Tagagamit:Emir214/Mga artikulong aking nasimulan

Ito ay talaan ng mga artikulong aking nasimulan. I-uupdate ko ito kung sakaling may nasimulan akong bago.


Kasaysayan ng Pilipinas

Nagsimula ang kasaysayan ng Pilipinas nang dumating ang mga sinaunang tao sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga tulay na lupa 30,000 taon na ang nakalilipas. Ang unang tala na pagbisita na mula sa Kanluran ay ang pagdating ni Fernando Magallanes sa pulo ng Homonhon, sa timog-silangan ng Samar noong 16 Marso 1521. Nagtayo ng mga permanenteng paninirahan sa Cebu kasabay ng ekspedisyon ni Miguel López de Legazpi noong 1565, at marami pang mga paninirahan ang itinatag pa-Hilaga hanggang sa maabot ng mga kolonyalista ang Look ng Maynila sa pulo ng Luzon. Nagtatag ng isang ciudad (town) sa Maynila at dito nagsimula ang panahon ng kolonyalisasyon ng Espanya na nagtagal ng tatlong siglo.



Bagyong Durian (2006)

Ang Bagyong Durian (internasyonal na designasyon: 0621, designasyon ng JTWC: 24W, pangalan ng PAGASA: Reming) ay ang labingwalong bagyong pumasok sa Pilipinas noong taong 2006. Nagdulot ito ng malawakang pinsala sa Pilipinas at Vietnam. Nagdulot ito ng pagkamatay ng maraming tao nang gumuho ang lupa galing sa Bulkang Mayon sa mga palibot na barangay. Ayon sa Joint Typhoon Warning Center, si Reming ang ika-24 na tropical depression, ika-23 na tropical storm, ika-14 na typhoon at ika-7 na super typhoon na humagupit sa mga karatig-bansa ng Karagatang Pasipiko noong taong iyon. Ang pangalang "Durian" na pandaigdig na pangalan nito ay isinumete ng Thailand na tumutukoy sa prutas na Durio zibethinus.



Colombo

Ang Colombo ay ang pinakamalaking lungsod at ang komersyal na kabisera ng Sri Lanka. Matatagpuan ito sa kanlurang bahagi ng pulo at malapit sa Sri Jayawardenepura Kotte, ang administratibong kabisera ng Sri Lanka. Mahigit 600,000 katao ang naninirahan dito.


Disney Channel

Ang Disney Channel ay isang pambatang istasyon ng telebisyon sa Estados Unidos at ilang mga lugar sa mundo. Ito ay bahagi at pinamamahalaan ng grupo ng mga istasyon ng Disney-ABC Cable, isang dibisyon ng Kompanya ng Walt Disney. Nakabase ito sa Burbank, California, na malapit sa pangunahing opisina ng Disney.


La Solidaridad

Ang La Solidaridad ang naging pangalan ng isang samahan ng mga Pilipinong ilustrado sa Espanya na naghangad na magkaroon ng representasyon ang Pilipinas sa Cortes Generales. Ito rin ang naging pangalan ng opisyal na pahayagan ng samahan na itinatag noong 13 Disyembre 1888.





Kubo

Ang bahay kubo ay ang pambansang bahay ng Pilipinas. Ang bahay kubo ay gawa sa kawayan na pinagtali. Angkop ito laban sa hangin at ulan. Ngunit ito ay madaling masira sa mga bagyo at madaling palitan.



Mga Gobernador-Heneral ng Pilipinas

Ang mga gobernador-heneral ng Pilipinas ang namuno sa Pilipinas sa panahon ng mga Espanyol at Amerikano.


Paaralang Elementarya ng Nemesio I. Yabut

Ang Paaralang Elementarya ng Nemesio I. Yabut (NIYES) ay isang Pilipinong pampublikong paaralan na matatagpuan sa Kalye Escuela, Guadalupe Nuevo, Lungsod ng Makati, Pilipinas.



Pangulo ng Kyrgyzstan

Ang Pangulo ng Kyrgyzstan ay ang head-of-state at ang pinakamataas na pinuno ng Republika ng Kyrgyz. Ang pangulo, ayon sa konstitusyon nito, "ang Pangulo ay ang simbolo ng pagkakaisa ng mga tao at ang kapangyarihan ng estado, at siya ang tagapangalaga ng Saligang-Batas ng Republika ng Kyrgyz, at ng isang indibidwal at ng mamamayan." Siya ay direktang inihahalal ng hindi lalagpas sa dalawang termino ng mga nakarehistrong mga mamboboto. Itinatag ang posisyong ito noong 1990 na pumalit sa Chairman of the Supreme Council na itinatag noong 1936 nang kilala pa ang bansa sa pangalang Kyrgyz SSR.


