Wikipedia:Mga huling idinagdag/Sinupan 2010

Archive Isang arkibo ang pahinang ito. Paki-usap, huwag baguhin ang nilalaman nito.. Ilagay ang mga bagong komento sa kasalukuyang pahina ng usapan.

Mula Enero 2010 hanggang Disyembre 2010

baguhin

Alam ba ninyo...

Disyembre 2010

baguhin
  • ... na ang Saki ay isang anime at manga na umiikot sa larong mahjong na nalikom sa pitong Tankōbon?
  • ... na ang Ahoge ay isang biswal na pamamaraan sa anime at manga na binubuo ng isahang pagkakulot o maramihan?
  • ... na ang adamantina ay tumutukoy sa anumang mga sustansiyang may natatanging katigasan?
  • ... na ang pinakamaagang mga teksto sa panitikang Kastila ay nagmula pa sa ika-12 daantaon?

Nobyembre 2010

baguhin
  • ... na ang Hadith ay mga pagsasalaysay hinggil sa mga sinabi at mga gawa ng propetang Muslim na si Muhammad?
  • ... na ang kasaysayan ng Europa ay ang lahat ng mga panahon nang magsimulang mamuhay ang mga tao sa Europa hanggang sa kasalukuyan?

Oktubre 2010

baguhin
  • ... na ang Otogi Manga Calendar ay ang unang seryeng anime, at ang kauna-unahang serye na naipalabas?
  • ... na ang pinagmulan ng pamagat ng anime na Madlax ay galing sa salitang Ingles na "mad" at "relaxed"?
  • ... na ang Azumanga Daioh ay ikalawa sa pinakapopular na serye ng guhit-larawang komiks noong 2002?

Setyembre 2010

baguhin
  • ... na kuwadrilateral ang tawag sa mga hugis na may apat na gilid at apat na sulok?
  • ... na ang The Secret Cardinal ay isang nobela tungkol sa pagsagip sa isang obispong Intsik na ang pagkakardinal ay nasa puso lamang ng Santo Papa?

Agosto 2010

baguhin

Hulyo 2010

baguhin
  • ... na ang Sais na isang sinaunang lungsod sa Ehipto ay kinaroroonan ng libingan ni Osiris at ang mga paghihirap ng diyos ay nakalaan bilang kababalaghan sa gabi sa isang katabing lawa ayon sa isang akda ni Herodotus?
  • ... na ang pananalapi ay ang kung paano pinag-aaralan ang pagkakamit at paggamit ng salapi ng mga tao, mga negosyo, at mga pangkat?
  • ... na ang sedimentolohiya ay sumasaklaw sa pag-aaral ng makabagong mga sedimento?
  • ... na ang disenyo ay ang pagpaplanong naglalatag ng basehan para sa paggawa ng isang bagay o sistema?

Hunyo 2010

baguhin
  • ... na si San Expedito ay ang santong hinihilingan ng mabilisan at mahinusay na kalunasan?
  • ... na ang hilig ay gawaing nakapagbibigay ng damdamin ng pagpapahalaga at paggalang sa sarili?
  • ... na ang kapakanang pampubliko ay ang tulong na pampubliko na natatanggap ng mga taong hindi makapaghanapbuhay?
  • ... na ang beganismo ay isang gawi ng pamumuhay na ang mga tagasunod ay naglalayong huwag isama ang paggamit ng hayop bilang pagkain, damit, o ibang layunin?
  • ... na ang batong pingkian ay isang matigas na uri ng batong sedimentaryo at kriptokristalina ng kuwarts na mineral?
  • ... na si Jimi Hendrix ay madalas na kinikilala bilang pinakadakilang tagagamit ng elektrikong gitara sa kasaysayan ng tugtuging bato?
  • ... na ang anatomiyang hambingan ay ang makaagham na pag-aaral ng mga pagkakatulad at pagkakaiba sa anatomiya ng mga hayop?
  • ... na ang itlog ay bilugang bagay na naglalaman ng hindi pa ipinapanganak na batang anak ng mga babaeng ibon, isda, o reptilya?
  • ... na ang bentilasyon ay ang galaw at pagpasok ng sariwang hangin sa mga silid at iba pang mga puwang?
  • ... na ang krimen ay ang paglabag sa pangkaraniwang batas o batas publiko?
  • ... na ang himpapawid ay ang hangin at mga singaw ng panahon na bumabalot sa daigdig?
  • ... na bagaman kamukha ng mga manok ang mga manok-gubat (nakalarawan), napapalibutan ng mga balahibo ang kanilang mga binti?
  • ... na natuklasang epektibo ang biofeedback sa pagbibigay-lunas sa mga sakit ng ulo at presyon ng dugo?
  • ... na ang iniisip ay ang mga hubog na nalilikha sa isipan, sa halip na mga pormang napansin sa pamamagitan ng pandama?
  • ... na ang pagbigkas ay ang paraan kung paano namumutawi ang isang salita mula sa isang tao?
  • ... na wala pang tiyak na sitwasyong napapatunayan kung ano ang tunay na mga dahilang nakapagdurulot ng tulog?
  • ... na ang panggagamot na panloob ay ang medikal na espesyalidad na may kaugnayan sa pag-iwas, diyagnosis, at paglulunas ng mga karamdaman ng mga taong nasa wastong gulang na?
  • ... na nagbabago ang timbang ng mga bagay kapag nasa antas sila ng dagat at habang nasa tuktok ng bundok?
  • ... na ang espirituwalidad ay isang panloob na daan na nagbibigay-daan sa isang tao na matuklasan ang katuturan ng kanyang pagkatao?
  • ... na si Evil Merodac ay ang anak na lalaki at kahalili ni Nabucodonosor II na hari ng Babilonya?
  • ... na ang aklimatisasyon ay ang pagkakahiyang ng isang organismo sa bagong klima at kapaligiran?
  • ... na ang asupre ay karaniwang ginagamit sa paggawa ng pulbura gaya ng sa paputok?

Mayo 2010

baguhin
  • Wala

Abril 2010

baguhin

Marso 2010

baguhin
  • Wala

Pebrero 2010

baguhin
  • Wala

Enero 2010

baguhin
  • ... na ang The Kite Runner ay isang nobela ng may-akdang si Khaled Hosseini?
  • ... na ang poso ay mayroong iba't ibang mga uri?
  • ... na si Marie Chapian ay isang Amerikanang manunulat, tagapagsalita, at sikoterapista?
  • ... na ang therblig ay isang pangkat ng mga kislot na kinakailangan upang maisagawa ng isang manggagawa ang gawaing kinakamay?
  • ... na mayroong apat na pangkaraniwang mga uri ng pagbuntal?
  • ... na sa Islam, si Hesus ay isang Mensahero ng Diyos na ipinadala para magbigay ng gabay sa mga Mga anak ng Israel?
  • ... na ang Administrasyon ng Segurong Sosyal ng Estados Unidos ay isang ahensiya ng pamahalaang pederal ng Amerikang nangangasiwa ng programa para sa mga benepisyo sa pagreretiro, disabilidad, at pangnakaligtas?
  • ... na ang Amerikanong pelikulang Angels and Demons ay nakabase sa aklat na isinulat ni Dan Brown, ang may-akda ng The Da Vinci Code?