Wikipedia:Mga huling idinagdag/Sinupan 2008
(Idinirekta mula sa Wikipedia:Mga huling idinagdag/Sinupan 4)
Mula Enero 2008 hanggang Disyembre 2008
baguhinAlam ba ninyo...
Disyembre 2008
baguhin- ... na ang Pangyayari sa Mukden ay isang pagsabog ng isang seksiyon ng riles na pagmamay-ari ng mga Hapones sa Manchuria bago magsimula ang malawakang Ikalawang Digmaang Tsino-Hapones ng 1937?
- ... na ang WikiPilipinas ay isang maka-akademiko at 'di-maka-akademikong websayt na naglalaman ng mga kaalamang patungkol sa Pilipinas at binuo noong 2006?
- ... na ang Metro Manila Film Festival ay isang taunang kapistahang nagpapalabas lamang ng mga pelikulang Pilipino mula 1975 at nagsisimula tuwing ika-25 ng Disyembre?
- ... na ang Romanisasyong Hepburn ay isang sistema ng pagsasalin ng tunog ng wikang Hapones sa alpabetong Latin na ipinangalan kay James Curtis Hepburn?
- ... Samahan ng mga Nagpapakadalubhasa sa Filipino ay isang organisasyong itinatag sa Pamantasang Teknolohikal ng Rizal na naglalayong itaguyod ang Wikang Filipino?
- ... na ang mga wikang Austronesyo ay isang pamilya ng wikang malayang nakakalat sa mga kapuluan ng Timog-Silangang Asya at ng Pasipiko, na may iba pang kasaping ginagamit sa mismong kontinente ng Asya?
- ... na si Toshiko ay ang ika-117 Emperador ng Hapon na hindi tinatawag na Emperatris sapagkat hindi siya asawang babae ng Emperador kundi gumanap mismo bilang emperador?
- ... na kahit na naitatag ang Pambansang Daangbakal ng Pilipinas noong panahon ng kolonyalismong Espanyol, nailunsad lamang noong 1984 ang kasalukuyang anyo nito?
- ... na bago lumuklok si Toohito bilang Emperador ng Hapon nakilala muna siya bilang Prinsipe Yaho at Prinsipe Sachi at nang mamatay bilang Momozono?
- ... Manila Industrial and Commercial Athletic Association ay isang kaganapan ng maramihang palaro sa Pilipinas mula 1938 hanggang 1981 at nakilala dahil sa mga paliga ng basketbol?
- ... na ang Panahon ng Asuka ay kilala sa maraming pagbabago sa larangan ng sining, panlipunan at pulitikal sa Hapon na nagsimula sa huling bahagi ng Panahon ng Kofun?
- ... na si Tomohito ay isang Emperador ng Hapon na lumuklok sa Trono ng Krisantemo noong siyam na taong gulang pa lamang noong 1780?
- ... na ang Tronong Krisantemo ay isang terminong halaw sa Ingles para tukuyin ang tronong imperyal ng Hapon o ang monarkiya nito mismo?
- ... na sa panahon ng pamumuno ni Emperador Ayahito ng Hapon nagsimula ang pagkalagas ng mga kapangyarihan ng bakufu o mga korteng pinamumunuan ng mga sugun?
- ... na ang anak na babae ni Emperador Hidehitong si Prinsesa Yoshiko ay naging asawa ni Tomohito, isang pamangking pumalit sa kaniya bilang Emperador ng Hapon?
- ... na ang mga pangalan ng Tatlong Haring Mago ay hindi matatagpuan sa Bibliya subalit nagsimulang tawaging Melchor, Gaspar, Baltazar noong ikaanim na daantaon?
- ... na bagaman nagsimula ang Simbang Gabi sa Mehiko noong 1587, naging kaugalian lamang ito sa Pilipinas noong 1669?
- ... na ang maikling kuwentong Ang Handog ng mga Mago ng Amerikanong si O. Henry ay hindi tungkol sa mga Mago ng Bibliya kundi sa mag-asawang sina Jim at Della?
- ... na may kaugnayan ang tradisyonal na awiting pamaskong Pastol, Pastol, Gumising ng mga Pilipino sa tagpuang Pagsamba ng mga Pastol na nasa Ebanghelyo ni Lukas?
- ... na ang Kabataan ni Hesus ay ang nakatalang panahon sa kamusmusan ni Hesus hanggang sa 'di-nakatala ngunit pinaniniwalaang naging buhay niya pagkaraan ng 12 taong edad?
- ... na si Yoshihito ng Hapon ay kinilalang Emperador ng Tokyo noong nabubuhay, bilang Emperador Taisho nang pumanaw, at bilang Baliw na Emperador dahil sa problema sa pag-iisip?
- ... na ang Asian Computer College ay isang pribado at 'di-pangkating paaralan ng mas mataas na pag-aaral na itinatag noong 2000 at matatagpuan sa Lungsod ng Calamba, Laguna sa Pilipinas?
- ... na ang pangalan ng Panahong Kofun ng Hapon ay nangangahulugang "Lumang Libingan" sapagkat hinalaw ito mula sa mga huling himlayan ng mga dating naging Emperador?
- ... na si Lola Pagnani ay isang Italyanang aktres na dating naging unang mananayaw sa Bahay ng Opera sa Munich, Alemanya?
- ... na si Osahito ang kahuli-hulihang Emperador ng Hapon na nabigyan ng nengo o "pangalan ng panunungkulan" pagkaraang sumakabilang buhay bago nabago ang gawi sa pagpapangalang ito?
- ... na si Hirohito ang ika-124 na emperador ng bansang Hapon na kahuli-hulihang kinilalang Diyos-Emperador ng mga Hapones?
- ... na ang O, Capiz ay ang opisyal na dalit ng Capiz sa Pilipinas na nanalo sa 24 ibang mga entrada sa paligsahang inihanda ng pamahalaang panlalawigan?
- ... na ang pinakamalaking ambag ng kulturang Yayoi sa Hapon ay ang pagpapaunlad ng mga kaalaman sa pagtatanim ng palay?
- ... na si Jose Abueva ay isa sa mga naging pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas at tumanggap ng parangal sa agham pampulitika mula sa Ten Outstanding Young Men noong 1962?
- ... na nakuha ang pangalan ng Panahong Jomon ng Hapon mula sa mga natagpuang mga banga at palayok na merong mga disenyong bakas ng lubid?
- ... na ang emosyon ay isang pakiramdam ng tao na 'di-nagagawa ng pisikal kundi ng mental at sikolohikal na gawain o ugali ng isang indibidwal?
- ... na nagawang maging eksperto ni Akihito sa isdang goby sapagkat isang sagisag lamang ng estado at pagkakaisa ng mga tao ang kaniyang pagiging Emperador ng Hapon?
- ... na ang Pamantasan ng Silangang Pilipinas ay isang unibersidad na matatagpuan sa Catarman, Hilagang Samar at itinatag noong 1918 bilang isang paaralang pansakahan?
- ... na ang Mga Distritong pang-Senado ng Pilipinas ang kumakatawan sa mga lalawigan sa Senado ng Pilipinas mula 1916 hanggang 1935?
- ... na ang Kalafina ay isang bandang Hapones ng kompositor na si Yuki Kajiura at opisyal na nagsimula noong 2008 kasama ang 2 orihinal na miyembro ng FictionJunction?
- ... na ang United Opposition ay isang Partido pulitikal sa Pilipinas na tumawag sa kanilang sarili bilang koalisyon ng "Tunay na Oposisyon" noong Pangkalahatang Halalan sa Pilipinas ng 1992?
- ... na ang OLPC XO-1 ay isang uri ng pambatang kompyuter na kilala rin bilang Isandaang Dolyar na Laptop at nilikha para ipamahagi sa mga kabataan ng umuunlad na mga bansa sa buong mundo?
- ... na ang kolaborasyong FictionJunction ay binubuo ng mga babaeng bokalista na kasama ang may proyekto nitong si Yuki Kajiura bilang tagatugtog ng teklado?
- ... na ang Mataas na Paaralang River Ridge ay isa sa tatlong komprehensibong mataas na paaralang publiko sa Hilagang Thurston sa Washington, Estados Unidos?
- ... na ang Aikido ay isang uri ng sining ng pakikipaglaban kung saan 'di-ginagamit ng inaatake ang kanyang lakas, bagkus nililihis niya ang pwersa ng mananakit?
- ... na si Yuki Kajiura ay ay isang komositor at prodyuser ng musikang Hapones na nagbigay ng tugtugin sa ilang popular na serye ng anime, isang pelikula, at mga serye ng larong bidyo?
- ... na ang Gantimpalang Nobel ay iginagawad taon-taon ng Pundasyong Nobel ng Stockholm, Suwesya sa mga nilalang na nakapag-ambag ng kagalinganan sa pisika, kemistri, medisina, panitikan, kapayapaan at agham pangkabuhayan?
- ... na ang Inhinyeriyang Pang-agrikultura ay sangay ng agrikultura kung saan ginagamit ang mga kaalamang pang-enhinyeriya para makabuo ng mga sistema na magpapaunlad sa produksiyong pansakahan?
- ... na 'di-galing sa sawa ng pamilyang Pythonidae ang ngalan ng programming language na Python kundi sa Monty Python's Flying Circus, isang grupo ng mga komedyanteng taga-Britanya?
- ... na ang kulisap na kuliglig ay kinakain sa Sinaunang Gresya, Tsina, Malaysia, Burma, Latin Amerika at Konggo?
- ... na ang pangalan ng Lungsod ng Iriga ay mula sa isang parirala sa lokal na salitang I raga na nangangahulugang "may lupa"?
- ... na nagmula ang pangalan ng sasakyang pang-agrikulturang kuliglig mula sa insektong kuliglig din ang tawag?
- ... na ang Dryococelus australis ay tinatawag na pinakabihirang kulisap sa mundo na inakalang ekstinkt na noong 1930 pero nadiskubre muli noong 2001?
- ... na si Ban Ki-moon, ang pangwalo at pangkasalukuyang Kalihim-Panlahat ng Nagkakaisang mga Bansa, ay dating Ministrong Pambanyaga ng Republika ng Korea?
- ... na ang Sistema ng Magaan na Riles Panlulan ng Maynila ay ang pangunahing pangkalakhang sistema ng transportasyong daangbakal na naglilingkod sa Kalakhang Maynila sa Pilipinas?
- ... na si Marky Cielo, isang Pilipinong aktor at mananayaw, ay ang unang artistang may dugong Igorot na naging kasali sa patimpalak na StarStruck?
- ... na ang Ika-14 na Konggreso ng Pilipinas ay ang kasalukuyang pulong ng pambansang lehislatura ng Pilipinas na binubuo ng Senado at Kapulungan ng mga Kinatawan?
- ... na si Harriet Tubman ay isang Aprikano-Amerikanong abolisyonista, makatao, at ispiya ng Unyon noong panahon ng Digmaang Sibil sa Amerika?
- ... na si Kofi Annan ay isang taga-Ghanang diplomatang naglingkod bilang ikapitong Kalihim-Panlahat ng Nagkakaisang Mga Bansa mula 1 Enero 1997 hanggang 1 Enero 2007?
- ... na ang 28 Linggong Nakalipas ay isang apokaliptitong aksiyong pelikulang nakakatakot mula sa Nagkakaisang Kaharian na kasunod ng palabas na 28 Araw na Nakalipas?
- ... na ang Pinuno ng Minorya sa Senado ng Pilipinas ay ang lider na inihalal ng minoryang partido na nagsisilbing opisyal na lider sa kabuuan ng Senado?
- ... na si Mariano Jesús Cuenco ang tagapaglathala ng pahayagang El Precursor, isang diyaryong Kastilang nasa sirkulasyon mula 1907 hanggang bago magsimula ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
- ... na ang kongkretong tinigatig ay isang paraan para malagpasan ang kahinaan ng kongkreto sa litid?
- ... na ang unikornyo ay isang uri ng kabayong may sungay sa noo, balbas at paa ng kambing, at buntot ng leon?
- ... na si Jose C. Abriol ang unang tao na nagsalin ng Bibliyang Katoliko sa Tagalog?
- ... na si Hillary Clinton ang unang Amerikanong Unang Ginang na lumaban sa halalan na pangtanggapang publiko?
- ... na bagaman nagkaroon na ng makinang dekabayo at traktora, ginagamit pa rin ang karit na pandalawang kamay sa Europa at Asya?
- ... na ang Aklat ni Susana ay isang maikling kuwento sa Aklat ni Daniel na kabilang sa isa sa mga pinakamainam na maiksing panitikan sa buong mundo?
- ... na ang nostisismo ay isang doktrina ng mga sinaunang Kristiyano na nagmula sa pinagsamang mga paniniwalang Silanganin, Hudaismo, at Kristiyanismo?
- ... na ang Paligsahan ng mga Musikang Popular ng Kalakhang Maynila ay isang taunang paligsahang pangmusikang Pilipino na inilunsad ng Pundasyon ng Musikang Popular ng Pilipinas noong 1977?
- ... na ang Distritong Pambatas ng Lalawigan ng Bukidnon ay ang mga kinatawan ng Lalawigan ng Bukidnon sa Mababang Kapulungan ng Pilipinas?
- ... na ginagamit na ang katawagang deuterokanoniko mula pa noong ika-16 daantaon para ilarawan ang mga aklat sa Lumang Tipan na 'di-bahagi ng Bibliyang Hebreo?
- ... na sa mga alamat ng mga Griyego, ang karit na panggapas ng damo ay mga sandatang ginamit nina Cronus at Perseus?
- ... na ang Awit ng Tatlong Kabataan ng Aklat ni Daniel ay hinggil sa pagpapatapon ni Haring Nabucodonosor ng tatlong binata sa nagniningas na pugon?
- ... na ang bahay sa baybayin ay mga uri ng bahay bakasyunan sa may tabi ng dagat na karaniwang nagsisilbing pangalawang tahanan at pasyalan?
- ... na ang talaarawang panghalamanan ay kalendaryong ginagamit bilang patnubay ng isang manananim sa bawat buwan ng paghahardin?
- ... na ang Si Bel at ang Dragon ay isang aklat na may dalawang kuwento sa Aklat ni Daniel na naglalarawan ng karunungan at katapangan ni Daniel?