Serenata (koro)

Ang SERENATA ay isang korong binubuo ng mga Pilipinong bata sa Jeddah, Saudi Arabia. Ginanap ang una nitong konsyerto sa Auditorium ng Ospital ng Saudi-German, na matatagpuan rin sa Jeddah, Saudi Arabia.



Windows Vista

Ang Windows Vista ay ang pinakabagong bersyon ng Microsoft Windows, isang pamilya ng mga operating systems na ginagamit sa mga kompyuter na personal, pambahay man o pantrabaho. Bago ang anunsyo noong 22 Hulyo 2005, ang Vista ay kilala sa codename nitong Longhorn. Noong 8 Nobyembre 2006, natapos ang paggawa ng Windows Vista at ito ay ni-release to manufacturing. Sa mga sumunod na buwan, ito ay ipinamahagi sa mga MSDN, TechNet Plus at TechNet Direct subscribers, mga manggagawa ng hardware at software ng mga kompyuter. Ito ay ipinamahagi sa mga publiko noong 30 Enero 2007. Ito ay ipinamahagi mahigit limang taon ng pamamahagi ng Windows XP, na nagpatunay na ito ang pinakamahabang panahon sa gitna ng dalawang bersyon ng Windows.


Imperyong Ottoman

Ang Imperyong Ottoman (Ottoman Turkish: دولت عالیه عثمانیه Devlet-i Âliye-yi Osmâniyye) ay isang Muslim na estado na matatagpuan sa Turkey na nagtagal mula noong ika-13 siglo hanggang noong ika-20 siglo.


Rebolusyon sa Kultura

Ang Rebolusyon sa Kultura (Ingles: Great Proletarian Cultural Revolution; Simplified Chinese: 无产阶级文化大革命, Tradisyonal na Wikang Tsino: 無產階級文化大革命; pinyin: Wúchǎn Jiējí Wénhuà Dà Gémìng) ay isang pulitikal na kampanya sa Tsina na inilunsad ng pinuno ng Partidong Komunista ng Tsina, si Mao Zedong upang mawala ang kanyang mga kalaban at mapabago ang lipunan ng Tsina. Libu-libo ang namatay at milyon-milyon ang ipinakulong at ipinatapon dahil dito. Nagtagal ito ng sampung taon hanggang 1976.


Ebolusyon

Ang ebolusyon ay ang unti-unting pagbabago ng mga minanang katangian ng mga hayop at halaman sa iba't ibang henerasyon. Ang mga katangiang ito ay nakalagay sa mga gene na kinokopya at ipinapasa sa kanilang mga anak sa reproduksiyon. Ang mga pagbabago sa mga gene na ito ay maaaring makagawa ng mga bago at pinalitan na mga katangian, na nagdudulot ng pagkakaiba sa pagitan ng mga organismo. Ang ebolusyon ay nagaganap kung ang iba't ibang mga katangian ay nagiging pangkaraniwan o bihira sa isang populasyon. Maaari itong maganap sa pamamagitan ng genetic drift, o sa pamamagitan ng kahalgahan ng mga katangiang reproduktibo sa pamamagitan ng natural na seleksiyon.


Museo

Ang museo ay isang lugar na bukas sa publiko kung saan inilalagay ang mga mahahalagang bagay ukol sa sining kasaysayan ng isang bansa.


Museo ng Ayala

Ang Museo ng Ayala ay isang pang-sining at pang-kasaysayang museo sa kanto ng Makati Avenue at Kalye Legaspi, katabi ng Greenbelt Mall sa Lungsod ng Makati, Pilipinas. Ito ay isa sa mga bantog sa museo sa Pilipinas, isa na rin ito sa mga pinaka-moderno.


