EDSA

importanteng daan na binabagtas ang Kalakhang Maynila sa Pilipinas
(Idinirekta mula sa Epifanio delos Santos Avenue)

Ang EDSA (Epifanio de los Santos Avenue; lit. na 'Abenida Epifanio de los Santos') na dating Highway 54, ay isang mahaba at pakurbang daan na nasasakupan ang anim (6) na lungsod at pangunahing lansangan sa Kalakhang Maynila sa Pilipinas. Ito ay isang mahalagang daluyang pantransportasyon sa pagitan ng hilaga at timog na bahagi ng kalungsuran.



EDSA

Abenida Epifanio de los Santos
Epifanio de los Santos Avenue
EDSA
Highway 54
Ang ruta ng EDSA sa Kalakhang Maynila. Naka-matingkad na pula ang EDSA.
Bahagi ng EDSA sa mga pook ng Kamuning at Timog pahilaga, tanaw mula sa himpapawid.
Impormasyon sa ruta
Pinangangasiwaan ng Pangasiwaan sa Pagpapaunlad ng Kalakhang Maynila (MMDA) at Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (DPWH)
Haba23.8 km (14.8 mi)
kasama nito ang karugtong sa Bay City, Pasay
Umiiral1940 (1940)–kasalukuyan
Bahagi ng
PagbabawalBawal ang mga mabibigat na trak sa EDSA.
Pangunahing daanan
Daang palibot sa paligid ng Maynila
Dulo sa hilagaMonumento Roundabout sa Grace Park, Caloocan, 14°39′14.74″N 120°59′02.06″E / 14.6540944°N 120.9839056°E / 14.6540944; 120.9839056
 
Dulo sa timogSM Mall of Asia Rotunda sa Bay City, Pasay, 14°32′6.24″N 120°58′55.75″E / 14.5350667°N 120.9821528°E / 14.5350667; 120.9821528
Lokasyon
Mga pangunahing lungsodCaloocan, Lungsod Quezon, San Juan, Mandaluyong, Makati, Pasay
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas

Ang EDSA ay nakadugtong sa North Luzon Expressway (NLEX) sa may Palitan ng Balintawak at South Luzon Expressway (SLEX) sa may Palitan ng Magallanes. Inuugnay rin nito ang mga pangunahing distrito pampinansiyal ng Makati Central Business District, Lundayang Ortigas, at Lundayang Araneta. Ang Ikatlong Linya ng MRT ay tumatakbo sa kahabaan ng EDSA, mula sa kanto ng Abenida Taft sa Pasay hanggang sa SM North EDSA sa kanto ng North Avenue sa Lungsod Quezon. Ito ang pinakamahaba at pinakamatrapik na daan sa kalakhang Maynila na may haba ng 23.8 kilometro (14.8 milya).

Estruktura

baguhin

Ang buong lansangan ay bahagi ng Daang Palibot Blg. 4 (C-4), isang sistema ng mga daan at tulay na nagsisilbing ika-apat na daang palibot (beltway) para sa Lungsod ng Maynila. Isa rin itong bahagi ng Pambansang Ruta Blg. 1 (N1) ng sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas, at Asian Highway 26 (AH26) ng sistema ng lansangang bayan sa Asya. Ang mga lokasyon sa paligid ng abenida ay kinakikitaan ng malaking pag-unlad sa ekonomiya at industriya, at ito'y napapatunayan sa dalawa sa mga sentrong industriya sa kalakhan (ang Makati CBD at Ortigas) na derektang mapupuntahan sa pamamagitan ng lansangang ito. Ang pag-unlad ng ekonomiya sa mga lugar sa paligid ng abenida ay nagbibigay ng malaking bolyum ng trapiko sa abenida, at sa mga pagtataya na isinagawa kamakailan lamang, [1] karaniwang umaabot sa 2.34 milyon na sasakyan ang dumaraan sa EDSA araw-araw.[2]

Ang EDSA ay isang hating daanan (divided carriageway), na kadalasang may 12 linya (anim kada direksyon) at may nakaangat na Ikatlong Linya ng Sistema ng Metro Rail Transit ng Maynila bilang panggitnang harangan (median) nito. Hindi isang mabilisang daanan ang EDSA, subalit mahigpit na isinasagawa ang mga batas-trapiko at nakatakdang tulin sa mga sasakyang dumadaan dito. Pinapatakbo ito ng Pangasiwaan sa Pagpapaunlad ng Kalakhang Maynila (MMDA), at pinapanatili at madalas na kinukumpuni ito ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (DPWH).