Nobyembre 2008
baguhin- ... na ang Elam ay isang makasaysayang kabihasnan malapit sa Mesopotamya na ang mga guho ay matatagpuan sa Timog-Kanluran ng Iran?
- ... na ang mga Hitita ay isang makasaysayang lahi ng mga sinaunang taong Anatoliano na nagsasalita ng Wikang Hitita?
- ... na bagaman ipinagkanulo ni Hudas Iskariote si Hesus, itinuturing siyang unang martir sa nostikong Ebanghelyo ni Hudas?
- ... na pagkaraan ng panahon ng Muling Paghubog, isa sa mga nalalabing nagpapatibay ng pagkakaroon ng mga anghel na tagatanod ang Ebanghelyo ni Mateo?
- ... na ang kerubin ay isang uri ng anghel na may anyong munting bata na may leeg at pakpak ngunit walang katawan?
- ... na nag-aaral din ang mga anghel sapagkat mayroon silang kagustuhan maunawaan ng husto ang mga kaparaanan ng Diyos?
- ... na ang mga pastoral na liham ay mga sulat na nauukol para sa mga pinuno ng parokya, simbahan, o kongregasyon?
- ... na ang mga Sulat ni Pablo ay naisulat na ni San Pablo bago pa man maisatitik ang mga Ebanghelyo nina San Mateo, San Marcos, San Lucas, at San Juan?
- ... na ang album na The Calm That Killed the Storm ng bandang Cold ay naging A Different Kind of Pain para palawakin ang intepretasyon ng nilalaman nitong mga awit?
- ... na ang Sulat kay Tito ay isang sulat para sa isang Kristiyanong hentil na naging obispo sa Creta, Gresya?
- ... na naglalaman ang Bagong Tipan ng Bibliya ng mga patnubay para sa pagsasanay at pagpili ng mga pinuno sa pananampalataya?
- ... na si Santiago, anak ni Alfeo ang pinaniniwalaang tumanggap kay San Pablo noong panahong marami ang 'di-naniniwala sa pagbabagong-kalooban ng huli?
- ... na ang mga Sulat sa Bagong Tipan ng Bibliya ay pangunahing nahahati sa mga Paulinong Sulat at mga Katolikong Liham?
- ... na ang Taon ni Pablo ang Alagad ay kasalukuyang ipinagdiriwang mula 28 Hunyo 2008 hanggang 29 Hunyo 2009 matapos na ipahayag at itakda ni Papa Benedicto XVI?
- ... na ang lahat ng mga tagpuan sa pelikulang Kung Mangarap Ka't Magising ay ginanap sa Lungsod ng Baguio at Sagada sa Pilipinas?
- ... na nagsimula ang pagtawag na apostol sa mga alagad ni Hesus pagkaraan ng pagakyat sa langit ni Kristo?
- ... na si Hellrazor ay isang kathang-isip na asesinong nilalathala sa komiks ng Marvel Comics?
- ... na sinulat ni Juan ang Alagad sa Ebanghelyo ni Juan ang mga bagay na hindi matutunghayan sa ibang mga ebanghelyo ng Bibliya?
- ... na ang pagsubok na Hershey-Chase ay sunud-sunod na mga eksperimento nina Alfred Hershey at Martha Chase na nagpapatibay na isang materyang henetiko ang DNA?
- ... na ang Maalaala Mo Kaya ay ang pinakamatagal na pinapalabas na antolohiyang drama sa Pilipinong telebisyon?
- ... na ang bagong mga Misteryo sa Luwalhati ng rosaryo ay ipinahayag ni Papa Juan Pablo II sa pamamagitan ng isang Apostolikong Liham noong 16 Oktubre 2002?
- ... na hindi kasama sa naunang labindalawang alagad ni Hesus si Pablo ng Tarsus, subalit tinuring siya bilang kapantay ng ibang mga apostol?
- ... na nagsimula ang nobena sa paggaya ng mga deboto sa pagsasamasama ng mga alagad para magdasal ng 9 na araw mula pagpanik sa langit ni Kristo hanggang Pentekostes?
- ... na ang SM Megamall ang ikatlo sa pinakamalaking gusaling pangkalakalan sa Pilipinas at ikapito sa buong mundo?
- ... na ang Lundayang Ortigas ay isa sa pinakamahalagang distritong pangkalakalan sa Pilipinas pagkatapos ng Lungsod ng Makati?
- ... na ang Estasyong Pureza ng LRT ay nagsisilbi para sa Santa Mesa sa Maynila at nagmula ang pangalan nito sa Kalyeng Pureza?
- ... na ang Escape the Fate ay isang bandang post-hardcore na mula sa lungsod ng Las Vegas, Nebada, Estados Unidos?
- ... na ang Estasyong Recto ng LRT, na ipinangalan sa politikong si Claro M. Recto, ay malapit sa Pangalaalang Ospital ng Fabella at sa Kulungang Bilibid?
- ... na noong ginagawa pa ang Estasyong V. Mapa ng LRT tinawag muna itong Himpilang Araneta dahil sa pagkakalapit sa Abenidang Gregorio Araneta sa Lungsod ng Quezon?
- ... na ang Estasyong J. Ruiz ng LRT ay malapit Dambana ng Pinaglabanan, kung saan unang nakipaglaban ang mga Pilipino laban sa mga Espanyol noong ika-19 daantaon?
- ... na ang Pambansang Paligsahan ng Musika ng mga Batang Artista ay isang taunang pambansang paligsahang nagbibigay ng kapanganakan sa pinakamahusay na mga manunugtog sa Pilipinas?
- ... na ang Solenopsis daguerrei ay isang uri ng parasitikong langgam na katutubo sa bansang Arhentina at Uruguay?
- ... na ang Kimi ga Yo ay ang pambansang awit ng bansang Hapon?
- ... na ang Sumeria ay ang unang lungsod-estado sa mundo na dating matatagpuan sa Mesopotamya?
- ... na ang pagtatakda ng mga panapanahon sa Bibliya ay nagkakaiba-iba dahil sa pinagbabatayang uri ng mga kalendaryo?
- ... na binubuo ng walong mga pangkat ng mga mamamayan ang pangunahing mga kabihasnan sa Bibliya?
- ... na ang pagsubok ni Griffith ay isa sa mga pinakaunang eksperimentong nagmungkahing may kakayahan ang mga bakterya sa paglilipat ng impormasyong henetiko sa pamamagitan ng proseso ng transpormasyon?
- ... na si Anna Easteden ay isang Pinlandesa-Amerikanang modelo at artistang nagsimulang maging aktres sa mga patalastas pangtelebisyon sa Hapon, Taywan, at Estados Unidos?
- ... na ang mga produktong petrolyo ay mga materyales na mula sa krudo na pinoprosesa sa mga pabrikang dalisayan ng langis?
- ... na si Juan I Tzimisces (nasa larawan) ay ang Bisantinong Emperador mula Disyembre 11, 976 hanggang Enero 10, 976?
- ... na ang Himpilang Legarda ng LRT ay malapit sa palengke ng Sampaloc na isa sa mga pinakamalaking palengke sa Maynila?
- ... na si Klaus Ebner ay isang manunulat at tagapagsalin mula sa Austria na nagsusulat sa Aleman at Katalan?
- ... na ang elementaryong panandaan ay isang pundamental at mababang baitang na porma ng alhebra na gumagamit ng mga simbolo upang kumatawan sa mga bilang?
- ... na ang Kambal na Toreng BSA ay isa ng palatandaang pook dahil sa lokasyon nito?
- ... na nagsimula ang krisis sa Silangang Timor noong 1999 dahil sa mga pagatake sa mga sibilyan ng mga militanteng laban sa pagkakaroon ng kasarinlan ng Silangang Timor?
- ... na ang pangkalahatang halalan sa Pilipinas ng 1961 ay ang kaisa-isang pagkakataon na natalo ng pangalawang pangulo ang nakaluklok na pangulo?
- ... na ang Misyon ng Patakarang Pambatas ng Unyong Europeo sa Kosovo ay isang planadong paglulunsad ng mga pulis at tauhang sibilyan ng Unyong Europeo sa Kosovo?
- ... na ang Lakbay-Diwa ay mga aklat na isinulat ni Bella Angeles Abangan na tumatalakay at nagbibigay ng kasiglahan sa pamumuhay?
- ... na tinuturing na mga liham na pampastor ang Una at Ikalawang Sulat kay Timoteo?
- ... na ang Distritong Pambatas ng Lalawigan ng Zamboanga del Sur ay ang kinatawan ng lalawigan ng Zamboanga del Sur sa mababang kapulungan ng Pilipinas?
- ... na ang pangkalahatang halalan sa Pilipinas ng 1953 ay ang unang pagkakataon na hindi nanggaling sa Senado ng Pilipinas ang nahalal na pangulo?
- ... na ang Distritong Pambatas ng Lalawigan ng Zambales ay ang kinatawan ng lalawigan ng Zambales sa mababang kapulungan ng Pilipinas?
- ... na matapos ang pangkalahatang halalan sa Pilipinas ng 1969, si Ferdinand Marcos ang naging pinakahuling pangulong tumakbo at nanalo para sa ikalawang termino?
- ... na maaaring hindi si San Pablo ng Tarsus ang sumulat ng Unang Sulat kay Timoteo?
- ... na ang Distritong Pambatas ng Lalawigan ng Zamboanga del Norte ay ang kinatawan ng lalawigan ng Zamboanga del Norte sa mababang kapulungan ng Pilipinas?
- ... na pagkaraan ng pangkalahatang halalan sa Pilipinas ng 1941, may dalawang pangulo ang Pilipinas mula 1943 hanggang 1945?
- ... na ang Distritong Pambatas ng Lalawigan ng Zamboanga Sibugay ay ang kinatawan ng lalawigan ng Zamboanga Sibugay sa mababang kapulungan ng Pilipinas?
- ... na mayroong labindalawang kandidato para sa pagka-pangulo noong pangkalahatang halalan sa Pilipinas ng 1965?
- ... na ang pangkalahatang halalan sa Pilipinas ng 2010 ay ang magiging kauna-unahang halalan sa Pilipinas na gagamit ng kompyuter na pamboto?
- ... na ang pagkain ng labindalawang ubas ng kapalaran ay may kaugnayan sa isang toreng orasan sa Madrid?
- ... na ang Distritong Pambatas ng Lalawigan ng Surigao del Norte ay ang kinatawan ng lalawigan ng Surigao del Norte sa mababang kapulungan ng Pilipinas?
- ... na ang Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan ay ang departamentong tagapagpatupad ng Pamahalaan ng Pilipinas na responsable sa kaligtasan ng lahat ng proyekto sa larangan ng gawaing pambayan?
- ... na ang A Goofy Movie ay isang palabas na animasyon mula sa Estados Unidos na pangkatatawanan at tungkol sa mag-amang sina Goofy at Max?
- ... na sa Timog-silangang Asya, palagiang nakakatamasa ng mas malaking antas ng kapantayang makabatas ang mga kababaihan sa Pilipinas?
- ... na ang Distritong Pambatas ng Lalawigan ng Timog Cotabato ay ang kinatawan ng lalawigan ng Timog Cotabato sa mababang kapulungan ng Pilipinas?
- ... na ang pangkalahatang halalan sa Pilipinas ng 1998 ay ang pangatlong halalan na ang ang mga nanalong pangulo at pangalawang pangulo ay mula sa magkaibang mga partido?
- ... na ang Distritong Pambatas ng Lalawigan ng Surigao del Sur ay ang kinatawan ng lalawigan ng Surigao del Sur sa mababang kapulungan ng Pilipinas?
- ... na ang teritoryo ng Crimea ay sinakop at kinontrol ng maraming beses sa loob ng kasaysayan nito?
- ... na ang Game Shark ay isang tatak ng mga cheat catridges para sa mga larong pangkompyuter (laro sa Microsoft Windows) at pangbidyong laro?
- ... na si Jigme Khesar Namgyel Wangchuck ng Butan ang siyang pangkasalukuyang pinakabatang hari sa buong mundo?
- ... na ang Distritong Pambatas ng Lalawigan ng Tarlac ay ang kinatawan ng lalawigan ng Tarlac sa mababang kapulungan ng Pilipinas?
- ... na ang pangkalahatang halalan ng Pilipinas ng 1935 ay ang kauna-unahang halalang naganap simula nang mapatupad ang Batas Tydings-McDuffie na nagbigay daan sa pagbabago ng pamahalaan?
- ... na ang Distritong Pambatas ng Lalawigan ng Bohol ay ang kinatawan ng lalawigan ng Bohol sa mababang kapulungan ng Pilipinas?
- ... na ang Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad ay ang departamentong tagapagpatupad ng Pamahalaan ng Pilipinas na responsable sa pangangalaga ng karapatan ng bawat Pilipino sa kagalingang lipunan?
- ... na ang Portoriko ay isang namamahala ng sarili at di-inkorporadong teritoryo ng Estados Unidos?
- ... na ang Distritong Pambatas ng Lalawigan ng Sultan Kudarat ay ang kinatawan ng lalawigan ng Sultan Kudarat sa mababang kapulungan ng Pilipinas?
- ... na ang pangkalahatang halalan ng Pilipinas ng 1992 ay ang kauna-unahang pangkalahatang halalan sa ilalim ng Saligang Batas 1987 ng Pilipinas?
- ... na ang Distritong Pambatas ng Lalawigan ng Sorsogon ay ang kinatawan ng lalawigan ng Sorsogon sa mababang kapulungan ng Pilipinas?
- ... na ang Sulat ni Hudas ni San Hudas Tadeo ay may mga bahaging sinangguni sa dalawang aklat na hindi kasama sa kanon ng Bibliya?
- ... na ang Osona ay isang suob na matatagpuan sa saping osona at ito ay pumipigil sa masasamang ultrabiyoletang sinag?
- ... na ang Lindol sa Luzon noong 1990 ay ang pinakateribleng lindol na nangyari sa buong kasaysayan ng Pilipinas na umapekto sa lahat ng parte ng Luzon?
- ... na ang Lalola ay isang palatuntunan ng GMA Network na batay sa orihinal na palabas mula sa Arhentina?
- ... na ang Distritong Pambatas ng Lalawigan ng Shariff Kabunsuan ay ang kinatawan ng lalawigan ng Shariff Kabunsuan sa mababang kapulungan ng Pilipinas?