Lungsod ng San Pablo

Ang Lungsod ng San Pablo ay isang ikalawang klaseng lungsod sa Laguna. Ito ay tinatawag rin na "Lungsod ng Pitong Lawa", dahil sa pitong mga lawang makikita rito, ang Sampalok, Palakpakin, Yambo, Bunot, Pandin, Muhikap at Calibato. Ito ay isa sa mga pinakamatandang lungsod sa Pilipinas. Ang Lungsod ng San Pablo ay naging bahagi ng Bay. Noong 1756, nilipat ito sa Batangas ngunit isinauli ito sa Laguna noong 1883. Noong 1940, sa bisa ng pagpasa ng Batas Komonwelt Blg. 920, naging isa ito sa mga lungsod sa Pilipinas. Ayon sa sensus noong 2000, may populasyon ito ng 207,927 katao sa 44,166 pamilya ngunut noong 2005, nataasan nito ng Lungsod ng Santa Rosa bilang ang pang-apat na pinakamalaking lungsod o bayan sa Laguna, na nagpababa sa ranggo nito bilang ikalima matapos ang Calamba, San Pedro, Biñan at Santa Rosa.


Tennessee

Ang Tennessee ay isang estado ng Estados Unidos na matatagpuan sa timog ng bansang ito. Noong 1796, ito ang naging ika-16 na estado na sumali sa unyon. Kilala ito sa palayaw na "Volunteer State", na natamo nito sa Digmaan ng 1812, kung saan mahalaga ang ginampanan ng mga boluntaryong sundalo mula sa Tennessee, lalo na sa Labanan ng New Orleans. Ang kapital nito ay ang Nashville at ang pinakamalaking lungsod nito ay ang Memphis.


Tempo (musika)

Ang tempo (Salitang Italyano para sa "oras", mula sa salitang Latin na tempus) ay isang elemento ng musika na tumutukoy sa bilis o bagal ng pagtugtog. Ito ay mahalagang elemento ng tunog, dahil nakaaapekto ito sa kondisyon at kahirapan sa pagtugtog ng isang awit.


Microsoft Windows

Ang Microsoft Windows ay isang pamilya ng mga operating systems na gawa ng Microsoft. Unang inilabas ng Microsoft ang operating environment na Windows noong 1985 bilang isang dagdag sa MS-DOS, sa lumalaking terno ng mga graphical user interface. Hindi naglaon ay naging laganap ang paggamit ng Microsoft Windows. Sa pulong ng IDC Directions noong 2004, sinabi ni Avneesh Saxena, pangalawang pangulo ng IDC na nakuha ng Windows ang 90% ng pamilihan ng mga kliyenteng operating systems.


Internet Explorer

Ang Windows Internet Explorer (dating kilala bilang Microsoft Internet Explorer, MSIE at IE) ay isang web browser na ginawa ng Microsoft at isinasama sa mga bersyon ng Microsoft Windows. Pinakamaraming kompyuter ang gumagamit ng Internet Explorer mula pa noong 1999.


Guinness World Records

Ang Guinness World Records, kilala hanggang noong 2000 bilang ang The Guinness Book of Records (at sa mga lumang isyu sa Estados Unidos ay tinawag na ang The Guinness Book of World Recods) ay isang aklat na nililimbag taun-taon, kung saan mababasa ang talaan ng mga internasyunal na rekord. Hinahawak rin nito ang rekord ng pinakamabentang aklat sa mundo.


Unang Republika ng Pilipinas

Ang Unang Republika ng Pilipinas (opisyal na tinawag na Repúblika Filipina, Ingles: Philippine Republic) ay ang pamahalaan ng Pilipinas na itinatag kasabay ng proklamasyon ng Konstitusyon ng Malolos noong 23 Enero 1899 sa Malolos, Bulacan hanggang sa pagdakip at pagsuko ni Emilio Aguinaldo, ang Pangulo ng republika, sa mga sundalong Amerikano noong 23 Marso 1901 sa Palanan, Isabela, na nagtapos sa Unang Republika. Ito ang unang republikang itinatag sa Asya ng mga Asyano.


Batas Tydings-McDuffie

Ang Batas Tydings-McDuffie (opisyal na pangalan: Batas sa Kalayaan ng Pilipinas; Pampublikong Batas Blg. 73-127) na inaprubahan noong 24 Marso 1934 ay isang pederal na batas ng Estados Unidos na nagkaloob ng nagsasariling pamahalaan ng Pilipinas at ng kalayaan nito (mula sa Estados Unidos) matapos ang sampung taon.


