2009 sa Pilipinas
Ang artikulong ito ay nagbibigay ng isang pangkalahatang-ideya sa mga pinakamahahalagang mga kaganapang nangyari sa taong 2009 sa Pilipinas.
Panunungkulan
baguhinKaganapan
baguhinEnero
baguhin- Enero 1 -- Pinarangalan si Manny Pacquiao bilang "Kampiyon ng mga Kampiyon" ng ESPN Star sports sa Singapore matapos makakuha ng higit isang milyong boto.
- Enero 3 -- Sa ulat, nangailangan ang Gitnang Silangan ng mahigit 20, 000 nars na Pilipino.
- Enero 4 -- Dahil sa umiigting na kuguluhan sa Gaza ang mga manggagawang Pinoy doon ay inililikas patungong bansang Jordan pagkatapos ay lumipad patungo sa Pilipinas.
- Enero 5 - Ang anak ng Kalihim ng Agrikultura Nasser Pangandaman at apat na iba pa ay kinasuhan na may kaugnayan sa panggugulo kay Delfin dela Paz at sa kanyang 14-taong gulang na anak sa harapan ni Pangandaman.[1]
- Enero 6 -- Pinarangalan ang labindalawang pinagpipitaganang Pilipino sa bansang Guam.[2]
- Enero 7 -- Ipinahayag ng tagapangasiwa ng Bangko Sentral ng Pilipinas na si Amando M. Tetangco na ang 2009 ay magiging kritikal na taon sa Pilipinas.
- Enero 9-10 -- Nasugatan ang 227 katao sa itinuturing na pinakamahabang prosisyon ng Itim na Nazareno sa Quiapo, Maynila.
- Enero 9 -- Kompyansa ang tagapamahala ng Komisyon sa Halalan na si Jose Melo na makakakuha sila ng walong bilyon o higit pa para sa awtomasyon ng halalan sa 2010.
- Enero 10 - Ang malaking bahagi ng Katimugang Mindanao ay nawalan ng kuryente matapos ang mga pagsabog na sumira sa mga pangunahing linya ng kuryente sa Lanao del Norte. Ang mga pagsabog ay isinisi sa Moro Islamic Liberation Front.
- Enero 12 -- Matapos makabalik dito ng ligtas ng 16 na manggagawang Pinoy sa ibang bansa, sinabi ng isang opisyal ngPamahalaan ng Pilipinas na marami pa ang kailangang ilikas sa ginigiyerang teritoryo ng Gaza.
- Enero 14 -- Pinakawalan ng mga pirata ang 21 isang pinoy na mandaragat sa bansang Somalia.
- Enero 15
- Dinukot ang tatlong volunteer mula sa International Committee of the Red Cross, ng rebeldeng grupo ng teroristang Islamikong Abu Sayyaf sa isla ng Jolo sa Sulu. Ang tatlong ito ay isang Filipino (Mary Jean Lacaba, 44), isang Swiss (Andreas Notter, 38) at isang Italyano (Eugenio Vagni, 62).[3][4]
- Kinondena ng mga mahistrado ang pagpapatalsik sa Punong Mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas na si Reynato Puno.
- Enero 16 -- Nanumpa ang namumunong Hukom ng Sandiganbayan na si Diosdado Peralta bilang ikalabinlimang mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas.
- Enero 22 -- Naaprubahan sa Senado ang Pambasang Salaping Gugulin ng Pilipinas para sa taong 2009.
- Enero 24 -- Inihayag na magbibigay ang bansang Hapon ng 860 milyon yen (umaabot sa $9.5 milyon) halaga ng pagkain para sa mga tao sa Mindanao.
- Enero 25 -- Inihayag na nais ng Iraq na tanggalin na ng pamahalaan ng Pilipinas ang pagbabawal sa mga manggagawang Pinoy sa kanilang bansa.
- Enero 26 -- Sumabak si Pangulong Arroyo sa limang araw na pagbisita sa bansang Switzerland at Bahrain para ipagmalaki ang interes pang-ekonomiya ng bansa at ang kagalingan ng mga manggagawang Pinoy.
- Enero 27 -- Inihayag na bibisita ang Sultan at Punong ministro ng Brunay na si Hassanal Bolkiah Mu’izzaddin Waddaulah sa Maynila para patatagin ang 25 taong relasyon sa pagitan ng Brunay at ng Pilipinas.
- Enero 29
- Labing-isang katao ang namatay nang ang isang pagawaan ng paputok ay sumabog sa Trece Martires, Cavite.
- Nilagdaan ng Pamahalaan ng bansang Hapon ang 455 milyong pisong halaga sa pakikipagtulungan sa Nagkakaisang mga Bansa pambili ng 7,500 na metrikong tonelada ng bigas para sa mga naapektuhan ng kaguluhan sa katimugang bahagi ng Pilipinas.
- Enero 30 -- Inihayag na makikilahok ang pitong mga korporasyon sa konstruksiyon na isinama ng Bangkong Pandaigdig sa blacklist, sa mga pamimilian sa gagawa proyekto ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan ng Pilipinas sa Pebrero.
- Enero 31 -- Nangako ang ilang matataas na opisyal sa Palawan na gagawa sila ng mga hakbangin upang isulong sa Kapulungan ng mga Kinatawan na mapasama ang Kapuluan ng Kalayaan sa teritoryo ng Pilipinas.