- ... na ang pangkalahatang halalan ng Pilipinas ng 1957 ay ang kauna-unahang pagkakataon na ang pangulo ay nahalal dahil sa pinakamaraming bilang nang boto at kung saan magkaiba ng partido ang pangulo at pangalawang pangulo?
- ... na ang Distritong Pambatas ng Lalawigan ng Sulu ay ang kinatawan ng lalawigan ng Sulu sa mababang kapulungan ng Pilipinas?
- ... na ang Apega ni Nabis ay isang sinaunang kasangkapang pangpagpapahirap na katulad ng "dalagang bakal," isang aparador na may mga tulis sa loob?
- ... na ang O-Zone ay isang bandang pangtugtuging mula sa Moldova na sumikat dahil sa kantang Dragostea Din Tei?
- ... na ang Kagawaran ng Tanggulang Pambansa ay ang departamentong tagapagpatupad ng Pamahalaan ng Pilipinas na responsable sa pagtatanggol mula sa mga panlabas at panloob na panganib sa kapayapaan at seguridad sa Pilipinas?
- ... na ang Ful Haus ay isang dulang pangkatatawan sa GMA Network na kinabibidahan nina Vic Sotto at Pia Guanio?
- ... na ang Destiny's Child ay isang dating grupong pambabaeng mga mang-aawit na nabuo noong 1990 sa Houston, Teksas at kinabibilangan ni Beyoncé Knowles?*... na ang Mitsubishi Lancer Evolution ay ginawa lamang sana para sa pamilihang Hapones ngunit nadala rin sa Europa?
- ... na si Ricardo Paras ay ang pangwalong Punong Mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas?
- ... na ang Dragostea Din Tei ay isang kanta mula sa bandang O-Zone na naging numero unong kanta sa Europa ng labing-dalawang linggo?
- ... na ang anak ng tao ay isang pamagat na ginamit para kay Hesus at sa propetang si Esekiel?
- ... na ang Nuts Entertainment ay isang maikling dulang nakakatawa na ipinapalabas sa GMA Network tuwing Sabado ng gabi?
- ... na si Joe Biden, na napili ni Barack Obama, ang magiging pinakaunang Romano Katolikong Pangalawang Pangulo sa Estados Unidos?
- ... na si Sarah Palin, katambal ni John McCain, ang unang babaeng tumakbo para sa pagkapangalawang pangulo sa Estados Unidos mula sa Partidong Republikano at una ring taga-Alaska?
- ... na ang Palarong Paralimpiko ay ay isang kaganapang pampalakasan na pangmaramihan para sa mga manlalarong may mga kapansanang pisikal at pandama?
- ... na ang Distritong Pambatas ng Lalawigan ng Sarangani ay ang kinatawan ng lalawigan ng Sarangani sa mababang kapulungan ng Pilipinas?
- ... na ang Sulat sa mga taga-Galacia ay tungkol sa alitan ng mga Kristiyanong Hentil ukol sa Batas ni Moises sa loob ng sinaunang Kristiyanismo?
- ... na ang Distritong Pambatas ng Lalawigan ng Quirino ay ang kinatawan ng lalawigan ng Quirino sa mababang kapulungan ng Pilipinas?
- ... na si Cesar Bengzon ay ang pangsiyam na Punong Mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas?
- ... na ang pangunahing kampus ng Unibersidad ng Katimugang Luzon - Kampus ng Lucena ay matatagpuan sa may paanan ng Bundok ng Banahaw sa Lucban, Quezon?
- ... na ang Distritong Pambatas ng Lalawigan ng Siquijor ay ang kinatawan ng lalawigan ng Siquijor sa mababang kapulungan ng Pilipinas?
- ... na ikaanim ang Sulat sa mga taga-Roma sa mga liham na isinulat ni San Pablo ngunit palaging inuuna dahil sa kahalagahan ng mga nilalaman?
- ... na ang Distritong Pambatas ng Lalawigan ng Katimugang Leyte ay ang kinatawan ng lalawigan ng Katimugang Leyte sa mababang kapulungan ng nasabing bansa?
- ... na ang Punong Mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas ay ang nangunguna sa Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas at pinakamataas na opisyal ng hustisya sa pamahalaan ng Pilipinas?
- ... na ang kasaysayan ng pag-init ng mundo ay sinasabing nagsimula noong Himagsikang Industriyal kung saan maraming mga greenhouse gas ang ibinubuga ng mga makabagong makinarya at mga pagawaan?
- ... na ang Distritong Pambatas ng Lalawigan ng Catanduanes ay ang kinatawan ng lalawigan ng Catanduanes sa mababang kapulungan ng Pilipinas?
- ... na ang Kagawaran ng Katarungan ay isang departamentong tagapagpatupad ng Pamahalaan ng Pilipinas na may misyong magtatag at magpanatili ng pantay na lipunan at makataong hustisya?
- ... na ang Distritong Pambatas ng Lalawigan ng Tawi-Tawi ay ang kinatawan ng lalawigan ng Tawi-Tawi sa mababang kapulungan ng Pilipinas?
- ... na pinaniniwalaang 3 ang liham na sinulat ni Pablo ng Tarsus para sa mga Corintio subalit dalawa lamang ang nakaabot sa kasalakuyan: ang Una at Ikalawang Sulat sa mga taga-Corinto?
- ... na ang 1-1-7 ay ang pambansang bilang na pantelepono para sa aberya ng Pilipinas at kilala rin bilang Emergency Network Philippines at Patrol 117?
- ... na ang Distritong Pambatas ng Lalawigan ng Biliran ay ang kinatawan ng lalawigan ng Biliran sa mababang kapulungan ng Pilipinas?
- ... na ang Unang Sulat sa mga taga-Corinto ni Pablo ng Tarsus ay naglalaman ng mga kapansin-pansing mga talataan hinggil sa awiting pang-pag-ibig na Kristiyano at ukol sa kahulugan ng muling pagkabuhay ni Hesus?
- ... na ang Distritong Pambatas ng Lalawigan ng Camiguin ay ang kinatawan ng lalawigan ng Camiguin sa mababang kapulungan ng Pilipinas?
- ... na ang Kagawaran ng Edukasyon ay ang departamentong tagapagpatupad ng Pamahalaan ng Pilipinas na dating tinatawag na Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Palakasan?
- ... na ang Salpakan o Game of the Generals sa Ingles ay isang larong-board na inimbento ng Pilipinong si Ronnie Pasola at kahawig sa larong ahedres?
- ... na si Garry Kasparov ay isang Rusong kampeon ng ahedres, manunulat, at kumandidato sa halalang pampangulo sa Rusya noong 2008?
- ... na ang Distritong Pambatas ng Lungsod ng Malabon-Lungsod ng Navotas ay ang kinatawan ng mga lungsod ng Malabon at Navotas sa mababang kapulungan ng Pilipinas?
- ... na ang aklat ng Mga Gawa ng mga Alagad ng Bibliya ay tinatawag ding Ebanghelyo ng Espiritu Santo?
- ... na ang Distritong Pambatas ng Lalawigan ng Bataan ay ang kinatawan ng lalawigan ng Bataan sa mababang kapulungan ng Pilipinas?
- ... na ang balarilang pampanandaan ay ang balarila ng alhebra na nagpapaliwanag kung paano pinapangkat ang mga simbolo para mapakita ang kahulugan ng mga ekspresyong pampananda?
Oktubre 2008
baguhin- ... na ang Pandaigdigang Lupon sa Paralimpiko ay isang pandaigdigang organisasyong itinatag noong 22 Setyembre 1989 para sa mga manlalarong may kapansanan?
- ... na ang Distritong Pambatas ng Lalawigan ng Antique ay ang kinatawan ng Antique sa mababang kapulungan ng Pilipinas?
- ... na si Gregory Tangonan ay isang Pilipinong imbentor ng antenang analogo para sa pagpapadala ng mensaheng gamit ang optikang hibla at dihitalisasyon?
- ... na ang Distritong Pambatas ng Lalawigan ng Aurora ay ang kinatawan ng Aurora sa mababang kapulungan ng Pilipinas?
- ... na ang Himpilang Abenidang Quirino ng LRT ay malapit sa Soo ng Maynila at sa mga tanggapan ng Kawanihan ng Industriya ng Halaman ng Pilipinas?
- ... na si Rafael Dineros Guerrero III ay isang Pilipinong imbentor na kinikilalang dalubhasa sa mga tilapia?
- ... na ang Distritong Pambatas ng Lungsod ng Las Piñas ay ang kinatawan ng Las Piñas sa mababang kapulungan ng Pilipinas?
- ... na si Enrique Ostrea ay isang Pilipinong manggagamot na kinilala sa kaniyang pananaliksik ukol sa mga gamot at pag-aaral sa larangan ng pediyatriko?
- ... na ang Distritong Pambatas ng Lungsod ng Pasay ay ang kinatawan ng Pasay sa mababang kapulungan ng Pilipinas?
- ... na si Edgardo Vazquez ay isang Pilipinong kilala bilang imbentor ng mga bakod na pangdaanan ng mga sasakyan sa Luzon?
- ... na si Gregorio Zara ay isang Pilipinong imbentor ng videophone at mahigit 30 gamit sa eroplano?
- ... na ang Distritong Pambatas ng Lalawigan ng Apayao ay ang kinatawan ng Apayao sa mababang kapulungan ng Pilipinas?
- ... na si Benjamin Santos ay isang Pilipinong imbentor ng prosesong BENSAN Zero-Waste?
- ... na ang Distritong Pambatas ng Lalawigan ng Basilan ay ang kinatawan ng Basilan sa mababang kapulungan ng Pilipinas?
- ... na si Julian Banzon ay isang Pilipinong imbentor ng gasolina na nagmula sa niyog?
- ... na si Lilian Pateña ay isang Pilipinong siyentipikong nakatuklas ng kalamansi at suhang walang buto, at isa sa nagpatatag sa industriya ng saging na saba sa Pilipinas?
- ... na si Roberto del Rosario ay ang Pilipinong imbentor ng Sing-Along System na kilala bilang Minus-One na nakilala kalaunan bilang Karaoke?
- ... na ang Distritong Pambatas ng Lungsod ng Cagayan de Oro ay ang kinatawan ng Cagayan de Oro sa mababang kapulungan ng Pilipinas?
- ... na ang Distritong Pambatas ng Lungsod ng Iloilo ay ang kinatawan ng Iloilo sa mababang kapulungan ng Pilipinas?
- ... na si Lourdes Jansuy Cruz ay isang Pilipinong kinilalang bilang dalubhasa sa paggawa ng mga gamot mula sa lason ng mga susong pandagat?
- ... na si Maria Carlita Rex-Doran ang Pilipinong nakaimbento ng katas mula sa ampalaya na nakagagamot ng diabetes at HIV?
- ... na ang Distritong Pambatas ng Lungsod ng Zamboanga ay ang kinatawan ng Zamboanga sa mababang kapulungan ng Pilipinas?
- ... na ang taniman ng orkidya ng imbentor na si Bonifacio Isidro ay naging tanghalan para sa buong Timog-Silangang Asya?
- ... na ang Distritong Pambatas ng Lalawigan ng Nueva Vizcaya ay ang kinatawan ng lalawigan ng Nueva Vizcaya sa mababang kapulungan ng Pilipinas?
- ... na si Roberto Salido ay isang Pilipinong imbentor na nagtapos ng pagkamanananggol ngunit mas nakilala sa kaniyang imbensiyong pataba sa halaman?
- ... na ang Iliada ang pinakamaaga at pinakatanyag na akda mula sa panitikan ng Gresya?
- ... na ang Distritong Pambatas ng Lungsod ng San Jose del Monte ay ang kinatawan ng San Jose del Monte sa mababang kapulungan ng Pilipinas?
- ... na Palarong Olimpiko sa Taglamig 2014 ay ang unang pagkakataon ng Pederasyong Ruso na magpupunong-abala na di-kinikilala bilang Unyong Sobyet?
- ... na ang Distritong Pambatas ng Lungsod ng Davao ay ang kinatawan ng Davao sa mababang kapulungan ng Pilipinas?
- ... na ang Himpilang Betty Go-Belmonte ng LRT ay ipinangalan sa asawa ng alkalde ng Lungsod ng Quezon na tagapagtatag rin ng The Philippine Star?
- ... na, sa kasalukuyan, may tatlong kumakalat na mga salinwika ng Bibliya na nasa wikang Tagalog?
- ... na ang Distritong Pambatas ng Lungsod ng Caloocan ay ang kinatawan ng Caloocan sa mababang kapulungan ng Pilipinas?
- ... na ang Linyang Murado ng LRT ng Maynila ay ang ika-2 linya ng sistemang Magaang na Riles Pantawid ng Maynila na may 11 hintuang nakaangat maliban sa isa?
- ... na ang Distritong Pambatas ng Lungsod ng Mandaluyong ay ang kinatawan ng Mandaluyong sa mababang kapulungan ng Pilipinas?
- ... na ang pasikutang ganap ng tubig ay isang paraan ng kalikasan kung saan pinagbabago ang anyo at porma ng tubig ngunit nanatili ang pangunahing sangkap nito?
- ... na mayroon ding panukalang nagmula sa pangalan ng mga Tagal ng Borneo at Sumatra ang katawagan sa mga mamamayang Tagalog?
- ... na ang pelikulang Magnifico ng 2003 ay nagwagi ng Gantimpalang Jury mula sa Pandaigdigang Kapistahang Pampelikula sa Berlin?
- ... na ang Distritong Pambatas ng Lungsod ng Taguig ay ang kinatawan ng Taguig sa mababang kapulungan ng Pilipinas?
- ... na ang Toreng Kambal ng BSA ay pangwalo sa mga pinakamatataas na gusaling tukudlangit sa Kalakhang Maynila?
- ... na ang Distritong Pambatas ng Lungsod ng Pasig ay ang kinatawan ng Pasig sa mababang kapulungan ng Pilipinas?
- ... na nagtagumpay si Rama ng Ramayana sa pamamagitan ng pagtulong ng hukbo ng mga unggoy?
- ... na ang Distritong Pambatas ng Lungsod ng Bacolod ay ang kinatawan ng Bacolod sa mababang kapulungan ng Pilipinas?
- ... na mayroong likas na galit ang mga tandang laban sa kapwa tandang, kaya naisasagawa ang sabong?
- ... na ang inunan ay isa lamang pansamantalang organong matatagpuan sa mga babaeng mamalya habang nasa pagbubuntis?