Sputnik

Ang programang Sputnik ay isang serye ng mga misyong pang-kalawakan na inilunsad ng Unyong Sobyet noong huling mga taon ng dekada 1950 para ipakita ang pagiging praktikal ng mga artipisyal na satellite. "Kasama sa pagbabiyahe" ang ibig sabihin ng salitang Ruso na "Спутник". Ang pagsasabi ng salitang ito sa Ruso ay [ˈsputʲnʲɪk] o spoot'-neek, kung saan ang spoot ay sinasabi parang boot, ngunit ang kadalasang pagsasabi nito sa Ingles ay /ˈspʊtnɪk/, / ˈspʌtnɪk/ o sputt'-nick, kung saan ang sputt ay sinasabi parang nut.


Steve Jobs

Si Steven Paul Jobs (24 Pebrero 1955 -) ay isa sa mga nagtatag at CEO ng Apple Computer at ang CEO ng Pixar hanggang sa binili ito ng Disney. Siya ang pinakamalaking shareholder ng Disney ngayon at kasapi siya sa pangkat ng mga direktor ng Disney. Siya ay isang prominenteng tao sa larangan ng industriyang kompyuter at libangan.


High School Musical

Ang High School Musical ay isang Amerikanong pelikulang gawa para sa telebisyon, na ginawa at ipinamahagi ng Disney Channel noong 20 Enero 2006.


Alexander Graham Bell

Si Alexander Graham Bell (3 Marso 1847 – 2 Agosto 1922) ay isang siyentipiko at imbentor. Ipinanganak at lumaki sa Scotland, lumipat siya sa Canada noong 1870, at noong sumunod na taon, sa Estados Unidos.


Komonwelt ng mga Nasyon

Ang Komonwelt ng mga Nasyon (Ingles: Commonwealth of Nations) ay bumubuo sa 53 bansang nagsasarili na maliban sa Mozambique ay naging mga kolonya ng Kahariang Nagkakaisa.


Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Makati

Ang Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Makati (Ingles: Makati Science High School) ay isang espesyal na pampublikong sekondaryang paaralan sa Lungsod ng Makati na pinasisigla ang mga guro at estudyante na magtatag ng isang pang-akademyang komunidad na itataguyod ang pakikipagtulungang pagtuturo at pag-aaral sa pamamagitan ng curriculum nitong pang-agham na espesyal at teknolohiya.


Al Hekma International School

Ang Al Hekma International School ay isang Pilipinong pribadong paaralan sa Jeddah, Kaharian ng Saudi Arabia. Ito ay kinikilala ng Kagawaran ng Edukasyon sa Pilipinas at ng Ministro ng Edukasyon ng Saudi Arabia.




Awit ng Pagtatapos

Ang Awit ng Pagtatapos ay isang Tagalog na awit. Tungkol ito sa pagtatapos ng mga estudyante.


Serendra

Ang Serendra ay isa sa mga proyektong pang-residensyal ng Ayala Land, Inc. Matatagpuan ito sa pagitan ng 11th Avenue at McKinley Parkway, Bonifacio Global City, Taguig, Pilipinas. Inilunsad ang Serendra noong Marso 2004.


2007 na Lindol sa Kapuluang Solomon

Ang 2007 na Lindol sa Kapuluang Solomon ay naganap noong 2 Abril 2007 malapit sa pulo ng Gizo, sa Kapuluang Solomon. Tinatayang umabot sa 8.1 ang magnityud ng lindol, ayon sa United States Geological Service (USGS).


Hundred Islands National Park

Ang Hundred Islands National Park ay isang destinasyong panturista na matatagpuan sa Barangay Lucap, Lungsod ng Alaminos, Pangasinan, Pilipinas. Ito ang unang pambansang parke ng Pilipinas.



Ostrich

Ang Ostrich (Struthio camelus) ay isang ibong hindi nakakalipad na katutubo ng Aprika. Ito lamang ang nabubuhay na species ng kanyang mag-anak, Struthionidae, at ng genus na Struthio. Kakaiba ang kaanyuhan nito, na mayrrong mahabang leeg at binti, at nakakatakbo ito sa bilis na 65 km/h (40 mph).


Mickey Mouse

Si Mickey Mouse ay isang dagang komedyanyeng naging simbolo ng Kumpanya ng Walt Disney. Ginawa siya noong 1928 nina Ub Iwerks at binigyang-diin ni Walt Disney. Ginugunita ng Kumpanya ng Walt Disney ang kanyang kaarawan tuwing 18 Nobyembre 1928, sa paglalabas ng Steamboat Willie. Nagbago ang dagang mayroong katangian ng tao mula sa karakter sa mga karikatura at mga komiks sa pagiging isa sa mga kilalang sagisag sa buong mundo.