Pebrero
baguhin- Pebrero 1 -- Pormal nang ipinahayag ng Pamahalaan ng Pilipinas sa pamahalaan ng Malaysia na handa na ito upang ibalik ang mga usaping pangkapayapaan sa pagitan nito at ng Moro Islamic Liberation Front.
- Pebrero 6 -- Testigo ang pangulo ng Pilipinas na si Gloria Macapagal-Arroyo at ang Punong ministro ng Kaharian ng Bahrain na si Shaikh Khalifa Salman Al Khalifa sa paglagda sa kasunduang magpapatibay sa pagtutulungan sa pagsasaka atpangisdaan ng dalawang bansa.
- Pebrero 7 -- Pinasinayaan ng Pamahalaan ng bansang Hapon ang dalawang malaking proyekto para mapaangat ang pangangalaga sa kabataan at mapabuti pa ang kalidad ng mga produkto mula sa Nagsasariling Rehiyon ng Muslim sa Mindanao o ARMM.
- Pebrero 8 -- Aliwan at Kultura. Si Marife Necesito ay nakasama para sa pelikulang "Mammoth" na bahagi ng ika-59 Berlin Film Festival sa Berlin, Germany.[5]
- Pebrero 10 -- Iniulat na isang daang lumba-lumba ang hindi makaalis sa mababaw na katubigan sa Maynila.
- Pebrero 11 -- Iniulat na hindi kasama ang Pilipinas sa bibisitahin ng Kalihim ng Estado ng Estados Unidos na si Hillary Clinton sa kanyang unang pagbisita sa Asya.
- Pebrero 13 - Sa Lungsod ng Lamitan, isang tubong-Sri Lanka ang binihag ng Abu Sayyaf. Ang tao ay miyembro ng isang pandaigdig na kilusan ng kapayapaan.
- Pebrero 18 -- Inihayag na bukas ang Palasyo ng Malakanyang na repasohin ang Kasunduan sa mga Bumibistang Puwersa o Visiting Forces Agreement pagkatapos magpasya ang Korte Suprema ng Pilipinas na dapat nasa kustodiya ng Pilipinas ang nahatulang manggagahasang sundalong Amerikanong si Daniel Smith.
- Pebrero 20 -- Ayon sa kalihim ng Kagawaran ng Katarungan ng Pilipinas na si Raul Gonzalez, maaari umanong ilagay sa kustodiya ng Opisina ng Embahador ng Pilipinas sa Estados Unidos ang manggagahasang si Lance Corporal Daniel Smith.
- Pebrero 23 - Ang mamahmahayag sa radyo na si Ernie Rollin ay pinatay sa Lungsod ng Oroquieta.
- Pebrero 25 -- Pinuna ng dating Pangulong Fidel Ramos si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa hindi nito pagdalo sa mga seremonya ng ika-23 anibersaryo ng EDSA I.
Marso
baguhin- Marso 1
- Sa isang bukid sa Pandi, Bulacan ay nagsimulang piliin ang 6,000 baboy matapos matuklasan ang nakahahawang Ebolo-Reston virus.
- Nasentensyahan ng hindi bababa sa 16 na buwang pagkabilanggo sa estado ng Chicago ang bookkeeper ng pambansang kamao ng Pilipinas na si Manny Pacquiao matapos na hindi ito kumontra sa mga pagdinig sa kaso.
- Marso 6 - Sa mababaw na katubigan sa silangan ng Pilipinas, natuklasan ng mga mangingisda ang isang bagong panganak na butanding. Naging unang incubation ng butanding na maaaring matuklasan kailanman. Ang sanggol na butanding ay natagpuan sa dalampasigan ng Pilar, malapit sa Donsol, na kilala sa mga karaniwang mga butanding doon.
- Marso 9
- 2,000 mga tao ang nawalan ng bahay sa sunog sa isang slum sa Maynila.
- Iginawad ni Pangulong Arroyo kay yumaong Francis Magalona ang postumong Presidential Medal of Merit (Pampanguong Medalya ng Merito) dahil sa kanyang pagtataguyod ng nasyonalismo sa kanyang musika.
- Marso 13 -- Naganap ang insidenteng kinasangkutan ng fashion designer na si Boyet Fajardo sa isang tindahan sa Lungsod Parañaque.[6][7]
- Marso 25 -- Nagbanta ang mga Abu Sayyaf, isang Pilipinong militante, na pupugutan nila ang isa sa tatlong bihag na mga buluntaryo ng Kilusan ng Pulang Krus sa susunod na linggo kung hindi puwersahang iaatras ng pamahalaan ng Pilipinas ang tropang militar sa Jolo, Sulu.
- Marso 28
- Sa isang banggaan sa pagitan ng van at trak sa Naga, malapit sa Lungsod ng Cebu, labintatlong katao ang patay at apat na katao ang malubhang nasugatan.
- Sa labanan sa lalawigan ng Maguindanao, 20 Muslim separatists at walong marines ay napatay.
Abril
baguhin- Abril 2
- Isang empleyado ng Philippine Red Cross na dinukot noong Enero 15 ng Abu Sayyaf ay pinalaya. Ang mga kasamahang Swiss at Italyano ay bihag pa rin. Ayon sa pamahalaan, walang pantubos na ibinayad.
- Tinalikdan ng piskal na Dutch ang pag-uusig kay Jose Maria Sison para sa di-umano'y kinalaman niya sa dalawang pagpatay noong 2003 at 2004.
- Ang isang maliit na pribadong eroplano na may lulang pitong katao ay nawala sa isang biyahe mula sa Lungsod ng Tuguegarao hanggang Maconacon, Isabela. Ang eroplano ay pinangangambahang bumagsak.
