Ang asupre, sangyawa o sulpura (Kastila: azufre, Ingles: sulfur) ay isang kemikal na elementong gumagamit sa bilang atomikong 16.[2] Ito ay karaniwang ginagamitan ng simbolong S. Ito ay isang karaniwang multibalente na hindi metal. Asupre, sa katutubong uri, ay matamlay na dilaw na crystal line solid. Sa kalikasan, karaniwan ito matatagpuang purong elemento at mga mineral na asuprido at asuprata. Isa itong esensyal na elemento para sa buhay at matatagpuan ito sa mga asidong amino: cysteine at methionine. Ginagamit itong pataba, pero karaniwan din ito sa pulbura, posporo, insecticide at fungicide. Ang elementong asupre na kristal ay kadalasang hinahanap ng mga nangongolekta ng mga mineral dahil sa matingkad nitong mga sukat na polihedron. Ito rin ay kilala sa pantanggal ng mga libag sa mga sabong may kahalong sulfur. Tinatawag din itong brimstone sa Inggles.
↑ 2.02.1Lide, D. R., pat. (2005). "Magnetic susceptibility of the elements and inorganic compounds". CRC Handbook of Chemistry and Physics(PDF) (ika-86th (na) edisyon). Boca Raton (FL): CRC Press. ISBN0-8493-0486-5. Maling banggit (Invalid na <ref> tag; maraming beses na binigyang-kahulugan ang pangalang "magnet" na may iba't ibang nilalaman); $2
↑Weast, Robert (1984). CRC, Handbook of Chemistry and Physics. Boca Raton, Florida: Chemical Rubber Company Publishing. pa. E110. ISBN0-8493-0464-4.