Kabayo

Ang kabayo (Equus caballus, kung minsan ay kinikilalang subspecies ng mailap na kabayong Equus ferus caballus) ay isang malaking ungulate na may di-karaniwang daliri sa paa na mammal, isa sa sampung mga makabagong species ng genus na Equus. Isa sa mga pinakamahalagang hayop sa larangan ng kabuhayan ang mga kabayo; kahit na ang kanilang kahalagahan ay bumaba dahil sa mekanisasyon, nakikita pa rin sila sa buong mundo, na nakatutulong sa buhay ng tao sa ilang mga paraan. Prominente ang kabayo sa relihiyon, mitolohiya at sining; gumanap ito ng mahalagang papel sa transportasyon, agrikultura at digmaan; pinagkukunan rin ito ng pagkain, gatong at damit.


Hello Kitty

Si Hello Kitty ang pinakakilala sa mga piksiyonal na karakter na ginawa ng kumpanyang Hapones na Sanrio.

Nakikilala si Hello Kitty, isang kakaiba at mausisang puting pusa sa kakaibang tali o ibang dekorasyon nito sa kanyang kaliwang tenga, at ang kawalan ng bibig, maliban sa animadong serye.

Ginawa sa Hello Kitty noong 1974 ng Sanrio sa Tokyo, Japan. Ipinarehistro noong 1976, kilalang tatak sa buong mundo si Hello Kitty.


Manila Water

Ang Manila Water Company, Inc.ay isang serbisyong publikong kompanya sa Pilipinas. Mas kilala sa pangalang Manila Water, ito ang may hawak sa silangang bahagi ng MWSS (Metropolitan Water Works and Sewerage System) sa pagiging pribado nito noong 1 Agosto 1997, samantalang ang katapat nito, Maynilad Water Services, Inc. ang may hawak sa kanlurang bahagi.


Japanese Spitz

Ang Japanese Spitz ay isang maliit at maputing lahi ng aso na ipinakakasta sa Siberian Samoyed dahil sa kaliitan simula noong huling mga taon ng ika-19 siglo sa Hapon. Ipinakilala ito sa Estados Unidos noong dekada 1950. Kamukha nito ang Asong Amerikanong Eskimo at Alemanyang Spitz sa laki, anyo, at talino.


Pluto

Si Pluto ay isang piksiyonal na karakter na naging sikat sa serye ng mga maiikling karikatura ng Disney. Madalas siyang nakikita bilang aso ni Mickey Mouse. Mayroon din siyang mga sariling karikatura noong dekada 1940 at 1950. Kakaiba si Pluto sa ibang mga karakter ng Disney dahil wala siyang katangian ng tao, maliban sa siya’y nagpapakita ng ilang mga ekspresyon sa mukha; ngunit ipinapakita siya bilang isang normal na aso; bagaman nakakapaglakad na parang tao ang kanyang karakter na kasuotan sa mga theme park ng Walt Disney.


Hukbong Pula

Ang Workers' and Peasants' Red Army (Ruso: Рабоче-Крестьянская Красная Армия, Raboche-Krest'yanskaya Krasnaya Armiya; RKKA o Hukbong Pula) ay ang sandatahang-lakas na binuo ng mga Bolshevik noong panahon ng Digmaang Sibil ng Rusya noong 1918 at naging hukbo ng Unyong Sobyet noong 1922. Lubhang lumaki ang Red Army upang mabuo ang pinakamalaking hukbo sa kasaysayan mula noong 1940 hanggang sa pagbagsak ng Unyong Sobyet noong 1991, bagaman maaaring mas malaki pa ang People's Liberation Army ng Tsina sa ilang mga panahon. Tinutukoy ng “Pula” ang dugong nagdanak sa pakikipaglaban para sa kapitalismo. Mula noong 1946, opisyal na binago ang pangalan ng Hukbong Pula na naging Hukbong Sobyet, ngunit ginamit pa rin ng mga taong Kanluranin ang Hukbong Pula upang tukuyin ang militar ng Sobyet matapos ang petsang iyon.