- Abril 3 - Isang bomba ang sumabog sa isang restawran sa Basilan, dalawang dumaraan lamang ang namatay at walong iba pa ang nasugatan.[8]
- Abril 7
- Isang pagsabog sa isang pabrika sa Santa Maria, Bulacan, mga 13 manggagawa ang namatay.[9]
- Sa pagbagsak ng isang pampanguluhang helicopter sa isang masukal at makahoy na bahagi ng Kabayan, Benguet, lahat ng hindi bababa sa walong mga pasahero ang nasawi. Isinakay ng Bell 412 ang limang mga miyembro ng kawani ng presidente sa Ifugao bilang paghahanda sa binabalak na pagbisitang pampanguluhan.[10]
- Abril 18 -- Napalaya ng Abu Sayyaf ang Swisong manggagawa ng Pulang Krus na si Andreas Notter mula sa pagkabihag saPilipinas.[11]
- Abril 26 - Sa Maynila, isang kaloobang quintuplets ang ipinanganak na buhay. Ayon sa mga doktor, ito ang kauna-unahang ipinanganak na buhay na quintuplets sa Pilipinas. Anim na araw na lumipas, isa sa limang mga sanggol ay pumanaw na.[12][13]
- Abril 29 -- Tinaas ng Samahan ng Pandaigdigang Kalusugan ang alarma para sa Trangkasong pang-baboy.
Mayo
baguhin- Mayo 2
- Natalo ng Pilipinong boksingerong si Manny Pacquiao si Ricky Hatton dahil sa pagkatumba ni Hatton sa ikalawang yugto ng laban.[14]
- Nanatili ang lakas ng bagyong Dante na mabagal na umuusad patungong Sorsogon.[15]
- Mayo 4 -- Kumitil ang bagyong Dante ng labing-tatlong katao sa Rehiyon ng Bikol.
- Mayo 5 - Ang unang bagyo ng taon, sa loob ng ilang araw, ay dumating at nanalasa sa Kabikulan at hindi bababa sa 25 katao ang patay. Karamihan sa mga namatay ay mula sa pagguho ng lupa sa Barangay Hubo, Magallanes, Sorsogon, na halos ganap na nawasak . Bunga ng bagyo, higit sa 236,000 katao ang inilikas sa limang lalawigan ng Bicol.[16]
- Mayo 6 -- Sa Cebu, 3 ang inoobserbahan sa hinihinalang kaso ng trangkaso ng baboy.
- Mayo 7 -- Inihayag na handang umuwi na ang dating Pangulo ng Pilipinas na si Corazon Aquino pagkatapos ng maopera sa kolon.
- Mayo 8
- Ang sumunod na bagyong pinangalanang Emong (pandaigdig na pangalan: Chan-hom) ay nanalasa sa Hilagang Luzon, nananlata partikular sa mga kanlurang bayan ng Pangasinan, at hindi bababa sa 30 katao ang patay. Ang karamihan sa mga namatay ay mula sa mga pagguho ng lupa.
- Dumating ang boksingerong si Manny Pacquiao sa Pilipinas sa kabila ng babala ng Kagarawan ng Kalusugan na ipagpaliban ito hinggil sa panganib sa bayrus na H1N1.
- Mayo 10 -- Sinalanta ng Bagyong Emong ang mga lalawigan ng Ifugao at Pangasinan na nagdulot ng 33 patay at 30 nasugatan.
- Mayo 15 -- Iniulat na ayon sa mga ekonomista ng Unibersidad ng Asya at ng Pasipiko, sa mga nagdaang limang Pangulo ng Pilipinas, si Pangulong Arroyo ang nangunguna sa pagpapalakas ng ekonomiya ng Pilipinas.
- Mayo 18 - Sa pagguho ng lupa sa Pantukan, Davao de Oro (dating Compostela Valley), hindi bababa sa 26 manggagawa mula sa isang kalapit na minahan ng ginto ang namatay. May mga 19 pang mga tao ang nawawala.
- Mayo 22
- Iniulat na tiniyak ng Kagawaran ng Kalusugan ng Pilipinas ang unang kaso ng H1N1 bayrus sa bansa. Ito ay isang 10-taon gulang na Amerikanong batang babae, na nagsimulang magpakita ng sintomas, isang araw matapos ang pagdating nito.
- Naaksidente ang Pilipinong aktor na si Richard Gutierrez habang nagmamaneho ito ng kotse sa Silang, Cavite, isang pasahero ang nasawi at isa pa ang nasugatan.
- Mayo 23 -- Sa kabila ng iskandalong kinakasangkutan nina Katrina Halili at Hayden Kho, sinusulong ng pamahalaan ng Pilipinas ang pagpaparusa sa pornograpiya.
- Mayo 24 - Ang isang malaking lantsang biyaheng Batangas at Puerto Galera sa Mindoro ay lumubog at 12 pasahero ang namatay.
- Mayo 27 -- Iniulat na gumagaling na dalawang Pilipino na tinamaan ng H1N1 na bayrus.
- Mayo 28 -- Tiniyak ng Pangulo ng Pilipinas na si Gloria Macapagal-Arroyo na magkakaroon ng halalan sa 2010 sa kabila ng pagsanib ng Lakas-Kampi-CMD.
- Mayo 29
- Nanawagan ang mga Mambabatas ng Pilipinas na ipagpaliban ang pagbubukas ng klase sa Hunyo 1 dahil sa patuloy ng pagtaas ng bilang ng mga kaso ng H1N1 sa Pilipinas.