- ... na ang Distritong Pambatas ng Lungsod ng Valenzuela ay ang kinatawan ng Valenzuela sa mababang kapulungan ng Pilipinas?
- ... na ang Mahabharata ay isang epika ng sinaunang India at nangangahulugang Ang Dakilang Salaysay Ukol sa mga Bharata?
- ... na ang Distritong Pambatas ng Lungsod ng Antipolo ay ang kinatawan ng lungsod ng Antipolo sa mababang kapulungan ng Pilipinas?
- ... na si Aineias ng epikang Aeneis ni Vergilius ay isa ring tauhan sa tulang Iliada ni Homer?
- ... na ang Himpilang Abad Santos ng LRT ay ipinangalanan mula sa Abenidang Abad Santos at kay Jose Abad Santos?
- ... na ang Distritong Pambatas ng Lungsod ng Cebu ay ang kinatawan ng Cebu sa mababang kapulungan ng Pilipinas?
- ... na bagaman taga-Inglatera ang makatang kumatha ng Beowulf, naganap sa Dinamarka ang halos kabuoan ng mga pangyayari sa epikang ito?
- ... na ang Linyang Dilaw ng LRT ng Maynila ay ang unang mabilis na linya ng transportasyong tren ng sistemang Magaang na Riles Pantawid ng Maynila?
- ... na ang Palarong Olimpiko sa Tag-init 1992 ay isang sabansaang kaganapang pampalakasang pangmaramihan na ginanap sa Barselona, Katalonya, Espanya?
- ... na inibig sana ni Vergilius, ang may-akda ng Aeneis, na maging isang manananggol, ngunit mas piniling maging makata dahil mahiyain?
- ... na ang Distritong Pambatas ng Lalawigan ng Benguet ay ang kinatawan ng Benguet sa mababang kapulungan ng Pilipinas?
- ... na ang epikang Aeneis ay isang hindi-tapos na akdang inibig sanang sunugin ni Publius Vergilius Maro bago siya sumakabilang-buhay?
- ... na ang Distritong Pambatas ng Lalawigan ng Agusan del Sur ay ang kinatawan ng Agusan del Sur sa mababang kapulungan ng Pilipinas?
- ... na ang mga salawikain sa Pilipinas ay nahahati sa anim na kaurian?
- ... na ang Distritong Pambatas ng Lalawigan ng Albay ay ang kinatawan ng Albay sa mababang kapulungan ng Pilipinas?
- ... na si Lloyd Navera, na isang Pilipinong direktor at prodyuser ng mga pelikulang pangdokumentaryo at pangtelebisyon, ay isa ring tagapagtinig?
- ... na mayroong mga kaganapan sa Aklat ni Zacarias na hindi kapanahon ng propetang sumulat nito?
- ... na ang Distritong Pambatas ng Lalawigan ng Ilocos Sur ay ang kinatawan ng lalawigan ng Ilocos Sur sa mababang kapulungan ng Pilipinas?
- ... na bagaman hindi opisyal, tinaguriang Olimpikong Sentenyal ang Palarong Olimpiko sa Tag-init 1996?
- ... na ang Distritong Pambatas ng Lungsod ng Baguio ay dating bahagi ng distritong pambatas ng lalawigan ng Lalawigang Bulubundukin mula 1916 hanggang 1969?
- ... na ang Distritong Pambatas ng Lalawigan ng Agusan del Norte ay dating bahagi ng Rehiyon X simula 1978 na nahati noong 1986?
- ... na ang Himpilang Tayuman ng LRT na nasa kanto ng Abenidang Rizal ay nagsisilbi para sa Sta. Cruz, Maynila at ipinangalan mula sa daanang Tayuman?
- ... na ang Palarong Olimpiko sa Tag-init 2000 ay ang pangalawang pagkakataon na ginanap Olimpikong Tag-init Katimugang Hatimbilog ng daigdig?
- ... na ang Distritong Pambatas ng Lalawigan ng Abra ay dating bahaging-kinakatawan ng Unang Rehiyon mula 1978 hanggang 1984?
- ... na ang talaan ng mga pelikulang Pilipino ayon sa laki ng kinita ay nagpapakita rin ng impormasyon mula 2006 hanggang 2008?
- ... na ang Marinduque ay dating bahagi ng Tayabas na nabigyan lamang ng sariling Distritong Pambatas ng Lalawigan ng Marinduque noong 1922?
- ... na pinakaunang nobela sana sa mundo ang Odisea kung hindi lamang patula ang pagkakasulat dito ni Homero?
- ... na si Sergei Sviatchenko ay isang Ukranyanong artista ng sining na unang nakilala sa paglikha ng mga pinagtapal-tapal na mga disenyo?
- ... na ang mga salawikaing Pilipino ay pinagpangkat-pangkat ni Damiana Eugenio, isang propesor at may-akdang tinaguriang Ina ng Kuwentong-Bayan ng Pilipinas?
- ... na si Manuel Colayco ay isang manunulat at dating sundalong Pilipino mula sa Pasay na naging bayaning gerilya noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
- ... na ang Romblon ay dating bahagi ng Capiz kaya't nagkaroon lamang ng sariling Distritong Pambatas ng Lalawigan ng Romblon noong 1919?
- ... na ang Aklat ni Amos ang unang pahayag ng isang propetang naitala ng buo sa Bibliya?
- ... na naging bahagi ng kinakatawan ng Rehiyon VI mula 1978 hanggang 1984 ang Distritong Pambatas ng Lalawigan ng Aklan?
- ... na ayon sa Aklat ni Ageo, itinuturing na kalarawan ng Mesias ang isang gobernador na nagngangalang Zorobabel?
- ... na dating 3 ang Distritong Pambatas ng Lalawigan ng Capiz hanggang sa mabigyan ng sariling kinatawan ang Aklan noong 1957?
- ... na ibinunyag ng may-akda ng Aklat ni Sofonias ang sinasabing tunay at pinakapayak na anyo ng kasalanan?
- ... na ang Aklat ni Jonas ay hinggil sa isang propetang nilamon ng isang dambuhalang isda?
- ... na ang Lungsod ng Antipolo ay naging isa sa mga kinakatawan ng Distritong Pambatas ng Lalawigan ng Rizal?
- ... na ang Aklat ni Abdias ang pinakamaliit na aklat sa Lumang Tipan ng Bibliya?
- ... na dating nagsosolo ang Distritong Pambatas ng Lalawigan ng Palawan bago mahati sa dalawa noong 1986?
- ... na natupad ang pagbubuhos ng kaluluwa ng Diyos na sinasabi sa Aklat ni Joel noong araw ng Pentekostes at saksi si San Pedro?
- ... na may pagkakahambing si Oseas kay Pablong Alagad, sapagkat kapwa sila may pamagat na kaugnay ng pag-ibig?
- ... na ang Palarong Olimpiko sa Taglamig 2010 ay gaganapin sa Vancouver, Britanikong Kolumbya, Kanada?
- ... na naglalaman ang Aklat ni Mikas ng mga panamdam mula sa Diyos na sinambit sa magkakaibang mga panahon?
- ... na ang Distritong Pambatas ng Lalawigan ng Cavite ay nakapaghalal ng 3 kinatawang pangkalahatan mula 1984 hanggang 1986?
- ... na ang Aklat ni Daniel ay tungkol sa isang propetang naging tagapayo ni Nabucodonosor, ang hari ng Babilonia?
- ... na ang Aklat ni Habakuk ay para sa mga taong may katanungan kung nakikinig ba ang Diyos sa mga panalangin?
- ... na ang Aklat ni Nahum ay isang "tula ng pagdiriwang" na nagbibigay ng sagot sa katanungan hinggil sa mga "malulupit na mga bansa?"
- ... na ang Distritong Pambatas ng Lalawigan ng Laguna ay nahahati lamang sa dalawa hanggang sa sumapit ang 1972?
- ... na ang Aklat ni Oseas ay isang salaysay ng pag-ibig sapagkat kinakatawan ito ng "isang matalinghalagang kasal?"
- ... na ang Distritong Pambatas ng Lalawigan ng Batangas ay bahagi ng kinakatawan ng Rehiyon IV-A mula 1978 hanggang 1984?
- ... na tumulong ang Hapones na si Chiune Sugihara sa mga tumatakas na mga Hudyo noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa pamamagitan ng pagbibigay ng libu-libong mga bisa?
- ... na mahigit sa 20 mga dinastiya sa Tsina ang namuno sa naturang bansa ng may 20,000 mga taon?
- ... na nawala ang orihinal na Aklat ni Baruc na nasa Ebreo kaya't nakabatay ngayon ang mga pangkasalukuyang salin mula sa tinatawag na Salin ng Pitumpu?
- ... na ang Paligsahang Pang-awitin ng Eurovision ay isang kumpetisyong ginaganap kada taon ng mga miyembro ng European Broadcasting Union?
- ... na sa Aklat ni Ezekiel, itinatakwil ni propeta Ezekiel ang paniniwalang naipapasa sa mga anak ang mga kasalanan ng mga ama?
- ... na ang paghalik sa kamay ay isang ritwal na maaring nagsimula bilang pormal na pagpapakita ng katapatan sa kapwa tao?
- ... na ang Kagawaran ng Turismo ng Pilipinas ang tagapagpaganap ng pamahalaan ng Pilipinas na nagpapakilala sa bansa bilang isang destinasyong pasyalan?
- ... na ang Palarong Olimpiko sa Taglamig 2006 ay isang kaganapang pampalakasang taglamig na ipinagdiwang sa Turino, Italya noong Pebrero 2006?
- ... na ang partidong politikal ay isang samahang naghahangad na makakuha at makapagpanatili ng kapangyarihang pangpamahalaan?
- ... na ang Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal ng Pilipinas ang tagapagpaganap ng pamahalaan ng Pilipinas para sa pagpapaigting ng kapayapaan, kaayusan, at pagpapanatili ng seguridad?
- ... na ang Apango ay isang nayon sa may gitnang rehiyon ng Mehikanong estado ng Guerrero?
- ... na ang kulambo ay tinatawag ding muskitero?
- ... na may kakayahang dumikit sa mga damit ang mga matitinik na ulo ng halamang mores na nakatutulong sa pagpapakalat ng kanilang uri?
- ... na Artemisia absinthium at Artemisia vulgaris ay mga uri ng damong-maria?
- ... na natiyak ang pagdaraos ng Palarong Olimpiko sa Tag-init 2004 sa Gresya dahil sa naging gampaning pangkasaysayan ng Atenas at Gresya sa pagtataguyod ng Kilusang Olimpiko?
- ... na ang Londres ang lungsod na unang magiging punong-abala ng 3 ulit para sa makabagong Palarong Olimpiko dahil sa Palarong Olimpiko sa Tag-init ng 2012?
- ... na ang rayumatolohiya ay isang sangay ng medisinang gumagamot ng mga rayuma?
- ... na mainam ang mga buto ng apyo para sa mga taong may sakit na piyo?
- ... na ang Achillea millefolium ay may kakayahang makapigil sa pagdurugo ng ilong at mga sugat?
- ... na ang agrimonya ay isang pangunahing sangkap para sa pagpapagaling ng mga sugat na sanhi ng pagkakabaril noong ika-15 daantaon?
- ... na ginagawang masustansiyang pampasiglang pagkain ang mga kinending mga tangkay at ugat ng anghelika?
- ... na si Buenaventura S. Medina Jr. ay isang Pilipinong manunulat na umakda ng higit sa 25 aklat?
- ... na ang Aloe vera ay dating ginagamit ng mga sinaunang Romano bilang pamahid sa mga sugat ng titi?
- ... na hindi epektibong gamot ang bawang kapag inalisan ng amoy?
- ... na ang Althaea officinalis ay isang halamang marsmalo na katutubo sa Aprika?
- ... na ang mga alkemilya ay tinatawag ding lambong ng babae?
- ... na ang Pambansang Liwasang Ilog sa Ilalim ng Lupa ng Puerto Princesa ay isang pambansang liwasan sa Pilipinas na nasa Puerto Princesa, Palawan?
- ... na si Kaspar Capparoni ay isang aktor mula sa Roma, Italya?
- ... na ang Kredo ng Niseno ay isang ekumenikal na Kristiyanong kredong tinanggap sa maraming uri ng simbahang Kristiyano?
- ... na ang Ospital ng John F. Cotton ay isang pangkumpanyang ospital na matatagpuan sa loob ng bakuran ng Meralco?
- ... na ang hematolohiya ay isang sangay ng panggagamot na nagsasagawa ng mga pag-aaral hinggil sa dugo?
- ... na ang heriyatriko ay isang sangay ng panggagamot na nagsasagawa ng mga pagsusuring kaugnayan ng mga sakit sa katandaan?
Setyembre 2008
baguhin- ... na isa sa mga punong katangian ng silanganing pilosopiya ang pagkakaroon ng monistikong pag-unawa sa realidad?
- ... na naging bayan ang Obando, Bulacan noong 1753 dahil sa Gobernador-Heneral na si Don Francisco de Obando y Solis Marquez?
- ... na bukod sa pagiging aktor, nangangasiwa rin ng tanimang ubas na ginagawang alak sa Vienna, Austria si Martin Weinek?
- ... na ang Colegio de San Pascual Baylon sa Obando, Bulacan ay nagsimula lamang bilang isang Escuela Katolika noong 1913?
- ... na ang kanluraning pilosopiya ay ang pilosopikal na kaisipan sa mundong kanluranin na kaiba sa mga pilosopiyang silanganin?
- ... na ang pangkasalukuyang Sayaw sa Obando ay may simulaing pagano na dating kilala bilang Kasilonawan?
- ... na ang narsing ay ang larangan ng pag-aaral at paglilingkod bilang isang dalubhasang tagapag-alaga ng maysakit?
- ... na ang pananaliksik ay ang proseso ng paghanap ng mga impormasyong humahantong sa kaalaman?
- ... na itinuturing na mga inapo ng mga dinosauro ang mga ibon?
- ... na si Ramon Barba ay isang Pilipinong imbentor na nakalikha ng paraan upang lalo pang mapamulaklak ang mga mangga?
- ... na ang neyuroplastisidad ay ang pagbabago ng istruktura at silbi ng mga selula ng utak pagkatapos ng isang karanasan?
- ... na ang samurai ay ang mga kasapi ng uring mandirigmang pang-militar ng sinaunang Hapon?