Kasaysayan

baguhin

Simula nang ginawa ang EDSA noong 1930's una itong tinawag bilang "North-South Circumferential Road", na ginawa sa loob ng panungkulan ni Pangulo Manuel L. Quezon, na pinangunahan ng mga inhinyerong sina Florencio Moreno at Osmundo Monsod.[3]

Ang daan ay natapos noong taong 1940, bago pa nagsimula ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig at ang kasunod na pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas. Nagsisimula ito noon sa Monumento sa Caloocan at nagtapos ito sa Avenida Taft at Manila South Road sa Pasay.[4] Ang bahaging kasalukuyang tinatawag na North EDSA (lit.transl. Hilagang EDSA) sa Caloocan at Lungsod Quezon ay itinawag na Calle Samson, na maaring ipinangalan kay Apolonio Samson, isang Katipunerong tinyente ng barrio na lumaban kasama si Andrés Bonifacio,[5] habang ang bahagi nito sa Pasay ay itinawag na Kalye P. Lovina, na maaring ipinangalan kay Primitivo Lovina, ang dating alkalde ng Pasay at Kalihim ng Paggawa. Pagkatapos ng kalayaan ng bansa noong 1946, ang daan ay pinalitan ng pangalan bilang Avenida 19 de Junio (Avenida ika-19 ng Hunyo), mula sa kapanganakan ng pambansang bayaning si José Rizal.[3]

Noong dekada-1950, ang daan ay pinangalang Highway 54 sa kaalaman ng marami na ang daan ay may limampu't apat na kilometro.[3] Ang mga Rizalista ay gustong panatiliing 19 de Junio ang pangalan ng daan. Habang si Pangulo Ramon Magsaysay naman ay gustong ipangalan ito kay Rizal. Ang mga nakatira sa Lalawigan ng Rizal ay gustong ipangalan ang daan sa isang Rizaleño, historyador, hukom at iskolar na si Epifanio de los Santos y Cristóbal. Ang Philippine Historical Committee (ngayon ay tinatawag bilang National Historical Commission of the Philippines), ang Philippine Historical Association, ang Philippine Library Association, Association of University and College Professors, ang Philippine China Cultural Association, at ang Philippine National Historical Society, na pinangungunahan ng mga Rizaleño na sina Eulogio Rodriguez Sr. at Juan Sumulong, na sinuportahan ang pagbabago ng pangalang Highway 54 sa Avenida Epifanio de los Santos.

Noong Abril 7, 1959, kaarawan ni de los Santos, ipinagtibay ang Batas Republika Blg. 2140, na nagbabago ng pangalan ng abenida sa kanyang karangalan.[6] Ang mabilis na pagusbong ng mga pook-urbano noong dekada-1960 at 1970, lalo na noong idinagdag ang ilang bayan ng Rizal sa bagong buong Pambansang Punong Rehiyon, ay nagtanda sa pagunlad ng mga sentro-industriyal sa kahabaan ng abenida at sa ilang daan na naka-ugnay sa abenida, tulad ng Abenida Ayala at Daang McKinley sa Makati.

Noong panunungkulan ni Pangulong Ferdinand Marcos, nagsimula nang magkaroon ng pagsisikip sa daloy ng trapiko sa abenida. Itinayo ang ilang mga palitan upang maibsan ito, kabilang na ang mga Palitan ng Balintawak at Magallanes sa magkabilang dulo ng abenida. Noong isinakatuparan ang Sistemang Arteryal ng mga Daan sa Kamaynilaan noong 1965, upang makompleto ang sistemang C-4, pinahaba ang EDSA mula Abenida Taft hanggang sa Bulebar Roxas, na kung saan inokupa nito ang mga parsela ng lupa sa kahabaan ng mga dating Kalye F. Rein at Del Pan.[7] Mula dekada-1960 hanggang kalagitnaan ng dekada-1980 ang karamihan ng abenida ay nakatanaw sa mga malawak na lupaing damo at bukas na linang.

Ang Rebolusyong EDSA

baguhin

Noong 1986, nag-alsa ang mga kalaban ni Pangulo Marcos sa politika laban sa kanyang 20-taong pamahalaang diktaturiyal. Kinubkob nila ang mga base militar ng Kampo Rafael Crame at Kampo Aguinaldo, kapwa matatagpuan sa EDSA sa sangandaan nito sa Abenida Bonny Serrano. Noong Pebrero 25, 1986, nakuha ng pandaigdigang batid ang Abenida Epifanio de los Santos bilang lugar ng mapayapang demonstrasyon na nagpabagsak sa rehimeng Marcos, sa pamumuno ni Corazon Aquino. Karamihan sa mga demonstrasyon ay naganap sa mahabang kahabaan ng abenida, at nabibilang ng higit dalawang milyong sibilyang Pilipino kasama na ang ilang mga kilalang grupo ng politika, militar, at relihiyon na pinangunahan ni Kardinal Jaime Sin, Arsobispo ng Maynila.