Hannah Montana

Ang Hannah Montana ay isang Amerikanong serye sa telebisyon na sinimulan noong Biyernes, 24 Marso 2006 sa Disney Channel. Nakapokus ang serye kay Miley Stewart/Hannah Montana, na ginagampanan ni Miley Cyrus, na nabubuhay bilang isang karaniwang kabataang babae sa paaralan tuwing umaga at isang sikat na mang-aawit sa gabi, ngunit nililihim niya ang kanyang tunay na pagkakakilanlan sa publiko, maliban sa kanyang mga matatalik na kaibigan at sa kanyang pamilya.


Windows Sidebar

Ang Windows Sidebar ay isang panel para sa mga Desktop Gadgets na matatagpuan sa isang gilid ng desktop sa Windows Vista.


Labanan sa Mactan

Ang Labanan sa Mactan ay naganap sa Pilipinas noong 27 Abril 1521. Natalo ng hukbo ni Lapu-Lapu, datu ng Pulo ng Mactan ang mga Espanyol na sundalo sa pamumuno ng Portuges na kapitan at eksplorer na si Fernando de Magallanes. Napatay ng mga tribung sundalo si Magallenes, na nagkaroon ng alitang pulitikal at pagkakaribal kasama si Lapu-Lapu.


Lunar rover

Ang Lunar Roving Vehicle (LRV) o ang Lunar rover ay isang sasakyang panlupang ginamit sa Buwan. Dinala ng ilan sa mga sasakyang pangkalawakang Apollo Lunar Module ang mga lunar rover sa buwan.


Programang Viking

Ang Programang Viking ng NASA ay binubuo ng dalawang misyong pangkalawakan sa Mars, Viking 1 at Viking 2. Mayroong satellite ang bawat misyon na ginamit sa pagkuha ng larawan sa lupa ng Mars mula sa orbit nito, at umanap bilang tagahatid ng komunikasyon sa Viking lander na dala ng bawat misyon. Ito ang pinakamahal at pinakaambisosyong misyon na ipinadala sa Mars. Binuo nito ang database ng impormasyon tungkol sa Mars hanggang noong huling mga taon ng dekada 1990 at ang simula ng dekada 2000.


iPod

Ang iPod ay tatak ng mga nabibitbit na media player na ginawa at ipinagbibili ng Apple. Inilunsad ito noong 2001. Mga manunugtog ng tinig ang mga kagamitang sakop ng iPod, na idinisenyo sa palibot ng gulong na kliniklik sa gitna – bagaman mayroon ding mga butones ang iPod shuffle. Noong Oktubre 2005, binubuo ang hanay ng pang-limang henerasyong iPod, na may kakayahang magpalabas ng video, ang mas maliit na iPod nano, ang ang walang displey na iPod shuffle. Nilalagay ng iPod ang media sa isang hard drive sa loob nito, samantalang ginagamit ng mas maliit na iPod nano at iPod shuffle ang flash memory. Maaari ring magsilbing panlabas na imbakan ng datos ang iPod. Idineklara ng Apple ang iPhone noong Enero 2007, isang kagamitang nagsanib sa kakayahang magpalabas ng video sa iPod, kakayahan ng isang teleponong nabibitbit at mga kakayahang may kaugnayan sa Internet.


Papillon

Ang Papillon ay isang maliit na lahi ng aso na may kakiaba, malaki at lamuymoy na tenga kung saan nakuha nito ang kanyang pangalan, ang salitang Pranses para sa paruparo. Isa sa mga pinakamatandang lahing maliliit ang Papillon. Maaari ring maging protektibo ang mga asong ito sa anumang kasapi ng pamilya, at mabuti silang magbigay ng alarma ngunit mapagmahal sila sa mga taong kilala nila. Malakas at mahilig tumakbo o manghabol ang mga papillon, ngunit mas nasisiyahan silang manatili sa loob ng bahay.


Rolex

Ang Rolex ay isang kumpanyang gumagawa ng mga relo at mga kagamitang kilala sa kanilang mataas na dekalidad, pati na rin ang kanilang presyo (mula sa kaunting libo hanggang sa humigit-kumulang sandaang libong dolyar). Naging bantog na simbolo, kahit maraming ibang tatak ng relo ay naghahandog ng mas mahal na presyo.