- ... na ang epidemiyolohiya ay ang pag-aaral mabilis na pagkalat ng mga nakakahawang sakit?
- ... na inihayag sa Aklat ni Jeremias ang mga paghiyaw ng propetang si Jeremias?
- ... na sa kasaysayan ng Palarong Paralimpiko, ang Palarong Paralimpiko sa Tag-init 2008 ang may pinakamalaking bilang ng mga bansang nakilahok?
- ... na ang Aklat ng mga Panaghoy ay tinatawag ding libro ng mga tulang alpabetiko?
- ... na, sa ilang mga gawi, katulad ng isang makina ang katawan ng tao?
- ... na 98% hanggang 99% bahagdang kahawig ng sa tao ang DNA ng mga gorilya?
- ... na si San Hudas ang Alagad ay kilala rin bilang Hudas Tadeo, Hudas na kapatid ni Santiago, at Ang Nakalimutang Santo?
- ... na ginagamit ng mga biyologo ang salitang bakulaw para isali ang mga tao?
- ... na bukod sa mga nakalata na, marami pang uri ng lutuing may karneng baboy at mga munggo?
- ... na walang katumbas sa wikang Ebreo ang salitang sanlibutan kaya't ginamit sa Bibliya ang katagang "mga langit at lupa"?
- ... na ang tagan ay isang uri ng tag-an na nasa pamilyang Pristidae at natatagpuan sa mga subtropikal na mga katubigan ng mundo?
- ... na pinaniniwalaang ang mga Negrito ang mga inapo o hinlog ng isa sa mga populasyong tagapagtatag ng mga makabagong tao?
- ... na si Mariang Ina ni Hesus ang "bagong Eba" sapagkat may parirala sa Aklat ng Henesis na kaugnay ng mga talatang protoebanghelyo?
- ... na ang tukmol ay mas maliit ang laki ng pangangatawan kung ihahambing sa iba pang mga kalapati?
- ... na ang pangalan ni Adan ay nagmula sa mga salitang Ebreong katumbas ng mga salitang "tao" at "lupa"?
- ... na may parehong merong salitang "at" ang mga wikang Tagalog at Ingles ngunit may pagkakaiba sa paggamit?
- ... na napalayas lamang sina Adan at Eba mula sa loob ng isang hardin, hindi mula sa loob ng mismong Eden?
- ... na ang angkak ay mga butil o halaman na karaniwang itinatanim, inaalagaan, at inaani para sa kanilang nakakaing mga bungang buto?
- ... na kabilang sa mga unang tao ang taong Java, taong Peking at taong Tabon ng Asya?
- ... na ang mulino ay isang makinang pinapakilos ng hangin para lumikha ng enerhiya?
- ... na ang tuklong ay mga maliliit na simbahang maaaring yari sa nipa at kawayan na nagsisilbing pansamantalang dambana hanggang maging isang ganap na pangmatagalang gusaling sambahan?
- ... na ang unang taong nakatindig ay isang uri ng taong kilala rin bilang Homo erectus?
- ... na ang bako ay mga ibong-mangingisda sa dagat na nasa pamilyang Laridae?
- ... na ang kusilba ay ang mga nananatiling mga labi ng mga hayop, halaman, at ibang mga organismo mula sa malayong nakaraan?
- ... na ang Pagpupulong sa Pamamahala ng Internet ay isang pagpupulong at pagtatagpo para sa mga iba’t ibang usapan ukol sa pamamahala ng Internet?
- ... na ang grabedad ay isang likas na kababalaghang nagiging sanhi ng pagkakabighani o paghila ng mga bagay sa bawat isa?
- ... na ang Palarong Olimpiko sa Tag-init ay mga pandaigdigang kaganapan ng palakasang pangmaramihan, karaniwang apatang taunan, na isinaayos ng Pandaigdigang Lupon ng Olimpiko?
- ... na ang unang eroplano ay walang lulang tao, pinapaandar ng singaw, at may timbang na 9 na libra?
- ... na ang isang ponema ay nangangahulugan ng isang titik, subalit sinasabing mas nakahihigit ang titik sa isang ponema?
- ... na ang panukala ng pagbabago ang diwa o konseptong ginagamit ng mga siyentipiko sa pagpapaliwanag ng mga pagbabago sa mga organismo?
- ... na, sa kapayakan, ang lahat ng kamera ay isang kahong hindi napapasok ng liwanag hanggang sa makuha ang isang larawan?
- ... na ang Dagat Sulu ang pinagmulan ng pangalan ng tauhan sa Star Trek na si Hikaru Sulu?
- ... na ang santan ay isang palumpong sa Asyang kilala rin bilang "ningas ng kagubatan"?
- ... na si Claude Dablon ay isang misyonerong Hesuwitang Pranses na nakihalubilo sa mga Indyo sa Kanada noong mga 1600?
- ... na ang mga duhandas na nagsasaboy ng liwanag ay mga maliliit na ilaw na ginagamit bilang mga panghudyat sa mga kagamitang elektroniko?
- ... na ang itim na moras ay dinala sa Europa para painamin ang pagaalaga ng mga uod na lumilikha ng seda?
- ... na si Nadia Comăneci ang unang manlalarong panghimnastikang ginawaran ng ganap na puntong 10 sa Palarong Olimpiko?
- ... na nagmula ang pangalan ng uring kinabibilangang ng Saitis barbipes sa Latin ay nangangahulugang "balbas na paa"?
- ... na ang pagbabaybay sa wikang Filipino ay ipinapalagay na pinakamaunlad at pinakatumpak na kalakaran kung paano inililipat ng mga Pilipino ang sinasalitang wika sa anyong pasulat?
- ... na si Juan Antonio Samaranch ay isang Kastilang opisyal sa palakasan na naging pangulo ng Pandaigdigang Lupon ng Olimpiko mula 1980 hanggang 2001?
- ... na si Jacques Rogge ay isang Belhikanong naging ikawalong pangulo ng Pandaigdigang Lupon ng Olimpiko, na kapalit ni Samaranch?
- ... na si Beyoncé Knowles ay dating miyembro ng Destiny's Child, isang pangalan ng bandang hango sa Aklat ni Isaias?
- ... na ang Lifehouse ay dating kilala bilang isang bandang pang-Kristiyanong Bylss?
- ... na ang kantang Apologize ng OneRepublic ay isa sa dalawang awit na umabot sa 3 milyong legal na pagkarga sa kasaysayan?
- ... na humango ang Nagkakaisang Bansa ng paglalahad ng kanilang misyon mula sa Aklat ni Isaias?
- ... na ang Olimpikong Himno ay ang opisyal na Olimpikong Awit ng Pandaigdigang Lupon ng Olimpiko?
- ... na ang Olimpikong maskot ay isang karakter na hayop o anyong-taong kumakatawan sa kalinangan ng pook na ginaganapan ng Palarong Olimpiko?
- ... na ang Orden ng Olimpiko ay ang pinakamataas na gawad ng Kilusang Olimpikong nilikha ng Pandaigdigang Lupon ng Olimpiko noong Mayo 1975?
- ... na nakatanggap si Yasser Arafat ng Premyong Nobel na Pangkapayapaan, kasama nina Yitzhak Rabin at Shimon Peres noong 1994?
- ... na ang kakawate ay ginagamit sa paggagamot ng galis-aso?
Agosto 2008
baguhin- ... na si Usain Bolt ng Jamaica ay ang manlalarong hagibis lamang na hindi nagmumula sa Mga Nagkakaisang Estado sa pangunahing 5 ng IAAF?
- ... na si Michael Phelps ay isang Amerikanong manlalangoy na may hawak ng tala sa pinakamaraming gintong medalyang pinanalunan sa isang Olimpiko sa kasalukuyan?
- ... na ang Magandang Balita Biblia ay isa sa dalawang pinakabinabahaging salin ng Bibliya na nasa Tagalog sa Pilipinas?
- ... na ang Cyworld ay isang Timog Koryanong pampamayanang websayt na nagkaroon ng malaking epekto sa kultura ng Internet sa Korea?
- ... na ang Elias at Salome ang nawawalang kabanata ng Noli Me Tangere ni Jose Rizal?
- ... na ang Aklat ng Awit ng mga Awit ng Bibliya ay naglalahad ng pagsusuyuan ng dalawang magkasintahan ?
- ... na ang luwalhati sa umaga ay isang halamang may bulaklak na hugis embudo at bumubuka lamang tuwing madaling-araw?
- ... na maraming uri ng mga pambibliyang mga salmo at karamihan ay akda ni Haring David?
- ... na ang mga Aklat ni Judit at ni Ester na nasa Lumang Tipan ng Bibliya ay kapwa hinggil sa mga bayaning babae?
- ... na si San Patricio ay isang Kristiyanong Romano-Britanikong misyonero at pintakasing santo ng Irlanda?
- ... na nagsimula ang rekisitong pangungumpisal nang isang beses isang taon para sa mga Romano Katoliko noong 1215?
- ... na ang Pandaigdigang Araw ng Kabataan 2002 ng Simbahang Romano Katoliko ay isinagawa sa Toronto, Canada?
- ... na ang Dakilang Hubileo ng 2000 ay isang importanteng pangyayari sa Simbahang Romano Katoliko?
- ... na si Sheila Mae Perez, isang Pilipinang Olimpikong manlalaro, ay tumulong sa magulang sa pamamagitan ng pagtatalong-sisid mula sa mga barkong pangkargamento?
- ... na pangatlo ang Mano Po III: My Love sa mga serye ng pelikulang dulang Mano Po na tungkol sa mga Pilipinong may liping Intsik?
- ... na ang pinakaunang kartang pamasko ay dinisenyo ni John Calcott Horsley ng London, Inglatera?
- ... na si Lucien Febvre ay isang historyador na tumanggi sa pananaw na limitado ang tao dahil sa mga puwersang hindi niya kontrolado?
- ... na si Francesca Javier Cabrini ang unang mamamayang Amerikanong nagdaan sa proseso ng kanonisasyon para sa pagkasanto sa Simbahang Katoliko?
- ... na si Harry Tañamor ng Zamboanga ang kinatawang boksingero ng Pilipinas para sa Palarong Olimpiko ng 2008 sa Beijing?
- ... na may dalawang pangunahing uri ang mga kartang pambati?
- ... na ang herpes ay madaling makahawa sa ibang tao kapag nasa panahon ng kawalan ng mga palatandaan?
- ... na si Louis Prang ang itinuturing na "ama ng kartang pambati sa Amerika?"
- ... na kabilang ang trikomonyasis, klamidia, at gonorea sa mga tinatawag na "sakit na tulo"?
- ... na ang Imogen ay isang pangalang pambabae na pinaniniwalaang nilikha ni William Shakespeare para sa isang dula?
- ... na si Agatha Christie ang itinuturing na pinakamabiling manunulat ng mga aklat sa lahat ng panahon?
- ... na sa agham pangkompyuter, ang talangguhit ay isang abstraktong uri ng mga datos?
- ... na si Vrasidas ay isang opisyal na taga-Lakedaimon noong unang dekada ng Digmaang Peloponnisos?
- ... na si Heneral Kleon ay ang unang prominenteng kinatawan ng uring mangangalakal sa politika ng Athina?
- ... na si Polyvios ay isang historyador ng Panahong Ellinistiko na kilala dahil sa aklat na Ang mga Kasaysayan?
- ... na bukod sa hepa A, B, at C, marami pang ibang mga uri ng sakit na hepataytis?
- ... na ang Mano Po ay isang pelikulang dula sa Pilipinas noong 2002 at tungkol sa mga Pilipinong may liping Intsik at Hispano?
- ... na ang sakit na pagkakaroon ng mga kuto sa bulbol ay sanhi ng mga kutong kamukha ng mga alimango?
- ... na ang rapper na si Kanye West ay kinoronahan ng MTV bilang #1 "Hottest MC In The Game" noong 16 Mayo 2008?
- ... na pagkaraang masalinan ng sakit na kulugo sa ari, lumilitaw lang ang mga kulugo mga 6-12 buwan pagkalipas na mahawa?
- ... na tinatawag na mananayaw ng tiyan ang isang tagapagsayaw ng isang uri ng tradisyunal na anyo ng sayaw sa silangan?
- ... na ang Sinaunang mga Palarong Olimpiko ay isinasagawa ng mga Griyego para parangalan ang mga diyos?
- ... na hindi kaagad nalalaman kapag nagtataglay na ang isang tao ng mga sakit na nakukuha sa pakikipagtalik?
- ... na ang Labanan sa Ampipoli ay naganap noong 422 B.K. sa panahon ng Digmaang Peloponnisos sa pagitan ng Lakedaimon at Athina?
- ... na ang pagpapatiwakal ay isa sa pangunahing dahilan ng kamatayan ng tao sa buong mundo?
- ... na ang Pitong Tulay ng Königsberg ay isang tanyag na nalutas na problemang pangmatematika na pinukaw ng aktuwal na pook at sitwasyon?
- ... na ginagamit ang heometriya at topolohiya sa pagdodrowing ng grap upang mahango ang dalawahan at tatluhang dimensiyong paglalarawan nito?
- ... na ang Alimos ay isang arabal sa timog timog-kanlurang bahagi ng Athina, Gresya?
- ... na kahit mga hindi marunong sumulat at bumasa, naging santo si Felix ng Nicosia, samantalang emperador naman ng Sinaunang Roma si Justin I?
- ... na ang teoriyang grap ay isang pag-aaral ng mga grap na gamit sa paggawa ng mga modelong magkaugnay at magkaparis?
- ... na ang Olimpikong Sulo ay isang parangal na umaalala sa "pagnanakaw" ng apoy mula kay Zeus?
- ... na si Willy Garte ay isang bulag na Pilipinong mang-aawit na nagpasikat ng mga kantang Bawal na Gamot at Nasaan ang Liwanag?
- ... na pinalitan ang ngalan ni Akbar ang Dakila nang madakip sa Kabul ang kaniyang ama para maitaboy ang masasamang salamangkero?
- ... na ang Mga Aklat ng mga Paralipomeno ay pinamagatan ng ganito dahil nabibilang sila sa mga "mga nakalimutang" bahagi ng mga naunang Aklat ng mga Hari ng Bibliya?
- ... na si Sima Qian ay isang tanging dakilang eskriba ng Dinastiyang Han na itinuturing bilang Ama ng Historyograpiyang Tsino?