Mga monumento

baguhin

Ang lugar ng pagbabago ng kasaysayan ay tinanda ng mga monumento na matatagpuan sa kinaroroonan ng mga naganap na pangyayari. Ang mga pook-palatandaan sa kasaysayan ay nagsisimula sa pasukan ng Mandaluyong na may mataas na istatwa ni Maria (ina ni Hesukristo) na pinahiran ng kulay gintong pintura na hinaluan ng mga batong bronse. Sa kanto naman ng EDSA at Abenida White Plains malapit sa pasukan ng Corinthian Gardens makikita ang isang monumento ng higanteng bakal na metal na binuo ng maraming taong nakatayo sa isang bilugang mala-podyum na piramide at may madre sa gitna nito na nag-aabot sa kalangitan. Ang pangunahing daos ng rebolusyon ay ang dapat sanang pagwasak ang mga kampo, ang tanging naganap ay ang pagpinta ng pinakamahabang mural sa Pilipinas na may haba na 2.4 kilometro sa mga pader ng mga kampo na may walong talampakang taas. Ipinapakita ng mga ito ang tanda ng mataimtim na pangako, kapayapaan, at pagkakaisa.

Kamakailang kasaysayan

baguhin
Mga bahagi ng EDSA noong hindi pa itinatayo ang karugtong ng LRT-1. Sa itaas: EDSA-North Avenue; sa ibaba: EDSA-Roosevelt (Muñoz).

Pagkatapos ng Rebolusyong People Power, kilala na sa mas-nakararami bilang EDSA ang abenida, at isinama na ang F. Rein at P. Lovina sa abenida. Noong 1997, sinimulang itayo ang Sistema ng Metro Rail Transit ng Maynila sa ibabaw ng EDSA mula Abenida North hanggang Abenida Taft, noong pagkapangulo ni Joseph Estrada.[8][9]

Ang Ikalawang Rebolusyon sa EDSA ay nagbunga sa mapayapang pagpapatalsik ni Joseph Estrada, ang ika-labintatlong Pangulo ng Pilipinas. Pinalitan siya ng kanyang pangalawang pangulo, Gloria Macapagal-Arroyo, na nanumpa sa opisina sa pamamagitan ni noo'y Punong Mahistrado Hilario Davide, Jr. sa mga tanghali ng Enero 20, 2001, ilang oras bago umalis ng Palasyo ng Malakanyang si Estrada.

Noong 2006, pinahaba ang abenida mula Bulebar Roxas patungong SM Mall of Asia, kung saan kasalukuyang nagtatapos ito sa Globo at rotonda ng Mall of Asia. Noong Setyembre 2006 nasira ang malaking bahagi ng abenida, noong nanalasa ang Bagyong Milenyo sa Maynila.

Noong 2010 pinahaba ang Unang Linya ng LRT (LRT-1) ng Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila mula Estasyong Monumento hanggang Estasyong Roosevelt, sa huli ay dadaan ng EDSA hanggang sa matapos ito sa kinalalagyan ng Estasyong North Avenue ng MRT.

 
Pangmadlang rally na isinagawa ng mga tumututol sa RH Bill sa EDSA noong 2012

Noong Agosto 2012, bago ang pagdinig ng Kongreso sa pinagtatalunang panukalang-batas ukol sa kalusugan sa pag-aanak o RH Bill, nagsagawa ng isang pangmadlang rally (mass rally) ng Simbahang Katolika sa EDSA upang maipakita ang kanilang pagtutol sa panukala.[10]

Noong Pebrero 25, 2015, naganap sa EDSA ang isang kilos protesta na nananawagan sa pagbibitiw ni Pangulo Benigno Aquino III. Binubuo ito ng libu-libong katao mula sa iba't-ibang grupong lipunang-sibil, politikal at relihiyon. Nanatili lamang ang kilos protesta sa paligid ng EDSA-Santolan dahil sa mga harang ng kapulisan na naghadlang sa mga raliyista na makalapit sa Bantayog ng Lakas ng Bayan.[11][12]

Noong Agosto 27-31, 2015, nagsagawa ng demostrasyon ang mga kasapi ng Iglesia ni Cristo sa EDSA upang manawagan kay dating Kalihim ng DOJ Leila de Lima na magtuon ng pansin sa mga mahahalagang usapin tulad ng kaso sa SAF 44 at hindi sa kaso na inihain ng dating ministro ng INC laban sa mga kasapi ng Sanggunian. Tinututulan nila ang sinasabing paglabag sa paghihiwalay ng simbahan at estado.[13]

Noong Setyembre 9, 2015, inilabas ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas (PNP) ang Highway Patrol Group sa EDSA upang makontrol ang mabigat na paninikip sa trapiko kasama na ang mga tagatupad ng batas-trapiko ng MMDA sa mga masisikip na bahagi ng EDSA.[14]

Noong Nobyembre 30, 2016, isinagawa ang pinakamalaking protesta kontra-Marcos sa ika-21 dantaon sa Bantayog ng Lakas ng Bayan, samu't-saring mga lungsod at lalawigan sa bansa kasunod ng pinagtatalunang paglilibing kay Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.[15][16]