- Iniulat na ayon sa Samahan ng Pandaigdigang Kalusugan, 1 sa 3 kabataang Pilipino ang naninigarilyo.
- Aliwan at Kultura. Ginawaran ang Film Director na si Brillante Mendoza ng tropeong Best Director sa Cannes International Film Festival sa France, para sa kanyang pelikulang "Kinatay", ang unang Pilipinong direktor na nakakuha ng isang prestihiyosong parangal.[17]
- Aliwan at Kultura. Napabilang ang dalawang Pilipino na sina Melissa Peñafiel at Miguel Ocampo sa 18 finalists sa isang pandaigdigang video contest na na-isponsor ng U.S. Department of State, sa kanilang tatlong-minutong video film tungkol sa demokrasya na pinamagatang "Long Live the Fearless Man."[18]
Hunyo
baguhin- Hunyo 23
- Nanlanta ang bagyong Feria sa Silangang Samar.
- Sang-ayon sa isang Pilipinong Kongresista, isang empleyado ng Kapulungan ng Kinatawan ang unang kaso ng A H1N1 sa Pilipinas na namatay.
Hulyo
baguhin- Hulyo 11 -- Patuloy pa rin ang mga Misa ng Paggaling para sa dating Pangulo ng Pilipinas na si Corazon Aquino na lumalaban sa kanyang sakit na kanser.
- Hulyo 12 -- Pinalaya mula sa Sulu ng grupong Abu Sayyaf ang bihag nitong Italyanong si Eugenio Vagni, ang huling bihag sa tatlong mga manggagawang kasapi ng Pandaigdigang Komite ng Pulang Krus na dinukot noong Enero sa Jolo.
- Hulyo 19 -- Ipinahayag ng boksingerong ni Shane Mosley na handa siyang labanan si Manny Pacquiao sa timbang na 140 na libra.
- Hulyo 27
- Ipapahayag ng Pangulo ng Pilipinas na si Gloria Macapagal-Arroyo sa kanyang ika-9 na Talumpati sa Kalagayan ng Bansa ang kanyang mga nagawa at hihimukin ang pagkakaisa.
- Ipinagdiwang ng mga kasapi ng Iglesia ni Cristo ang kanilang ika-95 anibersaryo sa dalawang lugar sa Kalakhang Maynila.
- Iniulat na kumalat ang kanser sa buong katawan ng dating Pangulo ng Pilipinas na si Corazon Aquino ngunit nasa matatag na kondisyon.[19]
- Hulyo 29 -- Sinabi ng tagapagsalita ng dating Pangulong Corazon Aquino ng Pilipinas na matatag na ang kalagayan ng dating Pangulo pagkatapos kumalat ang kanser sa ibang parte ng katawan at pagbagu-bagong presyon ng dugo.
Agosto
baguhin- Agosto 1 -- Pumanaw si dating Pangulong Corazon Aquino sa ganap na 3:18 ng umaga (oras sa Pilipinas), sa sakit ng kanser sa kolon, sa gulang na 76. Ipinahayag ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang sampung araw ng pambansang pagluluksa para sa pagpanaw ng dating Pangulo.[20]
- Agosto 12 - Matagal na pakikipaglaban sa pagitan ng hukbo ng Pilipinas at mga rebeldang Abu Sayyaf sa isla ng Basilan kung saan 23 sundalo at 31 rebelde ang napatay.
Setyembre
baguhin- Setyembre 2 -- Nagbigay daan si Senador Mar Roxas para kay Senador Benigno Aquino III upang maging kandidato ng Partido Liberal para sa pagkapangulo ng Pilipinas.
- Setyembre 6 - Ang barkong Superferry 9, na mula sa Lungsod ng General Santos sa Mindanao at patungong Lungsod ng Iloilo sa Panay, ay lumubog sa dalampasigan ng Lungsod ng Zamboanga. Sa 968 kataong sakay nito ay hindi bababa sa siyam ang namatay.
- Setyembre 9 - Inihayag ni Benigno Aquino III, eksaktong 40 araw matapos ang kamatayan ng kaniyang ina, ang paglahok sa halalang pampanguluhan ng 2010.
- Setyembre 21 -- Nakubkob ng pwersa ng pamahalaan ang pangunahing kampo ng Abu Sayyaf sa isla ng Jolo, kung saan nasawi ang 19 na mga militante.
- Setyembre 26 - Nagtala ng pinakamaraming bagsak ng ulan ang Bagyong Ondoy (Internasyunal na pangalan: Ketsana) sa Maynila, Pilipinas na nagdulot sa pagpapahayag ng isang "katayuan ng sakuna" (state of calamity) sa 25 mga lalawigan hinggil sa matinding pagbaha. Nakaranas ang Maynila ng pinakamatinding pag-ulan sa loob ng halos kalahating siglo, na may taas na 424.2 milimetro (16.7 talampakan) sa loob ng 12 oras.[21][22]
Oktubre
baguhin- Oktubre 14 - Pananalanta ng Bagyong Pepeng sa Pilipinas na nagdulot ng pagkamatay ng 311 katao at pagkasira ng mahigit 18 Bilyong Pisong halaga sa Agrikultura ayon sa NDCC.
- Oktubre 19 -- Ang una sa dalawang pinakamalaking padala ng pagkain mula sa Pandaigdigang Programa sa Pagkain ng Mga Nagkakaisang Bansa ay dumating na sa Pilipinas kahapon para sa mga biktima ng Bagyong Ondoy at Bagyong Pepeng doon.