- ... na si Tony Velasquez ay isang Pilipinong mangguguhit na tinaguriang "Ama ng Komiks sa Pilipinas"?
- ... na ang magasing Liwayway ay isang muling-pagbuhay sa nauna ritong Photo News na nalilimbag sa 3 pangunahing wika sa Pilipinas noong mga 1920?
- ... na ang Sentrong Pambansa ng Akwatika ng Beijing, isang sentro ng palarong pantubig na nasa tabi ng Pambansang Istadyum ng Beijing, ay pinalayawang "Tubig Kubo"?
- ... na nagsimula ang kasaysayan ng Batang Hesus ng Praga noong ika-17 daantaon bilang isang handog para sa isang prinsesang Kastila?
- ... na ang mga Fuwa o "mga palakaibigang manikang suwerte" ay ang mga maskot ng Palarong Olimpiko sa Tag-init 2008 sa Beijing?
- ... na ang Bisaya Magasin ang pinakamatagal at pinakamatagumpay na magasin sa wikang Sebwano sa Pilipinas?
- ... na si Norberto Romuáldez ang itinuturing na "Ama ng Batas hinggil sa Pambansang Wika" sa Pilipinas?
- ... na ang Kagawaran ng Repormang Pansakahan ng Pilipinas ang nagsasagawa ng lahat ng mga programang pang-repormang panlupa sa bansa?
- ... na ang bonsai ay tinatawag ding bansoy o "ang bansot na halamang makahoy" sa Pilipinas?
- ... na tinatayang 10,500 mga manlalaro ang lalahok sa 302 mga kaganapang pang-isports ng sasapit na Pang-tag-init na Palarong Olimpiko 2008?
- ... na si Teresa ng Lisieux ay isang santang Pranses na kinikilala bilang "Ang Munting Bulaklak ni Hesus"?
- ... na si Marc Bloch ay isang Pranses na historyador at gerilya ng Résistance noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig na nagtatag ng kilusang pangkasaysayang Eskuwelahan ng Annales?
- ... na ang dimos ay isang lokal na bahagi ng Attiki sa rehiyon ng Ellada na nasa palibot ng sinaunang Athina, at katumbas ng isang munisipalidad?
Hulyo 2008
baguhin- ... na ang orihinal na Larawan ng Banal na Awa ay kasalukuyang nakalagak sa isang santwaryo sa Vilnius, Lithuania?
- ... na sinulat ni San Hudas Tadeo ang Alagad, pintakasi ng kawalan ng pag-asa, ang kaniyang Sulat ni Hudas ng Bibliya noong mga taong 62 hanggang 67 AD?
- ... na ang pamagat na Ina ng Mabuting Lunas para sa Birheng Maria ay nag-ugat sa mga gawaing pagsagip ng mga aliping Kristiyano ni San Juan ng Matha?
- ... na ipinagdiriwang na ang kapistahan ni San Felix ng Valois sa Pransiya noon pa mang kaagahan ng 1215?
- ... na si Thoukydidis ang tinatawag na ama ng “maka-agham na kasaysayan” at ama ng eskuwelahan ng pampulitikang reyalismo?
- ... na ang mga mamamayan ng Knossos ay mahilig manood ng pagtatanghal ng mga suntukan at mga sirkerong nasa likod ng mga toro?
- ... na ang "Gabinete" ang pinakamalaking bahagi ng pambansang sangay-tagapagpaganap ng Pamahalaan ng Pilipinas?
- ... na si Charles-Victor Langlois ay isang dating direktor ng Pambansang Arkibo ng Pransiya mula 1913 hanggang 1929?
- ... na ang Unibersidad ng Pilipinas, Mindanao ay ang ika-anim at pinakahuling yunit ng Unibersidad ng Pilipinas?
- ... na ang Bridge of Dragons ay isang pelikula ng aksiyon at digmaan sa Estados Unidos noong 1999?
- ... na kasami si Charles Seignobos ni Charles-Victor Langlois sa pagka-may-akda ng Introduction aux études historiques noong 1897?
- ... na nagbabagu-bago pa ang bilang ng pamilyang pang-taksonomiya ng mga guno ayon sa mga may-akda ng mga ginagawang pag-aaral?
- ... na ang mga buging ay may kakaibang mga panga kaya't "kalahating-tuka" ang katumbas ng ngalan nila sa Ingles?
- ... na ang mga iniluluwal na mga itlog ng kambabalo ay may mga pangalawit kaya't nakadidikit ito sa anumang bagay sa tubig?
- ... na may isang liham si Enrique Dupuy de Lôme na nakasanhi ng suliraning diplomatiko kaya nagkaroon ng Digmaang Kastila-Amerikano?
- ... na si Juan Sebastián Elcano ang namuno sa natitirang barko ni Fernando Magallanes kaya't nakumpleto niya ang pinakaunang sirkumnabigasyon ng mundo noong 1522?
- ... na maaaring ihain bilang nakagiginhawang tsaa ang bulaklak ng mga mansanilya?
- ... na namuno si María Cristina ng Austria bilang Reynang Rehiyente ng Espanya para sa kapakanan ng trono ng nasa menor-de-edad pang anak na si Alfonso XIII?
- ... na bukod pa sa pangkaraniwang Helianthus annuus , marami pang ibang uri ng mga mirasol?
- ... na pinilit iwasan ni Práxedes Mateo Sagasta, dating punong ministro ng Espanya, ang pagkakaroon ng Digmaang Kastila-Amerikano noong 1898?
- ... na si Rolando Tinio ay Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas na kilala bilang makata, dramatista, tagasalin, direktor, tagapuna, manunulat ng sanaysay at guro?
- ... na si Adam Smith ay isang pilosopong Eskoses na kinikilala bilang "ama ng ekonomika"?
- ... na sinubok ni Basilio Augustín na makapagtatag ng asambleyang Ilustrado at puwersang milisya para ihanda ang Pilipinas sa awtonomiya?
- ... na pangunahing impluwensiya sa mga Pilipinang manunulat sina Gabriela Silang, Leonor Rivera, Imelda Marcos at Corazon Aquino?
- ... na bagaman tinuring ni Rosa Luxemburg na mali ang pagkakatatag ng Spartakusbund, natamo pa rin niya ang pagiging simbolo ng demokratikong sosyalista at Marxista?
- ... na ang Gawad Palanca ang bantog at pinakamatagal na gawad pampanitikan sa Pilipinas na katumbas ng Gantimpalang Pulitzer?
- ... na bagaman binansagan si Henry ang Nabigador ng tawag sa kaniya, hindi naman siya naglakbay sa mga karagatan?
- ... na unang nalathala sa kanluraning wika ang mga gawa ni Li Bai noong 1862 sa Poésies de l'Époque des Thang ni Marquis de Saint-Denys?
- ... na isa lamang sa 18 ng 240 tauhan ni Magallanes si Antonio Pigafetta na nakabalik sa Espanya noong 1522?
- ... na kilala si Tomoyuki Yamashita sa pananakop ng mga kolonya ng Britanya sa Malaya at Singapore noong Ika-2 Digmaang Pandaigdig kaya binansagan siyang "Tigre ng Malaya"?
- ... na si Bertrand Russell ay isang tagapagtanggol ng malayang kalakalan sa pagitan ng mga bansa at kontra sa imperyalismo?
- ... na ang nobelang Julie, ou la nouvelle Héloïse ni Jean-Jacques Rousseau ay mabenta noong mga 1800 at naging mahalaga sa pagsulong ng romantisismo?
- ...na si Elizabeth Cooper ang unang Pilipinang nakipaghalikan sa pelikula sa Pilipinas at naging lihim na kasintahan ni Douglas MacArthur?
- ... na ang Gawad Ramon Magsaysay ay palaging itinuturing na katumbas ng Parangal na Nobel sa Asya at may 6 na kategorya?
- ... na nakuha ng bandang Yano ang pangalan nila mula sa isang salitang nakalahok sa isang lumang Talahuluganang Tagalog at nangangahulugang payak?
- ... na ang Balarila ng Wikang Pambansa ay isang aklat ni Lope K. Santos sa wastong pagsasalita't pagsulat ng Tagalog na nilathala ng Surian ng Wikang Pambansa noong 1939?
- ... na naging popular ang mga araling nauukol sa tao nang sumapit ang "Muling Pagsilang" sa Europa noong ika-14 dantaon?
- ... na ang Shogun ng sinaunang Hapon ay namuno sa pook ng digmaan mula sa kaniyang "tanggapang nasa loob ng kubol"?
- ... na noong naulilang bata si Bienvenido Lumbera, pumiling siya sa nino't ninang na walang anak dahil alam niyang padadala nila siya sa paaralan?
- ... na si Darius I ang unang Taga-Silangang nakapagpaabot ng Imperyong Persa (Persian) sa Europa, at nagawa niya ito dahil sa Zoroastriyanismo?
- ... na dating titulo rin ang Pontipise para sa "mataas na pari" ng anumang relihiyon bago maging tanging-tawag para sa Papa?
- ... bagaman "kadugo" ng mga Intsik at Hapones ang mga Pilipino, mayroong mas naunang tatlong pangkat ng mga taong tumira sa sinaunang Pilipinas?
- ... na mas mainam gawin ang pagtitinggal ng pagkain sa gabi kapag namamahinga na sa kanilang mga dapuan ang mga langaw?
- ... na makukuwenta ang halaga ng lakas na patulak at pahila ayon sa pormularyo mula sa Ikalawang Batas ng Pagkilos ni Isaac Newton?
- ... na may mga panghimpapawid na uri rin ang mga ambulansiya at meron namang hinihila ng kalabaw?
- ... na ang pagbabakuna ay nakasasanhi ng tugon mula sa sistemang imyuno na nakatutulong sa pag-iwas sa mga karamdaman?
- ... na si Napoleon Abueva, Ama ng Makabagong Iskultura ng Pilipinas, ay ang nag-iisang Boholanong naging Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas?
- ... na kaugnay ng mga salitang pamahalaan, pabahalaan, at pariralang bahala na ang salitang-ugat na bahala at ang ngalang Bathala?
- ... na si Manuel L. Quezon ang pangalawang Pangulo ng Pilipinas ngunit una sa ilalim ng bagong Komonwelt?
- ... na si Juan Flavier ay napabilang sa Ten Outstanding Young Men of the Philippines noong 1967?
- ... na bukod sa pagiging eskultor ng Monumento ni Bonifacio at ng Oblasyon ng UP, kaibigan din si Guillermo Tolentino ni Fernando Amorsolo?
- ... na ang manunulat at musikerong pang-Pinoy Rock na si Dong Abay ay kasingkaarawan ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo?
- ... na ang Amerikanong bandang My Chemical Romance ay nabuo dahil sa pagguho ng World Trade Center sa New York?
- ... na si James K. Polk ang pinakaunang "maitim na kabayo" na naging pangulo ng Estados Unidos?
- ... na gumagana ang mikropono dahil sa dalawang payak na mga bahagi nito?
- ... na mayroong kasaysayan ang kasalukuyang sagisag na ginagamit para sa persentahe?
- ... na si Franklin Pierce pa lamang ang nag-iisang naging-pangulo ng Estados Unidos na nagmula sa New Hampshire?
- ... na ang Ulilang Dalagita na nasa Sementeryo ay isang dibuhong ipininta ni Eugène Delacroix?
- ... na ang planetaryo ay isang gusaling tanghalan na may bubungang kahugis ng nakataob na mangkok?
- ... na may malaking impluwensiya ang Budismo, Taoismo, Hinduismo at Kristiyanismo sa pasipismo?
- ... na ang Lungsod ng London ay dating sakop ng mga Sinaunang Romano at kilala bilang Londinium, o Romanong London?
- ... na ang mga Indones ang pinaniniwalaang ninuno ng mga Ilongot at tinatayang gumawa ng Hagdan-hagdang Palayan ng Banawe?
- ... na noong 1994, si Heather Whitestone ang naging unang Miss Alabama na may kapansanan sa pandinig, at naging Miss America 1995 din?
- ... na nanggaling ang tawag sa switik sa Hilagang Amerika mula sa nakakatakot na huni ng ibong ito?
- ... na ang demograpiya ng Malaysia ay binubuo ng maraming pangkat etnikong kinabibilangan ng mga Malay, Sarawak, Kadazan-Dusun, Bajau, Orang Asli, Tsino, at Indyan?
- ... na ginamit ni Albert Einstein ang "ekwasyon ng transpormasyon" ni Hendrik Lorentz para ilarawan ang espasyo at panahon?
- ... na kilala rin si Nick Joaquin, Pambansang Alagad ng Sining sa Pilipinas, sa ilalim ng panulat na pangalang Quijano de Manila?
- ... na si Adolfo López Mateos, dating pangulo ng Mehiko, ang dahilan ng pagkakaroon ng Konsehong Pandaigdig ng Boksing?
- ... na si Owen Lovejoy ay isa sa mga itinuturing na pinagkakatiwalaang kaibigan ni Abraham Lincoln?
- ... na bagaman tinawag na "ang Makatarungan", naghari sa Pransiya si Louis XIII sa impluwensiya ng tiyuhing si Richelieu?
- ... na naipakulong ng dalawang beses ang makatang si Richard Lovelace, una noong 1642 at noon ding 1648?
- ... na si Louis IX ng Pransiya ay kilala rin bilang "Haring Louis IX ang Mataba"?
- ... na si Ishmael Bernal ay kinikilala bilang isa sa mga pinakamahusay na direktor sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino?
- ... na si Louis XI ng Pransiya ay tinagurian din bilang "ang Gagambang Hari"?
- ... na tinalakay ni Lino Brocka sa kaniyang mga pelikula ang mga paksang pilit iniiwasan ng lipunan?
- ... na habang-buhay na naging tagahanga ng mga akda ni Lu Xun o Zhou Shuren si Mao Zedong?
- ... na si San Ignacio ng Loyola ay naging ganap na santo noong 12 Marso 1622?
- ... na si Erich Ludendorff ay isang Generalquartiermeister sa hukbo ng Alemanya noong Unang Digmaang Pandaigdig?
- ... na ang Programang Luna ng Rusya at Programang Lunar Orbiter ng US ay kapwa mga serye ng mga sasakyang pang-buwan?
- ... na ang Lungsod ng Silay ay kilala rin bilang "Paris ng Negros Occidental" sa Pilipinas?