Noong Nobyembre 5, 2017, libu-libong mga kritiko ni Pangulong Duterte ang pumunta sa isang misang idinaos sa Dambana ng EDSA, na tinaguriang "Lord, Heal Our Land," na pinamunuan ni Arsobispo Socrates Villegas ng Lingayen–Dagupan.[17] Sumama rin sa misa ang ilang kilalang mga tao sa likod ng Tindig Pilipinas, ang noo'y-Senador Antonio Trillanes IV, at ang noo'y Kinatawan Gary Alejano.[18]

Noong Pebrero 22, 2018, nagtipun-tipon ang mga pangkat sa Bantayog ng Lakas ng Bayan upang idaos ang isang panalangin sa gabi, at upang ipakita ang pagtutol sa ipinapanukalang pagbabago ng Saligang-batas o charter change.[19]

Noong Pebrero 22, 2020, nagtipon ang mga raliyista sa Bantayog ng Lakas ng Bayan upang iprotesta ang "pagpapahintulot sa pagsuway ng Tsina sa soberanya ng Pilipinas," at upang ipanawagan ang pagbababa sa puwesto ni Rodrigo Duterte.[20]

Paglalarawan ng ruta

baguhin
 
Ang hilagang dulo ng EDSA sa Bantayog ni Bonifacio sa Caloocan.
 
EDSA-Magallanes (South Luzon Expressway).
 
Karugtong ng EDSA sa panulukan ng Bulebar Macapagal, malapit sa SM Mall of Asia.

Nagsisimula ang EDSA sa Rotonda ng Bantayog ni Bonifacio (Monumento) sa Gracepark, Caloocan, kalapit ng Daang Samson, ang kanlurang bahagi ng C-4. Ang rotonda ay isa ring palatandaan ng Himagsikan ng 1896 ni Andrés Bonifacio. Ang 1.7 kilometrong bahagi ng abenida ay nasa Caloocan. Papasok ito sa Lungsod Quezon sa distrito ng Balintawak, pagkaraan ng sangandaan nito sa North Luzon Expressway sa may Palitan ng Balintawak.

Dadaan naman ang EDSA sa mga distrito ng Project 6 at Muñoz. Biglang liliko ito patimog pagtawid nito ng sangandaan ng Abenida North-Abenida West sa Triangle Business Park. Sa hilagang gilid ng EDSA ay ang SM City North EDSA. Sa harap nito ay ang TriNoma at ang Eton Centris o Centris Walk. Madaling makikita ang ABS-CBN Broadcasting Center at ang transmiter mula EDSA at tutuloy ito patimog paglampas ng sangandaan nito sa Abenida Quezon. Bahagyang liliko ito nang pakanluran hanggang sa makaalis ito ng Triangle Park paglampas ng sangandaang Abenida East-Abenida Timog, kung saan matatagpuan ang GMA Network Center. Tutuloy ito sa distrito ng Cubao, papasukin nito ang Araneta Center pagkatawid nito sa Bulebar Aurora Tunel. Sa Cubao matatagpuan ang ilang pook-pamilihan, impraestruktura, at opisina, pinakatanyag sa mga ito ang Smart Araneta Coliseum na pinakamalaking koliseo sa Timog-Silangang Asya. Liliko ang abenida patimog at papasok sa mga distrito ng Santolan at Socorro, kung saan matatagpuan ang mga base militar na Kampo Rafael Crame at Kampo Aguinaldo. Sa di-kalayuan matatagpuan din ang Greenhills Shopping Center at Eastwood City. Tutuloy naman ang EDSA sa ruta nito at magsisilbi itong hangganan ng mga lungsod ng San Juan at Lungsod Quezon. Matatagpuan ang Bantayog ng Lakas ng Bayan sa hilagang gilid ng EDSA sa sangandaan nito sa Abenida White Plains. Pagkaraan ng 11 kilometrong bahagi ng EDSA sa Lungsod Quezon, aalis sa lungsod ang abenida at papasok sa Mandaluyong. Papasok sa Mandaluyong ang EDSA pagtawid nito sa hangganan ng Lundayang Ortigas. Ilan sa mga kilalang gusali at pook-palatandaan sa Lundayang Ortigas ay ang gusali ng Philippine Overseas Employment Administration, Robinsons Galleria, SM Megamall, Forum Robinsons (Robinsons Pioneer), at ang bronseng Dambana ng EDSA, isang simbahang pang-alaala sa Rebolusyong 1986. Liliko naman ito nang bahagya pakanluran paglampas ng sangandaan nito sa Kalye Pioneer, at tatawirin nito ang Ilog Pasig sa pamamagitan ng Tulay ng Guadalupe pag-alis nito ng Mandaluyong.