Nobyembre
baguhin- Nobyembre 4 -- Inihayag ng Kalihim ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal ng Pilipinas na si Ronaldo Puno ang tiwala na hindi na kailangan ng tulong ng ibang bansa sa pagresolba sa pagkakadukot kay Fr. Michael Sinnott.
- Nobyembre 12
- Napalaya na ang 79-taong-gulang na paring Irish, Fr. Michael Sinnott, na nabihag ng mga rebelde sa Pilipinas.[23]
- Dumating sa Pilipinas ang Kalihim ng Estado ng Estados Unidos Hillary Clinton para patibayin ang ugnayan ng dalawang bansa sa paglaban sa mga militanteng Islam.
- Nobyembre 15 - Palakasan: Boksing. Tagumpay ni Manny Pacquiao. Nagwagi ang boksingerong Pinoy na si Manny Pacquiao laban sa Puerto Ricong si Miguel Cotto. Kampeyon si Pacquiao sa limang weight-classes matapos manalo sa Light Welterweight. Tinaguriang pinakadakilang mandirigma sa panahong ito ni Freddie Roach si Manny.[24]
- Nobyembre 19 -- Nagbitiw na bilang pinuno ng nangungunang partidong Lakas-Kampi-CMD si Pangulo Gloria Macapagal Arroyo at inendorso ang kanyang dating Kalihim ng Kagawaran ng Tanggulang Pambansa Gilberto Teodoro sa pagkapangulo.
- Nobyembre 22 -- Aliwan at Kultura. Tinanghal si Efren Peñaflorida, ang nagsimula ng "silid-aralan sa kariton" sa Pilipinas para magturo sa mga mahihirap na kabataan, bilang CNN Heroes ng taong 2009.[25][26]
- Nobyembre 23 -- Dalawampu't isang (21) bangkay ang naunang nahukay sa Maguindanao matapos ang isang malagim na pamamaslang na hinihinalang may kinalaman sa napalalapit na halalan sa taong 2010. Sa Ampatuan, Maguindanao, pinatay ang grupo ng 57 mga tao nang sila ay patungo sa upang dumalo sa pagpaparehistro ni Ismael Mangudadatu bilang kandidato sa pagka-gobernador ng lalawigan ng Maguindanao sa eleksyon ng 2010. Ang grupo ay binubuo ng mga kamag-anak at mga tagasuporta ni Mangudadatu, ang isang grupo ng mga mamamahayag at ng ilang mga naparaan lang. Ayon sa mga awtoridad ng Pilipinas, ang pagpatay ay ginawa ng isang milisiya na pinangunahan ni Andal Ampatuan, Jr., na tutol sa pagkandidato ni Mangudadatu sa isang pakikibaka sa pagka-gobernador.[27][28]
- Nobyembre 24
- Inilagay ng Pangulo ng Pilipinas, Gloria Macapagal Arroyo, ang buong lalawigan ng Maguindanao sa katimugang bahagi ng Pilipinas, sa estado ng kagipitan (state of emergency) matapos ang pinakamadugong masaker na may kaugnayan sa halalan sa kasaysayan ng nasabing bansa kung saan apatnapu ang namatay kasama na ang ilang lokal na politiko at mga mamamahayag.[29]
- Nagdeklara si Senador Francis Escudero na hindi na siya tatakbo sa darating na halalan sa 2010.
- Nobyembre 25
- Umabot ang bilang ng namatay sa pamamaslang na may kaugnayan sa halalan sa Pilipinas, sa 52 katao.[30][31][32]
- Itinuring ng Pambansang Pulisya ang kaalyado sa politika ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo bilang pangunahing suspek sa pamamaslang sa Maguindanao.[33]
- Ipinatupad ang pagiging lungsod ng bayan ng Dasmariñas, Cavite, ang ika-137 na lungsod sa bansa, sa bisa ng Batas Republika Blg. 9723 na naunang nilagdaan ni Pangulong Macapagal-Arroyo, na nagsabatas na gawing lungsod ang naturang bayan.[34]
- Nobyembre 26 -- Kinasuhan sa Kagawaran ng Katarungan ng Pilipinas ang pangunahing suspek na si Andal Ampatuan, Jr. sa Pamamaslang sa Maguindanao na ikinamatay ng limampu't pitong (57) katao.[35]
- Nobyembre 27 -- MILF itinanggi ang paratang ng pangunahing suspek sa Pamamaslang sa Maguindanao, Andal Ampatuan, Jr., na sila ang may pasimuno nang nasabing pamamaslang.[36]
- Nobyembre 30 -- Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ng Pilipinas nagdeklarang tatakbo siya sa pagka-mambabatas sa darating na halalan.[37]
Disyembre
baguhin- Disyembre 2 -- Umabot sa pitumpo (70) ang bilang ng manlalayag na Pinoy na hawak ng mga pirata sa Somalya.[38]
- Disyembre 4 -- Sinalakay ng pwersa ng seguridad ng Pilipinas ang bakuran ng pamilyang pinaghihinalaan sa Pamamaslang sa Maguindanao.[39][40]
- Disyembre 5 -- Idineklara ang Batas militar sa Maguindanao ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo dahil sa nangyaring pamamaslang sa nasabing lalawigan.[41]
- Disyembre 9
- Inilabas ng Pambansang Pulisya ang tala ng isangdaan animnapu't isang (161) suspek sa pamamaslang sa Maguindanao.[42]
- Pinasinayaan ang magkasamang pulong ng Mababang Kapulungan at Senado ng Pilipinas upang pag-usapan ang pagdedeklara ng Batas militar sa Maguindanao.