- ... na hinango ang ngalan ng Allen, Northern Samar mula kay Hen. Robert Allen, Amerikanong gubernador-militar ng Kabisayaan?
- ... na naalis sa pagka-Punong Ministro ng Congo si Patrice Lumumba pagkaraan lamang ng 10 linggo matapos mahalal?
- ... na mula 1825-1835, naglakbay si Benjamin Lundy para makahanap ng lupain para sa mga mamamayang-itim ng Estados Unidos?
- ... na isa sa mga kaunting bandang pang-orkestra ang grupo ni Jimmie Lunceford na nagkaroon ng kahalagahan noong mga 1930?
- ... na si Charles Lindbergh ang unang pilotong nakatawid sa Karagatang Atlantiko mula New York hanggang Paris?
- ... na ang Lungsod ng Sagay ng Negros Occidental ay dating kilala bilang Arguelles at Bayan ni Magallanes?
- ... na isa si Santa Lucia sa mga kaunting santong ipinagdiriwang ng mga Luterano ng Sweden, Finland, Denmark at Norway?
- ... na namatay si Antoine Lavoisier, ang "ama ng kimika ng makabagong panahon", sa pamamagitan ng gilotina?
- ... na si Abraham Lincoln ang unang pangulo ng Estados Unidos na napatay ng isang asesino?
- ... na ang Lusiper ay di-lamang pangalan para kay Satanas kundi para rin sa planetang Benus?
- ... na mula ang ngalan ng Lungsod ng Ormoc sa Bisayang ogmok o "mababang malalim na lupain"?
- ... na ang Lungsod ng Oroquieta ang naging kabisera ng Pilipinas noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
- ... na ginawaran si Albert Lutuli ng Timog Aprika ng Gantimpalang Nobel Pangkapayapaan noong 1960 dahil sa kaniyang pagtanggi sa apartheid?
- ... na si Edward Bulwer-Lytton ang nagpanimula sa pagsulat sa Ingles ng mga pariralang "pagtugis sa makapangyarihang dolyar" at "mas makapangyarihan ang pluma kaysa espada"?
- ... na si Thomas Lynch, Jr. ay isa sa mga tagapaglagda sa Pagpapahayag ng Kasarinlan ng Estados Unidos bilang kinatawan ng Hilagang Carolina?
- ... na naging mga patrong pampanitikan ni John Lydgate ang tatlo sa mga Haring Henry ng Inglatera?
- ... na si Wilfrid Laurier ang kauna-unahang punong-ministrong nagsasalita ng wikang Pranses sa Canada?
- ... na matatagpuan sa Lungsod ng Maasin sa Katimugang Leyte ang Dambana ng Mahal na Birhen na mararating lang sa pamamagitan ng mahabang hagdanan?
- ... na may kakayahang gumawa ng sariling "bahay-uod" ang mga isdang may baga na matatagpuan sa Australya?
- ... na mga Matinian ang tawag sa mga mamamayang naninirahan sa Lungsod ng Mati, Davao Oriental?
- ... na maraming mga halimbawa ng katuwaan na nanganganib nang mawala dahil sa kaabalahan ng mga makabagong tao?
- ... na si Edgar Allan Poe ang kauna-unahang kilalang Amerikanong manunulat na sumubok na maghanapbuhay sa pamamagitan ng pagsusulat lamang?
- ... na may ilang payak na paraan ng pagtatanggal ng mga mantsa mula sa mga tela at kasuotan?
- ...na ang karamihan sa mga produktong katad ay nagmumula sa mga balat ng baka?
- ... na ang Pambansang Korporasyon sa Elektrisidad ng Pilipinas ang pangunahing tagapagbigay ng kuryente para sa MERALCO, na siya namang nagiisang tagapamahagi ng kuryente sa Kalakhang Maynila?
- ... na bagaman heneral si Robert E. Lee ng Konpederadong mga Estado ng Amerika, napangasawa pa rin niya ang isang apo ng asawa ng unang pangulo ng Estados Unidos?
- ... na ang katalinuhan ng mga hayop ay nasusukat ng mga syentipiko sa pamamagitan ng mga laberinto?
- ... na si Sinclair Lewis ang kauna-unahang Amerikanong ginawaran ng Gantimpalang Nobel para sa Panitikan?
- ... na ang aparatong Geiger ay nilikha nina Hans Geiger, Ernest Rutherford, at Walther Müller?
- ... na may apat na magkakaugmang mga sining pangwika?
- ... na ang Pambansang Kumpanya ng Langis ng Pilipinas ang susing institusyon sa kaunlaran ng panggagalugad at paggamit ng mga likas na pinagkukunang-yaman ng enerhiya sa Pilipinas?
- ... na si James A. Garfield ang unang pangulo ng Estados Unidos na gumamit ng telepono?
- ... na ang Pangulo ng Pilipinas ang nagtatalaga ng pangulo ng Korporasyon ng Seguro ng Deposito ng Pilipinas?
- ... na ipininta ni Thomas Gainsborough si Haring George III nang walong beses?
- ... na nagbigay ang Indya ng apat na relihiyon sa daigdig: ang Hinduismo, Budhismo, Sikhismo, at Jainismo?
- ... na si Francisco de Goya ang puminta ng magkatambal na mga dibuhong Ang Marikit na May-damit at Ang Marikit na Walang-damit?
- ... na nakakagawa ng tintang di-nakikita sa pamamagitan ng sibuyas?
- ... na mga Amang-Tagapagtatag ng Estados Unidos ang sumulat ng Deklarasyon ng Kalayaan at Panukalang Batas ng mga Karapatan ng Estados Unidos?
- ... na ang mga ungguladong mamalya ay mga mamalyang nababalutan ang mga daliri sa halip na may mga normal na kuko?
- ... na ang sulat-kamay ay isang sining na ginagamitan ng kamay imbis na mga aparatong panlimbag?
- ... na ang mga tapir ay mga kamag-anak ng mga kabayo at rinosero?
- ... na may iba't ibang uri rin ang ritwal ng panliligaw?
- ... na si Asterix ay isang kathang-isip na mamamayan ng Matandang Pransiya na lumaban sa mga Sinaunang Romano?
- ... na isang mamamatay-tao ang nagkukuwento sa loob ng nobelang The Tell-Tale Heart ni Edgar Allan Poe?
- ... na ang Dalagitang may Hikaw na Perlas ay itinuturing na Mona Lisa ng mga taga-Nederland?
- ... na si Hello Kitty ay isang pusang may-lahing Hapones at Ingles na walang bibig sapagkat "nagsasalita siya mula sa puso"?
- ... na ang pangalan ng Lalawigan ng Nakhon Sawan ng Thailand ay nangangahulugang Malalangit na Lungsod?
- ... na ang Sabrina, the Teenage Witch ay isang serye ng komiks na binibidahan ng isang dalagitang mangkukulam?
- ... na ang Phu Khe ang pinakamataas na bundok sa Lalawigan ng Nan, Thailand?
- ... na ang Komisyon sa Serbisyong Sibil ng Pilipinas ay pormal na itinatag noong 1900?
- ... na ang Sentrong Pangkumbensiyong Pandaigdig ng Pilipinas ay matatagpuan sa isang reklamadong lugar sa Lungsod ng Pasay?
- ... na bukod sa pagiging pabangong pantemplo, ginagamit din ang galbano (halaman nakalarawan) sa panggagamot?
- ... na ang unya ay mula sa kabibe ng mga kuhol na sangkap sa paggawa ng mga insenso?
- ... na noong unang panahon ang hindi sagradong paggamit ng estakte ay pinaparusahan ng pagpapalayas?
- ... na may leeg din ang mga gitara at damit?
- ... na ang Sentro ng Pambansang Sining ng Pilipinas ay may mga bulwagan, tanghalan, kapilya at mga "pugad"?
Hunyo 2008
baguhin- ... na ang silindro (nakalarawan) ay isang uri ng instrumentong pangmusika na hinihipan o hinihigop ng bibig?
- ... na ang Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas ay isang titulong nakakamit ng mga Pilipinong nakapag-ambag sa kaunlaran ng sining sa Pilipinas?
- ... na ang scanner ay isang uri ng aparatong pang-kopya ng mga dokumento at larawan?
- ... na may iba't ibang uri ng pagluluto ng lugaw sa Korea, Hapon, Pilipinas, Indya, Vietnam at Tailandya?
- ... na ang kantutay ay isang halamang-gamot at palumpong na maaaring gamiting pambakod?
- ... na ang Sentrong Pangkultura ng Pilipinas ang pangunahing institusyon para sa sining at kultura sa Pilipinas?
- ... na ang Paseguruhan ng mga Naglilingkod sa Pamahalaan ang ahensiya ng pamahalaan ng Pilipinas na namamahala ng mga seguro ng mga naglilingkod sa pamahalaan?
- ... na ang Pambansang Kawanihan ng Pagsisiyat ng Pilipinas ay itinatag noong 1936 sa pamamagitan ni Pangulong Manuel L. Quezon at Jose Yulo?
- ... na ang Kawanihan ng Rentas Internas ng Pilipinas ay itinatag noong 1904 na binubuo lang ng 69 na mga opisyal at manggagawa?
- ... na ang Pamilihang Sapi ng Pilipinas ay ang pinakamahalaga at pinakamatagal na pamilihang sapi sa Timog-Silangang Asya (nakalarawan)?
- ... na ang Museo ng Bangko Sentral ng Pilipinas ay isang museo ng mga bagay-pananalapi sa kasaysayan ng Pilipinas?
- ... na ang Komisyon sa mga Patunay ng Pag-aari at Palitan ng Pilipinas ang tumutugon ukol sa mga batas para sa mga katibayan ng pagmamay-ari sa naturang bansa?
- ... na si Michelangelo (nakalarawan) ay isang kilalang Italyanong eskultor, arkitekto, pintor, at manunulang dumisenyo ng simboryo ng Basilika ni San Pedro sa Vatican?
- ... na ang Choose Your Own Adventure ay mga serye ng mga aklat-pambata kung saan nakapipili ng sariling pagsasapalaran ang mambabasa?
- ... na ang Bangko Sentral ng Pilipinas ay itinatag noong 3 Enero 1949 bilang pangasiwaan ng sentrong pananalapi ng Pilipinas?
- ... na ang mga Cassidinae ay tinatawag na mga tortoise beetle sa Ingles dahil sa pagkakahawig nila sa mga pagong?
- ... na ang teks ay isang popular na laro ng mga batang Pilipino na ginagamitan ng mga barahang may mga larawang pang-komiks at diyalogo?
- ... na ang Bangko sa Pagpapaunlad ng Pilipinas ay ang ikapitong pinakamalaking bangko sa Pilipinas batay sa antas ng mga pag-aari?
- ... na sa larangan ng abyasyon, ang pusod ay isang paliparang gamit ng linya ng mga eroplano sa paglilipat ng mga pasahero patungo sa kanilang mga paroroonan?
- ... na ang Pangkat ng Walo ay isang sabansaang poro ng mga pamahalaan mula sa Europa, Hapon at Canada?
- ... na ang Bangko sa Pagpapaunlad sa Aprika ay itinatag noong 1964 para paunlarin ang ang ekonomiya at lipunan sa Aprika?
- ... na ang bayan ng Valencia sa Negros Oriental ay dating kilala bilang Ermita, Luzuriaga at Nueva Valencia?
- ... na ang Bangko sa Pagpapaunlad sa Asya ay itinatag upang itaguyod ang kaunlarang pang-ekonomiya at panlipunan sa mga bansa sa Asya at Pasipiko?
- ... na ang mga Mithiing Pangkaunlaran ng Milenyo ay walong mga mithiing sinang-ayunan ng mga Mga Nagkakaisang Bansa na ibig makamit sa taong 2015?
- ... na ang Sonang Malayang Kalakalan ng ASEAN ay isang kasunduang pangkalakalan ng Kapisanan ng mga Bansa sa Timog-Silangang Asya?
- ... na ang Philippine National Bank ay isang bangkong institusyon na pag-aari ng pamahalaan ng Pilipinas na itinatag noong 1916?
- ... na ang Talatuntunang Komposito ng PSP ay ang punong talatuntunan ng pamilihang sapi ng Pamilihang Sapi ng Pilipinas?
- ... na ang Organisasyon ng Pandaigdigang Kalakalan ay binubuo ng mga 152 kasaping-bansa?
- ... na noong unang mga panahon, ang mga likidong pandikit ay nagmumula sa mga dagta ng puno o hayop?
- ... na si Flash Elorde ay nagtrabaho muna bilang tagapulot ng bola sa bolingan bago maging boksingero?
- ... na ang Awit ng Pagkakaisa ng ASEAN ay isang dalit para sa Kapisanan ng mga Bansa sa Timog-Silangang Asya?
- ... na tinatayang may mga 40,000 di-pampamahalaang organisasyon (o mga NGO) sa kasalukuyan?
- ... na ang Bangkong Pandaigdig ay isang sabansaang bangko na nagbibigay ng tulong pananalapi at teknikal sa mga bansang umuunlad?
- ... na ang Grand Theft Auto ay isang makontrobersiyal na serye ng video game na tumanggap ng batikos mula sa mga kritiko tulad nina Jack Thompson, Hillary Rodham Clinton at Julia Boseman?
Mayo 2008
baguhinAbril 2008
baguhin- ... na unang natutong umarte ang Rusong aktor na si Petr Shelokhonov sa kagubatan noong panahong ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
- ... na ang halimaw ng Lagunang Ness ay pinaniniwalaang isang hayop na naninirahan sa isang lawa sa Eskosya?
- ... na ang Moroni ay ang kabisera at pinakamalaking lungsod sa bansang Comoros?
- ... na ang palosebo ay isang pampistang laro na may kawayang nilangisan?
- ... na ang Cebu ay isang nobelang isinulat ng Pilipino-Amerikanong si Peter Bacho?
- ... na ang estilo ng Sikolohikal na Asosasyong Amerikano ay isang pamamaraan ng pananangguning pandokumentasyon?
- ... na ang unang simbahan sa Lungsod ng San Fernando, Pampanga (nasa mapa) ay itinayo noong 1755?
- ... na ang matandang pangalan ng Lungsod ng San Jose (sagisag nakalarawan) ay Kabatiran?
- ... na ang talang kasaysayan ng mga Hudyo sa Pilipinas ay nagsimula pa noong panahon ng mga Kastila?