Papasok ito sa lungsod ng Makati paglampas ng Ilog Pasig, at dadaan ito sa mga distrito ng Guadalupe, Comembo, at Magallanes. Sa Guadalupe, nabibigay-daan ang EDSA sa Rockwell Center, isang pangunahing mixed-use business park sa Makati. Nagbibigay rin ito ng daan papuntang Taguig at Bonifacio Global City (BGC) di-kalayuan. Paglampas ng Abenida Gil Puyat, papasok ang EDSA sa Ayala Center, isang mahalagang distritong industriyal sa Pilipinas, kung saan matatagpuan ang mga pook-pamilihan ng Greenbelt at Glorietta. Liliko naman ang abenida pakanluran at tutuloy sa deretsong ruta papuntang Pasay.

Papasok sa Pasay ang EDSA pagkaraan ng sangandaan nito sa South Luzon Expressway sa Makati. Sa Pasay, nagbibigay-daan ang lansangan sa Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino sa pamamagitan ng isang flyover. Papasok ang EDSA sa paligid ng Baclaran Shopping Center at tutuloy pakanluran hanggang sa papasukin nito ang Bay City reclamation area, kung saan matatagpuan ang SM Mall of Asia. Ang katimugang dulo ng EDSA ay sa rotonda sa harap ng Globo ng SM Mall of Asia.

Pangangasiwa sa trapiko

baguhin
 
Mabigat na daloy ng trapiko sa bahaging Tramo ng EDSA sa Pasay

Ang pangunahing ahensiya na nangangasiwa sa daloy ng trapiko sa kahabaan ng EDSA ay ang Pangasiwaan sa Pagpapaunlad ng Kalakhang Maynila (MMDA), isang ahensiya sa ilalim ng Tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas at pinapayuhan ng Liga ng mga Alkalde ng Kalakhang Maynila. Isa sa mga pamamaraan ng MMDA sa pangangasiwa ng trapiko na umiiral sa EDSA ay ang Uniform Vehicular Volume Reduction Program (na mas-kilala ng madla bilang number coding o color coding), na umiiral din sa ibang mga pangunahing lansangan sa Kamaynilaan.

Marami ang nakapuna na ang sanhi ng karamihan sa mga pagsisikip ng trapiko sa EDSA ay mga bus at dyipni na lumalabag sa batas-trapiko. Kasunod nito, naging target ang mga bus sa mga ibang programang pangangasiwa sa trapiko ng MMDA, tulad ng Organized Bus Route Program.[21] Mahigpit na ipinapatupad ng MMDA ang paglilinya ng mga motorsiklo at bus sa EDSA, at dahil diyan ito ang ikalawang lansangan sa Pilipinas na may ipinatupad na ganitong batas-trapiko, pagkatapos ng Abenida Commonwealth.[2][22] Ang karaniwang bilis ng mga sasakyan EDSA ay 15 kilometro kada oras (9.3 milya kada oras).

Mula Enero 18, 2016, sinimulang ipatupad nang mahigpit ang mga linya ng bus sa bahaging Shaw-Guadalupe, kung saan inilagay ang mga plastik na harangan at ipinagbawal ang pagpasok ng mga pampribadong sasakyan at taksi sa mga nasabing linya maliban na lamang pag-liliko sa mga kalapit na lansangan.[23] Sa kabila ng mga plastik na harangang ito, pumapasok pa rin ang maraming pampribadong sasakyan sa mga linyang ito.[23]

Mga labasan at mga pangunahing sangandaan

baguhin

Ang mga kilometro, na nakabatay sa mga bilang na makikita sa mga kulay-dilaw na kilometrong bato sa kahabaan ng lansangan, ay nakabilang nang pa-clockwise mula Kilometro 9, malapit sa Monumento ni Bonifacio. Ang Kilometrong Sero ay nasa Liwasang Rizal. Ang bahagi ng lansangan sa kanluran ng Bulebar Roxas patungong SM Mall of Asia ay hindi kasama sa opisyal na pagbibilang, sapagkat hindi silang orihinal na mga bahagi ng EDSA.