- Disyembre 10 --Prinenda ng mga armadong lalaki ang labingwalo sa animnapu't limang (65) tao sa Agusan del Sur, Mindanao sa katimugang Pilipinas.[43]
- Disyembre 11 -- Pinakawalan ang 28 sa 75 katao na binihag bg isang armadong grupo sa Agusan del Sur.[44]
- Disyembre 12 -- Binawi ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang Batas militar sa Maguindanao, Pilipinas epektibo mula ika-9 ng gabi.[45][46]
- Disyembre 14 -- Pinakawalan ang natitira pang lampas sa apatnapu't bihag ng isang armadong grupo sa Agusan del Sur.[47][48]
- Disyembre 15 --Nagsimula ang paglikas sa lalawigan ng Albay dahil sa pagbuga ng laba at posibleng pagputok ng Bulkang Mayon.[49]
- Disyembre 18
- Patuloy ang pagdaloy ng lava at mga pagsabog ng mga abo sa Bulkang Mayon habang tinataya ng mga siyentipiko na maaari itong pumutok sa mga susunod na mga linggo.[50]
- Pinakawalan ng mga piratang Somali ang labing-apat na manlalayag na Pilipino.[51][52]
- Disyembre 20 -- Nagbabala ang ilang opisyal ng Pilipinas sa napipintong pagputok ng Bulkang Mayon sa mga darating na araw.[53]
- Disyembre 23 -- Idineklara na ang Pagkalungsod ng labing-anim na bayan sa Pilipinas ay ayon sa Saligang Batas ng Kataas-taasang Hukuman ng bansa.
Iba pang kaganapan
baguhin- Isa sa mga ginawaran ang abogadong si Antonio Oposa, Jr. ng Gawad Ramon Magsaysay para sa taong 2009.[54]
- Nakilala si Miko Andres sa husay niyang pag-asinta ng baril.[55]
- Aliwan at Kultura. Ipinahayag ni Rustom Padilla sa panayam noong Enero na isa na siyang BB Gandanghari.[56]
Mga Paggunita
baguhinMga okasyon sa italiko ay "special holidays," mga nasa bold ay ang "regular holidays."
Sa karagdagan, inoobserbahan ng maraming lugar ang mga lokal na pista opisyal, tulad ng pagkakatatag ng kanilang bayan. Ito rin ay "espesyal na araw. "
- Enero 1 – Unang Araw ng Bagong Taon
- Pebrero 25 – Rebolusyong EDSA ng 1986
- Abril 9
- Abril 10 – Biyernes Santo
- Abril 11 – Sabado de Gloria
- Mayo 1 – Araw ng Paggawa
- Hunyo 12 – Araw ng Kalayaan
- Agosto 21 -- Araw ni Ninoy Aquino
- Agosto 30 – Araw ng mga Bayani
- Setyembre 19 -- Eid al-Fitr
- Nobyembre 1 – Araw ng mga Patay
- Nobyembre 2 -- Araw ng mga Kaluluwa
- Nobyembre 27 – Eid al-Adha
- Nobyembre 30 – Araw ni Bonifacio
- Disyembre 25 – Araw ng Pasko
- Disyembre 30 – Araw ni Rizal
- Disyembre 31 – Bisperas ng Bagong Taon
Mga Pelikula
baguhinMga Kanta
baguhin- Agosto 27 - Ang kantang "Where Are You Now?" na sinulat ni Tom Higgenson at kinanta ng bandang Honor Society ay pumatok at naging big-hit sa Pilipinas at na-air ang music video sa Myx.
Kapanganakan
baguhin- Pebrero 5 - Carren Eistrup, Singer and Host of Eat Bulaga!
- Hunyo 10 - Vito Quizon, aktor
- Hunyo 23 – Xia Vigor, aktres
- Hunyo 26 – Yesha Camile, aktres
- Hulyo 12 – Lilygem Yulores, aktres
- Agosto 28 – Jana Agoncillo, aktres
- Setyembre 18 - Chunsa Jung, aktres
Kamatayan
baguhin- Enero 6 - Victor Sumulong (62), alkalde ng Antipolo at dating representante
- Enero 10 - Annabel Bosch (32), mang-aawit sa mga rock band bilang Elektrikcoolaid at Tropical Depression
- Enero 11 - Edilberto Alegre (70), mamamahayag at kolumnista ukol sa pagluluto
- Enero 13 - Mary Ejercito (103), ina ni dating Pangulong Joseph Estrada
- Pebrero 5 - Roberto Gonzales (66), aktor
- Pebrero 10 - Berting Labra (75), aktor
- Pebrero 12 - Cris Daluz (73), aktor
- Marso 6 - Francis Magalona (44), rapper at aktor[57]
- Marso 15 - Miguel Bernad (91), kritiko at kolumnista
- Marso 16 - Roland Dantes, artista at martial artist
- Marso 18 - Pocholo Ramirez (75), racing driver at nagtatanghal sa telebisyon
- Marso 21 - Genoveva Matute (94), manunulat at maramihang nagwagi ng Palanca
- Marso 23 - Manuel del Rosario (93), dating obispo ng Malolos
- Marso 24 - Figurado Otaza Plaza, Sr., alkalde ng Butuan
- Abril 4 - Nelly Sindayen (59), mamamahayag;
- Abril 7 - Leo Prieto (88), direktor sa palakasan at tagasanay sa basketball
- Abril 9 - Noel Cabrera (64), diplomat at mamamahayag
- Abril 11 - Tita Muñoz (80 o 81), artista
- Abril 27 - Paraluman (85), artista
- Abril 28 - Lota Delgado (87), artista
- Mayo 16 - Prospero Amatong S. (77), politiko
- Mayo 28 - Manuel Collantes (91), banyagang ministro at representante
- Hunyo 2 - Vitaliano Agan (74), politiko
- Hunyo 13 - Douglas Quijano (69), film talent manager at tagalikha ng pelikula
- Hunyo 18 - Manuel Paradela (80), abogado at radio host
- Hunyo 23 - Julius Fortuna (61), mamamahayag at lider-estudyante
- Hulyo 2 - Susan Fernandez (52), mang-aawit at masugid na tao
- Hulyo 5 - Godofredo Reyes (90), Ilokanong politiko at manunulat
- Hulyo 28 - Emilio Gancayco (87) hukom ng Korte Suprema ng Pilipinas.
