namatay: 2

Gumaling: 15

2009 Mayo 21 Luzviminda Swine flu

Nagsilakbo ang isang trangkasong baboy-swine flu sa Pilipinas, lulan sa Veracruz, Mehiko dahil sa sakit na ito ay lumabas ang resultang kumpirmado na aabot sa 1,709 hanggang 3,207

Kumpirmado: 3, 207

Namatay: 30

Gumaling: 3 ,177

2020 Enero 30 COVID-19

Sumiklab ang bagong nCoV-2019 ayon sa DOH, lulan sa Wuhan, Tsina kung saan nag-mula ang birus noong Pebrero 6 at Marso 13 na dineklara ng World Health Organization ang nCoV ay isa ng COVID-19 at isa ng pandemic sa buong daigdig.

Kumpirmado: TBA

Namatay: TBA

Gumaling: TBA

Pangyayaring sakuna

baguhin

Ang mga sakuna sa Pilipinas ay ang mga pangyayaring hindi inasahan ng mga biktima sa Pilipinas. Ang pinakamalalang nangyaring mga trahedya sa Pilipinas ay nangyari noong ika 1881 Typhoon Haiphong, Super Bagyong Yolanda ika Nobyembre 8, 2013 na may bilang 6, 300 mga nasawi, at sumunod ang MV Doña Paz lulan ang higit na 4,300 ka tao ang nasawi.

Mula 1970s - 2020s

baguhin
Pamagat Petsa Nasawi Sugatan Lokasyon
Pagguho ng tulay ng Colgante Setyembre 16, 1972 138 100s Naga, Camarines Sur
Pagguho ng Pelikulang Sentro ng Maynila Nobyembre 17, 1981 169 Unknown Maynila
Trahedya ng MV Doña Paz Disyembre 20, 1987 4, 300 Unknown Tacloban, Leyte
Lindol sa Luzon ng 1990 Hulyo 16, 1990 1, 621 3, 513 Luzon
Pagputok ng Bulkang Pinatubo Hunyo 15, 1991 --- Unknown Iba, Zambales
Trahedya sa Pagoda ng Wawa Hulyo 2, 1993 279 Unknown Bocaue, Bulacan
Pagbomba sa Philippine Airlines Flight 434 Disyembre 11, 1994 1 10 Tokyo, Japan
Trahedya sa M/V Viva Antipolo VII Mayo 16, 1995 62 10 Maynila
Sunog sa Ozone Disco[8] Marso 18, 1996 162 95 Quezon City
Pagdiskaril ng tren sa Muntinlupa Setyembre 22, 1997 7 200 Muntinlupa
Trahedya sa Cebu Pacific Flight 387 Pebrero 2, 1998 104 Unknown Cagayan de Oro
Pagguho ng lupa sa subdibisyon ng Cherry Hills Agosto 2, 1999 60 0 Antipolo
Pagguho sa Payatas Hulyo 10, 2000 218 Quezon City
Sunog sa Hotel ng Manor Agosto 18, 2001 74
Pagbomba sa Heneral Santos ng 2002 Abril 21, 2002 13 60 General Santos
Pagbomba sa Paliparang Pandaigdig ng Francisco Bangoy ng 2003 Marso 4, 2003 21 146 Davao City
Pagbomba sa SuperFerry 14 ng 2004 Pebrero 27, 2004 116 Unkown Manila Bay
Pagbomba sa Araw ng mga Puso Pebrero 14, 2005 11 145 Manila, Makati, Davao City
Pag-ipit ng mga tao sa PhilSports Stadium ng 2006[9] Pebrero 4, 2006 73 400 Pasig
Pagsabog sa Glorietta ng 2007 Oktubre 19, 2007 11 129 Makati
Trahedya sa MV Princess of the Stars Hunyo 20, 2008 814 48 San Fernando, Romblon
Masaker sa Maguindanao Nobyembre 23, 2009 58 4 Ampatuan, Maguindanao
Pagbibihag ng bus sa Maynila (2010) Agosto 23, 2010 8 10 Maynila
Bagyong Sendong Disyembre 17, 2011 1, 472 0 Cagayan de Oro
Bagyong Pablo Disyembre 4, 2012 1,901 0 Davao Oriental
Aksidente sa bus sa Skyway ng Kalakhang Maynila Disyembre 16 , 2013 19 19 Parañaque
Aksidente sa bus ng Mountain Province Pebrero 7, 2014 14 32 Bontoc
Sunog sa kompanya ng Kentex Mayo 13, 2015 74 0 Valenzuela
Pagbomba sa Lungsod ng Dabaw ng 2016 Setyembre 2, 2016 15 74 Davao City
Sunog sa NCCC Mall Disyembre 23, 2017 39 Unknown
Pagguho ng lupa sa Naga, Cebu Setyembre 20, 2018 78 18 Naga, Cebu
Trahedya ng Air Beechcraft Setyembre 1, 2019 9 2 Pansol, Calamba
Pambobomba sa Jolo ng 2020 Agosto 24, 2020 14 78 Jolo, Sulu
Mga pagsalakay sa Calabarzon ng 2021 Marso 7, 2021 9 6 Calabarzon
Lindol sa Luzon (2022) Hulyo 27, 2022 11 139 Gitnang Luzon
MV Aya Princess Hulyo 27, 2023 27 80 Binangonan, Rizal

Mga Sanggunian

baguhin

Kaugnay na Artikulo

Tingnan Din

baguhin

Sa Wikipedia Inglesː

Kategory:Sakuna

  1. "Remembering the 1990 Luzon Earthquake" Rappler. Hulyo 16, 2014.
  2. "After 'Harurot,' 'Kabayan,' 'Onyok,' 'Pogi' coming" philstar.com. 08-01-2003. Hinango 10-08-2016.
  3. "'Investigate factors that led to deaths from Sendong'" Naka-arkibo 2017-03-18 sa Wayback Machine. Rappler. Enero 4, 2012
  4. "TIMELINE: Looking back at 2012's Typhoon Pablo (Bopha)" Naka-arkibo 2016-07-24 sa Wayback Machine. Rappler. Disyembre 4, 2013.
  5. "Storm signal no. 4 in PH history" Naka-arkibo 2017-06-23 sa Wayback Machine. Rappler. Nobyembre 7, 2013.
  6. "TIMELINE: Super Typhoon Yolanda (Haiyan)" Naka-arkibo 2016-09-11 sa Wayback Machine. Rappler. Nobyembre 9, 2013.
  7. "Updatesː Typhoon Yolanda" Naka-arkibo 2016-06-19 sa Wayback Machine. Official Gazette of the Republic of the Philippines.
  8. https://www.esquiremag.ph/culture/lifestyle/ozone-disco-tragedy-1996-a1729-20190318-lfrm
  9. https://www.philstar.com/cebu-news/2006/02/05/320214/wowowee-stampede-kills