Abenida Epifanio de los Santos (C-4)
Kilometro Milya Mga labasan pahilaga (B carriageway) Bagtasan Mga labasan patimog (A carriageway)
9.06 5.63 Grace Park, Caloocan, Valenzuela Lansangang MacArthur (hilaga; R-9) at Abenida Rizal (timog; R-9)
[coord 1]
Maynila
10.76 6.69 Valenzuela; Bulacan; Pampanga; Tarlac; Bataan; Zambales; Paliparang Pandaigdig ng Clark; Pangasinan; La Union; Baguio North Luzon Expressway at Abenida Andres Bonifacio R-8 Maynila
10.76 6.69 Novaliches, Lungsod Quezon; San Jose del Monte, Bulacan Lansangang Quirino Maynila; Abenida Andres Bonifacio R-8
11.92 7.41 Tandang Sora, Lungsod Quezon; Daang Kaingin Daang Kaingin at Daang Howmart Abenida Gregorio Araneta C-3, La Loma, at Roxas, Lungsod Quezon
12.86 7.99 Muñoz at Tandang Sora, Lungsod Quezon Abenida Roosevelt (timog) at Abenida Kongresyonal (hilaga) Pantranco at Tatalon, Lungsod Quezon
13 8.7 SM City North EDSA; TriNoma Mall; North Triangle of the Triangle Park Abenida North (hilaga) at Abenida West (timog)
[coord 2]
San Francisco del Monte, Lungsod Quezon
13 8.7 Pahilagang Daang Palibot Blg. 5 C-5 Abenida Mindanao (hilaga)
15.48 9.62 Quezon Memorial Circle, Abenida Commonwealth, Commonwealth at Batasan Hills, Lungsod Quezon Abenida Quezon R-7 Rotondang Mabuhay; Bulebar Espanya; Sampaloc at Quiapo, Maynila
Simula ng Kamuning Flyover
16.95 10.54 East Avenue Medical Center; East Triangle, Triangle Park; Bangko Sentral ng Pilipinas Abenida East (timog) at Abenida Timog (hilaga) GMA Network Center; South Triangle, Triangle Park
17.23 10.7 Kamuning, Lungsod Quezon Daang Kamuning (hilaga), Daang Kamias (timog) New Manila, Lungsod Quezon
Dulo ng Kamuning Flyover
18.35 1.4 Lundayang Araneta; Cubao, Lungsod ng Quezon; Marikina; Antipolo; Taytay, Rizal (sa pagitan ng Lansangang Marikina–Infanta) Bulebar Aurora R-6 [coord 3] Santa Mesa, Maynila; Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas
11.79 18.97 Lundayang Araneta, Daang Palibot Blg. 5 Bulebar Pedro Tuazon New Manila, Lungsod Quezon
19.65 12.21 Daang Palibot Blg. 5 C-5; Kampo Aguinaldo; Eastwood City Abenida Bonny Serrano Santolan, Lungsod Quezon; San Juan
20.21 12.56 Walang daan Daang Annapolis at Kalye Connecticut (timog) Greenhills Shopping Center, San Juan
21 13.05 Abenida Katipunan Abenida White Plains (hilaga) Walang daan
21.72 13.49 Lundayang Ortigas, Antipolo, Taytay, Rizal Abenida Ortigas [coord 4] Greenhills Shopping Center; San Juan
22.75 14.14 SM Megamall; Lundayang Ortigas Abenida Julia Vargas (hilaga) [coord 5] Walang daan
23.15 14.39 Lundayang Ortigas; Pasig; Taytay, Rizal Bulebar Shaw at Distritong Greenfield R-5 Santa Mesa at Paco, Maynila
24.35 15.13 Lundayang Ortigas Abenida Boni (timog) at Kalye Pioneer (hilaga) San Juan; Forum Robinsons
Idinudugtong ng Tulay ng Guadalupe sa pagitan ng Ilog Pasig
24.87 15.46 Guadalupe Viejo, Makati; Daang Palibot Blg. 5 C-5; Pateros Abenida J.P. Rizal Guadalupe Nuevo; Rockwell Center; Gusaling Panlungsod ng Makati
25.96 16.13 Lundayang Rockwell Kalye Estrella (timog) Lundayang Rockwell
Pag-angat ng Kalayaan patimog mula EDSA, patungong Kalye 32
Pag-angat ng Kalayaan patimog mula Abenida Gil Puyat, patungong Kalye 32
26.35-26.73 16.37-16.64 Santa Ana, Maynila Abenida Kalayaan R-4 Bonifacio Global City; Daang Palibot Blg. 5 C-5; Taguig; Pateros; Pasig
Walang daan Abenida Gil Puyat (Abenida Buendia) (timog) Daang Palibot Blg. 3 C-3
Simula ng Ayala Underpass
27.58-28.05 17.14-17.43 Ayala Center; Abenida Gil Puyat/Daang Palibot Blg. 3 C-3 Abenida Ayala (timog) at Daang McKinley (hilaga) Bonifacio Global City
Abenida Arnaiz (Daang Pasay) SM Makati
Ayala Center
29.14-29.32 18.11-18.22 Abenida Lawton
Bonifacio Global City
Abenida Chino Roces (Pasong Tamo) Ayala Center; Santa Ana, Maynila
Alabang; Laguna; Kabite; Batangas South Luzon Expressway/Lansangang Sergio Osmeña R-3 Manila
Magallanes, Makati
30.8 19.14 Terminal 3 ng NAIA Kalye Tramo (Bulebar Aurora) (hilaga) Terminal 3 ng NAIA (may palitan)
31.09 19.32 Kabite; Baclaran, Parañaque Abenida Taft R-2 Ermita at Malate, Maynila (walang daan pahilaga)
31.62 19.65 Kabite; Baclaran, Parañaque Abenida Harrison (timog) at Abenida Elpidio Quirino (hilaga) Ermita at Malate, Maynila
31.92 19.87 CAVITEX/Daang Baybayin; Kabite; Baclaran, Parañaque Bulebar Roxas R-1 Liwasang Rizal, Ermita at Malate, Maynila
? ? Bay City Bulebar Macapagal Kabite (sa pagitan ng CAVITEX/Daang Baybayin)
? ? Bulebar Jose Diokno; SM Mall of Asia Rotondang Globo Bulebar Jose Diokno; SM Mall of Asia
1.000 mi = 1.609 km; 1.000 km = 0.621 mi
  •       Sarado/dati
  •       Hindi kumpletong access
  •       Hindi pa nagbubukas o ginagawa pa