- Agosto 1 -- Corazon Aquino (76), dating pangulo ng Pilipinas at kauna-unahang babaeng pangulo (Pebrero 25, 1986–Hunyo 30, 1992)[20][58]
- Agosto 24 - Eduardo Roquero (59), alkalde ng Lungsod San Jose del Monte, dating representante;
- Agosto 31 -- Eraño Manalo (84), Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia ni Cristo.
- Setyembre 15 - Espiridion Laxa (79), tagalikha ng pelikula
- Setyembre 16 - Sotero H. Laurel (90), senador
- Oktubre 10 - Rodrigo del Rosario (92), Olympic weightlifter
- Nobyembre 19 - Johnny Delgado (61), aktor[59]
- Nobyembre 21 - Bernard Bonnin (70), artista
Mga Panlabas na Kawing
baguhin- "Philippines in 2009" Naka-arkibo 2015-09-08 sa Wayback Machine. Britannica.com.
- "Top 10 Headlines of 2009"[patay na link] Wikipilipinas.
- "Top 10 Newsmakers of 2009"[patay na link] Wikipilipinas.
- "Top 10 Most Destructive Philippine Typhoons of 2009" Naka-arkibo 2017-01-26 sa Wayback Machine. Wikipilipinas.
Sanggunian
baguhin- ↑ Jon Ibanez. "Pangandaman kin face child abuse, injury raps over golf brawl" ABS-CBN News, 01-05-2009. Hinango 09-24-2016.
- ↑ "12 outstanding Filipinos in Guam honored" GMA News Online.01-06-2009. Hinango 10-26-2016.
- ↑ "ICRC Kidnapping Timeline" GMA News Online. 03-30-2009. Hinango 09-27-2016.
- ↑ "Timeline: Kidnapping Of ICRC Hostages by the Abu Sayyaf Group"[patay na link] ABS-CBN News. 03-31-2009. Hinango 09-27-2016.
- ↑ "59th Berlin Film Festival: Mammoth - Photo Call (Marife Necesito)" 02-08-2009. Hinango 09-27-2016. "Actors Gael Garcia Bernal and Marife Necesito attend the photocall for 'Mammoth' as part of the 59th Berlin Film Festival at the Grand Hyatt Hotel on February 8, 2009 in Berlin, Germany."
- ↑ "Duty Free starts probe on Boyet Fajardo 'outburst'" GMA News Online. 03-25-2009. Hinango 09-27-2016.
- ↑ "Who is BOYET FAJARDO?" GeeBlogs. 03-14-2009. Hinango 09-27-2016.
- ↑ "Two killed, eight hurt in Basilan blast" ABS-CBN News. 03-04-2009, Hinango 09-24-2016.
- ↑ "Philippines Factory Explosion Kills 12" Wall Street Journal. Abril 8, 2009.
- ↑ "Chopper wreckage, 7 bodies found in Kabayan, Benguet" GMA News Online. 04-08-2009. Hinango 09-24-2016.
- ↑ "Red Cross hostage in Philippines walks free" Naka-arkibo 2016-10-27 at Archive.is Reuters. 04-18-2009. Hinango 10-26-2016.
- ↑ "Jobless ma gives birth to quintuplets, seeks help" ABS-CBN News. 04-27-2009. Hinango 09-24-2016.
- ↑ "One of Barrera quintuplet babies dies" ABS-CBN News. 05-03-2009. Hinango 09-24-2016.
- ↑ "Pacquiao surprised by quick KO of Hatton" Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine. CNN. 05-04-2009. Hinango 11-08-2016.
- ↑ "Tropical Depression Dante maintains strength" ABS-CBN News. 05-02-2009. Hinango 11-08-2016.
- ↑ "Typhoon Dante leaves 25 dead in Bicol" ABS-CBN News. 05-05-2009. Hinango 09-24-2016.
- ↑ "Brillante Mendoza named best director in Cannes" GMA News Online. 05-25-2009. Hinango 09-27-2016.
- ↑ "Filipino team finalists in global video "democracy" film"[patay na link] Online Filipino News. 05-28-2009. Hinango 09-27-2016.
- ↑ "Cancer cells have spread to Cory's other organs - Noynoy" GMA News Online. 07-27-2009. Hinango 11-08-2016.
- ↑ 20.0 20.1 "Aquino, heroine of Philippine people power, dies" Reuters. 07-31-2009. Hinango 11-08-2016.