Windows XP

Ang Windows XP ay isang hanay ng mga operating system na ginawa ng Microsoft para sa mga desktop computer, mga laptop at mga media center. Sumisimbolo sa salitang karanasan “eXPerience” ang mga titik na “XP”. Binigyan ito ng preliminaryong pangalang “Whistler” sa panahon ng paglinang nito, na isinunod sa Whistler, British Columbia, dahil nagpadausdos ang maraming empleyado ng Microsoft sa puntahang Whistler-Blackcomb. Kapalit ng Windows 2000 at Windows Me ang Windows XP, at ito ang unang pang-konsumer na operating system na itinayo sa kernel at arkitektura ng Windows NT. Unang inilunsad ang Windows XP noong 25 Oktubre 2001, at ginagamit ang humigit-kumulang na 400 milyong kopya, ayon sa pagtataya ng isang analysta ng IDC noong Enero 2006.


Control Panel (Windows)

Ang Control Panel ay isang bahagi ng graphical user interface ng Microsoft Windows na pinapahintulutan ang mga manggagamit na tignan at baguhin ang mga kontrol, tulad ng pagdadagdag ng hardware, pagdadagdag at pagtatanggal ng mga programa, pagkokontrol sa mga manggagamit at pagpapalit ng mga opsyon tungkol sa kadalian ng paggamit sa kompyuter. Maaaring magkaroon ng karagdagang mga applet ang ibang mga programa.


Ashley Tisdale

Si Ashley Michelle Tisdale (ipinanganak noong 2 Hulyo 1985) ay isang Amerikanong aktres, mang-aawit at modelo. Matapos siyang makita sa ilang mga karakter sa telebisyon noong huling mga taon ng dekada 1990 at unang mga taon ng dekada 2000, nakilala siya ng mga batang manonood sa kanyang pagganap bilang si Madeline Fitzpatrick sa orihinal na serye ng Disney Channel (Disney Channel Original Series ) na The Suite Life of Zack and Cody at bilang si Sharpay Evans sa orihinal na pelikula ng Disney Channel (Disney Channel Original Movie) na High School Musical. Isinulong din ni Tisdale ang kanyang trabaho sa larangan ng musika at inilabas ang kanyang unang album na Headstrong noong 6 Pebrero 2007.


Kim Possible

Ang Kim Possible ay isang Amerikanong serye sa telebisyong tungkol sa isang kabataang lumalaban sa krimen, na mayroong gawaing makitungo sa mga isyung pang-unibersal, pampamilya at pampaaralan araw-araw. Medyong nauukol sa aksiyon ang palabas na ito, ngunit mayroon itong malakas at magaang atmospera at ginagawang komedya ang mga kumbensiyon at cliché ng mga klaseng aksiyon at sikretong ahente.


That's So Raven

Ang That’s So Raven ay isang Amerikanong palabas sa telebisyong situwasyonal na komedyang na ipinapalabas sa Disney Channel. Nanominado ito sa Emmy Awards. Tungkol ang serye sa buhay ni Raven Baxter at sa kanyang mga planong hindi madawit sa iba’t ibang mga sitwasyon ang kanyang sarili, kanyang mga kaibigan at mga kasapi ng kanyang pamilya tulad nila Eddie, Chelsea at ang kanyang kapatid na si Cory, karaniwang gamit ang kanyang kakaibang kakayahan sa isipan at ang kaakyahang magbalatkayo.


Pixar

Ang Pixar ay isang Amerikanong istudyong gumagawa ng animasyon sa pamamagitan ng kompyuter na matatagpuan sa Emeryville, California, Estados Unidos. Kilala ito sa mga animadong palabas na gawa sa CGI – tulad ng Toy Story, Findiing Nemo, at Cars na gawa sa kanilang software na nauukol sa pamantayang pang-industriya. Tinatawag itong RenderMan na ginagamit upang makabuo ng mga larawang mataas ang kalidad at mukhang totoo.


Windows Mobility Center

Ang Windows Mobility Center ay isang bahagi ng Microsoft Windows na ipinakilala sa mga priming bersyon ng Windows Vista, kung saan makikita ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa paggamit ng mga kompyuter na nabibitbit.


Erik Morales

Si Erik Isaac Morales Elvira (ipinanganak noong 1 Setyembre 1976 sa Tijuna, Mehiko) ay isang Mehikanong propesyonal na boksinger, at kampeon sa mga dibisyong WBC, IBF at WBO. Dato siyang kampeon sa mga dibisyong WBC/WBO Super Bantamweight (122 lb), WBC Featherweight (126 lb), WBC Super Featherweight, WBC International Super Featherweight (130 lb), at ang pinakahuli, ang dibisyong IBF Junior Lightweight (130 lb).