Mga pagpapaunlad sa hinaharap

baguhin

Mga ipinapanukalang palitan

baguhin

Inapruba na ang mga proyekto sa pagtatayo ng isang daang pang-ibabaw (overpass) sa sangandaan ng EDSA sa Abenida North-Abenida West at bagtasan ng Abenida Mindanao sa Triangle Park at isang flyover sa ibabaw ng sangandaan ng Abenida Kongresyonal at Abenida Roosevelt sa Muñoz.[24]

Ipinapanukalang pagpapalit ng pangalan

baguhin

Noong 2011, inihain ng Kinatawan ng Bohol na si Rene Lopez Relampagos ang Panukalang-batas Blg. 5422, na nagpapanukala sa pagpapalit ng pangalan ng abenida sa "Corazon Aquino Avenue". Kasalukuyang nakabitin ang panukala sa Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas bago ng Lupong Kapulungan ng Pagawaing Bayan at Lansangan. Ayon kay Relampagos, ang kaisipang pagpapalit ng pangalan ng EDSA kay Aquino (na namuno sa Rebolusyong 1986) ay nabuo bunga ng kanyang pagkamatay noong 2009.

Pagtatayo ng EDSA-Taft flyover

baguhin

Noong Abril 2, 2013, binigyan ni noo'y Pangulo Beningno Aquino III ang pahintulot upang masimulan ang proyektong pagtatayo ng isang flyover sa sangandaan ng EDSA at Abenida Taft na madalas na sumisikip ang daloy ng trapiko.[25] Tinatayang aabot sa ₱2.8 bilyon ang proyekto, at aabutin sa isa't kalahating taon ang pagkokompleto nito.[25]

Mga linya ng bus

baguhin

Pagkaraan ng mas-mahigpit na pagpapatupad ng mga linya ng bus at paghihiwalay sa pamamagitan ng mga plastik na harangan, sisimulan ng Pangasiwaan sa Pagpapaunlad ng Kalakhang Maynila (MMDA) ang pagpapalit ng mga kahel na harangan sa mga permanentang kongkretong harangan na gagamitin sa paghihiwalay ng mga linya ng bus sa mga linya ng pampribadong sasakyan.[26]

Ipinapanukalang pamamaraan ng road pricing

baguhin

May suporta mula sa Singapore, ipinapanukala ng Pangasiwaan sa Pagpapaunlad ng Kalakhang Maynila ang pagsasagawa ng road pricing, batay sa pamamaraang Electronic Road Pricing ng Singapore, sa EDSA upang maibsan ang pagsisikip ng trapiko, kasama na ang pagbibigay ng mga alternatibong ruta at pagbubukas ng ilang daanan sa mga gated community. Ipapatupad ito sa darating na taong 2018, subalit tinututulan ni Rene Santiago, isang inhinyero at planner sa transportasyon, ang panukala. Ayon sa kanya, maaaring makapaglala pa lalo ng panukala ang pagsisikip ng trapiko sa EDSA, dahil sa mga madaming sangandaan at katabing kalye sa kahabaan ng EDSA. [27]