- ... na nagbabago ang kulay ng fungus na taingang daga (nasa larawan) kapag nabababad sa tubig?
- ... na ang pangalan ng Lungsod ng Gapan ay hango mula sa dalawang alamat?
- ... na ang Huling Hapunan ay naging paksa sa isang dibuho ni Leonardo da Vinci?
- ... na noong unang panahon, ang mga akwaryong tubig-tabang (nakalarawan) ay pinaiinitan ng bukas at lantad na apoy?
- ... na ang Lungsod ng Palayan ay itinatag ng Kongreso ng Pilipinas noong 1965?
Marso 2008
baguhin- ... na ang Oras ng Daigdig ay isang kaganapang internasyonal kung kailan papatayin ng mga mamamayan ang kuryente sa loob ng isang oras sa isang gabi ng Marso?
- ... na ang Istatwa ng Kalayaan (nakalarawan) ay isang higanteng istatwa na iniregalo ng Pransiya sa Estados Unidos noong 1886?
- ... na kailangang pitasin muna mula sa puno ang mga bunga ng tsiko para bumilis ang paghinog ng mga ito?
- ... na ang Raccoon City ay isang kathang-isip na lungsod na pinamamalagian ng mga taong-bangkay?
- ... na ang Malayang Simbahang Pilipino ay naging kilala bilang Iglesiang Aglipay dahil kay Gregorio Aglipay?
- ... na ang Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus ay isang palabas at bersyong pang-kabataan ng Pinoy Big Brother sa Pilipinas?
- ... na itinuturing ang wikang Arabe bilang isang banal na wika ng Islam, subalit, walang masasabing nag-iisang "wikang Muslim"?
- ... na ang kuskus (nakalarawan) ay isang pangunahing pagkaing nagmula sa Hilagang-kanlurang Aprika?
- ...na ang wika ng pagsesenyas ng kamay sa Pilipinas ay nagsimula noong 1950?
- ... na bukod sa pagiging pasyalang pook, mahalaga rin ang Toreng Eiffel (nakalarawan) sa larangan ng komunikasyon?
- ... na ang Pinoy Big Brother ay isang palabas na batay sa isang palabas mula sa Netherlands?
- ... na si Marlee Matlin ay isang artistang nagkamit ng mga gantimpala kahit hindi nakakarinig?
- ... na ang Hindi Ka Na Sisikatan ng Araw ang ikatlong karugtong ng pelikulang Kapag Puno Na ang Salop?
- ... na unang ginamit ang salitang alkoholismo para sa mga lasinggero (nakalarawan) noong 1852?
- ... na ang tatak na Ajax ay may kaugnayan sa isang mandirigma ng Matandang Gresya?
- ... na si Johann Wolfgang von Goethe ay isang manunulat sa Alemanya na nakaimpluho kay Charles Darwin?
- ... na ang Ako ang Huhusga ay isang pelikula nina Fernando Poe, Jr. at Eddie Garcia noong 1989?
- ... na ang Battle City ay isang larong pangkompyuter na may mga tangke?
- ... na ang mga limatik (nakalarawan) ay ginagamit sa panggagamot bilang mga pampadugo?
- ... na ang Po-on ay ang pinakasimula ng saga ng Rosales ni F. Sionil José?
- ... na ipinagbawal ang My Brother, My Executioner ni F. Sionil José noong may batas militar sa Pilipinas?
- ...na may apat na misteryo na pala ang pagdarasal ng rosaryo (nakalarawan)?
- ...na si Fabian de la Rosa ay naging guro sa pagpipinta ni Fernando Amorsolo?
- ...na ang Florante at Laura ay isang daglat lamang para sa buo nitong pamagat?
- ...na ang pintor na si Pablo Amorsolo ay naging koronel para sa imperyo ng Hapon?
- ...na ang ariwanas (nakalarawan) ay isang pulutong ng mga bituin na kinalalagyan ng ating daigdig?
- ...na ang Ermita ay isang nobela sa wikang Ingles ng Pilipinong si F. Sionil José?
- ...na ang Bata, Bata...Pa'no Ka Ginawa? ay kapwa mga aklat at pelikula?
- ...na ang sanggol ay dumaraan muna sa proseso ng pamumuo bago iluwal (nakalarawan)?
- ...na si Gregorio C. Laconsay ay isang patnugot ng Liwayway at Bannawag?
- ...na ang palamigan ay isang lalagyan na nakapipigil sa pagdami ng mga mikrobyo?
- ...na ang palabas pantelebisyong Kaputol ng Isang Awit ay batay sa isa pang palabas noong 1991?
- ...na ang Lambak ng mga Hari ay libingan ng mga paraon ng matandang Ehipto?
- ...na ang pulotgata ay tinatawag ding lunademiyel at hanimun?
- ...na sa lahat ng pagbubuntis ng mga mamalya, ang pagdadalangtao (anatomiya nakalarawan) ang higit na pinagaaralan?
- ...na mga tao at unggoy lamang ang dumaranas ng pagsasapanahon?
- ...na mayroong lalaki at babae ang mga halamang laurel?
- ...na si Albert Camus ay tumanggap ng Gantimpalang Nobel para sa panitikan?
- ...na si Rowan Atkinson ay isang sikat na komedyante mula sa Inglatera?
- ...na may dalawang uri ang mga kubang kamelyo?
- ...na maraming klase ang mga pinapansit na luglog?
- ...na umaabot sa 6,700 kilometro ang buong kahabaan ng Mahabang Muog ng Tsina (nakalarawan)?
- ...na ang pinakamahabang bibingka ay ginawa sa Dingras, Hilagang Ilokos ng Pilipinas?
- ...na ang Ras el hanout ay isang halo ng mga panimpla sa Kanlurang Asya at Hilagang Aprika?
- ...na ang Pandaka pygmaea ay dating isa sa mga pinakamaliit na isda sa mundo?
- ...na ang Greenwich Mean Time ay ginagamit lang sa Greenwich, London tuwing panahon ng niyebe?
- ...na ang isdang bakalaw (nakalarawan) ay napananatiling sariwa kapag inasnan at pinatuyo?
- ...na ang pinakaunang talahuluganan ay isinulat ng mga Babilonyano noong ika-6 dantaon BCE?
- ...na ang pamamalakad sa ilang lungsod sa Estados Unidos ay may pagkakatulad sa pamamaraang parliyamentaryo?
- ...na si Cyrus the Great ang tagapagtatag ng Imperyo ng Persiya?
- ...na ang Vedas ay mga mahahalagang esktritura mula sa sinaunang Indya?
- ...na ang apulid ay may mga bungang malutong (nakalarawan) at kahawig ng kastanyas?
- ...na ang pangalan ng bayan ng Mabitac sa Laguna ay hango sa salitang bitag?
- ...na maraming uri ng paghahanda ng mga pagkaing almondigas?
- ...na ang Arhentina ay ika-31 sa mga bansang may malalakas na ekonomiya sa mundo?
- ...na ang mga Trapa ay napagkakamalang mga apulid?
- ...na ang Cape Verde ay dating kolonya ng imperyo ng Portugal?
- ...na sa mga kabayo-kabayohan (nakalarawan) ay mga lalaki ang nagbubuntis sa halip na mga babae?
- ...na si Lisa Gerrard ay isang manunugtog mula sa Australya na naging tanyag dahil sa pelikulang Gladiator?
- ...na ang Mga Ibong Mandaragit ni Amado V. Hernandez ay naisalin sa Ingles at Ruso?
- ...na ang pagtitinda ng bangus na walang tinik ay nagsimula sa Dagupan?
- ...na ang pelikulang Dekada '70 ay batay sa isang nobela ni Lualhati Bautista?
- ...na ang paskwa (nakalarawan) ay isang uri ng bulaklak na pang-Pasko?
- ...na si Ana María Orozco ay isang aktres ng pelikulang Yo soy Betty, la fea mula sa Colombia ?
- ...na ang pagkuha ng mga litrato sa Pilipinas (halimbawa nakalarawan) ay nagsimula noong 1840?
- ...na ang Ysabella ay isang palabas ng pag-ibig mula sa ABS-CBN ng Pilipinas?
- ...na si Lualhati Bautista ay isang bantog na nobelista ng Pilipinas?
- ...na noong mga taon ng 1580, tinatawag na bayan ng Dilao ang Paco, Maynila?
- ...na ang lapi ay isang kahanayang pang-taksonomiya na nasa pagitan ng kaharian at ng biyolohiya?
- ...na may kaibahan ang mga larangan ng pagpapaliwanag at pagsasalinwika?
- ...na ang Deutschlandlied (panitik nakalarawan) ay ang pambansang awit ng Alemanya?
- ...na ang alay-ay (nakalarawan) ay isang uri ng panakot sa mga uwak na kahugis ng tao?
- ...na si Tadamichi Kuribayashi ay isang heneral ng Imperyo ng Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
- ...na ang kaharian ay isang antas ng kahanayan sa biyolohiya na nasa ilalim ng dominyo?
- ...na ang halu-halo ay isang meryendang may impluho ng mga Pilipino, Tsino, Amerikano at Indiyano?
- ...na ang uri (nasa larawan) ang pinakapayak na pangkat ng mga may-buhay?
- ...na ang sari, pamilya, orden, at klase (nakalarawan) ay mga hanay ng nilikha sa biyolohiya?
- ...na ang dominyo (nasa larawan) ang pinakamataas na antas sa hanay ng mga hayop at halaman?
- ...na ang Pamantayang Oras ng Pilipinas ay ang opisyal na tawag sa oras sa Pilipinas?
- ...na si Prinsipe Harry ay isa sa mga apo ni Reyna Elizabeth II ng Britanya?
Pebrero 2008
baguhin- ...na ang mga halamang madera (nakalarawan) ang pinagmumulan ng kulay na alisarin?
- ...na si Otto Wilhelm Thomé ay isang mangguguhit (halimbawa nakalarawan) at botaniko?
- ...na ang bughaw-alisya ay kulay na ipinangalan sa anak ni Theodore Roosevelt?
- ...na magkaiba ang paraan sa paggawa ng tapang karne at tinapang isda?
- ...na si Lope K. Santos ang sumulat ng nobelang Banaag at Sikat?
- ...na si Teresa Teng ay isang mang-aawit mula sa Taiwan?
- ...na ang Kubo ni Rubik ay isang laruang pampalaisipan?
- ...na ginagamit na pangulay at pampalasa ng mga lutuin ang mga buto (nakalarawan) ng atswete ?
- ...na ang Biarritz at Cabanatuan ay kapwa mga pangalang panlungsod?
- ...na si Ruhollah Khomeini ay isa sa mga naging pinuno ng Himagsikan sa Iran noong 1979?
- ...na ang pagbibigay ng paunang tulong-panlunas (sagisag nakalarawan) ay maaaring matutunan ng isang pangkaraniwang tao?
- ...na ang sungka ay isang uri ng larong ginagamitan ng tabla at mga butil?
- ...na ang arahan ay isang uri ng isdang kanduli?
- ...na ang SpongeBob SquarePants ay isang animadong serye ng mga guhit-larawan sa Nickolodeon?
- ...na si F. Sionil José (nakalarawan) ay isa sa mga pinakabantog na Pilipinong manunulat sa wikang Ingles.
- ...na hindi ganap na magagaya ng mga kompyuter ang mga kulay ng kalikasan?
- ...na si Fernando Amorsolo ay isang pintor na dalubhasa sa paggamit ng liwanag?
- ...na ang Doraemon ay isang animadong serye ng mga guhit-larawan tungkol sa paglalakbay sa panahon?
- ... na si Joseph Anton Koch ay isang pintor mula sa Austria?
- ...na bukod sa pagiging artista sa Power Rangers, si Michael Copon ay isa ring modelo sa Amerika?
- ...na ang Rosalinda ay isang tele-nobelang mula sa Mehiko?
- ...na ang Kernel ay isang importanteng operating system driver base sa Microsoft Windows?
- ...na ang kadalisayan ng bawat kulay ay makikita mula sa loob ng bahaghari (nakalarawan)?
- ...na ang paraon ay isang pamagat para sa hari ng Egipto?
- ...na ang mga panitikang pambata ay nagsimula mula pa noong ika-pitong siglo?
- ...na ang bedelyo ay isang halamang mababasa mula sa Bibliya?
- ...na ang isa sa mga pinakaunang salaysaying maka-agham (halimbawa nakalarawan) ay nasulat sa loob ng ika-1600 dantaon?
- ...na ang Mehikanang si Thalía ay gumawa ng isang album na pinamagatang Nandito Ako?
- ...na ang Cacatua haematuropygia ng Pilipinas ay kabilang sa mga lorong katala na nanganganib na mawala mula sa mundo?
- ...na mayroong isang uri ng ibon na kung tawagin ay ibong karpintero?
- ...na ang kastanyo ay may labing-walong mga uri?
- ...na ang Klingones ay isang kathang-isip na wika sa Star Trek?
- ...na ang isang bahay ay matatawag lamang na tahanan kung may nakatirang pamilya sa loob nito?
- ...na nagsulat din si Noah Webster (nakalarawan) ng mga aklat hinggil sa ekonomiya, panggagamot, politika, kasaysayan at agham?
- ...na naglingkod si Carlos P. Romulo sa walong Pangulo ng Pilipinas magmula kay Pangulong Manuel Quezon hanggang kay Pangulong Ferdinand Marcos?
- ...na ang kalabasa ay may kulay na pinaghalong narangha at dilaw?
Enero 2008
baguhin- ...na isang lutuing Pilipino ang kare-kare na may niligis o dinurog na mani at mga laman at paa ng baboy o laman at buntot ng baka?
- ...na sa pagpupursige ni Martin Luther King, Jr. ay nagdulot sa Martsa sa Washington noong 1963, kung saan inihayag niya ang kanyang talumpating Mayroon akong Pangarap ("I Have a Dream")?
- ... na maraming mga bihirang hayop at mga lihim na ilog sa Phong Nha-Ke Bang sa Vietnam?.
- ... na unang pangkalakalan (commercial) na pelikula na may elementong pagbatikos sa pamamalagi ng mga base militar ng Estados Unidos sa Pilipinas ang Minsa'y Isang Gamu-gamo?
- ... na noong 16 Oktubre 2002, ginawang santo ni Papa Juan Pablo II si Josemaría Escrivá?
- ... na Lauro Z. de Guzman ang superyor ng Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Marikina?