- ↑ "Death toll in Philippine floods hits 50: radio, TV" Agence France-Presse. 09-26-2009. Hinango 11-11-2016.
- ↑ "Dozens dead in Philippine floods" BBC News. 09-26-2009. Hinango 11-11-2016.
- ↑ "Irish priest freed in Philippines" BBC News. 11-11-2009. Hinango 11-11-2016.
- ↑ "Pacquiao claims stunning victory" BBC. 11-15-2009. Hinango 11-11-2016.
- ↑ "Pushcart educator named CNN Hero of the Year"[patay na link] CNN. 11-22-2009. Hinango 11-11-2016.
- ↑ "Pushcart classes help break gang chain" Naka-arkibo 2017-03-09 sa Wayback Machine. CNN. 03-05-2009. Hinango 09-27-2016.
- ↑ "21 Reported Dead and 22 Missing in Mass Kidnapping Linked to Philippine Election" The New York Times. 11-23-2009. Hinango 11-11-2016.
- ↑ "Timeline: Maguindanao Massacre" Philippine Daily Inquirer. 11-23-2013. Hinango 11-14-2016.
- ↑ "(UPDATE) Maguindanao massacre toll rises to 46" ABS-CBN News. 11-24-2009. Hinango 11-11-2016.
- ↑ "Philippines 'poll-related' deaths reach 57" BBC News. 11-25-2009. Hinango 11-11-2016.
- ↑ "(UPDATE 2) Maguindanao massacre death toll reaches 52" ABS-CBN News. 11-25-2009. Hinango 11-11-2016.
- ↑ "Maguindanao massacre death toll now at 52 – police" GMA News Online. 11-25-2009. Hinango 11-11-2016.
- ↑ "Police name Ampatuan Jr. as top suspect in massacre" ABS-CBN News. 11-25-2009. Hinango 11-11-2016.
- ↑ "Republic Act 9723" Senate of the Philippines. 10-15-2009. Hinango 11-12-2016.
- ↑ "Philippines charges massacre suspect with murder" Reuters. 11-26-2009. Hinango 11-11-2016.
- ↑ "MILF denies Ampatuan's claims" ABS-CBN News. 11-27-2009. Hinango 11-11-2016.
- ↑ "(UPDATE 2) Arroyo to run for Congress" ABS-CBN News. 11-30-2009. Hinango 11-11-2016.
- ↑ "Greek tanker with 16 Pinoys hijacked" ABS-CBN News. 12-01-2009. Hinango 11-11-2016.
- ↑ "Philippine troops raid homes of massacre suspects" The Associated Press. 12-04-2009. Hinango 11-11-2016.
- ↑ "Big arms cache near Ampatuan mansions unearthed" ABS-CBN News. 12-03-2009. Hinango 11-11-2016.
- ↑ "Martial law in Philippine province" Al Jazeera English. 12-05-2009. Hinango 11-11-2016.
- ↑ "From backhoe to chainsaw: Probe set for 200 more murders in Maguindanao" GMA News. 12-09-2009. Hinango 11-11-2016.
- ↑ "Convoy ambushed near Philippine massacre site" CNN. 12-10-2009. Hinango 11-11-2016.
- ↑ "Nine more hostages freed in Philippines" Naka-arkibo 2021-01-27 sa Wayback Machine. CNN. 12-11-2009. Hinango 11-11-2016.
- ↑ "Martial law in Maguindanao to be lifted 9 p.m., Saturday" GMA News. 12-12-2009. Hinango 11-11-2016.
- ↑ "Philippines lifts martial law in 'massacre' province" BBC News. 12-12-2009. Hinango 11-11-2016.
- ↑ "S Philippines grapples with crisis after crisis" The Associated Press. 12-14-2009. Hinango 11-11-2016.
- ↑ "Remaining 45 Philippines hostages released" Naka-arkibo 2016-03-08 sa Wayback Machine. CNN. 12-13-2009. Hinango 11-11-2016.
- ↑ "20,000 Evacuated as Philippine Volcano Oozes Lava" Fox News. 12-15-2009. Hinango 11-11-2016.
- ↑ "Philippine volcano Mount Mayon 'still a danger'" BBC News. 12-17-2009. Hinango 11-11-2016.
- ↑ "Somali pirates release 14 Filipino seafarers - DFA" GMA News. 12-18-2009. Hinango 11-11-2016.
- ↑ "14 Filipino seamen freed by Somali pirates" Xinhua English. 12-18-2009. Hinango 11-11-2016.
- ↑ "Major volcanic eruption feared in Philippines" The Associated Press. 12-20-2009. Hinango 11-11-2016.
- ↑ "Oposa, Antonio Jr." Naka-arkibo 2017-08-23 sa Wayback Machine. The Ramon Magsaysay Award Foundation Naka-arkibo 2017-03-07 sa Wayback Machine.. Hinango 09-27-2016.
- ↑ "The youngest gun in the west: Miko Andres, aged six" The Telegraph. Hinango 09-27-2016.
- ↑ "Rustom Padilla is now Bebe Gandanghari" GMA News. 01-18-2009. Hinango 09-27-2016.
- ↑ "Death of Philippine Showbiz Icons: Actors and Musicians Who Have Gone Too Soon" WOWBatangas.com. 09-20-2011. Hinango 10-18-2016.
- ↑ "Famous People & Colorectal Cancer" Cancer Survivors Network. 10-20-2010. Hinango 10-18-2016.
- ↑ "PiNaysaAmerika: Celebrities who died in 2010-Philippines" 12-30-2010. Hinango 10-18-2016.