Mga imahe

baguhin

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Philippine Daily Inquirer (7 Hulyo 2009). "Inquirer Headlines: EDSA". Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 9 Hulyo 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 Jao-Grey, Margarte (27 Disyembre 2007). "Too Many Buses, Too Many Agencies Clog Edsa". Philippine Center for Investigative Journalism. Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Pebrero 2012. Nakuha noong 28 Disyembre 2007.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 3.2 Uckung, Peter (22 Pebrero 2012). "History in Asphalt (Epifanio de los Santos Avenue (Edsa) is the longest road in Metro Manila. Peter Uckung, senior researcher at the National Historical Commission of the Philippines (NHCP), explains how this thoroughfare came to be.)". BusinessWorld Online. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Mayo 2018. Nakuha noong 20 Agosto 2012.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Manila, Philippines map (Mapa). American Red Cross Service Bureau. Agosto 1945.{{cite map}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Talambuhay ni Apolonio Samson". Tagaloglang.com.
  6. "Chan Robles Virtual Law Library - REPUBLIC ACT NO. 2140 - AN ACT CHANGING THE NAME OF HIGHWAY 54 IN THE PROVINCE OF RIZAL TO EPIFANIO DE LOS SANTOS AVENUE IN HONOR OF DON EPIFANIO DE LOS SANTOS, A FILIPINO SCHOLAR, JURIST AND HISTORIAN".
  7. Batas Pambansa blg. 340 (17 Pebrero 1983), An Act Expropriating Specified Parcels of Private Land Located Along F. Rein-Del Pan Streets from Taft Avenue to Roxas Boulevard in the City of Pasay, Metropolitan Manila, for the Construction of the Epifanio De Los Santos Avenue (Edsa) Extension; the Edsa Outfall of the Manila and Suburb Flood Control and Drainage Project, and the "Cut-Off" of Estero Tripa De Gallina, and for Other Purposes, inarkibo mula sa orihinal noong Abril 26, 2021, nakuha noong Abril 26, 2021{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "GMA Launches transit system". The Philippine Star. 15 Hulyo 2003. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-06-29. Nakuha noong 2017-04-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "NUMBER OF MOTOR VEHICLES REGISTERED: Comparative, JAN.- DEC. 2003, 2004, 2005". Tanggapan ng Transportasyong-Lupa (Pilipinas) - Land Transportation Office. 23 Enero 2006. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-10-23. Nakuha noong 2017-04-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. ABS-CBN (3 Agosto 2012). "Church eyes red revolution vs RH Bill". Inarkibo mula sa orihinal noong 31 Disyembre 2013. Nakuha noong 20 Agosto 2012.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Thousands of people march along EDSA to call for the resignation of President Aquino on the 29th anniversary of the People Power Revolution". imgur. Nakuha noong 25 Pebrero 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "FACE-OFF. Thousands of protesters face hundreds of cops blocking EDSA-Santolan". Nakuha noong 25 Pebrero 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "Why De Lima is target of Iglesia ni Cristo's anger". Rappler. Nakuha noong 30 Agosto 2015. {{cite web}}: Italic or bold markup not allowed in: |publisher= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "Can the police fix EDSA traffic?". Rappler. Nakuha noong 5 Disyembre 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "Thousands return to EDSA to protest Marcos hero's burial". GMA News.
  16. "Anti-Marcos groups hold protests on Bonifacio Day". CNN Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-12-02. Nakuha noong 2020-05-29.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. "Cebu archbishop hits EJKs ahead of EDSA procession". Rappler.
  18. "Church calls on public to join activities". Cebu Daily News.
  19. "Groups gather at EDSA to oppose Cha-cha". GMA News.
  20. "VIDEO: Panawagan nila ang pagbibitiw sa pwesto ni Pang. Rodrigo Duterte dahil sa pagpayag umano nito sa pagpasok ng China sa Pilipinas. | via @luisitosantos03". DZBB Super Radyo. Twitter.
  21. "MMDA Resolution No. 03-28".
  22. "MMDA Resolution No. 04-01".
  23. 23.0 23.1 Zarzuela, Maricar B. (12 Enero 2016). "Private cars can't enter Edsa bus lanes starting Jan. 18". Inquirer.net. Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 29 Enero 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. "DPWH Future PP Projects" (PDF). Department of Public Works and Highways. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2017-08-10. Nakuha noong 15 Disyembre 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. 25.0 25.1 http://newsinfo.inquirer.net/383789/aquino-approves-construction-of-edsa-taft-flyover
  26. Brizuela, Maricar B. (26 Enero 2016). "Edsa lane rule: 130 fined: barriers to be 'permanent'". Motioncars at Inquirer.net. Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 5 Pebrero 2016. Meanwhile, MMDA Traffic Engineering chief Neomie Recio also announced that the plastic barriers currently used to separate lanes would soon be replaced with more permanent, concrete separators to be provided by the DPWH.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. "MMDA eyes congestion fee on EDSA to ease traffic". CNN Philippines. 15 Marso 2017. Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Marso 2017. Nakuha noong 22 Marso 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
Talaan ng mga koordinado
  1. 14°39′14.74″N 120°59′02.06″E / 14.6540944°N 120.9839056°E / 14.6540944; 120.9839056 Rotondang Monumento (Bantayog ni Andres Bonifacio)
  2. 14°39′25″N 121°01′50″E / 14.657026°N 121.030481°E / 14.657026; 121.030481 SM City North EDSA
  3. 14°37′15″N 121°03′12″E / 14.6207°N 121.0532°E / 14.6207; 121.0532 Araneta Center
  4. 14°35′00″N 121°03′40″E / 14.58333°N 121.06111°E / 14.58333; 121.06111 EDSA-Corinthian
  5. 14°35′04.01″N 121°03′24.38″E / 14.5844472°N 121.0567722°E / 14.5844472; 121.0567722 SM Megamall